You are on page 1of 265

Barayti at Baryasyon

ng Wika
Unang Semestre
2019-2020

Shirley C. Veniegas, PhD


KABANATA III
ANG DIMENSYON NG WIKA
Introduksyon
 Bahagi ng metalinggwistik na pag-aaral ng
wika ang pagkilala sa mga barayti nito.
 Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay
ipinapaliwanag ng teoryang
sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya
ng pagiging heterogenous ng wika.
Introduksyon
 Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika
sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng
kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba
pa.
 Samakatwid, may dalawang dimensyon ang baryalidad ng
wika-ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal.

(Constantino, 2006)
Dimensyong Heograpiko
• Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng
dimensyong heograpiko.
• Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat.
• Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na
rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
• Ayon sa pag-aaral ni Ernesto Constantino,
mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek
na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa.
Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga
sumusunod:
a) Ibanag ng Isabela at Cagayan
b) Ilocano ng Ilocos
c) Pampango ng Pampanga
d) Pangasinan (Pangasinense) ng Pangasinan
e) Bicolano ng Kabikulan
Sa Visayas ay mababanggit ang mga
sumusunod:
a) Aklanon ng Aklan
b) Kiniray-a ng Iloilo, Antique at Kanlurang
Panay
c) Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay
d) Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba pa.
Samantala, ilan sa mga dayalek sa Mindanao
ay ang...
a) Surigaonon ng Surigao
b) Tausug ng Jolo at Sulu
c) Chavacano ng Zamboanga
d) Davaoeño ng Davao
e) T’boli ng Cotabato
 Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa
pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo
kundi maging sa punto o tono at istraktura ng
pangungusap.
 Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga
naninirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang
wika.
 Iba ang pananagalog ng mga naninirahan
sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng
isang wika. iba ang panagagalog ng taal
na taga-Maynila sa taga-Batangas, Taga-
Bulacan at taga-Rizal.
KABANATA V
MGA TEORYA AT
PANANAW
SA BARAYTI NG
KABANATA V Mga Teorya at Pananaw sa Barayti ng Wika
a) Sosyolinggwistikong Teorya
b) Teoryang Akomodasyon
Kabanata VI Heograpikal, Morpolohikal, at Ponolohikal na Barayti ng Wika

WIKA
I. Introduksyon
• Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunan
ngayon ng mga pag-aaral at pananaliksik ang tungkol
sa pagkakaiba ng wika o varayti at varyasyon ng wika.
• Kaugnay ng pagpaplanong pangwika na isinasagawa
sa mga bansa na multilinggwal ang mga tao, may mga
isyung panglinggwistiko na kaugnay ng pagkakaroon
ng varayti ng wika.
I. Introduksyon
• Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at
varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga
linggwist ng pagiging heterogeneous o
pagkakaiba-iba ng wika. (Saussure,1916)
• Hindi kailanman pagkakatulad o uniformidad ng
anumang wika. (Bloomfield, 1918)
I. Introduksyon
• Ayon kay Roussean (1950) ang varayti at varyasyon
ng wika ay dala ng tao na may iba’t ibang lugar na
tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Sa
pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang
mga gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta
sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang
nagiging panukat sa progreso ng tao.
I. Introduksyon
•Ang mga pagkakaibang ito ng/sa wika ay
nagbunga ng iba’t ibang pagtingin,
pananaw at attityud dito kaugnay mg di
pagkakapantay-pantay ng mga wika pati ng
mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon
(Constantino, 2000).
Mga Teorya at Pananaw sa Varayti ng Wika
• Nasa kamalayan na ng mga pilosopo sa ika-18 siglo
(Williams, 1992) ang pagkakaroon ng mga uri o
varayti ng wika na nakikita sa katayuang panlipunan
ng isang indibidwal.
• Dito nagsisimula ang mga pag-aaral sa varayti ng
wika na naging bahagi ng larangan ng
sosyolinggwistika. At sa pagdaan ng panahon,
nagbunga ito ng mga teorya at konsepto kaugnay ng
pagtuturo at pagkatuto ng wika.
A. SOSYOLINGGWISTIKONG TEORYA
• Ang teoryang ito ay batay sa palagay na ang wika
ay panlipunan at ang speech (langue) ay pang-
indibidwal.
• Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang
kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga
relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito.
A. SOSYOLINGGWISTIKONG TEORYA
•Para naman kay Saussure (1915), ang
wika ay hindi kumpleto sa sinumang
indibidwal o nagsasalita, nagagawa
lamang ito sa loob ng isang kolektibo o
pangkat.
2 Paraan ng Paghahalo ng mga varayti ng wika,
dayalekto at register
1. Code Switching o palit-koda
• Ang isang nagsasalita ay gumagamit ng iba’t ibang
varayti ayon sa sitwasyon o okasyon.
Halimbawa:
“ O, how sungit naman our teacher in Filipino.”
“ Hoy, na gets mo ba sabi ko sa text ko?”
1. Code Switching o palit-koda
Halimbawa:
It’s so hard naman to make pila-pila here.”
Tandaan:
Ito ay tinatawag na conversational code switching
kung saan ang nagsasalita ay gumagamit ng ibang
varayti o code sa iisang pangungusap.
Paghahalo ng Ingles at Filipino
1. Code Switching o palit-koda
Palit-koda na sitwasyonal o pagbabago ng code
depende sa pagbabago ng sitwasyon na kinalalagyan
ng tagapagsalita.
Halimbawa:
Pagbabago ng code ng konduktor ng bus patungong
Baguio mula sa pakikipag-usap niya sa mga pasahero
na nagmula sa Metro Manila, Pampanga, Pangasinan,
Tarlac at sa mga pasaherong galing Ilocos.
2 Paraan ng Paghahalo ng mga varayti ng wika,
dayalekto at register
2. Panghihiram-isa pang paraan kung saan
nagkakahalo ang mga varayti. Sa paraang ito, ang
isang salita o higit pa ay hinihiram mula sa isang
varayti tungo sa isa pang varayti dahil walang
katumbas ang mga ito sa varayting ginagamit ng
nagsasalita.
2. Panghihiram
Tinatawag itong lexical barrowing
Pagkain mula sa ibang bansa na may kulturang dala
mula sa pinagmulan nito (culture color)
Halimbawa: hamburger, pizza, taco, french fries; mga
salitang dala ng pagbabago ng teknolohiya tulad ng
CD, computer, diskette, fax, internet, e-mail at iba pa.
• Kaugnay pa rin ng sosyolinggwistikong teorya ang ideya
ng pagiging heterogeneous ng wika o ang pagkakaroon
ng iba’t ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-
okupasyunal o mapasyosyal man ang anyong ito.
• Maidadagdag din sa pagkakaiba-iba ng anyo ng wika
ang lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-
ekonomiko, politikal at edukasyonal na katangian ng
isang partikular na lugar o komunidad na gumagamit ng
naturang wika.
•Ito ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng
mga varayti ng wika tulad ng pagkakaroon
ng Tagalog Filipino, Ilokano Filipino, Ilonggo
Filipino, Singapore English, Filipino English
at iba.
•Tinatawag itong linggwistikong varayti ng
wika.
•Mayroon din varayti na ayon sa register o
sosyal na kalagayan tulad ng Filipino ng mga
nabibilang sa third sex, Filipino ng mga taong
may iba’t ibang trabaho tulad ng mangingisda,
magsasaka, mga taong-pabrika, maging ang
mga taong may iba’t ibang dibersyon tulad ng
mga sugarol, sabungero, mga namamahala sa
huweteng at karera.
•May Filipino din ang mga
kolehiyala, Filipino ng sosyal
sayans, matematika, Kemistri,
siyensya ng mga varayting pang-
akademiko.
•Deficit-Hypothesis-
Tawag sa pagkakaroon ng iba’t ibang
varayti/register/anyo ng wika na
nagreresulta sa pananaw ng
pagkakaroon ng herarkiya ng wika.
(Bernstein, 1972)
• Deficit-Hypothesis-
• Ito ay batay sa mga obserbasyon ni Bernstein sa
mga nag-aaral ng elementarya sa ilang paaralan
sa England.
• Nakita niya na may katangiang abstrak at
nasusuri ang wika ng una at detalyado at
deskriptibo naman sa huli.
B. TEORYANG AKOMODASYON (Howard Giles,1982)
•Kaugnay ito ng mga teorya sa pag-
aaral/pagkatuto ng pangalawang wika
sa linguistic convergence at linguistic
divergence. Nakapokus ito sa mga
taong kasangkot sa sitwasyong
pangwika.
B. TEORYANG AKOMODASYON (Howard Giles,1982)
• Linguistic Convergence-ipinapakita na sa
interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng
tendensiya na gumaya o bumagay sa
pagsasalita ng kausap para bigyang- halaga ang
pakikiisa, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama
o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang
grupo.
B. TEORYANG AKOMODASYON (Howard Giles,1982)
• Linguistic Divergence naman kung pilit na iniiba ang
pagsasalita sa kausap para ipakita o ipahayag ang
pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling
identidad. Mahalaga ang pananaw na ito sa pag-
aaral ng varayti ng wikang Filipino lalo na kaugnay ng
atityud sa paggamit ng inaakalang mas superior na
varayti kumpara sa mas mababang varayti depende
sa katayuan ng kanilang unang wika sa lipunan.
B. TEORYANG AKOMODASYON (Howard Giles,1982)
•Bahagi rin ng teoryang
akomodasyon ang tinatawag na
INTERFERENCE PHENOMENON
at INTERLANGUAGE na
nakapokus sa mga wikang
kasangkot.
B. TEORYANG AKOMODASYON (Howard Giles,1982)
•INTERFERENCE PHENOMENON-
ipinapakita ang pagkakaroon ng IP sa
pagbuo ng mga varayti ng Filipino. Makikita
ang impluwensya ng unang wika sa
pagsasalita ng Filipino ng mga kababayan
natin sa iba’t ibang rehiyon.
B. TEORYANG AKOMODASYON (Howard Giles,1982)
•INTERFERENCE Phenomenon
Hal. Cebuano Filipino na mapapansin ang di-
paggamit ng reduplikasyon o pag-uulit ng
pantig sa salita.
Hal. Magaling ako sa pagturo ng Filipino.
B. TEORYANG AKOMODASYON (Howard Giles,1982)
•INTERFERENCE Phenomenon
Maibibigay ring halimbawa ang paggamit ng
panlaping mag-kahit na dapat gamitin ng um-
sa dahilang walang um-na panlapi sa
Sebwano.
Hal. Magkain na tayo sa halip na kumain nga
tayo.
B. TEORYANG AKOMODASYON (Howard Giles,1982)
• INTERLANGUAGE naman ang tinatawag na
esktruktura (mental grammar) ng wika na nabubuo o
nakikintal sa isip ng tao sa proseso ng pagkatuto niya
ng pangalawang wika.
• Sa kalagayang ito nagkakaroon ng pagbabago sa
grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag,
pagbabawas o pagbabago ng mga tuntunin ng wika.
B. TEORYANG AKOMODASYON (Howard Giles,1982)
• INTERLANGUAGE
Halimbawa: Ang paglalagay ng mga panlapi sa mga
salitang Ingles kahit na ito ay wala sa diksyunaryong
Ingles sa ating pang-araw-araw na interasyon tulad ng
presidentiable , boarder, bed spacer, mailing.
Gayundin, naririnig na ang mga salitang Turung-turo
na ako, Sayaw na sayaw na ako na dati ay hindi
tinatanggap bilang pang-uri.
Tandaan:
• “Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa
buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay,
ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng paghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at di-katutubong wika at sa ebolusyon ng
iba’t ibang varayti ng wika para sa iba’t ibang
sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t
ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.”
Tandaan:
• Sa larangan naman ng pagtuturo, mahalaga ang
pagkakaroon ng mga mag-aaral at guro ng malinaw
na pananaw tungkol sa konsepto ng varayti at
varyasyon ng wika.
• Sa gayon, makikita ng mga mag-aaral ba bawat
grupo, komunidad at rehiyon na gumagamit ng wika
ay hindi iba o naiiba kundi kasali at kabahagi ng
pambansang wika at kultura.
Tandaan:
• Makikita rin ang kontribusyon ng iba’t ibang wika sa
bansa sa pagpapaunlad ng Filipino. Mayamang balon
na mapagkukunan ang mga rehiyonal na wika ng
mga kaalaman at datos mula sa kanilang
etnolinggwistiko, sosyal at komunidad na
kinabibilangan.
Kabanata VI
Heograpikal,
Morpolohikal,
At Ponolohikal na
Barayti ng Wika
Varayti ng Wika
• A. Narinig mo na ba ang mga pahayag na “napatak
ang mga dahon,””nasuray ang ang dyipni,” at “mapurol
ang ulo’’? Sa anong pagkakataon mo narinig ang mga
ito?
B. Ano-anong bagay ang alam mong pumupatak,
sumusuray, at mapurol?
HEOGRAPHIKAL
Nagiging salik ang Heograpiya o lugar ng
nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng wika.
Dahil sinasabing ang Pilipinas ay isang arkepelago
na nahahati sa katubigan at kapatagan, at
napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan kaya
hindi maiiwasang makalikha ng sariling kultura o
paraan ng pamumuhay ng mga taong sama-samang
naninirahan sa isang partikular na pulo o lugar.
HEOGRAPHIKAL
Kasabay ng nabubuong kultura ang pagbuo rin
ng wika sapagkat ang kultura ay sinasabing
kabuhol ng wika.
Dahilan na rin ito kung bakit sa
magkakahiwalay at magkakaibang lugar, ang
iisang bagay o konsepto ay nagkakaroon ng
magkaibang katawagan.
Pansinin ang mga sumusunod na salita:
•ibon-Filipino
•ibon-langgam (Sinugbuanong Binisaya)
•mangungutang sa Pampanga ay kapag
naligaw ka at magtatanong ka ng direksyon
•Mangungutang sa Maynila-nanghihiram ng
pera
Pansinin ang mga sumusunod na salita:
•maganda - Filipino
•mahusay-Samar
•oras - “hugas” Pangasinan
•oras- “panahon” Filipino
•Nangyayari din na nagkakaroon
ng magkaibang kahulugan sa
magkahiwalay na lugar na may
magkaibang kultura ang isang
salita.
Pansinin ang mga sumusunod na salita:
•salvage-ay nangangahulugang iligtas
o isalba sa Ingles
•salvage-pagpatay nang hindi nalilitis
(Filipino)
•baka-bobo- (Niponggo)hayop (Filipino)
Ang ganitong pagkakaiba sa mga katawagan at
kahulugan ng salitang ginagamit sa iba’t ibang lugar ang
tinatawag nating heograpikal na varayti ng wika.
• iniihaw = binabange
• tagilid = tabinge
• langgam = hantik/guyam
• saranggola = papagayo/bulado
• iimik = naghiso
Pulisya-iba’t ibang katawagan sa ibang bansa
• Indonesia = polisi
• Poland= policua
• Turkey, Malaysia, Sweden= polis
• France = police
• Pilipinas=pulis
• Czech Republic-=police
• Italy= polizia
Mga katawagan sa Katumbas na salita sa
Tagalog-Maynila ibang lugar
lupa mukha (Pampanga)
lupa daga (Ilokano)
lumiban tumawid (Tagalog-Batangas)
pating kalapati (Iloilo)
hilom tahimik (Cebu)
doon dito (Antique)
iyo oo (Bikol)
•Hindi lamang ang lokasyon ng mga lugar
at ang magkakaibang kultura na lumilikha
ng magkakaibang katawagan at kahulugan
ang nagiging dahilan ng varayti sa wika.
•Ang iba’t ibang paraan ng pagbuo ng salita
ng mga taong kabilang sa iba’t ibang
kultura ay nagiging salik din sa varayti ng
wika.
Balikan nating muli ang mga pahayag na ito:

