You are on page 1of 40

MAPEH (Arts)

GRADE 2

Key Stage 1 SLM

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring
kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng
Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and
Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay
tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng
Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.

Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


PIVOT 4A Learner’s Material
Unang Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Arts
Ikalawang Baitang
Job S. Zape, Jr.
PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead

Arthur M. Julian,
Internal Reviewers

Lhovie A. Cauilan, Rachelle S. Demegillo, Renelio G. Magno,


Greg P. Jaque, Denessa P. Fortes
Layout Artists & Illustrators

Alvin G. Alejandro, Albert A. Rico & Melanie Mae N. Moreno


Graphic Artists & Cover Designer

Ephraim L. Gibas
IT & Logistics

Mary Ann L. Tatlongmaria, Evelyn P. De Castro, Rebecca L. Catarroja, Elsa L. Javier , Maria
Dolores Aimee B. Cruz , Nicole Torres, Gerardo Cuenca, Rodelito T. Parco, Michael Autor,
Romulo Casipit, George T. Ipil, Rosalie Cuenca, Angela A. Morando, May L. Borjal,
Ceejay G. Santos, Tyrone B. Bilbes, Jonnel Aquino,
Schools Division Office Development Team

Jessa Mae F. Santos


External Reviewer

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material

Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH (Arts). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong
naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa sumusunod na mga aralin.

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-
unawa. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


Mga Bahaging PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng


Panimula

aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
kailangan para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa mag-
(Development)
Pagpapaunlad

aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog sa


mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng
Tuklasin
mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
Pagyamanin alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
matutuhan.
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa
mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge
Isagawa
Skills, at Attitudes (KSA) upang makahulugang
Pakikipagpalihan
(Engagement)

mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
Iangkop maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa
proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng


Paglalapat

kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong


repleksiyon, pag-uugnay, o paggamit sa alinmang
sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong
pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan.
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay
sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng
Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng
kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


WEEK
Istilo ng Sining
1 Aralin
I
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain, lalo na sa
pagguhit. Mahilig ka ba sa pagguhit? Sinu-sino ang mga kilala
mong pintor? Nakakita ka na ba ng kanilang likhang sining? Napansin
mo ba na ang bawat pintor ay may kani-kaniyang istilo sa pagguhit o
pagpinta?

Sa araling ito, inaasahan na mailalarawan mo ang iba`t ibang


isitlo ng mga Filipino artists sa kanilang paglikha ng larawan at “still life”
na may iba`t ibang hugis at kulay.

May mga Pilipinong pintor na gumuhit ng mukha ng tao,


kapaligiran o mga kabayanihan. Suriin ang mga larawang ng mga
kilalang pintor.

Larawan na Guhit ni Larawan na Guhit Larawan na Guhit


Fernando Amorsolo ni Mauro Malang ni Cezar T. Legaspi

May napansin ka bang pagkakaiba ng bawat lawaran ayon sa


istilo ginamit ng mga pintor?
Ano ang paksa sa unang larawan? Paano ito naiba sa ikalawa
at ikatlong larawan?
Maraming pagkakaiba ang tatlong larawang nasa itaas dahil
ang Pilipinong pintor ay gumamit ng iba’t ibang istilo upang maiguhit
ang mga larawan.

Nais mo ba sila makilala? Tara kilalanin natin sila.

• Fernando Amorsolo ay kilalang pintor na ang istilo ay


paglalarawan ng ating kapaligiran.

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 6


• Mauro Lamang ay isa ring pintor na kilalang ang istilo ay paggamit
ng mga mukha ng tao sa pagguhit.
• Cezar T. Legazpi ang kaniyang istilo ay ang pagsasanib ng kulay,
liwanag at anino.
Matapos mong makilala ang ilan sa mga kilalang pintor, subukin
mo naman ang iyong sariling kaalaman tungkol sa aralin. Halina at
sagutan ang Gawain sa ibaba.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahing mabuti ang bawat
pangungusap .Piliin ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
1. Sa paglikha ng larawan ng mga tanyag na pintor, ano ang
karaniwang ginamit ?
A. Iba’t ibang istilo at kulay C. imahinasyon
B. kabayanihan D. water color
2. Sino ang tanyag na pintor na gumamit ng paglalarawan sa
kapaligiran?
A. Jose Blanco C. Fernando Amorsolo
B. Juan Arellano D. lahat ng nabanggit
3. Gumamit ba ng iba’t ibang kulay sa paglikha ng larawan ang
bawat pintor?
A. Oo C. walang ginamit na kulay
B. Hindi D. hindi sigurado
4. Sa iyong palagay , paano nagkakaiba ang mga likhang sining ng
mga bantog na pintor sa ating bansa?
A. Gumamit ng iba’t ibang imahinasyon
B. Gumuhit ayon sa kanilang naisipan
C. Gumuhit ng pare-parehong bagay
D. Gumamit ng kanya-kanyang istilo at kulay
5.Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga sa kanilang sining?
A. ipagmalaki ang kanilang nilikha
B. hayaan na lamang na mapansin ng iba
C. ipagwalang bahala
D. hindi papansinin at gagawa na lang ng sarili.

Marami tayong mga tanyag na Pilipinong pintor. Sila ay may


kaniya-kaniyang istilo sa pagguhit. May mga pintor na gumuguhit ng
mukha ng tao. May mga pintor naman na gumuguhit ng kapaligiran.
Iba-iba ang istilo nila sa pagguhit ng bawat larawan at paggamit ng
kulay.
7 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2
Isa ka ba sa mahilig mamasyal? Kung oo, halina at basahin mo
ang maikling kuwento.

PAMAMASYAL SA MUSEUM

Sabado ng umaga namasyal kami ng aming pamilya sa


museum kaya ang saya saya ko dahil ngayon lang ako makakapunta
doon. Pagpasok palang sa Museum sobra na akong namangha. Ang
dami palang makikitang larawan doon na gawa ng mga bantog na
Pilipinong pintor. Ayon sa tagapagpaliwanag ang isang larawan na
aking nakita ay larawang iginuhit ni Fernando Amorsolo. Siya ay isang
pintor na ang istilo ay gumuguhit ng kapaligiran. Si Mauro Malang
Santos naman ay gumuhit ng mukha ng tao. Nakita ko rin ang ibang
likhang sining ng mga pintor katulad nina Carlos V. Francisco ang
kanya namang iginuhit ay ang paglikha ng sariwang imahe, sagisag
at idyoma sa pagpipinta, Iba naman ang ginamit na istilo ni Vicente
Manansala geomatrikong istilo ng pagguhit ng pinagsamang kultura
ng baryo at siyudad. Si Cesar T. Legaspi naman ang ginamit niyang
istilo ay pagsasanib ng kulay, liwanag at anino. Umuwi kaming puno
ng kaalaman dahil sa aming natuklasan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutan ang mga tanong ayon sa


kuwentong binasa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Sino ang pintor na gumamit ng istilo ng pagguhit ng kapaligiran?
2. Sino naman ang gumamit ng istilo ng pagguhit ng mukha? At
pagsasanib ng kulay,liwanag at anino?

