You are on page 1of 42

ARALING PANLIPUNAN

GRADE 1
MAPEH (Health)
PIVOT 4A Learner’s Material
Ikaapat na Markahan
Unang Edisyon, 2021

MAPEH
(Health)
Unang Baitang

Job S. Zape, Jr.


PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Carol S. Tambongco & Aureen Vinky SP. San Andres
Content Creator & Writer
Angela A. Morando & Eugene Ray F. Santos
Internal Reviewer & Editor
Ephraim L. Gibas & Ben Mark Joy Cuvinar
Layout Artist & Illustrator
Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno
Graphic Artist & Cover Designer
Ephraim L. Gibas
IT & Logistics
Jessa Mae F. Santos, Pelayo Robledo Law Offices
External Reviewer & Language Editor

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum
and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat
bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na
isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa
karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material

Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH (Health). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinegurong
naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa sumusunod na mga aralin.
Salamat sa iyo!

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 40 sa
pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performans
pagkatapos ng bawat gawain.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa. Kaya mo ito!
PIVOT 4A CALABARZON Health G1
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na

(Introduction)
Panimula Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng
aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na
halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
kailangan para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
(Development)
Pagpapaunlad

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay
Tuklasin
ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
Pagyamanin alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
matutuhan.
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa
mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge
Isagawa
Skills, at Attitudes (KSA) upang makahulugang
Pakikipagpalihan
(Engagement)

mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
Iangkop maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa
proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng


Paglalapat

kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong


repleksiyon, pag-uugnay, o paggamit sa alinmang
sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong
pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan.
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay
sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng
Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng
kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


WEEK Paghingi ng Tulong
1
Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matutukoy
mo ang mga angkop na sitwasyon sa paghingi ng
tulong. Maisasagawa mo rin ang pagkilala sa sitwasyon
kung kailan dapat humingi ng tulong sa taong hindi
kilala. Pagmasdan ang larawan sa ibaba at basahin ang
maikling talata.

Kahapon, pumunta kami sa palengke


Bumili kami ni Nanay ng krayola;
Habang kami’y naglalakad
Ako’y naglaro at tumakbo palayo.
Hindi ko na makita si Nanay.
Naku! Nawawala ako! Nanay, nasaan ka na?

Tungkol saan ang maiksing pahayag? Saan


pumunta ang mag-ina? Bakit nawala ang bata?
Ano ang dapat gawin kung ang batang tulad mo
ay nawala sa loob ng palengke o shopping mall? Kanino
ka dapat humingi ng tulong?
PIVOT 4A CALABARZON Health G1 6
Masdan mo ang larawan. Ano ang iyong nakikita?
Saan galing ang bata? Ano ang dapat gawin ng
batang katulad mo upang makatawid?
Kanino ka dapat humingi ng tulong?
Mahalagang malaman mo ang mga dapat mong
gawin o isipin kung kailan ka dapat humingi ng tulong.
Dapat din ang ibayong pag-iingat sa taong dapat
hingan ng tulong lalo na kung hindi mo ito kilala.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang sitwasyon.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa
sagutang papel.
Sumabit sa puno ang iyong laruang saranggola.
1. Ano ang una mong gagawin?
2. Kanino ka dapat hihingi ng tulong?
3. Bakit mahalagang humingi ng tulong sa mas
nakatatanda sa iyo?
7 PIVOT 4A CALABARZON Health G1
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat sa sagutang papel
ang titik ng larawan na nagpapakita ng paghingi ng
tulong sa iba.
A B

C D

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 8


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Iguhit ang masayang
mukha sa bawat bilang kung ang isang batang
tulad mo ay hindi na kailangang humingi ng tulong at
malungkot na mukha kung kinakailangan mo pa
ng tulong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Paghugas ng kamay.
2. Hindi mo alam ang daang pauwi.
3. Nawala ang iyong alagang aso.
4. Pagbili sa tindahan.
5. Pagtawid sa daan na maraming sasakyan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumuhit ng isang


malaking kahon sa papel at itala ang mga sitwasyon
na naranasan mo nang humingi ng tulong sa ibang
tao.