“napatak ang mga dahon”

“nasuray ang dyipni’


“mapurol ang utak”
• Ginamit ang salitang “napatak”para sa dahon. Sa
Tagalog-Batangas at sa iba pang lalawigang
Tagalog. Maaaring gamitin ang salitang “napatak”
para tukuyin ang mga bagay na nalalaglag o
nahuhulog mula sa itaas.
• Hal. Tayo nang mamulot ng mga napatak na
mangga.
• Hal. Malapit nang mamunga ang sinegwelas,
kayrami nang napatak na dahon.
Samantala: Maynila
Ang salitang “napatak”ay ginagamit para sa tubig,
gaya ng ulan at luha.
•Ang “nasuray” ay ginagamit ng Tagalog-
Batangas para sa isang sasakyan. Sa
Maynila naman ay ginagamit sa tao. Mas
ginagamit sa Maynila ang salitang
“gumegewang o pagewang-gewang”
kapag sasakyan ang tinutukoy.
• Sa ilang lalawigang Tagalog gaya ng Batangas,
ang pandiwa o salitang nagpapakita ng aksiyon o
kilos ay nakabanghay sa unlaping /na-/tulad ng
naiiyak, naulan, nakanta, at natakbo.
• Sa Maynila ang pandiwa o salitang nagpapakita ng
kilos ay nakabanghay sa gitlaping /-um/ gaya ng
umiiyak, umuulan, kumakanta at tumatakbo. Kaya
sa Maynila, ang napatak ay pumapatak at ang
nasuray ay sumusuray.
Kung paghahambingin natin ang gamit ng mga salitang
“napatak” at “nagewang” sa Tagalog ng Batangas at Maynila,
ganito ang mga pangungusap na mabubuo natin.
• Batangas: Napatak ang buko.
• Maynila: Pumapatak ang ulan.
• Batangas: Nasuray ang auto.
• Maynila: Sumusuray ang paglakad (ng lasing na
lalaki).
Kongklusyon:

• Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba’t ibang


lugar, nagkakaiba rin ang paraan ng pagbuo ng
salita ng mga naninirahan sa mga ito. Ang
pagkakaiba-ibang ito sa pagbuo ng mga salita dahil
sa paglalapi ang tinatawag na morpolohikal na
varayti ng wika.
Pag-aralan ang halimbawa sa ibaba.
Tagalog-Maynila kumain
Tagalog-Batangas (iba pang lalawigang Tagalog) nakain
Camarines Sur makakan
Legaspi City magkakan
Aklan makaon
Tausug kumaun
Bisaya mangaon
Pampanga mangan
Iba pang halimbawa ng Morpolohikal na Varayti
• Bilang pangkalahatang tuntunin, masasabing
nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ang salita
batay sa panlaping ginamit. Halimbawa:
Salitang-ugat: bili
Panlapi:-um-
Nabuong salita: bumili (sa Ingles, to buy)
Iba pang halimbawa ng Morpolohikal na Varayti
•Salitang ugat: bili
Panlapi: mag-
Nabuong salita: magbili (sa Ingles, to
sell)
May mga pagkakataon naman na kahit magkaibang
panlapi ang ginamit, hindi pa rin nagbabago ang
kahulugan ng salita.

