You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV

Ikaapat na Markahan
Sumatibong Pagsusulit 4
Sakop ng Ikaapat na Sumatibong Pagsusulit

MELC Bilang ng Code Item Placement


Linggo/ Modyul
1, 2, 3, 4, 5, 6,
Pangangalaga sa mga materyal na 7, 8, 9, 10, 11,
kagamitang likas o gawa ng Modyul 3 (EsP4PD-IVh-i- 12, 13, 14, 15,
tao Week 7-8 13) 6, 17, 18, 19,
20, 21, 22, 23,
24, 25

Inihanda ni:

MARIBEL V. DELMENDO
Teacher III

Noted:
LOURDES A. FLORIA
Principal II
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV
Ikaapat na Markahan
Sumatibong Pagsusulit 4
Pangalan: ______________________________________________ Iskor: _____________
Pirma ng Magulang:______________________________________ Petsa: _____________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at sitwasyon. Isulat ang TAMA kung ikaw ay
sumasang-ayon at MALI kung hindi.
______ 1. Ang mga kagamitan sa pag-aaral ni Carloay inliligpit sa tamang lalagyan.

______ 2. Lalagyan ng plastic cover ni Martha ang mga aklat kung kinakailangan lamang.

______ 3. Susulatan at kukulayan ko ang aking upuan upang ito ay maging maganda at makulay.

______ 4. Ibinahagi ni Caloy sa kanyang mga kamag-aral ang mga nalalaman niyang paraan sa
pangangalaga ng mga kagamitang likas o gawa ng tao.

______ 5. Tutularan ko ang mga magagandang gawain na aking nakikita sa pangangalaga ng mga
kagamitang likas.

______6. Pinupunasan nang buong ingat ni James ang mga muwebles sa kanilang sala upang
matanggal ang mga alikabok.

______7. Kinumpuni ni Llansell ang umuugang upuan sa kanilang silid-aralan.

______8. Gamit ang pentel pen, isiunulat ni Harold sa pader ng kanilang paaralan ang mga salitang
“Iwasan ang Bullying.”

______9. Habang naglalaro ang mga magkakaibigang Dan, Kurvy, Bruce, at Nile sa palaruan ng
kanilang barangay, sinisigurong nilang hindi nasisira ang pasilidad na makikita rito.

______10. Isinara ni Tyron nang buong lakas ang pintuan ng kanyang silid upang sumara ito nang
mabuti.

______11. Paulit-ulit na pinapatay sindi ni Kyle ang kanilang ilaw sa bahay dahil natutuwa ito.

______12. Maghapong naglalaro ng gadyet si Kris upang kung sakaling masira ay magpapabili ito sa
kanyang mga magulang.

______13. Limitado ang paggamit ni Vane ng kanyang kompyuter upang hindi ito agad masira at para
may panahon din sa iba pang gawain.

