You are on page 1of 40

GRADE 3 - SCIENCE

GRADE 4
MAPEH (HEALTH)
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na
hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda
ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon


sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum
and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat
bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na
isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa
karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON Health G4


PIVOT 4A Learner’s Material
Ikaapat na Markahan
Unang Edisyon, 2022

MAPEH (Health)
Ikaapat na Baitang

Job S. Zape, Jr.


PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead

Zenaida E. Belino & Marjorie B. Francisco


Content Creator & Writer

Gelsie M. Garrido & Richard Dominic H. Barundia


Internal Reviewer & Editor

Ramonito O. Elumbaring & Marigold S. Cleofe


Language Reviewer & Technical Reviewer

Fe M. Ong-ongowan, Raphael D. Gorospe,


Patrick O. Opeña, & Esmeralda B. Timoteo
Layout Artists & Illustrator

Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno


Graphic Artist & Cover Designer

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON


Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

PIVOT 4A CALABARZON Health G4


Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material

Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH (Health). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinegurong
naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa sumusunod na mga aralin.
Salamat sa iyo!

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sa
pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performans
pagkatapos ng bawat gawain.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON Health G4


Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng


Panimula

aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
Suriin
kailangan para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
(Development)
Pagpapaunlad

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng
Tuklasin mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
Pagyamanin
matutuhan.
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-
aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad
sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Skills, at
Isagawa
Attitudes (KSA) upang makahulugang
Pakikipagpalihan
(Engagement)

mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.
Iangkop
Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa
proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang
(Assimilation)
Paglalapat

kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag-


uugnay, o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto.
Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha
ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa
Tayahin
kaniya ng pagkakataong
pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa


pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran
ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman
tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON Health G4


WEEK
1 Pagtukoy sa Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad at
Sakuna na Maaaring Mangyari sa Kanilang
Komunidad
I Aralin

Ang sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o


kalamidad. Ito ay aksidente o mga hindi sadyang pangyayari tulad ng
bagyo, lindol, at iba pa.
Ang maagap na paghahanda ay nalalayo sa sakuna. Upang
maiwasan ang mga sakuna na dulot ng natural na kalamidad, makinig o
alamin lagi ang mga pahayag, babala, at maging alerto. Maaaring malaman
ang pinakabagong impormasyon ukol sa sama ng panahon sa radyo,
telebisyon o internet. Laging ipinahahayag sa telebisyon o radyo ang
pagdating o paglapit ng isang bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, baha, at
malakas na hangin.

Sa araling ito ay malalaman mo ang kahalagahan ng pagiging handa


sa mga kalamidad na sa atin ay di - inaasahang dumating at maranasan.

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 6


D
Iba ang may kaalaman at may kahandaan. Ang larawan sa naunang
pahina ay nagpapakita ng pagsasanay bilang paghahanda sa lindol. Ito ay
isinasagawa sa mga paaralan, opisina, at kahit saan sa buong bansa sa
itinakdang araw at oras ng National Disaster Risk Reduction Management
Council o (NDRRMC).

Ang sakuna ay maaaring ikawala ng buhay o tirahan dahil sa lindol,


bagyo, malakas na hangin, malalakas na ulan na nagdudulot ng pagbaha,
sunog, at pagsabog ng mga bulkan.

Hindi natin alam kung kailan darating o magkakaroon ng kalamidad.


Malaki ang nagagawa ng pagiging handa sa araw-araw upang masiguro
natin ang ating kaligtasan sa oras na dumating ang isang kalamidad o
sakuna. Dapat magkaroon din tayo ng disiplina sa ating mga sarili.
Napakalaking tulong nito sa ating komunidad kung tayo ay may disiplina
upang maging produktibo tayo sa pangangalaga sa ating kapaligiran.

Mahalaga ang pagiging handa sa anumang hamong dumating sa ating


buhay lalo na dito sa ating bansa na may mataas na posibilidad na
magkakaroon ng iba’t ibang kalamidad tulad ng pagdaan ng mga bagyo at
pagsabog ng mga aktibong bulkan.

Mahalagang makibalita tayo sa kalagayan ng ating kapaligiran. Maaari


taong makinig sa radyo, manood sa telebisyon, at mag surf sa internet
upang malaman natin ang pinakabagong impormasyon upang maging
alerto tayo at makapaghanda. Tulad na lamang kapag may paparating na
bagyo, maaari nating konsultahin ang weather bulletin mula sa PAGASA
na inilalabas tuwing ika-anim na oras lalo na kung patuloy na lumalakas
ang hangin at pag-ulan.

7 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang kalamidad na inilalarawan sa
bawat bilang. Buoin ang salita sa pamamagitan ng paglalagay ng
nawawalang titik sa ibabaw ng patlang. Sipiin at sagutan sa sagutang
papel.
1. Pagbubuga ng asupre p_ g_ u_ ok n_ b_ lka_
2. Pagkibo ng lupa l_ n_ o l
3. Paglakas ng hangin at ulan b_ g_ o
4. Bunga ng walang tigil na pag – ulan b_ h_
5. Pagguho ng lupa l_ nd_ l_ d_

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa tulong at gabay ng magulang o


nakatatandang kasama sa bahay, magsaliksik sa internet o humanap sa
mga aklat at babasahin ng mga uri ng kalamidad. Idikit sa sagutang papel
ang mga larawan ng kalamidad at sumulat ng pangungusap tungkol dito.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Mula sa mga larawang nasaliksik sa
unang gawain, aling kalamidad ang kaya mong iguhit? Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sumulat ng talata tungkol sa iyong hindi


makakalimutang karanasan tungkol sa kalamidad. Gawing gabay ang mga
tanong sa ibaba sa pagsulat ng talata. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Sumunod ba ako sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
2. Magkakaugnay ba ang kaisipan ng mga pangungusap?
3. Naisalaysay ko ba ayon sa pagkakasunod - sunod ang mga
pangyayari?

