You are on page 1of 26

Ugnayan ng Wika at Ideolohiya:

Ang Paglalarawan sa Rehistro ng


mga Magsasaka sa Bulacan
• Sosyolingguwistika
• Speech community (Spolsky 1998, 24)
• Speech community (Wardhaugh 1998,
116)
• Speech community (Morgan, 2006)
• Speech community ( nasa Giglioli 1987,
230)
• Diskurso
 Naglalahad ng kanilang henerasyon, okupasyon, politika, mga
ugnayan o relasyong panlipunan, identidad, at iba pa.
• Reportaire ng wika o baryedad
 Binubuo ito ng mga taong laging nakikipag-ugnayan sa isa’t isa at
hindi lamang iisang wika ang kanilang pinagsasaluhan.
• Baryasyon ng Wika
 Ang isang komunidad ay binubuo ng mga sector o iba-ibang grupo
ng mga indibidwal na may sarili o kani-kaniyang ding paraan ng
paggamit ng wika gaya sa kasariang kinabibilangan ng mga bakla,
magsasaka at iba pa.
• Rehistro ng wika
Baryasyon ito ng wika na ang konsern ay mga tiyak at espesyal na set ng
mga salita o bokabularyo na iniugnay sa isang propesyon o okupasyon
• Layunin ni Agha (2007, 1) sa kaniyang aklat na language and social
relations
 Ang patuluyang ugnayan ng tao at lipunan ay nagbubunga ng likas
na pagkakaroon ng pagkakaiba sa paggamit ng wika.
• Bibber at Conrad 2009, 4
Maaaring gumagamit ng ibang lingguwistikong anyo sa magkaibang
okasyon at maaari ring magpahayag ang magkaibang ispiker ng isang
wika sa ibang paraan na pareho lamang ang nais ipahayag.
Magtanim ay Di Biro: Ang Bulacan at ang
Rehistro ng Pagsasaka
• Bulacan
• Lupang sakahan
• Rainful areas
• Agro-forestry
• Pangingisda at pagtatayo ng fishpond
Salita sa Pagsasaka: Rehistro sa Wika ng mga
Magsasaka sa Bulacan
• Halliday 1978
 Ang rehistro ay isang paraan ng pagsasalita o paggamit ng wika sa
iba’t ibang bagay, sumasalamin ito sa panlipunang proseso.
• Halimbawa:
1. Dibisyon ng paggawa
2. Konteksto
3. Tiyak na aktibiti
• Spolsky 1998
• Field
• Mode
• Tenor
• Trudgill (2000)
 Ito ay mga lingguwistikong varayti na iniugnay sa okupasyon,
propesyon o paksa.
• Wardhaugh (2006, 25)
 Ang varayti ng wika ay makikita sa mga tiyak na set ng
lingguwistikong aytem o human speech pattern (tunog, mga salita,
gramatikal na katangian) na iniugnay naman sa mga eksternal na factor
gaya ng lipunang kinabibilangan.
Termino ng Pagsasaka

• Gamit sa Bukid
1. Tulos. Matulis na kahoy na pinagtatalian ng sinulid.
2. Sinulid. Nakatali sa tulos para panakot sa mga ibon.
3. Limpiya. Talim ng araro.
4. Suyod. Instrumentong pandurog ng lupa.
5. Lilik o Karit o Lingkaw. Talim na gamit sa paggagapas.
6. Lapat/Bule. Pantali na yari sa kawayan. Kadalasang kinikiskis
ito nang manipis.
7. Salakot. Sombrero ng mga magsasaka
8. Tuperdi. Kemikal pamatay sa mga damosa bukid.
9. Lona. Gamit sa pagpapatuyo ng palay.
10. Traktora. Ginagamit sa paggigiik ng lupa.
11. Kalaykay. Yari sa kahoy na ginagamit sa pagpantay sa ibinibilad na
palay.
12. Dapurak. Uri ng traktora.
13. Kuliglig. Uri ng traktora
14. Kareta. Karitong walang gulong.
15. Punla. Itinatanim na palay sa bukid.
Kahulugan na naglalarawan sa mga gawain sa
pagsasaka
Kahulugan na naglalarawan sa mga gawain sa
pagsasaka

• Halimbawa:
1. Sinulid- na ang dalang esensiya ay pantaboy sa mga ibong sumisira
sa tanim na palay.
2. Kuliglig- naman ay maiit na traktorang katulad ng dapurak
ginagamit din sa pagdurog ng lupa ngunit para lamang ito sa mga
lupang may kaunti lamang damo.
 
