You are on page 1of 40

MAPEH (Music)

GRADE 2

Key Stage 1 SLM

PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring
kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng
Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and
Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay
tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng
Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.

Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON Music G2


PIVOT 4A Learner’s Material
Unang Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Music
Ikalawang Baitang
Job S. Zape, Jr.
PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead

Arthur M. Julian & Daisy Rose Marcelo


Internal Reviewer

Lhovie A. Cauilan
Layout Artists & Illustrator

Alvin G. Alejandro, Albert A. Rico & Melanie Mae N. Moreno


Graphic Artists & Cover Designer

Ephraim L. Gibas
IT & Logistics

Mary Gay Caritativo-Buising, Anselmo C. Celeste Jr., Michael T. Tayona, Priscilla V. Salo
Schools Division Office Development Team

Waltan Taikun O. Taccad


External Reviewer

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material

Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH (Music). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong
naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa sumusunod na mga aralin.

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Mga Bahaging PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng


Panimula

aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
Suriin
kailangan para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
(Development)
Pagpapaunlad

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay
Tuklasin ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
Pagyamanin
matutuhan.

Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa


mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
Isagawa oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge
Pakikipagpalihan
(Engagement)

Skills, at Attitudes (KSA) upang makahulugang


mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan
pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Linangin
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
Iangkop
ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa
proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)
Paglalapat

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng


kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong
repleksiyon, pag-uugnay, o paggamit sa alinmang
sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang
mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
Tayahin
na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong
pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay


sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng
Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng
kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Week Tunog at Katahimikan
1 Aralin
I
Isa sa pangunahing sangkap ng Musika ay ang rhythm. Ito
ang tumutukoy sa galaw ng katawan bilang pagtugon sa tunog na
naririnig. Ang tibok ng ating puso o pulso ay may kinalaman sa
paraan ng daloy ng rhythm. Ang rhythmic pattern ay binubuo ng mga
tunog na naririnig at di naririnig ayon sa kumpas o “time meter” nito.
Mayroon tayong pangunahing batayan ng kilos na
magtataglay ng koordinasyon ng ating mga paa, kamay at katawan
gaya ng paglalakad, paglukso, pagpalakpak, pagmartsa at
pagtakbo.
Ang araling ito ay naglalayong maipamalas ang kakayahan
mo na mailahad ang bisyal na imahe sa mga tunog at katahimikan
gamit ang quarter note, beamed eight notes at quarter rest ng
rhythmic pattern.
Basahin ang awiting pinamagatang “Maligayang Bati”, awitin ito.

“MALIGAYANG BATI”

Maligayang bati,

Sa iyong pagsilang,

Maligayang, maligaya,

Maligayang bati.

• Ano ang layunin sa pag-awit ng Maligayang bati?

• Ano ang naramdaman mo matapos mong marinig ang awit?

• Subuking awitin ito nang mahina. Tama bang awitin ito ng


mahina?

Sa musika ay may natatanging tawag sa lakas at hina ng


tunog, Tinatawag itong dynamics. Gumagamit ng dynamics ang mga
musikero para malinaw na maipadama ang emosyon at
maipahayag ang damdamin ng awit. Dynamics ang nagpapalinaw
sa mga tagapakinig ng damdamin at layunin ng musika.
PIVOT 4A CALABARZON Music G2 6
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Mula sa awiting iyong nadinig sagutin
ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Sa paanong paraan mo ito inawit?

2. Natukoy mo ba ang pagkakaiba ng pag-awit ng mahina at


malakas?

3. Naisagawa mo ba ng maayos ang pag-awit?

4. Natutuhan mo bang awitin ng tama?

5. Natutunan mo ba ang pagkakaiba ng tunog at kahinaan


habang ikaw ay umaawit?

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pag-aralan ang chart sa ibaba.
Subukang gawin ang mga bilang ng kumpas. Hikayatin ang
miyembro ng pamilya na ito ay gawin.

7 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Bigkasin ang mga tunog at katahimikan
ng mga larawan.

Ano ang nararamdaman mo ng maisagawa mo ang gawain?

Tukuyin ang larawang nagpapakita ng tunog at katahimikan.

1. pinag umpog na cymbals

2. tahol ng aso

3. patak ng ulan

4. tunog ng pusa

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 8


Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Iguhit mo sa iyong sagutang papel
ang larawan na may malakas na tunog.

9 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Iguhit ang masayang mukha ☺ kung
naisagawa mo ang mga gawain at malungkot na mukha  kung
hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Malinaw kong nabigkas ang mga salita.
2. Gumamit ako ng tamang paglakas o paghina sa kanta.
3. Nabi gkas ko ng m ay pagbab ago sa l akas
at hina ang kanta.
4. Nasiyahan ako sa gawain.
 Alin sa mga gawain ang iyong nagustuhan o hindi
nagustuhan? Bakit?
 Ano ang nararamdaman mo kapag nakakarinig ka ng
mahinang awit?
 Ano ang nararamdaman mo kapag nakakarinig ka ng
malakas na awit.
“Ang mga tunog na ating naririnig sa ating kapaligiran ay may
pagkakaiba-iba ayon sa taas at baba, laki at liit, kapal at nipis, gaan
at bigat ng tunog na nililikha nito.”

