You are on page 1of 3

I.Tama o Mali.

Panuto.Isulat sa iyong sagutang papel ang titik “T” kung makatotohanan ang
pahayag at titik ” M” naman kung hindi ito makatotohanan.

1. Ang paksa ng tulang may pamagat na “Punongkahoy” ay sumasagisag sa yugto sa


buhay ng tao.
2. Simbolismo ang tawag sa mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring
kaisipan ng mga mambabasa.
3. Si Emilio Jacinto ang sumulat ng tulang may pamagat na “Punongkahoy”.
4. Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa paggamit ng tayutay, at
malayang paggamit ng mga salita sa iba’t-ibang estilo.
5. Ang isang talata ay binubuo ng pangunahin at pantulong na kaisipan.
6. Binubuo ng anim na elemento ang tula.
7. Ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa isang punongkahoy.
8. Esensyal na aspeto ng balagtasan ang pagbibigay opinyon at katuwiran.
9. Isinulat ni Pat Villafuerte ang balagtasang may pamagat na”Patuloy Bang Lumalala
ang Sitwasyong Pangkapayapaan sa Bansa?”.
10. Ang panungusap na,” Kung ako ang tatanungin, mas mainam ang mag-aral nang
mabuti kaysa sa maglakwatsa ka buong-araw.” ay isang halimbawa ng opinyon.
11. Isa sa hudyat na ginagamit sa pang-abay na panag-ayon ay ang salitang “Tunay
na…”.

II. Opinyon at Katotohanan.


Panuto.Tukuyin kung ang pangungusap ay nabibilang sa opinyon o
katuwiran.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Lubos kong pinaniniwalaan na ang Pilipinas ay isa sa pinakamahirap na bansa sa buong
mundo dahil na rin sa korapsyon sa gobyerno.
2. Buong igting kong sinusuportahan ang ating pamahalaan sa pagpapatupad ng
panukalang batas na naaayon sa kapakanan ng mamamayan laban sa mapaminsalang
COVID -19 sa bansa kung kaya ninanais ko ring magpabakuna.
3. Kumbinsido akong dadami ang kaso ng COVID -19 sa ating bansa kung patuloy tayong
magsasawalang-bahala sa mga iniatas na protocol ng IATF.
4. Kung ako ang tatanungin higit na mainam kung mag-aaral ka nang mabuti.
5. Sa tingin ko’y uunlad ang Pilipinas.
II. PAGTAPAT-TAPATIN

Panuto : Piliin sa Hanay B ang mga tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

1.Ito ay tumutukoy sa mga ideya ng mga tao , a. Opinyon


mga ideyang nakabatay ,hindi sa b. Katuwiran
katunayan,kundi sa ipinalalagay lamang ng tao. c. tula
d. balagtasan
2. Layunin nitong hikayatin ang mga
e. talata
tagapakinig na tanggapin na tanggapin ang
f. imagery o larawang- diwa
kawastuhan ng pananalig o paniniwala sa
g. talinghaga
pamamagitan ng makatuwirang pagpapahayag.
h. Tulang Pasalaysay
3.Isang uri ng pagtatalo na may layuning i. Pantulong na Kaisipan
magbigay -aliw sa pamamagitan ng paghahalo j. Pangunahing Kaisipan
ng katatawanan,talas ng isip na may kasamang k. Tulang Patnigan
aktor ng isang dula. l. Lakandiwa
m. Tugma
4.Isang uri ng akdang pampanitikang n. Pahayag na Pagsang-ayon
naglalarawan ng buhay ,hinango sa o. Pahayag na Pagsalungat
guniguni,pinararating sa ating damdamin, at
ipinahahayag sa mga pananalitang may angking
aliw-iw.

5. Tawag sa mga salitang binabanggit sa tula


na nag- iiwan ng malinaw at tiyak na larawan
sa isipan ng mambabasa.

6.Elemento ng tula na tumutukoy sa paggamit


ng tayutay at simbolismo.

7.Binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap


na magkaugnay.

8. Ang tawag sa mga mahahalagang kaisipan o


mga susing pangungusap na may kaugnayan sa
paksang pangungusap.

9.Ito ang pinakamahalagang ideya ng


teksto.Isinasaad nito ang sentrong kaisipan o
ang teksto sa pangkalahatan.

10.Uri ng tula na nagsasalaysay, naglalarawan


ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay na
matatagpuan sa mga linya o berso na
nagbabahagi ng isang kuwento.

11. Kilalang tulang sagutan sapagkat ito ay


itinatanghal ng mga nagtutunggaliang makata
ngunit hindi sa paraang padula kundi sa
paraang patula na tagisan ng talino at katuwiran
ng mga makata.

12.Ang pagkakaroon ng pare-pareho o


magkakahawig na tunog sa dulo ng mga
panghuling salita ng taludtod.

13.Ang kalimitang nagsisimula ng isang


balagtasan sa mga pangkat na magtatalo at
gayundin ang paglalahad sa madla ng paksang
pagtatalunan.

14.Ito ay nangangahulugang
pagtanggap,pagpayag,pakikiisa o kaya’y
pakikibagay sa isang pahayag o ideya.

15. Nangangahulugan ng pagtanggi,pagtaliwas,


pagtutol,pagkontra sa isang pahayag o ideya.

You might also like