A B C
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pagmasdan ang mga larawan. Piliin sa
mga pangngusap sa ibaba ang naglalarawan sa mga likhang sining.
Gawin ito sa inyong sagutang papel.

1. Gumamit ng iba’t ibang istilo at kulay ang bawat pintor.


2. Magkakahawig ang kanilang nilikha.
PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 8
3. Gumamit ng buhay na larawan ang ibang pintor.
4. Napahahalagahan at nailalarawan ang kanilang mga nilikha.
5. Gumamit ng iba’t ibang disenyo upang magkaroon ng sariling
pagkakakilanlan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isulat sa patlang ang tamang sagot.


Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Isa sa mga modernalistang pintor sa Pilipinas na lumikha ng


sariwang imahen, sagisag at idyoma sa pagpinta. _______
2. Kauna-unahang tinanghal sa alagad ng sining ng Pilipinas. Mahilig
gumuhit ng larawan ng tanawin o kapaligiran. ______
3. Lumikha ng pagsama ng kultura ng baryo at siyudad. _______
4. Isa sa lumikha ng mukha ng tao. _______
5. Lumikha ng pagsasanib ng kulay, liwanag at anino. ________

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gumuhit ng larawan ng kapaligiran.
Kulayan ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ang Aming Lugar at Kapaligiran

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Gumuhit ka ng mga bagay na kaya


mong iguhit ayon sa iyong istilo at kulayan ito. Sumulat ng isang
pangungusap tungkol sa iyong ginawa. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________

9 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Ayusin ang mga letra sa ibaba upang
makabuo ng isang pangungusap. Sagutin ang mga tanong. Isulat
ito sa sagutang papel.

PINONGLIPI TORPIN TA LANGKANI LIKHANI

1. Ano ang nabuo mong mga salita?


2. Sino ang kilala mong tanyag na pintor sa ating bansa?
3. Magkakapareho kaya ang istilong ginamit nila sa paglikha ng
sining?
4. Bakit kailangan mong makilala ang iba’t ibang pintor sa ating
bansa?
5. Paano kaya nagkakaiba ang kanilang mga istilo sa paglikha?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Ilarawan ang iba’t ibang istilong
ginamit ng mga Pilipinong pintor sa paglikha ng larawan. Isulat ang
letra ng tamang sagot. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

_______1. Si Fernando Amorsolo ay gumamit ng istilong _____.


A. pagguhit ng kapaligiran
B. pagguhit ng iba’t ibang ibon
C. pagguhit ng dagat
D. pagguhit ng mga puno
_______2. Ang ginamit naman na istilo ni Carlos Botong Franciso sa
paglikha ng sining ay________.
A. mukha ng tao C. kulturang Pilipino
B. sariwang imahe D. wala sa nabanggit
_______3. Iba naman ang ginamit na istilo ni Vicente Manansala ang
pagguhit ng_________.
A. Kapaligiran C. Mga hayop
B. Mukha ng tao D. Pinagsamang kultura ng
baryo at siyudad
_______4. Kakaiba naman ang iginuhit ni Jose Blanco gumamit siya ng
istilong tunay na ___________.
A. bagay C. buhay at gumamit ng mas
makulay na pinta
B. hayop D. tunay na sasakyan
PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 10
WEEK
Contrast sa Kulay at Hugis
2
I Aralin

Maganda ang panahon. Maraming bulaklak at halaman sa


kapaligiran. Bigyang pansin mo ang kanilang hugis at kulay.
Magkakaiba ang mga hugis at mga kulay nila hindi ba? May contrast
ang mga hugis at kulay ng mga prutas, bulaklak at halaman.

Nakagawa ka na ba ng likhang sining na may contrast?

Malilinang sa araling ito ang iyong kakayahan sa pagguhit ng


iba’t ibang bagay na may contrast. Maibabahagi mo pa ito sa iyong
mga kaibigan o kaklase o kasama sa bahay.

Tingnan ang mga larawan na nasa kahon. Ano ang iyong


nakikita sa kahon A at B?

A B
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan ☼ kung ito
mo ng
ang nakikita mo sa larawan ng kahon A at kahon B at ♥ kung hindi
mo ito nakikita. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

____ Iba-iba ang hugis ng bato.


____ Iisa ang kulay ng mangga.
____ Pantay-pantay ang laki ng mga bato.
____ Ang kulay ng bato ay magkakaiba.
____ Ang hugis ng mga mangga ay iisa.

D
Contrast sa Hugis
Ang Contrast sa Hugis ay nagpapakita ng dalawa o higit pang
hugis mula sa malaki - papaliit o magkakaibang hugis. Ginagamit
ang contrast na hugis upang makita ang mga bagay na nais mong
ipakita sa larawan nang sama-sama at madali itong nakikilala.

11 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


Contrast sa Kulay

Ang contrast sa kulay ay nagpapakita ng dalawa o higit pang


kulay sa dalawa o maraming bagay. Ipinakikita rin nito ang totoong
kulay ng prutas, gulay at halaman. Ang kulay ay maaaring
papusyaw-patingkad o patingkad-papusyaw.

Ang Contrast sa likhang sining ay maipakikita s iba’t ibang pa-


mamaraan :

Dalawang hugis na magkaiba ang kulay.

Dalawang hugis na magkaiba ang laki.

Dalawang larawan na magkaiba ang kulay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Alin sa mga larawan ang


nagpapakita ng Contrast sa kulay at hugis. Lagyan ng tsek (✓) kung
nagpapakita ng contrast at ekis ( ) kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Pulang bulaklak 2. Dilaw na mangga

___________________________ _________________________

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 12


3. ________________________

Dilaw na lobo

4.________________________

Pulang puso

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin ang larawan na
inillarawan sa bawat bilang. Isulat ang letra sa patlang. Gawin ito sa
inyong sagutang papel.
______1. Contrast na kulay ng mga bituin.
______2. Mga contrast na hugis ng mga papel.
______3. Iba’t ibang kulay ng mga halaman.

A.

B.