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Hikayatin ang ilang miyembro ng


pamilya. Gayahin ang mga nasabing tunog ng mga bagay sa
dalawahan, tatluhan at apatang pangritmo.

Sabay na gawin ang mga tunog ng:

Miyembro ng Pamilya 1 -Tunog ng Eroplano


Miyembro ng Pamilya 2- Tunog ng Tricycle
Miyembro ng Pamilya 3- Tunog ng nagmamartilyo

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 10


A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Bigkasin ang tunog ng mga
larawan na nasa ibaba. Gaano kalakas o kahina ang mga tunog ng
mga nasa larawan?

11 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


WEEK Pagsasagawa ng Hulwarang Panritmo
Aralin
2
I
Isa sa pangunahing sangkap ng Musika ay ang rhythm. Ito
ang tumutukoy sa galaw ng katawan bilang pagtugon sa tunog na
naririnig. Ang tibok ng ating puso o pulso ay may kinalaman sa
paraan ng daloy ng rhythm. Ang isang rhythmic pattern ay binubuo
ng mga tunog na naririnig at di naririnig ayon sa kumpas o time
meter nito.
Mayroon tayong pangunahing batayan ng kilos na
nagtataglay ng koordinasyon ng ating mga paa, kamay, at
katawan gaya ng paglakad, paglukso, pagpalakpak, pagmartsa
at pagtakbo.
Ang aralin na ito ay naglalayong maipamalas ang
kahalagahan ng musika sa pang araw-araw na pamumuhay,
kaugalian at kultura sa pamamagitan ng mga angkop na kilos
kaugnay ng mga awit at tugtugin.
Basahin ang tula. Ano ang iyong damdamin hinggil ditto?

Ritmo ng Pag-ibig
-May Natividad
Kumpas ng kamay, sa ritmo ng mga awitin.
Tayo ay sumabay
Sa paglakad, paglukso, pagpalakpak, martsa at takbo,
Ang pattern ng ritmo,
Hindi hihiwalay.
Iba-ibang ritmo man ang taglay,
Sa pag-ibig, lahat tayo ay nabubuhay.

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 12


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Mula sa binasang kuwento, sagutin
ang mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga binanggit na pamamaraan ng pagsasagawa
ng ritmo?
2. Pumili ng isang pamamaraan. Bakit mo ito napili?
3. Iguhit ang angkop na tunog na sasaliwan mo ng nagustuhang
ritmo.

Ito ang dapat mong mga tandaan:


Ang ating pag-awit, pagkilos at pagtugtog ay magkakaugnay
na gawain. Ibinabagay natin ang ating kilos o galaw sa tugtog.
Natutuhan mo sa aralin na ito na tayo ay makapapalakpak,
makalalakad, makaaawit, makakapag-chant, at makatutugtog sa
iba’t-ibang time meter dalawahan (2’s), tatluhan (3’s), at apatan
(4’s)/
Binibilang natin ang guhit sa measure na kumakatawan sa
kumpas upang matukoy ang time meter ng isang awit.

Sa panahon ng pandemic, ikaw ay bawal lumabas. Maaari mo bang


awitin ang liriko na “bawal lumabas” ng may tatluhan (3`s) na ulit.
Mahusay!

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Hikayatin ang isang miyembro ng


pamilya na gawin ang sumusunod.

Sa mesa o upuan, gawin ang pagpalakpak ng may tatluhan.


Sabayan ng musikang “bawal lumabas, bawal lumabas, bawal
lumabas”,

13 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isagawa ang “chant” o pagbigkas
ng lyrics ng awit na “Bawal Lumabas” at pagkatapos ay
pumalakpak habang isinasagawa ang “chant”. (1, 2 , 3 , 4).

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isagawa ang mga kilos na


paparisan o gagayahin. Isama ang miyembro ng pamilya na
maaari mong makasabay sa gawain.

Paglalakad
Kanang Paa - Count 1
Kaliwang Paa - Count 2
Pag-upo at Pagtayo
Pag-upo - Count 1
Pagtayo - Count 2
(Ulitin ng labing-anim (16) na beses)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gawin ang mga sumusunod sa tulad


ng ginawa sa echo clapping.

