You are on page 1of 140
Chapter 19: 6/7 next to me." Malakas na wika ng kanilang big boss kompirmasyong ang kaniyang dating asawa ay siyang nagpapasaya rito. Ito ang dahilan ang hindi mapuknat-puknat na ngiti nito. "Ladies and gentlemen. My employees, co-associates, family and relatives. Miss Mia Bernadette Palafox," pakilala ni Julio sa kaniya. Halos mabingi siya sa kabog ng dibdib niya. Hindi niya inaasahang ipapakilala pa yata siya nito bilang kasintahan nito. Kahit medyo kabado ay hindi siya nagpahalata lalo na at naniningkit na ang mga mata ni Angelique na nakatingala sa kaniya. "The night is so young. So, enjoy the party!" Malakas na sigaw ni Julio kasunod ng pagtaas nito ng hawak na kopita na kabibigay lamang ng isang waiters. "Tonight is not just about my birthday. Its also our success as we top to the most bankable engineering firm all over the country. This success will never be happen not because of you guys. So, lets celebrate. Cheers!" Masayang wika sabay taas ng kopita nito. "Cheerss," tugon naman ng lahat. Lahat ay nagtaasan ng hawak na kopita baliban sa mag-asawang sina Grae at Angelique. Hanggang sa sandaling iyon ay hindi makapaniwala na ang babaeng nakikita sa harapan ay ang babaeng manang kung magdamit, may malaking salamin sa mata at hindi marunong mag-ayos ay ang babaeng halos sambahin na ng mga naroroon. Nang tumugtog ang sweet na musika ay agad na sumayaw ang pares na nasa entablado. Kumuyom ang mga palad, naniningkit ang mga mata at palakas ng palakas ang kabog ng dibdib. Ganoon ang narararamdaman ni Grae habang nakikitang hawak-hawak ng ibang lalaki ang babaeng minsan ay naging kaniya at kaniyang kaniya lamang. "Hindi maaari ito. Hindi ako nagseselos,' mariing sinisiksik sa utak. Tumayo siya at nagpaalam sa asawa na gagamit lang ng CR. Pero sa totoo ay hindi niya kayang panuorin ang dating asawa sa kamay ng ibang lalaki. Papalayo na siya sa karamihan upang makahinga sa lakas ng Chapter 19: T/T kabog ng dibdib at tensyong bumabalot sa kaniya. Bago siya tuluyang lumayo ay namataan ang isang waiter at tinawag ito. Kumuha siya ng isang kopita at inisang lagok iyon upng kahit papaano ay maibsan ang kauhawang nararamdaman. Hindi pa man niya nalulunok ang mapait na alak sa bibig ay narinig niya ang isang tinig sa kaniyang likuran. "Kasing pait ba ng alak naiyan ang iyong nararamdaman. What the feeling na napakaganda na ang iyong ex-wife at lalo na at nakita mo siya sa piling ng ibang lalaki at take note sa boss pa ng dating asawa," pang-aasar ni James sa kaniya. Wala siyang balak patulan ito dahil ayaw niya ng gulo kaya minabuting humakbang na lamang. Ngunit tama ito, mas mapait pa nga sa alak ang makitang hawak na ng iba ang dating pag-aari mo at masaklap dahil boss mo pa. Chapter 20: V/7 Chapter 20: "Aalis ka? Bakit? Nasasaktan ka? Aalis ka? Paano ang asawa mo." Sunod-sunod pang pang-aasar nito. "Ayaw ko ng away James. Kaya pwede ba spare me!" Sawata sa kaibigan. Ngayon niya lang ito tinawag sa pangalan nito. Mula kasi ng maging magkaibigan sila nito noong college ay bro, pare at dude ang tawag rito. Ngunit tila walang balak lubayan siya nito. Dinig na dinig pa rin niya ang boses nito. "Akalain mo iyon, ang pangit, nerd at tila walang buhay na Mia na pinagtatawanan lang natin noon ngayon ay tila dadaigin pa ang mga artista. Nakakapanlaway di ba?" Tuya nito. Nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit nilakasan pa nito ang boses nito. "Gusto ko sanang patusin pero ayaw ko ng tira-tira mo.." sigaw na nito na nakapigtal sa kaniyang pagtitimpi. Mabilis sa alas kuwatrong bumalik sa kinaroroonan nito at kuwenelyuhan. "Kahit papaano ay may pinagsamahan tayo at ayaw kong makaapekto ito sa trabaho natin. Pero binabalaan kita, handa kong isakripisyo ang pagkakaibigan natin kung gagawa ka ng hindi maganda!" Matigas at mariing wika ni Grae bago binitawan ang kaibigan. Nakitang inayos nito ang nagulong damit saka ngumisi sa kaniya. Mabilis na lumayo rito bago pa niya mabigwasan ang pagmumukha nito. Nakita ni Mia ang ginawang pag-alis ng dating asawa sa mesang kinauupuhan nito. Matamis ang ngiting nakapinta sa kaniyang labi habang nakapulupot ang mga kamay sa leeg ni Julio at nasa beywang naman ang mga kamay nito. "You're a goddess tonight,” bulong nito sa kaniyang punong tainga na kumikiliti sa buo niyang pagkatao. "Thanks, you look so handsome too," sweet na tugon sa lalaki. "Sa bukana ng bulwagang iyon ay namataan si Grae at ang Chapter 20: 2/7 isa nitong kaibigan. Medyo tila masama ang timplada ng pagmumukha ng dalawa. Maya-maya ay bumalik na ang kaibigan nito samantalang naiwan naman si Grae doon. Mabilis na binawi ang mga mata ng makitang tumingin sa kinaroroonan nilang nagsasayaw ni Julio. Sumandig siya sa balikat nito na tila ba sweet na sweet sila. At palihim na nagbubunyi dahil sa nakikitang reaksyon ng dating asawa. ‘Poor Grae,’ aniya sa isipan at sa kabilang dako ay nakita ang nakangising mukha ni Angelique. Siguro ay iniisip nitong inaakit niya lang si Julio para makuha lahat ang nais niya. Napaghandaan na niya lahat ng posibilidad. People thing that way dahil in business society the knows Julio Enriquez. Sino nga ba siya compare to him. Nagsisimula pa lamang lumago ang kanilang business ni Fiona. Nang matapos ang tugtog ay masayang inakay siya ni Julio at pinakilala sa lahat ng business partners nito at mga kaibigan at kakilala. Naroroon din ang nag-iisang anak nitong si Jillian. Bata pa si Jillian pero maagang nabuntis. Dahil siguro walang ina na gumabay rito at ang ama ay malayo dahil sa Manila ito samantalang si Jillian ay sa Baguio. "Happy birthday dad. Mia, take care of him okay?" Ngiting wika nito. "Ikaw talaga, gawin ba akong caregiver." Balik biro dito. "Hep! Caregiver. Hindi pa ako matanda noh," pagsasakay naman ni Julio sa biruan nila. Nang makitang nakilibang na si Julio sa pakikipag-usap sa mga partners niya ay nagpaalam muna siya ditong gagamit ng rest room. Agad naman siya nitong pinayagan. Maraming kalalakihan ang nakatingin sa kaniya habang naglalakad. Bakas sa mga mukha ng mgaito ang paghanga. Kung noon ay mapangkutya at nakangisi ang nasa mukha ng bawat lalaking nadadaanan ngayon ay kabaliktaran na. Malapit na siya sa kubling bahagi kung nasaan ang rest room ng maramdaman na tila may nakasunod sa kaniya. Mabilis ang ginawang pagpihit at hindi nga siya nagkakamali. Angelique was following her. She manage to compose herself saka ngumiti sa babaeng paparating. Chapter 20: 3/7 "Nice to see you here Mrs. Villa Ruiz," bati rito. Isang sarkastikong ngiti ang nakakintal sa labi nito. "Nice to see you too. | never thought na matanda naman ngayon ang prospect mo?" Patuyang wika nito. Nainis siya sa sinabi nito pero she need to retain her self compose para di madiskaril. "Di bale nang matanda kaysa maging kabit. Isn't right?" Pandidiin niya sa salitang kabit na kinangalit ng mukha ng kaharap. "Beside Julio is just 55. Kung tutuusin, makakarami pa siya. How about you? Bata ka pa pero daig mo pa ang babaeng nag -menupause?" Balik kutya rito. Nalaman niya kasi sa mag-asawang Raymond at Cristina kung bakit hindi siya nadalaw man lang ni Grae. Nanganib daw ang buhay ng mgaito. Nagkaroon ng komplikasyon sa mag-ina nito. Dahilan upang tanggalin ng tuluyan ng doktor ang matris ng babae. Hindi sa natutuwa siya sa nangyari ngunit naisip niyang mas malupit gumanti ang karma. Dahil nawalan na ito ng matris ay hindi pa maganda ang mentalidad ng anak nila. Sa huling sinabi ay nakita niyang galit na galit na papasugod sa kanya si Angelique at akmang sasampalin siya nito. "Okay. Ituloy mo Angelique. Once your hand landed on any part of me. | am telling you, by hook or by crook. Aagawin ko sa'yo ang asawa mo!" Banta rito. Nakita niya na natigilan ito at unti-unting binaba ang kamay na dapat ay isasampal sa kaniya. Ngumiti siya sa babaeng kaharap. “Have you think of Karma, my dear. What if ibalik ko lahat sa'yo ang sakit na dinulot mo sa akin noon," aniya habang hinawakan ang buhok nito. Nakitang inirapan siya nito bago saglit na lumayo sa kaniyang pagkakahawak. Doon ay tuluyan siyang napatawa. "Have you ever remember those days na paulit-ulit mong pinamukha sa akin kung gaano ako kapangit." Aniya. "Na ang nerd noon ay diyosa na at ang maganda noon ay lusyang na," dagdag pa niya sabay haplos sa buhok ni Angelique ngunit mabilis nitong tinabig ang kamay niya. Mas lalong napangiti si Mia. Chapter 20: 4/7 "Opppsss..nasaktan ka ba? Sorry if hinawakan ko ang buhok mo. Puro kasi split ends. Here," aniya saka mabilis na inabot rito ang invitation na kinuha sa malaginto rin niyang pouch para sa grand opening ng kanilang saloon. "Pumunta ka. Ako mismo ang mag-aayos sa'yo," aniyasa babae ngunit walang balak yatang abutin ang kaniyang binibigay. Dahil napahiya siya at ayaw na niyang ibalik sa pouch niya ay nilaglag na lamang iyon saka tinalikuran ito. Pagkatalikod ay napangiti siya. Ngiti ng babaeng kahit papaano ay naitaas ang sarili sa taong minsang umapak sa kaniya. Narinig pa niya ang panggigil ng babaeng iniwan. "The nerve!" Nanlalaki at tila umuusok na ang ilong ni Angelique sa ginawang pamamahiya sa kaniya ni Mia. "Hindi ako makakapayag na makuha mo sa akin si Grae Mia. Nilaban ko na siya ng patayan maging ang lahat ay sinugal ko na dahil sa pag-ibig ko sa kaniya. Handa ko muling isugal ang lahat,’ naniningkit na mata ni Angelique. Matapos sa banyo ay mabilis na lumabas si Mia at hinanap kung nasaan si Julio. Ngunit nakailang ikot na ang mata niya ay hindi ito makita. Nang makita si Jillian sa harap ng mini bar ng bulwagang kinaroroonan ay mabilis na tinalunton ang kinaroroonan nito ngunit nabigla siya ng biglang may humila sa kaniya. Sa lakas at tila bakal na kamay ay hindi na siya nakapagbuno pa at mabilis siya nitong nahila sa kung saan. "Aray! Saglit! Who are you?" Sikmat sa lalaking may hawak ng kamay niya. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak nito at nang akmang kakagatin na niya ang kamay ng lalaki ay natauhan siya ng marinig ang boses nito. "Grae!" Malakas na wika. "What are you doing?" Anito sa kaniya. "What | am doing? Ako ang dapat magtanong niyan Grae. Anong ginagawa mo?" Balik dito sa tanong nito. "Huwag mo akong pilisopohin Mia. Bakit mo pinatulan si Mr. Enriquez?" Mariing wika ni Grae. Ngumisi si Mia. "My God Grae. lyon lang ba? We'll as you see. Guwapo siya, mayaman, mabait at higit sa lahat single," aniya saka nilakasan Chapter 20: 5/7 ang huling sinabi. "Mayaman? Kailan ka pa naging mukhang pera ha Mia. Kaya ka ba naging ganiyan dahil sa pera niya. Alam mo mas maganda pa ang dating Mia. Ngayon kasi ay kulang na lamang ay maghubad ka para lamang hangaan ka..." Malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Grae. "How dare you to tell that to me Grae. Noon, | dressed like an innocent girl, manang. But you bullied me. Laugh at me, ngayon | learned to dress up myself into the world that people up into ay sasabihin mo pang daig ko pa ang isang prostitute." Natigilan silang dalawa. "Stay away from Mr. Enriquez," tinig ni Grae. "No! Sino ka para bawalan ako. Hindi kita kaano-ano," aniya rito saka piniksi ang kamay na hanggang noon ay hawak nito. Ngunit hinigpitan nito ang pagkakahawak noon. "Uulitin ko Mia. Stay away from my boss..” ulit ni Grae. Doon ay napabungisngis si Mia sa naisip. "Are you afraid?" "Afraid of what?" Gagad ni Grae. “That your ex-wife will be soon your boss too.."ngisi niya. Tumiim ang titig ni Grae sa kaniya. "I told you stay away from him!" Inis ng wika ni Grae. "Nooo!" Giit ni Mia saka muling piniksi ang kamay ng lalaki para makaalis na siya roon ngunit bigla siya nitong sinandig sa dingding at hindi siya nakapalag ng sibasibin siya nito ng halik. Mabilis na nanulak ang mga kamay pero tila bato ang lalaki at patuloy ito sa ginagawang paghalik sa kaniya. Sa totoo lang ay tila natutunaw muna ang puso sa halik nito. Sa tagal ng panahon ay ngayon niya lang ulit nalasap ang halik nito. "Mia, itulak mo na bago ka ulit marahuyo,’ dikta ng isipan. Ngunit tila mas nananaig pa rin ang sigaw ng pusong kanina pa nag-uunahan sa pagkabog,. Nasa ganoong posisyon sila ng may tumawag sa kanilang pangalan at tila nasabuyan sila ng malamig na tubig. "Grae!" Malakas na pagtawag ng isang babae. Si Angelique. Nang makita ni Mia na si Angelique ang papalapit sa kanila ay niyakap ang dating asawa. Na alam niyang kinabigla ni Grae. "Mia!" Nanlalaki ang ilong ni Angelique na papasugod. Mabilis namang sinalubong iyon ni Grae. Chapter 20: 6/7 "Hayop kang babae ka. Malandi ka! Higad! Haliparot!" Pagwawala ni Angelique habang pinipigilan ni Grae ito upang hindi siya nito mahawakan. "Bitiwan mo ako at kakalbuhin ko ang babaeng iyan," pagwawala pa ni Angelique. Napapangiti na lamang si Mia sa nakikitang eksena. Hinayaan na lamang ang dalawa at tuluyang lumayo roon. "Hoy! Bumalik ka rito Mia." Sigaw pa rin nito kahit medyo malayo na siya. Bago siya tuluyang lumayo ay lumingon siya sa mga ito at base sa kilos ng mga ito ay nag-aaway ang mag-asawa. "Masuwerte ka at wala ako sa mood makipag-away, aniya saka muling bumalik sa bulwagan at doon ay nakita si Julio na tila hinahanap na rin siya. "Oh darling, where have you been. Pinahanap pa kita kay Jillian sa CR wala ka naman doon," anito sa kaniya. "Ah...eh.,.galing ako doon kanina kaya lang ng palabas ako ng CR nang may nakita akong dating kakilala. Alam mo na kuwentuhan lang," kaila rito. Naging sunod-sunuran na lamang siya kay Julio hanggang sa matapos ang gabing iyon. Pagod man ay natuwa na rin siya hindi dahil nakita niya ang mga reaksyon nina Grae at Angelique kundi dahil kahit papaano ay naitaas ang dangal na minsan at nilait-lait at inapak-apakan ng mga ito. "Pwede ba Angelique. Tama at sawang-sawa na ako sa kabubunganga mo!" Malakas na sigaw ni Grae habang sakay ng kanilang sasakyan. Nang magwawala ang asawa ay wala siyang nagawa kundi ang kaladkarin ito palabas sa bulwagang iyon bago pa gumawa ng eksena. Batid niyang hindi pa alam ng big boss niya na ang kasintahan nito ay dati niyang asawa. "Bakit Grae, hihihiwalayan mo ako para habulin ang dati mong asawa," turan ni Angelique habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Grae. "Sige, gawin mo at magkakamatayan tayo!" Banta nito. "You're crazy!" Singhal ni Grae saka pinaandar na ng sasakyan nila. Chapter 20: T/T "Baliw na kung baliw Grae. Pero tandaan mo? Papatay ako! Papatay ako!" Tila hibang na wika nito. "Stop it! Alam mo kung wala kang magawa. Better shut your mouth!" Dumadagundong na saad ni Grae. Naririndi na siya sa asawa. Kung puwede niya lang ibalik ang lahat ay gagawin niya. Ngayong nakita ulit si Mia, ngayon niya lang napagtantong mas mahal na niya ito. Chapter 21: V/7 Chapter 21: Kahit natahimik na ang asawa ay batid niyang kaya nitong gawin ang mga banta niya. Angelique did everything just to get him back. Despirado na ito lalo na at wala nang pag-asang magkaanak pa at ang anak nila ay hindi pa maayos ang kalagayan. Tahimik sila hanggang makarating sa kanilang bahay. Walang imikan ngunit nagpapakidamraman. Twelve year being with Angelique since they met in college ay kilalang kilala niya na ito. Natatakot siya para kay Mia lalong lalo na sa kanilang anak na si Grace. Nakitang dumeretso ang asawa patungo sa silid nila samantalang nagpaiwan naman siya sa sala dahil wala siyang balak makasama ito sa iisang silid. Ngunit bago ito tuluyang makalayo sa kaniya ay muling nagsalita. "Looking at your actions seems like you regret letting her go. She just your ex-wife Grae. Don't give me reason to do things we don't like." Malumanay pero tila nagbabantang wika. Nakatalikod lang sa kanya ang asawa kaya hindi makita kung ano ang reaksyon ng mukha nito. Nang wala itong makuhang reaksyon buhat sa kaniya ay agad itong nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan. Siya naman ay pabagsak na umupo sa sofa sa sala. "So, ano girl. Anong reaksyon ni fafa Graeson mo nang makitang lumabas ang diyosa sa entablado at kasama pa ang big boss nito. Naku! Wapak na wapak ang intrada mo doon girl. Pang teleserye!!" Malakas na tili ni Fiona habang nag-aalmusal sila sa tabi ng swimming pool ng hotel na kinaroroonan. "Ay bakz! Grabe ang tili mo ha!" Aniya sa kaibigan dahil medyo nakakatawag na sila ng pansin sa mangilan-ilang naroroon. "For sure girl. lyong pagmumukha ni Angelique na iyon ay hindi makapaniwala." Anito. Chapter 21: 2/7 Doon ay napangiti na rin siya. Muling bumalik sa isip ang reaksyon ng dalawa sa kaniya habang nakaabresiyete siya kay Julio. Disbelief flash in their face while everyone are clapping on them. "Hmmmmm! Anong ngiti iyan?" Untag ni Fiona sa kaniya. "Naaalala ko lang mukha nilang dalawa ng makita nila ako." "So, anong hitsura nila. Chooosss! Napanganga siguro sa ganda mo girl. Pero infairness bet ko iyong conversation niyo ng impaktitang Angelique na iyon. Biruin mo pari split ends ng buhok niya dinamay mo friend. Ikaw na. Sana ganito ang ginawa mo," anito saka nagmuwestra ala Greta. "You want war, I'll give you war," na halos tumaas ang panga nito. Natawa tuloy siya ng tuluyan sa kaibigan ngunit unti-unti ring napalis. Saka muling bumaling sa kaibigan. "Pero alam mo, nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noon. | saw