Tingnan natin ang mga panlaping I-(unlapi) at=IN


(hulapi)
Pareho lamang ang kahulugan ng mga sumusunod
na salita:
iluto lutuin
iihaw ihawin
iinit initin
igisa gisahin
Ngunit tingnan ang mga halimbawang pangungusap sa ibaba

1. Iakyat mo na sa maysakit ang kanyang hapunan.


(Dalhan (sa itaas ng bahay) ng hapunan ang
maysakit.)
2. Akyatin na natin ang mayamang mangangalakal
mamayang gabi. (Umakyat ng bahay ng iba nang
walang pahintulot upang gumawa ng masama.)
Tandaan:
• Maging maingat sa paggamit ng panlapi. Hindi
lamang varayti o magkaibang anyo ng iisang salita
ang sangkot sa usapan, maaari ding maging iba
ang kahulugan.
• Marami nang gumagamit ng wikang Filipino na may
iba’t ibang unang wika, nagkakaroon ng iba’t ibang
anyo ang mga salita batay sa mga panlaping
ginamit.
Tandaan:
• Halimbawa: ang dating “makialam”(maki-+alam),
ngayon ay “mangialam” na (mang-+ki-+alam), lalo
na sa mga kabataan.
• Tandaan lagi ang wastong pagpili ng panlapi
upang wastong maipahayag ang gustong sabihin.
Halimbawa: magpugay sa bandila (alisin ang
sumbrero-dating naka-sumbrero ang mga tao
noon, upang magbigay-galang) hindi pugayan ang
bandila (alisan ng dangal).
Kasama sa mga varayti ng isang wika ang ispeling o
baybay ng salita. Tingnan ang halimbawa ng
magkakaibang ispeling ng mga salita sa American at
British English:
American English British English
acknowledgment acknowledgement
airplane aeroplane
anesthesia anaesthesia
catalog catalogue
characterize characterise
endeavor endeavour
armor armour
fiber fibre
theater theatre
fulfill fulfil
enrollment enrolment
Bukod sa mga pagkakaiba sa katawagan at
kahulugan (heograpikal na varayti), anyo at
ispeling (morpolohikal na varayti), nagkakaroon
din ng pagbabago sa bigkas at tunog ng mga
salita ayon sa pangkat ng mga taong
gumagamit nito.
Pagsusuri:
•Mapapansin ang pagkakaiba ng bigkas at
tunog ng mga salita sa bawat lugar. Katulad
ng natalakay na, lumilikha ng sariling wika
ang mga taong magkakasama sa iisang
kultura at lugar.
•Sa pagkalikha ng kani-kaniyang wika, hindi
maiiwasang malikha rin ang magkakaibang
tunog at bigkas ng mga salita.
Pagsusuri:
•Nagkakaroon ng kani-kaniyang dialectical
accent ang bawat lugar. Halimbawa, sa
Bisaya, nagkakapalitan ang bigkas ng /e/at/i/
ang /o/ at /u/. Maaaring ang maging bigkas
ng isang Bisaya sa “pera” ay “pira” ang
“pitaka’ ay “petaka”, ang “kuya” ay “koya”, at
ang “bola” ay “bula”.
Pagsusuri:
•Mali ba ang ganitong pagbigkas?
•Ang sagot ay HINDI, sapagkat ang
nagsasalita ay bumibigkas ayon sa kanyang
dialectal accent.
•Ang pagkakaiba-ibang ito sa bigkas at tunog
ng mga salita ang tinatawag na varayti sa
ponolohiya.
Ang ganitong varayti sa ponolohiya ay hindi eksklusibo sa mga wika sa
Pilipinas. Nangyayari rin ang mga ganitong pagkakaiba sa bigkas at tunog sa
mga wika sa daigdig.
often -/o-fen/ vs /of-ten/
organization -/or-ga-ni-za-tion/ vs. /or-ga-nay-zey-tion/
Porsche -/Por-sha/ vs. /Porsh/
centennial /sen-ten-yal/ vs. /sin-tin-yal/
accurate /a-kyu-reyt/ vs. /a-kyu-rit/
millennium /me-len-nyum/ vs. /mi-lin-nyum/
Nike /Nayk/ vs. /Nay-ki/
today /tu-dey/ vs. /tu-day/
Tandaan:
•Sa heograpikal na varayti, nasa katawagan
at kahulugan ng salita ang pagkakaiba. Sa
morpolohikal na varayti, ang pagkakaiba ay
nasa anyo at ispeling ng salita at hindi sa
taglay na kahulugan nito. Samantala, sa
ponolohikal na varayti, nasa bigkas at tunog
ng salita ang pagkakaiba.
Gawain
• Sagutin ang mga tanong. Isulat sa inyong
cattleya notebook ang sagot. (15 points)
1. Ano ang heograpikal na varayti ng wika?
2. Ano ang morpolohiya na varayti ng wika?
3. Ano ang ponolohikal na varayti ng wika?
Kabanata VII
Varyasyon ng
Wika
Sa talakay na ito,
matututuhan natin
ang varyasyon ng
wika sa mga pangkat
etniko.
Etnisidad at Pangkat Etniko
•Ang etnisidad ay ang pagkakaroon ng
identidad sa, o pagiging kasapi sa
isang partikular na lahi o kultural na
pangkat.
•Ang gawi o custom, paniniwala, wika o
dayalekto ang nagiging batayan kung
anong grupo sila nabibilang o kasapi.
•May pagkakaiba sa pagsasalita ng
wikang Ingles ang mga Puti at Negrong
Amerikano.
•Madaling tukuyin kung ang mga tao ay
a…

nabibilang sa isa sa mga pangkat etniko


erik

sa pamamagitan lamang ng kanilang


Am

wika.
•Ito ay nagsasaad na ang ‘black speech’
Sa

at ‘white speech’ ay tunay na may


pagkakaiba sa Amerika.
•Ang pagsasalita ng isang tao ng ‘White’

n…
or ‘Black’ English ay resulta ng learned
a
pam
un
behavior’.
•Hindi nagsasalita ang mga tao dahil sa
gay

sila ay “puti” o “Itim”.


gka

•Natatamo o nakukuha ng mga


Ma

mananalita ang mga katangiang pang-


linggwistika ng mga taong malimit nilang
nakakasalamuha sa araw-araw.
•Ang padron ng wika na natamo ay
tulad ng padron nangingibabaw sa
pangkat .
•Natututuhan ng mga kasapi ng
dalawang pangkat etniko ang mga
linguistic varieties na may
kaugnayan sa kanila tulad ng
pagtatamo ng social-class dialects.
Nangangahulugan lamang na..
•Walang racial o physiological na batayan para sa
partikular na tipong ito ng pagkakaiba sa linggwistika
o linguistic variation.
•Noon, may paniniwala na may likas na taglay na
koneksyon ang wika at lahi.
• Indo-European – sakop ang mga wika ng Europa,
Gitnang Silangan, at India na natuklasang may
pagkakaugnay sa kasaysayan.
• Aryan Race (imaginary Indo-European) – sakop
nito ang taal na mananalita ng Indo-European
kasama na ang Germans, Romans, Slavs, at
Greeks.
• Maraming na ang mga kaso na ang buong
pangkat etniko ay nagpapalit ng wika sa
pagdaan ng panahon - halimbawa, ang
malaking bilang ng mga tao ng Africa na
ngayon ay nagsasalita ng mga wikang
European lamang.
• Walang garantiya na ang grupo ng mga
tao ay “racially related” dahil sila ay
nagsasalita ng magkaugnay na mga wika.
•Ang bawat tao ay maaaring
matuto ng kahit na anong wika ng
tao.
•Hindi masasabing may
pagkakaugnay ang wika at lahi.
Magkagayunpaman, nananatili pa rin ang katotohanan
na…
• Ang wika ay maaaring maging isang mahalagang
tagapag-ugnay ng pagiging miyembro ng pangkat etniko.
Ito ay isang panlipunan at pang-kalinangang (kultural)
katotohanan.
• Sa kaso ng pagkakaiba-iba ng varayti ng isang wika, ang
mga katangiang pang-linggwistika (linguistic
characteristics) ay maaaring ang pinaka-krayterya o
pamantayan na tumutukoy para sa pagiging kasapi ng
pangkat etniko. (defining criteria)
•Ang pagkakaiba-iba ng mga
etnikong pangkat sa isang halong
komunidad ay isang partikular na uri
ng mga social differentiation, at dahil
dito, ay madalas na may
pagkakaibang pang-linggwistika na
nauugnay dito.
Ang wika bilang katangiang tumutukoy sa pagiging
kasapi ng pangkat etniko. (defining characteristic)
• Sa maraming pagkakataon, natutukoy ng isang indibidwal
kung saan partikular na pangkat etniko siya nabibilang sa
pamamagitan ng kanyang unang wika.
• Hal. Africa – multilingual, may apat na pangunahing wika
(Twi, Hausa, Ewe, at Kru).
• Canada – May dalawang pangunahing pangkat etniko na
makikilala sa pamamagitan ng kung sino ang taal na
mananalita ng English at French.
•Samakatuwid,
pinanatili ng iba't
ibang pangkat
etniko ang kanilang
pagkakahiwa-
hiwalay at
pagkakakilanlan sa
pamamagitan ng
wika.
Ang hiwalay na pagkakakilanlan ng
mga pangkat etniko ay nakikilala
hindi sa iba’t ibang mga wika, kundi
sa iba’t ibang mga varayti ng iisang
wika. (Identifying Characteristics)
hal. Sarajevo – Kapital ng Bosnia
3 pangunahing pangkat etniko

Serbo-Croat – wikang sinasalita ng mga pangkat


etniko at pinakagamitin na wika sa Yugoslavia.
Pansinin at suriin…
Posible na malaman ang etnikong background mula sa
linggwistikang pahiwatig (linguistic clues)

A. leksikal na pagkakaiba – pagkakaiba sa mga ginagamit na


salita
Nagbibigay indikasyon sa kalakaran ng paggamit ng
magkakaibang anyo ng salita sa iba’t ibang okasyon.
Posible na malaman ang etnikong background mula sa
linggwistikang pahiwatig (linguistic clues)

Heograpikal ang linggwistikang pagkakaiba ng Serbs at


Croats
Ang mga salita ng mga Muslim ay maaaring hiniram sa
Turkish dahil sa impluwensiya ng Islam at alituntunin ng mga
Turkish.
B. Ponolohikal o Gramatikal na Pagkakaiba
• Mula sa Pag-aaral ni Labov (New York Study)
Kinalabasan:
May bahagya ngunit makabuluhang pagkakaiba sa
pagbigkas sa Ingles ng mga nagsasalita na Jewish, Italyano
at Negro.
Ito ay sa kadahilanang ang magkakaibang lahing ito ay
maaring bumuo ng mga hiwalay na grupo sa loob ng
lungsod.
Substratum varieties - mga wikang sinasalita ng mga
grupong ito o ng kanilang mga ninuno bago sila naging
mananalita ng New York City English.
Substratum effect – maaring maimpluwensyahan ng
lumang wika ang paggamit ng bagong wikang natutuhan.

