You are on page 1of 40

MAPEH (PE)

GRADE 3

Key Stage 1 SLM


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring
kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng
Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and
Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay
tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng
Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.

Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON PE G3
PIVOT 4A Learner’s Material
Unang Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Physical Education
Ikatlong Baitang

Job S. Zape, Jr.


PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Arthur M. Julian
Internal Reviewer
Fe Ong-ongowan & Elizalde L. Piol
Layout Artists
Alvin G. Alejandro, Albert A. Rico & Melanie Mae N. Moreno
Graphic Artists & Cover Designer
Ephraim L. Gibas
IT & Logistics
Imelda C. Raymundo, Generosa F. Zubieta, Blanca C. Castillo, Maria Concepcion R.
Cuadra, May Ester Rubio, Sherwin C. Quesea & Jeewel L. Cabriga
Schools Division Office Development Team

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral

PIVOT 4A CALABARZON PE G3
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material

Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH (Physical Education). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay
sinegurong naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa sumusunod na mga aralin.

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON PE G3
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng


Panimula

aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
kailangan para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
Pagpapaunlad
(Development)

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay
Tuklasin
ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
Pagyamanin alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
matutuhan.
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa
mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge
Isagawa
Skills, at Attitudes (KSA) upang makahulugang
Pakikipagpalihan
(Engagement)

mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
Iangkop maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa
proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng


Paglalapat

kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong


repleksiyon, pag-uugnay, o paggamit sa alinmang
sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong
pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan.
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay
sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng
Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng
kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3
WEEKS
1-2 Hugis at Kilos ng Katawan
Aralin
I
Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahang malalaman at
maisasaagawa mo ang iba’t ibang hugis sa pamamagitan ng kilos o
paggalaw ng katawan.

Ang ating katawan ay nakagagawa ng iba’t ibang hugis


depende sa ating kilos o galaw. Sa ibaba ay makikita natin ang iba’t
ibang larawan na nagpapakita ng iba’t ibang kilos at hugis.

Ang kilos sa larawan ay tinatawag na head twist o ang pagpihit


ng ulo. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng unti-unting pagtulak ng
ating ulo papunta sa kanan at sa kaliwa. Nagagawa natin ang hugis
na pilipit kapag isinasagawa natin ang eherisyong ito.

Ang kilos na ito ay tinatawag na trunk twist. Ipinipihit natin ang


itaas na bahagi ng ating katawan papunta sa kanan o
sa kaliwa habang pinapanatili natin ang ating mga paa sa orihinal
nitong pagtayo, Nagagawa natin ang hugis na pilipit at tuwid kapag
isinasagawa ito.
PIVOT 4A CALABARZON PE G3 6
3

Ang ikatlong larawan ay head bend. Sa kilos na ito ay unti-unti


nating itinutulak gamit ang kamay bilang suporta sa paitaas at
paibaba ang ating ulo. Naisasagawa natin dito ang pagbaluktot na
hugis.

Ang ikaapat na larawan ay tinatawag na shoulder circle. Ang


kilos na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggalaw ng mga
balikat sa pauna at palikod na paraan habang nakababa ang mga
kamay sa tagiliran. Nagagawa natin ang hugis na tuwid, pilipit
at bilog kapag isinasagawa ito.

7 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
5

Ang ikalimang larawan ay pagpapaikot ng bukong-bukong ng


paa. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagtaas ng ating
paa habang nakatukod ang mga daliri nito sa lupa. Dahan-dahan
na iikot pakanan at pakaliwa ang ating bukong-bukong. Nagagawa
natin ang hugis na pilipit at bilog sa tuwing isinasagawa ang kilos na
ito.

Ang ikaanim na larawan ay ang pag-unat ng tuhod.


Isinasagawa ang kilos na ito sa pamamagitan ng paglagay ng
kamay sa ibabaw ng tuhod at dahan-dahang pagbaba ng katawan
at pag-angat papunta sa orihinal na position. Nagagawa natin ang
hugis na pagbaluktot habang isinasagawa ito.

Kapag nakagagawa ng kilos o galaw gamit ang ating


katawan, nakagagawa din tayo ng iba’t ibang hugis. Tinatawag na
kilos lokomotor ang isang kilos kapag ito ay umaalis sa lugar.
Tinatawag namang kilos di-lokomotor ang isang kilos kapag ito ay
hindi umaalis sa lugar.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 8
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Hanapin ang pangalan ng kilos o
galaw na ipinapakita sa Hanay A sa listahan ng mga nakasaad na
kilos sa Hanay B. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. A. Trunk twist

2. B. Head twist

3. C. Pag-unat ng tuhod

4.
D. Pagpapaikot ng bukong-bukong

5.

E. Shoulder circle

9 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin ang pangalan ng ehersisyo o
kilos na isinasagawa sa larawan at kung anong hugis ang nabubuo
sa pagawa nito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.

2.

3.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 10
4.

5.

