You are on page 1of 1

LINGGWISTIKA

Linggwistika at ang Guro


Lingusitic Society of the Philippines (binigyang
diin ang theoretical linguistics sa Ingles) at Pambansang
Samahan sa Linggwistikang Pilipino Ink. (binigyang
diin ang applied linguistics sa Pilipino ) .
Dr. Cecilio Lopez, propesor emeritus sa UP ang
“Ama ng Linggwistikang Pilipino.
LINGGWISTIKA
Ito ay maagham na paraan ng pag-aaral ng wika
at maagham na pagtuklas ng impormasyon at kaalaman
tungkol sa wika. Linggwista tawag sa taong nag-aaral ng
wika.
Ang polyglot ay isang taong maalam o
nakapagsasalita mng iba’t-ibang wika.
Ang anawnser at mahusay magsalita o gumamit ng
wika ngunit hindi nangangahulugang siya ay isang
linggwista.
MAAGHAM NA PAG-AARAL NG WIKA
1. PROSESO NG PAGMAMASID
Pagtitipon ng mga obhektibo at walang
kinikilingang mga datos at ng mga obserbasyong
hindi nakukulayan ng emosyon.
2. PROSESO NG PAGTATANONG
Ang paglalahad ng suliranin.
3. PROSESO NG PAGKLASIPIKA
Pagsasaayos sa mga naging bunga ng
pananaliksik
4. PROSESO NG PAGLALAHAT
Pagbuo ng mga hipotesis, ng mga teorya at
prinsipyo ng mga tuntunin o batas
5. PROSESO NG PAGBERIPIKA AT
PAGREREBISA
Ang anumang hipotesis, mga teorya at prinsipyo ng
mga tuntunin o batas na banbuo ng isang linggwistaay
kinakailangang patuloy na maipalalim sa pagsubok
upang mamodipika at marebisa
Kahulugan at Kahalagahan ng Linggwistika sa
Guro ng Wika
 Ang isang linggwistika ay karaniwang natutulad sa
isang doctor.
 Mapapaunlad ang wika sa pamamagitan ng
dalawang principal na paraan – ang literatura o
panitikan at balarila o gramatika.
 Ayon sa aklat ni Lope K. Santos ng Balarila ng
Wikang Pambansa noong 1941 ay napabayaan ang
panig ng balarila.
Ang LINGGWISTIKA SA PAGLINANG SA
WIKANG fILIPINO
Ambag ng linggwistika sa paglinang ng wika:
Sa pagpaplano at paggawa ng mga patakarang
pangwika (Dept. Order No. 25, s. 1974) sa
pagpapairal ng bilinggwalismo sa Sistema ng
edukasyon.
Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo
Ang pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak
na pananaw sa kalikasan ng wika.
Layunin ng linggwistika na malinang ang mga
paraan sa mabisang paglalarawan sa wika

You might also like