Halimbawa ng Substratum Effect:
Scotland English
• Highland Scots • Lowland Scots
• Nagsasalita ng wikang • Nagsasalita ng wikang
Gaelic Ingles
• Nagsasalita ng • Nagsasalita ng lokal na
standard Scot English dayalekto o standard
(natutunan bilang English na may lokal na
banyagang wika) punto
•Madalas na may substratum na impluwensiya
ang wikang Gaelic sa pagsasalita ng Ingles
ng mga Highlanders na maaaring makatukoy
sa kanila bilang taga Highlands.
•Ang mga taal na tagapagsalita ng Gaelic ay
kalimitang may Gaelic accent o puntong
Gaelic sa kanilang pagsasalita sa wikang
Ingles.
Halimbawa ng Substratum Effect
• Kontrobersyal na paksa: Ang pagkakaiba sa
pananalita ng ‘Black’ at ‘White’ Americans.
• Pagsasalita ng mga Negro
 paputol-putol na pagsasalita (broken
speech)
Hindi makapagsalita nang wasto sa
Ingles
•Kung magkaiba ang
pananalita ng mga Negro at
Puti, nangangahulugan
lamang na may pagkakaiba
sa mga varayti ng wika sa
mga pangkat-etniko.
Pag-aaral sa Black English (BE), Non-standard Negro
English (NNE) o Black English Vernacular (BEV)
• BEV – karaniwang ginagamit upang tukuyin
ang non-standard English na sinasalita ng ma
‘Itim’ na nasa ‘lower class’.
• Black English – nagmumungkahi na ang lahat
ng mga ‘Itim’ ay nagsasalita ng isang barayti
ng wikang Ingles.
• NNE at BEV – tumutukoy kung sino sa mga
‘Itim’ ang nagsasalita at di- nagsasalita ng
standard English.
Pagkakaiba ng Pinagmulan
• Unang pananaw - lahat ng katangian ng BEV
ay matatagpuan sa dialekto ng mga ‘Puti’.

• Posible na ang pagkakahiwalay ng lahi ay


nangangahulugang may minimal na kontak
ang mga ‘Puti’ at ‘Itim’ na naging daan upang
magkahiwalay na mabuo ang Ingles sa
dalawang pangkat-etniko.
Pagkakaiba ng Pinagmulan
• Pangalawang Pananaw – maraming katangian
ng BEV ay maaaring ipaliwanag sa palagay na
ang mga ‘Itim’ ay nagsasalita noon ng English
Creole.
• Creole – nabuo mula sa pidgin na wika na
naging taal na wika ng isang komunidad, mas
pinalawak, at natamo ang lahat ng tungkulin at
katangian ng isang buong natural na wika.
Pagkakaiba ng Pinagmulan
Pidgin – pinaikli, pinasimple, pagkatapos na ang
halong wika ay umusbong para sa layuning
magkaroon ng transakyon sa pangangalakal ng
mga mananalita na walang komon na wika.
Isinasaad nito na ang mga sinaunang
Amerikanong Negro ay gumamit ng creole
bilang kanilang taal na wika at sa pagdaan ng
panahon ay naging mas magkatulad at mas
malapit sa wika ng mga ‘Puti’.
Sa pananaw ni Trudgill…

• Kahit na marami sa mga katangian ng BEV


ay matatagpuan sa iba’t ibang dayalekto ng
‘Puti’, ang BEV ngayon ay gumaganap
bilang hiwalay na barayti ng pangkat-etniko
na tumutukoy sa kanyang mga mananalita
bilang ‘Puti’ o ‘Itim’. (Unang pananaw)
Bakit may emosyunal na reaksyon sa wika at lahi?

• Ang sagot ay nakasalalay sa masagisag na


tungkulin ng wika.
• Isa sa pinakamahalagang paraan ng pagtukoy
sa mga miyembro ng isang komunidad ay sa
pamamagitan ng wika o varayti ng wika na
sinasalita nila.
• Ang wika ay mahalagang tanda (marker) ng
etnikong pagkakakilanlan.
Bakit may emosyunal na reaksyon sa wika at lahi?

Karamihan sa mga pangkat etniko


ay naniniwala na ang kanilang
wika ang pinaka magandang
paraan upang mapreserba at
maprotektahan ang kanilang
etnikong pagkakakilanlan.
Wika
at
Kasarian
Batay sa mga pananaliksik sa
linggwistika, nagkakaiba ang
pananalita ng mga lalake at babae sa
mga lipunan.
Bakit kaya nagkakaiba ng
pananalita ang mga lalake at babae?
Sex at Gender
Sex – salitang ginagamit na nagsasaad at naglalarawan
ng pisikal na tipo ng isang tao ayon sa biyolohikal na
pananaw (reproductive organs)
Gender – salitang ginagamit para sa sosyal at kultural na
konstruksyon ng kasarian ng isang tao. Ito ang mas angkop
para tukuyin ang mga tao ayon sa kanilang sosyo-kultural
na gawi, kasama na ang pananalita. (Holmes – Page 157)
Posibilidad sa kung paano maaaring maipahayag
ang Kasarian ng isang tao
1. Maaaring hindi na ito mangyari– tulad ng kaso ng
English at Hungarian. Sa nobelang nasusulat sa
wikang Ingles na nasa unang panauhan, walang
paraan upang masabi na ang tagapagsalaysay ay
lalake o babae kung hindi ibibigay ang pangalan o
ng ibang palatandaan.
2. Maaaring mangyari sa pamamagitan ng paggamit ng
adjectival gender marking.
Halimbawa:
a. (French- ‘I am happy’)
Babae lalake
je suis heureuse je suis heureux

b. (Portuguese – ‘thank you’)


abrigada abrigado
3. Maaaring mangyari sa pamamagitan ng gender-
marked verb forms sa unang
panauhan na isahan.
Halimbawa: (wikang Polish – perpektibong aspekto ng
pandiwa)

Lalake Babae
Przyjechalem przyjechalam

Kahulugan : I arrived.
4. Maaaring mangyari sa pamamagitan ng paggamit ng
unang panauhang isahang panghalip.
Halimbawa: Panauhan
Thai na wika -
babae lalake
dichan phom

* Pagtukoy sa sarili Unang panauhan ‘ako’


 Ang klasikong halimbawa ng ‘linguistic sex
differentiation’ ay nagmula sa West Indies.
Natuklasan na magkaibang wika ang ginagamit ng mga
lalake at babae.
• Hindi ito sinang-ayunan ni Trudgill sapagkat ayon sa
kanya kahit totoong may malinaw na pagkakaiba ang
pananalita ng mga lalake at babae, ito ay
kinabibilangan lamang ng maliit na bilang ng mga
bokabularyo.
Kung gayon, hindi sila nagsasalita ng magkaibang
wika ngunit nagsasalita sila ng magkaibang varayti ng
isang wika.
Pinaniniwalaang ito ay epekto ng:
Invasion Theory (Carib at Arwak)
Taboo Phenomenon
Invasion Theory - ang pagkakaibang panglinggwistika ng
kasarian ay maaring resulta ng paghahalo ng dalawang wika
ng bilang resulta ng pananakop.
Taboo Phenomenon – iminungkahi ni Otto
Jespersen, isang Danish na linggwista, na
ang pagkakaiba sa pananalita ng babae at
lalake ay maaaring resulta ng taboo na
penomenon.
Mga salitang Taboo: mga salita o parirala
na iniiwasang gamitin sa kadahilanang may
kaugnayan sa relihiyon, pagbibigay galang o
mga ipinagbabawal na gawi.
Halimbawa ng mga taboo na penomenon

Kung nasa digmaan ang mga Carib na lalake may mga


ilang salita na matatandang lalake lamang ang
maaaring gumamit. Kapag ginamit ng mga babae o
kabataang lalake ang mga salitang ito, magreresulta ito
ng kamalasan.
Halimbawa ng mga taboo na penomenon
Sa Sulu, hindi pinahihintulutan ang mga kababaihan na
bigkasin ang pangalan ng kanyang biyenang lalake o
mga bayaw. Kapag ginawa niya, maaaring ipapapatay
siya.
Deborah Tannen
Isang propesor ng linggwistika sa Georgetown
University
May-akda ng maraming libro at artikulo tungkol sa
wika at epekto ng pangkaraniwang pakikipag-usap sa
relasyon ng mga tao.
• Mula sa libro at artikulo ni Tannen, “You Just Don’t
Understand” at “Can’t We Talk?’’. Ang mga lalaki at
babae ay pinapalaki sa magkaibang kultura kaya
kapag sila ay nag-uusap nagkakaroon ng “cross
cultural communication.”
• Dahil dito, nagkakaroon ng di pagkakaunawaan sa
pagitan ng lalaki at babae. Ang magkaibang paraan ng
pag-uusap ng lalaki at babae ay tinawag na
“genderlect”
Genderlect Theory
• Ang teoryang ito ay tungkol sa kaibahan sa
pakikipagtalastasan ng lalaki at babae at kung
ano ang maaaring gawin para sa ugnayan ng
dalawang estilo.
Ayon kay Deborah Tannen
May anim na kategorya na nagpapakita ng
pagkakaiba ng paggamit ng wika ng babae at
lalake sa kanilang pakikipagkomunikasyon:
• Status v. support
• Advice v. understanding
• Information v. Relationship
• Orders v. Proposals
• Conflict v. Compromise
• Independence v. intimacy
•Anim na
kaibahan ng
lalaki at babae
sa pagsasalita
MEN WOMEN
Build Status Seek / Offer Support