Gawain Pagkatuto Bilang 3: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Anong kilos ang ipinakikita ng nasa larawan?


a. Head down
b. Head up
c. Head twist
d. Head bend

2. Kung iginagalaw ang mga balikat pauna at palikod habang


nakababa ang mga kamay sa tagiliran. Ano ang tawag mo sa
ehersisyong ito?
a. Trunk twist
b. Head twist
c. Head up

11 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
3. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng hugis na
pilipit?

a. b. c. d.

4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng hugis na pabaluktot?

a. Pagpapaikot ng bukong-bukong ng paa


b. Head twist
c. Shoulder circle
d. Pag-unat ng tuhod

5. Nakita mo na masayang nagtatakbuhan ang mga kapatid mo.


Anong kilos-lokomotor ang ipinakikita nila?

a. Paglalaro
b. Pagtakbo
c. Pagsasaya
d. Kapatid

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 12
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isagawa ang tamang paraan ng
pag-eehersisyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuto sa
ibaba. Sagutin ang mga tanong pagkatapos ng ehersisyo. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

1. Mag-jog sa kinatatayuan ……………………………………... (8 bilang)

2. Lumakad nang hindi umaalis sa kinatatayuan …………... (8 bilang)

3. Gawin ang ehersisyong inhale-exhale ……………………. (10 bilang)

4. Gawin ang head bend

 Tumungo gamit ang suporta ng kamay …………... (4 bilang)

 Tumingala gamit ang suporta ng kamay …………. (4 bilang)

13 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
 Iyuko ang ulo sa kanan gamit ang suporta ng kamay ….. (4 bilang)
 Iyuko ang ulo sa kaliwa gamit ang suporta ng kamay ….. (4 bilang)
 Bumalik sa orihinal na posisyon

5. Isagawa ang kilos na Pagpihit ng Ulo (Head Twist)

 Ibaling ang ulo pakanan …………………………………………(4 bilang)


 Bumalik sa dating posisyon …………………………………….…(4 bilang)
 Ibaling ang ulo pakaliwa ………………………………………....(4 bilang)
 Bumalik sa dating posisiyon ……………………………………... (4 bilang)

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 14
6. Shoulder Circle: Isagawa ang mga panuto sa ibaba habang
nakababa ang mga kamay sa tagiliran

 Igalaw ang balikat pauna ………………………………...(4 bilang)


 Igalaw ang balikat palikod ……………………………..…(4 bilang)

7. Trunk Twist

 Iangat ang kamay kapantay ng dibdib habang nakataob ang


mga kamay. Ibaling ang katawan pakanan …………... (4 bilang)

 Bumalik sa orihinal na posisyon tapos ay isagawa ulit ito ng


nakabaling pakaliwa …………………………………...…... (4 bilang)

 Bumalik sa orihinal na posisyon.

15 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
8. Pag-unat ng tuhod
 Tumayo ng tuwid habang ang mga paa ay magkalayo Ilagay
ang kamay sa hita malapit sa may tuhod ………….… (4 bilang)
 Dahan dahang ibaba ang katawan……………………. (4 bilang)
 Bumalik sa orihinal na posisyon

9. Pagpapaikot ng bukong-bukong ng paa.


 Iangat ang kanang paa
 Paikutin ito papunta sa kanan ……………………………......(4 bilang)
 Paikutin ito papunta sa kaliwa ……......................................(4 bilang)
 Ulitin sa kaliwang paa.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 16
10. Pasimulang posisyon: Half Knee Bend
 Mag-inhale habang dahan-dahang iniuunat ang tuhod at dahan
dahang itinataas ang mga braso sa tagiliran …………..(8 bilang)
 Mag-exhale habang dahan dahang ibinabalik ang mga braso
pababa sa dati nitong posisyon……………………………..(8 bilang)
 Ulitin ng 3 beses.

Mga Tanong:

1. Naisagawa mo ba ng maayos at sa tamang paraan ang


pag-eehersisyo?

2. Ano ang iyong naramdaman matapos ang ehersisyo?

3. Bumilis ba ang tibok ng iyong puso?

4. Naramdaman mo ba na sumigla ang iyong katawan?

5. Ano-anong mga hugis ang nagawa mo habang kayo ay nag-


eehersisyo?

6. Nakagawa ka ba ng hugis na tuwid? Bilog? Pilipit?


7. Ano-anong kilos ang naisagawa mo?

A
Pilipit Tuwid Pabilog Hugis Katawan

Sa pagsasagawa natin ng kilos o galaw ay nakakabuo ang


ating _____________ ng mga _____________ gaya ng _____________ ,
_____________ , at _____________ .

17 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
WEEKS
3-4 Iba’t Ibang Hugis at Kilos ng Katawan
Aralin
I
Sa araling ito ay maisasagawa natin ang iba’t ibang
hugis at kilos ng katawan.

Tingnan ang larawan sa itaas. Ano ang ginagawa ng


magsasaka? Anong kilos ang kailangan sa pagtatanim
ng palay katulad ng nasa larawan? Tama ka kung sasabihin mong
pagbaluktot at pag-unat.
Subukin mong gayahin ang magsasaka sa pagtatanim
ng palay. Naisagawa mo ba nang wasto ang kilos ng magsasaka?
Naisagawa mo ba ang wastong pagbaluktot? Paano mo naibalik sa
dati ang iyong katawan mula sa pagkakabaluktot?

