You are on page 1of 7

STRUGGLES OF A TEENAGER: LIFE IS NOT ALL ABOUT FINDING YOURSELF, IT’S ABOUT HOW YOU BUILD

YOURSELF

EXPOSITION

A teenager's life was extremely difficult due to lack of life experiences, especially nowadays as we are in
the midst of a pandemic.

RISING ACTION

Teenagers are high school students who struggle with school work, time management, and family
expectation. Not only that but they also lack self-confidence.

How will teenagers overcome these struggles?

CONFLICT

Teenagers are fighting with themselves to improve because they themselves are the source of their
problems.

CLIMAX

Teenagers wake up and make changes in their lifestyle but they do not allow themselves be affected by
other’s expectations. They simply go about their lives and enjoy themselves, as teenagers do.

FALLING ACTION

When they work with their new perspective, they begin to build and defeat their previous selves.

RESOLUTION

Teenagers struggles are utmost inevitable. But instead of avoiding it they face it and make changes to
better their minds and construct an improved version of themselves.

CHARACTERS

NARRATOR – Hans
MOTHER(JOSEFINA) - Ashley
FATHER(JOMAR) – Johnmark
MC(JOSEPH) - John Rainer
SC(JIRO) – Jhustin
FUTURE JOWA(MARIEL) – Lia
PROFESSOR(Prof. Cordero) – Arman
FIRST SCENARIO: Si Joseph ay kasalukuyang nasa loob ng bahay, kasama ng kanyang Ina na
naglilinis sa kanyang likuran. Ibinahagi ni Joseph ang kanyang kwento na para bang meron
syang kausap. (Audiences)

Narrator: Magandang araw sa inyo mga tagapakinig! Halina't subaybayan ang buhay ng isang
dukhang estudyante na si..

Joseph: Joseph, ako si Joseph Ejercito Buelo. Sa labing pitong taon 'kong pamumuhay sa
mundo, kahirapan ang naitamo dahil sa aming estado. Si inay ay labandera, si itay naman ay
namamasada, kaya kapos kami sa pagkain at pera, kailan kaya magiging masagana?

Josephina: Anak.. (madamdaming tumingin sa kanyang anak habang nagwawalis)

Joseph: Sa kabutihang palad, ako ay nasa ikalabing isang baitang na. School works, projects,
quizzes at tambak na gawain ang mas lalo pang nagpapahirap sa gaya kong dukha.

Josephina: (inakbayan ang anak na para bang nakokonsensya dahil hindi nasuportahan ng
maayos ang anak)

Joseph: Gayunpaman hindi ko kayo sinisi inay, sama sama tayong bibitawan ang pasanin at
giginhawa rin sa buhay.

Josephina: anak, pasensya kana. (Sabay yuko)

Joseph: Ayos lang ho, inay. (Sabay ngiti sa kanyang magulang)


(Kailan ba matatapos, Tila ba walang hanggan, kahirapan ang hadlang sa amin, Problema ay
walang humpay, Hanggang kailan kakapos, Pagkain para makaraos, Hanggang kailan magtitiis
magtitipid, oh hanggang kailan? Oks lang ako) tono ng oks lang ako

Narrator: Pagkatapos nilang kumain ng umagahan ay tinawag ni Josephina si Joseph dahil


meron itong ibibilin.

Josephina: Joseph, aalis muna ako para maglaba kay aling Celia. Bantayan mo muna mga
kapatid mo ha.

Joseph: Nay, nasan po si itay? Kalahating oras nalang at papasok na po ako sa skwelahan eh.

Josephina: Hindi ko alam kung uuwi ba ang tatay mo anak dahil naglalasing nanaman yon,
pwede bang umabsent ka muna?

Joseph: Sige po (malungkot na sinabi habang nakayuko)

Narrator: Umalis na Ang nanay ni Joseph na may dalang tabla at palanggana.

Joseph: May pagsusulit pa naman kami.. (pabulong nitong sinabi at tila ba nanghihinayang)

(Panghihinayang, Di makapasok sa paaralan, Pagsusulit di masagutan, Ako'y nagdurusa, Sana


bukas makapasok na) tono ng "nanghihinayang"

SECOND SCENARIO:
Narrator: Buong araw na hindi umuwi ang kanilang tatay at disoras na ring nakauwi ang
kanilang nanay. Si Joseph ang namahala sa kanyang mga kapatid buong araw, at kinabukasan ng
6am..

Joseph: Inay nakahanda na po ang mga gamit ko, papasok na po ako.


