You are on page 1of 40

MAPEH(P.E.

)
GRADE 1

Key Stage 1 SLM


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum
and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat
bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na
isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa
karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON PE G1
PIVOT 4A Learner’s Material
Unang Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Physical Education
Unang Baitang

Job S. Zape, Jr.


PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Arthur M. Julian
Internal Reviewer
Ephraim L. Gibas, Hiyasmin D. Capelo & Sonny Bhoy Flores
Layout Artists & Illustrator
Alvin G. Alejandro, Albert A. Rico & Melanie Mae N. Moreno
Graphic Artists & Cover Designer
Ephraim L. Gibas
IT & Logistics
Sacoro R. Comia, Generiego O. Javier, Jay Ann Panaligan, Juliet Villano,
Mhelca-win M. Aparato , Lenylyn C. Alcantara, Genny Lyn A. Peradilla, Roger V. Caballero,
Gemma C. De Torres, Nicolas A. Asi, Cyrus T. Festijo, Roy C. Escalon, April Claire P. Manlangit,
Ella Mei A. Casunuran, Annalyn M. Flores, Ricky P. Torrenueva,
Benelyn C. Delos Reyes & Ma. Christina R. Herrera
Schools Division Office Development Team

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

PIVOT 4A CALABARZON PE G1
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material

Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH (Physical Education). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay
sinegurong naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa sumusunod na mga aralin.
Salamat sa iyo!

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON PE G1
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng


Panimula

aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
kailangan para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
Pagpapaunlad
(Development)

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay
Tuklasin
ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
Pagyamanin alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
matutuhan.
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa
mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge
Isagawa
Skills, at Attitudes (KSA) upang makahulugang
Pakikipagpalihan
(Engagement)

mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
Iangkop maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa
proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng


Paglalapat

kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong


repleksiyon, pag-uugnay, o paggamit sa alinmang
sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong
pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan.
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay
sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng
Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng
kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1
WEEK
Kamalayan sa Ating Katawan
1 Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
mailalarawan ang bahagi ng katawan, mga kilos at
galaw sa pamamagitan ng kasiya-siyang aktibidad.

D
Ang ating katawan ay may iba’t ibang bahagi.
Ang bawat bahagi ng nito ay may kani-kaniyang
galaw o kilos na ginagampanan.
Mayroon tayong dalawang mata na ginagamit
upang makita natin ang ganda ng mundo at ang
iba pang bagay sa ating paligid.
Mayroon tayong dalawang tainga na ginagamit
natin upang makarinig ng iba’t ibang tunog sa
ating kapaligiran.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

6
Ang ating ilong ang tumutulong sa atin upang
malaman ang amoy ng mga bagay.
Ang ating dila naman ang tumutulong upang
tayo ay makalasa ng pagkain at makapagsalita
ng maayos.
Nahahawakan natin ang maraming bagay sa
tulong ng ating mga braso at kamay.
Mayroon din tayong dalawang mga paa
upang makalakad, makatayo, tumalon at
tumakbo.
Lahat ng bahagi ng ating katawan ay
mahalaga para sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Dapat itong ipagpasalamat sa
ating Dakilang Panginoon.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

7
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahing mabuti ang
bawat sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Nais buhatin ni Nanay ang bunso niyang anak. Aling


bahagi ng katawan ang kanyang gagamitin?
A. paa B. braso at kamay C. tuhod

2. Tumalbog malapit kay Hermie ang bola na nilalaro ng


mga bata subalit may hawak siya. Aling bahagi ng
kanyang katawan ang gagamitin upang masipa ang
bola pabalik sa mga naglalaro?
A. tuhod B. ulo C. paa

3. Sabi ng guro isulat mo sa pisara ang pangalan mo.


Aling bahagi ng katawan ang iyong gagamitin sa
pagsulat?
A. leeg B. balikat C. kamay

4. Si Elise ay sumama sa kanyang ate na magsimba.


Sinabi ng tagapagsalita na “Magsiluhod ang lahat”.
Aling bahagi ng katawan ang gagamitin niya sa
pagluhod?
A. siko B. tuhod C. balikat

5. Pinakukuha ka ni tatay ng damit na kulay pula. Aling


bahagi ng katawan ang iyong gagamitin upang
malaman ang kulay ng damit na ipinakukuha sa iyo?
A. mata B. ilong C. paa