• Dapurak
 Ang tawag sa malaking traktora na ginagamit sa pagbubungkal ng
lupa na may malalagong damo.
 
Proseso ng Pagsasaka

1. Basag. Pagbabasag ng lupa sa bukid.


2. Halang. Pahalang na pagsusuyod sa lupa para madurog ito.
3. Distunte. Aktuwal na paghahalang.
4. Linang. Pagpantay sa lupa o bukid bao taniman.
5. Sagwan. Pagsaboy ng palay sa punlaan.
6. Bunot. Pagkuha sa mga punla sa punlaan.
7. Gapas. Pagpuputol sa pag-aani ng palay.
8. Giik. Tawag sa proseso ng paglulugas ng balat ng palay.
9. Kamada. Pagpapantay- pantay sa patong ng palay sa isang lugar.
10. Sakate. Pagputol ng damo sa pilapil
11. Haya. Paraan ng pagbibigkas ng palay sa paraang maliliit.
Mga Punla ng Ideolohiya. Pagsuysoy sa mga
Salita ng Magsasaka
• Ruth Wodak (2007)
Sa kaniyang artikulong Language and Ideology,
may masalimuot na koneksiyon ang wika sa
ideolohiya nang hindi ideolohikal per se.
• Coupland, Sarangi at Candlin (2001, 244)
Dagdag nila na hindi eklusibong may relasyon sa
wika ng ideolohiya
• Language attitudes
 Inihulog naman ni Patrick (2009) ang sinasabi nina Coupland at mga
kasama sa konteksto ito na tiyak na espesipiko, low-level state o tugon at
maaaring mga opinyon.
• Van Dijk (1995, 17)
 Ang ideolohiya ay tipikal, bagaman hindi eklusibo, na ipinahayag at
inianak sa diskurso at komunikasyon kasama ng di-berbal sa
semiotikong mensahe, gaya ng mga larawan at palabas.
• Social cognition
 Sa kaso ng mga magsasaka, bilang isang
speech community ay tinawag nila ito na
nagturing sa ideolohiya bilang kognitibo at
sosyal na gawain pangkomunikasyon.
• Maceda ( 1996)
 Binanggit niya sa kanyang aklat na Mga Tinig
Mula sa Ibaba Kasaysayan ng Partido Komunista
ng Pilipinas at Partido sosialista ng Pilipinas sa
Awit taong 1935 hanggang 1955 na nagkaroon ng
lakas ng pagkakaisa ang mga magsasaka para
maging mas mabisa nilag maipaglaban ang
kanilang karapatan at pang-aabusong naranasan
tulad ng napakaliit na pasahod, bantang mapalayas
sa sinasaka at iba pa.
Mula sa kanilang salita ang larawan ng kalagayan ng
mga magsasakang aktuwal na nagbababad sa
pagtatanim sa kanilang sakahan o bukid

1. Kaban. Sukat o dami ng palay sa isang sako. Apat na balde ng palay o


28 salop ng palay ang isang kaban.
2. Kasama. Magsasaka na hindi pagmamay-ari ang lupa o bukid na
sinasaka.
3. Proletaryo. May-ari ng lupang sinasaka ng kasama.
4. Kabisilya. Nagdedestino sa mga manananim. Siya ang kadalasang
tinatanong ng mga nagpapatanim.
5. Buwis. Ibinabayad sa may-ari ng lupa. Sa isang ektarya, 6 na kaban
ang bayad.
6. Hunos. Bahagi ng manggagapas sa kanilang paggapas.
7. Tampa. Nagpapautang sa mga magbubukid.
•Proletaryo at tampa
•Kasama
•Dikotomiya sa estado ng buhay
magsasaka
• Sturtevant (1976, 62)
 The kasama or aparceria system prevailed throughout
the Philippines, it was most deeply embedded in rice
growing regions. According to customary arrangements,
landowners furnished the paddies and the seed together
with the cash necessary for transplanting and harvesting,
while tenants (kasamas or apaceros) provided labor,
tools, and work animals. The apacero also assumed
liability for half the costs involved in palay (unhusked
rice) production. After expenses had been deducted from
the tenant’s portion of the crop, the remainder was
divided equally between the contracting parties.
• Kasama, proletaryo at tampa
 Malinaw na ang hindi pagkakaroon ng
pantay na uri ng mga magsasaka ay nagpaunlad
ng mga kamalayang panlipunan tungkol sa
kalagayan ng pagsasaka
• Guillermo
Inaanak mula sa mga karanasan at kolektibong
opinyon ng mga magsasaka.

You might also like