You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SAN JOSE DEL MONTE NATIONAL TRADE SCHOOL
City of San Jose del Monte Bulacan
www. sjdmntrade_2000@yahoo.com

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


EKONOMIKS IKA-APAT NA MARKAHAN

Petsa/ Oras: June 15, 2022


Asignatura: AP-9
Markahan: Ika-apat na Markahan
CG: AP9MSP-IVc-6

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya
nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

PAMANTAYANG PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng
ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya at sa
bansa
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga sektor na bumubuo sa agrikultura; at
2. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng pagsasaka, pangingisda at paggubat.

II. NILALAMAN
Paksa: Mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

• Ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda at paggugubat sa ekonomiya at


sa bansa

Kagamitan: Desktop/ Internet/kdenlive app


Sanggunian: Slideshare.net/ LM Ekonomiks
Nakalaang Oras: 30 minuto

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Balik Aral:

• Ano ang Agrukilutura?


• Ano ang mga bahagi ng Sektor ng Agrikultura?
• Ano ang kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura
B. Paglinang ng aralin
o Introduksyon sa nagdaang talakayan sa paksa sa Sektor ng Agrikultura
o Pagpapakita ng larawan na may kaugnayan sa paksa

2. Talakayan
Pamprosesong tanong: Ano ang mga Suliranin, at mukhahing solusyon na kinakaharap ng
bawat bahagi ng Sektor ng Agrikultura?
PAGPAPAHALAGA

• Ang sektor ng agrikultura ang nagtataguyod sa malaking bahagi ng ekonomiya na umaasa sa


agrikultura upang matugunan ang suplay ng pagkain ng bansa at mga hilaw na kagamitan na
kailangan sa industriya.
• Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng paghahalamanan, paghahayupan, pangingisda at
panggugubat.
• Dapat itong pagyamanin at bigyang pansin lalo na sa mga matinding suliranin na kinakaharap
nito, dahil may Malaki itong suliranin sa hinaharap kapag ito ay napabayaan.

Mahalaga ang sector ng agrikultura dahil:

✓ Ang agrikultura ay pangunahing pinagmulan ng hanapbuhay


✓ Pinagkukunang ng pagkain at gamit material sa industriya
✓ Nagsisilbing market o pamilihan sa produkto ng industriya
✓ Pinagkukunan ng kitang panlabas
✓ Pinagkukunan ng tulong ng ibang sektor kultural, sosyal, at pang-ekonomikong paraan.

IV. PAGTATAYA
Panuto. Basahin at unawain ang bawat katanungan, Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang karaniwang produkto na matatagpuan sa sector ng agrikultura ay iyong


mga produktong :
A. sekundarya.
B. dumaan na sa pagproproseso.
C. primarya
D. nilikhang produkto.

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa sector agrikultura?


A. paghahalaman.
B. pangingisda.
C. pagsasaka.
D. Industriya

3. Upang mapigilan ang pagbaba ng bilang ng mga kalabaw, itinatag nang


Philippine Carabao Center na mangangasiwa ng pagpaparami at
pagpapaunlad ng populasyon ng kalabaw bilang katulong sa pagsasaka at
pinagkukunan ng karne, gatas at katad. Ito ay ang Batas

A. Batas Republika Bilang 7307.


B. Batas Republika 6675.
C. Batas Republika 1288.
D. Batas Republika 7110

4. Alin sa mga uri ng pangingisda ang may pinakamalaking naitala sa kabuuang


produksyon ng pangisdaan sa Pilipinas?
A. Pangingisdang komersyal.
B. Pangingisdang munisipal.
C. Pangingisdang aquaculture
D. Pamamansing.

5. Ano ang tungkulin ng sector ng agrikultura ?:


A. Sinsuplayan nito ng pagkain at mga hilaw na sangkap ang mga industriya.
B. Namamahala ang sector na ito sa sa pagproproseso ng mga hilaw na material upang ito ay
maging isang produkto.
C. Ito ang sector na lumilikha ng serbisyo para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
D. Nangangalaga ito ng pagpapalitan ng mga kalakal at serbisyo sa loob at labas ng bansa.
V. TAKDANG ARALIN

Inihanda ni:

Gng. Jessica DJ. Fernandez


AP Teacher – I

Sinuri nina:

Gng. Virginia F. Buensuceso Gng. Peachy D. Fernandez


AP Acting Head Coordinator Academic Head Teacher- III

You might also like