_________ 1. Pagtapik sa anumang bagay


_________ 2. Pagpadyak (stomping of feet)
_________ 3. Pagsigaw (chanting)
_________ 4. Paglundag (jumping)
_________ 5. Pagpapatunog ng daliri (snapping)

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 14


Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Ang mga guhit sa loob ng measure o
hulwaran ay mga kumpas o beats. Umawit, pumalakpak at lumakad
kayo na sinusundan ang hulwaran sa ibaba:

“Napansin mo ba na ang bawat maikling linya ay


kumakatawan sa isang kumpas?”

Ang mahabang linya naman ay kumakatawan sa barlines. Sa


pagitan ng dalawang barlines ay ang tinatawag na measure.

15 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Tingnan ang hulwarang panritmo sa
ibaba. Bilangin ang maiikling guhit sa loob ng sukat na kumakatawan
sa kumpas.

1 2 3

I I I

I I I

I I I

I I I

I I I

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 16


I I I

I I

1. Ilang maikling guhit sa loob ng sukat ang inyong nakikita?


________
2. Gamit ang tsart sa itaas, pumalakpak sa mga linya na may
masasayang mukha.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Suriin ang mga ritmong gagawin sa


ibaba. Isagawa ito ng may dalawahan at tatluhang bilang.
1.Pagtapik sa anomang bagay

2. Pagpadyak

3. Pagsigaw

4. Paglundag

5. Pagpapatunog ng daliri

17 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Sumangguni sa magulang o
sinomang nakatatandang miyembro ng pamilya. Gawing ehersisyo
ang mga sumusunod na gawain. Isagawa ito ng 5 ulit sa umaga at
hapon.
1.Pagtapik sa anumang bagay

2.Pagpadyak ng kanan at kaliwang paa

3.Pagsigaw ng “kaya ko ito”

4.Paglundag ng kalahating metro ang taas

5.Pagpapatunog ng daliri sa kamay at paa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Bumuo ng ehersisyo na regular sa


loob ng tahanan. Isama ang ilang miyembro ng pamilya upang
isagawa ang nasa chart.

Echo Clapping (Pagpalakpak na Inuulit)

Miyembro ng pamilya (nanay, tatay,


Mga Bata
kapatid, at iba pa)
Clap, clap (| |) Clap, clap
Clap ____ clap (| ___ |) Clap ____ clap
Clap, clap ___ ___ (| | __ __) Clap, clap ___ ___

Note:

Dapat “steady” ang takbo ng tempo sa palakpak)

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 18


Pagsasagawa ng Stick Notation WEEKS
Aralin 3-4
I
Isa sa pangunahing sangkap ng Musika ay ang rhythm. Ito ang
tumutukoy sa galaw ng katawan bilang pagtugon sa tunog na
naririnig. Ang tibok ng ating puso o pulso ay may kinalaman sa
paraan ng daloy ng rhythm. Ang isang rhythmic pattern ay binubuo
ng mga tunog na naririnig at di naririnig ayon sa kumpas o time meter
nito.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nakababasa ng
stick notation sa rhythmic pattern na may bilang ng 2s, 3s at 4s.
Masdan ang larawan ng mga bata na nagsasagawa ng echo
clapping. Maaari mo bang isagawa ito ayon sa isinasaad sa ibaba
ng larawan?
Echo clapping

a.

b.

c.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: TIngnan muli ang larawan. Kasama
ang iyong kapatid o sinomang miyembro ng pamilya, isagawa ang
echo clapping sa ritmong pang 2s at 3s..

19 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: TIngnan muli ang larawan. Kasama
ang iyong kapatid o sinomang miyembro ng pamilya, isagawa ang
echo clapping sa ritmong:

Ikaw at lalaking miyembro ng pamilya — in 2’s

Ikaw at babaeng miyembro ng pamilya — in 3’s

Ikaw at lahat ng miyembro ng pamilya — in 4’s

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gawin sa pamamagitan ng “Stick


Notation”

Ikaw at lalaking miyembro ng pamilya — Leron-leron Sinta

Ikaw at babaeng miyembro ng pamilya— Buko ng Papaya

Ikaw at lahat ng miyembro ng pamilya — Dala-dalay buslo

(Tamang pagsasawa)

I — Dalawahan

I I I I I I

Le- ron Le- ron Le- ron

II— Tatluhan

I I I I I I

Bu- ko ng pa pa ya

III— Apatan

I I I I I I — —

Da- la– da- lay bus—lo — —

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 20


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tingnan ang table sa ibaba. Isulat ang
tsek (✓) sa isa sa mga kahon kung ang mga pinag-aralan ay iyong
natutuhan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Kasanayan Nagawa Hindi pa

1. Nakaririnig at nakasusunod sa
ibinibigay na kumpas sa
pamamagitan ng galaw ng
katawan

2. Nakatutugtog nang m ay
tamang kumpas.

3. Nakakagalaw nang tama sa


kumpas ng mga awit.

4. Nakasasayaw nang tama sa


kumpas.

5. Nakaaawit nang tama sa


kumpas.