Pula dilaw
C.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahing mabuti at unawain ang mga


sitwasyon. Isulat sa patlang ang Meron kung nagpapakita ng contrast
ng kulay o hugis ang may salungguhit na mga salita at Wala kung
walang contrast. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

________1. Mainit ang panahon kaya binihisan ka ni nanay ng putting


sando.
________2. Bumili si ate ng makukulay na payong para proteksyon sa
init at ulan.

13 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


________3. Nais maglaro ng iyong kaibigan kaya kinuha mo ang asul at
dilaw na holen mo.
________4. Isinama ka ng iyong kuya para kumuha ng iba’t ibang hugis
ng dahon na kanilang proyekto sa paaralan.
________5. Nagsusulat ka ng mabali ang iyong ginagamit na lapis.
Agad mong kinuha ang iyong bilog na pantasa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pumili ng mga bagay sa kahon na
nagpapakita ng contrast sa hugis at kulay. Iguhit ito sa iyong
sagutang papel.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang likhang sining na ito ang nagpapaganda sa isang larawan.
A. paggupit C. contrast sa kulay at hugis
B. pagguhit D. paglililok ng isang kahoy
2. Pagmasdan ang mga prutas sa larawan, ano ang ipinapakita ng
mga ito?
A. mga hugis C. mga linya
B. mga kulay D. mga kulay at hugis
3. Ang dilaw na mga manga ba ay nagapakita ng contrast?
A. oo B. hindi
4. Paano maipakikita kung ang isang sining ay may contrast
A. Ginagamitan ng higit sa isang kulay.
B. Ginagamitan ng higit sa isang hugis.
C. Isang kulay lamang ang makikita
D. Ang letra A at B ay tama
5. Kapag iginuhit ang bilog, parisukat at tatsulok sa iisang papel, ito ba
ay may contrast?
A. OO B. wala C. hindi D. di sigurado
PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 14
pinagsamang iba’t ibang kulay at hugis

Dilaw at berde Pula at kayumanggi

pinagsamang iba’t ibang hugis na may iba’t ibang kulay

Dilaw at asul

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Gumuhit ka ng prutas, bulaklak o


halaman na iyong paborito. Gumuhit ng may contrast sa hugis at
kulay. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

15 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


WEEKS Pagsamahin sa isang Sining Contrast at Overlap
3-4 Aralin
I
Mahilig ka bang gumawa ng likhang sining?
Ano ang iyong nararamdaman kapag nakikita mo ang natapos
mong likhang sining?
Halina sumubok tayong gumawa ng isang likhang sining na
may contrast at overlap.
Sa paggawa ng isang likhang sining, may mga bagay na dapat
kang isaalang-alang upang maging maganda ang kalalabasan nito.
May maaari kang pagsamahin at mayroon din namang hindi. Ang
isang likhang sining ay maaaring magpakita ng contrast at overlap.
Sa araling ito, matutukoy mo ang contrast at overlap na kulay
at hugis gamit ang mga prutas, bulakalak o halaman. Makakasunod
ka rin sa mga hakbang gamit ang contrast at overlap.
Maari mo ring ipakita ang iyong gawain sa iba.

Mahilig ka bang kumain ng prutas, o pagmasdan ang


magagandang mga bulaklak?
Basahin ang maikling talata at sagutan ang mga sumusunod
na tanong.
Sabado ng umaga, pumunta ang iyong nanay sa palengke at
bumili ng iba’t ibang prutas. Dumaan din siya sa bilihan ng mga
bulaklak. Pagdating sa bahay, inayos niya ang mga prutas sa isang
lagayan at ang mga bulaklak sa plorera.
Pagmasdan mo at suriing mabuti ang mga larawan.

A B
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ng Oo o Hindi ang mga
sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Tingnan mo ang larawan A.


1. Gumamit ba ng contrast sa larawan?

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 16


2. Magkakaiba ba ang laki ng kanilang mga hugis?
3. Gumamit ba ng overlap sa larawan?

Ngayon naman pagmasdan mo ang larawan B.


4. Gumamit ba ng contrast sa larawan?
5. Gumamit ba ng overlap sa larawan?

D
Ang overlapping sa isang likhang sining ay ang pagguhit o
pagpapatong ng isang bagay sa isa pang bagay upang makabuo
ng ilusyon ng lalim. Nakakamit ito kapag hindi isinasama ang mga
bahagi ng isang bagay na nakatago mula sa tumitingin.

Ang contrast naman ay maipakikita sa pamamagitan ng


paggamit o pag-aayos ng mga magkakaibang elemento sa sining
tulad ng laki at kulay. Halimbawa ntio ay ang paggamit ng mapusyaw
na kulay at matingkad na kulay, malalaki at maliliit na
hugis. Ginagamit naman ang istratehiyang ito upang mabasag o
magkaroon ng pagkukumpara at hindi mapokus sa isang bagay
lamang ang likhang sining.
Dagdag Kaalaman
Maaaring mong pagbasehan ang color wheel upang malaman kung
ano-ano ang mga kulay na magka-contrast. Ang katapat na kulay ng
isang kulay ay ang contrast nito.

Color Wheel

17 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahing mabuti ang bawat
pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Isang mahalagang elemento sa pagguhit na nagpapakita ng
paggamit ng matingkad at mapusyaw na kulay at magkakaibang
hugis.
A. Linya C. Contrast
B. Color wheel D. Marbling

2. Ito ay paggawa ng isang likhang sining kung saan ang mga bagay
ay iginuguhit sa likod ng isa pang bagay.
A. Patong-patong C. Pagkukulay
B. Overlapping D. Painting

3. Ang sumusunod na pares ng kulay ay nagpapakita ng contrast,


maliban sa isa,alin ito?
A. Berde at asul C. Rosas at asul
B. Dilaw at lila D. Itim at puti

4. Kung ikaw ay gumamit ng kulay dilaw sa iyong likhang sining,


anong kulay ang maaari mong gamitin upang maipakita ang
contrast?
A. Kahel C. Lila
B. Rosas D. Puti

5. Pinaguguhit ka ng iyong guro ng mga prutas at sinabi niya na


kailangang nagpapakita ito ng overlap. Ano ang una mong dapat
gawin sa pagguhit ng overlap?
A. Kulayan ang mga prutas
B. Burahin ang mga linya na nag- overlap
C. Paskil ang iyong nagawa sa pisara
D. Gumuhit ng mga prutas na magkakapatong ang isa’t -isa
PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 18
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Suriin ang mga larawan. Iguhit ang
kung ang larawan ay nagpapakita ng overlap at contrast. Iguhit
naman ang kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. ______________ 2. ___________ 3. ___________

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 : Gayahin ang larawan sa ibaba na
may overlap. Kulayan ito ng may contrast. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sagutin ng OO o HINDI ang mga


tanong. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

_____1. Sa contrast iisa lamang ang kulay na ginagamit ko.


_____2. Higit sa isang hugis maipapakita ang contrast.

19 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


_____3. Iba-iba ang laki at hugis kung gumuhit ako ng maya contrast.
_____4. Ginagamitan ko ng overlap ang aking likhang sining upang
mas mapaganda ito.
_____5. Nasisiyahan ako kapag ako ay nakatapos ng isang likhang
sining.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Punan ang patlang ng mga
sumusunod na pangungusap ng wastong salita. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ang 1._________________sa isang likhang sining ay ang pagguhit


ng isa pang bagay na nakapatong sa isa pa. Hindi nito ipinakikita ang
nakatagong bahagi sa tumitingin.