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 18
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gawin ang mga sumusunod na kilos
sa bawat bilang upang makatulong sa pagpapalakas nang ating
katawan. Magpatugtog ng mga masisiglang
awitin habang ginagawa ang mga kilos.

1. Dahan dahang iikot ang ulo (clockwise). (walong bilang)


2. Dahan dahang iikot ang ulo (counter clockwise). (walong bilang)
3. Itaas ang parehong kamay parehas nasa tagiliran at iikot ito
(clockwise). (walong bilang)
4. Itaas ang parehong kamay parehas nasa tagiliran at iikot ito
(counter clockwise ). (walong bilang)
5. Tumayo ng tuwid habang nakataas ang mga kamay, dahan-
dahang baluktutin ang katawan pauna. Sikaping abutin ng kamay
ang sahig. (walong bilang)
6. Tumayo ng tuwid habang nakataas ang mga kamay ay dahan-
dahang baluktutin ang katawan patalikod. (walong bilang)
7. Umupo at ibuka ang dalawang hita sa abot ng makakaya ng
iyong katawan. Abutin ng dalawang kamay ang magkabilang mga
paa. (walong bilang)
Lagyan ng puntos ang isinagawang gawain. Gamitin ang rubric sa
ibaba.
Kabuoan : ______

Krayterya 5-4 puntos 3-2 puntos 1-0 puntos Puntos


1. Pagkakagawa Napakahusay Katamtamang Kaunti o
ng mga kilos. ng ang galing ng hindi
pagkakaga- pagkakagawa nagawa
wa ng kilos ng kilos ang kilos.

2. Nagawa ng Nagawa ang Nagawa ang Hindi


nasa oras kilos sa loob kilos sa loob ng naisaga-
ng 5 minuto. 10 minuto wa ang
kilos.

19 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
Tingnan ang nakuhang puntos.
Katumbas na Puntos

10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na gawain.


8-9 puntos – Mahusay ka ! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 -7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang mag-
ensayo upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong pag-eensayo
upang magawa mo ng husto ang kilos. Muling isagawa ang gawain
hanggang sa makakuha ng 7 – 10 puntos bago pumunta sa
kasunod na gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumawa ng sariling ehersisyo na naiiba


sa mga isinagawang kilos sa naunang gawain. Gumamit ng
kahit anumang awiting masigla para sa gagawing ehersisyo. Lagyan
ng puntos ang isinagawang gawain. Gamitin ang rubric sa ibaba.

Krayterya 5-4 puntos 3-2 puntos 1-0 puntos puntos


1) Pagkakagawa Napakahusay Katamtamang Kaunti o
ng mga kilos. ng ang galing ng hindi
pagkakagawa pagkakagawa nagawa
ng kilos. ng kilos. ang kilos.

2) Pagpapakita Sariling likha Nagpakita ng Hindi


ng ang mga kilos orihinal at nakalikha
pagkamalikhain. sa ehersisyo. hinaluan ng ng sariling
mga kinopya kilos.
na kilos
pang-ehersisyo.

Ilang puntos ang iyong nakuha? Tingnan ang katumbas ng


iyong puntos sa itaas. Kung nakakuha ng puntos 7 hanggang 10,
handa ka na sa susunod na gawain.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 20
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Para sa susunod na
gawain, maghanap ng kapareha sa bahay. Maari mong yayain
ang sinumang tao na libre upang ika’y samahan sa
gawain. Kasama ang kapareha, umupo sa sahig habang
magkatalikod. Pagbuhulin ang magkabila niyong braso gaya ng
nasa larawan sa ibaba. Tumayo nang magkalapat pa din
ang likod nang hindi naghihiwalay ang
mga braso habang pinaglalapit ang dalawang paa
ng magkapareha. Ang gawaing ito ay tinatawag na Chinese
Get-Up.

Naisagawa ba ninyo nang tama ang Chinese Get-Up?


Paano ba ninyo ito isinagawa? Anong mga kilos ang kailangang
gawin sa pagsasagawa ng Chinese Get-Up?

Lagyan ng puntos ang isinagawang gawain. Gamitin ang


Rubric sa ibaba.

21 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
Krayterya 5-4 puntos 3-2 puntos 1-0 puntos Puntos

1.Pagkakagawa Napakahusay Katamtamang Kaunti o hin-


ng mga kilos. ng pagkakaga- ang galing ng di nagawa
wa ng kilos pagkakagawa ang kilos.
ng kilos

2.Naisagawa ng Nagawa ang Nagawa ang Hindi naisa-


nasa oras kilos sa loob ng kilos sa loob ng gawa ang
10 segundo 20 segundo kilos

Katumbas na Puntos
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na gawain.
8-9 puntos – Mahusay ka ! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari mag- ensayo
upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong pag-eensayo
upang magawa mo ng husto ang kilos.
Muling isagawa ang gawain hanggang sa makakuha ng 7 – 10 pun-
tos bago pumunta sa kasunod na gawain.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 22
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gawin ang kilos na nakasaad sa
bawat bilang upang masubok ang iyong kakahayan. Sagutin ang
mga tanong sa isang malinis na sagutang papel pagkatapos.