that pain, noong makita niya kaming dalawa ni Grae." Mahinang sambit niya. Nakakalokang napalingon ito sa kaniya. "What do you mean girl. Na naaawa ka sa impaktitang iyon. Remember this Mia, noong ikaw ang nasa sitwasyon niya. Naawa ba siya? Hindi naman di ba? Bagkus ay nilait-lait ka at pinagtawanan. My God Mia!" Bulalas ng kaibigan na ngayon ay tila tigreng lalapansa hitsura nito. "Pero hindi ba masama ang gumanti?" Aniya. "Mia, girl? Ano ka santa? Alam mo binabaril na sa Luneta ang mga martir ngayon. At maagang kinukuha ni Lord ang masyadong mababait. Hindi mo natitikman ang sarap ng iyong ganti ay tsugi ka na." Patirik pana mata ng kaibigan na nakapamaywang nasa harap. "Besides hindi mo sinadyang naroroon ka sa event na iyon. Nagkataon lang na dati mo siyang karibal sa asawa mo at nililigawan ka ng boss ng asawa niya. Thats call its complicated, charoooott!" Wika na nito sa kaniya saka umupo sa tabi. Inakbayan siya nito. Habang bumaling sa kinaroroonan ng anak na nakikipaglaro sa mga batang naroroon. "Girl, iba na ang ikot ng mundo. Mapangahas, tila sa Chapter 21: 3/7 pelikula kapag sinabi ng direktor na hubad ay hubaran. Kung sinabing iyak ay kailangan umiyak at kung kailangang sampal ay sasampaalin. Ito ang mundo, kailangan mong lumaban. Ikanga ni President. Kung kinakailangan kong magmura para maintindihan ako ng mga berdugo at mga hudlom ay gagawin ko. Ganoon ang buhay," mahabang payo ng kaibigan. Nakitang lumingon din ang kaibigan sa anak niya. "Alalahanin mo. May karapatan ang anak mo sa ama niya. Maaaring hiwalay kayo pero hindi noon sakop na hiwalay na rin ito sa ama niya. Bilang ina niya kailangan mong maging matatag. Hindi kita tinuturuang gumanti dahil gaya ng sabi mo masama iyon pero tinuturuan kitang lumaban hindi para sa'yo kundi para sa anak mo." Dagdag pa nito na lubos na niyang naunawaan. Tama ito. Lahat ng ina ay handang pumatay para sa kapakanan ng kani-kanilang mga anak. Hay naku! Nagdrama na naman. Naluluha tuloy ako. Ikaw kasi," sisi pa ni Fiona sa kaniya. "Magkaka-split ends pa ako nito eh," dagdag biro pa niya habang hawak ang mala-Dora nitong hairstyle. Pagkatapos noon ay naging busy na sila dahil sa kanilang gagawing grand opening ng kanilang saloon. Abala si Fiona sa pagsasaayos ng kanilang saloon samantalang siya naman ay nakikipag-usap sa organizer ng gagawing pagdiriwang. Para sa kanila ay isa iyong mahalagang okasyon. They invest everything they had to put up Diyosa in the Metro. Matapos makausap ang organizer naman ay ang catering naman ang pinuntahan. Mabuti na lamang ay tahimik ang anak dahil busy ito sa biniling story book nito. Nawiwilisa katitingin sa mga animals at fruits na naroroon. Lalo na kapag pinipundot nito ang button at lumilikha ng huni ng hayop na nasa larawan. Nang magkasundo sa presyo at nakapamili ng mga pagkaing ihahanda at nakitang maayos naman ang uniporme at serbisyo ng mga trabahador nito ay mabilis din niyang nilisan ang mga ito. Alas tres na nang makabalik siya sa salon nila. Abala pa rin ang kaibigang si Fiona ngunit bakas sa mukha nito ang pagkabahala ng makita siya. Chapter 21: 4/7 Agad itong lumapit sa kaniya. "Your ex is here?" Seryosong wika nito. "Huh!" "Ano pa ba kundi si Grae," anito saka tumingin sa kaniyang anak na hawak ang kamay niya at busy sa nginangatang rainbow lolipop. Maging siya ay natigilan sa pagpuntang iyon ng lalaki. Maya-maya ay suminyas si Fiona sa kaniya nguso sa likuran nila. Agad siyang lumukod at kinausap ang anak. "Baby, go with tita Fiona ah. May kakausapin lang si mommy," aniya rito saka binigay kay Fiona. Bakas sa mata ng anak ang pagtataka ng makita si Grae. "Fiona dalhin mo muna si Grace sa labas," utos sa kaibigan. Nang makitang medyo malayo na ang kaibigan at anak ay saka binalingan si Grae. "Hindi mo pwedeng ilayo sa akin ang anak ko habang buhay." Mariing wika ni Grae. "Huwag kang mag-alala. Ipapakilala naman kita pero hindi pa napapanahon. Look at her, napakabata niya para maintindihan ang sitwasyon natin." Kalmadong wika niya. "Kailan? Kapag malaki na siya at mamuhi siya sa akin?" Gagad ni Grae sa kaniya. "Tatlo at kalahating taon pa lamang si Grace, Grae. Tingin mo maiintindihan niya ang sitwasyon natin na ang ama niya ay may ibang pamilya. You know what, umalis ka na muna." Nanghihinang wika. Ayaw niya munang makipagtalo dito lalo na at busy sila. "Lam not going hanggang hindi ako nakikilala ng anak ko. At gusto rin siyang makita nina mama at papa," giit ni Grae. "Hayaan mo munang ipaintindi ko ang sitwasyon sa kaniya. Umuwi ka na muna Grae dahil wala kang mapapapla," aniya saka humakbang na papaalis ngunit maagap siya nitong hinawakan sa braso. "Lam not leaving hanggat hindi niya ako nakikilala," pilit nito. Chapter 21: 5/7 Bumuntong-hininga si Mia bago hinarap ang dating asawa. "You don't know the feeling Grae. Makasarili ka. Hindi mo iniisip ang mararamdaman ng anak natin. How could you explain to it. Anak, ako ang ama mo pero hindi ko asawa ang mama. Anak ako ang ama mo pero hindi tayo pwedeng magsama dahil may pamilya na akong iba? Ganoon ba Grae," dumadagundong at naiiyak na wika ni Mia. "Naging asawa mo ako Grae pero never mong inalam ang naging buhay ko. Ayaw kong danasin ng anak ko ang mga bagay na dinanas ko noon. Alam mo, mula nang magkaisip ako lagi kong tinatanong ang nanay ko kung nasaan ang aking ama. Bakit hindi namin siya kasama bakit ganito, bakit ganyan? Alam mo ba ang feeling na iyon? Ang sakit lang eh, ang sakit-sakit dahil anong gawin ko ay mangyayari at mangyayari ang kinatatakutan 0, Hilam ang luha sa mukha ni Mia. Natigilan si Grae sa mga sinabing iyon ni Mia. Tama ito. Naging asawa niya ang babae ngunit ni isa ay wala siyang alam sa ung sino ito. Ngayon niya naiintindihan kung bakit. "Nang ipanganak ko si Grace. | asked sign, mahal na mahal kita noon kaya kahit sinisigaw na ng utak ko na iwan kita pero sa huling pagkakataon ay humiling pa ako ng pag-asa. Pag-asa Grae na dalawin mo kami ng anak mo pero kahit iyon ay pinagdamot mo. Inilayo ko siya dahil ayaw kung mamulat siya sa magulang na walang pagmamahal sa isa't isa." Matapos noon ay natigilan silang dalawa. Mabilis na pinahid ni Mia ang luha sa mukha. Saka tumingin kay Grae. "Ipapakilala naman kita pero hayaan mo munang ihanda ko ang anak natin," aniya saka pilit na ngumiti rito. Umalis si Grae na bagsak ang balikat. Alam niyang may punto si Mia ngunit hindi niya lang matanggap na ngayon niya lang narealize ang lahat ng maling nagawa. Pinasuauntok niya ang kaniyang sarili habang nasa loob ng sasakyan. At pinahahapas ang kamay sa manibela ngunit ahit ano pa ang gawin niya ay hindi na niya maibabalik pa ang pamilyang nawasak at ngayon ay may pamilya na ulit siyang nagbabadyang mawasak. "Ahhhh! Ang tanga-tanga mo Grae. Ang tanga-tanga Chapter 21: 6/7 mooooo..," sigaw niya sa sarili. Nang mapagod ay nayakap na lamang ang manebila saka umiyak. Hinayaan niyang mawala ang babaeng labis na nagmamahal sa kaniya. Hinayaan niyang masaktan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya sa kabila ng lahat ng panggagagong ginawa rito. Kung noon ay hindi niya maamin ngayon ay aminado siyang mahal niya si Mia. He was hurt by the realization na hindi na niya asawa si Mia at tila pag-aari na ito ng ibang lalaki at masakit pa ay boss niya pa mismo. Matapos umiyak ay binuhay na ang makina ng sasakyan saka pinausad papalayo sa lugar kung saan naroroon si Mia. Ngunit hindi malaman ni Grae kung bakit hindi mapatid ang luha sa mga mata. He never cry for girl, ngayon lamang. Kay Mia lamang. Dahil sa malabis na damdaming umaalipin sa kaniya sa sandaling iyon ay hindi niya namalayang napabilis ang kaniyang takbo at hindi napansin ang pagpalit ng ilaw ng traffic light sa intersection at dere-deretso siya. Kasunod ng tila isang bagay na biglang bumundol sa kaniya. Tila isang mabigat na bagay ang tila dumagan kay Grae bago siya tuluyang nawalan ng malay. Nagkagulo ang parteng iyon ng kalsada. Tatlong sasakyan ang nagkarambulan. Sapantaha ng mga taong naroroon ay tila walang mabubuhay sa lakas ng banggahan ng mga sasakyan lalo na ang sasakyang nag hitting the red light. Naging mabilis ang pagresponde ng mga autoridad maging ang mga first aider. Isang AUV at dalawang SUV. Mabuti na lamang at hindi pampasaherong mga sasakyan ang kasama kung hindi ay mas marami ang mapeperwesyo. Mabilis na kumalat ang balita dahil sa may ilang media na nag-cover sa aksidenteng iyon. Matapos makaalis si Grae ay bumalik ang magkaibigan sa pagsasaayos ng kanilang gaganaping grand launch ng salon nila. Kailangan maihanda nila lahat para bukas ng