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

8
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang mga
tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Aling bahagi ng katawan ang ginagamit sa


paghawak at paghagis ng mga bagay?
A. balikat C. paa
B. kamay D. tuhod

2. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa


paglakad, pagtakbo at pagtalon?
A. baywang C. paa
B. hita D. tuhod

3. Aling bahagi ng katawan kabilang ang leeg?


A. sa ibabang bahagi C. sa paa
B. sa gitnang bahagi D. sa itaas na bahagi

4. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit kung ikaw


ay luluhod?
A. balikat C. paa
B. kamay D. tuhod

5. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa


pagdadala, pagbuhat, pagtulak at paghila ng
bagay?
A. braso C. dibdib
B. baywang D. likod

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

9
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tingnan ang mga
larawan. Hawakan ang mga bahagi ng iyong katawan
na katulad ng nasa larawan. Sagutin ang mga tanong.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ilan ang iyong ilong?


2. Ilan ang iyong mga tainga?
3. Ilan ang siko mo?
4. Ilan ang balikat mo?
5. Ilan ang mga mata mo?

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

10
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang
mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay ginagamit natin upang makita ang mga


magagandang biyaya ng Panginoon.
A. ilong B. mata C. tainga

2. Ito ay ginagamit natin upang matikman ang mga


masasarap na ulam na luto ni inay.
A. dila B. mata C. kamay

3. Ito ay ginagamit natin upang makarating sa


paaralan.
A. paa B. kamay C. ilong

4. Ito ay ginagamit natin upang marinig ang mga huni


ng ibon.
A. bibig B. tainga C. dila

5. Ito ay ginagamit natin upang maamoy ang mga


mababangong bulaklak.
A. ilong B. kamay C. mata

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

11
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin at unawain ang
mga pangungusap. Isagawa ito.

Panimulang Ayos: Tumayo nang tuwid na magkalayo


ang mga paa.

Ilagay ang kamay sa magkabilang tagiliran.


Ihilig ang leeg sa kanan.
Ihilig ang leeg sa kaliwa.
Ibalik sa panimulang ayos.

Naisagawa mo ba ito ng maayos?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Basahin ang mga


pangungusap. Isagawa ito.

Panimulang Ayos: Tumayo nang tuwid na nakababa


ang mga bisig.

Ipalakpak ang mga kamay sa unahan na pantay


sa balikat.
Ipalakpak ang mga kamay sa gawing likuran.

Ang ating leeg at mga kamay ay naikikilos sa iba’t


ibang paraan. Ang pagpalakpak ng mga kamay ay
nagpapalakas ng mga kamay.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

12
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Gumupit ng isang
larawan na nagpapakita ng bahagi ng katawan at
idikit ito sa loob ng kahon. Isulat ang pangalan ng
bawat bahagi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

13
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Piliin ang letra ng
tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ano ang kilos ng bahagi ng iyong katawan?

1. ulo a. naikikiling
b. naihahawak

2. leeg a. naiuunat
b. naihahawak

3. kamay a. nailalakad
b. naititikom

4. tuhod a. naibabaluktot
b. naituturo

5. paa a. nailalakad
b. naihahawak

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

14
Nalikhang Hugis Gamit ang Iba’t Ibang WEEK
Bahagi ng Katawan 2
Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
makalilikha ng hugis gamit ang iba’t ibang bahagi ng
katawan at maisagawa ang mga kilos di-lokomotor
upang maipakita ang nalikhang hugis.

Gayahin ang mga sumusunod na kasanayan sa


paglikha ng hugis ng katawan.

1. 2.

3. 4.

5.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

15
D
Hugis ng Katawan Gamit ang mga Bahagi Nito

Ang mga bahagi ng ating katawan ay nakalilikha


ng mga hugis. Ito ay sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga kilos di-lokomotor tulad ng mga
sumusunod:

Stretching Extending

Pushing

Bending Lifting

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

16
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang ngalan ng
bahagi ng katawan. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. A. braso

B. balikat
2.

C. hita

3.

D. ulo

4.
E. paa

5.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

17
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamitin ang mga bahagi
ng katawan upang makabuo ng hugis. Ipakita ito sa
iyong pamilya.

1. Siko

2. Baywang

3. Ulo

4. Paa

5. Daliri

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

18
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang mga
tanong. Isulat ang T kung tama at M kung mali. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

______ 1. Nakalilikha ng hugis ng katawan ang


pagkembot ng baywang.