Mahalaga na maisagawa ng tama ang mga stick notation sa


pamamagitan ng pagkilos at pagsambit ng mga syllables. Maaari
kasing mawala ka sa pulso habang isinasagawa ang Gawain o
maaring magdulot ng kapahamakan sa iyong pagkilos.

21 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gawin ang sumusunod na galaw
kasabay ng awit.
Ngayon ay ipalakpak ang beat sa ikalawang kumpas.
I I I I I I
1 2 1 2 1 2

Gawin ang sumusunod na galaw kasabay ng awit.


I I I I
1 2 1 2

Ipalakpak ang mga stick notation sa palakumpasang 3


4
I I I I I I I I I
1 2 3 1 2 3 1 2 3

Gawin ang sumusunod na galaw. Sa palakumpasang 3


4
I I I I I I
1 2 3 1 2 3

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 22


E

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Gawin ang pagsunod sa Stick


Notation. Isagawa ang mga sumusunod na gawin:

1. Pagmamartsa sa bilang dalawahan (2’s), at apatan (4’s)

2. Pumalakpak gamit ang iyong mga kamay sa bilang na


dalawahan (2’s), tatluhan (3’s) at apatan (4’s).

3. Pagtapik na gamit ang bilang na dalawahan (2’s), tatluhan (3’s),


at apatan (4’s).

Anong galaw o kilos ng katawan ang ginawa mo? Paano mo


ito ginawa? Kung tama ang paraan na iyong ginawa ay binabati
kita magaling!

23 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Pumili ng kapareha at lumikha ng
limang tunog na maaring ulitin o gayahin. Piliin ang sinomang
miyembro ng pamilya na maaari mong makapareha.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Pumili ka ng kapareha mo sa iyong


kapamilya. Lumikha ng 3 hanggang 5 tunog na maaaring ulitin o
gayahin. Magsulat ng limang (5) pangungusap batay sa gawaing
isinagawa.

1. __________________________________________________________.

2. __________________________________________________________.

3. __________________________________________________________.

4. __________________________________________________________.

5. __________________________________________________________.

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 24


Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Gawin ang mga sumusunod sa tulad
ng ginawa sa echo clapping.

_________ 1. Pagtapik sa anomang bagay

_________ 2. Pagpadyak (stomping of feet)

_________ 3. Pagsigaw (chanting)

_________ 4. Paglundag (jumping)

_________ 5. Pagpapatunog ng daliri (snapping)

25 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


WEEKS Pagsusulat ng Stick Notation
5-6 Aralin
I

Isa sa pangunahing sangkap ng Musika ay ang rhythm. Ito ang


tumutukoy sa galaw ng katawan bilang pagtugon sa tunog na
naririnig. Ang galaw ng katawan ay maaaring ipansaliw sa awit. Ang
tawag sa rhythmic pattern na inuulit at gingagamit na pansaliw sa
awit ay Ostinato. Ang mga kilos na paulit-ulit na ginawa kasabay ng
awit ay maaaring gawing Ostinato.
Mayroon tayong pangunahing batayan ng kilos na
magtataglay ng koordinasyon ng ating mga paa, kamay, at
katawan gaya ng paglalakad, paglukso, pagpalakpak, pagmartsa,
at pagtakbo.
Ang araling ito ay naglalayong maipamalas ang
kahalagahan ng musika sa pang-araw-araw na pamumuhay,
kaugalian, at kultura sa pamamagitan ng mga angkop na kilos
kaugnay ng mga awit at tugtugin sa pamamgitan ng Pagtugtog ng
mga Simpleng Ostinato.
Ang rhythmic ostinato ay paulit-ulit na rhythmic patterns na
ginagamit na pansaliw sa mga awit. Ito ay karaniwang
ginagamitan ng mga instrument tulad ng drums, wood blocks,
castanets, traiangles at rhythmic stick.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gumawa o gumuhit ng isang


simpleng “Stick Notation” ng Kapatan at Kawalong nota sa
dalawahan (2’s), tatluhan (3’s) at apatang (4’s) sukat o bilang.

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 26


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isagawa ang mga sumusunod na
Stick Notation gamit ang “Quarter Note Stick”.

Bibigkasin Gawain

Hey, hey, hey! I I I

Yes! Yes! I I

Very Good! I I I

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isagawa ang mga sumusnod na Stick


Notation gamit ang “Eight Stick Note”

Bibigkasin Gawain

Hey, hey, hey! I I I

Yes! Yes! I I

Very Good! I I I

27 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Naisusulat sa pamamagitan ng notasyong paguhit
(stick notation) ang mga naririnig na hulwarang pang ritmo. Binibilang
natin ang mga guhit sa measure na kumakatawan sa kumpas upang
matukoy ang time meter ng isang awit Sa larangan ng “Musika” ang
pagsasagawa ng notasyon ay mahalaga. May mga tao na magaling
ang kaalaman sa musika subalit hindi maisagawa ang paglapat sa
nota. Sa araling ito ay gagawin ang pagsulat ng “Stick Notation” . .
Sa halip na talagang nota ang isusulat, atin munang gawin ang
“Stick Notation” (notasyon sa pamamagitan ng maitutulad sa pat-pat
o stick).