Advice For A Solution Seek For Sympathy

Message Oriented Social Facilitation


Direct imperatives Superpolite Forms

Use confrontation Words Avoid Conflict In Language

‘I’ , ‘my’ , ‘me’ ‘We’, ‘our’, ‘us’


DEBORAH TANNEN
Status vs. Support
LALAKI (STATUS)
Ang mga lalaki ay nabubuhay BABAE (SUPPORT)
sa mundo na kompetitibo ang Ang mga babae naman ay
pag-uusap. Ang paraan nila nakikipag-usap upang
ng pag-uusap ay resulta ng bumuo ng koneksyon at
kanilang kagustuhan sa makakuha ng suporta mula
dumomina sa iba hindi
sa mga ibang tao.
madomina ng iba
Independence vs. Intimacy
LALAKI
BABAE (INTIMACY)
(INDEPENDENCE)
Ang mga babae naman ay
Ang lalaki ay nag-aalala
karaniwang nagbibigay
sa pag-asa sa iba dahil
importansya sa kalapitan at
para sa kanila
pagsuporta upang
nakakababa ito ng
mapanatili ang intimacy
katayuan sa lipunan.
Information vs. Feelings
LALAKI (INFORMATION)
BABAE (FEELINGS)
Ang pakikipag-usap ng
Habang ang mga babae ay
mga lalaki ay nakabatay
nakikipag-usap upang
sa pagbibigay ng
maibahagi ang kanilang
impormasyon at
nararamdaman at
pagtanggap ng
damdamin. (Rapport Talk)
impormasyon. (Report Talk)
Advice vs. Understanding
LALAKI (ADVICE) BABAE
Para sa karamihan ng (UNDERSTANDING)
mga lalaki, ang isang Mas madalas naghahanap
reklamo o daing ay ang mga babae ng
hamon upang emosyonal na suporta at
Makahanap ng solusyon simpatya hindi solusyon.
Orders vs. Proposals
LALAKI (ORDERS) BABAE (PROPOSALS)
Ang mga lalaki ay mas Ang mga babae ay
madalas gumamit ng kadalasan nagpapahiwatig
mga direktong pahiwatig ng payo sa hindi direktong
o mga utos. paraan.
Conflict vs. Compromise
LALAKI (CONFLICT)
BABAE (COMPROMISE)
Kahit madalas na gusto ng
Sa pag-iwas sa di
lalaki na mas nasusunod sila,
pagkakasunduan, ang ibang
kapag nakita nilang desidido
babae ay hindi harapang tututol
na ang kausap minsan ay
sa iba kahit na mas mabuti at
sasang-ayon na lamang sila
mabisa para sa babae na
upang wala ng mabuong
ipaglaban ang gusto niya.
alitan.
Mga Dahilan Bakit Magkaiba ang Paggamit ng Wika ng mga Babae at Lalake
Ang bawat tribo ay nakikilala sa pamamagitan ng
magkakaibang wika.
Ang pagkakaiba ng paggamit ng wika ay sumasalamin sa
istatus o pagkakaiba sa kapangyarihan.
Nakaiimpluwensya ang edad na kinabibilangan kaya
magkaiba ang paggamit ng wika ng mga lalake at babae.
Mga pag-aaral na katatagpuan ng mahahalagang puntos
na dapat iasaalang-alang
Mas maraming vocal-verbal na komunikasyon sa pagitan ng
mga ina at babaeng anak kaysa sa mga ina at mga lalaking
anak sa edad na 3 buwan (Poynton, 1988)
Ang mga babae na nasa unang 2 taong gulang ay malimit na
kinakausap kaysa sa mga lalake (Lewis & Freedle, 1973)
Ang inang nakikipaglaro sa 2 taong gulang ay maaaring mas
malinang ang pakikipag-usap sa mga babae kaysa sa mga
lalake.
Sa pamilyang may mga ilang anak, mas malumanay
kung tratuhin ang mga babae samantalang mas
matapang/ makapangyarihan sa mga lalake, lalo na ng
mga ama.
Ang paglalaro sa labas ay mas pinapayagan sa mga
lalake kaysa sa mga babae (McCarthy, 1953)
Bakit magkaiba ang pananalita ng mga Babae at Lalake?

Ginagamit ng mga lalake ang pakikipag-usap upang


magbigay impormasyon at makipagkompetensiya.
Ginagamit naman ng mga babae ang pakikipag-
usap upang makakuha ng impormasyon at
magkaroon ng ugnayan sa bawat isa sa lipunan.
(Kurath, 2002)
Bakit magkaiba ang pananalita ng mga Babae at Lalake?
Natuklasan ng mga mananaliksik sa kanilang pag-
aanalisa ng mga tungkulin ng mga salitang
ginagamit na ang mga lalake ay nag-aambag ng mas
maraming impormasyon at opinyon samantalang ang
mga babae ay mas nagbibigay ng sumasang-ayon o
sumusuportang panalita.
Mga Katangian ng Wika ng mga Babae (Holmes)
Paggamit ng mga leksikal na pamuno (fillers)
Paggamit ng Tag Questions
Pataas na intonasyon sa pasalaysay na pahayag
Paggamit ng pang-uri (empty adjectives)
Pagbibigay ng tiyak na termino sa kulay
Mga Katangian ng Wika ng mga Babae (Holmes)

Paggamit ng intensifiers (napaka-(affix the noun form) very ~


Napakagalang na anyo ng wika
Pag-iwas sa matapang na salitang nangangako
Mariing pagbibigay diin
Lakoff's linguistic features of women's speech
Women’s linguistic features Examples

1. Lexical hedges or fillers you know, sort of, well, you see
2. Tag questions she’s very nice, isn’t she?
3. Rising intonation on declaratives It’s really goód.
4. ‘Empty’ adjectives divine, charming, cute
5. Precise colour terms : detail magenta, aquamarine
6. Intensifiers (just and so) (emphasizing) I like him so much
7. ‘Hypercorrect’ grammar Consistent use of standard verb forms
8. ‘Superpolite’ forms Indirect request, euphemisms
9. Avoidance of strong swear words fudge, my goodness
10. Emphatic stress It was a BRILLIANT performance
Katangian ng Wika ng mga Lalake
(Holmes)

Inaasahan na sa mga lalake na mas gumagamit sila ng slang na


wika;

Gumagamit sila ng mas direktang pakiusap

Karaniwang gumagamit ng mga aytem na taboo

Mas madalas gumamit ng mga kompletong mga pangungusap


Wika ng mga Lalake
Nakikilala ang wika ng mga lalake sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
1. Pormal na wika
 Wardhaugh (1986)– nakikipag-usap ang mga lalake sa isa’t
isa na ang mga paksa ay kompetisyon, pagbibiro, isports,
aggression, at paggawa ng mga bagay-bagay, negosyo,
batas, pulitika, at iba pa.
Wika ng mga Lalake

Magbigay ng katotohanan, hindi mga detalye.


Gumagamit sila ng pormal na wika na
sumasagisag ng kanilang kaseryosohan.
2. Diretsahan at payak
 Wardhaugh (1986) – ang mga kalalakihan ay
deretsahan sa kanilang pagsasalita
Halimbawa:
 Kapag nakakita ng maganda
 Kapag nagkakamali
 Kapag alam niyang hindi kayang gawin ng isang tao
ang isang bagay.
3. Hindi istandard na anyo ng wika (non-standard
form)
O’Grady et.al (1992) – nagsasaad na ang mga
lalake ay malimit gumamit ng hindi istandard na
anyo ng wika, masamang lenggwahe, at madalang
gumamit ng mga magagalang na anyo ng
pananalita.
Holmes (1992) - nagsabing mas gusto ng
mga lalake ang paggamit ng bernakular na
anyo ng wika sapagkat ito ay nagbibigay ng
konotasyon ng pagiging macho at pagiging
lalake.
 Sumarson at Partana (2002) – gumagamit ng mga
hindi istandard na anyo ng wika ang mga lalake dahil
hindi nila isinasaalang-alang ang kanilang istatus na
sosyal o panlipunang pangkat.
Wika ng mga Babae

Ang wika ng mga babae ay inilalarawan ng mga


sumusunod:
Wika ng mga Babae
1. Istandard at magalang na anyo ng wika
 Ang mga babae ay mas conscious sa istatus
(status conscious) kaysa mga lalake (Holmes,
1992)
 Mas may kamalayan sa posisyon o istatus sa
lipunan kaysa sa mga lalake (Sumarson at Partana,
2002)
Ilang dahilan ng Paggamit ng mga babae ng Istandard
na anyo ng Wika
May kamalayan sila sa kanilang mababang istatus
sa lipunan.
Ang paraan ng pagtrato ng lipunan sa mga babae.
Pag-angkin ng istatus sa lipunan.
2. Paggamit ng mas maraming signal
Malimit gamitin ng mga babae ang mga signal sa
pakikipag-usap hal. hmmm, yeah (Mc Cormick, 1996)
Ayon kay Wardhaugh (1996)
Mas marami ang pagtatanong ng mga babae
Nanghihikayat ng iba na magsalita
Gumagamit ng mga signal na humihikayat sa iba na
magsalita.
3. Informal na Wika
Ang mga babae ay informal makipag-usap sa iba
(Holmes, 1992) hal. Ina sa anak, mag-asawa
Paksa ng mga Babae sa pakikipag-usap (Wardhaugh,
1986)
sarili damdamin tahanan
pakikipag-ugnayan sa iba, pamilya
* Sa mga bansang kanluranin, ang gossip o tsismis ay
itinuturing na partikular na katangian ng mga babae sa
pakikipagtalastasan (Holmes, 1992)
Gender Exclusive at Gender Preferential
Ang pagkakaiba y maaaring makita sa gender exclusive at gender

preferential na mga katangian sa isang wika.


a. Gender- Exclusive Speech Differences: Highly Structured
Communities

b. Gender-Preferential Speech Features : Social Dialect Research


a. Gender- Exclusive speech differences: Highly

Structured Communities
 Pagkakaiba sa paggamit ng wika

 Pagkakaiba sa panglinggwistikang katangian


 Pagkakaiba ng paggamit ng wika

 Ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang antas.