1. Abutin ang iyong paa gamit ang dalawang kamay nang hindi
ibinabaluktot ang tuhod. Gawin ito sa loob ng 10 bilang.

(insert pic)

2. Ilagay ang dalawang kamay sa bewang at iliyad ang katawan

nang patalikod. Gawin ito sa loob ng 10 bilang.

23 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
3. Gayahin ang nasa larawan. Gawin ito sa loob ng 10 bilang .

4. Gayahin ang nasa larawan. Gawin ito sa loob ng 10 bilang .

Mga Tanong:

1. Aling kilos ang madaling gawin?

2. Aling kilos ang mahirap gawin?

3. Ano-anong parte ng iyong katawan ang lumalakas kapag


isinasagawa ang ganitong mga kilos?

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 24
Lagyan ng puntos ang isinagawang gawain. Gamitin ang Rubric sa
ibaba sa iyong pag-iiskor.

Krayterya 5 Puntos 3 Puntos 1 Puntos Puntos

1. Pagkakagawa Napakahusay Katamtamang Kaunti o hindi


ng mga kilos. ng ang galing ng nagawa ang
pagkakagawa kilos.
pagkakagawa
ng kilos
ng kilos

2. Nagawa ng Naisagawa Naisagawa Naisagawa


nasa oras ang bawat ki- ang bawat ki- ang kilos sa
los sa loob ng los sa loob ng loob ng 3 na
10 bilang 7 bilang. bilang.
lamang.

Katumbas na Puntos
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na gawain.
8-9 puntos – Mahusay ka ! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang mag-
ensayo upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong pag-eensayo
upang magawa mo ng husto ang kilos.
Muling isagawa ang gawain hanggang sa makakuha
ng 7 – 10 puntos bago pumunta sa kasunod na gawain.

25 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gumawa ng maikli at masiglang
awit. Gamitin ang awitin upang lapatan ng sayaw gamit ang mga
sariling kilos o galaw. Lagyan ng puntos ang isinagawang gawain.
Gamitin ang Rubric sa ibaba.

Krayterya 5-4 puntos 3-2 puntos 1-0 puntos Puntos

1) Husay sa Napakahusay Katamtamang Kaunti o


pagsayaw at ng pagsayaw ang galing sa hindi
pag-awit. at pag-awit. pagsayaw at nagawa
pag-awit. ang
gawain.
2) Pagkama- Sariling likha Ginaya ang say- Hindi
likhain ang sayaw at aw at kanta sa nagawa
kanta. naririnig nang ang
musika. gawain

Katumbas na Puntos
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na gawain.
8-9 puntos – Mahusay ka ! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang mag-
ensayo upang mas maging mainam ang
iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong pag-eensayo
upang magawa mo ng husto ang kilos.
Muling isagawa ang gawain hanggang sa makakuha
ng 7 – 10 puntos bago pumunta sa kasunod na gawain.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 26
A
Ang pagbaluktot at pag-unat ay mga kilos na
nakakapagpalakas ng katawan. Maiiwasan ang sakuna kung
maisasagawa ito nang wasto.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Gawin ang sumusunod na ehersisyo.


Maghanap ng maaaring manuod ng iyong pagkilos.

1. Pagpapaikot ng braso palikod (Backward Arm Circle )

A. Tumayo nang tuwid na ang ayos ng mga paa ay katapat


ng balikat habang nakataas ang mga braso sa tagiliran.

B. Dahan-dahang iikot ang braso palikod.

C. Magsimula sa maliit na ikot hanggang papalaking ikot.

27 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
2. Lateral Trunk Flexion

A. Tumayo na ang kamay ay nakalagay sa baywang habang ang


agwat ng mga paa ay kapantay ng balikat.

B. Ibaluktot ang baywang pahilig sa kaliwa habang nakataas ang


kanang kamay sa iyong ulo. Bumalik sa patayong posisyon. Ibaluk-
tot ang baywang pahilig sa kanan habang ang kaliwang kamay
ay nakaangat sa iyong ulo.

3. Tumayo ng tuwid habang ang magkabilang kamay ay nakala-


gay sa baywang. Dahan-dahang ibaluktot ang katawan sa
unahan at sa likod.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 28
Iskoran ang ginawang kilos sa pamamagitan ng paglagay ng tsek
( / ) sa kahon sa ibaba na naaayon sa iyong ginawa. Gawin sa
isang malinis na sagutang papel.