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 8


Pagkatapos ng gawain, sipiin ang talahanayan sa ibaba at lagyan ang tsek
(/) ang kolum batay sa iyong pinakitang pagsasagawa.

Batayan sa pagmamarka

Pinaka- Mahusay Katamtaman


mahusay ang husay
Kriterya (7-5)
(10-8) (4-0)
1. Pagkakagamit ng mga
pangungusap

2.Paggamit ng mga tamang


bantas

3. Kaayusan ng talata

Kabuuan (10 puntos)

A
Sa iyong sagutang papel ay sagutan ang sumusunod na bukas na
pagtatapos ng pahayag. Ipahayag ang iyong nararamdaman o saloobin.

Nauunawaan ko na ______________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Nababatid ko na_________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Kailangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa ____________________
_________________________________________________________________________.

9 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


WEEKS
2-3
Pagpapakita ng mga Angkop at Nararapat na
Tugon Bago, Tuwing o Pagkatapos ng
Anumang Kalamidad o Sakuna at Kagipitan
Aralin
I
Alam mo na ba ang mga pangunahing dapat gawin o ihanda bago,
habang, at pagkatapos ng mga kalamidad o sakuna?
Sa araling ito ay malalaman mo kung ano-ano ang mga bagay na
dapat ihanda sa oras ng kalamidad o sakuna. Mauunawaan mo rin kung
ano ang mga dapat isaalang-alang bago, habang at pagkatapos ng
kalamidad.

D
Ang Survival Kit ay naglalaman ng mga pangunahing kailangan sa
oras ng sakuna gaya ng flashlight, radyo, reserbang baterya, pagkain,
tubig, at kumot. Naglalaman din ito ng mga gamot.

Narito ang mga pamamaraan/bagay na dapat ilagay sa Emergency


Bag:
1.Pagkain (di-nasisira kaagad) – Ilagay ang
pagkain sa loob ng isang “zip-lock” plastic bag
at huwag lamang sa orihinal na pakete.
Maaari itong mabutas at kumalat sa loob ng
bag. Maaari ding sumabog ang pop -up easy
cans kaya nararapat na suriing palagi.
Magdala rin ng insulated bags. Magdala ng
protein at granola bars, trail mix, dried fruits,
crackers, at cereals. Iwasang magdala ng
tsokolate na madaling matunaw o lumambot.

2. Tubig na inumin – Mas madaling bitbitin, mas


maganda. Gumamit ng military type canteen, sport water
bottles, o water bladder. Apat na galon ng tubig ang
pangkaraniwang kailangan ng isang tao upang mabuhay sa
loob ng tatlong araw.

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 10


3. Kumot at damit – Magdala ng
komportableng damit at undergarment na
madaling maimpake at hindi masyadong
kakain ng lugar sa loob ng bag. Magdala ng
portable sleeping bags, kumot, at blankets.

4. Personal supplies at gamot – Magdala


ng first aid kit, mga gamot (ibufrofen,
antihistamines, pain reliever), toiletries, at
suplay sa paglilinis. Huwag magdala ng
sabon na may pabango dahil makakasira ito
sa pagkain.

5. Tools – Magdala ng Swiss knife,


lapis at papel, gamit sa pagkain,
tubig, at duct tape.

11 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


6. Gatong at ilaw – Dapat magdala rin emergency lamps, flashlight,
baterya, flares kung mayroon, lighter o waterproof na posporo.

7. Dokumento at pera – Dalhin ang lahat ng legal na dokumento tulad


ng birth/marriage certificates, passport, credit cards, at insurance na
maaaring itabi sa isang lugar na madaling mabitbit at mahanap. Ilagay
ang mga ito sa loob ng isang waterproof na lalagyan. Magdala ng kaunting
halaga o tseke. Ilagay ang lahat ng ito sa waterproof container.

Palaging tingnan ang emergency bag tuwing anim na buwan upang


matiyak na sariwa pa ang pagkain, tubig, at gamot at hindi pa expired
ang mga ito. Tingnan kung maayos at kasya pa ang mga damit, up-to-
date ang mga dokumento at credit cards, sapat ang baterya, at kung
gumagana pa ang mga gadgets. Magbalot din ng mga damit at pagkain
para sa bata na kaya niyang bitbitin.

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 12


Sa Panahon ng Bagyo

BAGO dumating ang bagyo


● Manood ng balita sa telebisyon o making sa radyo ukol sa lagay ng
panahon.
● Isaayos at itabi sa ligtas na lugar ang mga importanteng bagay at maha-
halagang papeles.
● Mag – imbak ng sapat na dami ng tubig at pagkain.
● Siguraduhing kumpleto ang emergency supplies katulad ng baterya ng
radyo, flashlights, at first aid kit.
● Tingnan ang bubong ng bahay at mga puno sa bakuran na posibleng
bumagsak dahil sa malakas na hangin.

HABANG may bagyo

Signal No. 1
● Makinig sa balita sa radyo o TV ukol sa bagyo.
● Walang pasok ang pre- school sa paaralan.
● Magdala ng payong, kapote at bota kung lalabas

Signal No. 2
● Makinig sa balita sa radyo o TV ukol sa bagyo
● Walang pasok sa elementarya at sekundarya.
● Manatili sa loob ng bahay kung kinakailangan.
● Iwasang magbiyahe maging sa daan, dagat at himpapawid.
● Maging handa sa posibleng pagbaha.
●Maghanda kung sakaling kinakailangang lumikas sa mataas at mas
ligtas na lugar.