gabi. Maging ang ilang trabahador nila ay abala rin ng biglang agawin ang pansin nila sa isang breaking news na pumagitna sa isang palabas Chapter 21: T/T sa tv. Isang nagbabagang balita. Rambulan sa isang kalye dito sa Makati sapul sa cctv. Galing ang isang Honda civic sa dito sa Makati avenue ng hindi yata napansin ng driver ang pagpalit ng traffic light at denere-deretso ang intersection ng Makati-Ayala Avenue at doon ay sumalpok ang tila nagmamadaling isang Land Cruiser kasunod naman ng pagmundol ng isang mini-van sa likod nito. Napag-alamang ang may-ari ng Land Cruiser ay mag-asawang galing pa raw sa Amerika at umuwi lamang upang magbakasyon samantalang ang van naman ay tanging driver lamang nito ang naroroon. Sa pagsisiayasat ng operatiba ay ang may-ari ng Honda civic ay isang enhenyero na si Engr. Graeson Villa Ruiz... Napamaang silang dalawang magkaibigan ng marinig ang pangalang binanggit ng reporter. Sa ngayon ay walang pang update sa lagay ng mga biktima dahil agarang sinugod sa pagamutan. Ito ang breaking news report. Ako si Mirasol Gallardo. Tutumutok sa mga nagbabagang balita mamaya alas sais ng gabi. Magandang hapon! lyon ay nawala na ang reporter ngunit nakapako pa rin ng tingin ni Mia sa tv. Agad namang dinaluhan ni Fiona ang kaibigan ng mapahagulgol siya sa napanood. Chapter 22: V/7 Chapter 22: "Mia.." untag rito. Hindi namalayan ni Mia ang luhang sumungaw sa kaniyang mga mata. Lalo na sa sulok ng mga mata ay nakikita ang masayang mukha ng anak habang abala sa nilalaro nito, "Kasalanan ko ito," anas niya. "Sshhhhhhh! Don't say that? Wala kang kasalanan," anang namang ni Fiona. "Sana hindi ako nagmatigas ay hindi siya maaaksidente. Dapat naririto siya, kausap o kalaro ang anak namin. Fiona, ako ang dahilan kung bakit hindi man lang nakilala ni Grace ang ama nito." Hagulgol niya. "Mia. Wala kang kasalanan, okay? Aksidente ang lahat. Huwag mong sisihin ang sarili mo," sunod-sunod na saad naman ni Fiona habang hinahamig siya. "Mommy," tinig ng anak niya. Mas lalo pang bumuhos ang luha niya at agad na niyakap ang anak. "Mommy, why you cry?" Inosenteng wika. Napakabata pa ng anak para mawalan ng ama. "Are you ready to see your dad baby?" Tanong sa anak na kinukubli ang pag-iyak upang hindi ito maapektuhan. "Yes mommy! Yes!" Masiglang wika nito. Mas lalong kinirot ang puso niya sa nakitang kagalakan sa mukha ng anak. Kinabukasan, hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Hindi pa niya mapagdesisyunan kung iyon na ba ang tamang panahon upang dalhin ang anak sa dating asawa. Ayaw hiyang sa ganoong sitwasyon magkakilala ang mag-ama pero wala siyang magagawa dahil kung hindi niya gagawin ngayon ay baka pagsisihan niya sa huli. Isang kamay ang dumantay sa kaniyang balikat. Ang kaibigang si Fiona ito, "Tulog na ang anak mo. Excited na makita ang daddy nito," wika nito. Chapter 22: 2/7 Doon ay napayuko siya. "| know, mahirap pero mas mabuti nang gawin mo ngayon. Mahirap magsisi sa huli. Baka paglaki ni Grace ay magsisihan pa tayo kung bakit hindi niya nakilala o nakita o nakasama man lang ang kaniyang ama." Mahabang saad ng kaibigan na masusing pinakainggan. Tama ito. "Magpahinga na muna tayo at mamayang gabi ay magiging busy pa tayo. Alam kong nakakalungkot pero may mga bagay na nakaplano at mga bagay na nangyayari na hindi inaasahan. Ang importante ay go lang ng go. Oh siya, beauty rest na muna akesh at maraming fafa mamayang gabi," anito na pilit pinapagaan ang kaniyang damdamin. Kinagabihan ay dumating ang ilang kaibigan ni Fiona, kakilala nito, sina Cristina at Raymond, maging ang mag-asawang Danica at Vince. Masaya ang mga kaibigan ni Fiona at mga kakilala nitong mga sangkabaklahan. May mga kasama rin ang mga itong kani-kanilang partners. "Congratulations..." masayang bati ng mag-asawang Raymond at Cristina. "Naku! Tiyak, magiging suki ako rito," tuwang dagdag pa ni Cristina. "Hi! Congrats Mia," bungad naman ni Danica sa kaniya. Nang tumingin siya sa asawa nitong si Vince ay bakas sa mukha nito ang lungkot. Alam niyang dahil iyon sa nangyari sa kaniyang dating asawa. Alam niyang sa lahat ng kaibigan ni Grae ay ito ang pinakamalapit sa lalaki. "Thanks for coming. Enjoy the night?" aniya sa mga ito habang ginigiya sa kanilang mesa. "Wow! Nice place, | heard Grae did this." Pukaw ni Danica. Lahat ay natigilan ng banggitin ni Danica ang dating asawa. "Sorry guys. Matabil lang talaga ang dila ko," aniya saka tumingin sa kaniya na tila nahingi ng paumanhin. "Its okay," aniya naman. "Grae is in critical stage right now. Hanggang ngayon ay hindi pa nagigising," mahinang segunda ni Vince na bakas sa mukha ang kalungkutan sa sinapit ng kaibigan nito. Ayaw hiyang makita ng mga ito ang pagluha niya kaya Chapter 22: 3/7 mabilis siyang nagpaalam upang tignan ang ilang bisita pero ang totoo ay nag-iinit na ang mga mata tanda na nagbabadya na siyang umiyak. "Guys, aasikasuhin ko lang saglit ang ilang bisita ha!" Paalam sa mga ito saka mabilis na lumayo. Hindi pa man nakakalayo ay tumulo na ang kaniyang mga luha. Lumabas siya muna saglit sa pinagdadausan ng kanilang kasiyahan. Doon ay malaya siyang umiyak. Doon ay nanariwa ang pag-ibig na kaytagal sinupil. Sa pagkakataong iyon ay aaminin niyang hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ang dating asawa. "Alam kong mahal mo pa siya," tinig na nagpalingon sa kaniya. Nabigla siya sa biglaang pagdating ni Vince. Hindi niya alam na sinundan pala siya nito. Nakitang papalapit na ito sa kaniya. Matiim ang titig sa kaniyang mga mata. "Mia. Kita ko sa'yong mga mata na hanggang ngayon ay mahal mo parin si Grae. Alam kong hindi mo pa sinasara ang pinto upang muli siyang bumalik sa buhay mo lalo nasa inyong anak. Mia, kahit sa huling sandali sana ay maipakilala mo ang anak ninyo sa kaniya. Alam mo noong panahong pinadalhan mo siya ng draft copy ng annulment ninyo. Sa akin siya tumakbo. Maghapon siyang uminom sa opisina dahil hindi niya alam kung bibitawan ka na ba niya o hindi. Alam mo kung bakit dahil alam kong mahal ka na rin niya. Malihim ang kaibigan ko, siya iyong tipo ng lalaking ayaw niya ng napapangunahan. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin noon kung bakit naiinis siya sa'yo dahil daw sa pamimikot mo ay tila natapakan ang pagkalalaki niya." Mahaba at naiiyak na saad ni Vince sa kaniya. Muli itong tumitig sa kaniya at kapwa siya may luha sa mga mata. Isang araw ng walang malay si Grae at ang sabi ng doktor na kapag hindi pa ito nagising within 24 hours ay baka ma-comatose daw ito. Tila siya nauupos na kandila sa narinig. Agad naman siyang dinaluhan ng lalaki. "Okay ka lang ba Mia?" Nag-aaalalang dalo sa kaniya ng tila mabubuwal siya. "Oo, okay lang ako." Aniya. Chapter 22: 4/7 "Mia, alam kong hindi ito ang tamang panahon para hilingin sa'yo ito pero para sa kaibigan ko ay gagawin ko. Alam kong iniisip mo ang kapakanan ng anak mo Sa sitwasyon ninyo pero sana huwag mong ipagkait sa anak mo at kay Grae na magkakilanlan sila." Pakiusap nito. Tumango siya. "Alam ko. Huwag kang mag-alala bukas na bukas din ay dadalaw kami sa kaniya." "Salamat Mia." "Wala iyon. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman kami ni Grae at may anak kami," aniya saka pinilit ngumiti rito. Kahit papaano ay nairaos nila ang pagdiriwang nilang iyon sa bagong negosyong itinayo. Pasalamat na lamang siya at may kaibigan siyang gaya ni Fiona na handa siyang tulungan sa lahat ng oras. Hindi na niya alam kung papaano ito pasasalamatan at kung papaano magbabayad sa lahat ng naitulong nito sa kanilang mag-ina. "Oh, ano? Handa ka na ba?" Tanong nito habang pina-park nito ang kanilang sasakyan. Nasa ospital na sila kung nasaan ang kaniyang dating asawa. "Mommy..why are we in the hospital?" Maang ba ganong ng anak. "Di ba nagpromise si mommy na ipapakilala na kita sa daddy mo. Kaya naririto tayo," paliwanag sa anak. "Really mommy. Daddy is here. Yeheyyyy!!" Masayang turan ng anak. Napakainosente pa ang anak pero kailangan niyang gawin ang dapat. "Oh siya girl. Hihintayin ko na lamang kayo dito. One call away and I'll be there," maarteng wika ng kaibigan. "Lets go baby," aniya sa anak. "Be strong girl. Alalahanin mong ginagawa mo ito para sa anak mo," paalala pa ni Fiona bago siya tuluyang bumaba. "Mommy..bakit nasa ospital si daddy? Is he a doctor?" Tanong ng anak habang naglalakad sila papalapit receptionist. Hinawakan ang anak saka yumukod dito. "Di ba anak, strong ka!" Nagsisimulang gumaralgal ang boses. "Why mommy?" Mukhang nasesense na ng anak na may mali. Halata na rin sa mukha nito na tila nagbabadyang umiyak. Chapter 22: 5/7 "Shhhhh...everything is fine baby. Mommy always here. Dali na, hanapin natin kung nasaan ang daddy mo," aniya sabay abot muli ng kamay nito. "Hi good afternoon. Saan po ba ang room ni Mr. Graeson Villa Ruiz?" Tanong sa nakangiting receptionist. "Good afternoon Ma'am. Sorry, but can | asked if kaano-ano ka po ng pasyente? Sorry po ulit pero mahigpit po kasi ang pamilya niya." Nahihiyang wika ng magandnag receptionist. Walang choice si Mia kundi ang sabihin ang tunay na status nila ng lalaking pasyente nila. "I'm his ex-wife. My daughter wants to see her dad." Tugon na agad namang kinapayag nito. "Sa room 110 Ma'am. Just the door next to the intensive care unit," sagot naman nito at pagbibigay direksyon sa pakay niya. Agad na nahanap ang silid na sinabi ng reseptionist. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan bago kumatok. "Pasok," tinig buhat sa loob. Marahil ang akala nito ay nurse lamang ang nakatok. Dahan-dahang pinihit ang seradora at nabulwagan doon ang dating asawa na maraming tubo ang nakakabit sa buong katawan nito. Napatayo si Angelique ng makita silang pumasok ng anak niya. Maging ang anak nito ay napalapit sa kanila. "Anong ginagawa mo rito!" Matigas na wika ni Angelique. "Hindi ako pumarito upang makipag-away sa'yo. Naririto ako para sa anak ko!" Sagot sa babae. Napangisi ito sa kaniyang sinabi. "Para ano? Hindi pa patay si Grae para makihati kasa pera at ari-arian niya." "Hindi ko kailangan ng pera Angelique. Gusto ko lang kunin ang karapatan ng anak ko para sa kaniyang ama. In fact, mas legal ang anak ko kesa anak mo. Dahil nakapanganak na ako bago kami nagkahiwalay. | am sorry pero | am not here to argue with you," aniya saka hinawakan ang anak at lumapit sa nakaratay na si Grae. "Mommy..." tinig ng anak. Chapter 22: 6/7 "Anak, di ba gusto mong makilala ang daddy mo. Siya ang daddy mo," aniya sa anak. Pagkasabi noon ay umiyak ang kaniyang anak. "Pero bakit hindi strong si daddy. Bakit siya nakahiga. Bakit hindi po niya ako niyayakap?" Mga tanong ng anak na hindi masagot. "Anak si daddy kasi ay naaksidente. Hayaan mo, pray ka lang kay papa Jesus na gumaling siya. Gagaling si daddy mo," pagpapatahan dito. "Daddy, wake up na." Anito habang hinahaplos-haplos pa ng anak ang mukha ng dating asawa. Maging siya ay napapaiyak sa nakikitang tanawin. Pagbaling ng mga mata niya ay nakita ang mga nakatayong magulang ni Grae malapit sa may pintuhan. Maging ang mga ito ay naiiyak sa tagpong kanilang nasaksihan. "Daddy, I love you. So please wake up," yugyog pang anak sa daddy nito. Doon ay lumapit ang mag-asawa sa kanila. Naluluhang lumapit ang mga ito sa anak. "Hello po,” nahihiyang bati ng kaniyang anak. "Anak, Grace. Sila ang lolo at lola mo," aniya sa anak. Nakitang sumilay ang ngiti sa munting labi nito. "Hello po lola, hello po lolo!" "Iha, pwede ko bang kargahin ang apo ko!" Ani ng dati niyang beyanan na lalaki. Binigay niya naman ang anak. Nakitang kandong narin ng babae ang anak ni Angelique. Nang lingunin si Angelique ay nakitang papalabas ito ng silid na kinaroroonan kaya sinundan niya ito. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Alam niyang kagaya rin niya ay mahal na mahal niya rin si Grae. "Hmmmm..." tikhim niya upang kunin ang pansin nito. Nang lumingon ito sa kaniya ay blangko ang mukha nito. "Naririto ako hindi para agawin ang asawa mo. Alam kong maiintindihan mo ako kasi ina ka na rin. Siguro, kung magkabaliktad tayo ng sitwasyon ay alam kong gagawin mo rin Chapter 22: T/T ang ginawa ko." Aniya. "Kailan man ay hindi ko maiintindihan ang ginawa mong pag-eksena sa buhay namin ni Grae noon at ngayon ay heto kana naman at sinasangkalan mo pa ang anak mo para makuha mo ang gusto mo!" Bigwas nito sa kaniya. "Hindi ko sinasangkalan ng anak ko! Karapatan niya lamang na makilala ang ama niya. Ina ako Angelique. Handa akong makipatayan para sa anak ko!" Mariing turan. Nakairapan sila. "Gaya mo handa rin akong pumatay para sa mga mahal ko. Hinding-hindi ko hahayaang muli mong maagaw ang aking asawa!" Matigas na wika ni Angelique saka sila muling nagkatitigan. Walang nais magpatalo. Walang nais unang magbitaw. Tapatan kung tapatan. Wala siyang balak manggulo pero ayaw niyang dumating ang ayaw na magsisi dahil hindi man lang nagawang makita ng anak ng personal ang ama nito. Its late pero mas mainam na kasi hindi kailaman man. Masama pa rin ang pinupukol na tingin ni Angelique sa kaniya pero hindi na pinansin. Ang importante ay ang makitang kahit sa ganoong pagkakataon ay nagkita ang kaniyang mag-ama. Sumungaw ang munting luha sa mata. Tanda ng pagkaawa sa dating asawa. Chapter 23: 1/8 Chapter 23: Grae was been comatose within six months already and they still hoping for his recovery. Ngunit habang tumatagal ay tila lumiit na ang tiyansa na mabubuhay pa ito. Para kasing nabubuhay na lamang ito dahil sa mga tubong nakakakabit rito upang buhayin ang puso nito. Doctors told them that his brain wasn't function anymore. Pero ayaw nilang bumitaw habang ang puso nito ay patuloy na tumitibok. They're hoping against hope na makakaya ni Grae na mabuhay. Biglang bumuhos ang luha sa mata ni Mia habang nakatunghay sa impis ng mukha ng lalaki. Alam niyang masyado siyang nasaktan sa lahat ng pinakita nito sa kaniya sa loob ng mahigit isang taong pagsasama pero hindi noon mapasusubalian na dito tumibok at patuloy na tumitibok ang puso. "Grae, please lumaban ka. Gumising ka lamang, malaya ka nang makita o makasama ang ating anak. Pangako, hinding-hindi ko na siya ilalayo pa sa'yo," aniya habang nakatayo sa may ulunan ng dating asawa. Madaling araw iyon dahil alam niyang si Manang Lara lamang ang naroroon upang bantayan ito. Sa tuwing pumupunta kasi siya roon ay lagi silang nagsasalubong ni Angelique at ayaw niyang nag-aaway sila o nagkakairingan sa kalagayan ngayon ni Grae. Yumukod siya at hinalikan sa pisngi ang dating asawa saka bumulong rito. "Gumising ka na. Hihintayin kita. Mahal na mahal pa rin kita," bulong rito saka muling tumuwid ang tayo at pinahid ang magkabilaang pisngi. Nakita sa kamang nasa gilid ang tulog pang si Manang Lara. Ngumiti siya habang nakita ang mabini nitong paghilik. Muling hinaplos ang kamay ni Grae saka nagpaalam rito. Magbubukang liwayway na at ayaw niyang magkapang-abot sila ninuman sa pamilya ng lalaki. Chapter 23: 2/8 Napakabilis ang panahon. Hanggang sa kasalukuyan ay walang pagbabago sa kalagayan ni Grae. Maging ang mga magulang nito ay tila nais ng sumuko. "Anong ginagawa mo rito?" Mariing tanong ni Angelique sa lalaking papasok sa silid na kinaroroonan ng nakaratay na asawa. "Masama bang dalawin ko ang kaibigan ko!" Sabad naman ng lalaki. "Kilala kita James. Anong ginagawa mo rito?" Galit nang si Angelique. Nagtangis ng bagang si James. "Ganoon naman pala eh. So, alam mo na ang nais ko Angelique?" "Ayaw ko ng gulo. Umalis ka na?" Utos nito. Imbes na umalis ay lumapit pa ang lalaki sa nakaratay na asawa. "Anong ginagawa mo!" Singhal ni Angelique kay James. "Tinitignan ko lang naman ang aking matalik na kaibigan. Gusto kong magalit. Gusto ko siyang patayin. Pero naaawa ako, alam mo kung bakit?" Bigwas nito kay Angelique na bumangis ang mukha. Nakita niyang natitigilan si Angelique. "Dahil harap-harapan siyang niloloko ng asawa niya." "Aksidente ang lahat James. Aksidente!" Hurumintado nani Angelique. "Aksidente na kung aksidente pero tinuloy mo hindi ba? Nakakaawa siya dahil mamatay na siya lahat-lahat pero hindi man lang niya nalamang," putol na wika ni James nang pukawin sila ng isang nurse. "Hmmmm...l'm sorry to interrupt you ma'am, sir but | need to inject his medicine now," ani ng nurse. Kapwa sila natitigilan habang narororoon ang nurse. Matapos nitong ibigay ang lahat ng medication sa asawang nakaratay at kinuhanan ng vital signs ay nagpaalam din ito. Muli silang nagkatitigan ni James hanggang sa muling nagsalita ito. "There's just 10% chance that he will survive. Now, magdesisyon ka na Angelique. | am giving you a week to deside." Ani ni James saka tuluyang lumbas. Chapter 23: 3/8 Tila kandilang nauupos si Angelique. Buti na lamang at wala doon ang biyenang babae dahil kalalabas lang nito kasama ang kaniyang anak upang bumili ng makakain nila. Alam niyang desidido na si James at anumang oras ay sasambulat na ang kaytagal nilang inilihim. "Saan ako nagkamali,” ani ni Angelique habang papalapit sa asawa. Pumatak ang mga luha habang naaalala noong una silang nagkakilala ng lalaki. She was an accountancy student habang engineering student ito. They we're in second year ng magkaklase sila sa isang subject. The rest was a history. "Lam so sorry. Hindi ko sinadya. Mas....mas....masyado akong depress noon dahil hindi ko matanggap na kasal ka nasa iba," utal-utal na wika. "Mahal na mahal kita," tuluyang kumawala ang emosyon niya. Samantala, ayaw man sanang dalawin ni Mia ang dating asawa ay mapilit ang anak. Kagagaling niya lang doon pero pagkagising ng anak ay napupumilit ito. Kaya minabuting sabihing dadalawin nila ito pagkatapos ng klase nito. Mula ng nangyari iyon kay Grae ay sa Manila na sila nanirahan. Bumili na sila ng bahay doon ni Fiona. Siya ang nagmamanage ng saloon na tinayo nila roon samantalang bumalik naman sa Baguio ang kaibigan. Dahil apat na taon na rin ang anak ay pinasok niyana rin ito sa isang preparatory school. Sayang nga lang dahil unang birthday na kasama nito ang ama ay nakaratay pa ito sa ospital. Maging gayon man ay masaya pa rin daw ito dahil kahit papaaano ay kasama ang ama. Dasal ni Mia na sana ay si Manang Lara lang 0 ang papa ni Grae ang nasa loob. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan bago kumatok saka pinihit ang seradora. Pagdungaw ay luhaang mukha ni Angelique ang nakita na nakatayo sa ulunan ng asawa nito, Mabilis nitong pinahid ang luha nito nang makuta siya at muling bumangis ang mukha nito. Tumakbo ang anak papalapit sa ama nito. Nakitang tila hindi nagustuhan ni Angelique ang ginawa ng anak na pagtuntong sa Upuang naroroon upang mahalikan ang ama nito. Chapter 23: 4/8 Inosente ang anak at hindi pa masyadong naiintindihan ang sitwasyon nila. Hindi pa nagtatanong ng maraming bagay dahil nasa ospital pa lang naman si Grae. Pero batid niyang kapag gumaling na ito at hindi sa amin tumira ay doon ito magtatanong. Nakitang nainis si Angelique nang masayang kinakausap ng anak ang ama nito na tila ba buhay. "Okay lang ako ang tignan mo ng masama pero ang anak ko na walang kamalay-malay ay hindi ko iyon mapapalagpas.” Parinig niya kay Angelique na agad namang binaling sa kaniya ang nagngangalit nitong mukha. "Kayo ang salot sa buhay namin. Siguro hindi mo alam na alam kong sa'yo galing ang asawa ko ng araw na maaksidente ito. Wala kang dinala sa buhay niya kundi puro perwesyo." Mahina at madiing wika rito. Natigilan sa Mia sa sinabing iyon ni Angelique. Mukha kasing tama ito. Dahil kung hindi siya nagmatigas noon ay hindi sana umalis ng lalaki na masama ang loob. Ngunit ayaw niyang sisihin ang sarili sa pangyayari hindi niya kontrolado. "Hindi ko hawak ang lahat ng pangyayari Angelique. Siguro ang pagkakamali ko lang ay sa maling paraan ko kinuha ang lalaking mahal ko. Pero nasaktan naman ako di ba? Nagparaya pa nga? Nasa'yo na siya." Mahina ngunit matigas na wika. Ayaw niyang malaman ng anak na nagkakairingan sila ng babaeng kasama nila. "Daddy, look I have three stars. Teacher said I'm too smart." Tinig ng anak. "Please daddy wake up. Aren't you tired sleeping. Hindi ka naman si Sleeping beauty kasi babae si sleeping beauty eh," anang pa ng anak. Saka natahimik. "Mommy..." tawag nito. Agad naman niyang tinugunan iyon. "Yes anak. Ano iyon," aniya rito. "Mommy.. kiss mo nga si daddy. Baka kasi magising siya kapag kiniss mo like sleeping beauty." Sumamo nito na kagaya niya ay despirado na rin sa kalagayan ng ama. Napatingin siya kay Angelique sa sinabing iyon ng anak at bakas sa mukha ang disgusto. Chapter 23: 5/8 "Please mommy kiss mo na sa daddy," sumamo pa nito. "Anak..ganito kasi iyon," pagpapaliwanag pa pero makulit ang anak. "Mommy...kiss mo na si daddy. Kiss lang naman eh di ba kapag mommy loves ang mga daddy kasi ganoon ang classmate ko eh," tila naiiyak ng wika ng anak niya. "Anak... kasi ganito iyon," muli niyang paliwanag sa anak ngunit umiyak na ito. Lumapit si Angelique sa kanila. "Kasi ganito iyon!" Sawata sa anak na umiiyak na dahil hindi niya mapagbigyan ang nais. Isang nagbabantang tingin ang binigay kay Angelique ngunit tila walang pakialam ito. "Kasi ganito iyon hindi mahal ng daddy mo ang mom," putol na wika ni Angelique. Hindi na napigilan ni Mia ang sarili at malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Angelique. "Hayop ka! Hayop kang babae ka," anito ng makabawi sa pagkakasampal at mabilis na dinambabni Angelique si Mia. lyak ng iyak ang anak ni Mia sa tabi ng ama nito. "Mommy..." sigaw nito habang pinaibabawan ito ni Angelique at kabilaang pinagsasampal ni Angelique. "No! Lumayo kasa mommy ko. Bad ka! Wag mong saktan mommy ko. Bad ka!" Matitinis nitong wika. Patuloy ang pagsampal ni Angelique sa kaniya. Hindi niya napaghandaan ang ginawa nito kaya mabilis siyang natumba ang pinaimbabawan siya nito. Halos hindi malaman ang gagawin lalo na at nakikita sa mukha ng anak ang takot. Habang tinatanggap ang magkabilaang nga sampal ni Angelique ay napaluha siya. "Aaanak.." usal niya. "Mommy..." iyak pa rin ng anak. "Wala pa ring tigil si Angelique sa ginagawa sa kaniya at maging ang anak ay walang tigil sa pag-iyak. "Daddy, bagon na tulungan mo si mommy. Di ba daddy ang nagtatanggol sa mommy...please daddy..." sumamo ng anak sabay yugyog sa ama nito. Chapter 23: 6/8 Butil ng luha ang umagos mula sa mata ni Grae. "Dahil wake up! Daddy wake up. You're crying...you're crying," sigaw ng anak na nagpatigil sa kanilang pagbubuno na siyang dating naman ng papa ni Grae. "Anong nangyayari rito!" Dumadagundong na boses nito ng makita ang sitwasyon nila. Nasa ibabaw pa rin niya si Angelique. "What The hell is this at sa silid pa talaga ng anak kong hindi pa nagigising. Bakit hindi kayo sa labas at doon magpatayan!" Singhal nito sa inis sa kanilang dalawa. "Daddy your moving..." tinig iyon ng anak na si Grace. Doon ay agad na dinaluhan ng matanda ang anak nito. "Oh God! Tumawag kayo ng doktor. Grae anak. Grae," anito kasunod ng pag-iyak nito. Agad silang tumayo at nakitang tumakbo papalabas si Angelique. Mabilis na lumapit sa anak at niyakap ito. Ramdam ang panginginig ng murang katawan ng anak dahil sa malabis na tensyon. "Shhhh...everything is fine. Huwag mo na isiipin ang lahat ng nakita mo." Alo sa anak na wala pa ring tigil sa pag-iyak. llang saglit lamang ay bumalik si Angelique kasama ang doktor. Agad na sinuri nito ang mata ni Grae at ilang palatandaan kung conscious na ba ito. Matapos suriin ang mata at ilang mga tubong nakakabit rito ay bumaling sa kanila ito. "Anong nangyayari rito?" Buhat sa pintuhan. Ang mama iyon ni Grae habang hawak sa kamay ang anak naman ni Angelique. Ngumiti ang doktor na palatandaang maganda ang resulta ginawang pagsusuri kay Grae. "can say that this is miracle. His brain wasn't working. In six months he just live with his life support but now | can see that he regain his brain cells. All signs are working well. Anytime soon he will awake. But | wasn't assure you that he will remember everything. As his brain was totally injured. We don't know if he could remember things. Miracle do happen. Keep praying," saad ng doktor saka ito nagpaalam. Chapter 23: 7/8 Lahat sila ay nakahinga ng maluwag. Ngunit ng makabawi ay agad silang binalingan ni Merly ang ina ni Grae. "Anong nangyari sa inyo at ganiyan ang mga hitsura ninyo," puna nito sa kanilang dalawa ni Angelique. Bakas pasa mukha ni Mia ang nga sampal na natamo kay Angelique pero hindi na iyon ininda pa dahil kahit ilang bugbog pa ang tanggapin. Mabuhay lamang si Grae. Walang nais magsalita sa kanila ni Angelique. "She slapped my mom," maliit na tinig ng anak na sumagot sa lola nito. Nanlalaki ang mata naman nito na bumaling kay Angelique na tila naman naumid ang dila. Umirap lamang ito sa kanila. Kahit ano pa. Ang importante sa kaniya ngayon ay malaki na ang pag-asang mabuhay si Grae. Dahil sa pagod sa araw na iyon ay napilitan silang umuwi lahat matapos sabihin ng papa ni Grae na ito na muna ang magbabantay sa anak at pinakiusap nito na respituhan sila alang-alang sa anak nito. Alam nitong kasalanan ng anak pero kahit ngayon lang daw ay magkasundo sila lalo na at hindi pa ito tuluyang gumigising. "Anong ginagawa mo rito?" Matalim na wika ni Angelique na madatnang naghihintay ang lalaki sa harap ng bahay nila. "Umuwi ka na!" "| heard that Grae is recovering?" Tinig nito na nagpatigil kay Angelique. "Paano mo nalaman?" Irap na baling. Ngumisi si James. "Mabilis kumalat ang balita at baka nakakalimutan mong kaibigan niya ako," sarkastikong wika nito. "Look James. I'm tired kaya wala akong balak makipagbangayan sa'yo?" Ubos pasensiyang wika ni Angelique na agad nang sumunod kay manang Lara, yaya ng anak at sa anak na pumasok na sa kabahayan nila. "Well, pagod na rin ako Angelique. Pagod na pagod na maging sunod-sunuran sa'yo. Kung pagod ka na. Mas pagod ako dahil ayoko na!" Malakas na sigaw ni James. Agad na nilapitan ni