You are on page 1of 3

FABM2 2.

0 SINGLE-STEP APPROACH IN PREPARING STATEMENT OF COMPREHENSIVE INCOME


(Explained in Taglish by Sir RDS)

Ito naman ang isa sa mga second week discussions ng Fundamentals of Accountancy Business and
Management 2. Ang focus naman natin ngayon ay kung paano magprepare ng Statement of
Comprehensive Income. Sa simula, idedefine muna natin ito at ieexplain ang ilang mga terms and then
we will end up preparing this particular financial statement. Okay?

📍Statement of Comprehensive Income is a financial statement that presents the success or failure of
buusiness operations of a company for a given period, in terms of profitability.

Ang statement of comprehensive income ay isang report na nagpapakita kung matagumpay ba o nag-fail
ang operation ng business. Nag-succeed kasi may na-achieve ang target profit, nag-fail naman kasi hindi
or worse nalugi pa. Sa financial statement kasi na ito ay ipinapakita ang lahat ng naging sources of
income ng business at lahat din ng mga nagastos to generate the income. Sa financial statement na ito
matutulungan natin bilang accountant ang mga managers especially yung mga nasa operations on their
decision-making.

Nung ako ay naging manager ng isang fastfood chain, we are always asking the branch accountant na
magprovide ng SCI, doon tinitignan naming how well we performed. Mayroon kasing mga acceptable
ratio or percentage ng expense sa income. Halimbawa sa Salaries expense dapat dyan ay at least 6%
lang ng sales, ngayon kapag hindi 6% doon kami mmagdeliberate ano ang mga contributors bakit ganun.
Possible reason na maaring maobserve ay, ang daming crew na nakaduty kahit low volume, ang daming
unnecessary overtime, or yung crew na may malaking rate ay nakaduty ng holiday or external factors
like masama ang panahon kaya mababa ang sales. In this way, magdedecide kami what to do next
period. Same as with electricity, meron lang din itong acceptable percentage, kapag tumaas, observe
naming bakit ganun, possible ang daming equipment na nakabukas kahit pwedeng isa na lang or yung
aircon sa ibang areas ng restaurant nakabukas kahit walang tao, kaya may mga strategies din ang mga
restaurants na per area ang i-open sa customers para tipid din sa electricity. Yan kasing mga expenses na
iyan ay controllables ibig sabihin maaaring pababain para mas malaki ang profit.

Baka nagbabasa ka din ng ibang books, ang iba pang term sa Statement of Compehensive Income ay
Income Statement, Statement of Performance, Statement of Financial Performance o Statement of
Income.

So doon muna tayo sa preparation ng SCI using Single-step approach. Bakit kaya sya tinawag na single-
step? Dahil ba wala syang jowa? Haha Kaya single-step kasi yung mga expenses diretso na ibinabawas sa
income. INCOME MINUS EXPENSES IS EQUAL TO PROFIT OR LOSS. Ganyan kadiresto. Haha Ginagamit
ang ganitong approach kapag ang type ng business ay SERVICE.

Revenue refers to the economic benefits that flow to the business in the form of increases in assets.

Ang revenue ay kaparehas lang ng income (totoo po may nalilito dyan). Ito yung kinita ng business sa
pagperform nito ng serbisyo sa mga clients. Ang mga accounts na under ng revenue ay ang revenue or
income accounts (aba eh syempre hahaha) yung mga revenue account dito nirerecord lahat ng kita na
na-earn ng business sa pagperform ng service. Ang mga revenue accounts kadalasan ay isinusunod o
ipinapangalan sa nature ng business o kung ano ang service na ginagawa, halimbawa Laundry Revenues
para sa mga laundry shop, Cleaning Revenues para sa mga housekeeping agencies, Tutorial Revenues
para sa mga tutorial businesses, Printing Revenues para sa mga printing shop at pwede din Rent
Revenue para sa mga nagpaparenta. Meron din namang iba pang source of income ang business,
halimbawa sa isang computer shop, yung mains source of income nito ay yung rent ng mga naglalaro ng
mobile legends haha at ng iba pang customers, may printing, scanning, typing jobs at iba pa. Pero pwede
din na may iba pa silang source of income tulad ng kung nagpautag sila may interest na makukuha
(Interest Income), nag-invest sila sa isang cooperative at may dividend na makukuhha (Dividend
Income), nagbenta ng lumang unit ng computer (Gain on sale of asset). So lahat ng naging source ng
income ng business kahit hindi ito ang major source of income ay dapat na naka-report.

