You are on page 1of 73

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/342354865

Rizal ng Bayan

Book · June 2020

CITATIONS READS
0 22,732

6 authors, including:

Mon Karlo Leoncio Mangaran David Michael Marcelino San Juan


De La Salle University De La Salle University
1 PUBLICATION   0 CITATIONS    52 PUBLICATIONS   60 CITATIONS   

SEE PROFILE SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Education Sector Issues View project

Marxism in the Third World View project

All content following this page was uploaded by David Michael Marcelino San Juan on 22 June 2020.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


1
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Rizal ng Bayan
Philippine Copyright (printed version) 2011 by:
Cerise P. Crudo
Jose del Rosario III
Noel Sales Barcelona
Joel Costa Malabanan
Mon Karlo L. Mangaran
David Michael M. San Juan

Philippine Copyright (electronic version) 2020 by:


Cerise Crudo-Guerrero
Jose del Rosario III
Noel Sales Barcelona
Joel Costa Malabanan
Mon Karlo L. Mangaran
David Michael M. San Juan

ISBN 978-971-95192-0-1

First Published by Backpackers Media Group, Inc. in 2011.


Made available by authors in electronic format, in 2020 (FOR EDUCATIONAL
PURPOSES ONLY).

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval
system, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical,
photocopying, recording or otherwise, without the written permission of the
authors and the publisher.

FOR QUERIES, send an email to david.sanjuan@dlsu.edu.ph

Please visit and like https://www.facebook.com/Rizal.ng.Bayan/ for updates on


the book’s reprinting.

2
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

INTRODUKSYON SA ELECTRONIC VERSION (2020)


Plano naming muling ipaimprenta ito ngayong taon o kung kailanman kayanin.
Gayunman, dahil sa pandemya, minabuti naming gawing available din ito online FOR
EDUCATIONAL PURPOSES.

Marahil, dahil old-school kami, ay mas gusto pa rin naming basahin ninyo ito
nang aktwal na libro. Mas mainam pa ring magbasa ng totoong libro kaysa sa ebook.
Kaya nga lamang ay may COVID-19 pa. Dahil walang mass testing sa Pilipinas, at tila
matagal pa ang pagdating ng bakuna o gamot, inihahandog namin sa mga guro at
estudyante, at sa iba pang mamamayang interesadong magbasa, ang electronic
version na ito.

Ipinapakiusap lang namin na HUWAG NA HUWAG IRERE-UPLOAD


SAANMANG WEBSITE O DATABASE ang librong ito dahil ginawa naman na nga
naming available sa isang online database na madali naming makikita kung ilan
na ang nagbasa o nagdownload. Sa halip, i-share na lang po natin ang link na
bit.ly/RizalNgBayan2020 upang mas maraming makapag-download at
makapagbasa ng ebook na ito.

Noong iimprenta ang unang edisyon, si Noynoy pa ang presidente. Ngayon ay si


Digong na. Malapit nang magsampung taon ang aklat na ito. Gayunman, maraming
bagay sa ating bansa ang kagimbal-gimbal at kakila-kilabot na hindi pa rin nagbago,
kaya naman sa pangkalahatan, tiyak na magiging makabuluhan at makahulugan pa rin
ang pagbabasa sa librong ito. Ang marami sa amin ay bago na ang pinagtatrabahuhan,
bagamat pareho pa rin naman halos ang pinagkakaabalahan at/o mga adbokasi. Ang
mga updated bionote ay mababasa na sa edisyong ito. Gayunman, wala kaming binago
sa mga nilalaman ng sanaysay – liban sa typographical errors (sana ay wala nang
nawaglit pa). Kung may sanaysay man na may kaunting editing sa pangkalahatang tono
ay may nakalagay namang karampatang talababa/footnote.

Para sa updates, bisitahin at ilike:


https://www.facebook.com/Rizal.ng.Bayan/ Maraming salamat sa inyong interes!

- Cerise Crudo-Guerrero, Jose del Rosario III, Noel Sales Barcelona, Joel
Costa Malabanan, Mon Karlo L. Mangaran, David Michael M. San Juan (mga
may-akda)

3
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

INTRODUKSYON SA UNANG EDISYON (2011)

Pakibaba ang kilay, please.

Sa paglabas ng librong ito, pamagat pa lang ay tiyak na pagtatarayan at


pagtataasan ng kilay ng mga akademista, istoryador at kritiko. Mapapasusmaryosep at
mag-aantanda rin siguro sila kapag wala silang makitang tatak ng UP Press, Ateneo
Press, DLSU Press at iba pang sikat na palimbagan. Self-published ito gaya ng “Noli
Me Tangere” at “El Filibusterismo.” Una, dahil posibleng hindi tanggapin ng mga
publishing house ang aming libro o kung tanggapin man, tiyak na kakatayin nila ang
aming mga isinulat, sa simpleng dahilan na kalakhan sa amin ay mga estranghero sa
mundo ng mga sikat na manunulat. Pangalawa, ayaw naming maging ‘for commercial
purpose’ ang libro at pagkakitaan lamang ng publishing house si Rizal, na regular din
namang ginagawa ng mga istoryador at akademista. Nais naming basagin ang
komersyalismong sumasalaula sa pangalan ng ating pambansang bayani na nagreduce
na lamang sa kanya bilang isang tauhan sa libro ng kasaysayan.

Manlalaki ang mata nila maging sa lenggwaheng ginamit namin: Filipino na


maraming kahalong Ingles, conversational kumbaga. Kasi, sa totoo lang, aminin man
natin at hindi, boring na sa mga kabataang Pilipino ang academic Filipino na ginagamit
sa mga thesis, dissertation at conference paper.

Noong ika-19 ng Hunyo, 2011 ay ipinagdiwang natin ang ika-150 kaarawan ng


ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Marami nang opisyal na aktibidad ang
nakatakdang isagawa at marami na ring aklat ang nakatakdang ilimbag kaugnay ng
okasyong ito. Gayunman, gaya ng dati, ang mga opisyal na aktibidad at karamihan sa
mga aklat na nalimbag ay walang ipinag-iba sa mga dati nang aktibidad at naisulat:
tradisyunal at trivial. Mga usapin kung ilan ang naging kasintahan ni Rizal, kanyang
kasarian (kung bakla nga ba siya o hindi), mga hidden codes at board game, lihim sa
likod ng mahaharot na mga ngiti at mga bagong natuklasan hinggil sa naging buhay
niya sa loob at labas ng bansa.
Layunin ng librong ito na bigyang-tinig ang mga di tradisyunal na perspektiba
tungkol sa buhay at mga sinulat ni Jose Rizal upang maging higit na kapaki-pakinabang
ito para sa paghubog ng pambansang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino. Hindi
ba’t ang pinakamatamis na parangal na maaaring ibigay natin sa ating pambansang
bayani ay ipagpatuloy ang kanyang paglaban, kahit sa larangan ng pagsulat, sa
kawalang-katarungang nagaganap sa ating bayan? Isabuhay natin ang aral ng
kaniyang mga katha, at sa paraan lamang na ito natin mapapanatiling buhay ang ating
pambansang bayani. Panahon nang “bawiin” ng “bayan” si Rizal mula sa mga

4
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

konserbatibo at elitistang grupo na pilit nagkukulong kay Rizal sa pedestal na di


maabut-abot ng karaniwang mamamayan.

Sa Kanser: Muling Pagsulyap sa “Nolí Me Tangere” ni Dr. José P. Rizal


ipinapaalala sa atin ni Noel Sales Barcelona ang konteksto ng mga isinulat ni Rizal:
pagbubulgar ng mga kanser ng lipunan na di pa rin nagagamot hanggang sa
kasalukuyan.

Hinahamon naman ni Cerise Crudo-Guerrero ang mga kabataang pag-asa ng


bayan na maging karapat-dapat sa pagbabansag sa kanila ni Rizal sa kanyang
sanaysay na Ano Ang Saysay ni Rizal sa Kabataan Ngayon .

Sa Kung Buhay si Rizal Ngayon... , inilahad naman ni Jose del Rosario III ang
posibleng maging kapalaran ni Jose Rizal bilang estudyante ng UST, botanist, doktor at
manunulat sa kasalukuyan.

Sa sanaysay na Si Rizal at ang Wika ng Malalansang Isda, sinuri ni del


Rosario ang ebolusyon ng wikang pambansa sa konteksto ng mga ideya tungkol sa
national identity at neocolonialism na inspirado ng mga sinulat ni Rizal.

Panimulang pagsusuri naman ng isang obra maestra ni Jose Rizal ang sanaysay
ni Joel Costa Malabanan na pinamagatang Buod ng Noli Me Tangere at ang
Kahalagahan ng Pag-aaral Nito na nagbibigay rin ng hamon sa mga kabataan na
patuloy na basahin ang mga sinulat ni Rizal sa gitna ng modernong panahon kung saan
malakas ang pangingibabaw ng dayuhang kultura.

Sa Saysay ng Kasaysayan: Si Pepe at Ang Kasalukuyang Sistemang


Panlipunan, ipinaliliwanag ni Mon Karlo Mangaran kung bakit relevant pa rin si Rizal sa
makabagong panahon at kung bakit kailangan nating magbalik-tanaw sa kasaysayan at
ilapat ang mga aral ng ating pambansang bayani sa konteksto ng kasalukuyang
sistemang panlipunan.

Isinalaysay naman ni Mangaran Sa Panahong Hindi Ako Makapagsulat ang


kanyang mga sariling karanasan bilang aktibista-manunulat na kagaya rin ni Rizal.

Sa Galit si Rizal sa “Buwaya”: Ang Bayaning Anti-Kapitalista, nanawagan si


David Michael M. San Juan na palitan na ang sistemang kapitalista sa Pilipinas, sa diwa
ng makabayan at anti-kapitalistang panulat ni Rizal.

5
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Sa sanaysay namang Si Rizal Bilang Aktibista, tinalakay ni San Juan ang


papel ni Rizal bilang aktibista at kung paano naging relevant ang kanyang aktibismo sa
kasalukuyang panahon.

Dagdag-paliwanag sa relevance ni Rizal sa kontemporaryong panahon ang Si


Rizal sa Panahon ng Facebook at Twitter ni San Juan.

Sa huling sanaysay na Ang Blue Shades ni Simoun, Ang Lupa ni Jezebel At


Iba Pang Trivia, sinuri ni San Juan ang impluwensya ng Bibliya sa mga pangalan ng
mga karakter sa dalawang nobelang nilimbag ni Rizal at pahapyaw rin na tinalakay ang
tungkol sa logical sequel ng “El Filibusterismo.”

Malaking porsyento ng mga artikulo sa antolohiyang ito ay inaasahang


magpapasimula ng kontrobersya, gulo, away, debate atbp. sa akademya at sana,
maging sa hanay ng sambayanang Pilipino mismo. Gaya ng “Noli Me Tangere” at “El
Filibusterismo,” hangad ng aklat na ito na suriin ng mga mamamayan ang kanilang
lipunang ginagalawan, kwestyunin ang umiiral na sistema at magsikap na mag-ambag
sa pagbabago at/o pagpapabuti nito.

6
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

TALAAN NG MGA NILALAMAN (Pahina Batay sa Electronic Version)

Kanser: Muling Pagsulyap sa “Nolí Me Tangere” ni Dr. José P. Rizal [p. 8-10]
Noel Sales Barcelona
~~~
Ano Ang Saysay ni Rizal sa Kabataan Ngayon [p.11-18]
Cerise Crudo-Guerrero
~~~
Kung Buhay si Rizal Ngayon... [p.19-27]
Si Rizal at ang Wika ng Malalansang Isda [p.28-34]
Jose del Rosario III
~~~
Buod ng Noli Me Tangere at Ang Kahalagahan ng Pag-aaral Nito [p.35-38]
Joel Costa Malabanan
~~~
Saysay ng Kasaysayan: Si Pepe at Ang Kasalukuyang Sistemang Panlipunan
[p.39-45]
Sa Panahong Hindi Ako Makapagsulat [p.46-51]
Mon Karlo Mangaran
~~~
Galit si Rizal sa “Buwaya”: Ang Bayaning Anti-Kapitalista [p.52-58]
Si Rizal Bilang Aktibista [p.59-61]
Si Rizal sa Panahon ng Facebook at Twitter [p.62-63]
Ang Blue Shades ni Simoun, Ang Lupa ni Jezebel At Iba Pang Trivia [p.64-67]
David Michael San Juan

TUNGKOL SA MGA MAY-AKDA [p.69-71]

7
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Kanser: Muling Pagsulyap sa “Nolí Me Tangere” ni Dr. José P. Rizal


Noel Sales Barcelona
~~~
Isandaan at dalawampu’t tatlong taon na ang nakararaan nang unang mailimbag
ang kontrobersiyal na nobela ni Dr. José P. Rizal, na pambansang bayani natin ngayon,
ang “Noli Me Tangere” (“Huwag Mo Akong Salingin”). Utang sa kanyang kaibigang si
Maximo Viola ang 300 pisong ginamit sa pagpapalimbag ng isa sa
pinakamahahalagang nobela ngayon sa kasaysayan ng panitikan ng bansa.

Sa Noli, buong-tapang na ibinunyag ni Rizal ang kabulukan ng sistemang umiiral


noon—ang paghahari ng mga prayle bilang puwersang relihiyoso at pulitikal—sa
pinakanegatibong kahulugan nito, kasabwat ang nasa estado-poder, walang iba kundi
ang lokal na mga pulitiko at ibang nasa itaas na bahagi ng lipunan.

Sino ang makalilimot sa dusang sinapit ng isang Crisostomo Ibarra y Magsalin at


ng kanyang kinakasing (nililigawan Clara? Sino ang hindi makikinig sa patalinghagang
mga payo ni Pilosopó Tasyô? Sino ang hindi nadurog ang puso sa sinapit ni Sisa na
nawalan ng bait dahil sa labis na kalungkutan bunga ng pagkakawalay sa anak? At sino
rin ang hindi mahihiwagaan sa karakter ng bangkerong si Elias at sa kanyang
kasintahang si Salome?

Marahil, sa isang masikhay na mag-aaral ng kasaysayan ng kanyang bansang


tinubuan, ang hindi makalilimot sa naturang mga tauhang bumuhay sa bawat pahina ng
Noli.

Higit pa sa nobela ang Noli. Isa itong dokumentong pangkasaysayang hindi dapat
lamang panatilihin sa mga lalagyan ng libro, paamagan doon at hayaang ngatngatin ng
mga daga at gawing pinakapagkain ng mga ipis, bagkus dapat na repasuhing muli dahil
sa paglipas ng mahigit isandaang taon at dalawang dekada’y nananatili ang mga
“katotohanan” na inilatag ng mga kabanata at tauhan ng Noli. Sabi nga ng Marxistang
kritiko, makata at iskolar na si Epifanio San Juan Jr. sa kanyang mahabang sanaysay
na nailathala sa Braso (Vol. 4, No. 1): “Ang banghay ng mga pangyayari sa Noli ay
kasisinagan ng ironikal o katumbalikang pag-inog ng mga pangyayari, tahasang
ebidensiya na ang umiiral na reyalidad ay hindi totoo o makatarungan o
mapapagkatiwalaan—tiyak na may kakulangan o kapasubalian (48).”

Kung tutuusin ang katumbalikang tinutukoy ni San Juan sa nobela ni Rizal ay


patuloy pa rin namang umiiral—hindi naglalaho sa kabila ng sinasabi nating pag-iral ng
kasarinlan buhat sa direktang pagsakop ng imperyalistang bansa (na noon sa panahon

8
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

ni Rizal ay ang Espanya, Pransiya, Portugal, at Inglatera) at demokrasya. Nananatili


ang hungkag na kabanalan ng ilang taga-Simbahan, partikular sa isyu ng karalitaan at
inhustisya; nananatiling salanggapang (“masama”) ang ilang mga pulitiko sa bansa; at
nananatili ang buktot na kaisipan sa hanay ng militar partikular sa pagtrato sa
inaakusahang kaaway ng demokrasya at kapayapaan ng bansa.

Nananatiling buhay ang mga karakter o tauhan sa Noli—ang mga Sisa, Crispin,
Basilio, Padre Damaso, atbp. Katunayan, nababasa natin sila sa mga peryodiko,
naririnig ang kanilang kasaysayan sa radyo, at napapanood ang kasaysayang-buhay
nila sa ating telebisyon. Nakabubungguang-balikat pa nga natin sila sa araw-araw
nating pamumuhay at pag-iral dito sa bansang may 7,107 pulo.

Kaya nga, muli tayong inaanyayahan ni Rizal at ng iba pang dakilang mga
bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan na muling magsuri, magbantay at
huwag matakot dalirutin ang nagnanaknak at nabubulok na sugat ng ating lipunan na
ang tanging panglanggas lamang ay ang ating pagkakaisa at wagas na pag-ibig sa
bayan.

Ngayong magdiriwang ng kanyang ika-150 kaarawan si Rizal, marahil marapat


lamang na sariwain ang kanyang paghahandog sa Noli, upang muli ay mapatunayan na
hindi lahat ay natutulog sa kadiliman ng gabi:

“Nátatalà sa “historia” ng mga pagdaralità ng sangcataohan ang isáng “cáncer” na


lubháng nápacasamâ, na bahagyâ na lámang másalang ay humáhapdi’t napupucaw na
roon ang lubháng makikirót na sakít. Gayón din naman, cailán mang inibig cong icáw ay
tawáguin sa guitnâ ng mga bágong “civilización”, sa hangad co cung minsang
caulayawin co ang sa iyo’y pag-aalaala, at cung minsan nama’y ng isumag co icáw sa
mga ibáng lupaín, sa towî na’y napakikita sa akin ang iyong larawang írog na may
tagláy ng gayón ding cáncer sa pamamayan.

Palibhasa’y nais co ang iyong cagalingang siyáng cagalingan co rin namán, at sa


aking paghanap ng lalong mabuting paraang sa iyo’y paggamót, gágawin co sa iyo ang
guinágawà ng mga tao sa úna sa canilang mga may sakít: caniláng itinátanghal ang
mga may sakít na iyan sa mga baitang ng sambahan, at ng bawa’t manggaling sa
pagtawag sa Dios ay sa canilá’y ihatol ang isáng cagamutan.

At sa ganitóng adhica’y pagsisicapan cong sipîing waláng anó mang


pacundangan ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng bahagui ng
cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa’t sa pagsúyò sa catotohanan ay iháhandog co

9
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

ang lahát, sampô ng pagmamahál sa sariling dangál, sa pagcá’t palibhasa’y anác mo’y
tagláy co rin namán ang iyong mga caculangán at mga carupucán ng púsò.”
(Paghahandog ni Rizal sa Pilipinas ng kanyang Noli, salin sa Tagalóg ni Pascual H.
Poblete, 1909).
Sa Ingles na salin ni Charles Derbyshire (1912):
“Oh My Fatherland:
Recorded in the history of human sufferings is a cancer of so malignant a
character that the least touch irritates it and awakens in it the sharpest pains. Thus, how
many times, when in the midst of modern civilizations I have wished to call thee before
me, now to accompany me in memories, now to compare thee with other countries,
hath thy dear image presented itself showing a social cancer like to that other!
Desiring thy welfare, which is our own, and seeking the best treatment, I will do
with thee what the ancients did with their sick, exposing them on the steps of the temple
so that every one who came to invoke the Divinity might offer them a remedy.
And to this end, I will strive to reproduce thy condition faithfully, without
discriminations; I will raise a part of the veil that covers the evil, sacrificing to truth
everything, even vanity itself, since, as thy son, I am conscious that I also suffer from
thy defects and weaknesses.”

10
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Ano Ang Saysay ni Rizal sa Kabataan Ngayon1