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 : Gawin sa dalawahang kumpas.

2 I I I I I I

Naisagawa mo ba ng wasto ang ating gawain? Kung nagawa


mo ay… napakahusay! Kung hindi ka sigurado, na nagawa mo ng
maayos ang ating gawain, halina’t ating subukang ulitin upang
matutunan mo ang tamang pagsulat at paggamit ng Stick Notation.

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 28


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Isulat ang stick notation. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

1. Pak pak pak pak (I I I I)


2. Clap clap clap (I I I)
3. Clap-clap clap ( I I I)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Ipakita ang lubos na pagkatuto sa


mga isinagawang aralin.

Natutuhan ko ang _________________________________________

__________________________________________________________________

_________________________________________________________________.

Naunawaan ko na_________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________.

29 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahin ang talata. Kopyahin ang
chart sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Pagmasdan ang paligid ng inyong bahay, tingan kung may mga


bagay na makakalikha ng tunog. May nakita ka ba na maari mong
mapatunog?

2. Anong uri ng tunog ang pwedeng malikha nito? Malakas ba?


Mahina ba? Mataas ba? Mababa ba?

3. Subukan mong gamitin ang mga bagay na iyong nakita at


patunugin habang ginagawa mo ang pagmamartsa, pagpalakpak
at pagtapik.

4. Ipakita kung gaano kahusay ang iyong pagkatuto sa ating mga


pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (✓) sa isa sa
mga kahon sa ibaba.

HINDI PA
MGA KASANAYAN NAGAGAWA
NAGAGAWA

1. Nakaririnig at nakasususnod sa
ibinigay na kumpas sa pamamgitan
ng galaw ng katawan.
2. Nakagagalaw nang tama sa mga
awit at tugma na nasa 2’s, 3’s, 4’s
time meter
3. Natutukoy ang time meter ng awit.
4. Nakakaawit ng tama sa kumpas.

5. Nakatutugtog ng tamang kumpas


gamit ang mga improvised rhythmic
instrument.

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 30


A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Basahin ang sumusunod na
pangungusap. Piliin ang letra ng angkop na sagot para rito. Isulat sa
iyong sagutang papel ang sagot.

1. Ang _________________ ay nota na may tuwid na guhit.


A. Eight Note B. Quarter Note

2. Ang ___________________ ay nota na tuwid na guhit na medyo may


slant na guhit pababa.
A. Eight Note B. Quarter Note

3. Ito ay isang nota na naihahalintulad sa isang patpat.


A. Meter Stick B. Stick Notation

4. Ano-anong mga kilos ang paulit-ulit na ginagawa bilang pansaliw


sa awit?
A. Rhythmic Pattern B. Ostinato

5. Ito ang galaw ng katawan na maaring ipangsaliw sa awit.


A. Rhythmic Pattern B. Ostinato

31 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Pagtugtog ng mga Simpleng Ostinato
WEEKS
Aralin
7-8
I
Sa aralin na ito ay malalaman mo ang Pagtugtog ng mga
Simpleng Ostinato. Marami tayong kilos o galaw na ginagawa sa
araw-araw ngunit dapat alam natin ang tamang paraan kung
paano ito isinasagawa. Mahalaga kasing alam natin ang mga
paraan na ito upang maging tama, maganda at maayos ang tikas
ng ating katawan.

Makatutulong ang aralin na ito upang maging batayan mo


kung wasto ba ang iyong pagtugtog sa pamamagitan ng simpleng
ostinato sa mga naririnig na hulwarang pangritmo sa bilang na 2s, 3s,
at 4s kasabay ang galaw ng katawan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pumili ng isang tugtugin na iyong


paborito. Lumikha ng ostinato mula sa awitin. Ipakita ito sa iyong
kasama sa bahay at ikaw ay sabayan. Isulat ang karanasan sa
chart sa ibaba.

Tugtugin an napili Osinato na nalikha

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumawa o gumuhit ng isang
simpleng “Stick Notation” ng Kapatan at Kawalong Nota sa
dalawahan (2’s), tatluhan (3’s) at apatang (4’s) sukat o bilang.

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 32


Naisasagawa ang mga madadaling (simple) hulwarang
ostinato sa mga instrumentong pangkahoy o kawayan, triangles, bao,
mga kahon o iba pang kagamitan.

Ang ostinato ay pinagsamang mahahaba at maiikling tunog na


paulit-ulit na isinasagawa bilang pansaliw sa isang awit.
Ginagamit ito ng panandang repeat mark.

