You are on page 1of 2

1. Ano-ano ang katangian at kasiningan ng panitikang-bayan? Ipaliwanag.

 Ito ang tradisyunal na pasalitang pagpapahayag ng sinaunang mga tao tungkol sa


kamalayan nila sa kanilang likas na kapaligiran (tulad ng bundok, karagatan at kalawakang
kanilang nakikita), pamayanan o lipunan at kaisipan.
 Nasa iba’t ibang anyo at katawagan ang panitikang ito, ayon sa kanilang pang-araw-araw
na gamit sa lahat ng aspekto ng kanilang pamumuhay
 Saklaw ang pandaigdigang pag-uuri tulad ng panulaan (pag-awit), paglalahad, salaysay at
pag-aksyon (dula)
 Maaaring mahaba o maikli ang salaysay na may tempo na ukol sa kasakiman, poot,
panibugho at pag-ibig
 May tagpuan na kahanga-hanga sa likas na mga katangian tulad ng kagubatang may
malalaking punongkahoy, halamang hitik sa mga bulaklak, lawa’t ilog at iba pa.
 Payak ang banghay o plot nito
 May salungatan o conflict na makapigil-hininga, nakatitinag ng damdamin, ngunit
nakapagbibigay ng kasiyahan sa wakas
 May estilo na malinaw, matipid at maindayog o maaliw-aliw ang pananalita
 Kasiningan ng mga genre sa magiging “persepyon” ng mga mambabasa tulad ng:
a) Kariktan ng motif nito
b) Paulit-paulit,may ritmong pagsasalita at kumpas ng mga kamay
c) Pagsasayaw sa tiyak na direksyon
d) Mga sangkap na mahikang nakakalikha ng kaaliwan at nakakapagpakilos sa
imahinasyon

Ang karunungang bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan ito ay nagiging daan upang
maipahayag at maipabatid ang mga ideya at kaisipan na nabibilang sa bawat kultura at tradisyon
ng mga tao. Naipapabatid ang sariling kahusayan, mga kapintasan at kahinaan upag maging daan
sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng kakayahan ng isang tao gayundin, natutuklasan ang sariling
talino at kasanayan. Dagdag pa rito, mayroong kakayahang gisingin ng panitikang bayan ang
mga huwiyo (senses) ng mga mamamayang nagpapahalaga rito. Sa kabuoan, ang karunungang
bayan na isang bahagi ng panitikan ay nagpapabatid at nagpapakita ng pagiging isang tunay na
Pilipino na marunong magmahal sa sariling kultura at magmalasakit sa sariling panitikan.  

2. Paano nag-ugat ang panitikang katutubo sa Pilipinas?


 Pasaling-dila : ikinukwento ng mga matatanda sa mga bata ang mga ito. Kagaya na
lamang ng ating mga lolo at lola natin na kanilang ibinabahagi nila sa atin ang
kagandahan ng ating kasaysayan at panitikan na tiyak na kapupulutan natin ng aral at
maaari din natin itong gamiting sa ating sarili kapag kinakailangan.
 Pasulat: Isinusulat ito sa mga kawayan na kung saan ito ang nag nagsisilibing papel
nila dahil noong panahon iyon ay limited pa lamang ang kanilang kagamitan. Ang
kanilang mga ukit sa kawayan ang nagsisilbing ebidensya na noon pa man ay
kakikitaan mo ng talino ang ating mga ninuno. Ito ang nagsisilbing libangan at dito
rin nila inilalabas ang kanilang nadarama o sakit ng klalooban.

3. Sa kontemporaryong panahon, mababakas pa rin ba ang mga sinaunang anyo ng


panitikan? Ipaliwanag.

Masasabi kong mababakas pa rin ang mga sinaunang anyo ng panitikan at hindi parin
masyadong nalalayo ang mga pamamaraan ng pagsulat nito. Napakarami parin ang mga
Pilipinong manunulat na nagpapatuloy na maglimbag ng kani-kanilang sariling aklat sa hangarin
na maipagpatuloy pa rin ang nasimulan ng ating mga ninuno upang mapaunlad ang Panitikan ng
Pilipinas lalo na’t nasa bagong henerasyon na tayo na kung saan umusbong ang mga teknolohiya
na magiging dahilan ng pagkalimut sa ating panitikan. Bagama’t bago mahuli ang lahat ay sana
ay magkaisa ang lahat ng nakakataas na antas na panatilihin, payabungin at panatilihing
nakapreserba ang mga ito upang sa gayon ay mananatili at mapag-aaralan pa ito sa hinaharap.

4. Ano ang halaga kung magbabalik-tanaw sa mga ugat ng panitikan sa Pilipinas?

Ang pag-aaral ng ating sariling panitikan ay napakahalaga. Sa pamamagitan nito ay malalaman,


madarama at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno.
Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan
sa nakaraan upang sa ganoon ay maharap natin ang darating ng may lakas at talion. Sa pag-aaral
natin ng ating panitikan ay mababatid nating ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog
at mararangal na simulain na naging puhuhan sa pagbuo ng isang lipunan.

You might also like