Cerise Crudo-Guerrero
~~~
“Tell it to your children,
And let your children tell it to their children,
And their children to the next generation.”
Joel 1:3 (Old Testament)

Sa mundo natin ngayon kung saan madaling mapaikot ang mga tao nang hindi
man lang lumalaban, nagniningning ang mga kataga ni Frantz Fanon. “Each generation
must discover its mission, fulfill it or betray it, in relative opacity.” Ang obligasyon ng
bawat henerasyon, lalung-lalo na ng mga kabataan sa mga bansang nilapastangan ng
mga buktot, ganid at walang kahabag-habag na panginoon ng kolonyalismo ay buksan
ang mata sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran, pag-aralan ang kanilang pulitika,
ekonomya at kultura at alamin ang dapat nilang gawin. Walang isa mang henerasyon
ang may karapatang magsabi na hindi nila alam ang nararapat nilang gawin para sa
ikabubuti ng bayan nila at sa ikapagbabago kahit papaano ng mundo.

Sa dinami-dami ng mga bayang nasakop dito sa mundo, ang kabataan na sa


Pilipinas na siguro ang pinakamanhid at pinakamababaw ang kaalaman pagdating sa
pagkatao nila at sa sarili nilang pananagutan sa bayan. Ang kabataang Pilipino na
siguro ang pinakakawawa dahil hindi nila namamalayan kung paano sila nalilinlang sa
mga pinapanood at binabasa nila na sa kalaunan ay nagagamit sila sa lalong pag-atras
ng bayan at buhay nila. Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay napapalaking puspusan na
binabalutan ng kalyo ang mga puso kaya hindi sila marunong makaramdam. Di lang
‘yun. Lumalaki pang may pirmihang takot. Takot sa pagbabago, takot sa paghahangad
ng marangal na pamumuhay at takot manindigan at maging iba sa kabuktutan ng
lipunan kahit na sila ay nasa katuwiran. Hindi marahil madaling intindihin ang
kalungkutan ng mga nakakaunawa sa tuwing nakikita nila ang mga kabataang Pilipino,
na kadalasan pa nga siguro ay ipinapangalandakan ang atrasado nilang kamalayan. Sa
ganoong uri ng kamalayan ay marahil wala nang pagkakaiba ang mga batang galing sa
mga paaralang eksklusibo at di eksklusibo. Tunay na nakakalungkot. Ngunit hindi natin
masasabing walang pag-asa.

Nais pag-isipin kayo ng sanaysay na ito tungkol sa kakila-kilabot na


kinahantungan ng hindi natigil na kolonyal na pag-iisip pagdating sa pagsasakatuparan
ng edukasyon ng Pilipinas simula nang ilipat ng kolonyal na pamahalaan ng mga
Amerikano sa mga Pilipino ang pamumuno nito noong 1935. Kung hindi madaling

1
Bahagyang inedit ng may-akda ang sanaysay na ito sa edisyong 2020, “for tone and coherence.”
11
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

lunukin ang puntong ito, inaanyahan ko ang bumabasa nito na magtanong sa mga mag-
aaral sa kung saan mang high school at kolehiyo sa bansa tungkol sa kung anong
pwedeng gawin na pagpaparangal nila kay Jose Rizal at sa mga kasama niyang
nagmulat sa mga mamamayan na malao’y naghangad ng kalayaan ng Pilipinas na hindi
requirement sa paaralan. At di lang yun. Patanong na rin kung ano rin ang kinalaman
ng mga ipinaglaban ng mga tinaguriang bayani sa dinadaanan nating kahirapan
ngayon. Anong sagot ang nakuha nyo?

Magpakatotoo tayo at pag-isipan natin kung papaanong nagmistulang isang


bayan tayo ng mga kabataang walang kamuwang-muwang sa mga bagay na may
halaga sa hangaring itayo ang bansa, tulad kunwari sa pag-aaral tungkol sa tinaguriang
pambansang bayani natin. Tignan natin ang isa pang sistema na malaki ang
impluwensiya sa paghubog ng isipan ng kabataan bukod sa edukasyon. Pagmasdan
natin ang mga sikat na pelikula at palabas sa telebisyon. Simula noong dekada 90s na
ata ay ilan ang mga pinapalabas ng may naiaambag sa pagtaas ng kamalayan at
kakayahang mag-isip ng mga kababayan natin, lalo na ng mga kabataan natin?
Karamihan ba sa mga napapalabas ay nagbibigay ng palatandaan ng pag-usbong ng
pagtuklas at pagtalakay ng mga bagay na makakabukas ng isip ng mga kabataan ukol
sa buhay at kapaligiran nila? Iilan naman ang nagtuturo sa mga kabataang nanonood
na manood na lang, tumawa na lang at gumaya na lang ng hindi na kailangang mag-
iisip? At sila, ang ating mga kabataan, ang unang-unang sinesentensyahan ng
malungkot na sistemang ito. Nahihirapan tayong makakita ng katapatan at kagalingan
mula sa mga ito na makakapagmulat sa kaisipan ng mga kabataan natin na habang
lumalaki sila ay pirmeng naghahanap ng puwede nilang paniwalaan tungkol sa sarili nila
at sa batis ng kanilang nakaraan. Hangga’t sumuko na lang sila dahil wala nga silang
makita. Magtataka pa ba tayo na nakakapagpalaki tayo ng mga kabataang bastos at
walang galang sa mga nakakatanda sa kanila na ang tanging hangad lamang ay ang
hindi na sana maramdaman ng mga susunod na henerasyon ang kahirapan ng buhay
na inabot nila?

Pag-isipin nating mabuti: Mayroon bang nakikinabang at kumikita sa


pagpapalaganap ng ganitong pamamalakad ng pagpapabaya sa kaisipan at damdamin
ng kabataang Pilipino? Sino at papaano? Kung kaya ganoon na lamang ang sindak na
mararamdaman ng mga ito kapag tuluyang mabulabog ang mga manhid at mga pusong
hindi na natututong mahabag at sadyang mag-apoy ang panibagong sigla na puno ng
pag-asa at sa kalaunan ay sumiklab sa buong kapuluan ang karapatang magmahal sa
sarili at sa kapwa na sadyang ipinagkait sa kanila. Sapagkat ito ang nagawa ni Jose
Rizal: ang bulabugin ang nabubulok na sistema at gisingin ang diwa at isip ng mga
kababayan niya na tila narararamdaman hanggang ngayon.

12
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Kung kaya’t dito ay nais kong ilahad ang sa nakikita ko’y kaugnayan ng mga
desisyon ni Jose Rizal nung nabuhay siya bilang kabataan ng Pilipinas noong mga
panahong paralisado ang bayan dahil sa pananaig ng takot. Nakayanan niyang
tugunan ang hamon nang siya ay ipinanganak na kayumanggi, probinsyano, Asyano, at
indio, Pilipino, na saklaw ng paghahari ng Espanya. Malalim ang pinanggalingan ng
pagnanasa ni Jose Rizal na tulungan ang mga kababayan niya na mapalaya ang
kanilang mga isip. At kung maintindihan lamang ng mga kabataan natin at ng mga
gumagabay sa kanila ang diwa ni Jose Rizal at hindi lamang tumigil sa mga panaka-
nakang nakakaaliw na katha ukol sa buhay niya, wala na sigurong iba pa tayo na
palusot na maibibigay sa pag-aambag sa pagbangon ng bayan. Kayumanggi?
Nakayanan nya. Lumaki sa kulturang hindi makatarungan? Nakayanan niya. Lumaki sa
Pilipinas? Nakayanan niya. Kung kaya’t ano pa nga ang saysay ni Jose Rizal sa mga
kabataan ngayon? Maghahandog po ako ng limang nakita kong katangian niya at taus-
puso ko pong iniimbitahan ang mambabasa na suriin at pag-isipang mabuti kung
sadyang wala na ngang kabuluhan ang patay na bayani sa buhay natin ngayon o
mayroon pa.

Una, sa pagsisikap ng mga kaibigan at ng pamilya niya ay naipadala siya


sa iba’t ibang bansa at sa halip na talikuran ang bayan at maging makasarili ay
lalo pa niyang pinatingkad ang pagmamalasakit sa kahabag-habag na katayuan
ng mga kababayan sa iniwang Pilipinas at pinaigting ang hangad na maiahon ang
bayan mula sa kadiliman ng kamangmangan at karuwagan.

Ang katangiang ito ni Jose Rizal ay hindi maikakailang weird ng mga kabataaan
natin lalung-lalo na sa naitaguyod na kultura natin ngayong na mistulang naging diyos
at sagot sa lagat ng problema ang salitang abroad. Sa panahong iyon ay marahil
kinailangan niyang maglakbay para mapalawak ang kanyang kaalaman at ito ay hindi
niya sinayang. Inaral niya ang iba’t ibang wika, sinuri niya ang kultura at progresibong
pamumuhay sa mga lugar na ito at sa lahat ng kanyang pinuntahan, dama niya ang
kirot para sa kanyang mga kababayan na sana ay mamulat na rin sa tunay nilang
kalagayan. Sa sulat niya sa kanyang kapatid na babae ay iminungkahi niya na gayahin
ang pagiging matatag ng mga “fraulein” sa Alemanya. Kahit nga ang kaugalian sa
Sparta ay nakayanan niyang maintindihan at gamiting halimbawa para sa Pilipinas. At
di n’ya kinailangang manood ng pelikulang “300” para gawin ‘yun.
Hindi nga ba nagsulat siya ng dalawang buong nobela at maraming mga sulat sa
mga minamahal niya at mga sanaysay sa “La Solidaridad” para itaguyod ang
pagbubukas ng isip ng kanyang mga kababayan? Si Rizal ay nagpakita ng sense of
urgency na kailangang tulungang imulat ang kaisipan ng mga kababayan niya at wala
siyang oras na sinasayang. Naintindihan niya na hindi siya galing sa isang mayaman at
malayang bayan kaya bakit siya magpapanggap na ganun? Dito natin makikita na ang
13
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

pagkatao at pag-unawa ni Rizal sa kung sino siya at saan siya galing ay mas malalim
pa kaysa sa mga kabataang Pilipino nating modern ngayon. Hindi nga ba na ito ay
pwedeng magsilbing hamon sa atin ngayon?

Pangalawa, nangahas ang isang probinsyanong indio at isang mababang


uri na “colonial subject” na si Jose Rizal na makalikha at makapag-edit ng mga
sanaysay na sa sobrang kasiningan at kahusayan ay hinahangaan pa rin
hanggang ngayon, bukod pa sa pambihirang pagpapamalas ng pagtanaw sa
hinaharap ng mga Pilipino nang hindi ginagamit ang internet, laptop o cellphone.

Sa katunayan, kapag nakakasalamuha ng ibang kabataang Pilipino ang mga


sanaysay niya sa labas ng paaralan, nagugulat sila sa kakaibang saysay nito kapag
napag-aralang mabuti at naaasar sila na hindi man lang ganoon ang pagkaturo sa
kanila sa paaralan. Sabi sa “Letter to the Young Women of Malolos” na ang “talaga”
(itinakda) ng Diyos ay iba sa “talaga” ng mga tao at ang nanay na kaya lang magpalaki
ng mga sipsip sa pari at duwag ay magkakaroon lang ng mga anak na sipsip at duwag
habambuhay. Sabi naman sa “The Indolence of the Filipino,” maraming kadahilanan
kung bakit naging “tamad” ang mga Pilipino at hindi raw ganito ang mga ninuno natin
bago dumating ang mga Kastila. Nagbago na lang sila dahil sa 300 taon na pagsira ng
sistemang kolonyal sa kaluluwa ng mga Pilipino. Nagawa niyang isulat lahat ‘yan at
may mga libro pa siyang ginamit para patunayan ang mga sinulat niya nang hindi man
lang siya gumagamit ng internet. Sa “The Philippines, a Century Hence,” isang
matapang na hula ang ginawa niya hinggil sa kinabukasan ng Pilipinas at sinulat niya
rito na marahil magiging interesado ang Amerika na sakupin ang Pilipinas. Walong taon
pagkatapos ng pinakahuling parte ng sanaysay na ito na lumabas sa “La Solidaridad,”
nagkatotoo nga. Paano nagawa ni Jose Rizal ‘yun kung probinsyano lang siya? Kung
indio lang siya? Kung Pilipino lamang siya? Alam ni Rizal kung sino s’ya sa mata ng
mundo at puspusan niyang hinarap ‘yun lahat at binasag niya ang lahat ng stereotype.
Pinapatunayan lang niya na hindi ipinanganak na talunan o duwag ang Pilipino. At hindi
ba kahanga-hangang matutunan yan ng mga kabataan natin tungkol rin sa kanila?

Pangatlo, sa panahong puspusan ang pamamayagpag ng pag-iisip at


patakarang kolonyal at limitado ang paggalang sa karapatan ng mga indio sa
sarili nilang bansa, nagsumikap siya na di lamang mapagbuti kundi abutin ang
kahusayan sa pag-aaral niya.

Sa kabanata ng El Fili tungkol sa paaralan ni Basilio at sa kung gaano kabulok


ang patakaran at pagtuturo doon ay makikita na natin ang bukas niyang isip pagdating
sa edukasyon. Makikita rin natin sa mga nasulat tungkol sa buhay niya na malaki ang

14
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

pagtulong ng kuya niyang si Paciano sa desisyong mag-aral sa Espanya. Nakapag-aral


siya sa Ateneo, sa UST at noong nakita nila na panahon na para lumipat ng pag-aaral
sa ibang bansa, na ang mga lugar na iyon ay di na gaanong maabot ng mga kadenang
nakakabit dito sa Pilipinas, hindi siya nag-atubiling magpasiya na subuking mag-aral sa
ibang bansa. Sa Madrid na s’ya nakatapos ng medisina at dahil sa pagkakataon na
makapag-aral, sinikap rin niya na mag-aral pa nang mag-aral. Ano ang ibig sabihin
nito? Isang Pilipino, isang probinsyano na halos matalo ang iba pang mga Kastilang
manunulat sa mga contest sa pagsulat sa Kastila. Isang indio, isang Pilipino na
nakatapos ng pag-aaral sa Europa at hindi man siya nag-aksaya ng pera o panahon sa
mga bagay na alam niyang hindi makakatulong sa kanya. At kahit na noon ay hindi
madali sa kanya ang pera. Pero nakayanan niya nang hindi nalulong sa pagbabarkada,
nang hindi nasira ang buhay sa pag-inom, sa sugal at sa babae. Matino ang kaisipan ni
Jose Rizal at kahit siya man ay dumaan sa pagiging teenager at hindi rin siya exempted
sa mga gimik, alam niya kung sino siya bilang Pilipino at alam niya na hindi niya
makakayanan ang magloko dahil may pananagutan siya kahit papaano sa bayan niya
at ang kagalingan niya, na alam niyang bigay sa kanya ng Diyos, ay hindi lang dapat
para sa kanya kundi pati na rin sa ikabubuti ng bayan niya.

Pang-apat, ginamit niya ang wika ng panginoong kolonyal at ng mga


elitista upang magtaguyod ng kaisipang mapagpalaya na nakatuon sa
paglalantad ng kabulukan ng lipunang Pilipino nang magising at maitaas ang
kamalayan ng mga kababayan niya.

Ayaw marahil ng mga namumuno dito noon na turuan ng Kastila ang mga indio
dahil siguro baka biglang makapagbasa ng mga libro, magsimulang magtanong at
mabuksan ang isip. Kabilang si Rizal sa mga ilustradong nakapag-aral at nakakabasa
at nakakasulat sa Kastila. Noong panahon na ‘yun ay tinaguriang wika ng mga elitista
ang Kastila. “Sosi”, sa madaling sabi. At hindi nga ba ganoon din ang tingin sa wikang
Ingles dito ngayon? Ngunit ang naging ugali ni Rizal ay iba sa nakakahabag na
kayabangan na makikita sa mga kabataang lumaki sa Ingles dito ngayon. Sinikap ni
Rizal na gamitin ang wikang pinaka-alam niyang gamitin sa pagsusulat ng mga libro at
sanaysay na makakatulong sa pagbukas ng isip ng kababayan niya. Sa kabilang dako,
ang mga bata ngayong marunong mag-Ingles ay tipo bang mataas ang tingin sa sarili
na akala nila ay hindi nilang katulad na tao ang mga kababayang hindi nag-Iingles dito.
At pinapagtawanan pa ang mga kababayang nagsisikap na matuto at magsalita ng
Ingles. Hindi ganyan ang pagkatao ni Rizal. Matingkad pa nga ang istorya sa kanya
nung nasa bapor siya pauwi ng Pilipinas na nakita niya na marunong siya makipag-
usap sa mga dayuhan ngunit hindi niya maintindihan ang kababayan niyang Bisaya sa
bapor. At marahil ay hindi niya pinagtawanan ang mga kababayan niyang Bisaya sa
harap ng mga kausap niyang dayuhan. Si Rizal ay nakapagsilbi at nakapagturo at
15
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

nakapagpabago ng bayan niya sa pamamagitan ng paggamit niya ng wika ng mga


elitista. At ang mga kabataan ngayong nahahangal sa kayabangan nila – para saan
nila ginagamit ang kakaibang katayuan nila sa bayan nila?

Panglima, si Jose Rizal ay isang tao na marami ring kahinaan ngunit pinag-
aralan niya kung sino siya at kung saan siya nanggaling nang hindi nakinabang
sa mga aklat na tinaguriang self-help.

Sa “Letter to the Young Women of Malolos,” napakalinaw ng mga sinabi niya


tungkol sa pagiging maka-Diyos na hindi dapat tingnan na pareho sa pagiging
relihiyoso. Ang pagiging maka-Diyos ay hindi nakikita sa pagiging sunud-sunuran.
Aniya, ang pagkakakilala kay Kristo ay hindi makikita sa paggamit ng rosaryo o
pagbibigay ng pera sa simbahan. Ang pagiging maka-Diyos ay makikita sa pagkatao,
sa pagiging marangal at sa paggawa ng tama at makatarungan. Hindi nalilito si Rizal sa
pagkakakilala niya sa Diyos. Kilala niya ang Diyos na sinasamba niya at hinihikayat
niya ang mga kababaihan sa Pilipinas na palakihin ang mga anak nilang bukas ang isip
at nagmamahal sa tama at sa katarungan.

Sa paggamit niya sa mga tauhan na gaya nina Ibarra, Elias, Tasio, Isagani,
Simoun at Padre Florentino sa Noli at El Fili, napakalinaw na ipinapakita niya na nasa
puso dapat ng bawat Pilipino ang nais na makatulong sa pagpapabuti ng bayan.
Masalimuot minsan, tulad ng kinahantungan nina Elias at Simoun kung kaya’t
kailangang magkaroon ng sapat na pang-unawa sa kadilimang bumabalot sa bayan
para malaman kung paano makikita ang liwanag. At makikita rin sa ibang tauhan ang
nananaig na pag-iisip na makasarili at pirmihang takot. Ipinakita niya sa katauhan ni
Dona Victorina at ni Señor Pasta ang kahiya-hiyang ugaling kolonyal nating mga
Pilipino. Ipinakita niya ang kapangyarihan ng lipunang corrupt sa “pagpatay” sa mga
pamilyang Pilipino, una sa pagpatay kay Crispin, sa pagkabaliw ni Sisa at sa pagiging
malamya ng paninindigan ni Basilio na tinagurian ni Simoun na kuntento na sa pagiging
alipin.

Lumaban si Rizal sa kaugaliang baluktot kahit na hirap na hirap silang lahat


noong panahon niya. Hindi niya nilisan ang bayan niya. Umalis nga siya para mag-aral
ngunit kahit nasa ibang bansa siya, wala siyang pagod na mag-aral, magsulat at
magsalita para sa ikabubuti at ikatutulong niya sa bayan niya. Sa huli, bumalik siya dito
dahil pakiwari nya nandito ang “frontline” ng pakikipaglaban. Siya na mismo ang unang
sumagot sa nilagay niyang makabagbag-damdaming tanong ni Padre Florentino
habang hawak ng pari ang malapit nang mamatay na Simoun.

16
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Sa lahat ng mga sulat, sanaysay, tula at nobela niya, ipinakikita nya na kahiya-
hiya ang panatilihin natin ang pagsamba sa mga dayuhan na wala nang itinirang
respeto para sa atin, sa kung sino tayo at sa lupang sinilangan natin na bumuhay sa
atin at sa mga magulang natin. Kung hindi natin makayanan makita ang mga sarili natin
na may karapatang mabuhay ng maginhawa at marangal sa sariling bayan, mananatili
tayong alipin dahil wala nang ibang gagawa nun para sa atin. Hindi tayo pwedeng
umasa na lang parati sa ibang bansa. Kailangang gawin natin para sa sarili natin ang
pwede nating magawa at gawin natin ng maayos. Gamitin ang talino, pagmamahal at
pagtitiyaga sa ganitong mabuti at maayos na paraan. Pag nakita ng ibang bansa na
tayo mismo ay may respeto sa mga sarili natin at ipaglalaban natin ito, makukuha na rin
natin ang respeto nila. Pero kailangan mauna tayo magkaroon ng respeto sa sarili at sa
bayan. Lahat ng ito ay naintindihan niya at tinuro niya sa atin ng walang tulong ng self-
help books.

At kung pop culture lang naman and pag-uusapan, bago pa man lumabas ang
“Spiderman,” isinabuhay na ni Rizal ang katagang “With great power comes great
responsibility.”

Sa pagbalewala natin kay Jose Rizal at sa mga kagaya niyang walang humpay
na nagsakripisyo para sa isang malayang Pilipinas at sa kapabayaan natin na lumaking
hindi marunong kumilala sa mga nauna sa kanila ang mga kabataan natin, tayo na rin
ang sumisira sa sariling kinabukasan natin. Sapagkat kapag nakayanang lasunin ang
puso at isip ng mga kabataan laban sa sarili nilang bayan, kababayan, pamana ng mga
ninuno at ng kanilang pinanggalingan, asahang wasak na ang bayan na iyon.

Nagsulat si Carmen Guerrero-Nakpil ng isang sanaysay noong ika-12 ng Hunyo


noong 1998 tungkol sa kung ano sana ang pwedeng mapatunayan ng mga Pilipino
kung sila lang ay mulat at marunong parangalan ang mga katulad nina Andres
Bonifacio, Apolinario Mabini, Emilio Aguinaldo at Jose Rizal sa pamamagitan ng muling
pagtindig ng Republika na tunay na para sa mga Pilipino, kung saan ang masa ay
mayroon halaga. Sa sanaysay, ang apat na bayani ay nanonood ng mga nakakabaliw
na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at nagkukulitan sila sa mga nagawa at hindi
nagawa ng isa’t isa. Sa huling parte ay sinabi ni Bonifacio na sana mabigyan ulit sila ng
pagkakataong magsilbi sa bayan upang sa pagkakataong ito ay magawa na nila nang
tama kung ano man ang dapat gawin. Maikli ang sagot ni Rizal ngunit malalim ang
pahiwatig ni Carmen Guerrero-Nakpil: Isang beses lang tayo pwedeng dumaan dito at
ngayong tapos na ang panahon natin at nagawa na natin ang kinailangan nating gawin,
ngayon, sila naman dahil panahon na nila.

17
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Sino ang magtuturo nito sa mga kabataan natin?

18
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Kung Buhay si Rizal Ngayon...


Jose del Rosario III
~~~
Kung buhay si Rizal ngayon?

Ito ang pamagat ng isang thread na nagsimuna noong May 16, 2008 sa
pinoyexchange.com kung saan pinagpyestahan ng followers niya ang buhay ni Pepe.
Ilan sa mga pananaw ng mga nagsipagpost sa site na ito’y nagpapakita kung gaano
kababaw ang kaalaman ng marami ukol kay Rizal at lalo na sa papel na ginampanan ng
kanyang mga katha sa pagsisiwalat ng kalupitan ng mga prayle at ng pamahalaang
Kastila na sumakop noon sa bansa.

Ayon kay SIOPAOMAN, “kung buhay si Rizal ngayon, baka nag-artista na rin
siya at nasama siya sa ABS CBN star circle batch 12.” Sa opinyon naman ni SirZap,
“since rich si Jose Rizal, malamang Conio rin sya, manlalait at mag-iinarte sa bawat
sandali ng kanyang buhay.” Maliban sa mga post sa thread na ito, may mga artikulong
nilimbag at nalathala rin online na may mababaw na argumento upang maipasok si
Rizal sa isang anggulong gustong paubrahin at iexploit ang pagiging isang epektibong
endorser ng ating pambansang bayani: “HSBC once used Jose Rizal as a product
endorser because he had written to his family regarding exchange rates and
recommended the Hong Kong Shanghai Banking Corp.” Ito ang panimulang
pangungusap sa artikulong “Rizal as OFW” ni Ambeth Ocampo sa Philippine Daily
Inquirer. Ipinasok si Rizal sa kategoryang OFW sa pamamagitan ng argumentong “The
OFW connection is quite relevant because Rizal’s letters to his family and friends reflect
homesickness, longing and self-sacrifice that many OFWs endure today.” Hindi sapat
na argumento na sabihing OFW si Rizal dahil lamang nakapagtrabaho siya at
nakapagtayo ng clinic sa D’Aguilar Street, Hong Kong noong 1982, lalo pa’t
kabaliktaran ang estado at sitwasyon ng buhay ni Rizal noon at ng mga OFW ngayon.
Nariyan pa ang artikulo ni Eddie Alinea ng Philboxing.com na “Rizal as Sportsman” at
dito ay ipinahayag niya ang pagkadismaya sa mainstream media dahil sa kawalan ng
mga write-up ukol sa buhay ni Rizal bilang manlalaro.

Nakakalungkot na sa ika-150 taong kaarawan ni Pepe ay dadagsa ang mga aklat


at mga artikulong kagaya ng mga nabanggit, lahat pawang trivial bukod pa sa mga
boring na line-for-line interpretation ng mga tula at sulatin. Nakakalimutan na ang tunay
na esensya ng kanyang buhay at kamatayan.

Sa sinulat ni León Maria Guerrero na “The First Filipino,” nagbigay ng isang


hypothetical situation tungkol sa pagbabago ng kinamulatan ni Rizal, “His [Rizal’s]

19
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

character, in a different environment, with a different experience of the world, might


have made him another Bonifacio.” Kung nabuhay si Rizal sa panahon ng ating
henerasyon, anu-ano nga ba ang mga maaari niyang kahinatnan. Upang masagot ang
tanong na ito ay dapat nating himayin ang karakter ni Pepe, ngunit hindi sapat na mag-
imbento ng mga scenario at mga kaganapang walang pinagbabatayan kaya naman
nararapat na humanap ng mga kahalintulad na istorya sa mga taong nabuhay sa ating
modernong panahon.

