Professional Documents
Culture Documents
2. Uri ng Panitikan
Isa itong halimbawa ng TALUMPATI
3. Layunin ng may akda
Bigyan diin ang kanilang naging Laban at ang pagkapanalo Laban sa nakaraang administrasyong
Marcos. Dagdag binigyang binigyang diin sa talumpati ang mga nagawa at maipahatid kung
gaano kahirap at kasakit ang pagapahirap na naranasan sa kamay ng diktador. Layunin din nito
na ipaalam ang mga impormasyon at karapatan na pinagkait at tinanggal sa mga tao. Binigyan
diin dito ang pagnanais na mapalaganap ang demokrasya sa bansa.
4. Tema o Paksa ng May-akda
Ang talumpati ay patungkol sa paghingi ng suporta para sa pagtindig ng bagong tahanan ng
demokrasya,ang bagong kanlungan para sa inaapi, upang makatindig ito bilang
kumikinang na—testamento ng ating dalawang bansang nagtataya sa kalayaan
5. Mga Tauhan
Maria Corazon Cojuangco Aquino
Pang. Ferdinand Marcos
Pang. Reagan
Pang. Ninoy Aquino
6. Panahon
1986, Washington DC
7. Nilalaman/Balangkas ng Pangyayari
Nagpakita ng damdaming makabayan at hirap na dinanas nila ng kanyang pamilya at lalong
Lalo na ng kanyang Asawa na si Ninoy Aquino. Sinaad niya rin dito ang mga pagpapahirap na
ginawa nila sa Asawa niya.
8. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda
Ang madamdaming talumpati ni Corazon Aquino na nagpapakita ng kanyang kalakasan upang
harapin ng may lakas loob ang mga pagsubok at ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang asawa.
Gusto rin niyang malaman ng mga Pilipino na ititindig nila muli ang bagong tahanan ng
demokrasya.
9. Buod
TALUMPATI
ONLINE LEARNING
"Ayaw ko na."
“Gusto ko na sumuko”
"Napapagod na ako."
“Hindi ko na alam gagawin ko”
"Sumasakit na ang ulo at mga mata ko”
Ilan lamang ito sa mga naririnig mong sinasabi ng mga estudyante kung sila ay tatanunging mo
tungkol sa kanilang pag-aaral sa online learning o mapa-modyular. Sa panahon ngayon,
napakalaking epekto ng COVID-19 sa ating buhay kasama na rito ang larangan ng edukasyon.
Malayo ito sa ating nakasanayang pag-aaral na natututo tayo sa paaralan. Ang tawag sa bagong
normal ng edukasyon ngayon ay online learning.
Ang online learning ay gumagamit ng teknolohiya at gadyet upang iugnay ang dalawang tao. Ito
ang guro at ang kanyang estudyante. Karunungan at kasanayan ang maaaring ituro ng guro sa
kaniyang mga estudyante. Hindi natin maitatanggi na halos lahat naman tayo ay nahihirapan sa
bagong normal na ito. Dahil hindi lahat kaya makisabay, hindi lahat ay kayang makabili ng Wi-Fi
o mobile data. Imbis na ipangkakain na lamang nila ay ipanglo-load pa para sa online class.
Lahat naman ay nakararanas ng kahirapan ngayong nasa pandemiya tayo at nasa ganitong
sitwasyon pa dahil sa online learning. Nararanasan ng ilang estudyante ang pagkakaroon ng
depresyon at mga negatibong bagay na naiisip lalo na sa mga estudyante. May nabasa akong
nagpapakamatay kesyo hindi nila kaya at wala silang maintindihan at iba pa. Huwag sanang
humantong sa punto na kung kailan madami ng sumuko saka lamang nila maiisipang ang pag-
aaral ay ihinto muna.
Marahil sa iba ay napadadali ang gawain nila, dahil sa cellphone na lamang ito ginagawa, pero
paano ang mga walang cellphone, Wi-Fi at load. Pero kahit may pandemic mayroon pa ring
kumunikasyon ang guro at estudyante kahit hindi lahat ay kaya ito. Nagpapatuloy pa rin ang
edukasyon sa bagong normal na ito. Sana ay maging maayos na ang lahat at maibalik na sa dati
ang lahat. Alam kong lahat ay nahihirapan pero lahat din naman ay ginagawa natin para
makapagtapos, at pati ang ating mga guro tumutulong sa atin kahit nahihirapan sila sa bagong
normal na ito. Kaya natin hanggang may Diyos tayo. Magtiwala lamang tayo sa Kaniya at
magiging maayos din ang lahat.