Ang paggamit naman ng magkakaibang kulay at hugis ng mga


bagay ay nagpapakita ng 2.__________________.
Ibigay ang angkop na kulay na contrast sa mga sumusunod.
3. lila - _____________
4. kahel - _____________
5. pula - _____________

Dilaw Asul
Overlap
Berde Contrast

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Gumuhit ng mga overlapping na


hugis ng mga prutas at bulaklak na makikita sa inyong tahanan,
bakuran o komunidad. Kulayan ito at gamitan ng mga
magkacontrast na kulay. Sumulat ng tatlong pangungusap sa iyong
natapos na gawain. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 20


Still life WEEKS
Aralin
I 5-6

Tingnan ang mga bagay sa iyong paligid. Nakikita mo ba ng


mga paborito mong prutas, bulaklak, puno o hayop? Pansinin ang
iba’t -ibang hugis at kulay nito. Masarap bang kainin ang bayabas na
hugis bilog? O ang pagmasdan ang mga bulaklak na may iba’t ibang
hugis at kulay. Magagawa mo ba silang iguhit at kulayan ayon sa
tunay na hugis at kulay ng mga ito? Halina ating tuklasin ang ating
kakayahan sa pagguhit ayon sa mga tunay na hugis at kulay o Still
Life. Basahin ang talata sa ibaba.

Si Ana ay mahilig gumuhit ng iba’t ibang larawan. Isang araw


nagbigay ng takdang-aralin ang kaniyang guro sa Sining, tungkol sa
Still Life kung saan ito ay ang mga tunay na bagay na iginuhit o
ipininta. Naisip niyang iguhit ang iba’t ibang prutas na nasa isang
malaking lalagyan sa ibabaw ng kanilang lamesa. Nagsimula siya sa
pagguhit ng mga bilog dahil sa mga berdeng dalandan na naroon,
sumunod ang mga biluhabang guyabano at pang huli ang mga
manggang kulay dilaw na hindi maipagkakailang hinog na sa
kalipasan ng mga araw. Noon lamang niya napagtanto na ang still
life na ipinagagawa sa kanila ng kaniyang guro ay base sa pagguhit
ng totoong mga bagay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga sumusunod na


tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang kanilang takdang-aralin?


2. Ano ang kaniyang iginuhit?
3. Ilarawan ang kaniyang likhang sining.
4. Ano ang still life?

D
Ang mga tunay na bagay na iginuhit at ipininta ay
tinatawag sa sining na STILL LIFE.
Tandaan sa pagguhit ng Still Life
• Itulad ang kulay sa totoong kulay ng bagay.
• Itulad ang hugis sa totoong hugis ng bagay.
• Ayusin ang mga bagay; ang iba ay sa harapan ang iba
ay sa likod.
21 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2
Gumamit ng mapanuring mata sa pagtingin sa larawan sa itaas.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga sumusunod na


tanong. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang tekstura ng bulaklak sa plorera?


2. Maaari mo bang tukuyin ang linyang ginamit sa pagguhit ng
larawan?
3. Saan magkakaiba ang bawat larawan?
4. Alin sa dalawang larawan sa palagay mo ang Still Life na guhit?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Hanapin sa Hanay B ang mga bagay


na may kapareho na katangian ng tunay na bagay katulad ng nasa
Hanay A. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 22


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Iguhit ang paborito mong
bulaklak, ayon sa tunay na hugis nito. Kulayan ito ayon sa tunay
nitong kulay. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Mga Bulaklak, Kulayan Natin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pagmasdan mo ang kapaligiran sa


inyong kusina o hardin o sa kapitbahay. Pumili ng nais mong iguhit
gamit ang Still Life. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Sining Mo, Ipakita Mo

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Gumupit ng 3 larawan sa magasin o


dyaryo ng hayop o halaman, na nagpapakita ng Still Life. Gawin ito
ng may kasama sa bahay upang gabayan ka. Idikit ito sa inyong
sagutang papel.

23 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Gumawa ng isang likhang sining na
Still life. Sumulat ng tatlong pangungusap ukol sa iyong likhang sining.
Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang


isinasaad ng pangungusap ay wasto at MALI kung hindi. Isulat ang
sagot sa inyong sagutang papel.

______1. Ang pangkat ng mga tunay na bagay na iginuhit o ipininta


ay tinatawag sa sining na Still Life.

______2. Ang pula, asul at berde ay pangunahing kulay.

______3. Ang pagguhit ng isang bagay sa likod ng isa pang bagay ay


nakakalikha ng tinatawag na overlap.

______4. Sa pagguhit ng Still Life, kinakailangang katulad ang hugis sa


hugis ng tunay na bagay.

______5. Maaring Ibahin ang kulay ng guhit sa Still Life base sa


anumang kulay na naisin.

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


Iguhit ng May Pagkakaiba WEEK
Aralin
I 7

Isang masining na araw! Bawat tao ay may kani-kaniyang


natatanging pisikal na anyo. Sa araling ito , inaasahan na ikaw ay
makaguguhit ng mga mukha ng dalawa o higit pang tao gaya ng
kaibigan, miyembro ng pamilya na maipakikita ang pagkakaiba sa
kanilang hitsura ng mukha (ilong, mata, labi, ulo at tekstura ng buhok)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Iguhit ang mga bahagi ng iyong


mukha sa pamamagitan ng iba’t ibang hugis na nasa ibaba. Gawin
ito sa sagutang papel.

mata

tainga

bibig

ilong

Ang Aking Mukha

• Ano-anong mga hugis ang inyong ginamit sa pagguhit?


• Naiguhit mo ba ng tama ang mukha sa pamamagitan ng mga
hugis na ito?

