You are on page 1of 1

BAHAY. TRABAHO.. BAHAY.

TRABAHO

Ganito ang buhay simula ng nagkapandemya, paikot- ikot nalang, walang mapuntahan ibang
lugar sa takot na madapuan ng sakit. Pera ay tinitipid sa dahilang hindi tuloy ang trabaho at
para makabayad lang sa renta na tuloy tuloy parin ang singil. Kay hirap talaga pag ikaw ay
gumigising kada araw at nagtatrabaho para sa pera. Namulat sa kulturang “ mag-aral ka ng
mabuti para maka sahod ng disenteng sahod”. Sa panahong ito kahit ikaw ay college degree ng
dahil sa pandemya ikaw ay parang walang kaya. Namulat na ang trabaho ang makakasalba,
subalit ang trabaho ay pansamatalang solusyon lamang sa pangmatagalang problem sa buhay.
Naisip niyo rin ba na bakit hindi itinuro sa paaralan kung paano humawak ng pera? Kundi ang
tinuturo ay ang maging masunirin na empleyado. Iniisip ng iba na ang pera ang solusyon sa
lahat ng problema pero hindi. Yun ay naka depende sa emosyonal at pagkauugali mo sa tuwing
hawak muna ang pera. Pero mahirap parin lumuwas sa kulturang kinalakihan patungo sa
gustong pagbabago dahil sa takot. Itong pandemyang ito ay nagdulot ng takot sa lahat at
perwisyo,hanggang kailan? Anong dapat gawin? Mga tanong na walang katapusan na umiikot
sa utak ng isang simpleng tao na namumuhay para sa pera na iniisip paano mamuhay na ang
pera ang kumakayod para sa sarili.
Kaya pag dumating ang Panahon na ika'y nakaluwas, baguhin ang kinalakihang kultura na ayaw
mong masundan ng iyong mga anak upang sila'y matuto at madala nila sa susunod pang
henerasyon

You might also like