“One only dies once, and if one does not die well,
a good opportunity is lost
and will not present itself again.”
– Liham kay Mariano Ponce (1890)

Dahil nagmula sa hanay ng mga middle class itong si Pepe at sa talas ng


kanyang isip, hindi na kataka-taka kung sa Ateneo at University of Santo Tomas (UST)
pa rin s’ya makakapag-aral sa ating panahon. Tanyag noon pa man ang UST kung
saan kumuha ng kursong medisina si Rizal dahil sa lumalabong mata ng kanyang ina.
Dito rin niya naranasang maliitin ng mga Dominikong pari noon dahil mababa ang tingin
ng mga ito sa mga estudyanteng indio. Madalas siyang mapag-initan dahil isa sa ugali
ni Rizal ang magsiwalat ng kanyang opinyon, gaya marahil ni Mark Welson Chua isa
ring estudyante ng UST at isang opisyal ng Reserved Officer Training Corps (ROTC) at
kasapi ng intelligence monitoring team nito. Bagamat hindi isang writer si Mark,
isiniwalat niya sa The Varsitarian, ang opisyal na pahayagang pang-estudyante ng UST
ang malawakang katiwalian sa hanay ng ROTC noong 2001. Nagsampa siya ng formal
complaint sa Department of National Defense (DND). Naging batayan ang isinampang
reklamo ni Chua upang palitan ang noo’y UST-ROTC Commandant na si Major Demy
Tejares.

Noong March 15, 2001, hindi nakauwi si Mark sa kanyang pamilya, natagpuan
ang kanyang bangkay tatlong araw matapos siyang mawala sa Ilog Pasig na nakatali
ang mga kamay at binti, may busal ang bibig at nakabalot sa karpet. Ayon sa autopsy
kinakitaan ng burak mula sa Ilog Pasig si Mark sa kanyang baga, nagpapahiwatig na
buhay pa ito nang itapon ng mga dumukot sa kanya. Kumalat ang malawakang
kampanya ng mga estudyante na humihiling ng abolisyon ng ROTC noong July 2001, at
isang martsa ang inilunsad ng grupong ABOLISH sa España St., Quezon Memorial
Circle, at Monumento para sa pagpapatanggal ng ROTC.

Ang mga malawakang kampanya laban sa ROTC at sa mga sunud-sunod na


boycott ng mga ROTC cadet ay nagtulak sa 12th Congress noon para gumawa ng

20
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

dalawang panukalang batas. Ang Social Action Program (SAP) ni Bayan Muna Rep.
Liza Maza at National Service Training Program (NSTP) ni Rep. Plaridel Abaya. Ang
NSTP ay naglalayong gawing optional ang ROTC, bagay na inerekomenda rin ng noo’y
Defense Secretary Angelo Reyes kay dating Pangulong at ngayo’y Rep. Gloria
Macapagal-Arroyo.

Naging mabagal ang pag-usad ng kaso na isinampa ng pamilya ni Mark, halos


kasintagal ng pagka-exile ni Rizal sa Dapitan. Inabot ng tatlong taon bago nahuli at
nasentensyahan ang isa sa mga suspect. Si Arnulfo Aparri, Jr. ay isa sa mga suspect
sa pagpatay kay Mark na itinuro ng NBI kasama sina Michael Von Rainard Manangbao,
Eduardo Tabrilla, Paul Joseph Tan, at Patrick Christopher Cruz. Sa mga nabanggit, si
Aparri pa lamang ang nakulong at nahatulan ng parusang kamatayan noong 2004. Si
Aparri ay isang Architecture student sa UST at gaya ng iba pang suspects ay miyembro
ng tinatawag na “Golden Corps” ng UST–ROTC. Isang saksi ang nagturo sa mga ito:
nakita si Mark na nakapiring sa loob ng Department of Military Science and Tactics
(UST-DMST) at ang karpet ng nasabing opisina mismo ang ginamit upang ibalot si
Mark bago ihulog sa Ilog Pasig.

Malagim ang sinapit ni Chua sa kamay ng kapwa niya mag-aaral sa unibersidad


na pinasukan din noon ni Rizal. Kagimbal-gimbal, hindi dahil sa nagawa ng mga katulad
ni Aparri kundi dahil sa mismong institusyon na pinayaman ng kasaysayan at aral ng
Diyos ay sumibol ang ganitong uri ng karahasan. Hindi nakita at naramdaman ang unti-
unting pag-deteriorate ng moral values na dapat ay nililinang ng pinakamatandang
pamantasan sa bansa. Marahil ay may sama ng loob pa rin si Rizal sa pamantasang ito
hanggang ngayon.

“To live is to be among men, and to be among men is to struggle, a struggle not
only with them but with oneself; with their passions, but also with one’s own.”
(Liham sa kanyang pamilya mula sa Dapitan, 1884)

Gamit ang napanalunan na P6,200 sa loterya at kita sa pagsasaka sa Dapitan,


kung saan siya nanirahan sa tahanan ng komandanteng si Capt. Carnicero, ay nakabili
ng lupain si Rizal sa Talisay na kalapit ng Dapitan. Dito, nagtayo siya ng klinika kung
saan ginagamot niya ang kanyang mga pasyente. Sakay ng kanyang baroto (bangka)
ay tinatawid niya ang ilog upang manggamot sa mga naninirahan sa mga baryo ng
Dapitan mula umaga hanggang tanghali.

Hindi iba sa mga nagsasanay na mga health worker sa Morong, Rizal nang
isagawa nila ang kauna-unahang Community First Responders’ Training na

21
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

pinasimulan ng Council for Health and Development (CHD) at ng Community Medicine


Foundation (COMMED) noong Pebrero 1-7, 2010 sa resort na pagmamay-ari ni Dr.
Melecia Velmonte isang consultant sa infectious diseases sa Philippine General
Hospital at propesor sa College of Medicine ng University of the Philippines. Ito’y
kanilang pinasimulan matapos ang mga kaganapan nang manalasa ang bagyong
Pepeng at Ondoy.

Ilan sa mga tinalakay ay Basic Life Support and Basic Principles in Trauma
Management na pinasinayaan ni Dr. Alexis Montes, Pharmacology naman kay Dr. Mia-
Clamor, Nursing Skills and Techniques ni Gary Liberal, isang operating room nurse ng
Jose Reyes Memorial Medical Center at si Dr. Melecia Velmonte ay Management of
Trauma Infections on the Community Level. Nahinto ang seminar dakong 5:30 ng
umaga noong Pebrero 6, nang sapilitang pasukin ng may 100-300 miyembro ng
Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines ang resort.
Hinahanap ng arresting team ang isang Mario Condes na nakasaad sa warrant of arrest
na ginamit upang pasukin ang resort na pagmamay-ari ni Velmonte, ngunit wala sa 43
si Condes.

Apat na six-by-six trucks at isang military tank ang kasama ng militar sa pag-
aresto sa mga nasabing health worker. Pinaratangan ng militar ang 43 bilang “ranking
New People’s Army (NPA) leaders” na nagsasagawa ng isang bomb-making seminar.
Ang mga hinuling health volunteers ay ipiniit sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.

Dalawang araw matapos ilegal na arestuhin ang 43, nagsampa ng writ of


habeas corpus sa Court of Appeals (CA) ang mga kaanak ng mga biktima. Inakusahan
ng noo’y Commission on Human Rights (CHR) Chair na si Leila de Lima ang militar at
pulisya ng paglabag sa karapatang pantao ng mga inarestong health worker at
pagsasailalim sa mga ito sa tinatawag na “psychological torture.” Hindi lamang ang
Morong 43 ang nakaranas ng pananakot at psychological torture: maging ang mga
kaanak nila’y nakaranas ng harassment mula sa mga miyembro ng militar.

Ang tanging katibayan na pinanghahawakan ng militar upang idiin ang Morong


43 ay ang pagkakadiskubre ng mga acupuncture needles na trademark daw ng NPA,
bagamat maraming residente ng mga taga-Binondo ay gumagamit din nito.

Pebrero 12, 2010 nang maglabas ng kautusan ang Korte Suprema na ipakita sa
Court of Appeals ang Morong 43, pero hindi ito sinunod ng militar. Inilipat ang 38 sa
Camp Bagong Diwa sa Taguig City noong May 1, 2010. Ayon sa militar ang 5 sa mga

22
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

ito (Ellen Carandang, Cheryllyn Taoagon, Valentino Paulino, Jennyllyn Pizzaro, at John
Mark Barrientos) ay umaming mga miyembro ng NPA.

Noong Disyembre 18, 2010, pagkalipas ng mahigit sampung buwang ilegal na


pagkakabilanggo, ay saka pa lamang pinakawalan ang 38 sa mga health workers. Sa
kanilang paglaya, isinalaysay nila ang iba’t ibang pagpapahirap na dinanas habang
nakakulong sa kampo. Malayung-malayo sa buhay na naranasan ni Rizal noong 1896
nang siya ay makulong.

Hindi matatawaran ang ginawa ni Rizal nang ilapit niya sa mamamayan ng


Talisay ang kanyang husay bilang doktor na noo’y pawang mga ilustrado lamang na
kayang maglakbay sa D’Aguilar Street sa Hong Kong ang nakakatamasa nito. Pero tila
hindi na kabayanihan ang mga ginawa ni Rizal ngayon, kung ang pagbabatayan ay ang
kaisipang ginagamit ng AFP upang tukuyin ang mga “kaaway ng pamahalaan.” Ang
pagkakawang-gawa ngayon ay isa nang krimen at itinuturing na rebelde ang mga
gumagawa nito. Tila, naglaho na sa dugo ng ilang sundalo ang kawanggawa, at
pinalitan na ng kahayukan sa karahasan.

“Believing in accidents is like believing in miracles—


both presuppose that God does not know the future.”
– Jose Rizal

Tanyag si Rizal sa kanyang mga nobela, ngunit hindi lamang iba’t ibang senaryo
sa mga nobela ang kanyang sinulat. Nagsulat din siya ng mga siyentipikong pag-aaral.
Batid ng lahat na ilang species ang kanyang nadiskubre at ipinangalan sa kanya.
Pinasok niya ang gubat ng Mindanao noong naka-exile pa siya sa Dapitan kasama ng
kanyang mga estudyante. Ang mga pag-aaral, obserbasyon at mga nakolektang
specimen ay ipinapadala niya sa Europa sa Ethnographical Museum of Dresden (sa
Germany). Ang kanyang mga nakolekta at mga nadiskubre ay walang bayad, at ang
tanging kapalit nito’y mga aklat sa agham at mga instrumentong magagamit niya sa
kanyang mga pag-aaral.

Isang siyentista rin gaya ni Rizal si Dr. Leonard Co, nakapagpalimbag na ng mga
librong pinamagatang “A Manual on some Philippine Medicinal Plants,” “Common
Medicinal Plants in the Cordillera Region: A Trainor’s Manual for Community-Based
Health Programs” at “Palanan forest dynamics plot: floristic diversity and stand structure
of a lowland evergreen forest in N.E. Luzon, Philippines.” Miyembro siya ng Community
Health, Education, Services and Training in Cordillera Region (Chestcore). Isang

23
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

bulaklak ang ipinangalan sa kanya bilang pagkilala sa kanyang mga accomplishment sa


botany: ang Rafflesia leonardi na nadiskubre ni Dr. Julie Barcelona noong 2008.

Nobyembre 15, 2010, may isang linggo nang lumilibot sina Dr. Leonard Co,
Sofronio Cortez, isang forest guard, at Julius Borromeo, ang nagsisilbing guide nila
kasama pa ang dalawang kasapi ng kanilang exploration team sa kagubatan ng
Kananga, Leyte nang mapadpad sila sa lupang pagmamay-ari ng kumpanyang Energy
Development Corporation. Nung araw ring iyon ay pinaulanan sila ng bala ng mga
sundalong miyembro ng Army’s 19th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt. Col.
Federico Tutaan. Ayon sa pahayag ng militar, isang lehitimong operasyon ang
ginagawa ng mga sundalo sa lugar at inabot sa crossfire sa pagitan ng AFP at ng
diumano’y NPA ang mga biktima .

Nagtamo ng tatlong tama ng bala si Dr. Co sa kanyang likuran. Sina Cortez at


Borromeo ay nasawi rin sa insidente. Ayon sa dalawang kasama ng doktor na
nakaligtas sa insidente, sa iisang bahagi lamang ng kagubatan nanggaling ang mga
balang kumitil sa buhay ng kanilang mga kasama. Pinatunayan ito ng civilian fact-
finding mission na inilunsad ng 33 indibidwal mula sa 14 na organisasyon.

Sa inilabas na report ng Department of Justice na nagsagawa rin ng fact-finding


mission sa lugar kung saan napaslang ang tatlo, kinatigan ng DOJ ang 19th IB na
crossfire ang nangyari sa grupo ni Dr. Co.

Hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya na nakakamit ang pamilya Co at ang


pamilya ng mga kasamahan nito. Napakadali para sa militar na itago ang pagkakamali
upang mapanatili ang gumuguho nitong integridad. Si Dr. Co ay isang simpleng
mananaliksik na nagtataguyod ng pagpapahalaga sa kalikasan, tulad ni Rizal, na
nagnais palawakin ang kaalaman ng kanilang mga estudyante ukol sa siyensya. Ngunit
sa isang iglap ay nabalewala ang kanilang mga paghihirap dahil sa pagpapabaya ng
estado at ng militar nito, na ang buhay ng isang respetadong haligi ng agham ay maaari
lamang itapat sa isang kasinungalingan na walang siyentipikong basehan.

“Man works for an object.


Remove that object and you reduce him into inaction.”
- “Indolence of the Filipino,” La Solidaridad (1890)

Sa maniwala ka man o hindi, naging magsasaka ang ilustradong doktor. Sabi


niya sa kanyang sulat sa kapatid na si Lucia noong Pebrero 12, 1896, “…we cannot all
be doctors; it is necessary that there would be some to cultivate the soil.” Sa Talisay ay
24
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

nakapagpundar siya ng may 70 ektaryang lupain na tinaniman niya ito ng 6,000 abaka,
1,000 niyog, kape, cacao at iba’t ibang bungang-kahoy. Dito ay nagturo din siya sa mga
kapitbahay niyang magsasaka ng modernong pagsasaka na natutuhan niya sa kanyang
biyahe sa Europa at Estados Unidos. Sa katunayan ay nakapag-import siya ng mga
makinaryang pansaka mula sa US. Hinikayat niyang gawing moderno ang pagsasaka
sa Talisay at gamitin ang mga teknik na tulad ng paggamit ng pataba, ang rotation sa
pagsasaka sa lupa atbp.
Habang lumilipas ang panahon, lumilipas din ang mga pamamaraan sa
pagsasaka at napapalitan ng mas makabago at mas produktibong estilo. Kaya naman
patuloy pa rin ang pagtuturo ng mga katulad ni Rizal sa mga magsasaka, gaya rin ng
ginawa ni Jonas Burgos.
Nagtapos sa kursong BS Agriculture sa Benguet State University at AB
Philosophy and Letters sa San Beda College si Jonas. Naging advocacy ni Jonas ang
magturo ng makabagong pamamaraan ng pagsasaka tulad ng organic at self-sustaining
techniques. Ang kanyang natutuhan sa kolehiyo ay isinagawa niya sa kanilang 12
ektaryang lupain sa Barangay Tartaro, San Miguel sa probinsya ng Bulacan.
Ang huling pagtuturo niya ay naganap noong Abril 28, 2007 sa San Miguel,
Bulacan. Kinahapunan ng araw na iyon sa Hapag Kainan Restaurant sa Ever Gotesco
Mall sa Quezon City, isang grupo ang dumukot sa kanya. Sapilitan siyang isinakay sa
Toyota Revo na may plakang TAB 194. Nagpakilalang pulis ang mga dumampot kay
Jonas sa isang security guard na nagtangkang pumigil sa kanila. Ang sasakyan na
ginamit sa pagdukot ay natrace na naka-impound sa 56th Infantry Battalion
headquarters sa Norzagaray, Bulacan.
Ang ina ni Jonas na si Editha Burgos kasama ang iba pang kaanak ng mga
desaparecidos (mga dinukot o nawalang bigla; biktima ng enforced/involuntary
disappearance) ay naglunsad ng mga kilos-protesta at mga forum sa Pilipinas at
maging sa ibang bansa gaya ng US at UK. Nagbigay ng suporta ang iba’t ibang local at
international organizations upang kondenahin ang extrajudicial killings at enforced
disappearances ng administrasyong Arroyo at ng AFP sa pamamagitan ng Oplan
Bantay Laya I at II.
Ilang beses na ring tumanggi ang AFP sa utos ng Korte Suprema na ilitaw ang
katawan ni Jonas alinsunod sa writ of amparo na hiniling ng kanyang ina.
Hanggang sa ngayon ay nawawala pa rin si Jonas, at patuloy pa rin ang kanyang
ina sa paghahanap sa nawalay na anak. Isa lamang ang pangalan ni Jonas sa
mahabang listahan ng mga desaparecido, mga indibidwal na naghandog ng mga
serbisyong dapat sana’y ang pamahalaan ang nagbibigay. Masuwerte si Rizal na
nabuhay sa kasalukuyang panahon, dahil walang duda, mapapabilang din siya sa mga
nawawalang hinahanap ng kanilang pamilya ngayon.
25
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

“My ‘twisted spirit’ is the product of that constant vision of the moral ideal that
succumbs before the powerful reality of abuses, arbitrariness, hypocrisies,
farces, violence, perfidies and other base passions.”
- Bukas na liham kay Barrantes ukol sa Noli, nilathala sa La Solidaridad (1890)

Sa lahat ng imahe ni Rizal, ang pagiging manunulat niya ang mas naaalala ng
karamihan, lalo na ng mga Pilipino na nakabasa na ng “Noli Me Tangere” at “El
Filibusterismo.” Ibang usapin pa kung naiintindihan ang importansya at ang aral na
nilalaman ng mga ito sa kasaysayan. Sumulat din ng mga dula at tula si Rizal at mga
artikulo sa pahayagang La Solidaridad. Ang kanyang mga katha ay nakatawag-pansin
sa Espanya at ginamit upang ituring siyang filibustero ng mga Kastila.

Matapos ang mahigit 100 taon mula nang barilin si Rizal ng mga Pilipinong
guardia civil sa Bagumbayan, iniipit pa rin ang mga makata na ginagamit ang kanilang
panulat upang igiit ang mga karapatang ipinagkakait sa sambayanan, gaya ng makata
na si Ericson Acosta.

Isang manunulat noon sa The Philippine Collegian, opisyal na pahayagang pang-


estudyante ng University of the Philippines, sumulat din siya ng isang dulang
pinamagatang “Monumento.” Samantala ang “Walang Kalabaw sa Cubao” at “And So
Your Poetry Must” ay ilan lamang sa mga sinulat niyang tula habang ang “Haranang
Bayan” at “Magsasama, Magkasama” ay mga orihinal na awit na kanyang isinulat
noong nag-aaral pa lamang siya sa Unibersidad ng Pilipinas (UP).

Isa nang freelance journalist si Ericson noong Pebrero 13, 2011 nang siya’y
arestuhin ng mga miyembro ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army dahil sa
pagdadala niya ng laptop sa San Jorge, isang liblib na bayan ng Samar. Pasakay na
sana si Acosta sa pump boat na maghahatid sa kanya pabalik, matapos ang serye ng
pananaliksik ukol sa gutom, malnutrisyon at militarisasyon sa mga baryo ng Bay-ang,
Catbalogan, San Jose de Buan, Motiong at Jiabong, nang harangin sila ng mga sundalo
at isailalim sa inspeksyon ang kanyang gamit. Dahil sa kanyang dalang laptop na noo’y
wala nang baterya at dahil sa hindi sanay makipag-usap ng Waray, agad na bumuo ng
konklusyon ang mga sundalo na NPA si Ericson. May 40 oras na hindi pinatulog si
Acosta habang sapilitang pinapaamin na miyembro siya ng NPA. Kinumpiska ang
kanyang gamit at nagpalabas ng granada upang gamiting ebidensya laban sa kanya.
Siya ay nakapiit pa rin sa isang sub-provincial jail sa Samar.

Tulad ni Rizal, patuloy pa rin sa pagsulat si Ericson sa loob ng bilangguan, isang


blog ang kanyang binuksan sa tulong ng mga kaibigan at mga human rights group na

26
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

patuloy na sumusuporta at humihiling ng kanyang kalayaan. Sa “Jailhouse Blog Ericson


Acosta’s Prison Diary” (http://acostaprisondiary.blogspot.com) patuloy niyang inilalahad
ang mga karanasan ng Region VIII sa kamay ng militar at sa ilalim ng Oplan Bayanihan
ng pamahalaang Aquino. Sa kanyang entry noong May 25, 2011, sinabi niya na ”Ang
pakikipagsabwatan sa pasismo* ay malayung-malayo sa katalinuhan.” Isang
katotohanang dapat matutuhan ng kasalukuyang pamahalaan.

“Filipinos don’t realize that victory is the child of struggle, that joy blossoms from
suffering, and redemption is a product of sacrifice.”
- “Como se gobiernan las Filipinas”
(“How one governs in the Philippines”), 15 Disyembre 1890

(*Ang pasismo o fascism ay tumutukoy sa ideolohiya ng paggamit ng dahas ng estado


laban sa mga mamamayan).)

Siguradong maraming magsasabing ang sanaysay na ito ay hindi katanggap-


tanggap at produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng may-akda. Tama. Dahil si
Rizal ay isa na lamang pangalan at wala nang kabuluhan sa panahong ito. Ano ang silbi
ng isang martir na ang tingin ng sambayanan ay isa lamang pangalan na maaaring
gamitin upang i-endorse ang kanilang akda, kalye, tindahan o produkto. Isang nag-
iinarteng coño o artistang kasapi ng Star Circle Batch 12 o di kaya’y isang eskrimador
na dalubhasa sa judo at OFW na madalas mahomesick.

Nakalimutan na ng marami ang kanyang halaga, tulad ng piso kung saan


nakaukit ang kanyang mukha at pangalan, pisong wala na halos mabili at patuloy na
bumubulusok pababa. Wala na ang bayani, wala na ang intelektwal, ang magsasaka,
ang doktor, ang guro at ang makata. Kasama niyang pumanaw ang kanyang mga salita
at mga gawa. Kaya patuloy ang paghahanap ng marami sa isang “Rizal” na maaaring
mabuhay sa kasalukuyan, hinahanap kung saan siya maaaring makita at bumagay sa
takbo ng modernong panahon. Hindi nila nakikitang si Rizal ay buhay sa mga taong
gumagampan ng kanyang mga dakilang adhikain.

Wala sa kaarawan ni Rizal ang kanyang kadakilaan, ito’y nasa kanyang


kamatayan.