Pagmamarka:
3 – Pinakamahusay
2 - Mahusay
1 – Nangangailangan pa ng pagsasanay

Pagtataya sa Sarili Pagtataya ng Guro/

Gawain Magulang

1 2 3 1 2 3
1. Backward Arm Cir-
cle

2. Lateral Trunk
Flexion

3. Pagbaluktot
paunahan at patali-
kod

Kabuuan _________
Katumbas na Puntos
9 pts – Ikaw ay napakagaling. Naisakatuparan mo ang layunin ng
aralin. Maaari ka ng pumunta sa kasunod na aralin.

6 pts – 8 pts – Mahusay ! Naisagawa mo ang hinihiling na maabot na


pagkatuto. Maaari ka ng pumunta sa kasunod na aralin.

0 – 5 pts- Ikinalulungkot ko ngunit kailangan mong bumalik sa unang


bahagi ng aralinl. Ulitin ang mga Gawain at pagsasanay.

29 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
WEEKS
5-8 Mga Pisikal na Aktibidad

I Aralin

Ang pag-awit habang kumikilos ang katawan ay isang kasiya-


siyang gawain. Makatutulong ito upang ikaw ay makapag-relax at
sumaya. Gawin ito araw-araw upang mapanatili ang
malusog na pangangatawan.

Pagkatapos ng araling ito ay inaasahang maisagawa mo ang


pisikal na aktibidad sa masaya at nakakaaliw na pamamaraan.

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Basahin at isagawa ang


ehersisyo.

1. Tumayong naka-stride.
2. Ibaluktot ang katawan pakanan habang ang kaliwang braso ay
nasa itaas ng ulo ( huminto) ………………………………….. (bilang 1— 6)
3. Bumalik sa panimulang posisyon ………………………… (bilang 7— 8)
4. Ibaluktot ang katawan pakaliwa habang ang kanang braso ay
nasa itaas ng ulo (huminto) ……………………………….….. (bilang 1— 6)
5. Bumalik sa panimulang posisyon. Hinto …………………. (bilang 7— 8)

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 30
1. Tumayong naka–stride.
2. Sabay na itaas ang sakong at
ang braso gaya ng nasa larawan.
Huminto …………………… (bilang 6)
3. Bumalik sa orihinal o panimulang
posisyon ………………. (bilang 7 – 8)

1. Tumayong naka-stride.
2. Ilagay ang magkabilang kamay
sa baywang. Huminto … (bilang 6)
3. Balik sa posisyon ….. (bilang 7 – 8)
4. Inhale at exhale ……... (8 bilang)

Naisagawa mo ba ng tama ang mga ehersisyo? Mahirap


bang isagawa o sundan ang mga ito?

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Alam mo ba ang awit na “Tong, tong,
tong, tong, Pakitong Kitong”? Pag-aralang awitin ang awit. Gawan
mo ito ng kilos.

“Tong tong tong tong pakitong – kitong”

Tong tong tong tong pakitong-kitong.

Alimango sa dagat , malaki at masarap

Mahirap mahuli , sapagkat nangangagat

(Ulitin )

31 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
Anong bahagi ng katawan ang iyong ginamit sa pagsasagawa ng
mga kilos sa awitin? Lagyan ng puntos ang isinagawang gawain.
Gamitin ang rubric sa ibaba.

Krayterya 5-4 Puntos 3-2 Puntos 1-0 Puntos Puntos


1. Pagkakagawa Napakahusay Katamtamang Kaunti o
ng mga kilos. ng ang galing ng hindi
pagkakagawa pagkakagawa nagawa ang
ng kilos ng kilos kilos.

2. Akma ang Napakahusay Mahusay Hindi


kilos sa awit nagawa

Katumbas na Puntos
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na
gawain.

Kabuuan
8 - 9 puntos – Mahusay _____________________
ka! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang
mag- ensayo upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong pag-eensayo
upang magawa mo nang tama ang kilos.
Muling isagawa ang gawain hanggang sa makakuha ng 7 – 10
puntos bago pumunta sa kasunod na gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gawin ang “Wring the Dishrag”.


Kumuha ng kapareha. Maaari mong yayain na samahan ka ng iyong
mga kasama sa bahay para sa gawain na ito. Humarap
sa kapareha at maghawak-kamay.

Itaas ang isa sa mga kamay na magkahawak at ang isa ay


panatilihin sa ibaba. Umikot sa ilalim ng nakataas ang mga kamay
hanggang ang magkapareha ay maging magkatalikuran.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 32
Lagyan ng puntos ang isinagawang gawain. Gamitin ang rubric sa
ibaba upang malaman kung anong puntos ang nararapat ayon sa
iyong isinagawang gawain.

Krayterya 5-4 puntos 3-2 puntos 1-0 puntos Puntos

1) Pagkakagawa Napakahusay Katamtamang Kaunti o hindi


ng mga kilos ng ang galing ng nagawa ang
pagkakagawa pagkakagawa kilos.
ng kilos. ng kilos.

2) Nagawa ng Nagawa ang Nagawa ang Hindi


nasa oras kilos sa loob ng kilos sa loob ng naisagawa
10 segundo. 20 segundo. ang kilos.

