You are on page 1of 3

FABM2-1.2.

1 CLASSIFICATIONS OF ASSETS: CURRENT OR NON-CURRENT (Explained in Taglish by Sir RDS)

Nung nakaraan napag-aralan natin ang tatlong major accounts sa statement of financial position. Ito ay
ang assets, liabilities at owner’s equity. Under each major accounts ay may mga accounts, and those
accounts must be classified if current or non-current.

ASSETS

Assets should be classified only into two: current assets and non-current assets. Per revised Philippine
Accounting Standards (PAS) No.1, an entity shall classify assets as current when:

a. it expects to realize the asset, or intends to sell or consume it, in its normal operating cycle;

b. it holds the asset primarily for the purpose of trading;

c. it expects to realize the asset within twelve months after the reporting period;

d. the asset is cash or cash equivalent (as defined in PAS No. 7) unless the asset is restricted from being
exchanged or used to settle a liability for at least twelve months after the reporting period.

So iyan ang magiging basis natin for classification. If hindi mag-fall dyan (sa akin na lang haha) it will be
classified as a non-current asset. So saan ko ba muna nakuha yan? Sa libro po ni Sir Win Balllada (Ui
kilala nya. Haha sya yung author ng accounting books, made easy ang nakalagay, easy nga ba? Oo
naman!  ) Ipaliwanag natin one by one.

a. ang ari-arian daw na ito ay maaring magamit, maubos, maibenta sa normal na operating cycle. Ano
yung operating cycle?Ito yung panahon sa pagitan ng pagkakabili nung asset at sa time na ma-convert
ito sa pera. Halimbawa, merchandise inventory (kapag grocery ito yung de lata, keso, chichirya,
toothpaste in short yung mga paninda) after mo makuha sa supplier mo ang mga grocery tingin mo ba
tatagal yun sa grocery store mo ng matagal na panahon as in 3 years? 5 years? Hindi. Ibig sabihin,
MABIBILI at MAUUBOS ITO agad ng mga customer mo.

b. ang pangunahing purpose ng asset na ito ay para maibenta o para makatulong magcreate ng benta o
maiperform ang service. Halimbawa, cash, to sustain yung daily operations ng business you need cash
para magbayad ng sweldo ng employee, magbayad ng kuryente, magbayad ng utang, mamili ng iba pang
property. So ibig sabihin with this nagcocontinue ang operation ng business mo because sa asset na
iyan.

c. Dito pumapasok ang liquidity na tinatawag. Sir ito ba yung sa science solidity, liquidity, gasity? (Ok last
ko na iyan hahhaha) Pag sinabi nating liquidity, ito yung bilis ng isang asset bago ma-convert sa pera.
Halimbawa, receivables, (unless stated na long-term ang receivable ibig sabihin babayaran ng mahigit pa
sa isang taon) if ma-convert or masingil mo yung mga pautang mo or stated na ang utang ay babayaran
halimbawa for 30 days, 45 days, 6 months, it is classified as current asset. (Yung receivable mo sa
kaklase mo, ano ang classification? Haha more than 1 year na ba?)
d. sa pang-apat na criteria diretsahan na, pera o yung mga bagay na ang katumbas ay pera. Ano muna
ang cash equivalents? Iyan ay mga short-term investments, halimbawa treasury bills or government
bonds. Actually para din yang utang pero tumutubo ng interest. Sir sino po nangutang sa business o
kanino po ipinautang ng business? Sa gobyerno. Yan yung pag nangutang at pinautang mo sure na
magbabayad s’yo, gobyerno yan eh. Hehe (medyo i-discuss ko na din ha?) Bakit po nangungutang ang
gobyerno? Minsan kulang sa budget. Halimbawa may government projects kulang sa pondo, instead na
mangutang ang gobyerno sa banko o sa China (HAHAHHAA joke lang po wag nyo po ako ipakulong
HAHA) mangungtang na lang ang gobyerno sa mga mamamayan nito sa pamamagitan ng pag-iissue ng
bonds at treasury bills. Astig di ba? Haha.

CURRENT ASSETS

Ako dati para madali ko matandaan kung current, pag tagalog kasi ng current, kasalukuyan, ibig sabihin
madaling mawala, nagagamit agad, hindi nagtatagal (parang kayo ng jowa mo haha) kaya ayun
natandaan ko sya. Okay so magbigay ako ng halimbawa ng mga current assets.

1. Cash- any medium of exchange that a bank will accept for deposit at a face value. (Bukod sa coins and
currencies kasama din dyan yung cheke, o kaya man ay bank deposits considered as cash pa din)

2. Cash equivalents- short-term, highly-liquid investments that are readily convertible to known
amounts of cash and which are subject to insignificant risk of changes in value. (pinaliwanag ko nay an
kanina kung talagang nagbabasa ka haha pero dagdag ko lang yung nasabing “insignificant risks” yung
danger na hindi ka mabayaran ay almost impossible dahil government ang may utang sa business mo)

3. Notes receivable- is a written pledge that the customer will pay the business a fixed amount of money
on a certain date. (ito yung customer mo na nangutang tapos may promissory note)

4. Accounts receivable- claims against customers arising from sale of services or goods on credit. (yes di
muna nagbayad si bes sa graham balls na tinda mo)

5. Invetories- assets held for sale in the ordinary course of business. (bukod sa eample ko kanina na mga
paninda sa mga retail stores, kasama din dyan yung mga materyales para gawin yung finished product,
karaniwan yan sa mga manufacturing businesses)

6. Prepaid expenses- expenses paid for by the business in advance. (Nakakita ka langg ng expense,
expense account na. yan ay asset account, mga gastos na binayaran mo na in advance. Halimbawa one-
year insurance, 6-months rent. (But if specified na more than a year ang binayaran considered sya as
non-current)

NON-CURRENT ASSETS

1. Property, Plant and Equipment- these are tangible assets that are held by enterprise for use in the
production or supply of good or services or for rental to others, or for administrative purposes, and
which are expected to be used during more than 1 period. Ito yung PPE na alam ng mga ABM at
accountancy students. Halimbawa nito ay Land, Equipment, Building, Furniture and Fixtures at Machine.
Sa example pa lang alam mo ng matagal itong magagamit, it can take several years para magamit ng
business. Though nag-dedepreciate (nalalaspag) except sa land but still hindi naman sya in less than a
year para mapakinabangan. Dagdag ko lang ano ba pinagkaiba ng furniture sa fixture, kasi madalas ko
yan nababasa pero ano ng aba? Haha Pag furniture, an tama ang nasa isip mo, chairs, tables, karaniwan
naigagalaw at pwedeng ilipat. Pag fixtures naman kabaligtaran, stack sya in place, halimbawa cubicle
partitions, shelves, at ceiling fans.

2. Intangible assets- identifiable, non-monetary assets without physical substance but are held for use
by the business. Halimbawa ay patents, copyrights, licenses, brand names, mga sikretong proseso, at iba
pa.

3. Biological assets- are assets used by agricultural business in the production of goods and services.
Ayan naman yung kung supplier ka ng itlog sa mga palengke, o gatas, ang biological asset mo ay ang mga
manok at baka.

4. Long-term investments- ito naman yung kabaligtaran ng kanina, if stated na yung mga marketable
securities (short-term investments) ay for a long time so mag-fall sya as non-current asset.

Eh Sir bakit po ba kaiangan pa i-classify kung current or non-current? Una, kasi you are preparing a
report, it must be presented in detail and pangalawadito nakikita ng mga stakeholders (owners,
suppliers, potential investor etc) kung gaano ka-liquid ang isang company. It aids for decision making
kumbaga.

You might also like