“I wish to show those who deny us patriotism that we know how to die for our
country and convictions.”
- Jose Rizal (nakaukit sa pader ng Fort Santiago)

27
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Si Rizal at ang Wika ng Malalansang Isda


Jose Del Rosario III
~~~
…as long as a people keeps its own language, it keeps a pledge of liberty, just as
a man is free as long as he can think for himself.
Language is a people’s way of thinking.”
- J. Rizal, El Filibusterismo

Mula pagkabata ay pilit na pinapamaster sa atin ang wikang Ingles. Naaalala ko


pa na laging pinapabasa ang “Boomer and Kitty” sa akin noon, pinapakanta ang
“Twinkle, Twinkle Little Star,” “London Bridge” at “I Have Two Hands.” Sa Math, apple
ang ginagamit sa addition o subtraction. Napagtanto ko kalaunan, bakit hindi na lang
atis?

Ang Pilipinas ay may 120-175 na dialekto pero mas laganap sa bansa ang
wikang Ingles. Katunayan upang magkaintindihan ang mga kongresista sa plenaryo ay
Ingles ang kanilang ginagamit upang magbigay ng opinyon sa kanilang privilege
speech, na sa aktwal ay binabasa lang at ang sumulat ay ang kani-kanilang staff. Ang
kahusayan natin sa Ingles ay mas mataas pa kaysa sa mga G.I. Joe (ang tawag sa
mga Kano noong early 90s), dahil bukod sa kaya nating sambitin at makipagtalastasan
sa wika ng banyaga, kaya rin nating ito ispell na isa sa mga kahinaan ng mga Kano.
Binili ng mga Amerikano ang Pilipinas sa mga Kastila sa pamamagitan ng Treaty of
Paris noong Disyembre 12, 1898, kung saan ay nagbayad ng $20,000,000 ang mga
anak ni Uncle Sam sa mga Kastila. Ibig sabihin, hindi totoong nagkaroon ng
independence ang Pilipinas, kaya balewala ang Centennial Celebration noong 1998.
Ang kanilang pananakop ay hindi lang dinaan sa dahas kundi maging sa pagpapalit ng
wika. Nais kasi ng mga Kanong burahin ang impluwensya ng Kastila sa bago nilang
kolonya. Batay na rin sa pahayag ni Epifanio San Juan, Jr. isang guro at manunulat: “Its
conquest of hegemony or consensual rule was literally accomplished through the
deployment of English as the official medium of business, schooling and government.
This pedagogical strategy was designed to cultivate an intelligentsia, a middle stratum
divorced from its roots in the plebian masses, who would service the ideological
apparatus of Anglo-Saxon supremacy. Americanization was mediated through English,
sanctioned as the language of prestige and aspiration.”

Hinubog ng Amerika ang bansa sa kanilang imahe. Ang Saligang Batas ay naka-
pattern sa konstitusyon ng US, pero siyempre may konting dagdag. Isang example ay
ang inagurasyon ni Pangulong Manuel L. Quezon, kung saan ang kanyang panunumpa
ay sa wikang Ingles. Ito ang kanyang sinabi sa oath taking “I, Manuel Luis Quezon, do
28
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

solemnly swear that I will faithfully and conscientiously fulfill my duties as President of
the Philippines... and I hereby declare that I recognize and accept the supreme authority
of the United States of America in the Philippines, and will maintain true faith and
allegiance thereto; So help me God.” Nobyembre 15, 1935 nang mailabas ang kanyang
Executive Order No.1 na may pamagat na “Requiring All Officials and the Armed Forces
of the Government to Take an Oath of Loyalty to the Constitution and Allegiance to the
United States.” Ang panunumpa ay kapareho ng oath na ginamit ni Quezon sa kanyang
inagurasyon. Ang tawag noon dito ay ang Common Wealth. Sa ilalim nito pina-igting ng
mga Kano ang pagkontrol sa bansa. Sa katunayan si Gen. Douglas McArthur ang
bumalangkas ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1935, at nang magretiro siya
sa US noong 1937 ay agad siyang kinuha ni Quezon para maging field marshall.
Hinubog din nila ang sistema ng edukasyon at pinalitan ang wikang ginagamit sa mga
paaralan. Noon ay 60% ng mga Pilipino ay Kastila ang ginagamit na salita sa
pakikipagtalastasan at maging sa pagtuturo sa paaralan.

Kasabay ng A for apple, B for ball ay itinuro din ng mga Amerikanong sundalo,
na makalaunan ay naging mga guro sa mga batang Pilipino na ang US ay isang
“paradise” at lahat ng mga nagmumula rito ay magaganda, maiinam, at para sa
ikabubuti ng mga Pilipino. Malaunan ay naimplwensyahan na tayo ng mga Kanong
yakapin ang kanilang kultura, mula sa pananamit, sa mga awitin sa radyo (1924 ang
unang radio station sa bansa na tinayo ni Henry Hermann ang KZKZ at Ingles ang
ginagamit ng kanilang mga announcer), tema ng pelikula (“Honey, Honeymoon” nina
Amalia Fuentes at Romeo Vasquez noong 1967, at ilan sa mga pelikula ni Gloria
Romero tulad ng “Madame X” noong 1952, “Hootsy Kootsy noong 1955, “Hongkong
Holiday” noong 1957, at “Eternally” noong 1957). Unti-unting naglaho ang
pagkakakilanlan ng mga Pilipino, isa sa mga patunay ay nang tawagin tayo noong mga
“brown Americans.”
“While a people preserves its language; it preserves the marks of liberty.”
Sa ilalim ng Commonwealth noong Enero taong 1937, binuo ang Surian ng
Wikang Pambansa na ang pangunahing trabaho ay bumalangkas ng isang wikang
pambansa. Nobyembre 1937 nang ideklara ng Surian na Tagalog ang batayan ng
wikang pambansa. Hunyo 1940 ay ipinag-utos na ang wikang pambansa ay maging
isang subject o asignatura sa pagtuturo sa mga paaralan. Taong 1955 naman nang
ideklara ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Agosto 13-17 bilang Linggo ng Wika.
Makalipas ang may 40 taon, ideneklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos noong
1997 ang Agosto bilang “Buwan ng Wika.”

29
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Sa kabila ng mga deklarasyong ito, namanyani pa rin ang wika ng mga puti sa
bayan ng mga kayumanggi. Ang mga korte hanggang sa ngayon ay Ingles ang
ginagamit sa mga pagdinig, sa Kongreso at Senado ay ingles din ang gamit, kahit ang
mga batas na isinusulat ay sa ingles pa rin. Pero nang imungkahi ng artista na ngayon
ay Senador Lito Lapid na gamitin ang wikang pambansa sa pagsulat ng mga batas
noong 2004, batikos at panlalait ang tinamo niya sa mga taong may mataas na pinag-
aralan.

Ang mga paaralan na s’yang lumilinang sa kahusayan ng mga mag-aaral ay


Ingles din ang ginagamit bilang “primary medium” sa pagtuturo. Sa Executive Order No.
210 na nilagdaan noong 2003 ni Gloria Arroyo, sinasabi na “There is a need to develop
the aptitude, competence and proficiency of our students in the English language to
maintain and improve their competitive edge in emerging and fast-growing local and
international industries, particularly in the area of information and communications
technology.”

Ang tinutukoy ni GMA ay ang patuloy na pagbenta ng labor force ng bansa. Ang
Pilipinas ay may import-dependent and export-oriented na ekonomya. Ibig sabihin,
nakadepende tayo sa mga produktong banyaga (at kung may malikha man tayong
produkto ay para sa mga dayuhan naman ito) at sa katunayan ay mas tinatangkilik natin
ito kaysa sa mga produktong lokal.

Isa pang dahilan ay ang kawalan ng industriya sa bansa, kahit pako at aspile ay
inaangkat natin. Katunayan, ang nakatatak sa mga banig ng aspile ay “Made in Taiwan”
kung hindi man “Made in China.” Isa pang example nito ay ang pag-aangkat natin ng
bigas sa Vietnam at mga karatig -bansa gayong tayo mismo ang nagtrain sa kanila
kung paano maging self-sustaining ang kanilang mga ani sa pamamagitan ng
International Rice Research Institute (IRRI) na katuwang ang University of the
Philippines-Los Baños. Halos ipamigay naman natin ang ating mga likas na yaman sa
mga banyaga at isa na rito ay ang labor force sa pamamagitan ng mga Overseas
Filipino Workers. Mas tinututukan ng ating education system ang ating proficiency sa
pag-i-Ingles, o kung hindi man ay technical skills, kaysa sa mga asignatura na
maglilinang sa ating kakayahan bilang propesyonal at magpapaunlad sa sariling bansa.
Isang patunay ay ang ipinapayo ng Commission on Higher Education o CHED na
kumuha na lamang ng mga vocational course sa Technical Education and Skills
Development Authority o TESDA kaysa mag-aral ng mga engineering at nursing o
medical courses. Mas in-demand daw kasi ang mga ito, bukod pa sa katotohanan na
call center din naman ang kinababagsakan ng karamihan sa mga college graduate
pagkatapos ng ilang taong pag-aaral sa mga English-oriented schools. Dahil wala
namang trabaho na makukuha rito sa Pilipinas na angkop sa kanilang pinag-aralan.
30
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Kaya ang mga doktor dito ay nag-aaral pa ulit ng nursing upang makapagabroad ang
mga architect at engineer naman ay nagiging AutoCAD operators sa ibang bansa.
Kalaunan ay doon na sila naninirahan at binibitiwan ang kanilang pagkakakilanlan
bilang Pilipino upang yakapin ang green card at matawag silang American citizens.

Ang mga estudyanteng hindi kayang mag-abroad ay pumapasok naman sa mga


call center. Magandang pakinggan na matawag na agent, pero hindi gaya ni James
Bond na nakakapag-martini na “shaken not stirred” at naka-BMW pa, ang mga call
center agent ay nakapako sa 12 o higit pang oras sa trabaho upang bentahan ang mga
Kano ng kung anu-anong serbisyo o produkto. Sa trabahong ito, hindi lang ang
kahusayan sa Ingles ang puhunan kundi pati ang “accent” sa pagsasalita, dahil bawal
aminin sa banyagang kausap na Pilipino ka. Sa uri ng trabahong itinatakwil ang sariling
pagkakakilanlan, si Maria ay nagtatago sa pangalang Chloe at si Juan ay sa pangalang
Kurt. Ngunit bukod sa pagbabalat-kayo, kailangan din ang mahaba-mahabang rolyo ng
pisi dahil bagamat sinasabing P18,000 ang starting pay ay karaniwang gimmick lamang
ito ng ilang kumpanya upang mapasok ka sa ganitong trabaho.

Tuluyan nang natabunan ang wikang pambansa sa bansa ni Rizal, pero dahil sa
wala tayong pagkakakilanlan kundi bilang mga dating brown American, patuloy naman
sa pag-evolve ang wika kahit hindi sinasadya. Ayon kay Marshal McLuhan “As
technology advances, it reverses the characteristics of every situation again and again.”
Patuloy na sumusulong ang teknolohiya at hindi tayo nagpapahuli sa usong celphone at
mga gadget. Ngunit dahil din dito ay lumilikha ito ng bagong lenggwahe kung saan hindi
lamang nakakulong sa screen ng cellphone kundi sa pagsasalita’t pagsulat din ng
Pinoy.

“d2 n me wer n u?”

Nakuha natin ito sa ating mga ninuno na kung saan ay hindi kailangang lapatan
ng patinig (vowels) ang mga katinig (consonants) upang mabasa ang mga teksto na
nakaukit sa kawayan, kaya likas sa ating mabasa ang mga salitang kahalintulad sa text
messaging. Tayo na rin ang itinuturing na text capital of the world marahil hindi lamang
sa mas maraming nag-te-text kaysa tumatawag sa mga cellphone kundi tayo lang din
ang bansang may text lingo.

Tinatawag na jejemon ang pagsulat sa cellphone kung saan hinahalo ang mga
numero at letra upang bumuo ng isang salitang kakaiba ang hitsura (hal. i <3 u na ibig
ipahiwatig ay ingles na mensaheng i heart/love you) ngunit madali (kadalasan hindi)
maintindihan. Dahil mas madaling pindutin ang 533533 bilang “jeje” kaysa 44334433
upang isulat ang salitang “hehe” dito nagsimulang sumibol ang ganitong lenggwahe
31
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

dahil sa pagtitipid sa oras at para ma-maximize din ang bilang ng mga character sa text
dahil di pa noon uso ang unli. Sumunod naman ang paglalagay ng “h” sa pangalan sa
pagitan ng katinig at patinig (hal. Bhaby o Jhoy), ganun din sa “po” (poh). Kung dati ay
para lamang paikliin ang mga salita ito’y nag-evolve upang ipakita sa iyong kausap
kung ano ang kasarian mo. “Karamihan kasi ng mga naglalagay ng “h” ay mga
kababaihan o mga Ebang nakakulong sa katawan ni Adan.

Kung tutuusin, praktikalidad lang naman talaga ang dahilan ngunit na wala sa
kontrol nang makisakay ang media. Ginamit sa mga pelikula, commercial, pahayagan at
maging sa musika, at dahil kapag nasa TV ay nangangahulugang uso, kumalat ito sa
buong kapuluan. Nakakaapekto na ito dahil dumadami na ang nahihirapan sa spelling
ng mga salita maging ito’y Ingles man o Tagalog, at kung hindi mo na maalala kung “I”
o “E” ang mauuna sa “receive” at “believe.” O kung ilan ang “M” sa “community” at “R”
nga ba ang doble sa “tomorrow” malamang sa malamang, isa ka sa mga may
problema.

Pero bukod sa pagsulat naging batayan din ang text lingo upang ipanganak ang
isang tribo ng mga Pilipino na nakabase sa siyudad, ito ang mga coño. Malamang
itanggi ng mga coño ang kanilang relasyon sa mga jejemon dahil sa pagiging “sosyal”
ng mga ito taliwas sa mga “jologs” nilang counterparts. Dahil sa elitistang sumusunod
sa uso at ginagamit ang billis ng pag-unlad ng teknolohiya upang gawing accessories
ito (tulad ng celphone, ifone, ipad at kahit ang mga DSLR na camera na naglambitin sa
leeg.) ginamit nila ang sistema ng pagpapa-ikli ng mga pahayag sa paghahalo ng
English at Tagalog o mas kilala bilang Taglish. Isa sa mahusay na endorser nito ay ang
kapatid ng pangulo ngayon na si Kris. Ang kanyang mga pahayag ay paulit-ulit na
ginagaya sa kagustuhan ng marami na maging katulad niya. Ang salitang “Tama” (na
ang ibig sabihin ay nasa matuwid) ngayon ay nagiging “Tomo” na, binibigyan ng bagong
bihis ang wika upang ihiwalay ang sarili sa masa at itaas ang antas ng kanyang uri sa
mga kinikilalang mas mababa sa kanya. Diskriminasyon ang tawag dito. At itinuturo na
rin ito sa mga bata, ang mga musmos ay pilit na tinuturuan ng mga magulang sa wikang
coño (hal. “Don’t touch sabi nang it’s dirty e!” o di kaya “Eat your food na!”) at
dumarami na ang bilang ng mga estudyante ang hindi marunong magsalita ng Filipino.

Madaling makilala ang mga ito lalo pa’t sa pagitan ng kanilang mga
pangungusap ay kaakibat ang salitang “uhm” na equivalent sa “ano” o “kwan” sa wikang
Filipino. Mas sinasambit ang salitang “Oh my God!” o “OMG” kaysa “Diyos ko po,”
gayundin sa “Ouch” na dapat sana ay “Aray!”

32
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Sa paghahati ng uri bunsod ng lumalalang diskriminasyon, may isa pang uri ng


lenggwahe ang isinilang. Madalas itong marinig sa mga parlor at mga gay bar,
sinasalita ng mga miyembro ng Third Sex: ang gay lingo. Halos lahat ay narinig na ang
salitang chuva pero hindi naiintindihan ang ibig ipakahulugan nito. Dahil hindi naman
talaga ito nilikha para sa karamihan. Ang diskriminasyon sa mga miyembro ng Third
Sex ang nagpasimula nito, upang magkaroon ng pagkakakilanlan sa mapanghusgang
lipunan. Dahil sa likas tayong usisero at usisera patuloy tayong namamangha sa mga
salitang ito. Ngunit hindi gaya ng pag-evolve ng wikang pambansa mas mabilis ang
pagbabago nito, kaya ang mga salitang ginagamit nila ay patuloy sa pagbabago.

Nakakapangambang isipin na ang diskriminasyon sa mga uri ay s’ya ring


pumapatay sa pagkakakilanlan natin bilang Pilipino. Kaya halos ugatin natin ang
pinagmulan ng mga sikat na banyagang personalidad gaya nila Vanessa Hudgens, Rob
Schneider, Thia Megia na may dugong Pilipino at maging ang simpleng pagiging dating
“nanny” ni Araceli “Lillie” Piccio kay Prince William ay hindi pinalampas. Di na kataka-
taka kung sa hinaharap ay pati si Obama at J.K. Rowling ay hanapan na rin ng dugong
Pilipino. Dahil marahil desperado tayong makahanap ng imaheng maaari nating
sabihing “kabilang sila sa atin,” pero ang totoo gusto nating ipahiwatig ay “kabilang kami
sa kanila.”

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa


paroroonan.”
- Jose Rizal

Paano ba mahalin ang sariling wika. Kinakailangan bang salitain ito nang walang
mintis? Kahit si Rizal na mismong sumulat ng walang kamatayang salawikaing “ang
hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda” ay isinulat ang
karamihan sa kanyang mga katha sa wikang Kastila. Hindi ba’t napakalaking
kahipokrituhan naman ito kung tutuusin. O baka naman hindi lang natin lubusang
nauunawaan ang kasaysayan natin. Ang wikang Kastila sa panahon ni Rizal ang ating
pambansang wika noon, at sinasalita ng mayorya. Bagamat naisulat ang mga
mahahalagang akda ni Rizal sa banyagang wika, ito’y upang upang ipabatid din sa mga
mananakop ang kanyang opinyon at hindi lamang sa ating mga Pilipino.

Sa panahong ito kung saan ay ating niyayakap ang ideyang maka-Kanluran,


nakakalimutan na nating tingnan ang pagsikat ng araw sa Silangan dahil abala tayo
masyado sa ilalabas na modelo ng iPad, o Mac Book sa Kanluran. Ang punto lang
naman ay simple, para pahalagahan ang sariling wika ay dapat munang pahalagahan
ang sariling bayan, isulong ang interes nito ang nga sambayanang bumubuo rito.

33
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Sa ngayon, masasabi pa ba natin na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan…”


Marahil tama nga si Rizal sa kanyang pahayag sa El Filibusterismo. Dahil sa nakikita
nating takbo ng lipunan, hindi pa rin tayo lumalaya, walang kakayanan tumayo sa
sariling mga paa, gaya ng mga isdang nagpupumiglas sa dalampasigang napag-iwanan
na ng agos ng panahon.

34
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Buod ng Noli Me Tangere at Ang Kahalagahan ng Pag-aaral Nito


Joel Costa Malabanan
~~~
Ngayon ay panahon na ng internet, mp3, mp4, i-pod at iba pang makabagong
teknolohiya, may kabuluhan pa ba ang pag-aaral ng mga akda ni Rizal partikular ang
“Noli Me Tangere”? Magagamit ba ang mga kaalaman dito sa pag-aaral sa
kolehiyo? Sa pagtatrabaho sa call center o kapag nag-abroad ka na?

Mula sa Kabanata 20, Talata 17 ng Ebanghelyo ni San Juan sa Bibliya ang


pamagat na “Noli Me Tangere” na ang ibig sabihin ay “huwag mo akong hawakan” o
“huwag mo akong salingin” na binanggit ni Kristo kay Magdalena matapos ang muli
niyang pagkabuhay pagkalipas ng tatlong araw. Sa bersyon ng “Noli Me Tangere” nina
Domingo De Guzman at Maria Odulio de Guzman na nalathala noong 1949, binanggit
nila ang tinutukoy ni Rizal ay ang panlipunang kanser na kumakatawan sa katiwalian at
pagmamalabis ng mga prayle at pamahalaang Kastila.

Ang akda ay umiikot sa pag-iibigan nina Juan Crisostomo Ibarra na isang


mestisong Español-Pilipino at ni Maria Clara na anak ng isang pari (Padre Damaso) sa
isang Pilipina (Pia Alba). Namatay sa bilangguan si Don Rafael Ibarra na ama ni
Crisotomo Ibarra matapos na pagbintangang kaaway ng simbahan (erehe) at kalaban
ng pamahalaan (pilibustero). Lihim ang pagkatao ni Maria Clara ngunit natuklasan ito
ng paring pumalit kay Padre Damaso bilang kura paroko ng San Diego na si Padre
Bernardo Salvi sa pamamagitan ng sulat ni Pia Alba na naiwan ni P. Damaso sa
kanyang higaan. Lingid sa kaalaman ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara ay may lihim
na pagnanasa si P. Salvi kay Maria Clara.

Si Pilosopo Tasyo na tagapayo ni Crisostomo Ibarra ay itinuturing ng marami na


baliw dahil sa kakaiba niyang mga kaisipan. Siya ang simbolo ng protesta ni Rizal sa
simbahan. Sina Doña Victorina at Doña Consolacion ang larawan ng mga indiong may
kaisipang kolonyal. Si Kapitan Tiago (kinikilalang ama ni Maria Clara at asawa ni Pia
Alba) at si Don Filipo ang mga papet na indio ng istruktura ng lipunang binuo ng mga
Kastila sa Pilipinas. Sina Basilio at Crispin ang salamin ng pagsasamantala sa mga
kabataan at ang ina nilang si Sisa ay nabaliw dahil sa kahirapan at kawalang
katarungan.

Ngunit ang isa sa pinakamahalagang tauhan ng nobela ay si Elias na unang


nailigtas ni Crisostomo Ibarra mula sa pangil ng buwaya sa ilog. Nailigtas din naman ni
Elias si Crisostomo Ibarra mula sa pagtatangka sa kanyang buhay ng taong madilaw
(na inutusan ni Padre Salvi) sa inagurasyon ng paaralang ipinatayo ni Ibarra. Mahalaga
35
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

si Elias sapagkat higit siyang maprinsipyo at makabayan kumpara kay Crisostomo


Ibarra. Ang pinakamahalagang habilin ni Rizal sa mga kabataan ay binigkas ni Elias sa
kabanata 63 na nagsasaad na “Mamamatay akong di man lang nakita ang
maningning na pagbubukang-liwayway sa aking Inang Bayan! Kayong makakikita,
batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nasawi sa dilim ng gabi!” Samakatuwid,
bahagi ng pag-aaral ng Noli Me Tangere sa kasalukuyang panahon ang pagtatangka
nating kilalanin ang mga nasawi sa dilim ng gabi — ang ating mga bayani.

Hindi masyadong napapansin sa nobela si Kapitan Pablo na pinuno ng mga


tulisan. Mas lalong hindi kilala si Salome na kasintahan ni Elias at ang kuwento ay hindi
napasama sa nobela. Sila ang mga simbolismo ng mga hindi kilalang personalidad sa
kasaysayan ng ating lahi.