Halimbawa nito ang mga kantang Bahay Kubo, Sitsiritsit


Alibangbang, Ako’y Isang Pinoy at iba pang mga
tugtuging pangbata.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa pamamagitan ng pag-awit ng


“Leron-Leron Sinta” , sabayan ng mga instrumentong perkusyon tulad
ng mga kutsara, triangle, kawayan, bao, tambol, tambourine at
empty boxes, o alinmang instrumento na meron sa tahanan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pumili ng instrumento na kaya mong


patunugin. Sa tulong ng ibang miyembro ng pamilya, gumawa ng
alternatibong instrumento ayon sa mga bagay na matatagpuan sa
bahay.

33 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pag-aralan at tugtugin ang mga
ostinato sa ibang kumpas sabayan natin ng pag-awit.

Tatluhan (“Tiririt ng Maya”)

Apatan (“Roses”)

: :

: :

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 34


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Magsanay sa pagtugtog ng mga
instrumentong iyong makikita mula sa kapaligiran na gamit ang
ostinato ng awiting “Magmartsa Tayo” at “Bahay Kubo”. Ibigay ang
iyong sariling karanasan sa gawaing ito.

Natutuhan ko ang _________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________.

Naunawaan ko ang ________________________________________

___________________________________________________________________

__________________________________________.

Gawain sa Pagkatututo Bilang 7: Ipakita ang lubos na pagkatuto sa


mga isinagawang aralin. Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol
sa iyong ginawa sa iyong sagutang papel.
1. ___________________________________________________________.
2. ___________________________________________________________.
3. ____________________________________________________________.

35 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Ipakita ang iyong natutuhan sa
pamamgitan ng paglalagay ng tsek (✓) sa tamang kahon. Kopyahin
ang chart sa ibaba.

HINDI
KAALAMAN NAGAWA
NAGAWA
1. Naisagawa ko ang ostinato ayon
sa kumpas ng awit.

2. Nakatugtog ako ng simpleng


ostinato gamit ang mga
instrumentong may tunog.

3. Naipapakita ko ang halaga ng


mahaba at maikling tunog.

4. Naawit ko ang himig nang wasto


kasabay ang pagtugtog ng ostinato.

5. Nasiyahan akong tumugtog ng


simpleng ostinato gamit ang payak
na instrument.

PIVOT 4A CALABARZON Music G2 36


A
Batay sa hawak mong instrumento, piliin sa ibaba ng kahon ang
gawain at sabayan ng pag-awit ng “Bahay Kubo”.

Gawain

1. Gawin ang ostinato gamit


ang mga instrumentong bao
(coconut shells), kawayan,
sticks

2. Tugtugin ang pulso ng awit


gamit ang instrumentong
triangles, pako, kutsara,
tinidor, lata

3. Awitin ang “Bahay Kubo” Bahay kubo, kahit munti, Ang


halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong, Sigarilyas at
mani, sitaw, bataw, patani, Kundol,
patola, upo’t kalabasa at saka
meron pa, Labanos , mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya sa
paligid ligid ay puno ng linga.

37 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


38 PIVOT 4A CALABARZON Music G2
Depende sa bata(performance) Gawain sa Pgkatuto bilang 8 :
1.B.
2.A
3.B
4.B.
5.A
Weeks 7-8 Weeks 5-6
Depende sa bata(performance) Depende sa bata(performance)
Weeks 3-4 Week 2
Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 8 :
Bilang 4: Bilang 5
Pito-dalawahan
Cymbals Daga-dalawahan
1.dalawahan
Ulan Ulan-apatan
2.apatan
Ambulansiya Ahas-dalawahan
3.apatan Tren Kotse-dalawahan
Aso Iyak ng bata-dalawahan
4.dalawahan
Motor
Week 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Esposo, M.F.L., Journey to MAPEH 2.

Music, Art, Physical Education and Health . Kagamitan ng Mag-aaral.


2014https://www.slideshare.net/edithahonradez/music-gr3-
tagalog-q1

39 PIVOT 4A CALABARZON Music G2


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, local 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

