You are on page 1of 2

Hybrid Electric Train: Proudly gawang Pinoy!

Jessa Bernardo

Sa loob ng higit isang daang taon, iba't ibang klaseng tren na ang dumaan sa mga riles ng
Philippine National Railways (PNR) na naging parte ng kasaysayan ng bansa at naging isang
malaking tulong sa ating mga Pilipino para makarating sa ating paroroonan.
Samu't saring mga pasahero na rin ang naihatid ng mga ito. Isa na rito si Aling Rose Marie
Austria na taga-Maynila. Ayon kay Austria, maganda ang lokasyon ng PNR kumpara sa LRT o
Light Rail Transit. Bukod dito mas mura pa raw sa PNR. Nakakaiwas pa raw siya sa traffic at mas
nalalapitan siya mula sa kanilang bahay hanggang sa kanilang opisina.
Malaki man ang naitutulong ng PNR sa commuter, hindi maikakaila na tumatanda na rin ang
mga bagon nito. Sa ngayon ay may pitong sets ng tren ang PNR, ayon sa spokesperson ng PNR
na si Jo Geronimo.
Katulad ng LRT at ng Metro Rail Transit o MRT, back-to-back drivers cab ito na three-car
formation. May mga parating naman daw na bagong biling tren mula sa ibang bansa. Pero
gustong makipagsabayan ng Department of Science and Technology (DOST) sa produkto ng mga
dayuhan. Pantapat nila: ang Hybrid Train na 100 percent gawang Pinoy.
Ang hybrid electric train ay isang train na may dalawang power. Ang unang source ay generator,
ang pangalawa natin ay battery. So nagtutulong ang generator at battery para patakbuhin 'yung
train natin. Nakakatipid tayo ng fuel consumption. Mula sa gulong, bagon, mga baterya,
makina, at hanggang sa control panel ay dinisenyo ito ng mga engineer sa DOST. Halos P120
million umano ang nagastos sa tren na ito. Ang projected life span daw nito ay 10 taon, pero
kung mame-maintain, maaaring pahabain pa ang buhay nito ng 20 taon.
Maaaring mapatakbo ang tren gamit ang diesel o elektrisidad. Fully-air conditioned ang tren,
may CCTV, at ang mga bintana ay gawa sa polycarbonated na materyal para tiyakin ang
kaligtasan ng mga pasahero.
Pumasa na raw ang 4 na bagong hybrid train sa 5,000 kilometer performance test run ng PNR
na nagtitiyak na maayos ang biyahe nito sa riles. Sa ngayon, pinaghahandaan naman ang
validation testing ng PNR kung saan sasakay na rito ang nasa 800 mga pasahero.
Limang taon ginawa ang hybrid train ng DOST.
Maaaring mailunsad at matapos ang proyektong ito sa loob ng isa hanggang dalawang taon
sakaling lumabas na positibo ang resulta ng pag-aaral at kung ito ay aaprubahan ng
pamahalaan. Upang umunlad nang tuluyan ang ating bansa, huwag tayong magsayang ng oras
na sumubok ng mga bagong paraan o solusyon tulad na lamang ng Hybrid Electric Train na
maaaring magbunga ng pagbilis ng daloy ng trapiko, dahil ating pakatandaan na hindi natin
malalaman ang resulta kung hindi natin susubukan.

You might also like