Angelique ang naghuhurumintado ng lalaki. Chapter 23: 8/8 "Shit naman James. Lower your voice at baka marinig ka nila!" Awat ni Angelique. "So natatakot ka namalaman nila. Pwes! Matakot ka sa akin." Ala tigreng wika ni James. "Sasama kayo o kukunin ko si Andrei. Mamili ka!" Matigas na wika ng lalaki. Biglang bumuhos ang luha ni Angelique sabay sumamo sa lalaki. "Please no! Huwag mo itong gawin sa akin. Hindi ko kayang iwan si Grae. Mahal na mahal ko siya," anito. Nagtangis ang mukha ni James. "Pwes! maiwan ka. Pero kukunin ko ang anak ko!" Malakas na banta nito na kinabahala niya. Chapter 24: 1/8 Chapter 24: "Huwag! Please,!" lyak na sumamo ni Angelique. "No! Nakapagdesisyon na ako at bahala ka na kung ano ang pipiliin mo!" Pagmamatigas ni James. Mabilis na lumuhod si Angelique saka mabilis na niyakap ang paa ng lalaking paalis na. "No! Please James. Hindi ko kaya, Mamatay ako kung may mawala ni isa sa kanila." Anito tukoy sa anak at sa asawang si Andrei. "At paano ako Angelique. Habang buhay na makikiamot sa oras at panahon ng anak ko. Ayoko!" Giit pa rin ni James saka binaklas ang pagkakayakap ni Angelique sa mga paa niya. "Naiwang nakaluhod si Angelique. Batid niyang tututuhanin ng lalaki ang sinabi nito kaya kailangan niyang makagawa ng paraan. Tumayo si Angelique saka tumalim ang mga titig. Kailangan niyang maunahan ang lalaki bago pa makagawa ito ng bagay na ikasisira ng pamilya niya. Mabilis na hinagilap sa shoulder bag ang kaniyang cellphone at dinayal doon ang numero ng isang kakilala. "Hindi mo ako kaya James. Kahit ano ay gagawin ko maprotektahan lang ang pamilyang kay tagal kong binuo.' Ani ni Angelique habang paulit-ulit lang ang pagring ng cellphone na tinatawagan. Magdadalawang araw na mula ng mangyari ang banggaan nila ni Angelique at ang senyales na pinakita ni Grae ngunit hindi pa rin ito nagigising. Sabi ng doktor ay marahil daw medyo nagrerecover pa ang utak maging ang buong katawan nito. Ngunit malaki na raw ang tiyansa na magigising ito anumang oras dahil sa magbuti ng lahat ng vitals nito. Madaling araw iyon kaya naroroon na naman si Mia. Kasama si Manang Lara na tulog na tulog sa sadyang kama sa isang gilid. Anim na buwan na silang naroroon kaya tila tirahan na ni Manang Lara at sanay nang matulog doon. Chapter 24: 2/8 "Grae. Kumusta ka na? Gumising ka naman na oh," sambit habang hinahaplos ang impis na nitong pisngi. "Alam mo noong una kitang nakita. Na-love at first sight ako. Grabe, ang guwapo mo kasi kaya nga lagi ako nagpupumilit nasumama kay lola sa tuwing may handaan sa bahay nina tita Melba dahil alam kong darating ka," pagkukuwento rito na kahit alam niyang hindi naman niya ito maririnig. "Hindi man maganda ang unang pagtatagpo natin ay hindi nagbago ang pagtingin ko sa'yo. Sabi ko noon, ay suplado buti na lang guwapo," dagdag pa saka napangiti. "Alam mo bang lahat ng larawan mo sa bahay ni tita Melba ay ninakaw ko. Ganoon ako ka-obsess noon sa'yo. May ilang nanligaw naman sa akin sa kabila ng nerd kong hitsura ngunit hindi ko sila pinansin dahil ikaw lang ang gusto ko. Kaya lang nang malaman kong nagbabalak na kayong ikasal ng kasintahan mo ay gumawa ako ng paraan upang maging akin ka," lumungkot na ang tinig ni Mia. "lam so sorry. Nagawa ko lang naman iyon dahil sa labis na pagmamahal," aniya saka pinahid ang luhang tumulo sa pisngi. Kasunod noon ay napayuko na lamang siya sa malapit sa ulunan nito habang nakaupo sa mono block kalapit. "Gising na..." bulong pa niya saka pumikit. Masidhing sakit sa ulo at panunuyo ng lalamunan ang nararamdaman ni Grae. Halos hindi maigalawa ang katawan maging ang talukap ng mga mata ay kay hirap niyang imulat. Unti-unting minulat ang mabibigat na talukap. Paandap-andap ang tingin at tila nasilaw pa sa munting liwanag sa kinaroroonan. Muling pinikit ang mata saka muling dumilat at sa pagkakataong iyon ay medyo maayos na ang paningin. llang minutos siyang nakadilat. Blangko ang nakikita. Tila kay tagal na hindi naidilat ang mga mata. Nang tuluyang luminaw ang paningin ay unti-unti siyang bumaling sa kabila at nakita ang napakagandang mukha ng isang babae., Dinig ang mumunting paghinga nito. Tulog ito. Pilit inaapuhap sa isip kung sino ang babaeng nakikita ngunit hindi makilala. Maging ang sarili ay hindi kilala. Sumidhi ang sakit ng ulo dahilan upang mapasigaw siya. "Ahhhhbh!!!!" Sigaw na gumising sa tulog na diwa ni Mia at manang Lara. Chapter 24: 3/8 Mabilis na dinaluhan ni Mia si Grae. "Grae! Okay ka lang," nababahalang wika ni Mia. Dahil kita na namimilipit si Grae habang sapo ang ulo nito na tila gustong iuntok sa sakit. "|ha tatawag lang ako ng doktor," mabilis na saad ng matanda saka lumabas. Wala pang limang minutos ay naroon na ang doktor at sinuri si Grae. Ngumiti ang doktor. "He's well. Everything is back. Hilom na kasi ang mga sugat nito dahil sa tagal ng pagkakaratay.Just his mind. He has temporary amnesia. We don't know what the range when he can totally recover but for sure as long as you keep telling him about his past he will be recover," ani ng doktor saka umaalis. Nang balingan niya si Grae ay nakita niyang nakatingin din ito sa kaniya. Ngumiti siya rito at ngumiti rin naman ito. Sa pagkakataong iyon ay doon niya lang naranasang makuha ang ngiti nito kaya hindi naiwasang mapaluha. Nakita ang pagkabahala sa mukha nito ng makita ang pagluha kaya mabilis na pinahid at sinabing masaya siya dahil nagising na ito. Muli itong ngumiti sa kaniya. "Sayang,' aniya sa isipan. Halos kalahati ng timabang nito ang nabawas sa katawan ng dating asawa. Payat at humpak ang pisngi ngunit hindi nawawala ang kaguwapuhan nito. "Hmmmim..." tikhim nito. Sabi ng doktor ay pakonti-konti na muna ang bigay ng tubig rito upang hindi mabigla ang tiyan nito. Nakitang tila may nais itanong ito. "May gusto ka bang kainin. Gusto mo ba ng tubig ulit?" Hindi magkandatutong wika. Nagbaling ito ng ulo. "May gusto ka ba?" Nakitang matiim na nakatingin ito sa mukha niya. Naiilang na siya sa klase ng tingin nito. "Kaano-ano kita. Asawa, kapatid, kaibigan." Dinig na tanong nito. Napaawang ang bibig niya sa tanong nito. Hindi niya Chapter 24: 4/8 inaasahan kaya hindi siya makapagreact. "Pasensiya ka na ah. Wala kasi akong maalala eh. Pangalan ko nga hindi ko alam. Tinawag mo lang akong Grae kaya alam kong Grae ang pangalan ko," anito na nakangiti sa kaniya. Ngumiti na rin siya. "Okay. Grae, I'm Mia," aniya sabay lahad sa palad niya. Ngunit hindi iyon inabot ng lalaki bagkus ay nakatingin lamang ito sa kaniya na tila naghihintay kung dudugtungan pa niya ang kaniyang sinabi. Unti-unting binaba ni Mia ang kamay saka ngumiti ng pilit sa lalaki. "I'm Mia...your—your ex-wife." Dugtong niya habang nakatingin sa lalaki. "Really?" Tila nalungkot na wika nito at binaba ang tingin. "Yeah..." "Napakatanga ko naman pala. Pinakawalan ko ang isang tulad mo," bakas ang lungkot sa tinig nito. Maging siya ay natigilan sa sinabi ng lalaki. "Nasasabi mo lang iyan dahil hindi mo natatandaan ang lahat," isang matipid na ngiti ang binigay sa lalaki. "Sana nga Grae. Kung sana ganito ka lang noon ay baka masaya pa tayo ngayon.' Aniya sa kaniyang isipan. "M—may anak ba ta—yo?" Untag nito. Doon ay napangiti siya ng maalala ang anak. Tiyak kasing matutuwa ito kapag nakita na gising na ang daddy nito. "Oo Grae. Huwag kang mag-alala dahil dadalhin ko siya dito. Matutuwa si Grace,” aniya. Doon ay napangiti naman si Grae. Kahit naghihinayang siya at pinakawalan ang katulad ng babaeng nasa harap ay natutuwa siyang malamang may anak sila. "Salamat..." sambit. "Magpahinga ka na. Uuwi na muna ako kasi wala pa akong tulog," paalam sa lalaki. Alam niyang parating na ang pamilya ni Grae roon dahil kanina pa tinawag ni Manang Lara at ayaw niyang magpang-abot na naman sila ni Angelique. Sapat nang makitang nagising na ito at nakausap kahit saglit lamang. Chapter 24: 5/8 "Dalhin mo si Grace ha," pahabol niya sa babae. "Oo. Makakaasa ka," aniya saka lumabas sa pintuhan ng silid nito saka mabilis na umalis. Wala pang kinse minutos na nakakaalis ang babaeng kanina ay kausap nang may pumasok na humahagos na dalawang babae. Isang matanda at tila kaedad lang niya. Kasunod ng mga ito ang isang matandang lalaki na may hawak na maliit na bata. Napakunot noo siya at pilit inaalala sa blankong utak kung sinu-sino ang mga bagong dating. "Thanks God. Gising ka na anak," wika ng ginang. Alam niyang ito angina at ang lalaki ay ama. Napatingin siya sa isang babae at sa batang hawak ng ama. "Grae," tinig ng babae na tila naiiyak na. "Grae si Angelique ito. Ang asawa mo," dinig na dinig na tinig ng babae. ‘Asawa,’ aniya sa