13 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


Signal No. 3
● Walang klase sa lahat ng antas ng paaralan maging sa opisina.
● Manatili sa loob ng bahay o sa lugar na mas ligtas.
● Kung nakatira sa mababang lugar, lumikas sa mas mataas at mas
ligtas na lugar.
● Iwasan ang pagpunta sa anumang uri ng anyong tubig.
Signal No. 4
● Ipagpaliban ang ano mang gawain at manatili sa loob ng bahay.
● Lumikas sa mas mataas na lugar sa posibleng pagbaha o landslide.
● Patibayin ang mga bahagi ng bahay na maaaring maapektuhan.
● Umantabay sa mga ulat sa mass media.
● Putulan ang mga sanga ng puno na malapit sa bahay.
● Siguraduhing walang nakaharang sa kalsada para sa pagdaan ng
emergency vehicles. Maghanda ng emergency kit.
● Kapag bumaha patayin ang main switch.
● Huwag lumusong sa baha kung hindi kinakailangan. Huwag gumamit
ng gas o ng kasangkapang nalubog sa baha.

PAGKATAPOS ng bagyo
● Kumpunihin ang mga naiwang sira o pinsala sa bahay at bakuran
kung mayroon.
● Iwasang magtampisaw sa tubig baha upang makaiwas sa sakit.
● Ipagbigay-alam sa kinuukulan ang anomang pinsala sa linya ng
kuryente, tubig, at telepono.
● Kung nasa evacuation site, maghintay ng hudyat kung kalian ligtas
nang bumalik sa inyong bahay.

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 14


LINDOL
Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang
seismiko. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng paggalaw sa fault sa ibabaw
na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasangga sa
lahat ng direksyon mula sa kaniyang pinanggalingan, sa anyo ng mga
seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa
anyo ng payapang tubig na hinuhulugan ng isang bato. Kahit na ang
enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus,
may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng
mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng
lupa.

BAGO ang lindol


● Alamin kung may emergency plan ang opisina, paaralan o ang iyong
pinapasukan.
● Maghanda ng emergency supplies tulad ng sa paghahanda sa bagyo.
● Alamin kung nasaan ang electric fuse box sa bahay. Kinakailangan
itong maisara sa pagsapit ng lindol upang maiwasan ang sunog.
● Iwasang maglagay ng mga bagay na maaaring mahulog at magdulot
ng malaking panganib.
● Magsagawa ng earthquake drill sa paaralan, bahay o komunidad.

HABANG may lindol


● Manatiling kalmado. Maging alerto kung saan man abutan nito.
● Kung nasa loob ng isang gusali, tumayo sa isang pader malapit sa
sentro ng gusali. Maghanap ng matatag na maaaring pagsilungan
habang lumilindol.
● Kung nasa loob ng sasakyan, ihinto ang sasakyan at hintaying
matapos ang pagyanig.
● Kung nasa labas, ilayo ang sarili sa anumang maaaring mahulog na
bagay at mabuwal na puno o poste.
● Duck, cover, hold.

15 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


PAGKATAPOS ng lindol
● Suriin ang sarili kung may natamong anomang sugat.
● Suriin ang linya ng tubig, kuryente, at gasul sa anumang pagtagas.
Kung may pagtagas sa mga ito, lalo na ang gasul, buksan ang
bintana at lumikas sa ligtas na lugar. Ipagbigay alam sa
kinauukulan ang pangyayari.
● Makinig ng balita sa radyo at TV.
● Umiwas sa mga gusaling nasalanta ng lindol.

PAGPUTOK NG BULKAN
Maaaring ang pagputok ng bulkan ay magdulot ng sakuna sa buhay
ng tao. Ngunit maaari din itong magdulot ng maganda sa kalikasan.
Nagbabago ang anyo at topograpiya ng isang lugar sa pagputok ng bulkan.

BAGO pumutok ang bulkan


● Tukuyin ang ligtas na lugar sa paglikas.
● Ihanda ang kinakailangan sa paglikas; damit, pagkain, at
mahahalagang kagamitan.
● Mag-imbak ng kinakailangang pagkain, gamot, at tubig sa panahon
ng paglikas.
● Siguraduhing ligtas ang mga alagang hayop.
● Alamin ang lugar na maaaring pagdaanan ng lava mula sa bulkan
upang makaiwas sa mga ito.
PAGKATAPOS ng pagputok ng bulkan
● Maghintay sa hudyat ng mga kinauukulan sa posibleng pagbalik sa
tirahan.
● Ayusin at kumpunihin ang pinsala sa bahay at linya ng kuryente,
tubig, at telepono.
● Pag-aralan kung paano maaaring magamit ang lupa na may halong
mga bato mula sa bulkan.

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 16


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sipiin sa sagutang papel ang mga
sumusunod at lagyan ng tsek (/)kung kailangan ang mga bagay na ito sa
paghahanda bago ang kalamidad at ekis naman (X) kung hindi.
1. Flashlight _____________________
2. Tsokolate _____________________
3. Kumot _____________________
4. Laptop _____________________
5. Dokumento _____________________
6. radio _____________________
7. laruan _____________________
8. pagkain _____________________
9. gamot _____________________
10. tools _____________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Iguhit sa sagutang papel ang mga bagay


na dapat ilagay sa Emergency Kit o Emergency Bag.

17 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (/) kung ang ipinakikita
sa bawat larawan ay tamang paghahanda sa iba’t ibang uri ng kalamidad
at ekis (X) naman kung mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1.

2.

Paghahanda ng mga bubong ng Pagdidilig ng mga halaman


tahanan (BAGO ang bagyo) (HABANG may bagyo)
3.
4.

Paglilinis ng mga abo sa kalsada Pagsasagawa ng duck, cover and


(PAGKATAPOS ng pagputok ng hold (HABANG may lindol)
bulkan)

5.

