You are on page 1of 1

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang agham at teknolohiya ay dapat nagagamit sa pag-unlad at

ikabubuti ng buhay ng karamihan. Sa kasaysayan, nakikita natin ang papel na ginagampanan nito -
ngunit sa madaling salita ay hindi ito napupunta sa kamay at ikauunlad ng masa. Sa mga
industriyalisadong bansa, maunlad ang teknolohiya at kita ang kahalagahan nito - ngunit sa ating
pagiging malakolonyal at malapyudal, napapanatili ang pagiging atrasadong kalagayan ng agham at
teknolohiya. Mababatid natin ito sa hindi pagpapahalaga ng ating mga siyentista't inhinyero, na
maraming nangingibang-bansa para lang magkatrabaho. Makikita rin natin ito sa militarisado at hindi
medikal o siyentipikong tugon sa pandemya.

Mula noon hanggang sa kasalukuyan, dumaranas ang ating lipunan ng iba't ibang mga problema tulad ng
laganap na kawalan ng trabaho, kahirapan, gutom, pananamantala ng mga manggagawa, at kawalang-
katarungan para sa mga magsasaka. Ang mga itong kinakaharap ng lipunang Pilipinas ay hindi lamang
nakaaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng populasyon, kundi pati rin sa estado ng agham at
teknolohiya.

Mula sa Kolehiyo ng Inhenyeriya, ako si LIAN LAO at nakikiisa ako sa laban para sa agham. Iniimbitahan
ko kayo upang suportahan ang panawagang ito.

Sumama. Makialam. Makisangkot. Tumindig.

Let's STAND UP together para sa siyentipiko at makamasang pag-unlad!

#ScienceForThePeople

#iLaoNgKinabukasan

#StandUpTogether

You might also like