PIVOT 4A CALABARZON Music G2

You might also like

  • Music 3 Q3 F
    Music 3 Q3 F
    Document44 pages
    Music 3 Q3 F
    Jimmy Boy Diaz
    100% (1)
  • Math 2 Q4 F
    Math 2 Q4 F
    Document42 pages
    Math 2 Q4 F
    Lhay Hernandez
    100% (2)
  • Arts 1 Q4 F
    Arts 1 Q4 F
    Document42 pages
    Arts 1 Q4 F
    Alex Abonales Dumandan
    100% (2)
  • Epp Afa5 V2
    Epp Afa5 V2
    Document40 pages
    Epp Afa5 V2
    Liam Stan Carandang
    0% (1)
  • Epp Ia4 V2
    Epp Ia4 V2
    Document40 pages
    Epp Ia4 V2
    Azia Mhmmd
    100% (1)
  • Music 3 Q4 F
    Music 3 Q4 F
    Document40 pages
    Music 3 Q4 F
    jie
    No ratings yet
  • Arts 2 Q4 F
    Arts 2 Q4 F
    Document40 pages
    Arts 2 Q4 F
    Lhay Hernandez
    100% (2)
  • Filipino3Q4F
    Filipino3Q4F
    Document42 pages
    Filipino3Q4F
    Jerome Deluna
    100% (2)
  • AP2Q4F
    AP2Q4F
    Document42 pages
    AP2Q4F
    Glaiza Abat Romero Branzuela
    100% (2)
  • Arts 2 Q3 F
    Arts 2 Q3 F
    Document44 pages
    Arts 2 Q3 F
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • PE3Q4F
    PE3Q4F
    Document42 pages
    PE3Q4F
    Dianne Paran
    No ratings yet
  • AP3Q3F
    AP3Q3F
    Document44 pages
    AP3Q3F
    Wencie Jane Nuñez
    100% (1)
  • AP2Q3F
    AP2Q3F
    Document44 pages
    AP2Q3F
    Gian Carlo Angon
    100% (1)
  • Filipino 2 Q3 F
    Filipino 2 Q3 F
    Document44 pages
    Filipino 2 Q3 F
    Ronel Arlantico Mora
    100% (1)
  • Arts 3 Q3 F
    Arts 3 Q3 F
    Document44 pages
    Arts 3 Q3 F
    Janine Eunice dela Cruz
    No ratings yet
  • Health 2 Q4 F
    Health 2 Q4 F
    Document42 pages
    Health 2 Q4 F
    Lhay Hernandez
    100% (1)
  • Grade 2
    Grade 2
    Document44 pages
    Grade 2
    Ara Minalen
    100% (3)
  • PE1Q2F
    PE1Q2F
    Document40 pages
    PE1Q2F
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • Grade 3: Key Stage 1 SLM
    Grade 3: Key Stage 1 SLM
    Document40 pages
    Grade 3: Key Stage 1 SLM
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • Arts 1 Q3 F
    Arts 1 Q3 F
    Document44 pages
    Arts 1 Q3 F
    Mark Urbano
    100% (2)
  • Music 4 Q2 F
    Music 4 Q2 F
    Document40 pages
    Music 4 Q2 F
    IKEL Ctbg
    No ratings yet
  • Math 2 Q3 F
    Math 2 Q3 F
    Document44 pages
    Math 2 Q3 F
    Emelyn
    No ratings yet
  • Health 1 Q4 F
    Health 1 Q4 F
    Document42 pages
    Health 1 Q4 F
    Jennie Kim
    100% (1)
  • Music 1 Q1 V2
    Music 1 Q1 V2
    Document40 pages
    Music 1 Q1 V2
    Herxilla Bassit Batinay-Mani
    100% (1)
  • Arts 3 Q2 F
    Arts 3 Q2 F
    Document40 pages
    Arts 3 Q2 F
    Grace Bico
    100% (1)
  • Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Document44 pages
    Grade 2 - Mapeh (Health) : Subject
    Adrian Santos
    No ratings yet
  • Music 3 Q2 V2
    Music 3 Q2 V2
    Document40 pages
    Music 3 Q2 V2
    Connie Sarmiento
    100% (1)
  • Mtb-Mle: Ikalawang Markahan
    Mtb-Mle: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Mtb-Mle: Ikalawang Markahan
    Gliezel Gaupo
    No ratings yet
  • Music 1 Q2 F
    Music 1 Q2 F
    Document40 pages
    Music 1 Q2 F
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • Music 1 Q4 F
    Music 1 Q4 F
    Document42 pages
    Music 1 Q4 F
    Jennie Kim
    75% (4)
  • PE2Q4F
    PE2Q4F
    Document40 pages
    PE2Q4F
    Abi Parilla
    100% (2)
  • Music 2 Q3 F
    Music 2 Q3 F
    Document44 pages
    Music 2 Q3 F
    vince lebron sales
    No ratings yet
  • Music 1 Q3 F
    Music 1 Q3 F
    Document44 pages
    Music 1 Q3 F
    Nelita Beato
    100% (2)
  • Music 1 Q2 V2
    Music 1 Q2 V2
    Document40 pages