Paglalaro sa baha
(PAGKATAPOS ng bagyo)

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 18


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Makipag – usap o makipagdayalogo sa
iyong mga kasama sa bahay tungkol sa mga dapat tandaan bago, habang,
at pagkatapos ng anomang kalamidad. Basahin ang mga sumusunod na
sitwasyon. Magbigay ng sariling saloobin o karanasan tungkol dito. Isulat
sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

1. Ikaw ay handa na sa pagpasok sa paaralan nang marinig mo sa balita


na Signal No.2 na. Ano ang dapat mong gawin?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Ang mga naninirahang malapit sa Bulkang Taal ay sinabihan na ng


tanggapan ng PHILVOCS na anomang oras ay sasabog ito. Sinikap nilang
maihanda at madala lamang ang mga mahahalagang dokumento at mga
pangangailangan sa kanilang paglipat sa itinakdang Evacuation Center.
Tama ba ang kanilang ginawang paghahanda? Pangatuwiranan.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

A
Sa iyong sagutang papel ay sagutan ang sumusunod na bukas na
pagtatapos ng pahayag. Ipahayag ang iyong nararamdaman o saloobin.

Nauunawaan ko na ____________________________________________
Nababatid ko na________________________________________________
Kailangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa ___________

19 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


WEEKS
Pag-uugnay sa Paghahanda at Angkop na
4-5
Tugon sa Oras ng Kagipitan sa Pagsagip at
Pagpapanatili ng Buhay
Aralin
I
Sa araling ito, mauunawaan mo ang mga kaalaman sa paghahanda
at angkop na tugon sa oras ng kagipitan sa pagsagip at pagpapanatili ng
buhay.

D
Maging Mapanuri, Mapagmatyag
Basahin ang balita na nasa ibaba. Sagutin ang mga tanong na
kasunod nito.
Luzon, MM sinakmal ng blackout... ‘Glenda’ nag-iwan ng 17 patay
MANILA, Philippines - Sa pag-alis ng bagyong Glenda ngayong araw
sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay nag-iwan ito ng 17 patay at
nilumpo ang may nasa 5.3 milyong kostumer ng Manila Electric Company
(MERALCO) sa Luzon at Metro Manila na nawalan ng suplay ng kuryente
kahapon at nasa daan libo ang inilikas matapos na ito ay manalasa.
Sinabi ni Chief Supt.Danilo Constantino, Chairman ng Sub
Committee on Disaster Management ng PNP, 11 sa naitalang patay ay sa
Region IV-A na karamihan ay nadaganan ng mga nabuwal na
punongkahoy.
Lima sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Rizal; 3 sa Quezon; 2
sa Batangas; 1 sa Cavite habang apat naman ang naitalang nasawi sa
Region IV-B, dalawa rito ay nabagsakan ng puno ng niyog sa Marinduque,
isa sa pagguho ng bahay sa Oriental Mindoro at isa pa ang hindi natukoy
ang dahilan.
Isa rin ang naitalang namatay sa Region V sanhi ng atake sa puso
habang kinukumpuni ang bubong habang isa naman ang namatay sa
Region VIII nang mabagsakan ng nabuwal na puno ng niyog.
May naitala rin na dalawang taong nawawala sa Marinduque
matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig baha.Sinabi naman ni
National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
Executive Director Alexander Pama na kabilang sa mga nasawi ay
sina Reynaldo Hernandez, 48, nadaganan ng nabuwal na puno
sa Tabang, Plaridel, Bulacan; Neneth Artificio,48; Arlyn Artificio at Adrian
Artificio, 20; pawang residente ng Marketview, Lucena City; mga
nadaganan ng nabuwal na punongkahoy.
PIVOT 4A CALABARZON Health G4 20
Ang dalawa pa ay mula naman sa Region IV-A na sina Angelica
Guarinio ng Brgy. San Juan, Taytay, Rizal at ang pang-anim ay si Lourdes
Lim, 25 ng Allen, Northern Samar na natumbahan ng poste ng kuryente.
Anim rin ang inisyal na naitalang nasugatan ng NDRRMC na sina
David delos Santos, tinatayang nasa 22-30 ang edad at Joel Orsavia, 44 ng
Quezon City na kapwa nadaganan ng nabuwal na punongkahoy; Jomer
Guzman ng Villasis, Pangasinan; Rodolfo Torralbaa, 58; Antonio Habana,
16 at Jesus Vargas; mga mula naman sa Sangay, Camarines Sur sa Bicol
Region; pawang mga nakuryente.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Tungkol saan ang balita?
2. Ano ang mga nangyari sa balita?
3. Paano naapektuhan ng bagyo ang maraming tao, ari - arian, at
kabuhayan?
4. Paano ito napaghandaan?
5. Bilang mag –aaral, paano ka makatutulong upang ang mga ganitong
kalamidad ay mapaghandaan at ang Inang Kalikasan ay maingatan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sipiin at punan ang talahanayan ng mga


hinihinging sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

Epekto ng Bagyong Glenda

Buhay ng tao Ari-arian Kabuhayan

21 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumawa ng isang paunawa na
humihikayat sa mga tao sa inyong komunidad na maging handa sa
anomang uri ng kalamidad o sakuna na maaaring maganap sa
pamayanan. Gawing batayan sa paggawa ang batayan sa pagmamarka sa
ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Pagkatapos ng Gawain, sipiin
ang talahanayan sa ibaba at lagyan ang tsek (/) ang kolum batay sa iyong
ipinakitang pagsasagawa.
Batayan sa pagmamarka
Katamta-
Pinaka-
Mahusay man ang
Krayterya mahusay
Husay
(7 – 5)
(10 - 8)
(4 - 0)
1. Kaisipan at paggamit ng mga
salita (4 na puntos)
2.Paggamit ng mga bantas ( 3 pun-
tos)
3. Kaayusan ng paunawa (3 puntos)