______ 2. Ang kilos na di lokomotor ay mga kilos na


hindi umaalis sa tayo.

______ 3. Nakapagpapalakas ng katawan ang


ginagawang pagpapakilos ng ating katawan.

______ 4. Sa paggamit ng hollahoop ay nagpapakita ng


kilos na hugis bilog.

______ 5. Ang paglalampaso ay nakakalikha ng kilos at


nagpapakita ng iba ibang hugis .

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

19
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin ang bahagi ng
katawan na nasa larawan. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1
4

2
5

A. tuhod C. mata E. paa


B. kamay D. siko

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

20
Pagbalanse ng Katawan WEEKS
Aralin 3-4
I
Sa araling ito matututuhan mo ang wastong
pagbalanse ng katawan.

Pag-aralan mong mabuti ang mga larawan.

Sa palagay mo, kaya mo bang gayahin ang mga


posisyon sa larawan? Ano kaya ang kailangan upang
magawa ang mga posisyon sa larawan ng hindi ka
matutumba?

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

21
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gayahin ang mga
posisyon sa mga larawan upang malaman kung taglay
mo ang wastong pagbalanse ng bahagi ng katawan.

Pagbalanse ng dalawang braso at isang hita.


Pagbalanse ng isang braso at dalawang hita.

Pagtayo sa isang paa na nakataas ang dalawang braso


at pantay ang balikat.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

22
Mula sa patayong posisyon, itaas nang bahagya ang
isang paa sa unahan, tagiliran at likuran.

Pagdikitin ang mga paa at igalaw ang katawan


pakanan, pakaliwa, papunta sa unahan at likuran.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

23
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga tanong.
Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa


pagbuhat?
A. paa B. kamay C. tainga D. ilong

2. Aling bahagi ng katawan ang gamit sa pagpalakpak?


A. ulo B. mata C. bibig D. kamay

3. Alin ang nagpapakita ng pagbalanse ng isa


hanggang limang bahagi ng katawan?
A. Pagpalakpak ng mga kamay.
B. Pagtango at pag-iling ng ulo.
C. Pagpapaikot ng mga balikat.
D. Pagtayo sa isang paa na nakataas ang dalawang
braso at pantay ang balikat.

4. Bakit kailangan ang pagbabalanse ng katawan?


A. Dahil mahalaga ito
B. Para magandang tingnan
C. Para maging malusog at masigla
D. Upang hindi madaling mabuwal o matumba

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

24
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek () ang
wastong kolum ayon sa iyong sagot sa bawat tanong.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Tanong Oo Hindi
1. Naisagawa mo ba ang iba’t ibang
posisyon sa pagbalanse ng katawan?

2. Nahirapan ka ba sa pagsasagawa
ng iba’t ibang posisyon?

3. May pagkakataon bang natumba o


nabuwal ka sa alin mang posisyon na
iyong ginawa?

4. Madali lang ba ang pagbabalanse


ng iba’t ibang bahagi ng katawan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa tulong ng kasama sa


bahay, pumili ng awiting maaring lapatan ng mga
isinagawang kilos sa gawain. Mag-umpisa sa mabagal
hanggang sa pinakamabilis na kaya mong gawin na
hindi ka matutumba o mabubuwal.

A
Gumawa ng isang simpleng sayaw na magpapakita ng
pagbalanse ng isa hanggang limang bahagi ng
katawan.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

25
WEEKS
5-6 Paglilipat ng Bigat o Timbang ng Katawan
Patungo sa iba pang Bahagi
Aralin

I
Sa pagtatapos ng araling ito, inaaasahang
maipapamalas mo ang mga sumusunod:

a. mapananatili ang kontrol ng katawan sa


panahon ng paglipat ng bigat o timbang;

b. maililipat mo nang ligtas ang bigat ng katawan


sa iba pang bahagi sa pamamagitan ng pagluhod ng
tuhod upang makuha ang timbang katawan sa
paglapag pagkatapos ng isang pagtalon; at

c. makagagawa ng mga simpleng galaw o


kasanayan sa palilipat ng bigat o timbang, at malaman
ang kahalagahan ng mga pagkilos.

Ang paglipat ng bigat o timbang ay nakatutulong


na makontrol ang katawan habang naglilipat ng bigat
sa iba’t iba pang bahagi, kaya dapat ay nasa isang
balanseng posisyon ka bago magsimula.

Ang paglakad, pagtakbo, paglukso, pag-ikot,


paglundag, pagtapak, pagbagsak, pagsalo, paghagis,
pagdulas (pag-slide), pagsasayaw at pagsipa ay mga
galaw na nagpapakita ng paglilipat ng bigat o timbang
ng iba’t ibang bahagi ng katawan patungo sa iba pang
bahagi.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

26
1. Pagsasayaw/Dancing

Ang isang mananayaw ay naglilipat ng bigat mula


sa paa niya patungo sa tuhod.

2. Paglukso /Jumping
Gamitin ang isang paa o dalawang paa sa
paglapag sa isang lugar. Iyuko muna ang tuhod at
bukung-bukong at iugoy ang mga braso. Pagkatapos ay
tumalon ng pasulong at lumapag sa parehong paa.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

27
3. Pagtakbo/Running
Mabilis na gumalaw gamit ang parehong mga paa
ng halili.

4. Pagsalo/Catching

5. Paglalakad/Walking
Sa paglalakad, naililipat ang bigat mula sa isang
paa patungo sa isa mo pang paa.

6. Pag sipa/ Kicking

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

28
7. Paglundag/Leaping
Gumamit ng isang paa upang itulak. Ang mga
tuhod ay dapat baluktot para sa madali at ligtas na
makalapag gamit ang isa pang paa.

8. Pagdulas/Sliding

9. Paghahagis/Throwing

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

29
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Subukan mong gayahin
ang mga sumusunod na kasanayan sa paglilipat ng
bigat o timbang ng bahagi ng katawan.

1.

2.

3.

4.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

30
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bilugan ang angkop
na pangalan ng bahagi ng katawan na nakalahad sa
bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

6.
1.

7.
2.

3.
8.

4. 9.

10.
5.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

31
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pag-ugnayin ang bahagi
ng katawan sa kilos na kayang gawin nito. Isulat ang
letra ng iyong sagot. Maaaring mag ulit ng sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

d
e

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

32
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isulat ang salitang TAMA
kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI
naman kung di wasto. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

________1. Ang mga galaw o kilos ay nagpapalakas ng

ating kalamnan at mga buto.

________2. Ang katawan ng tao ay walang kakayahang

maglipat ng bigat o timbang.

________3. Mahalagang ipakita sa mga mag-aaral kung

paano naililipat ng ligtas ang timbang o bigat

ng katawan patungo sa iba pang bahagi.

________4. Kailangang nasa balanseng posisyon, bago

magsimula ng paglukso o paglundag.

________5. Ang paglilipat ng timbang ay magandang

kasanayan at ehersisyo para maging malusog

at malakas ang ating katawan.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

33
WEEKS
Kahalagahan ng Pakikilahok sa Masaya at
Kasiya-siyang Pisikal na Aktibidad
7-8 Aralin
I
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang makilala
mo ang kahalagahan ng pakikilahok sa masaya at
kasiya-siyang pisikal na aktibidad at maipamamalas ang
kasiyahan sa pagsasagawa ng mga gawain.

D
Lhovie, alam mo ba na
ang pakikilahok sa mga
Oo naman May, sa
gawaing pisikal ay
paglalaro, nagkakaroon
mabuti sa kalusugan.
tayo ng maraming
Lagi mo din tandaan
kaibigan.
na maging isport sa
Masayang maglaro
pakikipaglaro.
kung kasama mo ang
Maraming kaibigan
iyong mga kaibigan.
ang batang masayahin.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

34
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahing mabuti ang
mga sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Naglalaro ng jumping rope ang magkakaibigang
Desiree, Dina at Donna araw-araw sa kanilang
bakuran. Bakit kaya laging naglalaro ng jumping rope
ang magkaibigan?
A. Dahil ang paglalaro ng jumping rope ay
makakapagpakita ng kanilang galing.
B. Dahil ang paglalaro ng jumping rope ay
makakapagparumi sa kanilang katawan.
C. Dahil ang paglalaro ng jumping rope ay
makakapagpapawis sa kanilang katawan.
D. Dahil ang paglalaro ng jumping rope ay
makakapagpalakas ng kanilang resistensya.

2. Sumali sa paglalaro ng badminton si Cora sa kanilang


paaralan. Bakit kaya siya sumali sa larong ito?
A. Dahil ang paglalaro ng badminton ay nakalilibang.
B. Dahil ang paglalaro ng badminton ay
nakakapagod na laro.
C. Dahil ang paglalaro ng badminton ay
nakakabawas ng timbang.
D. Dahil ang paglalaro ng badminton ay nakaka-
pagpalakas ng iyong mga braso.