Kabuoan ______________

Katumbas na Puntos
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na
gawain.
8-9 puntos – Mahusay ka ! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang
mag- ensayo upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong pag-eensayo
upang magawa mo ng husto ang kilos. Muling isagawa ang
gawain hanggang sa makakuha ng 7 – 10 puntos bago pumunta
sa kasunod na gawain.

33 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng ehersisyo gamit ang
iba’t ibang kilos o galaw. Sa loob ng dalawang minuto sanayin ang
ehersisyo na may kasamang kilos ng mga braso. Gawin ang kilos
habang inaawit ang “Bahay Kubo”.

Krayterya 5-4 Puntos 3-2 Puntos 1-0 Puntos Puntos


1. Pagkakagawa Napakahusay Katamtamang Kaunti o hindi
ng mga kilos. ng ang galing ng nagawa ang
pagkakagaw pagkakagawa kilos.
a ng kilos ng kilos

2. Pagpapakita Sariling likha Nagpakita ng Hindi


ng ang mga kilos orihinal at nakalikha ng
pagkamalikhain sa ehersisyo hinaluan ng sariling kilos
mga kinopya
na kilos pang-
ehersisyo

Kabuoan______________

Katumbas na Puntos
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na
gawain.
8-9 puntos – Mahusay ka ! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang
mag- ensayo upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong pag-eensayo
upang magawa mo ng husto ang kilos. Muling isagawa ang
gawain hanggang sa makakuha ng 7 – 10 puntos bago pumunta
sa kasunod na gawain.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 34
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Awitin ang “Umupo , Tumayo” sa tono
ng “Rocking the Boat”. Awitin ito ng may kasamang kilos.

Umupo , tumayo

Gumagalaw ang Bangka (3X)

Lagyan ng puntos ang isinagawang gawain. Gamitin ang Rubric sa


ibaba.

Krayterya 5-4 Puntos 3-2 Puntos 1-0 Puntos Puntos

1. Pagkakagawa Napakahusay Katamtamang Kaunti o


ng mga kilos. ng ang galing ng hindi
pagkakagawa pagkakagawa nagawa
ng kilos. ng kilos. ang kilos.

2) Nagawa ng Nagawa ang Nagawa ang Hindi


nasa oras. kilos sa loob ng kilos sa loob ng nagawa
1 minuto. 2 minuto. ang kilos.

Kabuoan_________________

Katumbas na Puntos
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na
gawain.
8-9 puntos – Mahusay ka ! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang
mag- ensayo upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong
pag-eensayo upang magawa mo ng husto ang kilos.

35 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Lagyan ng kilos ang awit.

“Look at Me”

Look at me (2X) I am a butterfly

I fly (4X) like a butterfly

Krayterya 5-4 Puntos 3-2 Puntos 1-0 Puntos Puntos


1. Pagkakagawa Napakahusay Katamtamang Kaunti o
ng mga kilos. ng ang galing ng hindi
pagkakagawa pagkakagawa nagawa
ng kilos ng kilos ang kilos.

2. Nagawa ng Natapos ang Natapos ang Hindi


nasa oras. gawain sa loob gawain sa loob natapos.
ng 2 minuto ng 3 minuto Hindi
nagawa

Katumbas na Puntos
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na
gawain.
8-9 puntos – Mahusay ka ! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang
mag- ensayo upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong
pag-eensayo upang magawa mo ng husto ang kilos.
Muling isagawa ang gawain hanggang sa makakuha
ng 7 – 10 puntos bago pumunta sa kasunod na gawain.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 36
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Umawit at sumayaw habang igina-
galaw ang iyong katawan. Gumamit ng iyong nais na tugtog.

Krayterya 5-4 Puntos 3-2 Puntos 1-0 Puntos Puntos


1. Husay sa Napakahusay Katamtaman Kaunti o hindi
pagsayaw ng pagsayaw g ang galing nagawa ang
at pag- at pag-awit. sa pagsayaw gawain
awit. at pag-awit

2. Creativity Sariling likha Tinularan ang H i n d i


ang sayaw at sayaw at nagawa ang
kanta kanta sa gawain
naririnig na
musika.

Katumbas na Puntos
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na
gawain.
8-9 puntos – Mahusay ka! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang mag-
ensayo upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong pag-eensayo
upang magawa mo ng husto ang kilos. Muling isagawa ang gawain
hanggang sa makakuha ng 7 – 10 puntos bago pumunta sa
kasunod na gawain.

37 PIVOT 4A CALABARZON PE G3
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Bumuo ng isang sayaw na
nagpapakita ng mga kilos na nagpapaunlad ng flexibility at
tamang pagtindig. Gumamit ng iyong nais na tugtog. Ang sayaw
ay dapat na tumatagal lamang ng 2 minuto.

Lagyan ng puntos ang isinagawang gawain. Gamitin ang Rubric sa


ibaba.

Krayterya 5-4 Puntos 3-2 Puntos 1-0 Puntos Puntos


1) Husay sa Napakahusay ng Katamtamang Kaunti o
pagsayaw pagsayaw at ang galing sa hindi
at pag-awit pag-awit pagsayaw at nagawa
pag-awit ang gawain

2) Creativity Sariling likha ang Giinaya ang Hindi


sayaw at kanta sayaw na ki- nagawa
nilos sa napiling ang gawain
kanta.