Sa tulong at gabay ng magulang o nakatatandang kasama sa


bahay, sagutin ang mga tanong:
1. Ano-ano ang mga paghahandang ginagawa ng inyong pamilya sa
panahon ng kalamidad?
2. Anong paghahanda naman ang ginagawa ng inyong paaralan sa
panahon ng sakuna?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng kampanya o anunsyo na
nagpapakita ng suporta sa maagap na paghahanda sa anomang
kalamidad o sakuna. Pagkatapos ng gawain, sipiin ang talahanayan sa
ibaba at lagyan ng tsek (/) ang kolumn bataya sa iyong naisagawa.
Batayan sa pagmamarka
Krayterya Pinaka- Ma- Katamta-
mahusay husay man ang
Husay
(10- 8) (7-5)
(4 - 0)
1. Kaisipan at paggamit ng mga
salita (4 na puntos)
2.Pagkamalikhain sa paggawa ( 3
puntos)
3. Kaayusan ng paunawa (3 puntos)

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 22


Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sumulat ng patalastas tungkol sa
kahalagahan ng maagang paghahanda sa anomang kalamidad at sakuna.
Pagkatapos ng Gawain, sipiin ang talahanayan sa ibaba at lagyan ng tsek
(/) o puntos ang kolumn batay sa iyong naisagawa.
Batayan sa pagmamarka

Krayterya Pinaka- Mahusay Katam-


mahusay taman
(7-5)
ang Hu-
(10- 8)
say
(4 - 0)
1. Kaisipan at paggamit ng mga
salita (4 na puntos)
2.Paggamit ng mga bantas ( 3 pun-
tos)
3. Kaayusan ng paunawa (3 puntos)

A
Kompletuhin ang pangungusap upang makabuo ng saloobin.
Bilang isang mag-aaral, makatutulong ako upang maiwasan o
mabawasan ang pagbaha sa aming komunidad sa pamamagitan ng
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________________.

23 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


WEEK
6 Paglalarawan sa mga Dapat Isaalang–alang na
Paghahanda sa mga Panahon ng Espesyal na
Okasyon at Sitwasyon
Aralin
I
Ang Maikling Kwento Tungkol kay Stella at sa mga Kaibigan niya sa
Araw ng Pasko

Anak-mayaman si Stella subalit hindi kakikitaan ng karangyaan.


Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina,
ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak.
Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap
na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pu-


munta sa bahay-ampunan sa Marga Hera. Namimigay sila ng mga la-
ruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.“Stella,
matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni
Fey, isa sa mga matalik na kaibigan ng dalagita.

“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko


na kahit isang beses lang sa isang taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad
ng dalagita.

“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang


linggo. Swerte nila sa’yo friend,” sabi ni Bea sa kaibigan.

Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon.


Dinalhan sila nina Stella ng piniritong manok, spaghetti, sandwich,
hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi pa
nabubuksang mga regalo.

Habang sumasakay sa kotse ang tatlong magkakaibigan, biglang


ikinuwento ni Stella ang tunay na dahilan kung bakit malapit ang loob
niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
PIVOT 4A CALABARZON Health G4 24
“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay
natin sa kanila. Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya natin.”

“Samantalang doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila


ay wala ng ama at ina. Sa tuwing tinititigan ko nga ang iba sa kanila,
ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang nila,” pagpapaliwanag
ni Stella.

Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel:


1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino – sino ang magkakaibigan?
3. Ano ang ginagawa nila tuwing Pasko?
4. Paano nila ipinapakita ang pagpapahalaga sa kanilang kapwa?
5. Makabuluhan ba ang ginagawa nila? Bakit?

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ilarawan ang mga maaring mangyari sa
bawat gawain. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Pagsisindi ng lusis

25 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


2. Pag-inom ng alak

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang sumusunod na tanong.


Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Paano maiiwasan ang mga sakunang maaaring mangyayari sa
unang larawan.
_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________

2. Bakit kailangang iwasan ang mga ganitong uri ng sitwasyon o


gawain?
_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 26


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Piliin sa mga sumusunod ang nararapat
gawin upang maiwasan ang sakuna at pagbubuwis ng buhay. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Nanonood ng parade sa plasa.


Nagpapaputok ng labentador.
Nagpapaputok ng kanyong kawayan.
Naglalaro ng palosebo.
Nagkakantahan.
Naagpapaputok ng baril.
Nanonood ng pailaw.
Nagpapatunog ng torotot.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sumulat ng isang talata na may limang


pangungusap kung paano maipagdiriwang ang iyong kaarawan nang may
tamang paghahanda na dapat isaalang-alang. Pagkatapos ng gawain,
sipiin ang talahanayan sa ibaba at lagyan ng tsek (/) ang kolum batay sa
iyong ginawa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Batayan sa pagmamarka

Katam-
Pinaka-
taman
mahusay Mahusay
Krayterya ang hu-
(10-8) (7-5)
say
(4-0)
1. Pagkakabuo ng mga pangungusap.
(5 puntos)
2.Paggamit ng tamang bantas. (3 pun-
tos)
3. Kaayusan ng talata. (2 puntos)

Kabuoan

27 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Isulat sa sagutang papel ang tsek ( / )
kung ang gawain ay TAMA at ekis ( X ) naman kung MALI.

_______ 1. Sinindihan ng mga bata ang nakitang paputok sa lansangan.


_______ 2. Nakalagay sa cellphone ni Janine ang mga numero ng pulisya
at bumbero.
_______ 3. Namili ng malalakas na paputok ang tatay sa Bagong Taon.
_______ 4. Gumamit na lamang si Benjie ng kanyong kawayan sa
pagdiriwang ng Bagong Taon.
_______ 5. Magpalitan na lamang ng regalo at manood ng pailaw sa plaza
sa pagdiriwang ng Pasko.

