You are on page 1of 2

ANG HALIGI NG AMING TAHANAN

May batang lalake na nagngangalang Albert, masaya't kuntento sa buhay si Albert, sapagkat malaya
siyang gawin ang lahat ng gustuhin niya, Maagang namatay ang kaniyang ina, dahil sa panganganak sa
kanyang kapatid na lalake. Tatlo na lamang sila sa kanilang bahay ang kanyang kuya, siya at ang
kaniyang ama na si Mang Berto, Araw na ng pasukan, highschool pa lamang si Albert ng pasukin na
niya ang kakaibang mundo, madilim na mundo na hindi man lamang alam ni Mang Berto at kaniyang
kapatid.

Napabarkada siya, lagi siyang lumiliban sa klase at pumupunta sa kumpyuteran o nakikipag-inuman sa


kaniyang mga barkada, Isang gabi labis ang pag-aalala ni Mang Berto dahil gabi na't wala pa ang
kaniyan anak na si Albert, Halos hindi siya mapakali, parang pinapaso ang pwet sa upuan ni Mang
Berto.

Dumating si Albert na lasing at halos hirap na itong maglakad, pa handu-handusay na siya sa daan,
ngunit dahil sa mabait at mapag-pasensya si Mang Berto ay ipinag-walang bahala niya muna ang
gabing pangyayaring iyon.

Pagsapit ng umaga kinausap ni Mang Berto si Albert, sa halip na sagutin ng tama ni Albert ang
kaniyang ama ay sinigawan niya ito at umalis sa kanilang bahay.

Umiyak na nagsisisi si Mang Berto dahil sa maagang nawala ang kaniyang asawa, kaya para sakaniya
kulang pa ang kanyang ginagawa, Halos lahat ng gawaing bahay ay si Mang berto na ang gumagawa
,naglalaba, nagsasampay, namamalantya, nagtatrabaho, halos lahat ng trabaho ay pinasok niya na
para lamang masustentuhan ang lahat ng gusto at pangangailangan ng kaniyang mga anak,

Abala sa pagtatrabaho si Mang berto ng puntahan siya ng isang guro na nagngangalang Wendy
kinausap siya nito at sinabi na halos araw-araw na hindi pumapasok sa skwela ang kanyang anak na si
Albert. At sinabi ni Mang Berto na pagsasabihan niya na lamang si Albert.

Agad na umuwi si Mang Berto dahil sa kaniyang nalaman, labis ang kaniyang pagtataka na kung bakit
hindi puma pasok sa skwela ang kaniyang anak. Samantalang halos mamatay at hindi kumain si Mang
Berto dahil sa pagtitipid para lamang may maipabaon sa kaniyang mga anak.

Dumating si Albert sa kanilang bahay at lumapit lang ito sa kaniyang ama sa kadahilanang manghi
hingi siya ng baon, ngunit gagastusin niya lang ito sa kaniyang barkada, Galit na galit si Mang Berto
umiiyak na sinasabihan si Albert na kung bakit ganito ang kaniyang pinag gagawa, sinabi niya na
ibinigay niya ang lahat para sa kanilang magkapatid, samantalang si Albert ay nag mamaktol sa
kaniyang ama sinigaw-sigawan niya ito, hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin ni Mang Berto
at biglang nanikip ang dibdib at tuluyang nawalan ng malay.
Dinala si mang berto sa malapit na hospital sa kanilang bayan, nalaman ng magkapatid na dinapuan
na pala ito ng sakit, napagtanto ni Albert na nakalimutan niyang mahalin at pa halagahan ang kanyang
ama na iyon na lamang ang natitirang ginto o kayaman ng kanilang buhay.

Nag pasya si Albert na humingi ng tawad sa kanyang ama kaya dali dali niyang pinuntahan sa kwarto
ang kanyang ama na si Mang Berto hanggang sa nalaman niyang nag-aagaw buhay na ang kanyang
ama.

Walang nagawa si Albert kundi umiyak ng umiyak at hintayin kung ano ang mangyayari sa kaniyang
ama na si Mang Berto, Makalipas ang ilang oras nangyari na ang hindi inaasahan na pangyayari ni
Albert tuluyan na ngang binawian ng buhay ang kaniyang ama na si Mang Berto, labis ang pag-sisisi ni
Albert dahil sa nangyari sa kaniyang ama alam niya sa kaniyang sarili na siya ang dahilan kung bakit
nawala na ang kaniyang ama,

Sa ngayon kahit na tuluyang ulila na si Albert sa kaniyan mga magulang ay pinilit niyang mag bago,
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral kahit na hindi maalis-alis sa kaniyang puso't isipan na siya
ang may dahilan ng pagka wala ng kaniyang ama, At sa huli'y napagtanto niya na kung gaano siya ka
mahal at pinapahalagahan ni Mang Berto.

ARAL:
Kaya sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi ngunit wag na natin hintayin na dumating na tayo'y magsisi
sa huli. kaya pahalagahan natin at mahalin ang ating mga ama o ang ating mga magulang, hirap man
nating sabihin sa kanila ang salitang "Salamat" at "iloveyou" iparamdam nalang natin ang ating
pasasalamat at pagmamahal sa kanila, habang hindi pa huli ang lahat.

Ipinasa ni : JAMES RYAN B. SEGUISABAL

You might also like