A
Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita
upang makabuo ng makabuluhang pangungusap
tungkol sa aralin.
Mahalagang ________ mo ang mga dapat mong
_____ o isipin kung kailan ka dapat humingi ng tulong.
Dapat din ang ibayong______ sa taong dapat
hingan ng_____ lalo na kung hindi mo ito kilala.

pag-iingat tulong gawin malaman


9 PIVOT 4A CALABARZON Health G1
WEEK Ang Aking ID
2
Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
malalaman mo ang kahalagahan ng pagbibigay ng
impormasyon katulad ng pangalan at tirahan sa taong
lubos na mapagkakatiwalaan.
Sa panahon ngayon ay napakahalagang maging
maingat sa pagbibigay ng pangunahing impormasyon
sa mga taong hindi natin lubos na kilala.

Ako si Lester. Tuwing ako ay


pumapasok sa paaralan,
suot ko ang aking ID
(Identification Card). Dito
nakalagay ang aking mga
pangunahing impormasyon
at pagkakakilanlan. Kaya
ugaliin mo rin isuot ang
iyong ID at dapat mo rin
itong ingatan.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 10


Dapat Tandaan
1. Ingatan ang iyong ID.
2. Lagi itong isuot o dalhin.
3. Ipakita ito kapag ikaw ay nawawala.
4. Ipakita lamang ito sa taong may tiwala ka.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang T sa patlang
kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
pagpapahalaga sa ID at M naman kung hindi. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
_______1. Laging iniiwan.
_______2. Palaging sinusuot.
_______3. Ipinapakita sa taong may tiwala ka.
_______4. Hinahayaang marumihan at masira.
_______5. Iniingatan at tinatabi sa tamang lagayan.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ibahagi sa mga
kasamahan sa bahay ang kahalagahan ng ID Card.
Palagdain sa papel kung sila ay nasabihan mo ng
kahalagahan ng pagkakaroon at pag-iingat sa ID Card.

11 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumawa tayo ng ID.
Punan ng impormasyon tungkol sa iyo ang ID Card.
Gawin ito sa sagutang papel.
Ang Aking ID Card

Pangalan: _______________________________________
Edad: ___
Tirahan: _________________________________________
Numero ng Telepono: ______________________________
Pangalan ng Ama: _______________ Trabaho: _________
Pangalan ng Ina: _______________ Trabaho: _________

A
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang
makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin.
Isulat ang sagot sa malinis na papel.
Ang ________________ ay mahalaga dahil dito
nakalagay ang pangunahing _________________ at
pagkakakilanlan tulad ng ________, edad, tirahan,
pangalan ng _____ at ina.
Kaya ingatan at pahalagahan ito. Ipakita lamang
ito sa taong ____________.

impormasyon pangalan
Identification Card pinagkakatiwalaan ama

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 12


May Tiwala Ako Sa Inyo! WEEK
Aralin 3
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makikilala
mo ang mga taong dapat hingan ng tulong sa iba’t
ibang sitwasyon. Masdan ang mga larawan sa ibaba.

Kilala mo ba sila? Kanino ka hihingi ng tulong kung


ikaw ay nawala sa loob ng shopping mall o di kaya sa
pagtawid sa kalsada?
Ang batang katulad mo ay higit na
nangangailangan ng tulong sa mga taong
nanunungkulan at lubos mong pinagkakatiwalaan.
Sino-sino pa ang mga taong tutulong sa iyo?
Kilalanin natin sila.

Ako ay isang
barangay tanod.
Pinapanatili ko ang
seguridad sa lugar.

Sa araling ito, makikilala mo ang mga taong


dapat mong hingan ng tulong.
13 PIVOT 4A CALABARZON Health G1
Ako ay isang
sundalo. Tungkulin
kong ipagtanggol
at tulungan ang
mga naaapi.

Ako ay isang guro.


Tungkulin kong
hubugin ang
kaalaman ng mga
bata tungo sa
maayos na
kinabukasan.
Sila ang mga taong
tutulong sa atin.