A
Sa iyong sagutang papel ay magsulat ng naramdaman o realisasyon gamit
ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na _____________________________________________________
_______________________________________________________________________

Nabatid ko na _________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Kailangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa __________________


________________________________________________________________________

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 28


WEEKS
7-8
Paglalahad ng Maaaring Idulot na
Kapahamakan na Bunga ng Mapanganib na
Gawi at Kilos tulad ng Paggamit ng Paputok,
Armas, at Pag-inom ng Alak
Aralin
I
Paano ipinagdiriwang ang mahahalagang okasyon at pangyayari sa
inyong pook o tahanan?
May mga dapat tandaan o gawin upang maiwasan ang sakuna
kung may pagdiriwang:
Sa pagdiriwang ng mga espesyal na okasyon gaya ng Bagong Taon,
gumamit ng alternatibong pamamaraan gaya ng kanyong kawayan,
torotot, at iba pa.

Sa pagdiriwang ng Pasko, sa halip na magpaputok ay magpalitan


na lamang ng regalo at manood ng pailaw sa plaza.
Sa pagdiriwang ng Pista, manood ng palaro, at sumali sa parada.
Sa pag diriwang ng Kaarawan ito ay anibersaryo ng kapanganakan
ng isang tao. Dinadaos ang isang kaarawan sa pamamagitan ng
masayang pag sasama o pag titipon. Sa pamilyang Filipino ang pag
diriwang ng mga okasyon tulad ng birthday o araw ng kapanganakan ay
mahalaga. Ito ay dahil sa kadahilanang dito na lamang nila nakakasama
ang kanilang mga pamilya, kamag-anak at mga mahal sa buhay. Marami
man o kaunti ang handang pagkain sila ay sama sama sa hapag kainan.
Masaya ang mga bata o matanda sa mga masasayang palaro ng bawat
kasapi ng pamilya.

29 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


Mga Dapat Tandaan para sa Ligtas na Pagdiriwang

1. Iwasan ang pag inom ng alak.


2. Iwasan ang pagpapaputok ng baril.
3. Gumamit ng alternatibong mga pamamaraan ng paggawa ng ingay -
maaring gawa sa kawayan o patpat at lumang lata upang makalikha ng
tambol, at torotot.
4. Manood ng palaro at sumali sa parada
5. Sumali sa mga patimpalak sa inyong barangay o lugar gaya ng pag-awit
o pagsayaw.
6. Sama-sama kumain sa hapag-kainan sa halip na makipag-inuman.
7. Kung sasali sa palaro, tiyakin na ito ay iyong kakayanin at hindi mo
ikapapahamak

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 30


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang mga larawan at isulat sa
sagutang papel kung ano ang mga pagdiriwang o okasyong ipinapakita.

1. _________________________________________________________

2.________________________________________________________

31 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


3. ____________________________________________________________________

4. _____________________________________________________________________

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 32


5. ____________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat sa patlang ang SA kung sumasang –


ayon o DSA kung di- sumasang – ayon sa kaisipang ipinahahayag ng mga
pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_______________1. Iniwasan ni Mang Jose ang makipag – inuman sa kani-
yang kumpare dahil siya ay magmamaneho ng sasakyan pauwi sa kanilang
bahay.
_______________2. Gumamit ng mga torotot at iba pang pampaingay ang
mag – anak ni Aling Cora sa pagsalubong ng Bagong Taon.
_______________3. Nagpaputok ng mga malalakas na paputok si Arnold sa
pagdiriwang ng Bagong Taon.
_______________4. Nagkantahan at nagkainan na lamang ang mag – anak
nila sa pagdiriwang ng Pasko.
_______________5. Nag – inuman ng marami at nag – ingay ang magka-
kaibigan para ipagdiwang ang kaarawan ni Nelson.

33 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (√) kung tama ang
pagdiriwang o pagsasagawa ng okasyon at ekis (x) kung hindi. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

__________1. Paggamit ng torotot at iba pang klase na pampaingay.


__________2. Pag- aawitan at pagsasayawan habang nagdiriwang.
__________3. Sobrang pag- iinuman at pagsisigawan.
__________4. Paggamit ng malalakas na paputok.
__________5. Paglalaro at pagsasaya sa kaarawan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sumulat ng isang talata na may lima


hanggang walong pangungusap na may temang “Gawin ang Tama,
Iwasan ang Masama.” Sipiin ang talahanayan sa ibaba at lagyan ng tsek
(/) ang kolum batay sa iyong naisagawa. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Batayan sa pagmamarka

Katamta-
Pinaka-
Mahusay man ang
Krayterya mahusay
husay
(7-5)
(10-8)
(4-0)
1. Kaisipan at paggamit ng mga
salita sa pangungusap. (4 na
puntos)
2.Paggamit ng tamang bantas. (3
puntos)

3. Kaayusan ng paglalahad. (3
puntos)

Kabuoan

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 34


Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sa sagutang papel ay sipiin ang
talahanayan sa ibaba at sumulat ng mga maaaring idulot na
kapahamakan bunga ng mapanganib na gawi at kilos tulad ng:

Mapanganib na gawi at kilos Maaaring maidulot


a. paggamit ng paputok at armas
b. pag-inom ng alak
c. pagmamaneho ng sobrang bilis
d. pakikipagtalo
e. pagmamayabang

A
Buoin ang pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Sa pagdiriwang ng mga okasyon, magiging lubos ang kasayahan


kung ako ay____________________________________________________________
________________________________________________________________________.