Sa isang pag-aaklas na ang utak ay si P. Salvi, nadamay si Crisostomo Ibarra


dahil sa panggagaya ng pari sa kanyang penmanship mula sa sulat na ibinigay niya kay
Maria Clara. Ang sulat ni Ibarra kay Maria Clara ay nakuha ni P. Salvi kapalit ng sulat ni
Pia Alba kay P. Damaso na napasakamay ni P. Salvi. Si Elias, sa kabila ng pagkatuklas
sa katotohanang ang ninuno ni Crisostomo Ibarra na si Don Pedro Eibarramendia ang
hinahanap niyang dahilan ng pagkaapi ng kanyang angkan ay nagawang itakas si
Crisostomo Ibarra mula sa kulungan. Sa pamamaril sa lawa ay inakala ng mga guardia
civil na patay na si Crisostomo Ibarra.

Sa paniniwalang patay na si Crisostomo Ibarra ay ipinasya ni Maria Clara na


pumasok sa Kumbento ng Santa Clara para magmadre.

Hindi niya batid na may mataas na katungkulan si P. Salvi sa nasabing kumbento na


siyang bitag ng kanyang pagkapariwara. Bitin ang wakas ng nobela sapagkat itinuloy ito
ni Rizal sa “El Filibusterismo” kung saan nagbalik si Crisostomo Ibarra bilang si
Simoun upang maghiganti.

Ano ngayon ang mapapala ng mga estudyante sa pag-aaral ng “Noli Me


Tangere”?

1. Ang kanser na tinalakay ni Rizal sa nobela ay umiiral pa rin sa kasalukuyan.


Wala na ngang mga paring mapang-abuso ngunit nariyan naman ang ibang mga
nanunungkulan sa gobyerno na ginagamit ang kanilang posisyon sa pagpapayaman at
pagsasamantala. Nariyan din ang mga dayuhang negosyante na kumukontrol sa ating
ekonomiya at nagmamaya-ari ng ating mga likas-yaman. Umiiral pa rin sa kasalukuyan
ang mga Pia Alba, Maria Clara at Sisa sa katauhan ng mga babaeng biktima ng pang-

36
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

aabuso. Marami pa ring Elias at Kapitan Pablo na humihingi ng katarungan. Ginigising


ng “Noli Me Tangere” ang kasalukuyang henerasyon ng kabataang ipinaghehele ng
kanilang i-pod at mp3 habang maraming aktibista ang dinudukot, may mga
mamamahayag na pinapatay, dinedemolis ang mga iskwater at maraming kababayan
natin ang namamatay sa gutom.

2. Noong panahon ng mga Kastila, Spanish ang universal language sapagkat


mga Kastila ang naghahari sa mundo. Ngayon naman ay English ang gamit sa
paaralan, sa kalakalan at sa teknolohiya dahil America at Britain ang makapangyarihan
sa mundo. Ngunit pansamantala rin lamang ang paghahari nila. Kung tutuusin, dapat ay
mag-aral rin tayo ng Niponggo, French, Italian Chinese at Korean kung gusto nating
maging globally competitive. Itinuturo ng “Noli Me Tangere” na walang permanente. Ang
dating makapangyarihang mag-amang si Don Rafael Ibarra at Crisostomo Ibarra ay
nabilanggo at naghirap sa kabilang kanilang kabutihan. Ang kapanyarihan ni P.
Damaso ay nagwakas at walang nagawa para iligtas si Maria Clara sa kahayukan ni P.
Salvi.

Walang permanente sa mundo at ang tumpak pa rin ang konsepto ni Charles


Darwin ng “matira ang matibay.”

3. Ang mga aral na Pilosopo Tasyo tulad ng “paghalik sa kamay ng kaaway at


pag-iwas sa punglo” (para kay Ibarra), at “pagbibitiw sa tungkulin kung ito ay
karangalan sa halip na pasanin” (para kay Don Filipo) ay angkop pa rin sa kasalukuyan.
Marami sa kasalukuyan ang sumasagupa sa punglo at nagpapadalus-dalos sa
desisyon sapagkat nangingibabaw ang emosyon kaysa sa rason kaya nagkakamali.
Marami ring mga opisyal (ng klase, ng paaralan, o ng bayan) ang naturingang may
posisyon ngunit dekorasyon at karangalan lamang–walang pagkilos para magsilbi. Ang
mga aral ni Pilosopo Tasyo ay kapaki-pakinabang pa rin kung uunawain sa
kasalukuyan. Hindi pa kasama rito ang mga bagay na may kaugnayan sa relihiyon.

4. Ang pag-iibigan nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay matapat at wagas.


Ganoon din ang pagmamahal ni Salome kay Elias. Dakila ang pagiging ina ni Sisa sa
kabila ng kanyang pagkabaliw. Ang Kapitan Heneral sa nobela ay matapat sa tungkulin.
Si Elias, Kapitan Pablo at si Tarsilo ay nagpakita ng katapangan at katatagan ng mga
Pilipino. Si Pilosopo Tasyo ay nagpakita ng katalinuhang higit sa itinuturo ng paaralan.
Ang mga katangiang nabanggit ay mainam na tularan ng kasalukuyang henerasyon ng
kabataan, maging OFW man sila sa hinaharap.

37
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

5. Maaaring ang mga nilalaman ng Noli Me Tangere ay hindi kongkretong


magagamit sa kurso ng Engineering, Accountancy o Nursing sa kolehiyo at kahit sa
pagtatrabaho sa call center. Ngunit kung seseryosohin lamang ng mga estudyante ang
pagsusuri sa nobela, at kung tunay na mahusay ang gurong nagtuturo ng Filipino, ang
mga aral na taglay ng nobela ay makatutulong sa pagsusuri sa ating lipunan sa
kasalukuyan na gabay naman sa makatwiran nating pagkilos. Ang pagtatangkang
pukawin ang ating nasyonalismo, ang pagmamalasakit sa kapwa, ang pagiging
matalino sa pakikisalamuha at ang pagtuklas sa mapagpalayang relihiyon ay mga
bagay na kailangang-kailangan ng ating lahi sa panahong ito ng globalisasyon.

Sa kasalukuyang panahon, ang ating lahi ay nasa proseso ng pagkakaisa at


pagpapatatag sa ating wika at kultura at ang seryosong pagbabasa at pag-unawa sa
Noli Me Tangere ay mabisang sandata upang higit nating mapahalagahan ang ating
pagkatao bilang lahi. Magmumula naman sa pagrespeto at pagpapahalaga natin sa
ating sariling kultura at panitikan ang pagrespeto rin ng ibang lahi sa ating lahi.

38
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Saysay ng Kasaysayan: Si Pepe at


Ang Kasalukuyang Sistemang Panlipunan
Mon Karlo Mangaran
~~~
“Rizal’s greatest misfortune was becoming a national hero of the Philippines. He is
everywhere and therefore nowhere.”
(“Meaning and History” Ambeth R. Ocampo)

Habang pilit binubuhay ang mga naaagnas nang pahina ng “Noli Me Tangere” at “El
Filibusterismo,” pilit namang pinapatay ng mga nag-aastang akademiko ang tunay na diwa ng mga
sulating ito.

May dalawa akong kaibigan na ‘sinipa’ sa isang kilalang paaralan sa simpleng kadahilanang
tinatalakay nila sa malalim na pamamaraan ang nilalaman ng mga nasabing libro. Hindi raw kasi ‘fit’
sa high school students ang paraan nila ng pagtuturo, at binansagan silang mga radikal at
pinarusahan na parang mga kriminal. Isa itong nakakalungkot na reyalidad sa bansa; ang mga
nagtuturo ng makabuluhang aral sa mga katha ni Dr. Jose Rizal ang siyang itinuturing na mga
bulaang propeta, habang pinapupurihan natin ang mga akademistang walang ibang alam iresearch
kundi mga walang kwentang trivia tungkol sa ating pambansang bayani. Pupusta ko (katulad ni Rizal
na regular na tumataya sa lotto at nanalo pa nga minsan) kalakhan ng mga librong maisusulat bilang
paggunita sa ika-150 kaarawan ni Dr. Jose Rizal ay pawang mga titillating findings tungkol sa kanyang
naging buhay.

Sinasalaula ng komersyalismo ang alaala ng mga bayaning nag-alay ng buhay para sa ating
kalayaan. Sa modernong panahong ito, kung ano ang ‘in’ at tiyak na bibilhin ng mga mambabasa, ito
ang mailalathala kahit pa magmukha na lamang silang mga tauhan sa telenovela. Isang dahilan ito
kung bakit naging mga simpleng palamuti na lamang sa t-shirt, mugs, pins at iba pang accessories
ang mukha ng ating mga bayani. Nanatiling kilala natin ang kanilang mukha at pangalan, subalit hindi
ang kanilang pagkatao at mga aral na iniwan sa mundo.

“To be ignorant of what happened before you were born is to be ever a child.” (Cicero)

Kung pagbabatayan natin ang sinabi ni Cicero, marami sa atin ang habambuhay magiging
bata. Sa dami kasi ng version ng Philippine History, minsan hindi mo na alam kung ano ang totoo o
papaniwalaan mo, lalo pa at halos lahat naman ng mga naunang tala sa kasaysayan ng bansa ay
isinulat ng mga dayuhan, at dahil sila ang nagsulat, marami ang itinago sa atin para mapagtakpan
ang mga kawalanghiyaang ginawa ng kanilang lahi sa ating mga ninuno. Stir na lang yung ibang part
ng isinulat nila, ‘yun tipong parang gini-GG lang tayo. Sabi nga ni Rizal, “Each one writes history
according to his convenience.”
39
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Mula elementarya hanggang kolehiyo, napakaraming aralin sa kasaysayan ang ating


napagdaanan. Philippine History, Asian History, World History. Dahil dito, nalaman nating si Rambo
ang pambansang bayani ng US, Shoktong ang pambansang inumin ng Intsik, kusinero ang pumatay
kay Lapu-Lapu at kahit pa pawang kalokohan ang mga ito, may ilan pa rin na malamang maniwala.
Ano nga ba ang leksyon na nakuha mo mula sa pag-aaral ng kasaysayan ng halos lahat ng lahi sa
buong mundo, maliban sa nakakatamad mag-aral ng history at masarap mag-cutting classes?

“Mapaglilingkuran lamang natin ang ating bayan sa pamamagitan ng pagsasabi ng


katotohanan gaano mang kasakit ito.”
(Dr. Jose Rizal)

Dahil napag-usapan na rin lang ang kasaysayan, marahil magtatalu-talo tayo kung si Rizal
nga ba ang dapat na naging pambansang bayani, lalo pa at sinasabing American-sponsored ang
pagkakapili sa kaniya sa halip na si Aguinaldo, Bonifacio o Mabini. Hindi naman kasi gugustuhin ng
mga Kano, na noon ay sumakop sa ating bansa, na isang rebolusyunaryo ang maging pambansang
bayani, dahil natatakot silang sumiklab ang isa na namang rebolusyon laban sa mga bagong
mananakop. Ang pagtatalaga kay Rizal bilang pambansang bayani ay pagpapanatili ng galit ng
mamamayan laban sa mga Kastilang unang sumakop sa bansa at sa gayo’y hindi malipat ang galit
na ito kay Uncle Sam. Si Rizal, na ang tanging gusto lamang ay reporma at hindi ang pagsasarili ng
bansa, kaya’t hindi magsisilbing inspirasyon sa pagpapalaya ng Pilipinas.

Marahil, may ilan rin na magsasabi na isa siya sa pumigil sa mga Katipunero na maglunsad
ng armadong pakikibaka laban sa mga Kastila. Tinangka noon nila Andres Bonifacio na itakas si Rizal
mula sa kanyang pagkakabilanggo sa Dapitan at inalok siyang manguna sa isasagawang pag-aalsa
laban sa mga mananakop. Tumanggi siya sa paniniwalang hindi pa handa ang mga Pilipino na
maghimagsik at magdudulot lamang ito ng walang saysay na sakripisyo. Gayunpaman, kay Rizal rin
naman ibinintang ang nangyaring rebolusyon noong 1896 na siyang dahilan kung bakit siya
pinatawan ng parusang kamatayan.

Sabi nga ni Renato Constantino sa kanyang akdang Veneration Without Understanding: “We
have magnified Rizal’s role to such an extent that we have lost our sense of proportion and relegated
to a subordinate position our other great men and the historic events in which they took part… We
have magnified Rizal’s significance for too long. It is time to examine his limitations and profit from his
weaknesses just as we have learned from the strength of his character and his virtues. His
weaknesses were the weaknesses of his society. His wavering and his repudiation of mass action
should be studied as a product of the society that nurtured him.”

40
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Bagamat sumasang-ayon ako na naovershadow ni Rizal ang nagawa ng iba pang mga
bayani at masyado siyang ginawang perpekto at mala-Diyos sa mata ng madla, sa palagay ko ay
lipas na ang panahon na masyado nilang pinapasikat si Rizal sa pamamagitan ng pagpapalaganap
ng naging bahagi niya sa paglaya ng bansa. Sa panahon kasi ngayon, tila ang pagpapababaw
naman sa kanya ang inaatupag ng mga akademista. Halimbawa, kabila-kabilang kwento ang
lumalabas ngayon sa media mula sa diumano’y board game na inimbento ni Rizal, sa kanyang mga
secret codes hanggang sa nabubulok na nilang bahay sa Laguna.

Sa kabila ng mga kontradiksyon hinggil sa naging bahagi ni Rizal sa kasaysayan, tingin ko


naman ay magkakasundo tayo na naglalaman ng pagnanasang lumaya ang mga sulatin ni Rizal.
Ayon pa rin kay Constantino, “There is no question that Rizal had the qualities of greatness. History
cannot deny his patriotism. He was a martyr to oppression, obscurantism and bigotry. His dramatic
death captured the imagination of our people… A true appreciation of Rizal would require that we
study these social criticisms and take steps to eradicate the evils he decried.” Mula sa pagkilala sa
tunay na layunin ng mga nobela, tula at sulat ni Rizal ay kailangan nating magbalik tanaw sa krisis ng
kanyang panahon at ilapat ito sa kasalukuyan. Tanging sa paraan lamang na ito magkakaroon tayo
ng tunay na pagpapahalaga sa ating pambansang bayani.

“To foretell the destiny of a nation, it is necessary to open the book that tells of her past.”
— José Rizal (quote inscribed in Fort Santiago)

Sa panahon ni Rizal, laganap ang pagsasamantala ng mga dayuhan at maging ng mga lokal
na kasabwat nito. Pinauso ang titulo, kinamkam ang mga lupa, pinaupahan sa mga Pilipino,
pinagbayad ng tributo, itinuring na mga alipin at sapilitang pinagtrabaho ng walang anumang sahod o
benepisyo.

Ginamit ang krus at espada at taktikang manghati at maghari. Kaliwa’t kanan ang paglabag
sa karapatang pantao, binubugbog at pinapatay ng mga gwardya sibil ang sinumang
napagdidiskitahan nito. Ipinatapon sa ibang bansa ang mga subersibo at manunulat na nagsisiwalat
sa kalupitan ng Espanya. Tinakot ang mga mamamayan sa dagat-dagatang apoy na patutunguhan
ng mga sumusuway sa mga dayuhang tagapagligtas at pilit pinahupa ang ating galit sa pangakong
“mapalad kayong mahihirap dahil sa inyo ang kaharian sa langit.”

“Masama siyang doktor [ang gobyerno], ginoo, kung gusto niyang gamutin at supilin lamang
ang sintomas nang hindi pinagtatangkaang alamin ang pinanggalingan ng sakit, at kung, sa
pagkakataong malaman na niya ang pinanggalingan ay natatakot naman siyang gamutin
iyon...”
– Elias sa “Noli Me Tangere”

41
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Mahigit 100 taon na mula nang lumaya tayo sa mga Kastila, 114 taon mula nang barilin ang
ating pambansang bayani. Ano na ba ang nabago sa kalagayan ng bansa? Nagamot na ba ang
noon pa’y sinasabi ni Rizal na kanser ng lipunan?

Sa tala ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), 9 sa 10 ang kulang o walang sariling


lupang sinasaka. Hanggang ngayon, pagmamay-ari pa rin ng iilan ang malalawak na lupain sa bansa
at walang tunay na repormang agraryo ang naipatupad. Kahit sa ilalim ng bagong rehimeng Aquino
na nangako ng kaunlaran sa ilalim ng matuwid na daan, wala sa bokabularyo ang pamamahagi ng
lupa para sa mga nagbubungkal nito. Kunsabagay, paano nga naman aasahan na magpatupad ng
reporma sa lupa ang isang asendero? Sa mga hindi nakakaalam, 6,453 ektarya ang Hacienda Luisita
Inc. (HLI) na sumasakop sa 10 baryo sa mga bayan ng La Paz, Concepcion at lungsod ng Tarlac.
Dito, hindi biro yung madalas na hirit na ‘lahat ng natatanaw ng mata mo ay pag-aari ko.’ Lahat talaga
ng abot ng paningin mo kapag pumasok ka sa HLI, pag-aari ng pamilya Cojuangco-Aquino.
Mahalagang banggitin na isa nga ang HLI sa dating kinamkam ng mga Kastila. Sa katunayan sa
Kastilang kumpanyang TABACALERA ito nabili ni Jose Cojuangco, Sr. mula sa perang inutang nito
sa GSIS at Manufacturer’s Trust sa New York sa pamamagitan ng paggarantiya ng Bangko Sentral
ng Pilipinas. Kapwa kasama sa kasunduan sa BSP at GSIS na dapat ay ipamahagi ng pamilya
Cojuangco ang lupa sa maliit na magsasaka makalipas ang 10 taon, alinsunod sa programa ng
administrasyong Garcia sa panlipunang katarungan. Wala kahit isang kusing na inilabas ang pamilya
Cojuangco, pawang pera ng mamamayan mula sa GSIS at BSP ang ipinambayad dito, kaya
nararapat lang sana na ipamahagi nila ang lupa sa mga manggagawang bukid ng asyenda. Sa halip
na lupa, bala ang isinukli sa mga manggagawang bukid noong ika-16 ng Nobyembre 2004, na
ikinasawi ng 14 na magsasaka, kabilang ang babae at bata, at pagkasugat ng mahigit 200 iba pa.
Wala na ang mga Kastilang mananakop, pero Pilipino naman ang nagmamalupit sa kapwa nito. Sa
isang bahagi, tila may batayan ang pangamba ni Rizal hinggil sa kalayaan: “Why independence, if the
slaves of today will be the tyrants of tomorrow?”

Kung dati, mala-alipin at sapilitang paggawa ang problema sa panahon ng Kastila, ngayon
naman ay mababang pasahod at kontraktwalisasyon ang problema ng manggagawa. Hindi ka nga
naman pipiliting pumasok sa pabrika, marami namang walang trabaho na pwedeng ipalit sa ’yo ora
mismo. Saka sasabihin lang sa ’yo ng kumpanya, noong pumasok ka sa trabaho, sabi mo hindi
mahalaga ang sweldo at ‘experience’ lang naman ang habol mo, bakit ngayon nagrereklamo ka sa
kakarampot na sahod? Hindi mo naman masagot na ‘P@#&% n’yo,’ ayos lang sanang magutom
ang pamilya ko, kung hindi lang sana namin alam na yung anak n’yo, nakakabili ng kabayong
nagkakahalaga ng P20 milyon. Tapos sasabihin n’yo nalulugi ka’yo? G@60!

Aasa ba tayong tataas ang sweldo? Sus, sa HLI nga, P9.50 lang ang take-home pay ng mga
manggagawang bukid, at take note, stockholder pa sila niyan. Sasabihin n’yo siguro, bakit wala akong
alam gawing halimbawa kung hindi ang Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilyang Cojuangco-
42
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Aquino? May kasabihan tayong mga Pilipino, bago mo tingnan ang uling sa mukha ng iba, tingnan
mo muna ang uling sa mukha mo? Paano mo lilinisin ang basura sa kapitbahay mo kung yung
mismong bakuran mo hindi mo mawalisan? Sa tingin n’yo ba may maniniwala kay P-Noy kapag
nanawagan siya ng land reform at wage hike, samantalang sa sariling lupa nila hindi niya
maipatupad?LMAO!

Saka nasaan na nga pala yung pagbabago? Halos isang taon na rin naman si P-Noy sa
pwesto. Ang pangako niya noon, magiging kabaligtaran siya ni Gloria Arroyo. Bakit ang solusyon pa
rin niya sa kahirapan at kagutuman ay ang ‘dole-out’ sa ilalim ng tinatawag na Conditional Cash
Transfer (CCT) na malaking bahagi naman ng pondo ay inuutang lang natin sa mga financial
institutions katulad ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB)? Baon na sa utang ang
bansa, at kalakhan ng badyet na dapat sanay nailalaan sa serbisyong panlipunan ay napupunta sa
pagbabayad nito, uutang na naman tayo? Saka hindi ba’t napatunayan na namang palpak ‘yan sa
ilalim ng nakaraang administrasyon, bakit inuulit pa natin? Hindi pa ba malinaw na disenteng trabaho
na may nakabubuhay na sahod ang kailangan ng mamamayang Pilipino?

Bukod dito, ‘yun dating Build-Operate-Transfer (BOT) scheme, pinalitan lang naman ng
pangalan, ginawang Public-Private Partnership (PPP). Hindi ba ilang ulit nang nagkandaletse-letse
ang mga proyektong pinopondohan ng mga pribadong kumpanya? Tingnan n’yo yung MRT,
matapos pakinabangan ng malalaking negosyanteng dayuhan at Pilipino, ipinasa sa gobyeno noong
nalulugi na. Kasalukuyan itong ipinagbibili ng gobyerno, at sinumang mananalo sa bidding ay bibigyan
ng P15 bilyong “pasalubong.”

Hindi pa rin malinaw sa rehimeng Aquino na hindi magtatagumpay ang anumang programa
kontra-insurhensya sa bansa kung hindi nito tutugunan ang ugat ng kahirapan. Hindi pa ba sapat ang
mahigit 1,000 biktima ng extrajudicial killings, daan-daang enforced disappearances at libu-libong kaso
ng human rights violations para magsilbing patunay na nagbubunga lamang ng karahasan ang mga
patakarang ito? Nakamit ba ng Oplan Bantay Laya (OBL) 1 at 2 ang target nito na durugin ang New
People’s Army (NPA), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at iba pang rebeldeng grupo? May bago
na namang counter-insurgency program, ang Oplan Bayanihan, at huwag naman sanang magbilang
muli tayo ng mga bangkay ng biktima ng walang habas na pamamaslang ng mga taong inaasahan
nating magtatanggol sa ating karapatan.

“History does nothing; it does not possess immense riches, it does not fight battles. It is men,
real, living, who do all this.” - Karl Marx

Totoo, walang saysay ang kasaysayan kung wala rin naman tayong natutuhan. Ang alam
lang kasi natin, basahin ang kasaysayan na para bang nagbabasa lang ng isang kagila-gilalas na
kwento. Umuulit ang kasaysayan, pero hindi dahil sa kapalaran o kung ano pa mang mahimalang

43
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

mga dahilan. Umuulit ang kasaysayan dahil ang kasalukuyang henerasyon ay hindi iniintindi ang
nakaraan at hindi nagsusumikap na baguhin ang takbo nito.

Sabi nga ni Rizal, “There are no tyrants where there are no slaves…The tyranny of some is
possible only through the cowardice of others.” Tayo rin naman ang magpapasya kung gusto nating
manatili na lamang ganito ang kalagayan natin. Kung manhid talaga tayo o masokista na gustong
laging nasasaktan, ganito na nga lang tayo habambuhay. Pero kung magpapasya tayong kumilos
para maiangat ang ating sarili mula sa putik na pinagsadlakan sa atin, may pagkakataon pa tayo para
baguhin ang takbo ng kasaysayan. Hindi pa huli ang lahat, kailangan lang nating tanggapin at
isabuhay ang sinabi ng ating pambansang bayani: “It is a useless life that is not consecrated to a great
ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice.” Ilaan natin ang ating
sarili sa isang dakilang layunin at maging bahagi sa pagbubuo ng isang mas maayos na lipunan.

“Ang kawalan ng pambansang kamalayan ay nagbubunga ng isa pang masamang bagay,


ang kawalan ng oposisyon o pagtutol sa mga polisiya na makasasama sa taumbayan at ang
kawalan ng anumang kusa sa pagsusulong ng bagay na makabubuti sa sambayanan. Ang
mamamayan sa Pilipinas ay indibidwal lamang; hindi niya itinuturing ang kanyang sarili
bilang bahagi ng isang bansa.”
– Jose Rizal

Hindi sapat na ialay lang natin ang ating mga sarili, dahil sa palagay ko, kailangang resolbahin
natin ang pagiging indibidwalista ng mga Pilipino. Kadalasan, ang ating sarili lamang at mga mahal sa
buhay ang ating iniintindi. Basta nabubuhay tayo at nakakakain ng sapat sa araw-araw, matatanggap
na natin ang lahat ng kawalanghiyaang nangyayari sa ating paligid. Dapat nating maintindihan na
anumang paghihirap na nararanasan natin sa kasalukuyan ay epekto pa rin ng pananatili ng kanser
ng lipunan na sinasabi ni Rizal. Hindi kayang baguhin ng iisang tao ang mundo, at maging ang isang
bansa, bagay na pinatunayan sa pagkabigo ni Rizal at ng iba pang propagandista. Dahil sa
sistemang panlipunan ang problema, kinailangan pa rin ang sama-samang pagkilos ng mamamayan
sa iba’t ibang porma, katulad ng ginawa ng Katipunan na armadong rebolusyon, upang mapalaya
ang ating mga sarili mula sa pagkaalipin.

“Men make their own history, but they do not make it as they please; they do not make it under self-
selected circumstances, but under circumstances existing already, given and transmitted from the
past. The tradition of all dead generations weighs like a nightmare on the brains of the living.” - Karl
Marx

Ano nga ba ang saysay ng kasaysayan para sa atin? Sa pagkamulat natin sa ilang bahagi
nito, hahayaan pa rin ba nating mabulok na lamang ang mga tala ng nakaraan ng ating bansa sa
mga pahina ng libro at hayaang mga nagpapa-ulit-ulit na lamang na mga pangyayari ang maging
44
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

laman nito? Ilang korap na pangulo na ba ang hinayaan nating magtagal sa pwesto? Ilang EDSA pa
ba ang kailangan para sa tunay na demokrasya’t pagbabago? Ewan ko. Hindi pa rin yata tayo
natututo.

Basagin natin ang bakal na kurtinang nagkukubli sa mga dapat nating maintindihan hinggil sa
napapanahong sulatin ni Rizal na akma pa rin sa kalagayang panlipunan. Sama-sama nating buksan
ang pinto sa panibagong mga diskusyon hinggil sa mga dapat ituro sa mga paaralan hinggil kay Rizal
at mga isinulat niya. Huwag nating hayaang masapatan ang mga kabataan sa trivia hinggil sa kung
ilan ang babae niya, kung sino ang nakasex niya sa mga ito, ilan ang posibleng naging anak niya, at
kung ano pang bagay na sa tingin ko’y mga pagtatangka para pagaanin ang talakayan at ilayo ang
mga kabataan sa pagsunod sa mga aral ni Rizal. Wala nang pinakamatamis na pag-alala sa buhay
at kamatayan ng ating pambansang bayani kundi ang isabuhay ang kanyang mga aral at kamtin ang
pagbabagong pinangarap din niya minsan.

“Today, we need new heroes who can help us solve our pressing problems. We
cannot rely on Rizal alone. We must discard the belief that we are incapable of producing the
heroes of our epoch, that heroes are exceptional beings, accidents of history who stand
above the masses and apart from them. The true hero is one with the masses: he does not
exist above them. In fact, a whole people can be heroes given the proper motivation and
articulation of their dreams.”
– “Veneration Without Understanding” ni Renato Constantino

“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.”
(Chuck Palahniuk)

45
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Sa Panahong Hindi Ako Makapagsulat


Mon Karlo Mangaran
~~~
Matagal na rin akong hindi nakakapagsulat.