Mga Dapat Tandaan:


Humingi ng tulong sa taong kilala o lubos na
pinagkakatiwalaan.
Huwag agad ibigay ang pangunahing
impormasyon.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 14


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagtambalin ang mga
taong tutulong sa atin sa Hanay A sa mga tungkulin nila
sa Hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Guro a. Nagpapatupad ng batas.
2. Pulis b. Nagbibigay ng kaalaman.
3. Traffic enforcer c. Mapagtatanungan ng
direksiyon kapag ikaw ay
nawala.
4. Security guard d. Mapanatiling tahimik at
maayos ang isang barangay.
5. Barangay tanod e. Mapanatiling maayos ang
daloy trapiko.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang T sa patlang


kung ang pangungusap ay nagsasaad ng mga tamang
gawain at isulat ang M kung ang pangungusap ay mali.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________1. Ibigay ang impormasyon sa taong hindi
kilala.
__________2. Ingatan ang pangunahing impormasyon.
________3.Humingi ng tulong sa taong
pinagkakatiwalaan.

15 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


__________4. Sumama sa taong hindi kilala.
__________5. Igalang ang mga taong nanunungkulan.

E
Gawain sa Pagkatutuo Bilang 3: Sa isang papel, gumuhit
ng dalawang larawan ng tao na nahingan mo na ng
tulong at ipaliwanag kung bakit ka nagpatulong.
Rubrik ng Pagsasagawa

5 puntos Nakaguhit ng dalawang taong hiningan

4 puntos Nakaguhit ng isang taong hiningan ng tulong.

3 puntos Nakaguhit ngunit hindi gaanong maayos.


2 puntos Hindi natapos ang iginuhit.
1 puntos Hindi nakaguhit.

A
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang
makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin.
Isulat ang sagot sa malinis na papel.
Huwag ________ sa hindi kakilala. Humingi lang ng
_________ sa pinagkakatiwalaan ng lubos.
Pangunahing ___________ ay ingatan.

tulong sasama impormasyon


PIVOT 4A CALABARZON Health G1 16
Ligtas Ako sa Loob ng Bahay at Paaralan WEEK
4
Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito ay maisasagawa mo
ang mga paraan upang maging ligtas sa loob ng
bahay at paaralan.

A B
Masdan ang larawan sa itaas. Ano ang ginagawa
ng bata sa larawang A? Ano naman ang ginagawa ng
bata sa larawang B? Alin ang gawaing hindi ligtas?
Ang batang katulad mo ay hindi dapat maglaro
ng mga bagay na hindi ligtas gamitin, mga bagay na
nakakasugat at nakakalason.

Mga Alituntunin Upang Maging Ligtas sa Tahanan


1. Huwag maglaro ng apoy.
2. Huwag maglaro ng matutulis na bagay.
3. Panatilihing tuyo ang sahig.
4. Huwag hawakan ang mga bagay na hindi alam
kung ano ito.
5. Huwag tikman ang bagay na hindi pamilyar sa iyo.

17 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Tingnan ang dalawang larawan sa itaas. Ano ang
pagkakaiba ng dalawang larawan? Sino sa tingin mo
ang sumusunod sa alituntunin ng paralan? Bilang bata,
mahalagang sumusunod sa alituntunin ng paaralan
upang maiwasan ang aksidente at pahalagahan ang
mga taong nangangalaga sa paaralan.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Bilugan ang mga bagay
na hindi ligtas gamitin. Gawin ito sa sagutang papel.
1.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 18


2.

3.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng bituin ang


larawan na nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin ng
paaralan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.

2.

3.

19 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (/) ang
hanay ng iyong sagot sa bawat gawaing nakasaad.
Gawin ito sa sagutang papel.
Gawain Madalas Minsan Hindi
1. Palaging tuyo ang sahig.

2. Nakatabi nang maayos


ang mga alcohol, pesticide,
at iba pa.
3. Hindi naglalaro ng apoy.
4. Iniiwasang gamitin ang
mga bagay na matatalim
tulad ng kutsilyo.

A
Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita
upang makabuo ng makabuluhang talata tungkol sa
aralin.

Mahalaga na mapanatiling _________ ang ating


sarili sa paaralan gayundin sa ating__________.
Kaya bilang bata, sumunod sa mga _____________
upang aksidente ay maiwasan.

alituntunin tahanan ligtas


PIVOT 4A CALABARZON Health G1 20
Paano maging Ligtas sa Kalamidad WEEK
5
Aralin
I
Pagkatapos talakayin ang araling ito ay inaasahan
kang makasunod sa mga alituntunin sa paghahanda
para sa kalamidad at malaman mo ang kahalagahan
nito. Dito rin natin malalaman kung paano tayo
magiging ligtas sa mga kalamidad. Ang mga
halimbawa ng kalamidad o sakuna ay bagyo, sunog, at
lindol.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gumuhit ng tatlong
bagay na maaaring masunog sa inyong tahanan.