25 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin kung ang mga larawan
sa ibaba ay makikita ang pares. Lagyan ng tsek (✓) kung sila ay
magkaparehas ng hitsura at ekis (×) naman kung sila ay magkaiba.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

____1.

Kara Miya

____2.
Dan Joel

____3.
Ana Lita

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lapitan mo ang iyong ina o tingnan


ang kanyang larawan. Pansinin mo ang pisikal na anyo at katangian
ng mukha. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 26


Ang Aking Ina

1. Ano ang hugis ng kanyang ulo. Bilog ba o biluhaba?


2. Ano ang katangian ng kanyang mata? Bilog, singkit, maliit o
malaki?
3. Ang kaniyang bibig, ano ang hugis?
4. Ang ilong niya, matangos ba o katamtaman lamang?
5. Ang kaniyang tenga malapad ba o maliit?
6. Sa paglalarawan sa iyong ina saang bahagi kayo magkahawig?
Saang bahagi naman kayo hindi magkatulad?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Piliin sa Hanay B ang hugis na iyong


gagamitin sa pagguhit ng nasa sa Hanay A. Gawin ito sa inyong sagu-
tang papel.

A B
1. mata a.

2. ilong b.

3. daliri c.

4. bibig d.

5. kilay e.

27 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gamit ang talahanayan sa ibaba,
isulat ang mga hinihinging impormasyon. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Si Shiela at Shane ay magkapatid. Si Shiela ay may kulot na


buhok at singkit na mata. Si Shane naman ay may tuwid na buhok at
bilogang mata.

Pangalan ng bata Paglalarawan sa Paglalarawan sa


buhok mata
Shiela

Shane

Sa natapos na paglalarawan sa dalawang bata, ano ang


masasabi mo sa kanilang mga katangian? Magkatulad o magkaiba
ba sila ng mga katangian? Patunayan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sagutin ang mga sumusunod na


tanong ng hindi, minsan o madalas. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Noon Ngayon

1. Naghuhugas ng kamay ______ ______

2. Nagsusuot ng mask ______ ______

3. Gumagamit ng alcohol ______ ______

4. Lumalabas ng bahay ______ ______

5. Kumakain ng madalas
ng prutas at gulay _____ _____

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 28


Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Tingnan ang larawan. Piliin kung
saang pisikal na anyo at katangian ng mukha sila magkaiba. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

mata ilong bibig buhok kilay

 Dapat nating isaisip na sa pagguhit ng mukha ng isang tao, ito ay


ginagamitan ng iba’t ibang hugis linya at tekstura upang ito ay
maging mas makatotohanan.
 Sa pagguhit, maaari nating ipakita ang pagkakaiba-iba ng
katangian ng dalawa o higit pang tao batay sa kanilang pisikal
na kaanyuan gamit ang hugis, linya at tekstura.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sa isang malinis na papel ,iguhit ang
larawan ng dalawa sa iyong malalapit na kaibigan. Gumamit ng iba’t
ibang hugis, linya at tekstura upang maipakita ang pagkakaiba ng
katangian ng dalawa.

Ang Aking Mga Kaibigan

29 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


WEEK Nagsasalaysay ng Kuwento mula sa Awtput
Aralin
8
I
Bawat aralin ay may likhang sining na ginagawa o awtput.
Bawat likhang sining ay may nakapaloob na kwento at aral.
Balikan natin ang mga awtput mo. Humanda na magkwento
tungkol dito na siguradong magiging masaya at kapupulutan ng aral
Isali natin sa kwentuhan ang iyong mga kasama sa bahay,
kaibigan o kaklase.

An g i s ang k we n to a y
nakakahalinang basahin lalo isang
likhang sining ang paksa. Nagiging
mas makulay ang kuwentuhan kung
tungkol sa sarili, magulang, kapatid,
kamag-anak o kaibigan ang iyong
likhang sining.

Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng kwento?


Nakaranas ka na ba magbasa ng isang kuwento?
Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing ikaw ay nagbabasa
ng kuwento?
Ang kuwento ay nagmula sa malikhaing isip ng tao. Ito ay
naglalaman ng pamagat, karakter, pangyayari at lugar kung saan
nangyari ang kuwento. Nagtataglay din ang kwento ng mga
kapupulutan na aral. Ang mga tao ay nakalilikha, nakakapagsalaysay
ng kuwento mula sa nagawang awtput. Kinakailangan na tayo ay
maging malikhain sa paggawa ng kuwento.

Halina sa masayang
kuwentuhan ng likhang
sining mo.

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 30


Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa isang malinis na papel, iguhit mo
ang iyong sarili. Sumulat ka ng dalawang (2) pangungusap bilang
pagpapakilala sa iyong sarili.

Ako si __________________. ______ taong gulang. Nag aaral


sa __________________________________. Masaya ako kapag
nakakatapos ako ng likhang sining.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tingnan ang larawan. Sagutin ang
mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Mga Tanong.
1. Ano ang prutas na nasa larawan?
2. Ano ang lasa nito?
3. Madalas ka bang kumakain nito?
4. Ano ang naidudulot nito sa ating katawan?

Nakabubuo ng isang
kuwento mula sa awput.
Ang kuwen to ang
nagbibigay daan upang
higit na maunawaan ang
detalyeng sa iginuhit na
larawan. Nakapaloob din
sa kuwento ang
magagandang aral na
dapat pahalagahan ng
bawat isa.

31 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang maikling diyalogo. Sagutin
ang sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Isang araw sa klase ni Ginang Santos.

Ginang Santos: Mga bata nais kong gumuhit kayo ng isang


larawan.

Anita: Ginang Santos, ano pong larawan ang aming


iguguhit?

Ginang Santos: Kahit anong larawan na nais ninyo. Maaaring


larawan tungkol sa inyong sarili, pamilya, kaibigan,
kapaligiran at marami pang iba. Pagkatapos
mabuo ang inyong iginuhit na larawan, ikukuwento
ninyo sa amin kung bakit ito ang napili mong iguhit.

Troy: Ganoon po ba ma’am. Sige po iguguhit ko ang


aking nanay. Marami po kasi akong gustong
ikuwento tungkol sa kanya.

Ginang Santos: Nakakatuwa ka naman Troy. O sige, simulan na


natin ang gawain.

Mga Bata: Opo Ginang Santos!

1. Sino-sino ang tauhan sa diyalogo?


2. Ano ang ipinagagawa ng guro sa kaniyang mag-aaral?
3. Kaninong larawan ang nais iguhit ni Troy?
4. Paano higit na mauunawaan ang detalye ng iginuhit na
larawan ng mga bata?
5. Kung ikaw ang tatanungin, anong larawan ang iyong gagawin?
Bakit?

