Professional Documents
Culture Documents
w3 and 4
w3 and 4
Department of Education
Region VI- WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ESTANCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
Estancia, Iloilo
LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO BAITANG 8
(IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO)
I. TAMA O MALI. Panuto. Isulat ang salitang Tama kung ang mga sumusunod na pangungusap ay
nagsasaad ng wastong diwa at salitang Mali kung ito ay maling diwa ang isinasaad.
______1. Ang alamat ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong bayan na naglalaman ng
pinagmulan ng isang pook o bagay.
______2. Ang paghihinuha ay magagawa lamang ng mga mambabasa kung tunay na nauunawaan niya
ang kanyang binabasang artikulo o seleksiyon.
______3. Si Dr. Jose P. Rizal ang sumulat ng tula na pinamagatang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.
______4. Ang Oton na naging unang kapital ng Iloilo ay naitatag noong 1571 sa panahon ni Legaspi.
______5. Ang kogtong ay isang uri ng isda na anim na pulgada ang haba, kulay at nakukuha lamang sa
ilog.
______6. Ang mga pangyayari sa isang alamat ay maaaring maging totoo o likha ng mayamang guniguni
ng manunulat.
______7. Ang isang epiko ay mabubuo sa tulong ng iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa.
______8. Si Aliguyon ay isang matalino at masigasig na binata na gustong mag-aral ng maraming bagay
na kinakailngan niya.
______9. Ang nganga ang ginamit ni Matabagka upang buhayin ang mga kawal na nasawi sa
pakikipaglaban.
_____10. Ang talata ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaiugnay, may
balangkas, may layunin, at may pag-unlad na kaisipang nakasaad sa pinapaksang pangungusap na
maaaring lantad o di lantad.
II. Maraming Pagpipilian: Panuto: Piliin at isulat ang titik ng iyong tamang sagot sa patlang.
____1. Ano ang pamagat ng epiko ng mga Bagobo?
a. Labaw Dunggon b. Haraya c.Si Tuwaang at ang dalaga ng Buhong na Langit
____2. Siya ay isang higante na may palamuti sa ulo na abot hanggang ulap.
a. Binata ng Sakadna b. binata ng Pangumanon c. Si Tuwaang
____3. Ano ang ibinigay ng dalaga ng Monawon sa kanyang mga bisita bago ang kasal?
a. Nganga b. gintong bansi c. sabakan
____4. Sino ang naging kasama ni Tuwaang sa kanyang paglalakbay?
a. Bai c. Gungutan c. Dalaga ng Monawon
____5. Ang naging kalaban ni Tuwaang na ang kahinaan ay nasa gintong plawta.
a. Binata ng Pangumanon b. Binata ng Sakadna c. Gungutan
Batay sa tulang may pamagat na ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, pumili lamang ng isa sa alinman sa
mga gawain sa ibaba at ipakita ang iyong pagmamahal sa bayan sa paggawa ng mga ito.