1. 2. 3.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng tsek (/) ang


patlang kung ang larawan ay nagpapakita ng
paghahanda sa kalamidad at ekis (x) kung hindi.

1. 2. 3.

21 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Iguhit ang masayang
mukha  kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
pag-iingat mula sa sakuna at malungkot na mukha 
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Matakot habang lumilindol.
_____2. Umalis sa inyong tahanan kung may pagbaha.
_____3. Pumunta sa ilalim ng mesa kapag lumilindol.
_____4. Pagtawanan ang nasusunog na bahay.
_____5. Laruin ang apoy ng kandila kapag nawalan ng
kuryente.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumuhit ng mga


bagay na dapat iwasan sa loob at labas ng bahay
kapag may lindol o malakas na paggalaw ng lupa.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 22


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Ano-ano ang mga dapat
ihanda sa panahon ng kalamidad o sakuna.? Magtala
ng 5 bagay. Gawin ito sa sagutang papel.
__________________ ___________________
__________________ ____________________
__________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Kulayan ng pula ang puso


kung ang bagay ay dapat iwasan kapag may lindol at
asul kung hindi.

1. 2.

3. 4.

23 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sumulat ng
pangungusap tungkol sa inyong naging karanasan
noong may bagyo, lindol, o anumang sakuna sa inyong
lugar. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
_________________________________________________

A
Punan ang patlang.

Nangangako ako na lagi akong _______________ sa


panahon ng sakuna o kalamidad.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 24


Pagiging Ligtas sa mga Ligaw na Hayop
at mga Maaaring Bunga ng Di Pagsunod WEEK
sa mga Alituntuning Pangkaligtasan 6
Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang malalaman
mo ang mga paraan kung paano maiingatan ang
iyong sarili mula sa mga ligaw na hayop. Ang ilan sa
mga hayop na makikita natin sa paligid ay dapat
nating iwasan kung hindi nila tayo kilala tulad ng aso,
pusa, kabayo, at iba pa.
Alam ba ninyo ang maaaring mangyari kung hindi
tayo susunod sa mga alituntunin sa pag-iingat sa sarili?
Maaari tayong masaktan o mapahamak kung hindi
tayo susunod. Kaya’t kinakailangan ang pagkilos nang
tama at may pag-iingat sa sarili.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gumuhit ng mga hayop
na dapat mong iwasan kung hindi mo kilala o hindi mo
alaga.

25 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pagmasdan ang
larawan. Lagyan ng tsek (/) kung tama ang ginagawa
upang maingatan ang sarili mula sa mga ligaw na
hayop at ekis (x) kung hindi.

1. 2.

3.
4.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Iguhit ang puso ku n g


ang hayop ay dapat iwasan at bituin kung hindi.

______1. kabayo ______4. butiki


______2. aso ______5. ahas
______3. pusa

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 26


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isulat ang angkop na
hayop na tinutukoy ng bawat pangungusap.

1. Ako ay __________. Huwag ninyo akong saktan. Baka


makagat kita.
2. Ako ay __________. Huwag ninyo akong saktan. Baka
masipa kita.
3. Ako ay __________. Huwag ninyo akong saktan. Baka
makalmot kita.

pusa aso kabayo

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magsulat ng 5 paraan ng
pag-iingat sa sarili mula sa mga ligaw na hayop.

Paraan ng Pag-iingat sa Sarili


1. ____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________
4. ____________________________________________
5. ____________________________________________

27 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Ikahon kung ang larawan
ay nagpapakita na ligtas hawakan at bilugan kung hindi
ligtas hawakan.

1. 2. 3.

4. 5.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Iguhit ang malungkot na


mukha kung nagpapakita ng maaaring kalabasan ng
hindi pagsunod sa alituntunin at masaya na mukha 
kung hindi.

_____1. Batang nasugatan ng kutsilyo.


_____2. Batang napaso ng apoy.
_____3. Batang tahimik na nakaupo.
_____4. Batang nahulog sa hawakan ng hagdan.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 28


A
Punan ang pangakong talata sa ibaba tungkol sa
pag-iingat sa sarili.