Madalas, kapag wala akong magawa, nakikipag-usap ako kay Google, at sa


kahong nakatakda upang hanapin ang mga bagay na animo’y nawawala, hinahanap ko
ang aking sarili. Kung hindi man ang aking sarili, hinahanap ko ang dating pahayagan
na nagsilbing tirahan ko sa loob ng halos tatlong taon.

Natagpuan ko sa blog entry ng dating kapwa ko editor ang mga pira-pirasong


mga alaala ng dati’y masaya at masalimuot naming pakikibaka: pakikibaka para sa
kapwa estudyante, pakikibaka para sa karapatan at higit sa lahat, pakikibaka laban sa
mga sarili naming angas sa buhay.

Halos anim na taon na rin ang nakaraan. Parang kailan lang, tila napakasimple
ng buhay. Pasok sa klase, punta sa opisina, mag-edit ng mga article, tumambay sa
kanyon (sa tapat ng Kapitolyo ng Bulacan), kumain ng maming gala, umuwi nang
hatinggabi sa bahay, gumising nang maaga para muli ay pumasok sa eskwela at ulitin
ang mga ginawa kahapon. Ganito lang ang buhay namin noon, may routine, paulit-ulit,
pero masaya.

Hanggang sa nagtapos ang lahat at sinampal kami ng katotohanan na walang


permanente sa buhay. August 15, 2005, ipinasara ang aming pahayagan, nagpako ng
magkakrus na dos-por-kwatrong kahoy sa pintuan at nilagyan ng bagong padlock.
Simple lang ang dahilan, bagamat napakadami nilang paliwanag na ibinibigay: nanguna
kasi ang mga kasapi ng Pacesetter sa naganap na boykot ng mahigit 6,000 estudyante
noong March 21, 2005 para ipakita ang pagtutol nito sa panibagong mga bayarin at
pagtataguyod sa karapatan nito sa edukasyon.

Gusto ko sanang magsulat ulit. Tangay ang walang pagsidlang angas, tinangka
kong maging bahagi ng pahayagang pang-estudyante ng isang pamantasan. Pasado
naman ako sa written exam, at kahit papaano, nagustuhan naman ng mga editor ang
mga isinulat ko. Kaso sumablay na ‘yung application ko nung interview na. Isa lang ang
dahilan kung bakit hindi nila ako tinanggap: aktibista kasi ako.

Hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng pagiging ‘tibak’ sa pag-ayaw sa akin
ng mga editor. Hindi ba dapat ang kakayahan at pagmamahal sa pagsusulat ang
pangunahing batayan at sukatan ng pagkuha ng kasapi ng pahayagan? Kung tayo

46
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

mismong mga manunulat, saradong mag-isip, paano pa natin bubuksan ang kaisipan
ng ating mga mambabasa?

Aaminin ko, nalungkot ako nang hindi natupad ang pangarap kong muling
makabalik sa isang pahayagang pang-estudyante, na siya ring naging daan para
mamulat ako sa nangyayari sa aking paligid. Sa isang saglit, nakalimutan ko kung bakit
ako nagsusulat ‘noon.’ Pero hindi ko pinagsisihan na naging totoo ako at hindi ko
itinago o ikinaila ang aking prinsipyo. Kahit bali-baligtarin nila ako, mananatili pa rin sa
akin ang pagiging akibistang-manunulat.

Kung nabubuhay si Dr. Jose Rizal, at sinubukan niyang mag-apply na staff


writer, tantya ko hindi rin siya matatanggap. Radikal ang mga panulat ni Rizal, humihiwa
ang bawat bahagi ng kaniyang mga akda sa balat ng sistemang panlipunan na
kaniyang kinukondena noon.

“ Filipinos don’t realize that victory is the child of struggle, that joy
blossoms from suffering, and redemption is a product of sacrifice”
(sa La Solidaridad, Disyembre 1890)

Sabi ng ilan, hindi raw propaganda tool ang pahayagan, subalit tila hindi yata sila
nag-aaral ng kasaysayan. Malaki ang ginampanan ng mga pahayagan sa kilusan para
sa pagpapalaya noon pang panahon ng Kastila at hanggang sa kasalukuyan.

Pahayagan ang isa sa mga pamamaraan na ginamit ng Kilusang Propaganda,


kung saan kabilang si Rizal, sa pagmumulat sa kalagayan ng bansa, katiwalian sa
kolonya ng Pilipinas at paghingi ng reporma sa Espanya. Noong April 25, 1889,
inilathala sa La Solidaridad ang isang liham na pinamagatang “Ang Adhikain ng mga
Pilipino” na isinulat ng Asociación Hispano-Filipina de Madrid na nagpahayag sa
kanilang kagustuhan na magkaroon ng kinatawan ang mga Pilipino sa Cortes at
abolisyon ng sensura. Sa mga sumunod na paglalathala nito ay naging bahagi na rin
ang panawagan na maging probinsya ng Espanya ang Pilipinas, pagtatalaga ng
Pilipinong pari sa mga parokya hanggang sa mga sityo, kalayaan sa asembliya at
pagpapahayag at pantay na pagtrato ng batas sa mga Pilipino at Kastila.

Bagamat hindi nagtagumpay sina Rizal sa mga layuning ito, naging matagumpay
naman sila sa pagmumulat, hindi lamang sa mga Pilipino kundi maging sa ibang lahi,
hinggil sa mga umiiral na pagsasamantala sa lipunang Pilipino noon. Isa marahil sa
kahinaan ng Kilusang Propaganda ay nanatili lamang sa papel ang kanilang mga
mithiin, at hindi sila gumawa ng aksyon para maisakatuparan ito. Kahit pa noong

47
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

panahong iyon, hindi sapat ang simpleng paglalapat lamang ng mga salita sa papel.
Tungkulin rin ng isang manunulat na isabuhay ang kaniyang mga katha sa
pamamagitan ng pagkilos para makamit ang pagbabagong kaniyang hinahangad.

Dapat ay panghawakan ng mga manunulat pangkampus ang responsibilidad nila


na imulat ang mga kabataan at mamamayan sa reyalidad ng lipunang Pilipino, pukawin
ang kanilang damdamin upang kumilos tungo sa panlipunang pagbabago. Walang silbi
ang isang manunulat na hindi iniaalay ang bawat titik ng isang katha para sa
mamamayan. Dapat ay humihiwa sa laman ng mga mapagsamantala’t nang-aapi ang
bawat kataga na inilalapat sa papel.

Kailangan nating tanungin ang ating sarili, para kanino ba tayo nagsusulat?
Tanging sa pagtagpo ng kasagutan sa tanong na ito natin makakamit ang pagiging
tunay na manunulat.

Propaganda tool ang pahayagan. Ang tanong lamang ay kung kaninong interes
at kaisipan ang itinataguyod nito, sa nang-aapi ba o sa inaapi? Ikaw, kanino ka
papanig? Kanino mo iaalay ang iyong mga obra? Sa malawak na mamamayang
pinagsasamantalahan o sa iilang nagsasamantala? Mamili ka, at manindigan.

“Fame to be sweet must resound in the ears of those we love, in


the atmosphere of the land that will guard our ashes. Fame should
hover over our tomb to warm with its heat the chill of death, so that we may not
be completely reduced to nothingness, that something of us may survive!”
(“Noli Me Tangere”)

Ibang kwento naman. Minsan, may isang judge sa contest na sinalihan ko na


nagsabi: “para sa ‘kin second ka lang.”

Hindi na mahalaga sa akin ang dahilan kung bakit niya sinabi ‘yun, bagamat
ipinaliwanag niya na may problema raw sa “form” ko ng pagsulat, at nabanggit din niya
na may kailangang ayusin sa “paraan ko ng pag-iisip” at ang pagiging radikal ng mga
writer sa pinanggalingan kong paaralan. Iginagalang ko ang taong nagsabi sa akin nito,
dahil alam ko ang kanyang kakayahan sa pagsulat, at ang mga komentong ito ay
ipinagpapalagay ko na bunga lamang ng magka-ibang kulay na pinili naming
paniwalaan.

Kahit si Dr. Jose Rizal, minsan nang hinusgahan dahil lamang sa kulay ng
kanyang balat. May isang pagkakataon na dapat na siya ang makatanggap ng unang

48
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

gantimpala sa isang patimpalak subalit hindi ito ibinigay sa kanya dahil sa simpleng
dahilan na siya ay Pilipino. Hindi siguro lubos-maisip ng mga hurado ng patimpalak na
ito na ang taong minsan ay minaliit nila ay kikilalanin sa buong mundo dahil sa kanyang
panulat.

Hindi rin naman mahalaga kung ano pang place ang nakuha ko. Hindi rin
mahalaga kung manalo ako o matalo. Gusto ko lang magsulat, period. Sa tagal ko na
ring sumasali sa mga patimpalak sa pagsusulat, maraming ulit na kong nabigo at
nagtagumpay. Sa bawat palihan na pinapasok ko, alam ko na hindi sukatan ang
pagkapanalo sa kakayahan ko sa pagsulat. Nakabatay lang ang pagkapanalo sa kung
aling likha ang pipiliin ng hurado.

Hindi rin naman tungkol sa pagpapasikat ang pagsusulat. Sa tuwing humaharap


ako sa computer para gumawa ng isang katha, ipinapauna ko lagi ang pagnanais ko na
makapag-iwan man lamang ng aral, kung hindi man lubos na makapagmulat o
makapagpakilos, na makakatulong upang kahit papaano ay maintindihan man lamang
ng mga mambabasa ang ilan sa mga reyalidad sa lipunang kanyang ginagalawan, at sa
kahit sa maliit na pamamaraan ay maging bahagi sa pagbabago nito.

“Ignorance is servitude, because as a man thinks, so he is; a man who does not
think for himself and allowed himself to be guided by the thought of another is
like the beast led by a halter.”
(“Letter to the Young Women of Malolos”)
Tinanong ako ng ilang kaibigan ko, hindi raw ba ko nasaktan sa ganung klaseng
komento?

Nangiti na lamang ako.

Una, tanggap ko naman na hindi ako perpektong manunulat, marami pa kong


kakaining bigas kumbaga. Saka hindi naman ako umaasa na lahat ay makakaisa ko sa
aking isinulat. May kasabihan nga, “we can’t please everybody.”

Pangalawa, naniniwala akong ang sinumang inaakalang ang pagsusulat ay para


magwagi ng mga tropeo at parangal ay walang kwentang manunulat. Bonus na lang
kung makakuha ka ng award. Wala ng mas hihigit pa sa kaligayahan na makatapos ka
ng isang akda matapos makipagtunggalian sa lahat ng sapot sa isipan.

49
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

“Man works for an object. Remove that object and you reduce him
into inaction.”
- Dr. Jose P. Rizal

Kahit kailan, hindi ko ipagpapalit ang prinsipyo ko sa kahit ano pang tropeo o
medalya. Totoo, hindi nakakain ang prinsipyo, pero mahirap kumain ng wala nito.

Ganito rin si Rizal, mas piniling makaranas ng hirap at gutom sa halip na bitawan
ang kanyang prinsipyo. Kung tutuusin, pwede naman sanang hindi na isinulat ang “Noli
Me Tangere” at “El Filibusterismo.” Pwede siyang pumili ng tahimik na pamumuhay.
Middle class naman ang kaniyang pamilya, hindi naman sila katulad ng ibang mga
Pilipino na labis na pinagsasamantalahan ng mga Kastila. Isa pa, sa dami ng talento ni
Rizal, tiyak na kaya niyang iangat ang kabuhayan ng kanilang pamilya mula sa kanyang
pagiging doktor, siyentipiko, artist at manunulat.

Alam natin ang kasaysayan. Mas pinili ni Rizal na maging martir at mabaril sa
Luneta sa halip na piliin ang madaling landas. Isa ito sa pinakamahalagang aral na
natutuhan ko kay Rizal: ang isakripisyo ang sarili para sa paninindigan. Sabi nga niya,
ang buhay na hindi inalay sa isang dakilang adhikain ay katulad ng isang batong
nakakalat lamang sa parang at hindi naging bahagi sa pagtatayo ng isang gusali.
Katulad niya, mas mamatamisin ko pang tahakin ang mabatong landas na tiyak na
susugat sa aking talampakan, sa halip na sa daang may palamuting red carpet pero
patungo naman sa paraiso ng kasinungalinga’t pagpapanggap.

“One only die once and if one does not die well, a good opportunity is lost and
will not present itself again.”
(Letter to Mariano Ponce – 1890)

Mabalik ako sa una kong kwento.

Nagsusulat kami ‘noon’ para sa mga estudyante, at para sa mamamayan sa


kabuuan. Ito marahil ang dahilan kung bakit katulad ng iba ko pang mga kasama,
nagblot na ang ballpen ko.

Wala na kong mapaghugutan ng ideya, dahil sa umpisa pa lamang, utang ko sa


aking pagkamulat ang kasanayan ko sa pagsulat. Utang na hindi ko na nababayaran.

50
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Aaminin ko, sa isang panahon, naduwag na ako. May pagkakataon na iniisip ko


na hindi ko na kayang ialay ang aking sarili katulad ng walang pag-aalinlangang
paglahok ko sa pakikibaka ng mamamayan noon.

Magsisimula muli ako sa umpisa. Alam kong ang tanging paraan upang muling
dumaloy ang tinta ay ang pagbalik sa pakikibaka.

51
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Galit si Rizal sa “Buwaya”: Ang Bayaning Anti-Kapitalista