Josephina: Sige anak, kaso wala akong pambaon na maibibigay sayo. ( Ang mukha ay tila
naaawa sa anak)

Joseph: Ayos lang nay, sanay na ako. Hihingi nalang ako sa kaibigan ko (sabay bitbit ng bag at
umalis)
Kumakanta si joseph at tila ba pinagpapatuloy nya ang kwento ng kanyang buhay

Joseph: oh kailan ba kaya giginhawa, ang buhay ng kagaya kong dukha, buti nalang ay meron
akong kasama, at sya ay nag ngangalang.. (pakanta at ang tono ay "istambay sa looban").

Joseph: Jiro! (Pasigaw) (kadugtong ito ng "nag ngangalang" sa huling lyric ni joseph).

Narrator: Nakita nya ang kaibigan nya na si Jiro habang naglalakad.

Jiro: Uy pre! Bakit di ka pumasok kahapon?

Joseph: Basta pre, nahihiya akong sabihin yung dahilan.

Jiro: Seryoso ka ba pre? Sakin kapa nahiya. (Patawa nitong sinabi)

Joseph: Sa susunod ko nalang sasabihin, tara na.

Jiro: Ikaw bahala, ituturo ko sayo mga aralin kahapon. Tara na!

(Kanta patungkol sa magkaibigan, bigyan ng patapos na tono para sa 2nd scene) 10 secs

THIRD SCENARIO:
Narrator: Nakarating sila sa paaralan ng ligtas at sakto sa oras. Nakasalubong nila sa pagpasok
ang ibang strand at may nakita silang isang babae.

Joseph: Pre, nakita mo ba yung babae na yun?

Jiro: Oo pre, si Mariel yon.

Joseph: Ahh ganun ba (nakatulala kay mariel)

Jiro: Uy uy bakit pre? Natitipuhan mo ba? (Paasar nitong sinabi)

Narrator: Napalihis ang tingin ni Joseph kay Mariel ng marinig nya ang tanong ni Jiro.

Joseph: H-ha? Di kaya, haha ano bang pinagsasabi mo. (Palusot nitong sinabi)

Jiro: Aysus halata naman sa tingin mo (paasar nitong sinabi)

Joseph: Tumigil ka nga, tara na.

(Sinta, Oh ano ba 'to?, Tila may nadarama, Oh gusto yata kita, Sinta, Ang labis mong ganda,
Nahulog ata ng diko pansin, Sinta, ooOooh Di maintindihan, Kung bakit ganto ang bugso ng
puso, Irog ko, irog ko, Oh nabihag mo ang puso) tono ng mama by bohemian rhapsody.

Narrator: Lumipas ang ilang minuto at nagsimula na sila sa klase, ipilit man na magfocus ni
Joseph ay hindi nya ito magawa sa kadahilanang iniisip nya ang babae.

Joseph: Bakit kaya napakaganda nya? Ano ba 'tong nararamdaman ko. (Pataka nitong tinanong
sa sarili)
Prof. Cordero: Mr Buelo! Pwede bang sagutan mo ito?

Narrator: Tinawag sya ng kanilang propesor upang sagutan ang nasa pisara, dali-dali namang
pumunta si Joseph.

Joseph: Naku pano ba yan, hindi ko alam to (pabulong nitong sinabi)

Prof. Cordero: Ayan, sa susunod ay ugaliin mong makinig!

Joseph: Opo sir pasensya na po ( at dali-daling umupo)

Narrator: Halata kay Joseph ang pagtataka dahil masyado ata syang nahumaling sa nakita nyang
babae kaya nawala ang kanyang focus sa klase.

Joseph: Hay nako siguro ay tigilan ko muna ang pagkagusto ko sakanya, nadidistract ako tsk.
(Pabulong at nagtataka nitong sinabi)

(Kanta patungkol sa nahumaling na na lalaki sa isang babae) ps. Medyo maaliw na tono

FOURTH SCENARIO:
Narrator: Pagtapos ng mahabang araw sa skwela ay umuwi na kaagad si Joseph, pag uwi nya ay
bumungad sakanya ang tatay nyang nakainom.

Joseph: Oh itay! Nandito kana pala. Kahapon ka pa namin hinihintay. (Pangiti nitong sinabi)

Jomar: Manahimik ka nga! Nakita mong umiinom yung tao eh! (Pabulyaw nitong sinabi)

Joseph: Pasensya kana po itay.


Jomar: Pasensya pasensya, magluto ka ng lalamunin natin!

Narrator: Inihagis ni Jomar sa kanyang anak ang isang daang piso. At nagsimula nang maglakad
si Joseph papuntang tindahan.

Joseph: Ano ba 'yang si itay, minsan na lang nga umuwi lagi pang galit. (Paiyak nitong sinabi sa
sarili) (Kanta patungkol sa ikaapat na sitwasyon) ps. Malungkot at mabagal

You might also like