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 32


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pagtambalin ang sumusunod na
larawan sa Hanay A sa detalye nito sa Hanay B. Isulat ang letra sa
patlang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

____1. Ama a. Siya ay maasahang tunay.


Kasama ko siya sa aking paglalaro
at pag-aaral.

____ 2. Guro b. Naghahanapbuhay siya para sa


aming pamilya. Masipag sa tuwina.

____3. Prutas c. Mabait at maalalahanin siyang


tunay. Matiyaga niya kaming
tinuturuan.

____4. Puno d. Isa itong masustansiyang


pagkain. Nagpapalusog ng ating
katawan.

____5. Kaibigan e. Mataas ito at matibay.


Nagbibigay lilim sa init ng araw.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gumuhit at kulayan mo ang isang


puno. Gumawa ng kuwento gamit ang mga sumusunod na tanong.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang iyong iginuhit?


2. Ano ang mga kulay nito.
3. Bakit ito ang iginuhit mo?
4. Paano ito nakakatulong sa atin?

Ang Puno
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

33 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


Pagmasdan ang mga natapos mong
likhang sining.. Isalaysay ang tungkol
sa iyong awtput. Magbigay ng
tatlong pangugusap.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Sagutin mo ang mga tanong. Gawin


ito sa inyong sagutang papel.
1. Sino o Ano ang nasa larawan?
2. Ano ang istilo mo sa pagguhit ang katulad sa ibang mga
pintor?
3. Kasiya-siya ba ang natapos mong likhang sining?

Mga sagot:
1.__________________________________________
2. __________________________________________
3. __________________________________________

Gumuhit ng alinmang larawan na nais


mo. Ipakita ang contrast at overlap.

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 34


Likhang sining na ginawa sa contrast at overlap.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Gumawa ng isang kuwento sa


pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
Mga tanong:
1. Ano ang iginuhit mo sa larawan?
2. Bakit ito ang napili mong iguhit?
3. Mahalaga ba ang contrast at overlap sa pagguhit?
4. Nasiyahan ka ba sa natapos mong gawain?

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Iguhit mo ang iyong ama at
sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Ang Aking Ama

1. Sino ang iyong ama?


2. Ano ang trabaho niya?
3. Paano kayo inaalagaan ng iyong ama?
4. Mahal mo ba ang iyong ama? Bakit?
Mga sagot:

1. ______________________________________
2. ______________________________________
3. ______________________________________
4. ______________________________________

35 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 9 : Basahin mabuti ang mga
pangungusap. Isulat sa patlang ang tama kung wasto ang isinasaad
ng pangungusap at mali naman kung di-wasto. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

______1. Ang bawat kuwento ay kinapupulutan ng mga


magagandang asal.
______2. Kailangan maging malikhain upang makagawa ng kuwento.
______3. Ang kuwento ay mayroong pamagat, karakter, pangyayari
at lugar ng pinangyarihan.
______4. Hindi makalilikha ng kuwento mula sa nagawang awtput.
______5. Nakakapagsalaysay ng kuwento mula sa awtput.

A
Gumawa ka ng paborito mong
likhang sining. Sumulat ng isang
kwento mula dito. Ilahad mo sa mga
kasamahan mo sa bahay ang kwento
mo o makipagpalitan ng kwento sa
iyong kaklase o kaibigan.

Ang paborito kong iguhit. Ang aking awput.

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 36


Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Sagutin kung OO o HINDI. Rubriks
para sa mag -aaral. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Mayroon ba akong awput?
2. Nakasunod ba ako sa panuto?
3. Nakabuo ba ako ng kuwento?
4. Binasa ko ba ang kwento sa mga kasama ko sa bahay?
5. Nasiyahan ba sila sa natapos kong gawain?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 11: Punan ang patlang ng wastong


salita na kukumpleto sa bawat pangungusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang _____ ay ang produktong nabuo mula sa isang gawain.

A. mensahe C. aral
B. awtput D. kuwento
2. Bawat likhang sining ay may _____ nais ipahiwatig.

A. kulay C. tao
B. larawan D. mensahe

3. Ang ______ mula sa nabuong awtput ay may hatid na


magandang aral.

A. hugis C. kuwento
B. kulay D. linya

4. Alin sa mga sumusunod ang nalilinang sa pagbuo ng kuwento


mula sa awput?
A. pagkamalikhain C. pagkamasayahin
B. pagiging mausisa D. pagiging masipag

5. Ano ang nararapat gawin sa mga magagandang aral na


napapaloob sa kuwento?