Halimbawa: Sa Bengali ,
 Ang asawang babae ay subordinate sa asawang
lalake
 Pagkakaiba ng paggamit ng wika

Hindi siya pinapayagang gamitin ang pangalan ng

asawa
 Kung ang pangalan ay tara, (‘star’) hindi niya
tinatawag ito na tara, ginagamit ang nokkhotro or
‘heavenly body’ na tumutukoy sa kanya.
Pagkakaiba sa katangiang panglinggwistika:
 Partikular na katangiang panglinggwistika na

makikita lamang sa pananalita ng mga babae o sa mga


lalake lamang.
 Maaaring ang pagkakaiba ay nasa ginagamit na salita

o termino ng mga babae at lalake.


Mga Halimbawa:
o Indianssa Amazon: magkaibang wika ang ginagamit ng lalake
at babae sa pag-uusap;
Sa Yana at Chiquita (American Indian languages): gumagamit
ng mas mahabang salita ang mga lalake kaysa sa mga babae.
Babae Lalake Kahulugan
ba ba-na deer
yaa yaa-na person
?au ?au-na fire
nisaaklu nisaaklu-?i he might go away
Sa Japanese , gumagamit ng magkaibang termino
ang mga lalake at babae na tumutukoy sa
magkaparehong bagay.
Babae Lalake Kahulugan
otoosan oyaji father
onaka hara stomach
oishi umai Delicious
Dahilan ng mga Pagkakaiba
 Madalas na nagpapahayag ng sosyal na istatus at
pagkakaiba sa kapangyarihan ng lalake at babae
ang pagkakaibang panglinggwistika.
 Ang Gender-exclusive speech ay sumasalamin sa
eksklusibong sosyal na tungkulin ng mga lalake
at babae na may magkaibang papel sa pamilya at
lipunan.
b. Gender-Preferential Speech Features :
Social Dialect Research
1. Gumagamit ang mga lalake at babae ng parehong
anyo ng pananalita ngunit nagkaiba lamang sa dami
at dalas ng paggamit.
WOMEN MEN

In English Use more –ing [iŋ] Use more –in’ [in]


pronunciation. pronunciation.
Swimming Swimmin’
Dancing Dancin’
Typing Typin’

In Sydney Some women use Use the initial


the initial sound in sound in the word
the word ‘thing’ as ‘thing’ as [f] more
[f] than women

Ipinapakita ang mas mataas na preperensiya ng paggamit ng mga


lalake at babae sa salita.
2. Mas ginagamit ng mga babae ay istandard na
anyo ng wika ang mga lalake naman ay bernakular.
 Halimbawa:
 Sa Australia, natuklasan mula sa mga panayam
sa mga tao sa Sydney na may pagkakaiba sa
pagbigkas at di-pagbigkas sa [h].
 Ex : Women pronounce Mrs. Hall with less [h]-
dropping than men while men pronounce Mrs. Hall
with more [h] dropping Mizall.

Konklusyon:

May mga wika na may mga pagkakaiba ang


bokabularyo para lalake at babae.
May magkaibang preperensiya ang mga lalake at
babae sa paggamit ng wika.
Jesus Federico Hernandez
Isang associate na propesor sa
Departamento ng Linggwistika sa UP
Diliman
Iprinisenta niya ang “Pasok sa Banga
(Wika ng mga Bakla)” sa Sawikaan
2010 noong July 29, 2010.
bekimon
Ito ang salita ng mga bakla (gay lingo)
Mula sa “beki” na ibig sabihin ay bakla at
“mon” na ibig sabihin ay monster.
ANG ESTRUKTURA NG SALITANG BAKLA
Ang lahat ng wika ay nagpapailalim sa mga alituntunin
at nakapaloob sa isang sistema na nagsisilbing paraan
ng pagkodigo at pagkadekodigo ng mga nagsasalita at
nakikinig.
Gumagamit ng “fricative” at “affricate”
Ang sintaks ng bekimon ay nagkabatay sa kung saang
lugar ito sinasalita.
Ang mga prosesong Linggwistika sa Pagbuo ng salita
1. Paglalapi
2. Pagpapalit ng Tunog
3. Paggamit ng Akronim
4. Pag-uulit ng Salita o bahagi ng salita
5. Pagkakaltas
6. katunog
7. Panghihiram
8. Pagbabago ng kahulugan ng salitang hiram
1. Paglalapi
Dito makikita ang mga dagdag na kahulugan na
ikinakabit sa isang salita.
May mga panlapi at paglalaping ginagawa kung saan
ang mga panlapi ay walang taglay na kahulugan
(semantically empty) kung kaya’t hindi nababago ang
kahulugan ng mga salitang ugat.
1. Paglalapi
Ang mga salita sa salitang bakla ay maaaring
pahabain sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga
patong-patong na mga panlapi nang hindi nagbabago
ang kahulugan.
1. paglalapi
Hal. wit>wititit o witchikola>
witchikolabum>witchkolabumbum
chenelyn>chenelybumbum>chenelybumbumleyo
sinayt-sinaytsung
anek>anekwabum
2. Pagpapalit ng Tunog
Substitusyon o alternasyon ng mga tunog
Pinapalitan ang isang tunog o isang bahagi ng salita
ng ibang tunog o ibang pantig.
Makikita rin sa mga wika at iba pang mga sosyolek
sa Pilipinas,.
2. Pagpapalit ng Tunog
Hal.
nakakaloka>nakakalerki
kalerki>kalerks
Siyota>jowa kyowa nyowa
Mother>muder mudra mudak
3. Paggamit ng Akronim
Ang Pagpapaikli ng isang grupo ng mga salita sa
pamamagitan ng paggamit ng mga unang letra ng
bawat salita sa grupo.
Ginagamit para mapadali at mapaikli ang
komunikasyon
Halimbawa
Akronim kahulugan
GL Ganda Lang Libre o ganda lang ang
puhunan
OPM Oh Promise Me ‘sinungaling’
PGH Pa-Girl na Halimaw ‘isang pangit na bakla na
nagpapakababae sa
paggalaw’
4. Pag-uulit ng salita o Bahagi ng Salita

Reduplikasyon ng isang bahagi o ng buong salita


Nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan sa salitang nauulit-
minsan kontemplatibo, minsan intensibo at minsan
diminutibo, depende sa kung ano at paano inuulit ang
bahagi o ang buong salita.
4. Pag-uulit ng salita o Bahagi ng Salita

Hal:
chika chika-chika ‘usap-usap’
kiyeme kiyeme-kiyeme ‘arte-arte’
wit witwit ‘hindi’
5. Pagkakaltas
Dalawang uri ng pagkakaltas ang napapansin na
ginagamit sa salitang bakla:
1. Pagkakaltas ng mga bahagi ng salita (deletion)
2. Pagkakaltas ng mga bahagi ng dalawang salita at
pagsanib nitong dalawa (blending)
5. Pagkakaltas

Hal:
malay ma ‘malay ko’
ang datung anda ‘pera’
sunog baga suba‘manigarilyo’
6. Katunog
Ito ang paglalaro ng mga tunog ng salita at ang paggamit ng
mga katunog na salita,pangalan ng tao o lugar bilang pamalit
sa orihinal na salita.
Halimbawa:
Noselift/knowschina > ’alam’
Purita Kalaw Ledesma > ‘mahirap’
Haggardo Versoza < ‘pagod’
Morayta > ‘mura’
Givency > ‘bigay’
7. Panghhiram
Iniiba minsan ang itsura ng salita, iniiba
minsan ang kahulugan ng hiniram at ito ay
isinasailalim sa mga alintuntunin ng wikang
humiram.
Hal:
gurang matanda Bikol
Dako malaki Hiligaynon
flawless makinis Ingles
7. Panghihiram
Hal
war> warla away Ingles
watashi ako Hapon
takeshi takot Hapon
8. Pagbabago ng kahulugan ng Salitang Hiram

Nagkakaroon ng semantic shift ang mga salita.