Expense pertains to a decrease in economic benefits of the business due to reduction in assets or
addition to liabilities, resulting from the business operations.

Sunod naman natin ay ang expense accounts. Ito yung mga gastos ng company. Wala namang company
na nag-generate ng income na walang ginastos pero hanggat maaari as managers dapat ma-control
natin ang mga gastos na ito but not to the extent na sobrang tipid naman na nahihirapan na nag mga
employees ng business. Narito ang ilan sa mga expense accounts.

1. Salaries or Wages Expense- includes all payment as a result of employee-employer relationship.


(Sahod ng mga empleyado, kasama 13th month pay, overtime pay, holiday pay lahat lahat na, pero sa
tunay na buhay hiwa hiwalay yan pag nirecord)

2. Utilities Expense- is the cost incurred by using utilities such as electricity, water, waste disposal,
heating, and sewage. (bayad sa kuryente, tubig, internet, at telepono, pwede ding hiwa hiwalay yan
depende sa problem pero again sa tunay na buhay hiwahiwalay yan haahhaha)

3. Taxes and Licenses Expense- costs to register the business, the right to operate, and to settle taxes.
(Pambayad sa business permit, cedula, barangay clearance, sanitary permit, certificate of registration at
mga permit)

4. Supplies Expense- amount of supplies used during a particular accounting period. (Yan yung mga
nagamit na bond paper, ink ng printer, ballpen, papel, envelope sa office, supplies expense yan)

5. Doubtful Accounts Expense- refers to the amount of accounts receivable that is estimated as as
uncollectible. (Kapag mukang di ka na babayaran ng nangutang sayo, hahah kailangan mon a i-declare as
expense yung amount na possible hindi mabayaran)

6. Depreciation Expense- refers to the allocated portion of the cost of property, plant and equipment
charged to expense in the current accounting period. (Ito naman yung account title na gingamit para
irecord as expense yung pagkalaspag ng ari , ang pangit pakinggan hahhaha, yung halaga ng pagkaluma
ng isang property ditto mo sya irerecord)
7. Rent Expense- payment for rent during a particular accounting period. (bayad sa upa, pwedeng upas a
pwesto, sa machine)

8. Miscellaneous Expense- other expense. (Pag walang paglagyan dito mo ilalagay hahhahaha)

Marami pang ibang expense accounts depende sa kung ano ang pinagkagastusan halimbawa, insurance
expense, repair expense, maintenance expense, advertising expense, royalty expense at iba pa.

Sa picture ay may makikita kang example ng isang SCI using single-step approach.

Please subscribe to the Official YouTube Channel of ABM Online PH,

https://youtu.be/PnZerhcM7IU

Maraming Salamat!

So ito yung example ng isang SCI.

Una, yung Heading. Isulat ang panagalan ng company, susundan ng pangalan ng financial statement na
ginawa, sa case na ito, Statement of Comprehensive Income, at sa third line ay yung “For the period
ended followed by the date” For the period ended kasi lahat ng accounts na nasa SCI ay nominal or
temporary accounts, hindi na sila fino-forward sa next accounting period.

Revenue accounts muna then expense accounts. Kung marami ang revenue accounts pwedeng
maglagay muna ng subtotal ganun din sa expenses. I-minus ang total expenses sa total revenues. Kapag
mas malaki ang total expenses ay net loss kapag mas malaki naman ang total revenue ay profit or net
income. Ang peso sign sa simula lang ng mga column at sa profit or loss, wag din kalimutan ang double
rule.

You might also like