David Michael M. San Juan
~~~~
Galit ka ba sa mga sumusunod:
1. Pangit na kalsada
2. Pataas nang pataas na presyo ng bilihin
3. Mabagal na internet connection
4. Maruming ilog
5. Maruming hangin
6. Overcrowded cities
7. Pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT
8. Mataas na MERALCO at water bill
9. Araw-araw na pagtaas ng presyo ng langis
10. Mababang minimum wage
11. Kontraktwalisasyon

Apir! Ako rin galit sa mga epekto ng kapitalismo. Kapitalismo ang tawag sa
economic system ng Amerika at ng Pilipinas. Greed o kaswapangan/pagiging ganid ang
underlying principle ng kapitalismo. Accumulation ng tubo o profit ang main objective ng
mga kapitalista. Wala silang pakialam kung mamatay sa gutom ang ibang tao, masira
ng polusyon ang mga ilog at dagat, makalbo ang mga gubat, tumaas nang tumaas ang
presyo ng bilihin, basta kumita sila nang malaki. Sa simpleng salita, gaya ng
korporasyon ng mga prayle na swapang sa upa sa lupa o land rent na nambiktima kay
Kabesang Tales sa Kabanata 4 ng “El Filibusterismo,” “buwaya” ang mga kapitalista.
{Bagamat, ayon sa mga siyentista, di naman talaga swapang ang mga buwaya dahil
isang beses bawat araw lang sila kung kumain, di gaya ng mga kapitalista na walang
kabusugan.}

Romantic versus Anti-Capitalist


Hindi kataka-taka na kapag sinuri ang mga sinulat ng ating pambansang bayani na
si Jose Rizal ay makikita natin na anti-kapitalista siya. Siyempre, tututol at magagalit
ang mga traditional expert kay Rizal na malaki na ang kinita sa pagpapalaganap ng
image ni Rizal bilang bayaning maraming babae atbp. Subukang iGoogle ang “Jose
Rizal+anti-capitalist” at zero results ang tatambad sa ‘yo. IGoogle ang “Jose
Rizal+romantic” at may makikitang 13,500 results! Kapitalista ang mga nasa gobyerno.
Siyempre, hindi natin mababasa sa kahit anong libro na anti-kapitalista si Rizal dahil
kontrolado ng mga kapitalista ang lipunan natin. Kapitalista ang mga nasa kumpanya.
Kapitalista ang nasa eskwelahan. Kapitalista ang mga senador, kapitalista ang mga
kongresista, kapitalista ang presidente mismo. Kaya sasabihin nilang lahat na si Rizal

52
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

ay makabayan, babaero, lakwatsero, manunulat, antropologo, linggwista, homosekswal,


inhinyero, dalubwika, guro, siyentista atbp. pero hinding-hindi siya pwedeng maging
anti-kapitalista.

Gayunman, matibay ang ebidensya: si Rizal ay anti-kapitalista. Sa halip na tubo


para sa mga korporasyon, kaunlaran ng bayan ang nasa isip ni Rizal. Sa kanyang
malapropetikong “Filipinas Dentro de Cien Años” (“Ang Pilipinas Isang Siglo Mula
Ngayon”), hinulaan ni Rizal na sasakupin ng Estados Unidos ang Pilipinas. Hinulaan din
niyang lalaya ang sambayanang Pilipino sa kamay ng Espanya at “…ipagtatanggol ang
kalayaang nakamit sa pamamagitan ng dugo at sakripisyo” laban sa mga bagong
mananakop. Sa halip na mga pinunong namamalimos sa statehood ng Pilipinas (ang
direktang pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipinas), pinangarap ni Rizal ang bansa
kung saan ang “…mga taong sisibol sa kanilang lupain...,” ay “...magsisikhay na
lumakad sa maluwang na daan ng kaunlaran...” at “kikilos nang sama-sama upang
palakasin ang kanilang lupang tinubuan...” Binigyang-diin ni Rizal ang kahalagahan ng
economic freedom bilang pundasyon ng political freedom. Ayon kay Rizal ang
pagsandig sa sarili (self-reliance) tungo sa kaunlaran sa pamamagitan ng mga
industriyang gumagamit sa mga likas na yaman ng bansa ang makapag-aahon sa atin
mula sa kahirapan: “At ang mga minaha’y bubuksan upang iluwal ang ginto para
maibsan ang kanilang karukhaan, bakal para sa sandata, tanso, tingga at uling (coal)...”
Para kay Rizal, ang natural resources ng bansa ay dapat gamitin (at totoo namang
posibleng gamitin) para pawiin o tapusin ang kahirapan ng mga Pilipino, sa halip na
maging pandagdag lang sa yaman ng mga mayayaman nang kapitalista.

Isagani versus Pasta


Sa mga kapitalista, greed o kaswapangan sa pera ang primary motive sa paggawa
ng isang bagay. Tutol si Rizal sa ganitong konsepto gaya ng ipinakikita sa ika-15
kabanata ng “El Filibusterismo.” Sa nasabing kabanata, iginiit ni Isagani, ang lider ng
mga kabataang naghahangad ng reporma, ang tunay na misyon ng bawat gobyerno:
“Governments are established for the welfare of the peoples, and in order to accomplish
this purpose properly they have to follow the suggestions of the citizens, who are the
ones best qualified to understand their own needs.”

Nagbigay ng masamang payo si Señor Pasta kay Isagani, isang payo na


pangunahing doktrina ng mga kapitalista (ang pagiging makasarili): “You’re going to
study medicine? Well, confine yourself to learning how to put on plasters and apply
leeches, and don’t ever try to improve or impair the condition of your kind. When you
become a licentiate, marry a rich and devout girl, try to make cures and charge well,
shun everything that has any relation to the general state of the country, attend mass,
confession, and communion when the rest do, and you will see afterwards how you will
53
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

thank me, and I shall see it, if I am still alive. Always remember that charity begins at
home, for man ought not to seek on earth more than the greatest amount of happiness
for himself, as Bentham says. If you involve yourself in quixotisms you will have no
career, nor will you get married, nor will you ever amount to anything. All will abandon
you, your own countrymen will be the first to laugh at your simplicity. Believe me, you
will remember me and see that I am right, when you have gray hairs like myself, gray
hairs such as these!”

Kapuri-puri ang sagot ni Isagani na sumasalamin sa mga mamamayang naniniwala


na walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, ang mga mamamayang anti-
kapitalista: “When I have gray hairs like those, sir, and turn my gaze back over my past
and see that I have worked only for myself, without having done what I plainly could and
should have done for the country that has given me everything, for the citizens that
have helped me to live—then, sir, every gray hair will be a thorn, and instead of
rejoicing, they will shame me!”

Kahirapan: Bunga ng Kapitalismo


Masama ang karanasan natin sa kapitalismo kaya dapat na mag-isip na tayo ng
alternatibo. Mula nang sakupin tayo ng Amerika noong 1899 hanggang sa panahon ng
administrasyong Noynoy Aquino, kapitalismo na ang economic system at halos di
nagbago ang buhay ng maraming Pilipino. Ayon sa 2009 Official Poverty Statistics na
inilabas ng National Statistical Coordination Board o NSCB, halos di nagbago ang dami
ng mahihirap sa Pilipinas mula 2006 hanggang 2009: “In terms of poverty incidence
among families, there was only a slight reduction during the three-year period – from
21.1% in 2006 to 20.9% in 2009. In terms of poverty incidence among population, there
was a very slight increase during the three-year period – from 26.4% in 2006 to 26.5%
in 2009.” Ang average per capita monthly income ng poorest 10% ng mga Pilipino ay
P7,389 noong 2006 at P9,681 noong 2009, habang ang sa richest 10% naman ng mga
Pilipino ay P151,130 noong 2006 at P184,997 noong 2009. Lumalaki ang kita ng mga
mahihirap na Pilipino pero halos di rin lumiliit ang gap sa pagitan ng mga mayayaman at
mahihirap. Buong-buo pa rin ang tatsulok ng lipunan o social pyramid na binabanggit sa
kantang “Tatsulok” ng bandang Buklod na nirevive ng Bamboo.

Ang poverty incidence ng mga Pilipino (26.5%) ay malapit na malapit na sa poverty


incidence ng Cambodia (30.1%), Myanmar/Burma (32%) at Laos (33.5%).
Nakalulungkot din na sa mga nagdaang dekada, walang significant na pagbabago sa
dami ng mahihirap sa Pilipinas. Noong 1991, 33.1% ng mga Pilipino ang mahirap;
24.9% noong 2003 at 26.4% noong 2006. Sa Association of Southeast Asian Nations
(ASEAN), ang Pilipinas ang pangatlong pinakamahirap na bansa (kapag pinag-usapan

54
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

ang porsyento ng populasyon na dumaranas ng kahirapan). Ayon naman sa


presentasyon ni G. Tomas Africa, former administrator ng National Statistics Office
(NSO), na pinamagatang “Family Income Distribution in the Philippines, 1985-2009:
Essentially the Same,” halos di rin nagbabago ang income share ng bottom 50% at
upper 50% ng ating populasyon mula 1961 hanggang 2009. Ang range ng income
share ng bottom 50% sa nasabing panahon ay 18 to 20%, habang 80-82% naman ang
sa upper 50% ng populasyon.

Idinagdag pa ni G. Africa na “…we can surmise that development efforts for the past
five (5) decades have failed to effect an equitable/equal distribution of income. The top
one (1) percent families earned income equivalent to income earned by 32 percent of
the families at the bottom of the income ladder in 1985. This peaked to 38 percent in
2000, was replicated in 2003, and moved down to 30 percent in 2006 and 2009.”

Batay naman sa mga datos na mula sa Social Weather Stations (SWS), ang
average self-rated poverty noong panahon ni Marcos ay 65%; Cory – 65%; Ramos –
62.33%; Estrada – 59.67%; Macapagal-Arroyo – 53.45%; Noynoy – 49.5% (as of March
2011). Ibig sabihin, all throughout the decades, mula kay Marcos hanggang kay
Noynoy, hindi pa nagiging majority ang mga mayayaman sa Pilipinas (kung i-roround off
ang data sa panahon ni Noynoy). All throughout the decades, majority ng mga Pilipino
ay mahirap! As of 2011, ang estimated population ng Pilipinas ay 101,833,938 batay sa
CIA World Factbook (12th most populous sa buong mundo). Samakatwid, as of 2011,
may at least 50,407,799 na mahihirap sa kapitalistang Pilipinas. Marami-rami ring tao
ito para basta na lang balewalain, isantabi o idisregard.

Mula “Pabaon” Hanggang “Pasalubong”


Nakalulungkot na sa panahon ng pangulong nangako ng “tuwid na daan sa
kaunlaran,” kapitalismo pa rin ang economic system na ipinapataw sa atin.
Ipinagyayabang ng administrasyong Aquino ang Public-Private Partnership (PPP)
bilang isa sa mga programang makapag-aahon daw sa atin mula sa kahirapan. Sa
kasamaang-palad, ang planong ito ay isang pinagandang label sa mga dati nang
privatization scheme na pabor lamang sa mga kapitalista. Sa ilalim ng PPP, nakatakda
na ang pagsasapribado ng mga proyektong pantransportasyon tulad ng Ninoy Aquino
International Airport Expressway (Phase II), NLEX-SLEX Link Expressway, at Daang
Hari-SLEX Link Road Project. Ibebenta na rin sa mga pribadong korporasyon ang Metro
Rail Transit-3 at Light Rail Transit-1 lines. Kung may “pabaon” ang mga heneral noon,
may “pasalubong” naman ang mga pribadong korporasyon ngayon. Sa bagong pauso
ng administrasyong Aquino may perang “pasalubong” na ibibigay ang gobyerno sa mga
pribadong korporasyon na makakabili sa mga pag-aari ng gobyerno. Halimbawa,
55
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

nangako ang gobyerno ng 15,000,000,000 pisong pasalubong sa pribadong


korporasyon na makakabili sa LRT Line 1 at MRT 3.

Mababasa sa link na ito ang opisyal na “overview” tungkol sa PPP ni Noynoy:


<http://ppp.gov.ph/ppp-center/about-the-ppp-center/>. Kagimbal-gimbal ang unang
talata pa lamang ng nasabing overview: tinukoy ng administrasyon ang mga pribadong
korporasyon bilang “main engine for national growth and development.” Higit na
kagimbal-gimbal ang pagbibigay ng guarantee ng pamahalaang Aquino sa tubo o profit
ng mga pribadong korporasyon na sasali sa PPP ayon sa nasabing overview: “The
government is willing, on a case-to-case basis, to protect investors from certain
regulatory risk events such as court orders or decisions by regulatory agencies which
prevent investors from adjusting tariffs to contractually agreed levels. Such regulatory
risk insurance could take the form of make-up payments from the government to PPP
investors, other guaranteed payments, and adjustments to contract terms. The specifics
of the type of protection to be offered by the government, and the mechanisms through
which such protection will be offered will be part of the contract terms for each project.
Such protection will only be offered for solicited projects which undergo a competitive
bidding process.”

Wala pang gobyerno sa mundo ang nagbigay ng ganitong guarantee sa tubo ng


mga pribadong korporasyon, maliban sa ginawa ng Amerika na pagbibigay ng bilyun-
bilyong dolyar upang isalba o i-bail out ang mga dambuhalang pribadong bangko at
institusyong pinansyal na nalugi dahil sa paglabag sa mga tuntunin sa investments at
risk-taking.

Ipinagpapatuloy rin ng PPP ang pagiging palaasa o dependent ng bansa sa mga


dayuhang pautang gaya ng sinasabi sa huling talata ng official online PPP “overview”:
“To provide a long-term fund structure to sustain and further promote PPP in the
country, the government together with various Multilateral Organizations (MOs) are
working on establishing the Philippine Infrastructure Development Fund (PIDF).” Ang
mga multilateral organization na tinutukoy rito ay walang iba kundi ang mga ahensyang
kontrolado ng mga dayuhang kapitalista: ang International Monetary Fund (IMF) at ang
World Bank na nagpapataw o nag-iimpose ng iba’t ibang mabibigat na kundisyon sa
pagpapapautang gaya ng pagtataas at/o pagdaragdag ng buwis, prioritization ng
pambayad-utang o debt payments sa pambansang badyet, pagtatayo ng imprastraktura
nang walang industriyalisasyon atbp.

Dapat tandaan na sa mga nakalipas na dekada ng pagiging dependent natin sa


IMF at sa World Bank ay lalo lamang tayong nabaon sa utang at lalo lamang tayong
naghirap. Mismong ang dating chief economist ng World Bank na si Joseph Stiglitz ay
56
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

nagsulat na ng maraming aklat para ibulgar ang mga di makatarungang policy ng World
Bank at International Monetary Fund sa Third World na lalong nagpapalala sa
kahirapan ng mga bansang ito. Sa mga dekada ng pangingibabaw ng IMF at World
Bank sa ating mga economic policies, wala tayong naramdamang significant
quantitative and qualitative transformation. Panahon nang mag-isip tayo ng ibang
development agenda na malaya at malayo sa kontrol nila.

Upang higit na mapatunayan na hindi makapagpapaunlad sa bansa ang PPP,


kailangan lamang tingnan ang mga proyektong priority nito: <http://ppp.gov.ph/ppp-
projects/ppp-projects-for-2011-rollout/>. Kapansin-pansin na karamihan sa mga ito’y
mga infrastructure project. Walang oil refinery, walang noodles factory, walang steel
mill, walang pharmaceutical laboratory na itatayo sa pamamagitan ng PPP! In short,
puro short-term na trabaho lang sa construction ang maibibigay ng PPP, di gaya ng
industriyalisasyon na makapagbibigay ng pangmatagalang hanapbuhay sa maraming
mamamayan. Isang scheme lang ang PPP para kumita ang mga kapitalista sa bansa.

Ang Pandaigdigang Pagguho ng Kapitalismo


Sa buong mundo, nakikita natin ngayon ang kapalpakan ng kapitalismo. Hindi pa rin
ganap na nakakabawi sa financial crisis ang numero-unong kapitalistang bansa – ang
US. Sa kasalukuyan, ang US na rin ang bansang may pinakamalaking utang sa buong
mundo. As of June 1, 2011, $14,345,428,204,844.19 na ang utang ng US. Mataas pa
rin ang unemployment rate nila (16%). As of February 2011, $222.5 bilyon na ang
federal budget deficit ng US. Pagkatapos gumasta nang di bababa sa $3 trilyon para sa
Iraq War, nagtitipid na sa social services gaya ng edukasyon ang US. Para sa 2012,
$39 bilyon ang kabuuang budget cut ng US. Ayon kay House Speaker John Boehner ito
ang “largest real-dollar spending cut in American history.” Dahil sa mga budget cut,
libu-libong guro na ang nawalan ng trabaho sa Amerika. May mga public school din na
isinara na. Sa ibang eskwelahan, binawasan ang sahod ng mga guro at administrador.
Ito ang mukha ng numero-unong kapitalistang bansa ngayon. Gusto pa rin ba nating
maging katulad nila?

Lantad na lantad na ang kabulukan at kapalpakan ng kapitalismo dahil sa


sobrang greed o kaswapangan sa pera ng mga dambuhalang bangko at financial
institution sa Estados Unidos na pagkatapos manloko ng mga tao at lumabag sa mga
regulasyon ng gobyerno ay humingi pa ng bilyun-bilyong dolyar na bail-out funds. Isang
malaking kahunghangan o foolishness na noong panahon na tumutubo sila nang malaki
ay di sila nagbigay ng share sa gobyerno at/o sa taumbayan, pero nang malugi na sila
ay nagpupumilit sila na bigyan ng gobyerno ng bail-out funds. Idinedetalye sa
dokumentaryong “Inside Job” ni Charles Ferguson at “Capitalism: A Love Story” ni

57
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Michael Moore ang istorya ng panloloko ng mga kapitalista sa mga ordinaryong


Amerikano na sa kasalukuyan ay nakakaapekto na sa buong mundo. Dahil sa bilyun-
bilyong dolyar na bail-out funds (700,000,000,000 dolyar) na nilamon ng mga
dambuhalang bangko sa Amerika, tipid na tipid ang edukasyon at iba pang social
services ngayon doon. Halimbawa, hindi pa rin nagkakaroon ng murang health care sa
Amerika hanggang ngayon dahil sa krisis. Ayon sa ulat ng Al Jazeera (2011), 45,000
Amerikano ang namamatay bawat taon dahil di nila kayang bayaran ang mahal na
health care. Maliwanag na isang krimen ang pagyakap sa kapitalismo sa gitna ng
napatunayang kapalpakan nito.

Otro mundo es posible (another world is possible), sabi ng mga Espanyol na


nagpoprotesta pa rin (as of June 2011) laban sa sobrang taas na unemployment rate sa
bansa nilang kapitalista. Kung narito si Rizal, ‘yun din ang sasabihin niya. Mabuhay ang
diwang makabayan at anti-kapitalista ni Rizal! Ibagsak ang kapitalismo!

58
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Si Rizal Bilang Aktibista


David Michael M. San Juan
~~~
Noong June 19, 2011 ginunita/ipinagdiwang ng sambayanang Pilipino ang ika-150
kaarawan ng pangunahing pambansang bayani na si Jose Rizal. Magandang
oportunidad ito upang linawin ang papel ni Jose Rizal bilang isa sa mga pangunahing
aktibista o radikal sa kasaysayan ng bansa.
Bago ang lahat, kailangang linawin ang tunay na ibig sabihin ng terminong
“aktibista” o “radikal.” Kung normal na bansa sana ang Pilipinas ay di na kailangang
ipaliwanag ang mga terminong ito. Kundi lang sana may iilang mga konserbatibo’t
bobong administrador, guro at mag-aaral, lalo na sa mga malalaking pampublikong
unibersidad, na nagpapakalat ng maling kaisipan hinggil sa aktibismo at sa kahulugan
ng pagiging aktibista at radikal, di na kakailanganin ang pagpapaliwanag.

Pinagmulan ng Salitang “Aktibista” at “Radikal”


Ang salitang ”aktibista” ay isang kasingkahulugan o synonym ng salitang “radikal.”
Ang salitang radikal ay nagmula sa Latin na “radix” na nangangahulugang “ugat.”
Samakatwid, ang aktibista o radikal ay sinumang taong nakatuon o nakapokus sa ugat
ng mga bagay-bagay, lalo na yaong mga suliraning panlipunan o social problems.
Samakatwid, ang aktibista o radikal ay sinumang taong naghahangad ng mga
makabuluhang pagbabago ng status quo. Halimbawa, kung ang mundo ngayon ay
mundo ng kagutuman (hunger) at pagdaralita (extreme poverty), ang aktibista o radikal
ay isang taong naghahangad na mapawi o malunasan o masolusyunan o mawakasan
ang kagutuman at pagdaralita at mapalitan ito ng kasaganaan (prosperity) para sa lahat
ng mamamayan. Samakatwid, sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas at ng
daigdig, napakainam o napakagandang maging aktibista. Kung tutuusin, dapat lahat ng
tao’y maging aktibista o radikal. Sa simpleng salita, kabaligtaran o antonym ng
“konserbatibo” ang kahulugan ng radikal at aktibista. Gusto mo bang i-conserve o
panatilihin ang kahirapan, korapsyon, pagnanakaw sa pera ng bayan, paglabag sa
karapatang pantao o human rights at iba pang problema ng lipunan? Kung gusto mo,
konserbatibo ka. Kung ayaw mo naman sa mga masasamang bagay na ‘yan at gusto
mong magkaroon ng pagbabago, ibig sabihin, aktibista o radikal ka.

Sa panahon ng mga Kastila, hindi kataka-takang naging aktibista o radikal si Rizal.


Bulok at tiwali o corrupt ang mga Kastilang administrador at mga lokal nilang tau-tauhan
o puppet. Brutal ang mga gwardya sibil (na sa kasamaang-palad ay nirekrut din mula sa
mga indio). Itinuturing na second class citizen ang mga indio sa sariling bayan. Iilang
indio lamang ang nakakapag-aral. Mayorya ng mga mamamayan ay anak-dalita (very
poor). Samakatwid, lahat halos sa buong sistema ay kailangang baguhin. Natural, ang

59
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

matatalino at may-pusong tao gaya ni Rizal ay magiging aktibista. Kunsabagay, ang


pagiging radikal at aktibista ni Rizal ay nagsimula pa noong kanyang pagkabata
(nagsimula ito sa pagkakaroon niya ng kritikal na pag-iisip o pagiging analytical na dulot
ng hilig niya sa pagbabasa) at lalo pang yumabong o nagblossom sa pag-aaral niya sa
Europa, kung saan unti-unti na noong lumalaganap ang mga konsepto ng malayang
pamamahayag o free press, karapatang pantao o human rights, nasyonalismo atbp.

Aktibista Noon at Ngayon


Sa panahon ni Rizal, tinatawag ng gobyernong kolonyal na “filibustero,” “insurecto” o
kaya’y “rebelde” ang sinumang radikal o aktibista na gaya ni Rizal. Sinumang humingi
ng pagbabago o reporma ay agad na kinakasuhan ng “rebelyon” o kaya’y “sedisyon.”
Sa kasalukuyang panahon, tinatawag naman ng ilang bobo sa gobyerno na “rebelde,”
“NPA” o “komunista” ang sinumang radikal o aktibista. Sa mga publikong unibersidad,
usong-uso ang pagsasagawa ng forum ng ilang elemento ng pamahalaan na
nagpapakalat ng maling tsismis hinggil sa diumano’y pagiging “komunista” ng mga
partido ng mga estudyanteng radikal at aktibista. Hindi kataka-taka na kung narito si
Rizal at makapagsasalita lamang siya sa buong bansa, agad-agad siyang ipakukulong
ng gobyerno at pagbibintangang kakampi ng mga “komunista” o ng “NPA.” Dahil hindi
matalu-talo ng gobyerno ang NPA at mga komunista, ang mga kagaya ni Rizal na
aktibista at radikal na laway lamang ang sandata o weapon ang ginigipit at pinag-iinitan
nila.

Gaya ng mga aktibista at radikal ngayon, matapang na ibinulgar ni Rizal ang lahat
ng kabulukan ng sistemang pinaghaharian ng mga Kastila. Ang kaibahan lamang, sa
kasalukuyan, mga Pilipino na rin ang namumuno sa bulok na sistemang naghahari sa
lipunan. Dyaryo at mga nobela ang ginamit noon ni Rizal, megaphone, Facebook,
petisyon at rali naman ang sandata ng mga aktibista at radikal sa kasalukuyan.

Kalayaan ng Pilipinas: Bunga ng Aktibismo


Malaki ang utang na loob ng mga Pilipino sa pagiging aktibista o radikal ng
henerasyon ni Rizal. Ang Katipunan ni Bonifacio ay di agad-agad maitatayo kung hindi
naimpluwensyahan ang marami-raming bilang ng Manilenyo at mga mamamayan sa
karatig-lalawigan ng mga kaisipang nasyunalista at radikal ni Rizal sa “Noli Me
Tangere” at “El Filibusterismo.” Hindi bibilis ang radikalisasyon ng mga nasa paggitnang
uri o middle class kundi dahil sa aktibismo at radikalisasyon ni Rizal. Kung walang
Katipunan, walang rebolusyon noong 1896 at kung walang rebolusyon, walang
Republika ng Pilipinas.
Ang kalayaan ng bansa, kung gayon, ay pamana o legacy ng aktibismo ng mga
kagaya nina Rizal at Bonifacio noon.

60
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

Ikalawang Kilusang Propaganda


Sa ganitong diwa, dapat ubos-kayang labanan ang bobong propaganda ng mga
naghahangad na mapanatili ang masamang kalagayan ng bansa, yaong mga bobong
nagsasabing ang mga aktibista at radikal ay “komunista” at “NPA.” Ang mga komunista
at NPA ay aktibista at radikal din PERO DI LAHAT NG AKTIBISTA AT RADIKAL ay
komunista at NPA, kung paanong noon, si Rizal at Bonifacio ay parehong aktibista at
radikal, pero si Rizal ay di Katipunero at Katipunero naman si Bonifacio. Kasalanan ba
ni Rizal na idolo siya ni Bonifacio? Kasalanan ba ni Rizal na gaya niya, naghahangad
din ng pagbabago ang mga Katipunero? Gayundin naman, kasalanan ba ng mga
radikal at aktibista sa paaralan na gusto rin ng mga komunista at NPA ng pagbabago sa
lipunan nating bulok na bulok at punung-puno ng katiwalian? Di ba’t pati si Presidente
Noynoy Aquino ay gusto rin ng pagbabago? E di NPA at komunista na rin ba siya?

Sana’y narito si Rizal para suportahan ang sinasabi ko. Pero di naman kailangan na
narito siya dahil lahat ng sinabi ko’y nasa “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” Di ka
naniniwalang aktibista si Rizal? Basahin mo at nang maniwala ka (at nang maging
aktibista ka na rin, para sa kapakanan ng bayan at ng sangkatauhan).