Katumbas na Puntos
10 puntos – Napakahusay mo. Handa ka na sa kasunod na
gawain.
8-9 puntos – Mahusay ka ! Handa ka na sa kasunod na gawain.
5 – 7 puntos – Katamtaman ang iyong galing. Maaari ka pang mag
- ensayo upang mas maging mainam ang iyong kilos.
0 – 4 puntos – Nangangailangan ka pa ng ibayong pag-eensayo
upang magawa mo ng husto ang kilos. Muling isagawa ang
gawain hanggang sa makakuha ng 7 – 10 puntos bago pumunta
sa kasunod na gawain.

PIVOT 4A CALABARZON PE G3 38
PIVOT 4A CALABARZON PE G3 39
3. Pasig City: Department of Education.
Music, Art, Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral
Sanggunian
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Bilang 4 1. Head Twist – pilipit Pagkatuto Bilang 2
2. Shoulder circle – tuwid, pilipit, bilog
1. C 3. Trunk twist – pilipit at tuwid 1. B
2. D 4. Pag-unat ng tuhod – pilipit at bilog 2. E
3. D 5. Pagpapaikot ng bukong-bukong ng paa – 3. A
4. D pagbaluktot 4. C
5. B 5. D
Weeks 1-2
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

You might also like

  • Grade 2
    Grade 2
    Document44 pages
    Grade 2
    Ara Minalen
    100% (3)
  • PE2Q1FV2 PDF
    PE2Q1FV2 PDF
    Document40 pages
    PE2Q1FV2 PDF
    Cyrill Villa
    No ratings yet
  • AP3Q1V2
    AP3Q1V2
    Document40 pages
    AP3Q1V2
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • Epp Ia4 V2
    Epp Ia4 V2
    Document40 pages
    Epp Ia4 V2
    Azia Mhmmd
    100% (1)
  • PE3Q4F
    PE3Q4F
    Document42 pages
    PE3Q4F
    Dianne Paran
    No ratings yet
  • Grade 3: Key Stage 1 SLM
    Grade 3: Key Stage 1 SLM
    Document40 pages
    Grade 3: Key Stage 1 SLM
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • PE3Q3F
    PE3Q3F
    Document44 pages
    PE3Q3F
    Ace Limpin
    No ratings yet
  • Health1Q1V2
    Health1Q1V2
    Document40 pages
    Health1Q1V2
    Mary Grace Fernandez
    No ratings yet
  • Math 3 Q1 FV2
    Math 3 Q1 FV2
    Document40 pages
    Math 3 Q1 FV2
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • Epp He4 V2
    Epp He4 V2
    Document40 pages
    Epp He4 V2
    gelma furing lizaliza
    No ratings yet
  • PE1Q2FV2
    PE1Q2FV2
    Document40 pages
    PE1Q2FV2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • Araling Panlipunan: Grade 2
    Araling Panlipunan: Grade 2
    Document40 pages
    Araling Panlipunan: Grade 2
    Maricel Rayos
    No ratings yet
  • Epp He5 V2
    Epp He5 V2
    Document40 pages
    Epp He5 V2
    Bhea Ebreo
    No ratings yet
  • Health 3 Q3 F
    Health 3 Q3 F
    Document44 pages
    Health 3 Q3 F
    Jonas Cabacungan
    No ratings yet
  • AP9Q2V2
    AP9Q2V2
    Document40 pages
    AP9Q2V2
    dannacomez165
    No ratings yet
  • AP3Q3F
    AP3Q3F
    Document44 pages
    AP3Q3F
    Wencie Jane Nuñez
    100% (1)
  • Filipino3Q4F
    Filipino3Q4F
    Document42 pages
    Filipino3Q4F
    Jerome Deluna
    100% (2)
  • Filipino 2 Q3 F
    Filipino 2 Q3 F
    Document44 pages
    Filipino 2 Q3 F
    Ronel Arlantico Mora
    100% (1)
  • Health 3 Q2 V2
    Health 3 Q2 V2
    Document40 pages
    Health 3 Q2 V2
    Connie Sarmiento
    No ratings yet
  • Math 2 Q3 F
    Math 2 Q3 F
    Document44 pages
    Math 2 Q3 F
    Emelyn
    No ratings yet
  • AP2Q3F
    AP2Q3F
    Document44 pages
    AP2Q3F
    Gian Carlo Angon
    100% (1)
  • PE1Q1FV2
    PE1Q1FV2
    Document40 pages
    PE1Q1FV2
    lorebeth malabanan
    No ratings yet
  • Ap7 Quarter 2 Module
    Ap7 Quarter 2 Module
    Document40 pages
    Ap7 Quarter 2 Module
    Fe Vanessa Buyco
    100% (1)
  • Health2Q1FV2
    Health2Q1FV2
    Document40 pages
    Health2Q1FV2
    MARY ANN RAMIREZ
    No ratings yet
  • AP3Q2V2
    AP3Q2V2