______14. Agad na nagpapalit ng pambahay na damit si Madel na galing sa simbahan upang hindi ito
madumihan.

______15.Kinukumpuni agad ni tatay ang umuugang mesa sa kusina.


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng
wastong sagot.
_____ 16. Halos lahat ng kagamitan sa bahay, paaralan, o maging sa pamayanan ay nagmula sa
kalikasan. Anong katangian ang dapat nating ipakita habang ginagamit ang mga ito?
A. paggalang C. pagkamaingat
B. pagmamalasakit D. pagtitipid
_____ 17. Ano ang HINDI layunin ng Presedential Decree No. 705 o Revised Forestry Code na
inaprubahan noong Mayo 1975?
A. pagtatakda sa uri ng mga pampublikong lupain
B. pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaaring putulin
C. Pagpapahintulot ng batas sa pagputol ng mga puno sa kagubatan
D. epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa ng bansa
_____ 18. Karamihan sa muwebles na kagamitang matatagpuan sa ating bahay, paaralan at
komunidad ay gawa sa kahoy na mula sa ating kalikasan. Paano mo maipakikita ang
matalinong paggamit sa mga ito?
A. Gamitin ang mga ito nang buong ingat.
B. Gumamit ng mga kagamitang yari sa plastic.
C. Punasan ang mga ito ng langis upang kumintab.
D. Huwag bumili ng mga kagamitang gawa sa kahoy para walang punong mapuputol.
_____ 19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga gamit o kagamitan sa
inyong bahay?
A. Hinuhugasan ko ng sabong mabango ang aming mga muwebles.
B. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kasangkapang hindi ko na ginagamit.
C. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga gamit o kagamitan sa display cabinet para
magandang tingnan.
D. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa aming bahay
upang hindi masira.
_____ 20. Sino sa mga sumusunod ang nais mong tularan?
A. Si Gia na ginuguhitan ng mga bulaklak ang kanyang lamesa.
B. Si Fe na tumutuntong sa mesa kapag hinahabol siya ng kanyang kapatid.
C. Si Bethena Andrea na buong ingat na isinasara ang pintuan ng kanyang silid.
D. Si Loyd na inuuga ang kanyang upuan habang hinihintay ang kanilang guro.
____ 21. Isang araw, pagdating mo ng bahay, napansin mong nauulanan ang antigong kahoy na
upuan na pamana pa ng iyong lolo at lola sa inyong terrace. Ano ang gagawin mo?
A. Uutusan ko ang aking kapatid na ayusin ito.
B. Agad ko itong isisilong upang hindi ito masira.
C. Itatapon ko na lang ito upang hindi pakalat-kalat sa bahay.
D. Hahayaan ko lang na ito ay maulanan sapagkat basa na rin ito.
_____ 22. Tuwing tanghali, pagkatapos kumain ng iyong mga kapatid ay iniiwan na lang nila ang
kagamitan sa pagkain na hindi hinuhugasan. Ano ang gagawin mo?
A. Iiwanan ko rin ang aking mga pinagkainan.
B. Aayusin ko at ililigpit ang aming pinagkainan.
C. Hahayaan ko na gawin ng aking ina ang pagliligpit.
D. Uutusan ko ang aking nakababatang kapatid na ito ay linisin at iligpit.
_____ 23. Nakita mong natatanggal na ang kapirasong tabla sa bahaging sandalan ng inuupuan ng
kaklase mo sa inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin kong natanggal ang isang kahoy.
B. Sisigawan ko siya at sabihing nasisira ang kanyang upuan.
C. Sasabihin ko sa kanya at tutulungan ko siyang ayusin ito.
D. Hindi ko na lang ito papansinin dahil hindi ko naman upuan.
_____ 24. Madalas mong mapansin ang mga kaklase mo na kapag nagkakamali sa pagsusulat sa
papel o kuwaderno ay agad pinupunit ang pahina at sabay tapon sa basurahan. Ano ang
gagawin mo?
A. Gagayahin ko rin ang kanilang ginagawa.
B. Hahayaan ko lang ang kanilang ginagawa.
C. Isusumbong ko sa aming guro ang kanilang ginagawa.
D. Kakausapin ko sila na huwag pupunitin kapag sila ay nagkamali dahil puwede pa nila itong
sulatan sa likod ng pahina.
_____ 25. Namasyal kayo ng inyong pamilya sa isang museo at napansin mong ang isang magandang
display cabinet na maraming laman ay malapit ng matumba. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatawanan ko ang display cabinet na natutumba.
B. Hahayaan ko lang ang display cabinet na natutumba.
C. Sasabihin ko ito sa nagbabantay upang ito ay kanyang ayusin.
D. Itutulak ko ito at ako ay tatakbo papalayo upang hindi nila malaman na ako ang may gawa.

Inihanda ni:

MARIBEL V. DELMENDO
Teacher III
Noted:

LOURDES A. FLORIA
Principal II

You might also like