61
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Si Rizal sa Panahon ng Facebook at Twitter


David Michael M. San Juan
~~~
Bago ang June 19, 2011, namuti na ang mata ng sinumang suki ng MRT at LRT sa
dami ng mga sticker na may lamang mukha at pahayag ni Rizal. Nakaiinis at/o
nakalulungkot na karamihan sa mga pahayag o quotation na nasa sticker sa mga tren
ay apolitikal (walang politika) at mas malala, walang wawa (walang kabuluhan, walang
kwenta, walang silbi) sa ating panahon. Tila sinasadya ng mga nasa kapangyarihan (at
mga nasa akademya o academe na rin) na ilayo si Rizal sa taumbayan. Samakatwid
baga’y iluluklok si Rizal sa pedestal upang di siya maabot ng
sambayanan. Kunsabagay, binaril si Rizal sa bintang na “sedisyon” at pagiging
diumano’y “kaluluwa ng rebelyon,” at sa totoo lamang, di man rebolusyunaryo’y may
rebolusyunaryong kaisipan na mababasa sa mga sinulat niya. Wasto kung gayon, sa
pananaw ng pamahalaang konserbatibo, na ilayo si Rizal sa bayan.

At sino pa nga ba ang may interes kay Rizal ngayon. Mabibilang sa daliri. Nariyan
ang mga mukhang-perang manunulat at/o mga publishing house na maglalathala na
naman ng sangkatutak na basura tungkol sa mga walang kabuluhan pagtalakay sa mga
diumano’y babae ni Rizal at iba pang tsismis sa diumano’y “kasaysayan” (salaysay na
may saysay, kuno). Nariyan ang mga konserbatibong kasapi ng mga konserbatibo rin
namang organisasyon na may “Rizal” sa pangalan ngunit wala namang prinsipyong
Rizalista o kaya’y kaisipang Rizalista na itinataguyod o ipinopromote. Isama pa ang
mga kabataang estudyante sa kolehiyo na obligadong kumuha ng asignaturang Rizal
(PI 100 sa Unibersidad ng Pilipinas, “Putang Ina 100,” sabi ng mga estudyanteng naiinis
sa kahingian o requirement ng kanilang kabagut-bagot o boring na propesor). Ang
kaibahan lamang, karamihan sa mga estudyanteng ito’y panandalian lamang ang
interes kay Rizal...maihahambing sa bilis ng pagsasalsal (masturbation) upang mairaos
ang mga damdaming di maaksyunan, habang ang mga manunulat at publisher ay
laging interesado sa perang maisasampa sa kanilang kabang-yaman ng pagbebenta ng
mga aklat na diumano’y tungkol kay Rizal o diumano’y salin ng mga gawa ni Rizal.

Akala ng mga kabataang estudyante na kumukuha ng asignaturang Rizal ay


kawawa at malas sila, pero sa aktwal ay mali sila. Unang-una, kahingian o requirement
ang Rizal sa kolehiyo alinsunod sa Batas Rizal na bunga ng matiyagang pakikipagbuno
ng makabayang Senador Claro Mayo Recto laban sa mga prayleng dayuhan at lokal
(lalo na yaong mga nagpapatakbo ng isang paaralang pinanggalingan at paborito pa
nga ni Rizal...kung alam lamang ni Rizal na ang isang paring mula sa kanyang
paboritong paaralan ay hahadlang sa pagpapaturo ng kanyang akda, malamang na
itakwil din niya ang “paboritong” paaralan na hanggang ngayo’y gumagamit sa kanyang
kasikatan para mang-akit ng mga estudyante). Pangalawa, swerte ang mga may
62
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

asignaturang Rizal dahil sa ilang kolehiyo at unibersidad sa bansa, WALANG


ASIGNATURANG RIZAL, isang tahas o malinaw na paglabag sa Batas Rizal (at sino pa
nga bang may pakialam, o sa mas malutong na Ingles, who the hell cares?).

Kunsabagay, di masisisi ang mga mag-aaral sa pagkamuhi o pagkainis sa


asignaturang Rizal. Madalas kasing nauuwi sa sapilitang pag-uulat o reporting at iba
pang kabagut-bagot o boring na trabaho ang kanilang klase sa Rizal. May ilang
propesor na nag-aastang inobatibo/moderno sa pamamagitan ng pagpupumilit na isingit
sa Twitter at Facebook ang mangilan-ngilang pahayag ni Rizal, o kaya’y ang mga
larawan niya. Nauso na rin ang mga t-shirt na may mukha ni Rizal na naka-shades. Ano
kayang sasabihin ni Rizal sa mga “makabayang” kapitalista na nagsasamantala sa
kanyang kasikatan? “Hoy, dapat asul ang shades kung binasa ninyo ang El Fili!”
marahil ay sasabihin ni Rizal. Pero mabibigo lang si Rizal dahil malamang na di nabasa
o mas malala’y nakalimutan na ng kapitalista ang nilalaman ng “El Filibusterismo.”
Sa kabila ng pagtatangkang ipopularisa si Rizal, tila nananatiling nasa pedestal ang
kanyang mga kaisipang makabayan. Lipas na ang panahon na handang magbarilan
ang mga senador ng Republika alang-alang sa debate hinggil sa nasyonalismo at iba
pang matatayog na kaisipan. Lipas na nga rin ba ang panahon ni Rizal?

Sa pakiwari o sa opinyon ko’y hindi.

Lipas na ang panahon ni Rizal sa mga edukadong tamad magbasa o ayaw


magbasa ng mga gawa ni Rizal.

Maaaring boring ang subject o asignaturang Rizal sa paaralan pero di


nangangahulugang boring din ang mga sinulat ni Rizal.

Nasa pagbabasa at/o muling pagbabasa ang susi, at sa panahon ng Twitter at


Facebook, di na problema ang paghahanap ng mababasa na gawa ni o tungkol kay
Rizal. Ang problema’y ang dati pa rin, “la indolencia de los filipinos,” (“ang katamaran ng
mga Pilipino”), kung hihiramin ang pamagat ng isang mahabang sanaysay ni
Rizal. Pamagat pa lang ‘yan.

63
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

Ang Blue Shades ni Simoun, Ang Lupa ni Jezebel At Iba Pang Trivia
David Michael M. San Juan
~~~

Hindi naman lahat ng trivia ay trivial kaya naghalungkat din ako ng ilang trivia
tungkol kay Rizal at sa kanyang mga isinulat.

Blue ang shades ni Simoun pero sa maraming visual representation sa internet,


halos walang nakatama sa kulay. Ang pangalang “Simoun” ay malamang na may
biblical context. Isa sa mga apostol ni Kristo si Simon the Zealot (ang mga Zealot ay
mga makabayang rebelde sa Israel na tumututol sa pananakop ng Roman Empire sa
bansa ni Kristo). Relihiyoso at espiritwal si Rizal kaya madaling iassert ang pagiging
biblical ng basis ng pangalan ni Simoun. Dapat tandaan na isinulat ni Rizal ang “Noli Me
Tangere” at “El Filibusterismo” hindi para tuligsain lamang ang mga Padre Damaso sa
Simbahan at ibulgar ang mga baho ng Simbahan noon, kundi para na rin magbago ang
mga masasamang prayle. Mahal ni Rizal ang Simbahan kaya ayaw niyang makitang
nagiging instrumento ito ng pang-aapi at panlilinlang. Gusto niyang magreporma ang
Simbahan at maging tunay na kasangkapan ito sa pagpapabuti ng buhay ng mga
Pilipino.

Ang lulubog-lilitaw (biglang nawawala, biglang sumusulpot) na si Elias ay


malamang na hango naman sa karakter ni Propeta Elias sa Old Testament. Si Propeta
Elias ay nangaral laban sa mga inhustisyang dinanas ng mga Israelita dahil sa
masamang pamahalaan ni Haring Ahab at Reyna Jezebel. Tinuligsa ni Propeta Elias
sina Haring Ahab at Reyna Jezebel dahil sa pangangamkam nila sa lupa (landgrabbing)
ni Naboth. Gaya ni Naboth, inagawan din ng lupa si Telesforo Juan de Dios o Kabesang
Tales sa “El Filibusterismo.” Dahil sa di nakamit ni Tales ang katarungan sa
pamamagitan ng pagdedemanda sa korte, napilitan siyang maging isang tulisan o
rebelde. Hanggang sa mga huling kabanata ng nobela ay umaalingawngaw ang
pagsalakay ni Tales o “Matanglawin” sa mga mapang-aping elemento ng kanyang
panahon. Gaya ni San Juan de Dios o St. John of God na patron ng mga ospital, tila
nagbibigay ng lunas o gamot si Tales sa mga nagnanaknak na kanser ng lipunan.

Kapansin-pansin na ang pinuno ng mga rebelde sa “Noli Me Tangere” na si


Tandang Pablo ay may pangalan ding biblikal. Si Apostol San Pablo ang isa sa mga
pinakasikat na alagad ni Kristo na nangaral sa mga Gentile (mga di Hudyo). Sa
ganitong konteksto, ang repormistang si Crisostomo Ibarra ang “Gentile” na hangad
iconvert ni Tandang Pablo pabor sa tunay na “relihiyon” (ang rebolusyon ng mga
inaaping indio). Ang henyong pilosopo, si Don Anastacio o Tasio ay tila halaw naman

64
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

sa katauhan ni Pope Saint Anastasius I na kaibigan ng mga kilalang intelektwal ng


Simbahan na sina San Agustin at San Geronimo (Jerome). Pinamunuan ni Pope
Anastasius I ang Simbahan sa panahon ng mga barbarian invasion sa Roma. Marahil,
ito ang dahilan kung bakit binibigyang-diin ni Pilosopong Tasio na “di lahat ay natulog
sa mahabang gabi ng ating mga ninuno” (ang panahon ng pananakop ng mga Kastila).
Nilabanan ni Pope Anastasius I ang mga heretic (traydor sa doktrina ng Simbahan),
habang nilabanan naman ni Pilosopong Tasio ang mga prayleng nagtraydor din sa mga
turo ng Simbahan gaya ng simpleng pamumuhay, paglilingkod sa kapwa at katapatan.
Si Crispin, ang kapatid ni Basilio na pinatay sa bugbog ng sakristan mayor dahil sa
maling bintang na pagnanakaw ng gintong barya ni Padre Salvi, ay isang martir gaya rin
ni San Crispin, kapatid ni San Crispian. Nangangaral sila noon sa Gaul (present-day
France) tuwing araw at sumasideline naman na sapatero kapag gabi.

Ang pangunahing karakter ng “Noli Me Tangere” na si Juan Crisostomo Ibarra ay


kapangalan ni San Juan Crisostomo o John Chrysostom. Sa Griyego, ang
chrysostomos, ay nangangahulugang “golden mouthed.” Mahusay na nangaral laban sa
mga abusadong pinuno ng Simbahan at pamahalaan si San Juan Crisostomo kaya nga
chrysostomos ang apelyidong ikinabit sa kanyang pangalan. Si Kapitana Maria, ang
nanay ng kambal na lalaking kasama sa mga pinagbintangang subersibo kaugnay ng
pekeng pag-aalsang gawa-gawa ni Padre Salvi, ay kasintapang ng Birheng Maria nang
si Kristo’y nagpasan ng krus at hanggang sa siya’y ipako. Ni hindi umiyak si Kapitana
Maria habang dumaraan sa kanyang harapan ang talk sa modelong pari na si Padre
Florentino. Pero bigo ba talaga ang rebolusyon sa “Noli Me Tangere” at “El
Filibusterismo”? Maraming henyo sa akademya ang may verdict na: hindi raw
rebolusyunaryo si Rizal kaya talo ang rebolusyon sa dalawang nobela niya. Pero
mukhang mali sila sa paghuhusga dahil kahit patay na si Simoun ay wala namang balita
kay Tandang Pablo o kay Tales/Matanglawin. Si Tandang Celo ay napatay ng apo
niyang gwardya sibil na si Tano sa Kabanata 38 pero walang banggit kung patay ba o
buhay si Matanglawin. Hindi rin malaman kung ano na ang nangyari kay Basilio na
binigyan din ni Simoun ng mga ispesyal na atas. At lalong walang balita sa gurong
naging kastilyero o tagagawa ng baril at bomba. Kapansin-pansin na ang guro sa
Kabanata 19 ng “Noli Me Tangere” na natanggal sa pagtuturo dahil sa pagpapatupad
ng mga repormang pang-edukasyon ay tila ang guro rin na nasa Kabanata 19 ng “El
Filibusterismo.” Reading between the lines, sa katapusan ng “Noli Me Tangere” ay
ipinatapon o inexile ng mga Kastila ang guro pero nang magbalik si Simoun ay nagawa
niyang palayain mula sa exile ang guro. Sa halip na libro ay baril, bala at bomba na ang
expertise ng guro sa “El Filibusterismo.” Isang magandang aral ito na hindi pa rin
natututuhan ng maraming gobyerno sa buong mundo pero at least ay alam ni US
President John F. Kennedy: “Those who make peaceful revolution impossible will make

65
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

violent revolution inevitable.” Kung pasisimplehin: ang humahadlang sa reporma, lalong


nagtutulak sa mga tao na magrebolusyon.

Dahil di naman “pinatay” ni Rizal si Matanglawin (bagamat ayon sa libro ng isang


pambansang alagad ng sining, si Matanglawin daw ang napatay ni Tano), ang gurong
naging kastilyero, si Basilio, si Tandang Pablo at iba pa, may sapat na tauhan ang
kwento para magpatuloy ang rebolusyong sinimulan ni Simoun at ituwid ang mga
pagkakamali niya. Paano itutuloy ang rebolusyon? Anong gagamitin sa rebolusyon?
Itinapon ni Padre Florentino sa dagat ang kayamanan ni Simoun na maaaring gamiting
pondo ng mga rebolusyunaryo at/o repormista nang may pag-asang muli itong
maiaahon kapag kinailangan: “May Nature guard you in her deep abysses among the
pearls and corals of her eternal seas,” then said the priest, solemnly extending his
hands. “When for some holy and sublime purpose man may need you, God will in his
wisdom draw you from the bosom of the waves. Meanwhile, there you will not work
woe, you will not distort justice, you will not foment avarice!”

Tinapos ni Rizal sa bahaging ito ang “El Filibusterismo.” Sayang at di na


nakagawa ng sequel dahil limang taon mula nang ipublish ang El Fili, binaril na sa
Bagumbayan si Rizal. Mahigit 70 taon pagkatapos barilin si Rizal, inilimbag ni Amado
“Ka Amado” V. Hernandez, pambansang alagad ng sining sa panitikan, ang nobelang
“Mga Ibong Mandaragit” na nagsimula kung saan nagtapos ang El Fili. Sinimulan itong
isulat ni Ka Amado habang nakabilanggo sa bintang na “rebellion complex with murder.”
Pinagbintangan ng administrasyong Quirino si Ka Amado na komunista dahil sa
kanyang pagiging isang lider-manggagawa na naghahangad ng mga repormang sosyo-
ekonomiko (parang si Rizal na pinagbintangang subersibo). Sa “Mga Ibong
Mandaragit,” isang mas nakababatang gerilya (noong panahon ng Hapon), sa gabay ng
isang matandang rebolusyunaryong beterano ng 1896 Revolution, ang makapag-aahon
mula sa dagat ng kayamanan ni Simoun. Ginamit niya ito sa pagpapatupad ng samu’t
saring hakbang na makapagpapalaya sa mga Pilipino mula sa kahirapan gaya ng
reporma sa lupa, pagtatayo ng mga industriya at makabayang unibersidad hanggang sa
pagtatayo ng isang makabayang pahayagan para sa muling pagpapasimula ng
Kilusang Propaganda. Itinuloy ni Ka Amado ang “rebolusyon” sa mga nobela ni Rizal.
Dahil wala namang significant change mula noon hanggang ngayon, makabuluhang
basahin pa rin ang Noli, Fili at “Mga Ibong Mandaragit.” Taglay nito ang mga Rizalistang
prescription sa mga di magamut-gamot na sakit ng ating naghihingalong bayan.

Bilang pangwakas, narito ang isang tulang alay kay Simoun, isang
rebolusyunaryong bigo ngunit may iniwang aral sa mga magtatangkang magrebolusyon
sa hinaharap:

66
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

“ODA KAY SIMOUN”


Paano mo tinatanaw
ang maligalig na daigdig
sa mata ng lenteng asul?

Paano mo natawid ang karagatan


nang hindi lumilingon sa iyong pinanggalingan
(walang tuwa, ni luha,
ni hibik na munti man)?

Paano ba tutuwirin
ang baku-bakong landasin
na pinilit mong tawirin?

Paano ba babakalin
ng makabayan ang puso niyang maramdamin?

(“ODE TO SIMOUN”
How do you view
the chaotic earth
through the eyes of the blue lenses?

How were you able to cross the ocean


without looking back at where you came from
(no laughter nor tears,
nor an iota of faint cry)?

How do we straighten
the zigzagged path
that you had persistently taken?

How does the patriot steel


his sensitive heart?)

67
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

WAKAS

Pero sana, hindi matapos ang lahat sa pagbitaw mo sa librong ito.

Ang katapusan ng isang kabanata ay lagi’t laging dapat sinusundan ng isang


panibagong kabanata.

Umaasa kami na ang huling pahina ng librong ito ang magiging umpisa sa
panibagong pananaw hinggil sa buhay, sinulat, at kamatayan ng ating pambansang
bayani. Simula ng pagkilos para gamutin ang kanser ng lipunan at makamit ang
pagbabagong pinangarap din ni Rizal minsan.

Huwag din sana nating kalimutan ang mga “nasawi sa dilim ng gabi,” silang mga
nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng ating bayan.

Marahil, ang ilan sa amin ay “mamamatay nang hindi man lang nakikita ang
maningning na pagbubukang-liwayway sa ating Inang Bayan.”

Pero masaya naming lilisanin ang mundong ito sa paniniwalang nakapag-ambag


kami sa mithiing magkaroon ng tunay na kalayaan ang ating bansa, at umaasa kaming
makakamit din natin ito sa hinaharap.

68
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

TUNGKOL SA MGA MAY-AKDA

Cerise Crudo-Guerrero
Tapos ng kursong Edukasyon sa University of the Philippines-College of Education.
Nagturo ng English sa De La Salle University (DLSU)-Manila; nag-aral din ng Lingustics
sa DLSU-Manila, at napahilig sa Political Discourse. Nagturo rin ng English sa Philipine
College of Criminology at Social Studies sa Victory Christian International School, at
ngayo’y nagtuturo ng IBDP (International Baccalaureate Diploma Program) Language
and Literature and Theory of Knowledge sa Life Academy International. Kasal at may
dalawang anak.

Noel Sales Barcelona


Dating peryodista, ngayon ay isang email support agent. Premyadong makata, nakamit
niya ang Ikalawang Gantimpala sa Gawad Pandaylipi sa Tula noong 2002, at
ginawaran din siya, noong taong iyon, ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas ng Makatang Mag-aaral ng Taon. Naging isa siya sa mga
pinalad na maging finalist din siya sa Kabuwanan Poetry Competition noong Abril,
2008; at noong Hulyo 29, 2008 binasa sa buong mundo, sa pamamagitan ng Internet,
ang kanyang kuwentong nalathala rito sa Tinig.com, ang Bote, Dyaryo, Bakal at
ginawaran siya ng Certificate of Literary Achievement ng mga Pilipino-Australiyano sa
Brisbane, Australia. Napasama ang kaniyang mga tula at maikling kuwento sa iba’t
ibang antolohiya sa Pilipinas gaya ng Aklat Likhaan ng Tula at Maikling Kuwento 2001
(UP Institute of Creative Writing, 2003); 24/7 Walang Tulugan (Philippine Collegian,
University of the Philippines Diliman, 2005); Ipuipo sa Piging (indie publication ni Fermin
Salvador, inedit ni Abet Umil, 2010); Rizal ng Bayan (Backpacker Press, 2011); Asuang
(Paper Monster Press, 2012); Buhawi: Unang Hagupit (7 Eyes Productions, OPC,
2020); Aksyon: Dagli ng mga Eksenang Buhay (7 Eyes Productions, OPC, 2020); at
Lakbay: Mga Tulang Lagalag (7 Eyes Productions, OPC, 2020).

Jose del Rosario III


Multimedia artist ng GMA News and Public Affairs. Aktibong tagapagsanay sa mga
journalism skills training (JST) para sa mga campus journalist. Ko-awtor ng
antolohiyang Rizal ng Bayan (koleksyon ng mga sanaysay hinggil sa buhay at mga
sinulat ni Dr. Jose Rizal).

Joel Costa Malabanan


Isang makata at musikerong guro. Kasalukuyan siyang full time na propesor ng Filipino
sa Fakulti ng mga Wika at Sining sa Philippine Normal University. Nagtapos siya ng
kolehiyo sa Cavite State University sa kursong Bachelor of Science in Agriculture major
in Agricultural Economics at nakakumpleto naman ng kanyang digring Master sa Sining

69
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

sa Wika at Panitikan sa Filipino sa De La Salle University, Taft Avenue, Manila. Sa


University of the Philippines, Diliman naman niya tinapos ang kanyang Ph.D sa kursong
Philippine Studies major in Filipino Literature. Bilang makata, nagkamit siya ng Ikatlong
Karangalang Banggit sa Talaang Ginto 2010 na iginawad ng Komisyon sa Wikang
Filipino at nagkamit ng unang karangalan sa DALITEXT, isang patimpalak sa paglikha
ng tula gamit ang cellphone na inisponsor ng NCCA noong 2003. Naging grandprize
winner siya ng DALITEXT tungkol sa climate change na inisponsor ng United Nation
Information Center noong 2014. Bilang musikero, nakagawa siya ng mahigit 220 awit at
nakapaglabas ng 16 independent music albums. Siya ang tagapagtag ng Kapatirang
Umuugnay sa Sining at Panitikan (KAUSAP). Nakapagsulat na rin siya ng maraming
piyesa ng balagtasan, sabayang pagbigkas at mga dula na naitanghal na sa iba’t ibang
paaralan. Nagtuturo rin siya ng Baybayin sa mga seminars at workshops. Kasalukuyan
siyang technical adviser at Filipino critic ng The Torch Publications ng Philippine Normal
University. Kasapi rin siya ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(Tanggol Wika) na nananawagan sa pagpapanatili ng pagtuturo ng Filipino at Panitikan
sa kolehiyo.

Mon Karlo L. Mangaran


Nagtapos ng Master sa Sining sa Araling Filipino – Wika, Kultura at Midya sa De La
Salle University at kasalukuyang mag-aaral ng Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino-
Wika, Kultura at Midya sa nasabing pamantasan. Kasalukuyang Assistant Professorial
Lecturer sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University (DLSU), at nagsisilbi rin
bilang Lecturer sa University of Santo Tomas. Itinanghal na Mananaysay ng Taon 2010
sa Gawad Surian sa Sanaysay ng Komisyon sa Wikang Filipino at nagkamit din ng
Karangalang Banggit sa parehong patimpalak noong 2013. Ang kaniyang masteradong
tesis ay itinanghal bilang “Natatanging Tesis” sa Gawad PSLLF sa Saliksik 2019 na
ipinagkaloob ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino.

David Michael M. San Juan


Full Professor sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila (DLSU-
Manila). Dating guro ng Filipino 2nd, 3rd at 4th Year High School sa Colegio San Agustin-
Makati, at ng asignaturang Rizal sa Bulacan Polytechnic College. Tapos ng BSE
Filipino sa Bulacan State University (magna cum laude), Master of Arts in Teaching
Filipino sa Philippine Normal University, at PhD in Southeast Asian Studies sa Centro
Escolar University-Manila. Pangulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at
Literaturang Filipino (PSLLF). Dating Vice Head of the National Committee on
Language and Translation sa ilalim ng National Commission for Culture and the Arts
(NCCA). Public information officer ng ACT-Private Schools. Isa sa mga nominado ng
ACT Teachers Partylist para sa eleksyong 2016 at 2019. Makata ng Taon 2010

70
Antolohiya ng Mga Sanaysay Tungkol sa Buhay at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal

(ginawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino/KWF). Mananaysay ng Taon 2009


(ginawaran ng KWF). Isa sa mga lead convener ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng
Wikang Filipino (Tanggol Wika). Associate member ng Division I (Governmental,
Educational and International Policies) of the National Research Council of the
Philippines (NRCP).

71
Rizal ng Bayan 2020 Ebook Edition *Don’t re-upload in any database. Share link at bit.ly/RizalNgBayan2020

72

View publication stats

You might also like