    Document40 pages
    AP3Q2V2
    EllaMarie Reyes
    No ratings yet
  • PE3Q2FV2
    PE3Q2FV2
    Document40 pages
    PE3Q2FV2
    Connie Sarmiento
    No ratings yet
  • EsP3Q4F
    EsP3Q4F
    Document44 pages
    EsP3Q4F
    Jerome Deluna
    No ratings yet
  • MTBMLE3Q1V2
    MTBMLE3Q1V2
    Document40 pages
    MTBMLE3Q1V2
    Reiahne Tyler Osorio
    No ratings yet
  • AP7Q2F
    AP7Q2F
    Document40 pages
    AP7Q2F
    Doom Refuge
    100% (1)
  • AP8Q2V2
    AP8Q2V2
    Document40 pages
    AP8Q2V2
    Norlyn Cuntapay
    100% (1)
  • Math 3 Q3 F
    Math 3 Q3 F
    Document44 pages
    Math 3 Q3 F
    Jerick Mangiduyos Lapurga
    100% (4)
  • Health 2 Q4 F
    Health 2 Q4 F
    Document42 pages
    Health 2 Q4 F
    Lhay Hernandez
    100% (1)
  • AP10Q2V2
    AP10Q2V2
    Document40 pages
    AP10Q2V2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • EsP1Q1V2
    EsP1Q1V2
    Document40 pages
    EsP1Q1V2
    Mary Grace Fernandez
    No ratings yet
  • Math 3 - Q2 - PIVOT
    Math 3 - Q2 - PIVOT
    Document40 pages
    Math 3 - Q2 - PIVOT
    Grace Rocapor
    No ratings yet
  • Grade 3 - Esp: Subject
    Grade 3 - Esp: Subject
    Document44 pages
    Grade 3 - Esp: Subject
    zionne
    100% (1)
  • PE5Q3F
    PE5Q3F
    Document40 pages
    PE5Q3F
    ALVIN FREO
    No ratings yet
  • Local Media8871891695912474718
    Local Media8871891695912474718
    Document40 pages
    Local Media8871891695912474718
    Rosemarie G. Salazar
    No ratings yet
  • AP Week 1-2
    AP Week 1-2
    Document13 pages
    AP Week 1-2
    louise
    No ratings yet
  • AP10
    AP10
    Document40 pages
    AP10
    Noella Janeel Brotonel
    50% (2)
  • Esp G4: Ikalawang Markahan
    Esp G4: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Esp G4: Ikalawang Markahan
    Mellow Jay Masipequina
    No ratings yet
  • Arts 3 Q3 F
    Arts 3 Q3 F
    Document44 pages
    Arts 3 Q3 F
    Janine Eunice dela Cruz
    No ratings yet
  • Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Document44 pages
    Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Adrian Santos
    No ratings yet
  • Mtb-Mle: Ikalawang Markahan
    Mtb-Mle: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Mtb-Mle: Ikalawang Markahan
    Gliezel Gaupo
    No ratings yet
  • HEALTH3Q2F
    HEALTH3Q2F
    Document40 pages
    HEALTH3Q2F
    Daisy Mendiola
    100% (1)
  • Zach Pinga Ap7 q2 Module v2
    Zach Pinga Ap7 q2 Module v2
    Document36 pages
    Zach Pinga Ap7 q2 Module v2
    Christopher Green Pinga
    No ratings yet
  • PE1Q4F
    PE1Q4F
    Document42 pages
    PE1Q4F
    Jennie Kim
    100% (1)
  • 2q Ap8 Module
    2q Ap8 Module
    Document40 pages
    2q Ap8 Module
    JaymeeSolomon
    No ratings yet
  • AP9Q2F
    AP9Q2F
    Document40 pages
    AP9Q2F
    Racquel Monterey
    100% (2)
  • Filipino PDF
    Filipino PDF
    Document40 pages
    Filipino PDF
    Nicole
    No ratings yet
  • Music3Q4V2 NCR
    Music3Q4V2 NCR
    Document40 pages
    Music3Q4V2 NCR
    mallare21lea
    No ratings yet
  • Filipino 9-Pages-Deleted
    Filipino 9-Pages-Deleted
    Document36 pages
    Filipino 9-Pages-Deleted
    Elbert Natal
    No ratings yet
  • AP1Q4F
    AP1Q4F
    Document42 pages
    AP1Q4F
    Alex Abonales Dumandan
    No ratings yet
  • Arts 2 Q3 F
    Arts 2 Q3 F
    Document44 pages
    Arts 2 Q3 F
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • EPP Entrep ICT5 V2
    EPP Entrep ICT5 V2
    Document40 pages
    EPP Entrep ICT5 V2
    Kairi Lian Heart Barayoga
    100% (1)
  • EPP Entrep ICT4 V2 PDF
    EPP Entrep ICT4 V2 PDF
    Document40 pages
    EPP Entrep ICT4 V2 PDF
    ELMER TAGARAO
    100% (1)