Ako si _________________________________ ay
nangangako na ____________________________ ko ang
aking sarili mula sa mga ligaw na hayop at
___________________________ ko ang mga alituntuning
pangkaligtasan para sa sarili.

Hindi naman masamang makipaglaro sa alagang


hayop. Huwag lamang __________________ ang mga ito.

29 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Pagkilatis sa Tao at sa Mabuti o Masamang
WEEK Paghawak
7
Aralin
I
Alam ba ninyo kung paano makikilala ang isang
tao kung nakasasama o nakatutulong sa kapwa?
Pagkatapos ng araling ito, malalaman mo kung ang
isang tao ay nakatutulong o nakasasama sa iyo o sa
kapwa sa pamamagitan ng kanilang gawain o
pagkilos. Dito rin sa aralin na ito ay malalaman at
maipapaliwanag ang mabuti at masamang
paghawak ng isang tao. Kaya kinakailangan mo ang
sobrang pag-iingat sa mga tao.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magtala ng 2 gawain ng
mga tao kung nakatutulong at 2 gawain kung
nakasasakit sa kapwa.

Nakatutulong Nakasasakit

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 30


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pagmasdan ang mga
larawan sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) kung ang nasa
larawan ay nagpapakita ng pagtulong sa kapwa at
ekis (x) kung nakasasakit ng kapwa.

1. 2.

3. 4.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumuhit ng larawan sa


puso na nagpapakita ng pagiging isang mabuting
tao. Maaaring lagyan ng kulay ang iginuhit na
larawan.

31 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Iguhit sa kahon ang
isang gawain ng taong nakasasakit sa kapwa. Maaaring
lagyan ng kulay ang larawan.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Isulat ang TAMA kung
wasto ang isinasaad ng pangungusap tungkol sa paraan
ng paghawak ng isang tao at MALI kung hindi tama ang
isinasaad ng pangungusap.
___1. Si Paulo ay palakaibigan na bata. Lagi siyang
nakikipagkamay sa bagong kakilala.
___2. Mahilig humipo sa katawan ng iba si Mek.
___3. Hawakan ang kalaro nang sobrang higpit.
___4. Hinahaplos ng nanay ang anak habang umiiyak.
___5. Magkaakbay ang dalawang batang lalaki
habang naglalakad.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 32


Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Lagyan ng kung
ang larawan ay nagpapakita ng tamang paghawak
at kung mali.
2.
1.

3.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Gumuhit ng larawan na


nagpapakita ng tamang paghawak ng iyong kapwa o
kapamilya.

A
Punan ng angkop na salita ang patlang.

Igalang natin ang ating _______. Tanggihan ang


_______ paghawak.

33 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Mga Paraan ng Pangangalaga sa Sarili
WEEK Laban sa mga Karahasan at Masasamang Gawi
8 Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang bawat
isa na maipaliliwanag at malalaman ang mga paraan
kung paano mapangangalagaan ang sarili mula sa
mga karahasan o kasamaan. Dito rin sa aralin na ito ay
malalaman mo kung ano ang dapat gawin lalo na
kung alam mo na ito ay makasasakit sa iyo.
Bawat tao ay dapat mapangalagaan ang sarili
laban sa mga karahasan o kasamaan upang mabuhay
ng ligtas at payapa.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan ng X ang mga
bagay na dapat mong iwasan na hawakan upang
mapangalagaan ang iyong sarili.
_____1. Gunting ______ 3. Thumbtacks
_____2. Panyo ______ 4. Pako

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng kahon ang


larawan na nagpapakita ng masamang gawi o kilos.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 34


Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kulayan ng asul ang mga
larawang nagpapakita ng pangangalaga sa sarili laban
sa karahasan o masamang gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Lagyan X ang patlang


kung nagsasaad ng maling gawain para sa
pangangalaga sa sarili.

___1. Sinisigawan ni Edna si Elsa sa gitna ng kalsada.


___2. Si Menard ay umaakyat sa puno ng mangga.
___3. Masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigang
Nelson at Romy.

35 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pag-aralan ang mga
larawan. Isulat ang susunod na mangyayari tungkol sa
larawan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Piliin ang larawan na


nagpapakita na ligtas gawin. Lagyan ito ng
sa kanang ibaba ng larawan.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1 36


Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Magtala ng mga paraan
kung paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili.