Ang dating positibong kahulugan ng salita ay sumailalim
sa pejorasyon ng kahulugan at naging negatibo.
Sa salitang bakla, ang award ay hindi nangangahulugang
isang parangal o pagkilala. Ang ibig sabihin nito’y
napagalitan, napahiya o natalo.
Ilang Mahalagang Katangian ng Salitang Bakla
• Ito ay dinamiko at mabilis magbago.
• Ito ay isang uri ng pagkukubli o “veiling” na may
mabuti at masamang epekto para sa mga bakla.
• (MAR. 29)— Ang usaping pangwika at
pangkasarian na pinamagatang “Wika at
Kasarian: Mulang Katuturan Tungong Kamulatan”
ay itinampok sa Talasalitaan bilang pakikiisa ng
UP Diliman sa pagdiriwang ng Pandaigdigang
Buwan ng Kababaihan.
•Kamalayan sa kasarian. Sa unang bahagi ng
panayam ay tinalakay ni Padilla ang paksang
“Kamalayan sa Kasarian sa Pamamagitan ng
Edukasyong Pangwika” kung saan binanggit
niya ang ugnayan ng wika, kultura at
kamalayan sa kasarian.
• Ilan sa mga ibinigay niyang halimbawa ay ang mga salitang
“maprinsipyo” “mapagkimkim,” “maasikaso” at “mayabang” na hango
sa imbentaryong ginawa ni Dr. Vivian Velez-Lukey sa kanyang
pananaliksik na pinamagatang “Pagkababae at Pagkalalake
(Femininity and Masculinity): Developing a Filipino Gender Trait
Inventory and Predicting Self-Esteem and Sexism” kung saan
sinasabing ang mga salita ay may katumbas na kasarian.
• Ayon sa pag-aaral ni Velez-Lukey, sinasabing ang ‘maprinsipyo’ ay
katangian daw ng lalaki; ang ‘magpakimkim’ ay sa babae; ‘maasikaso’
sa babae at ‘mayabang’ sa lalaki.
• Paliwanag ni Padilla, “May kaugnayan sa pagtuturo at
pagkatuto ng wika, na kapag natututo tayo ng wika ay
hindi lamang wika ang natututuhan natin kundi pati
kultura rin dahil ang kultura ay konektado sa wika at ang
kamalayan sa kasarian ay naimpluwensyahan ng kultura.
Ngunit hindi lang iyon, naimpluwensyahan ng malakas at
mapanuring kamalayan ang namamayaning kultura.”
• Dagdag pa ni Padilla, ayon sa mga pag-aaral tungkol
sa wika, kasarian at pagkakaiba, “Magkaiba raw ang
mga lalaki at babae sa paggamit ng wika. Magkaiba
rin silang mag-isip kung paano natututuhan ang wika.
Magkaiba rin sila sa paggamit ng mga stratehiya sa
pagkatuto ng wika.”
• Tinalakay rin ni Padilla ang kakulangan ng mga
pananaliksik tungkol sa kasarian at pagtuturo at
pagkatuto ng wika, Ingles man ito, Filipino o iba pang
wika sa Pilipinas.
• Binanggit din ni Padilla na isa sa mahahalagang
hakbang sa pagtuturo o pagkatuto ng wika ay ang
alisin sa laylayan ang usapin ng kasarian lalo na sa
mga kurso na may kaugnayan sa wika, gamit ng wika
at pagkatuto ng wika.
• Pero hindi maaaring gawin iyon kung hindi ka muna
maalam sa bagay na ito. Kailangang maging maalam
ngunit kailangan ding makialam kung kinakailangan.
Kailangang ding bigyang-pansin hindi lamang ang
pagkakaiba sa kasarian kundi pati na rin ang
pagkakapareho at pagkakapantay-pantay ng mga tao
ano man ang kanilang kasarian,” ani niya. (Padilla)
• Ani niya, “Ang paglilinang ng edukasyong malay sa
kasarian ay tumutugon sa panawagan ng UP na
magpaunlad ng kritikal na pag-iisip, paglinang ng
mabuting asal, dangal at pagkatao, at magtaguyod ng
katarungang panlipunan. Hindi makukumpleto ang
rekado kung hindi isasahog ang layunin ng pagiging
malay sa kasarian.”
WIKA AT
PANLIPUNANG PANGKAT
Ano ang Panlipunang Pangkat?
• Ito ay dibisyon o order ng lipunan sang-yon sa istatus.
• Kolektibong pangkat ng mga indibidwal na may
magkatulad na sosyal at/o ekonomik na mga katangian.
• Sa pag-aaral ng mga dayalekto, ginagamit ang
panlipunang pangkat upang ilarawan ang grupo o
pangkat ng mga mananalita na may pagkakatulad.
Panlipunang Pangkat
Ang mga sumusunod ay mga kriteryang
ginagamit sa pagklaklasipika ng
Panlipunang Pangkat?
Social Class

Economic
education occupation
Status
Trudgill: Social Class Dialects
Alin sa pangkat sa ibaba ang may mas mataas na sosyal
na istatus?
A B
• I done it yesterday./ I did it yesterday.
• He ain’t got it./ He hasn’t got it.
• It was her what said it. / It was her that said it.
Trudgill: Social Class Dialects
Mapapansin sa dalawang pangkat ng mananalita na:
•May gramatikal silang pagkakaiba na nagbibigay ng
palatandaan ukol sa kanilang sosyal na background.
•Maaari ring ang pagkakaiba ay nasa ponetiko o
ponolohikal na pagkakaiba – social class accents.
Trudgill: Social Class Dialects
Gumagamit ng iba’t ibang mga
panglingguwistikang varayti ang mga
iba’t ibang pangkat panlipunan.
Epekto ng sosyal na pagkakaiba-iba sa wika:

1. Heograpikal na Hangganan o
Geographical Boundaries – kung gaano
kalayo ang heograpikal na distansya o layo
ng dalawang dayalekto, ganoon din ang hindi
pagkakatulad ng mga ito sa linggwistika.
2. Sosyal na mga hadlang o Social
Barriers - Ang paglaganap ng katangiang
panglinggwistika sa pamamagitan ng
lipunan ay maaaring mapigilan ng mga
hadlang na ito tulad ng panlipunang
pangkat, edad, lahi, relihiyon at iba pa.
3. Sosyal na Layo o Social Distance – ang epekto ay tulad
ng heograpikal na salik.
•- ang anumang inobasyong
panglinggwistika na nagsimula sa pangkat
na nabibilang sa pinakamataas na istatus
ay makararating sa pinakamababang
pangkat ngunit may katagalan.
Social Stratification
• Tumutukoy sa anumang antas ng mga pangkat sa
isang lipunan.
• Nagbigay daan sa pagkakaroon ng tinatawag na
social class dialects.
• Mas madaling pag-aralan at ilarawan ang caste
kaysa sa social class dialects.
• Sa India, ang lipunan ay napapangkat sa iba’t ibang
mga caste.
Sistemang Caste (CASTE-hango sa salitang
CASTA na nangangahulugang “angkan”
•Ang sistemang caste ay isang uri ng social
stratification na ginamit ng mga Hindu sa pag-
aayos ng kanilang sistemang panlipunan. Ito ay
karaniwang nadedetermina sa pagkapanganak pa
lamang at ang tanging paraan upang makalipat ka
ng caste ay ang mamatay at maisilang muli.
• Ang caste ay hindi basta basta nagbabago,
malinaw na may pangalang mga grupo,
nakahiwalay sa isa’t isa, may namamanang
membership at may maliit na posibilidad ng
paglipat mula sa isang caste patungo sa iba o
ang tinatawag na social mobility.
• Social mobility - tumutukoy sa paglipat sa itaas o
sa ibaba antas ng social hierarchy.
• Kung gaano ka-heterogeneous ang isang lipunan
ganoon din ang kanyang wika.
• Hindi ito ang tuon sa pag-aaral ng mga linggwista
kundi ang mga sumusunod:
•A. Idyolek – istilo ng pananalita ng isang tao
na mas sinasabing mas regular kaysa sa
pananalita ng lipunan sa kabuuan.
B. Pananalita ng mga informant sa lalawigan (rural
informants)
- tuon ng pag-aaral ng mga dialectologist.
Dahilan:
1. magtala ng mga katangian ng dialekto na
namamatay na bago ito mawala ng tuluyan.
2. may pakiramdam na mas puro at totoo ang
dialekto ng mga matatanda at hindi nakapag-aral
na mga tao.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
• Nagsimula ang pag-aaral ng mga dialectologist
sa mga pananalita sa lungsod (urban).
• Napilitang ilarawan nang ganap at may katiyakan
ang mga pananalita ng mga malalaking bayan at
siyudad.
• Ang social dialectology ay naging sociolinguistics.
William Labov (1966)
•Amerikanong linggwist
•Naglathala ng Social Stratification of English
in New York City – resulta ng malawakang
sarbey ukol sa pananalita ng New York
•Tape recorded, may 340 na mga informant
na napili sa pamamagitan ng random
sampling.
•Ang pananalita ng mga informant ay talagang
kinatawan ng New York .
Dalawang pangunahing panlipunang pangkat
na ginamit :
middle -class’ = more years of education + non-
manual work
working -class = less years of education + manual
work ‘
• Idinagdag ang mga terminong ‘lower’ at ‘upper’
na madalas gamitin upang mapangkat pa ang
mga panlipunang pangkat ayon sa ekonomik na
batayan..
• Inalam ni Labov ang kaugnayan ng dalas ng
pagbigkas ng /r/ at ng panlipunang pangkat
• /r/ production = prestige (in NY)
• Binisita ang:
• Sacks (upper class)
• Macy’s (middle class)
• S. Klein (lower class)
Natuklasan ni Labov…
Sacks

32% Macy’s

31%
S.Klein
30%
20% 17%
4%

All ‘r’ producing Some ‘r’ producing


Social Marker:
• Batay sa pag-aaral , ang /r/ ay nagsasaad ng pagiging kasapi ng
mananalita sa isang partikular na panlipunang pangkat sa isang
tiyak na lugar.
• Kaya, ang post vocalic /r/ ay gumaganap bilang social marker.
• Social marker: isang panlingwistikang katangian na
nagsisilbing tanda ng mananalita bilang kasapi ng isang
partikular na sosyal na grupo.
Prestige:
•In a finding that has been confirmed in other
studies, middle- class speakers are much
more likely to shift their style of speaking
significantly in the direction of the upper
middle class when they are using a careful
style.
Prestige:
•Malaki ang pagbabago ng pagsasalita
ng nasa Lower-middle-class na
mananalita mula kaswal tungo sa
maingat na istilo ng pagsasalita upang
makilala sila bilang kasapi ng mas
mataas na sosyal istatus.
Mga debelopment batay sa pag-aaral ni
Labov:
•Sociological method – random sampling
•Techniques forSociological method – random
sampling
•Techniques for eliciting normal speech – tape
recorded na panayam sa mga di-kakilalang tao.
• eliciting normal speech – tape recorded na
panayam sa mga di-kakilalang tao.
•Method for quantitative measurements of
linguistic data – pagkuha ng mga
katangiang panglinggwistika, maaaring
mula iba nakalipas na pag-aaral o sa taal
na tagapagsalita, pakikinig sa tape
recordings at pagbilang kung gaano
karami ang ginawang pagbigkas sa mga
ito.
•Mahihinuha mula sa pag-aaral
na hindi posible ang pagpili
lamang ng isang ispiker bilang
kinatawan sa pag-aaral upang
mailarawan ang buong
panlipunang pangkat.
Dialect Continuum
• Ang iba’t ibang dayalekto ay maaring pag-
ugnayin ng kanilang pagkakatulad na unti-unting
naging iisa.
• Natuklasan ni Trudgill na kung gaano kababa
ang panlipunang pangkat, ganoon naman
kadalas ang rehiyunal na pagbigkas (regional
pronunciation)
Trudgill: Social Class Dialects
• The dialect continuum
Highest class: standard dialect
Social variation