A. huwag pansinin C. balewalain

B. kalimutan D. pahalagahan at sundin

37 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2


38 PIVOT 4A CALABARZON Arts G2
G a w a i n s a Gawain sa Pagkatuto Gawain sa
Gawain sa Pagkatuto Bilang: 2
Pagkatuto Bilang: 1 Bilang: 2 Pagkatuto
1. X 2. X 3. X
1. An g kanil ang 1. Ang tekstura ng Bilang: 3
takdang-aralin ay larawan ay biswal. 1. B
Gawain sa Pagkatuto Bilang: 4 tungkol sa still life. (Note:may tatlong uri ng 2. c
1. D 2. C 3. E 4. A. 2 . An g kanyang tekstura, tunay, artipisyal 3. a
iginuhit ai iba’t at biswal dahil siya ay
Gawain sa Pagkatuto Bilang: 5 ibang prutas na nasa larawan teksturang
nasa isang bi sw al pero m ay Gawain sa
Pangalan Paglalarawan Paglalarawan
ng bata sa buhok sa mata malaking lalagyan tekstura din na makinis, Pagkatuto
Sheila Kulot ang Singkit ang sa ibabaw ng magaspang, madulas, Bilang 8
buhok mata kanilang mesa. mabako, makinis o 1. Tama
Shane Tuwid ang Bilugan ang 3 . An g kanyang makapal o mapino 2. Mali - Pula,
buhok mata ginuhit ay base sa pweding ganyan po Dilaw, Asul
pagguhit ng ang sagot ng bata) 3. Tama
Ang dalawang bata ay magkaiba ng 2.Pakurba kurba or 4. Tama
katangian. Si Sheila ay may kulot na buhok at
totoong m ga
singkit na mata samantalang si Shane naman bagay, linyang tuloy tuloy 5. Mali
ay tuwid ang buhok at may bilugang mata. 4. Ang Still life ay ang 3 . An g s agot ay
mga tunay na maaaring magkakaiba.
Gawain sa Pagkatuto Bilang: 7 bagay na iginuhit 4.Pangalawang
Bibig Kilay Buhok o ipininta. larawan
Weeks 5-6 Week 4
Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto
Pagkatuto Bilang: 2 Bilang: 3 Bilang: 5 Bilang: 6
Bilang: 1 1.c 1. 1. Hindi 1. Overlap
1. Oo 4. Oo 2.b 2. 2. Oo 2. Contrast
2. Oo 5. Oo 3.a 3. 3. Oo 3. Dilaw
Note: Ang sagot ay maaaring
3. Oo 4.c magkakaiba
4. Oo 4. Asul
5.d 5. Oo 5. Berde
Week 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Bilang: 7
Pagakatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Bilang: 5
Bilang: 1 Bilang: 2 Bilang: 3 Bilang: 4 Sariling sagot ng Bata Sariling sagot ng Bata
1.WALA
1.☼ 1.✓ 1.C Gawain sa Pagkatuto
2.MERON
2.☼ 2.X Bilang: 6
2.A 3.MERON
3.♥ 3.✓ 1.C 4. D
4.MERON
4.♥ 4.X 3.B 2.D 5. A
5.WALA
5.☼ 3.B
Week 2
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Gawain sa PAGKATUTO BILANG: 4 Gawain sa Pagkatuto
Bilang : 1 Bilang: 2 Pagakatuto 1. Carlos V. Francisco Bilang: 5
1. C 1. Fernando Amorsolo Bilang : 3 2. Fernando Amorsolo Sariling sagot ng Bata
2. C 2. Mauro Malang Santos A–2 3. Vicente Manansala
3. A Cesar T. Legaspi B -3 4. Mauro Malang Santos Gawain sa Pagkatuto
4. D 3. upang mapahagahan C – 1 at 5 5. Cesar T. Legaspi Bilang 6
5. A ang kanilang mga ginawa Sarilng sagot ng Bata
Gawain sa Pagkatuto Bilang: 7 Gawain sa PagkatutoBilang: 8
1. PILIPINONG PINTOR AT KANILANG LIKAHAIN
2. Fernando Amorsolo, Carlos V. Francisco, Vicente Manansala, Mauro Malang 1.A
Santos at Cesar T. Legaspi 2.B
3. Hindi 3.D
4. Upang sila ay ating maipagmalaki at maging inspirasyon 4.C
5. Dahil sa paggamit nila ng iba’t ibang imahinasyon
Week 1
Susi sa Pagwawasto
PIVOT 4A CALABARZON Arts G2 39
Baitang 2
Gabay pangkurikulum sa Sining (A2EL-lh-3) •
Learner’s Manual pahine 222-224
Music, Art, Physical Education and Health 2
Gabay pang kurikulum sa Arts sa Baitang -2
Sanggunian
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Bilang: 2 Gawain sa Pagkatuto Bilang: 3
Bilang: 1 1. Mangga 1. Sina Ginang Santos, Anita, Troy, at mga bata
2. matamis, maasim 2. gumuhit ng isang larawan
Guhit ng sarili – ang
3. oo 3. larawan ng kanyang nanay
mga sagot ay
4. Nagpapalusog ng ating 4. magkwento tungkol sa iginuhit
maaring katawan 5. larawan tungkol sa aking pamilya dahil mahal ko
magkakaiba
ang aking pamilya
Gawain sa Pagkatuto: Gawain sa Pagkatuto Bilang: 5 Gawain sa Pagkatuto Bilang: 6
Bilang: 4 1. puno 1. puno (larawan mula sa
2. berde at kayumanggi gawain
1. b 3. d 5. a 3. dahil ito ang nakasaad sa panuto sa pagkatuto bilang 5)
2. c 4. e 4. Nagbibigay lilim sa init ng araw, nakapagbibigay 2. istilo ng pagguhit ng nakikita sa
ng sariwang hangin, sumisipsip sa tubig baha kapaligiran
Gawain sa Pagkatuto Bilang: 8 Gawain sa Pagkatuto Bilang 9 Gawain sa Pagkatuto Bilang: 10
1. Ang sagot ay maaaring Guhit ng ama o guardian
magkakaiba 1. ang sagot ay maaring magkakaiba 1. Tama 4. Mali
2. Ang sagot ay maaaring 2. ang sagot ay maaring magkakaiba 2. Tama 5. Tama
magkakaiba 3. binibigyan ng masustansiyang pagkain,
3. oo pinoprotektahan niya kami 3. Tama
4. oo 4. Oo, dahil siya ang nag-aalaga sa akin
Gawain sa Pagkatuto Bilang: 11 Gawain sa Pagkatuto Bilang 12 Gawain sa Pagkatuto Bilang 13
Paboritong iguhit- Ang sagot 1-5. Ang sagot ay maaring 1. B 3. C 5. A
ay maaring magkakaiba magkakaiba
2. D 4. A
Weeks 7-8
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON


Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, local 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