3. Tuwing umaga ay sumasayaw ng Zumba ang klase


nina Gng. Magpantay. Bakit kaya nila ito ginagawa
araw-araw?
A. Dahil wala na silang magawa.
B. Dahil kailangan ito sa paaralan.
C. Dahil ito ay dapat nilang ginagawa sa umaga.
D. Dahil ito ay nagsisilbi nilang ehersisyo araw-araw.
PIVOT 4A CALABARZON PE G1

35
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Piliin ang letra ng tamang
sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Si Ben at ang kaniyang mga kaibigan ay naglalaro ng


patintero. Nakita niyang pinanonood sila ng kaniyang
kaklase na si Roman. Ano ang kaniyang gagawin?
A. Tatawanan niya ito.
B. Hindi niya ito papansinin.
C. Tatawagin si Roman upang isali sa laro nilang
magkakaibigan.

2. Nadapa ang kaibigan mo habang kayo ay naglalaro


ng habulan. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatawanan mo siya.
B. Tutulungan mo siyang tumayo.
C. Ipagpapatuloy pa rin ang paglalaro.

3. Natalo kayo sa larong basketbol. Ano ang iyong


mararamdaman?
A. Malulungkot.
B. Magagalit ako.
C. Magiging masaya pa rin kahit natalo kami.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

36
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kopyahin ang kahon sa
iyong sagutang papel. Iguhit sa loob ng kahon ang
iyong nadarama kapag ikaw ay nakikipaglaro sa iyong
mga kaibigan.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

37
38
PIVOT 4A CALABARZON PE G1
Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto 2 Pagkatuto 1
1. C 1. D
2. B 2. D
3. C 3. D
Weeks 7-8
Gawain sa Pagkatuto 2
1. mata
2. ilong
Gawain sa 3. kamay Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
4. ulo Pagkatuto 2 Pagkatuto 4 Pagkatuto 3 Pagkatuto 1
Pagkatuto 4
5. tainga
1. TAMA 6. daliri ng paa 1. B 1. D 1. T 1. B
2. MALI 7. bibig 2. D 2. E 2. T 2. E
3. TAMA 8. leeg 3. D 3. C 3. T 3. C
4. TAMA 9. tuhod 4. D 4. B 4. T 4. B
5. TAMA 10. siko 5. A 5. T 5. D
Weeks 5-6 Weeks 3-4 Week 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto 8 Pagkatuto 4 Pagkatuto 3 Pagkatuto 2 Pagkatuto 1
1. a 1. B 1. Isa (1) 1. B 1. B
2. a 2. A 2. Dalawa (2) 2. C 2. C
3. b 3. A 3. Dalawa (2) 3. D 3. C
4. a 4. B 4. Isa (1) 4. D 4. B
5. a 5. A 5. Dalawa (2) 5. A 5. A
Week 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Department of Education. K to 12 Health Gabay Pangkurikulum.


Pasig: Department of Education,2016.

Department of Education. Curriculum Implementation a n d


Learning Management Matrix. Pasig: Department of
Education, 2020.

PIVOT 4A CALABARZON PE G1

39
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

You might also like

  • PE3Q3F
    PE3Q3F
    Document44 pages
    PE3Q3F
    Ace Limpin
    No ratings yet
  • Grade 2
    Grade 2
    Document44 pages
    Grade 2
    Ara Minalen
    100% (3)
  • Arts1Q1V2
    Arts1Q1V2
    Document40 pages
    Arts1Q1V2
    Leah Bibay
    No ratings yet
  • AP9Q2V2
    AP9Q2V2
    Document40 pages
    AP9Q2V2
    dannacomez165
    No ratings yet
  • Math1Q1V2
    Math1Q1V2
    Document40 pages
    Math1Q1V2
    Jeeefff Reyyy
    No ratings yet
  • Health1Q1V2
    Health1Q1V2
    Document40 pages
    Health1Q1V2
    Mary Grace Fernandez
    No ratings yet
  • Health 3 Q3 F
    Health 3 Q3 F
    Document44 pages
    Health 3 Q3 F
    Jonas Cabacungan
    No ratings yet
  • AP1Q3F
    AP1Q3F
    Document44 pages
    AP1Q3F
    Gian Carlo Angon
    No ratings yet
  • AP2Q3F
    AP2Q3F
    Document44 pages
    AP2Q3F
    Gian Carlo Angon
    100% (1)
  • Epp He5 V2
    Epp He5 V2
    Document40 pages
    Epp He5 V2
    Bhea Ebreo
    No ratings yet
  • Ap7 Quarter 2 Module
    Ap7 Quarter 2 Module
    Document40 pages
    Ap7 Quarter 2 Module
    Fe Vanessa Buyco
    100% (1)
  • Filipino 9 Q2 F
    Filipino 9 Q2 F
    Document40 pages
    Filipino 9 Q2 F
    nolan
    79% (14)
  • PE1Q2FV2
    PE1Q2FV2
    Document40 pages
    PE1Q2FV2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • AP3Q3F
    AP3Q3F
    Document44 pages
    AP3Q3F
    Wencie Jane Nuñez
    100% (1)
  • AP7Q2F
    AP7Q2F
    Document40 pages
    AP7Q2F
    Doom Refuge
    100% (1)
  • Math 3 Q3 F
    Math 3 Q3 F
    Document44 pages
    Math 3 Q3 F
    Jerick Mangiduyos Lapurga
    100% (4)
  • AP Week 1-2
    AP Week 1-2
    Document13 pages
    AP Week 1-2
    louise
    No ratings yet
  • AP10
    AP10
    Document40 pages
    AP10
    Noella Janeel Brotonel
    50% (2)
  • Arts 3 Q3 F
    Arts 3 Q3 F
    Document44 pages
    Arts 3 Q3 F
    Janine Eunice dela Cruz
    No ratings yet
  • Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Document44 pages
    Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Adrian Santos
    No ratings yet
  • AP3Q1V2
    AP3Q1V2
    Document40 pages
    AP3Q1V2
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • AP2Q4F
    AP2Q4F
    Document42 pages
    AP2Q4F
    Glaiza Abat Romero Branzuela
    100% (2)
  • PE1Q2F
    PE1Q2F
    Document40 pages
    PE1Q2F
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • Local Media8871891695912474718
    Local Media8871891695912474718
    Document40 pages
    Local Media8871891695912474718
    Rosemarie G. Salazar
    No ratings yet
  • Ikalawang Markahan
    Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Ikalawang Markahan
    JUNE NIEL CASIO
    No ratings yet
  • Ap8q2f-1 010321
    Ap8q2f-1 010321
    Document39 pages
    Ap8q2f-1 010321
    Honeylet bernardino
    No ratings yet
  • PE3Q2F
    PE3Q2F
    Document40 pages
    PE3Q2F
    Daisy Mendiola
    No ratings yet
  • EsP1Q1V2
    EsP1Q1V2
    Document40 pages
    EsP1Q1V2
    Mary Grace Fernandez
    No ratings yet
  • Filipino 3 Q3 F
    Filipino 3 Q3 F
    Document44 pages
    Filipino 3 Q3 F
    jennifer sayong
    100% (3)
  • 2q Ap8 Module
    2q Ap8 Module
    Document40 pages
    2q Ap8 Module
    JaymeeSolomon
    No ratings yet
  • PE2Q1FV2 PDF
    PE2Q1FV2 PDF
    Document40 pages
    PE2Q1FV2 PDF
    Cyrill Villa
    No ratings yet
  • Epp Ia4 V2
    Epp Ia4 V2
    Document40 pages
    Epp Ia4 V2
    Azia Mhmmd
    100% (1)
  • Epp Afa5 V2
    Epp Afa5 V2
    Document40 pages
    Epp Afa5 V2
    Liam Stan Carandang
    0% (1)
  • Esp G4: Ikalawang Markahan
    Esp G4: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Esp G4: Ikalawang Markahan
    Mellow Jay Masipequina
    No ratings yet
  • Math2 LM Quater1
    Math2 LM Quater1
    Document40 pages
    Math2 LM Quater1
    Maricel Rayos
    No ratings yet
  • Filipino 7 Q2 F
    Filipino 7 Q2 F
    Document40 pages
    Filipino 7 Q2 F
    Gian Carlo Angon
    100% (2)
  • Math 3 Q4 F
    Math 3 Q4 F
    Document44 pages
    Math 3 Q4 F
    jie
    80% (5)
  • Arts2 LM Q1
    Arts2 LM Q1
    Document40 pages
    Arts2 LM Q1
    Maricel Rayos
    No ratings yet
  • AP9Q2F
    AP9Q2F
    Document40 pages
    AP9Q2F
    Racquel Monterey
    100% (2)
  • Music 3 Q3 F
    Music 3 Q3 F
    Document44 pages
    Music 3 Q3 F
    Jimmy Boy Diaz
    100% (1)
  • HEALTH3Q2F
    HEALTH3Q2F
    Document40 pages
    HEALTH3Q2F
    Daisy Mendiola
    100% (1)
  • PE3Q1V2
    PE3Q1V2
    Document40 pages
    PE3Q1V2
    Dareen Cueto
    No ratings yet
  • PE3Q2FV2
    PE3Q2FV2
    Document40 pages
    PE3Q2FV2
    Connie Sarmiento
    No ratings yet
  • Health 2 Q4 F
    Health 2 Q4 F
    Document42 pages
    Health 2 Q4 F
    Lhay Hernandez
    100% (1)
  • AP10Q2V2
    AP10Q2V2
    Document40 pages
    AP10Q2V2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • AP5Q2F
    AP5Q2F
    Document40 pages
    AP5Q2F
    nfalkdrf alkfalk
    No ratings yet
  • Health 4 Q2 V2
    Health 4 Q2 V2
    Document40 pages
    Health 4 Q2 V2
    Krame G.
    100% (1)
  • PE1Q4F
    PE1Q4F
    Document42 pages
    PE1Q4F
    Jennie Kim
    100% (1)
  • AP1Q2F
    AP1Q2F
    Document40 pages
    AP1Q2F
    Marrianne Francisco
    100% (1)
  • AP4Q2F
    AP4Q2F
    Document40 pages
    AP4Q2F
    See John Evasco
    No ratings yet
  • EsP10V2Q2 1
    EsP10V2Q2 1
    Document40 pages
    EsP10V2Q2 1
    Holy Marie C.Endriga
    No ratings yet
  • Grade 3: Key Stage 1 SLM
    Grade 3: Key Stage 1 SLM
    Document40 pages
    Grade 3: Key Stage 1 SLM
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • EPP Entrep ICT4 V2 PDF
    EPP Entrep ICT4 V2 PDF
    Document40 pages
    EPP Entrep ICT4 V2 PDF
    ELMER TAGARAO
    100% (1)
  • MTB Mle2q3f
    MTB Mle2q3f
    Document44 pages
    MTB Mle2q3f
    Michelle Esplana
    No ratings yet
  • Health 3 Q2 V2
    Health 3 Q2 V2
    Document40 pages
    Health 3 Q2 V2
    Connie Sarmiento
    No ratings yet
  • EsP4 Q4F
    EsP4 Q4F
    Document40 pages
    EsP4 Q4F
    Roshella Chiong
    No ratings yet
  • Espmtbmapehenglish 4th Quarter
    Espmtbmapehenglish 4th Quarter
    Document16 pages
    Espmtbmapehenglish 4th Quarter
    lorebeth malabanan
    No ratings yet
  • Math 4th Periodical Exam
    Math 4th Periodical Exam
    Document1 page
    Math 4th Periodical Exam
    lorebeth malabanan
    No ratings yet
  • DLL - Esp 1 - Q4 - W2
    DLL - Esp 1 - Q4 - W2
    Document6 pages
    DLL - Esp 1 - Q4 - W2
    lorebeth malabanan
    No ratings yet
  • DLL - Araling Panlipunan 1 - Q4 - W2
    DLL - Araling Panlipunan 1 - Q4 - W2
    Document5 pages
    DLL - Araling Panlipunan 1 - Q4 - W2
    lorebeth malabanan
    No ratings yet
  • DLL - Mapeh 1 - Q4 - W2
    DLL - Mapeh 1 - Q4 - W2
    Document5 pages
    DLL - Mapeh 1 - Q4 - W2
    lorebeth malabanan
    No ratings yet
  • DLL Filipino 1 q4 w2
    DLL Filipino 1 q4 w2
    Document6 pages
    DLL Filipino 1 q4 w2
    lorebeth malabanan
    No ratings yet
  • 2ND Summative Test
    2ND Summative Test
    Document11 pages
    2ND Summative Test
    lorebeth malabanan
    No ratings yet
  • MTB Edited
    MTB Edited
    Document4 pages
    MTB Edited
    lorebeth malabanan
    No ratings yet