    Music 1 Q2 V2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • MUSIC2Q4F
    MUSIC2Q4F
    Document40 pages
    MUSIC2Q4F
    Dom Martinez
    No ratings yet
  • Music 5 Q2 F
    Music 5 Q2 F
    Document40 pages
    Music 5 Q2 F
    Daisy Mendiola
    50% (2)
  • PE5Q3F
    PE5Q3F
    Document40 pages
    PE5Q3F
    ALVIN FREO
    No ratings yet
  • Music 4 Q4 F
    Music 4 Q4 F
    Document40 pages
    Music 4 Q4 F
    Mira
    No ratings yet
  • AP1Q4F
    AP1Q4F
    Document42 pages
    AP1Q4F
    Alex Abonales Dumandan
    No ratings yet
  • Music3Q4V2 NCR
    Music3Q4V2 NCR
    Document40 pages
    Music3Q4V2 NCR
    mallare21lea
    No ratings yet
  • APG6Q3
    APG6Q3
    Document40 pages
    APG6Q3
    Michael Edward De Villa
    No ratings yet
  • PE1Q2FV2
    PE1Q2FV2
    Document40 pages
    PE1Q2FV2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • Music 4 Q2 V2
    Music 4 Q2 V2
    Document40 pages
    Music 4 Q2 V2
    Krame G.
    No ratings yet
  • PE3Q1V2
    PE3Q1V2
    Document40 pages
    PE3Q1V2
    Dareen Cueto
    No ratings yet
  • Health2Q1FV2
    Health2Q1FV2
    Document40 pages
    Health2Q1FV2
    MARY ANN RAMIREZ
    No ratings yet
  • Arts 5 Q2 F
    Arts 5 Q2 F
    Document40 pages
    Arts 5 Q2 F
    Whenna Mailom Macahia
    No ratings yet
  • Arts1Q1V2
    Arts1Q1V2
    Document40 pages
    Arts1Q1V2
    Leah Bibay
    No ratings yet
  • PE2Q1FV2 PDF
    PE2Q1FV2 PDF
    Document40 pages
    PE2Q1FV2 PDF
    Cyrill Villa
    No ratings yet
  • Health G4 Q4
    Health G4 Q4
    Document40 pages
    Health G4 Q4
    Mira
    No ratings yet
  • AP8Q4F
    AP8Q4F
    Document40 pages
    AP8Q4F
    Ortigosa, Brylene M.
    No ratings yet
  • EsP10V2Q2 1
    EsP10V2Q2 1
    Document40 pages
    EsP10V2Q2 1
    Holy Marie C.Endriga
    No ratings yet
  • Araling Panlipunan: Grade 2
    Araling Panlipunan: Grade 2
    Document40 pages
    Araling Panlipunan: Grade 2
    Maricel Rayos
    No ratings yet
  • Health 3 Q3 F
    Health 3 Q3 F
    Document44 pages
    Health 3 Q3 F
    Jonas Cabacungan
    No ratings yet
  • PE3Q3F
    PE3Q3F
    Document44 pages
    PE3Q3F
    Ace Limpin
    No ratings yet
  • PE1Q4F
    PE1Q4F
    Document42 pages
    PE1Q4F
    Jennie Kim
    100% (1)
  • AP3Q1V2
    AP3Q1V2
    Document40 pages
    AP3Q1V2
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • Arts 3 Q2 V2
    Arts 3 Q2 V2
    Document40 pages
    Arts 3 Q2 V2
    Durant Mitchel Sanchez
    No ratings yet
  • Health1Q3F PDF
    Health1Q3F PDF
    Document44 pages
    Health1Q3F PDF
    Julie Depante
    No ratings yet
  • Pagpapahalaga Sa Kalikasan
    Pagpapahalaga Sa Kalikasan
    Document2 pages
    Pagpapahalaga Sa Kalikasan
    JOAN CAMANGA
    No ratings yet
  • AP10 4th WK3-4 Activity
    AP10 4th WK3-4 Activity
    Document2 pages
    AP10 4th WK3-4 Activity
    JOAN CAMANGA
    No ratings yet
  • MAHABANG PAGSUSULIT - Ap8
    MAHABANG PAGSUSULIT - Ap8
    Document2 pages
    MAHABANG PAGSUSULIT - Ap8
    JOAN CAMANGA
    100% (1)
  • AP 8 Activity Kabihasnan NG Mesoamerica
    AP 8 Activity Kabihasnan NG Mesoamerica
    Document1 page
    AP 8 Activity Kabihasnan NG Mesoamerica
    JOAN CAMANGA
    No ratings yet
  • United Nation Quiz Bee
    United Nation Quiz Bee
    Document15 pages
    United Nation Quiz Bee
    JOAN CAMANGA
    No ratings yet
  • Cot406 07 23
    Cot406 07 23
    Document3 pages
    Cot406 07 23
    JOAN CAMANGA
    No ratings yet
  • COT2
    COT2
    Document16 pages
    COT2
    JOAN CAMANGA
    No ratings yet
  • AP10 - Pretest - 1st Q
    AP10 - Pretest - 1st Q
    Document1 page
    AP10 - Pretest - 1st Q
    JOAN CAMANGA
    No ratings yet