Lowest class: most localised non-


standard

Regional variation
Trudgill: social class accents
• The accent continuum
Highest class: RP

Social variation

Lowest class: most localised non-


accent
Regional variation
Table 3. RP and local-accent pronunciation of home
Cluster Analysis
•Pagpangkat sa mga mananalita na
ang batayan ay ang kanilang
pagkakatulad na panglinggwistika at
tingnan kung mayroong katangiang
pang-sosyal (social features) na
naglalarawan sa mga grupo.
Basil Bernstein
•British Sociologist
•Two varieties of language
available to speakers:
a. Elaborated Speech codes
b. Restricted Speech codes
Gawain sa elaborated at restricted codes
Sumulat ng maikling kuwento gamit ang mga
sumusunod na larawan bilang batayan.
A Possible Story
•They're playing football and he kicks it
and it goes through there and it breaks it
and they're looking at it and he comes
out and shouts at them and they run off.
A second version
• Three boys are playing football and one boy
kicks the ball and it goes through the window.
The ball breaks the window and the boys are
looking at it. A man comes out and shouts at
them because they've broken the window so
they run away.
Elaborated Code
• Katangian ng pananalita ng mga nasa middle class
• Binubuo ng mga kompleks na pangungusap
• Pinalawak ang bokabularyo
• Gumagamit ng unang panauhan
• Ginagamit sa pormal na mga debate o mga akademik
na pagtalakay
• Context independent – hindi nakasalalay ang
kahulugan sa mga extra-linguistic context.
Restricted Code
• Katangian ng pananalita ng mga nasa working
class
• May maikli at simpleng pangungusap
• Limitado ang bokabularyo
• Sa wikang Ingles madalas ginagamit ang ‘you
know’ at iba pa.
• Ginagamit sa mga informal na sitwasyon
May pagkakaugnay ang paggamit ng dalawang
codes at ang social class membership
• Ang paggamit ng mga guro ng restricted code ay
nagbubunga ng mababang performance ng mga bata sa
working class.
• Ang paggamit naman ng mga guro ng elaborated code ay
nagbubunga ng mataas na antas ng performance ng mga
mag-aaral sa middle class.
Ang Pagkakaugnay ng Wika at Lipunan: Varayti at Antas ng
Wika
•Ang lipunan ay malaking pangkat ng
mga tao na may karaniwang set ng pag-
uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa
isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang
mga sarili bilang isang yunit (UP
Diksyunaryo)
Ang Pagkakaugnay ng Wika at Lipunan: Varayti at
Antas ng Wika
•Ang wika, pasalita man o pasulat,
ang instrumentong ginagamit ng
mga tao sa loob ng lipunang ito
upang makapag-ugnayan sa isa’t
isa.. (Sapir, 1949)
Wika, Kultura at
Pangkatang Pilipino
Wika
• kasangkapan ng pakikipagtalastasan
• tagapagdala ng mga ideya
• Iniimpluwensiyahan nito ang ugali ng tao: ang kanyang isip
at damdamin
• instrumento sa paglikha ng makabuluhan at malikhaing
pag-iisip
• Samakatuwid, upang magamit sa sukdulan ang wika,
dapat itong hawakan nang buong husay, angkining ganap.
Kultura
• tumutukoy sa karunungan, sining, literature, paniniwala
at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong
nananahanan sa isang pamayanan
• batayan ng pag-iisip ng isang tao
• nagbibigay-impluwensiya o nagtatakda sa kung ano ang
kanyang iisipin at gagawin.
PAGKATAONG PILIPINO

pangkalahatang katangiang Pilipino

bunga ng karanasan at kaisipan na hinubog o hinulma ng


panahon at kasaysayan na masasalamin
sa sariling kultura at wika
WIKA, KULTURA AT PAGKATAONG
PILIPINO
“Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.”
Virgilio Almario

Kung ano ang sinasabi mo at wikang sinasalita mo, ay


ang uri ng pagkatao na mayroon ka – ugali, paniniwala
at kultura o pamamaraan ng buhay mo bilang isang
tao.
LIPUNAN

   

WIKA KULTURA

LIPUNAN
Ang kultura ay binubuo ng mga ideolohiya o
pangkalahatang pananaw ng mga tao na nabibilang
sa isang lipunan.
Ang mga ideolohiyang ito gaya ang mga ideya,
pananaw, paniniwala, pagpapahalaga ang siyang
patnubay ng mga tao sa pagsasagawa nila ng
kanilang nakasanayang mga gawain tulad ng mga
ritwal, sa pagdiriwang ng kasalan, pagsilang at
paglilibing.
Ang kulturang ito ay hinubog mula sa isang
henerasyon patungo sa sumusunod na salinlahi.
Naisasalin ang kultura sa pamamagitan ng
komunikasyon, gamit ang wika. Habang natutuhan
ng isang bata ang kanyang nakagisnang wika,
unti-unti rin niyang nakukuha ang kanyang kultura.
( Rubrico, 2006)
 
Ang mga taong may sariling kultura ay
lumilinang ng wikang angkop sa kanilang
pangangailangan.

Sa wikang ito nasasalamin ang mga mithiin at


lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o
saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga
mamamayan.
PAGKAHUBOG NG
KAMALAYAN
• Ang tao ay sinangkapan ng likas na mekanismo o
kakayahan na umangkop sa kanyang paligid.
Kailangan na makibagay o makisama ng isang
indibidwal sa kanyang kapwa bilang pagtalima sa
tinatawag na mga sikologo na “human
gregariousness” o sa tinatawag nilang “the tendency
to belong with.”
PANANAW SA DAIGDIG NG IBA’T IBANG
ETNIKONG GRUPO
•Ang pagkakaiba ng mga wika ay hindi
lamang kaibahan ng tunog o simbolismo,
kundi, mas malalim na pagkakaiba ng
pananaw sa mundo.
•Ang ating pananaw sa buhay ay batay sa
ating sariling wika at kultura.
• Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez:

“Kung wika ang instrumento sa pananakop ng kaisipan,


wika rin ang instrumento sa pagpapalaya ng sambayanan
at pag-unlad ng pambansang kultura…Kung patuloy na
gagamitin ang wikang dayuhan sa halip na wikang
katutubo, hiram na kamalayan ang mananaig…kailangan
natin ang sikolohiya ay talagang wala nang matitira sa
atin.”
•Ang wika ay siyang tagadala ng
kultura. Nakapaloob sa mga salita
ang iba’t ibang sangkap ng
kalinangan na lumalabas kapag
ginagamit ang wika.
PAGLALAGOM
• Nagkatali-tali ang wika, pag-iisip, kultura at lipunan, kung
kaya’ t ang uri ng pag-iisip at kaugalian ng mga
mamamayan ay nalalantad sa ginagamit nilang mga salita,
mga kawikaan at mga kasabihan. Higit sa lahat , ang
katutubong pag-iisip ng mga taong-bayan ay siyang
humuhulma hindi lamang sa kanilang pilosopiya ng buhay
o pandaigdigang pananaw, kundi pati na rin sa kanilang
pala-palagay, pagkukuro’t pagpapakahulugan tungkol sa
mga pangyayari’t mga katayuan sa santinakpan.
Ang kaalaman natin sa iba’t ibang kultura ay humubog
sa atin upang luminang pa ang kaisipan at pag-unawa.
• https://upd.edu.ph/talasalitaan-wika-at-kasarian/UTHOR
• Haidee C. Pineda
• https://prezi.com/0wwovvq69ing/wika-at-kasarian/Wika at kasarian
• JP
• Jacob Miguel Pineda
• Updated 6 July 2016
• (2017) https
://www.facebook.com/8ipilAPproject/posts/ang-sistemang-caste-ay-i
sang-uri-ng-social-stratification-na-ginamit-ng-mga-hind/3454962791
23962/
https://www.slideshare.net/BryanneMas/ano-ang-wika Ano
ang Wika ni Bryanne Mas 2015

Katuturan ng Wika ni Justin Thaddeus Soria 2012


https://www.slideshare.net/thaddeussoria/katuturan-ng-wika
?from_action=save

https://www.slideshare.net/cessai/barayti-at-antas-ng-wika
Barayti at Antas ng Wika ni cessai alagos
2015
• https://philnews.ph/2019/06/25/teorya-ng-wika-pinagmumulan-ng-wika
Ni tixij.zeal 2019

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Taylan, Dolores R.


et.al (2016) Rex Book Store, Inc. Quezon City Manila

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Alicia Binwag et.al 2018 St.


Andrew Publishing House , Plaridel Bulcan.
• Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino
-Romeo P. Gonzalvo Jr.- (2016) Mindshapers Co. INC.
• Pagpaplanong Wika at Filipino 2015 ni Virgilio S. Almario.
Komisyon sa wikang Filipino San Miguel Maynila
• https://
www.scribd.com/presentation/404026235/Mangin-as-Alz
• https://www.coursehero.com/file/28920910/Barayti-at-Bar
yasyon-ng-Wikapdf
/ alexander mukasyan

You might also like