PIVOT 4A CALABARZON Arts G2

You might also like

  • Grade 2
    Grade 2
    Document44 pages
    Grade 2
    Ara Minalen
    100% (3)
  • AP3Q4F
    AP3Q4F
    Document40 pages
    AP3Q4F
    Jerome Deluna
    100% (2)
  • Arts 2 Q2 F
    Arts 2 Q2 F
    Document40 pages
    Arts 2 Q2 F
    Jellena Rizabel Dichoso
    100% (1)
  • Arts1Q1V2
    Arts1Q1V2
    Document40 pages
    Arts1Q1V2
    Leah Bibay
    No ratings yet
  • AP2Q4F
    AP2Q4F
    Document42 pages
    AP2Q4F
    Glaiza Abat Romero Branzuela
    100% (2)
  • Arts 2 Q4 F
    Arts 2 Q4 F
    Document40 pages
    Arts 2 Q4 F
    Lhay Hernandez
    100% (2)
  • AP2Q3F
    AP2Q3F
    Document44 pages
    AP2Q3F
    Gian Carlo Angon
    100% (1)
  • PE2Q1FV2 PDF
    PE2Q1FV2 PDF
    Document40 pages
    PE2Q1FV2 PDF
    Cyrill Villa
    No ratings yet
  • PE1Q1FV2
    PE1Q1FV2
    Document40 pages
    PE1Q1FV2
    lorebeth malabanan
    No ratings yet
  • Arts 3 Q3 F
    Arts 3 Q3 F
    Document44 pages
    Arts 3 Q3 F
    Janine Eunice dela Cruz
    No ratings yet
  • Epp Ia4 V2
    Epp Ia4 V2
    Document40 pages
    Epp Ia4 V2
    Azia Mhmmd
    100% (1)
  • Arts 2 Q3 F
    Arts 2 Q3 F
    Document44 pages
    Arts 2 Q3 F
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • AP3Q3F
    AP3Q3F
    Document44 pages
    AP3Q3F
    Wencie Jane Nuñez
    100% (1)
  • Math1Q1V2
    Math1Q1V2
    Document40 pages
    Math1Q1V2
    Jeeefff Reyyy
    No ratings yet
  • Math 3 Q3 F
    Math 3 Q3 F
    Document44 pages
    Math 3 Q3 F
    Jerick Mangiduyos Lapurga
    100% (4)
  • Math2 LM Quater1
    Math2 LM Quater1
    Document40 pages
    Math2 LM Quater1
    Maricel Rayos
    No ratings yet
  • Epp He5 V2
    Epp He5 V2
    Document40 pages
    Epp He5 V2
    Bhea Ebreo
    No ratings yet
  • Ap8q2f-1 010321
    Ap8q2f-1 010321
    Document39 pages
    Ap8q2f-1 010321
    Honeylet bernardino
    No ratings yet
  • EsP4 Q4F
    EsP4 Q4F
    Document40 pages
    EsP4 Q4F
    Roshella Chiong
    No ratings yet
  • Math 2 Q3 F
    Math 2 Q3 F
    Document44 pages
    Math 2 Q3 F
    Emelyn
    No ratings yet
  • MUSIC2Q4F
    MUSIC2Q4F
    Document40 pages
    MUSIC2Q4F
    Dom Martinez
    No ratings yet
  • Health 2 Q4 F
    Health 2 Q4 F
    Document42 pages
    Health 2 Q4 F
    Lhay Hernandez
    100% (1)
  • PE3Q3F
    PE3Q3F
    Document44 pages
    PE3Q3F
    Ace Limpin
    No ratings yet
  • 2q Ap8 Module
    2q Ap8 Module
    Document40 pages
    2q Ap8 Module
    JaymeeSolomon
    No ratings yet
  • Epp Afa5 V2
    Epp Afa5 V2
    Document40 pages
    Epp Afa5 V2
    Liam Stan Carandang
    0% (1)
  • EPP Entrep ICT4 V2 PDF
    EPP Entrep ICT4 V2 PDF
    Document40 pages
    EPP Entrep ICT4 V2 PDF
    ELMER TAGARAO
    100% (1)
  • Arts 3 Q2 V2
    Arts 3 Q2 V2
    Document40 pages
    Arts 3 Q2 V2
    Durant Mitchel Sanchez
    No ratings yet
  • Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Document44 pages
    Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Adrian Santos
    No ratings yet
  • Music 2 Q3 F
    Music 2 Q3 F
    Document44 pages
    Music 2 Q3 F
    vince lebron sales
    No ratings yet
  • Araling Panlipunan: Grade 2
    Araling Panlipunan: Grade 2
    Document40 pages
    Araling Panlipunan: Grade 2
    Maricel Rayos
    No ratings yet
  • Health 3 Q3 F
    Health 3 Q3 F
    Document44 pages
    Health 3 Q3 F
    Jonas Cabacungan
    No ratings yet
  • AP1Q3F
    AP1Q3F
    Document44 pages
    AP1Q3F
    Gian Carlo Angon
    No ratings yet
  • PE1Q2FV2
    PE1Q2FV2
    Document40 pages
    PE1Q2FV2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • AP8Q2V2
    AP8Q2V2
    Document40 pages
    AP8Q2V2
    Norlyn Cuntapay
    100% (1)
  • Math 2 Q4 F
    Math 2 Q4 F
    Document42 pages
    Math 2 Q4 F
    Lhay Hernandez
    100% (2)
  • Ap7 Quarter 2 Module
    Ap7 Quarter 2 Module
    Document40 pages
    Ap7 Quarter 2 Module
    Fe Vanessa Buyco
    100% (1)
  • Math 3 Q4 F
    Math 3 Q4 F
    Document44 pages
    Math 3 Q4 F
    jie
    80% (5)
  • PE1Q4F
    PE1Q4F
    Document42 pages
    PE1Q4F
    Jennie Kim
    100% (1)
  • PE2Q3F
    PE2Q3F
    Document44 pages
    PE2Q3F
    Suzette Regulacion
    No ratings yet
  • AP8Q4F
    AP8Q4F
    Document40 pages
    AP8Q4F
    Ortigosa, Brylene M.
    No ratings yet
  • AP9Q2V2
    AP9Q2V2
    Document40 pages
    AP9Q2V2
    dannacomez165
    No ratings yet
  • Arts3Q4F
    Arts3Q4F
    Document44 pages
    Arts3Q4F
    Jerome Deluna
    100% (1)
  • Music 3 Q3 F
    Music 3 Q3 F
    Document44 pages
    Music 3 Q3 F
    Jimmy Boy Diaz
    100% (1)
  • AP1Q2F
    AP1Q2F
    Document40 pages
    AP1Q2F
    Marrianne Francisco
    100% (1)
  • PE2Q4F
    PE2Q4F
    Document40 pages
    PE2Q4F
    Abi Parilla
    100% (2)
  • AP7Q2F
    AP7Q2F
    Document40 pages
    AP7Q2F
    Doom Refuge
    100% (1)
  • EsP1Q1V2
    EsP1Q1V2
    Document40 pages
    EsP1Q1V2
    Mary Grace Fernandez
    No ratings yet
  • AP4Q2F
    AP4Q2F
    Document40 pages
    AP4Q2F
    See John Evasco
    No ratings yet
  • Music3Q4V2 NCR
    Music3Q4V2 NCR
    Document40 pages
    Music3Q4V2 NCR
    mallare21lea
    No ratings yet
  • PE3Q1V2
    PE3Q1V2
    Document40 pages
    PE3Q1V2
    Dareen Cueto
    No ratings yet
  • Local Media8871891695912474718
    Local Media8871891695912474718
    Document40 pages
    Local Media8871891695912474718
    Rosemarie G. Salazar
    No ratings yet
  • Music 2 Q1 FV2
    Music 2 Q1 FV2
    Document40 pages
    Music 2 Q1 FV2
    JOAN CAMANGA
    No ratings yet
  • Arts 1 Q4 F
    Arts 1 Q4 F
    Document42 pages
    Arts 1 Q4 F
    Alex Abonales Dumandan
    100% (2)
  • Science 3 Q3 F
    Science 3 Q3 F
    Document44 pages
    Science 3 Q3 F
    Jian Sarmiento
    No ratings yet
  • EsP10V2Q2 1
    EsP10V2Q2 1
    Document40 pages
    EsP10V2Q2 1
    Holy Marie C.Endriga
    No ratings yet
  • AP3Q1V2
    AP3Q1V2
    Document40 pages
    AP3Q1V2
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet