You are on page 1of 3

IHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

SUMMATIVE QUIZ SA ARALING PANLIPUNAN 9 – 3RD QUARTER

Pangalan: ______________________________________ GRADE&SECTION:________________

MODYUL 1
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ito ay ang paglalarawan sa ugnayan ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya
a. Paikot na daloy ng ekonomiya c. Pag-aaral ng implasyon
b. Kurba ng demand d. Pagkompyut ng GNI at GDP
_______2. Paano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal sa isang paikot na daloy ng ekonomiya?
a. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng
bahay-kalakal.
b. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
c. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng
mga bahay-kalakal.
d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa
mga bahay-kalakal.
_______3. Ang isang pamilya ay nagtatanim ng mais upang may panustos sa kanilang pagkain. Dagdag pa nito,
nagtutulungan ang bawat kasapi ng pamilya tuwing anihan ng mais. Ang kalagayang ito ay naglalarawan
ng isang:
a. Simpleng daloy ng ekonomiya c. Pag-iimpok sa isang kita mula sa isang ani
b. Paghihiwalay ng Sambahayan at Bahay Kalakal d. Pag-aangkat ng mais sa kabilang lugar
_______4. Isang sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya na nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon.
a. Bahay Kalakal b. Sambahayan c. Pamilihang Pinansiyal d. Pamahalaan
_______5. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng Pamilihang Pinansiyal maliban sa:
a. Bangko b. Kooperatiba c. Insurance company d. Pamahalaan
_______6. Si Mang Jose ay nagmamay-ari ng isang pagawaan ng Banana Chips. Ang tagasuplay ng saging sa
kanyang pagawaan ay si Mang Osting. Alin sa kina Mang Jose at Mang Osting ang nasa sektor ng
sambahayan?
a. Mang Jose b. Mang Osting
_______7. Si Engr. Seth Mahinay ay nagtatrabaho bilang isang Electrical Engineer sa isang Electrical Company na
nagsusuplay ng koryente sa Probinsiya ng Davao de Oro. Sa paikot na daloy, si Engr. Seth ay kumatawan
sa anong sektor?
a. Sambahayan b. Bahay Kalakal c. Pamahalaan d. Bangko
_______8. Kung tayo ay may kita at denideposito natin sa bangko, ito ay tinatawag na:
a. Investment b. Insurance c. Savings d. Buwis
_______9. Upang mas mapalawak pa ang kanyang produksyon sa kanyang Banana Chips, nag-aaply ng loan si
Mang Kanor sa Bung-aw Bank. Ang tawag sa loan ni Mang Kanor ay:
a. Savings b. Collateral c. Buwis d. Investment
_______10. Sa panahon ng pandemya, umaangkat tayo ng mga bakuna sa labas ng bansa. Ito ay isang pakikipag-
ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Ang sektor na nito ay:
a. Pamahalaan b. Bangko c. Panlabas na Sektor d. Bahay Kalakal

MODYUL 2
_______1. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga paraan ng pagsukat ng Gross National Income?
a. Income Approach c. Industrial Origin Approach
b. Expenditure Approach d. Economic Freedom Approach
_______2. Ang kita ng Overseas Filipino Workers ay nabibilang sa aling economic indicator?
a. Growth Rate b. Income Approach c. Gross National Income d. Gross Domestic Product
_______3. Alin sa sumusunod na economic indicator ang tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at
serbisyo na nalikha sa bansa sa loob ng isang taon?
a. Industrial Origin Approach b. Gross Domestic Product c. Gross National Product d.Income Approach
_______4. Alin sa sumusunod ang may direktang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
a. Mataas na remittance ng mga OFW’s. .
b. Mataas nabilang ng mga dayuhang manggagawa.
c. Maayos na pamumuno sa pagpapanatili ng kapayapaan
d. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.
_______5. Alin sa sumusunod na paraan ang tamang pagsukat ng produksiyon at pambansang kita batay sa
sektor ng ekonomiya?
A. Industrial Origin Approach C. Income Approach
B. Expenditure Approach D.Capital Consumption

MODYUL 3
_______1. Ano ang kahulugan ng Implasyon?
A. Pagbaba ng presyo ng mga bilihin. C. Pagbaba ng halaga ng salapi.
B. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin. D. Pagtaas ng halaga ng salapi.
_______2. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
A. Deplasyon B. Resesyon C. Depresasyon D. Implasyon
_______3. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Implasyon?
A. Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe. C. Bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
B. Dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga. D. Mataas na halaga at bawas na produkto at serbisyo.
_______4. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng demand-pull?
A. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na ginagamit niya.
B. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong gadget ng mga kabataan ngayon.
C. Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente.
D. Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng produkto.
_______5. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng
Implasyon?
A. Pagbili lamang ng mga kailangan B. Pag-aaral nang mabuti C. Pamumuhunan D. Pagiging magastos
_______6. Ang pagbaba ng presyo ng mga produkto o serbisyo ay tinatawag na.…
A. implasyon B. deplasyon C. depresasyon D. resesyon
_______7. Ang mga sumusunod ang tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa;
A. Mga mangungutang B. Mga may tiyak na kita C. Mga may di tiyak na kita D. Mga speculator
_______8. Ang mga sumusunod ang di tuwirang nakikinabang sa implasyon maliban sa;
A. Mga may tiyak na kita B. Mga nagpapautang C. Mga nag-iimpok D. Mga nangungutang
_______9. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para
tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano
ang iyong maimumungkahi upang mapagaan ang problema ng pananalapi ng iyong pamilya?
A. Huwag nang gumastos C. Huminto muna sa pag-aaral
B. Bumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain D. Gumawa ng bagay na mapagkakakitaan
_______10. Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon?
A. Ubusin lagi ang pera sa mga kagustuhan C. Palaging mag shopping
B. Bilhin lang ang dapat bilhin at importante D. Bumili ng bagong gamit tulad ng Cellphone
_______11. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang m atamlay na ekonomiya.
C. Pagpapautang ng may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta.
D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya.
_______12. Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang makatiyak sa presyo.
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.
_______ 13. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na bawat sektor ng ekonomiya -sambayanan, kompanya o pamahalaan
na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa puwedeng isusuplay ng pamilihan.
A. Cost Push B. Demand Pull C. Structural Inflation D. Hyperinflation
_______ 14. Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga
bilihin.
A. Cost Push B. Demand Pull C. Structural Inflation D. Hyperinflation
_______15. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng implasyon?
A. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar C. Pambayad utang
B. Monopolyo o kartel D. Pagtaas ng demand at paggasta
MODYUL 4
_______ 1. Ang ipinapatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan ibinaba ang interes sa pagpapautang para maraming
mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera para idagdag sa negosyo.
a. contractionary money policy c. demand money policy
b. expansionary money policy d. supply money policy
_______2. Anong bangko ang itinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya ng bansa?
a. Bangko Sentral ng Pilipinas c. Land Bank of the Philippines
b. Development Bank of the Philippines d. Rural Banks of the Philippines
_______3. Sangay ng pamahalaan na naatasang magbigay – proteksiyon sa mga depositor at tumulong na mapanatiling
matatag ang sistemang pinasiyal sa bansa.
a. Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) c. Securities and Exchange Commission (SEC)
b. Department of Finance (DOF) d. Insurance Commission (IC)
_______4. Sa anong ahensya ng gobyerno napasailalim ang Security and Exchange Commission?
a. Department of Finance (DOF) c. Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
b. Bangko Sentral ng Pilipinas d. Development Bank of the Philippines
_______5. Kapag ang demand ay mas mabilis na tumaas kaysa produksiyon, ano ang mangyayari?
a. bababa ang presyo ng mga bilihin c. hindi tataas o bababa ang presyo ng mga bilihin
b. tataas ang presyo ng mga bilihin d. hindi tataas ang presyo ng mga bilihin
_______6. Ang polisiyang ipinapatupad ng BSP para mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan.
a. expansionary money policy c. demand money policy
b. contractionary money policy d. supply money policy
_______7. Ang mga sumusunod ay uri ng mga bangko, maliban sa _______________
a. Rural Banks b. Thrift Banks c. Commercial Banks d. GSIS
_______8. Ang bangkong pag – aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan.
a. Thrift Banks b. Rural Banks c. Land Bank of the Philippines d. Specialized Government Banks
_______9. Ano ang tawag sa institusyong di – bangko na itinatag upang magpautang sa mga taong madalas
mangangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko?
a. pawnshop b. insurance companies c. pre – need companies d. kooperatiba
_______10. Ang mga sumusunod ay mga tinatawag na regulator, maliban sa isa ____________.
a. BSP b. PDIC c. RISK MANAGEMENT d. DBP

You might also like