35 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


36 PIVOT 4A CALABARZON Health G4
Assimlation: Gawain sa Pagkatuto 1:
1. Bagyong Glenda
Maaring magkakaiba ang sagot ng bata. 2. Binalita na may 17 namatay sa bagyong glenda
Nawalan ng kuryente sa Luzon at Metro Manila
3. Marami ang nawalan ng ari-arian at kabuhayan sila ay mag
Gawain sa Pagkatuto 2 hanggang 5: sisimula mulit.
4. Dapat maghahanda ng mga survival kit o emergency kit.
Maaring magkakaiba ang sagot ng bata. 5. Maaaring iba ang sagot ng mga bata.
Week 4-5
Assimlation:
Maaring magkakaiba
ang sagot ng bata.
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto 3: Gawain sa Pagkatuto 2: Gawain sa Pagkatuto 1:
4:
1. / 1. pagkain 1. / 6. /
2. X 2. gamot 2. X 7. X
Maaring magkakaiba
3. / 3. dokumento 3. / 8. /
ang sagot ng bata.
4. / 4. flashlight 4. X 9. /
5. X 5. Kumot o damit 5. / 10. X
Week 2-3
Assimlation:
Maaring magkakaiba
ang sagot ng bata.
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto 3: Gawain sa Pagkatuto 2: Gawain sa Pagkatuto 1:
4:
1. Pagputok ng Bulkan
Maaring magkakaiba Maaring magkakaiba 2. Lindol
Maaring magkakaiba ang sagot ng bata. ang sagot ng bata.
3. Bagyo
ang sagot ng bata.
4. Baha
5. landslide
Week 1
Susi sa Pagwawasto
PIVOT 4A CALABARZON Health G4 37
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto
5: 4:
Maaaring magkakaiba Sumangguni sa Ru-
ang sagot briks para sa pag-
mamarka
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto 2: Gawain sa Pagkatuto 1:
3:
1. SA 1. Pasko
1. /
2. SA 2. Bagong Taon
2. /
3. DSA 3. Happy Birthday
3. X
4. SA 4. Pyesta/Fiesta
4. X
5. DSA 5. Mahal na Araw
5. /
Week 7-8
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto
5: 4:
1. X Sumangguni sa Ru-
briks para sa pag-
2. /
mamarka
3. X
4. /
5. /
Gawain sa Pagkatuto 3 Gawain sa Pagkatuto
1-2:
1. Nanonood ng parada sa plaza
Maaring magkakaiba
2. Nagpapaputok ng kanyong kawayan
ang sagot ng bata.
3. Naglalaro ng palosebo
4. Nagkakantahan
5. Nanonood ng pailaw
6. Nagpapatunog ng torotot
Week 6
Susi sa Pagwawasto
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa
iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito
sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon
bilang gabay sa iyong pagpili.
-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na
nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa
nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko
naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o
dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto
Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing
nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2,
lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ,✓, ?.

PIVOT 4A CALABARZON Health G4 38


Sanggunian

Belino, Z. E. & Francisco, M. B. (2021). Learner’s Packet (LeaP) Grade 4


Quarter 4: Weeks 1-8. Department of Education.

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department
of Education Curriculum and Instruction Strand.

Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A


Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0.
Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.