A
Punan ang patlang ng wastong salita upang
mabuo ang talata.

Laging kumilos nang _________________. Iwasan


ang _____________ na kilos. Maari kang ___________ o
__________.

37 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


38 PIVOT 4A CALABARZON Health G1
Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Gawain sa Pagkatuto Pagkatuto Bilang 1. batang bumababa nang maayos
Bilang 3 3 2. batang nakapila nang maayos
Depende sa sagot ng depende sa sa- 3. batang nakaupo nang maayos sa silid–
bata got ng bata aralan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
1. kutsilyo, gunting
2. pako, basang sahig
3. alcohol, pesticide
Week 4
Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Bilang Pagkatuto Bilang
3 1 Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Bilang Pagkatuto Bilang Pagkatuto Bilang
1. M 1. b
3. 2. 1:M
2. T 2. a
Depende sa sagot Depende sa sagot 2. T
3. T 3. e ng bata ng bata
3. T
4. M 4. c
4. M
5. T 5. d
5. T
Week 3 Week 2
Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Bilang 1. masaya 4. masaya Pagkatuto Bilang Pagkatuto Bilang
4: 2: 1:
2. malungkot 5. malungkot
Depende sa nai- A,C,D Depende sa sagot
guhit ng bata 3. malungkot ng bata
Week 1
Susi sa Pagwawasto
PIVOT 4A CALABARZON Health G1 39
Gawain sa Gawain sa Pagkat- Gawain sa Pagkat- Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto uto Bilang 2: uto Bilang 3: Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1: Bilang 4: Bilang 5: Bilang 6: Bilang 7:
1.itinutulak ang Nakaupo ng tahi-
1. X kapwa mik 1. x Depende sa Naghuhugas Depende sa
sagot ng bata sagot ng
2. 2. nanununtok Kumakain sa mesa 2. x Kumakain ng
bata
tinapay
3. X 3.sinisigawan 3.
Week 8
Gawain sa Pa-
katuto Bilang 4: Gawain sa
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkat- Pagkatuto 2:
Bilang 6: uto Bilang 5: Guguhit ng la-
Bilang 8: X X / /
1. tama
Tatsulok 2. mali
Depende sa sagot ng Gawain sa
3. mali Gawain sa
bata. Kahon 4. tama Pagkatuto Bilang Pagkatuto Bilang
5. tama 3: 1:
tatsulok
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
Guguhit ang Depende sa sa-
bata ng larawan got ng bata
Guguhit ng larawan
Week 7
Gawain sa Gawain sa
Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gawain sa
Pagkatuto Bilang Gawain sa
Pagka tuto Pagkatuto Bilang
7: 1.aso Pagkatuto Pagkatuto Bilang
Bilang 8: 6:
Bilog 2.kabayo Bilang 3: 2:
1. malungkot 3.pusa 1.puso
Depende sa Kahon 1. x
Bilog ______________ 2.puso 2. /
sagot ng 2. malungkot
Kahon Gawain sa Pagkat- 3.puso
bata 3. x
3. masaya Bilog 4.bituin
uto Bilang 5: de- 4. x
5.puso
4. malungkot pende sa sagot ng
bata
Week 6
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Gawain sa
Gawain sa Gawain sa
Bilang 7: Bilang 6: Pagkatuto Bilang
Pagkatuto Bilang Pagkatuto Bilang
5: 3: 2:
Ang sagot ay batay sa 1. Asul
natutuhan ng mag- 1. /
2. Asul Depende sa sa- 1.malungkot
aaral
got ng bata 2. /
3. Pula 2.masaya
Gawain sa Pagkatuto
Bilang 8: Depende sa 3.masaya 3. x
4. pula
sagot ng bata ayon sa
4.malungkot
napag-aralan
Week 5
Susi sa Pagwawasto
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong
naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang
gabay sa iyong pagpili.
-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na
nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa
nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko
naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o
dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto
Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing
nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2,
lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong , , ?.
PIVOT 4A CALABARZON Health G1 40
Sanggunian

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department
of Education Curriculum and Instruction Strand.

Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A


Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0.
Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.

Music, Art, Physical Education, and Health- Unang Baitang Kagamitan ng


Mag-aaral, Unang Edisyon, 2013

41 PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON


Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

You might also like