39 PIVOT 4A CALABARZON Health G4


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON


Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

You might also like

  • PE5Q2F
    PE5Q2F
    Document40 pages
    PE5Q2F
    Daisy Mendiola
    0% (1)
  • Music 4 Q4 F
    Music 4 Q4 F
    Document40 pages
    Music 4 Q4 F
    Mira
    No ratings yet
  • Filipino PDF
    Filipino PDF
    Document40 pages
    Filipino PDF
    Nicole
    No ratings yet
  • AP8Q4F
    AP8Q4F
    Document40 pages
    AP8Q4F
    Ortigosa, Brylene M.
    No ratings yet
  • Esp G6: Ikalawang Markahan
    Esp G6: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Esp G6: Ikalawang Markahan
    Elizabeth manlabat
    100% (1)
  • Health 1 Q4 F
    Health 1 Q4 F
    Document42 pages
    Health 1 Q4 F
    Jennie Kim
    100% (1)
  • Esp G4: Ikalawang Markahan
    Esp G4: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Esp G4: Ikalawang Markahan
    Mellow Jay Masipequina
    No ratings yet
  • Health 4 Q2 F
    Health 4 Q2 F
    Document40 pages
    Health 4 Q2 F
    Mary Rose V. Adajo
    No ratings yet
  • Epp Ia4 V2
    Epp Ia4 V2
    Document40 pages
    Epp Ia4 V2
    Azia Mhmmd
    100% (1)
  • PE5Q3F
    PE5Q3F
    Document40 pages
    PE5Q3F
    ALVIN FREO
    No ratings yet
  • AP1Q4F
    AP1Q4F
    Document42 pages
    AP1Q4F
    Alex Abonales Dumandan
    No ratings yet
  • Health 3 Q2 V2
    Health 3 Q2 V2
    Document40 pages
    Health 3 Q2 V2
    Connie Sarmiento
    No ratings yet
  • Arts 3 Q2 F
    Arts 3 Q2 F
    Document40 pages
    Arts 3 Q2 F
    Grace Bico
    100% (1)
  • AP3Q1V2
    AP3Q1V2
    Document40 pages
    AP3Q1V2
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • AP8Q2V2
    AP8Q2V2
    Document40 pages
    AP8Q2V2
    Norlyn Cuntapay
    100% (1)
  • Ikalawang Markahan
    Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Ikalawang Markahan
    Kellin Nakpil
    No ratings yet
  • PE3Q4F
    PE3Q4F
    Document42 pages
    PE3Q4F
    Dianne Paran
    No ratings yet
  • EsP10V2Q2 1
    EsP10V2Q2 1
    Document40 pages
    EsP10V2Q2 1
    Holy Marie C.Endriga
    No ratings yet
  • Filipino3Q4F
    Filipino3Q4F
    Document42 pages
    Filipino3Q4F
    Jerome Deluna
    100% (2)
  • Music 4 Q2 F
    Music 4 Q2 F
    Document40 pages
    Music 4 Q2 F
    IKEL Ctbg
    No ratings yet
  • AP4Q2V2
    AP4Q2V2
    Document40 pages
    AP4Q2V2
    Mellow Jay Masipequina
    No ratings yet
  • Epp He4 V2
    Epp He4 V2
    Document40 pages
    Epp He4 V2
    gelma furing lizaliza
    No ratings yet
  • Health 3 Q3 F
    Health 3 Q3 F
    Document44 pages
    Health 3 Q3 F
    Jonas Cabacungan
    No ratings yet
  • Health 4 Q2 V2
    Health 4 Q2 V2
    Document40 pages
    Health 4 Q2 V2
    Krame G.
    100% (1)
  • PE3Q2FV2
    PE3Q2FV2
    Document40 pages
    PE3Q2FV2
    Connie Sarmiento
    No ratings yet
  • Health 2 Q4 F
    Health 2 Q4 F
    Document42 pages
    Health 2 Q4 F
    Lhay Hernandez
    100% (1)
  • PE1Q2FV2
    PE1Q2FV2
    Document40 pages
    PE1Q2FV2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • Arts 1 Q4 F
    Arts 1 Q4 F
    Document42 pages
    Arts 1 Q4 F
    Alex Abonales Dumandan
    100% (2)
  • Music 4 Q2 V2
    Music 4 Q2 V2
    Document40 pages
    Music 4 Q2 V2
    Krame G.
    No ratings yet
  • Health2Q1FV2
    Health2Q1FV2
    Document40 pages
    Health2Q1FV2
    MARY ANN RAMIREZ
    No ratings yet
  • Filipino 6 Q2 F
    Filipino 6 Q2 F
    Document40 pages
    Filipino 6 Q2 F
    Elizabeth manlabat
    100% (1)
  • Music 5 Q2 F
    Music 5 Q2 F
    Document40 pages
    Music 5 Q2 F
    Daisy Mendiola
    50% (2)
  • Health 3 Q4 F
    Health 3 Q4 F
    Document40 pages
    Health 3 Q4 F
    jie
    100% (2)
  • Arts 4 Q2 V2
    Arts 4 Q2 V2
    Document40 pages
    Arts 4 Q2 V2
    Krame G.
    No ratings yet
  • Ap7 Quarter 2 Module
    Ap7 Quarter 2 Module
    Document40 pages
    Ap7 Quarter 2 Module
    Fe Vanessa Buyco
    100% (1)
  • APG6Q3
    APG6Q3
    Document40 pages
    APG6Q3
    Michael Edward De Villa
    No ratings yet
  • Esp G4: Ikalawang Markahan
    Esp G4: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Esp G4: Ikalawang Markahan
    Mellow Jay Masipequina
    No ratings yet
  • Math 3 Q1 FV2
    Math 3 Q1 FV2
    Document40 pages
    Math 3 Q1 FV2
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • Pe4q2f PDF
    Pe4q2f PDF
    Document40 pages
    Pe4q2f PDF
    Ginalyn Agbayani Casupanan
    50% (2)
  • PE4Q2F
    PE4Q2F
    Document40 pages
    PE4Q2F
    fe purificacion
    No ratings yet
  • Esp G5: Ikalawang Markahan
    Esp G5: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Esp G5: Ikalawang Markahan
    Jackielyn Catalla
    50% (2)
  • Science 3 Q2 V2
    Science 3 Q2 V2
    Document40 pages
    Science 3 Q2 V2
    Abuzo Jonathan
    No ratings yet
  • Health 1 Q2 V2
    Health 1 Q2 V2
    Document40 pages
    Health 1 Q2 V2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • APG7Q3
    APG7Q3
    Document40 pages
    APG7Q3
    Noel Piedad
    No ratings yet
  • PE3Q1V2
    PE3Q1V2
    Document40 pages
    PE3Q1V2
    Dareen Cueto
    No ratings yet
  • EsP4 Q4F
    EsP4 Q4F
    Document40 pages
    EsP4 Q4F
    Roshella Chiong
    No ratings yet
  • Grade 3: Key Stage 1 SLM
    Grade 3: Key Stage 1 SLM
    Document40 pages
    Grade 3: Key Stage 1 SLM
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • AP3Q2F
    AP3Q2F
    Document40 pages
    AP3Q2F
    Crizel N. Potante
    No ratings yet
  • Math 3 - Q2 - PIVOT
    Math 3 - Q2 - PIVOT
    Document40 pages
    Math 3 - Q2 - PIVOT
    Grace Rocapor
    No ratings yet
  • English: Araling Panlipunan
    English: Araling Panlipunan
    Document40 pages
    English: Araling Panlipunan
    Candy Jhasse Fabros
    No ratings yet
  • Filipino 2 Q3 F
    Filipino 2 Q3 F
    Document44 pages
    Filipino 2 Q3 F
    Ronel Arlantico Mora
    100% (1)
  • Science 3 Q2 F
    Science 3 Q2 F
    Document40 pages
    Science 3 Q2 F
    Reiahne Tyler Osorio
    No ratings yet
  • Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Document44 pages
    Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Adrian Santos
    No ratings yet
  • Filipino 2 Q4 V2
    Filipino 2 Q4 V2
    Document40 pages
    Filipino 2 Q4 V2
    Jelly Marie Baya Flores
    No ratings yet
  • Filipino 2LM Quarter 1
    Filipino 2LM Quarter 1
    Document40 pages
    Filipino 2LM Quarter 1
    Maricel Rayos
    No ratings yet
  • Epp He5 V2
    Epp He5 V2
    Document40 pages
    Epp He5 V2
    Bhea Ebreo
    No ratings yet