utak. Doon ay nagulumihanan siya. Oo. Maganda ang babaeng nakikita sa harap ngayon pero mas maganda ang babaeng kaaalis lamang at nagpakilalang ex-wife hiya. "Ito si Andrei ang anak natin," pakilala pa nito sa batang kasama nila. Napatingin lang siya sa mukha ng bata na busy habang nilalaro ang robot nito. "Ahhh...ah...brooommmmmmmmmn," ani ng bata. "Anak Andrei gising na ang daddy," wika pa nito sa anak. "Ammmmm...ammm...ahhhh..ma! Ma! Ma!" Wika lang ng bata na kinakunot ng noo niya. Sapantaha niya ay nasa tatlo o apat na taon na ito ngunit ni walang salita pa itong nababanggit. Napansin ni Angelique ang pagkakakunot ng noo ni Grae habang nakatingin sa anak nila. "Andrei is a special child honey," pagpapaalala sa kaniya. "Kaya pala,’ aniya sa utak. "Grae...wala ka ba talagang naaalala?" Paniniguro ni Angelique. Bumaling baling ng ulo si Grae bilang tugon sa babaeng kaharap. Ito ang asawa niya pero bakit tila kahit isang kislot ng puso para dito ay hindi maramdaman. Di ba sabi kahit makalimot ang utak kung ito ang tinitibok ng puso ay makikilala niya ito ayon sa bilis ng pintig nito. Bakit ang babaeng sinabing ex-wife niya ay makita Chapter 24: 6/8 lamang ang ngiti sa labi nito ay napapangiti siya. Bakit habang nakikita ang batang tila walang pakialam at malayang naglalaro sa tabi ay walang maramdaman. Bagkus ay pag-awa lamang sa nalamang kalagayan nito. Maya-maya ay bumalik ang mag-asawa na kumausap sa doktor ng anak. "Anong sabi ng doktor mama?" Tanong ni Angelique. "Sabi, temporary lamang ang amnesiya niya. Hindi pa alam kung kailan babalik ang memorya niya. Mas mainam daw na ipaalala sa kaniya ang lahat at makakatulong iyon para mapabilis ang pagbalik ng memorya niya." Mahabang paliwag nito sa kanila. "Sabi ng doktor ay pwede na natin siyang iuwi bukas ng umaga dahil physically ay okay na siya." Dagdag pa nito. Kinahapunan noon ay dinala nga ni Mia si Grace sa ospital. "Mommy...I'm so happy today. Yehey! Daddy is awake.." masayang wika ng anak habang pababa sila ng sasakyan matapos magpark sa labas ng ospital. "Ba careful baby,"'paalala rito dahil halos takbuhin nito ang silid na kinaroroonan ng ama nito. Hindi matatawaran ang sayang nakikita sa mukha ng anak ng malaman nitong nagising na ang daddy nito. "Daddy!" Matinis na tinig ng isang batang papasok sa silid na kinaroroonan. Napatingin silang lahat sa pinanggalingan noon. At doon nasumpungan ni Grae ang isang cute na cute na batang babae. Suot pa nito ang uniporme nito. Mabilis na lumapit ito sa kaniya at tila walang pakialam sa mga naroroon. Mabilis itong tumuntong sa mono block na nasa may ulunan at mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi. "I love you daddy," tinig nito. Kasabay ng pagkatok sa pintuhan at niluwa noon ang babaeng nabungaran kaninang umaga. Bakas pa ang puyat sa mukha nito. "I'm so happy that your awake daddy. Ang tagal mo kasing nakatulog eh," paglalambing ng paslit sa kaniya. Hinawakan niya ang matambok nitong pisngi. "Na-miss mo ba si daddy?" Tanong rito. "Super daddy. Promise play tayo kapag magaling na magaling ka na ah," anang pa nito. Chapter 24: 7/8 Nagpapakiramdaman silang lahat na naroroon. Maging si Mia ay hindi malaman kung papaano magre-react. "Iha, upo ka muna." Turan ng ginang. "Salamat po." Nahihiyang saad dito. Hanggang ngayon ay hindi pa sila komportable sa isa't isa at may ilangan pa rin. Kaya lamang siya pinapakitaan ng mabuti nito dahil kawangis na kawangis nito ang anak na si Grace. "Mia, ilalabas na namin bukas si Grae." Tinig iyon ng papa ni Grae. "Okay po..." tipid na tugon. Batid niyang kapag nakauwi na ang lalaki ay mahihirapan na silang makita ito dahil tiyak na babakuran na nito ni Angelique. Pauwi na si James nang maramdamang tila may nakasunod sa kaniya. Papunta pa lang siya sa kinapaparadahan sasakyan niya upang makauwi na. Habang naglalakad siya ay ramdam ang mga yabag na sumusunod. Iba na ang pakiramdam niya kaya mabilis ang ginawang pagtatago sa isang malaking truck na naroroon. Nakiramdam siya sa paligid at nang tila wala naman na ang nasunod sa kaniya ay maingat siyang sumilip sa pinanggalingan ng biglang may humataw sa kaniyang ulo. Nagdilim ang kaniyang paningin. Nang maalimpungatan siya ay wala siyang makita dahil nakapiring ang kaniyang mga mata. Nakagapos ang kamay at paa. Wala siyang maisip na nakaaway para may gumawa noon sa kaniya. "Ano! Paparating na raw ba siya. Tiyak malaki-laking pera ito," bruskong tinig ng isang lalaki. "Oo, basta malinis daw ang pagkakagawa. Gusto niya lang makitang hawak natin siya bago patayin..." tugon naman ng isang lalaki kasunod ng halakhak nito. Nagngalit ang bagang niya sa narinig. 'Hindi ako dapat mamatay, aniya sa isip. Nakarinig ng busina ng sasakyat tanda na may dumating. "Narito na pala eh,” takam na takam na wika ng lalaki. "Ma'am. Heto na ang iyong nobyo," pang-aasar ng lalaki. "Tseee," ani ng babae. "Heto na ang one hundred thaousand pero gusto kong Chapter 24: 8/8 malinis," ani ng tinig ng babae na hindi niya maipagkakailang kilala niya ang babaeng may-ari noon. "Shit! Hindi ako mamamatay. Hindi!’ Ngitngit sa isipan ni James kahit nagpupuyos sa galit para sa babaeng gusto siyang iligpit. Chapter 25: 1/8 Chapter 25: Naramdaman ni James na lumapit sa kanya ang babae. "Hayop ka Angelique! Pakawalan mo ako," aniya. Hindi ito kumibo. Maaaring nabigla ito dahil nakilala siya nito. "Pakawalan mo ako. Ganyan ka na ba ka-desperado para lang mapagtakpan ang lahat. Handa kang pumatay." Kutya pa ni James kahit alam niyang anumang oras ay ililigpit na siya ng mga ito. "You push me to do it. Pasensiyahan na lamang lalo na ngayon at gising na si Grae. Ayaw kong mawala ang pamilyang kaytagal kong inalagahan dahil sa'yo," tugon sa kaniya ni Angelique. "Baliw ka na, Alam mong hindi ka na mahal ni Grae." "Baliw na kung baliw. Basta ang importante ay buo kami! Buo! Kaya kung ikaw ang hahadlang noon. Ngayon pa lang ay ililigpit na kita," matigas na wika nito. "Hindi maaari,' ani ni James. Kailangan niyang makawala para sa anak. Hindi niya hahayaang mapunta lamang dito. "Siguraduhin mong mapapatay mo ako dahil kung hindi ay ako mismo ang papatay sa'yo!" Marring tugon naman ni James. Tumawa ng malakas si Angelique. "James. James. James. Alam mong aksidente lamang ang lahat ang nangyari sa atin. Masyado akong nasaktan at ikaw lang ang nasandalan ko noon. Masyado ka lang kasing umasa na sa pananakot mo ay masisindak ako. Hala! lligpit ang lalaking iyan." Malakas na utos nito sa dalawang lalaking inupahan nitong iligpit siya. Napalunok si James habang dinig na dinig pa ang yabag ni Angelique papalayo sa lugar naiyon. Naramdaman niya ang paghawak ng dalawang lalaki sa magkabilaang braso niya. Tinanggal ang piring niya. Nakita ang mga nakangising mukha ng mga ito habang hawak ng isa ang isang baril. Chapter 25: 2/8 Nagwala siya. Gustong magsalita pero nahihirapan dahil nakabusal siya. Agad naman kinalas ng lalaking nakahawak sa kaniya ang busal niya. "Shit!" Agad na namutawi sa bibig. "Magkano ang binayad sa inyo. Tatapatan ko!" Matigas na wika. Mas lalong ngumisi ang dalawang lalaki sa sinabi niya. "Hindi maaari. Hindi pa namin hawak ang kalahati." Anang ng may hawak ng baril. "Dodoblehin ko!" Ungot ni James. Nakasilip siya ng pag-asa ng makitang nakangisi ang mga ito na tila natatakam sa kaniyang offer. ‘Akala ko matalino ka Angelique pero hindi mo alam ang kayang gawin ng pera,’ bunyi sa isipan dahil sa nakikitang tinginan ng dalawang lalaki. "Triple. Cash mismo," guyo pa niya upang mas lalong maakit ang mga ito. Samantala. Nasa sasakyan na si Angekique at hinihintay na lamang ang putok ng baril na tanda na ginawa ng mga lalaki ang pagpatay kay James. Ngunit kinse minutos na siyang nag-aabang ay wala pa ring putok na naririnig. Mabilis na tinawagan ang cellphone ng mga ito. Tunog ng cellphone ng isang lalaki ang gumambala sa negosasyong ginagawa ni James sa mga ito. "Triple kapalit ng kalayaan ko. Hugas ka pa ng konsinsiya mo," dugtong pa niya. Napatingin muna ang lalaki sa kaniya bago nito pinindot ang cellphone. "Ano ba? Bakit ang tagal ng putok. Di ba usapan, kailangan kong marinig ang pagpatay niyo sa kaniya bago ko ibigay ang kabuuhan." Sikmat ni Angelique. "Sure Ma'am. Pinaglalaruan lang muna namin," anito sabay ngisi. Nabahala si James sa sinabing iyon ng lalaki. 'Shit, hindi yata umubra,' aniya sa isipan lalo na at itinaas nito ang hawak na baril saka tinutok sa kaniyang noo. Hindi nakapagsalita nang umalingawngaw ang tatlong sunod-sunod na putok. Matapos marinig ang sunod-sunod na putok ay napangiti si Angelique. Wala na siyang alalahanin pa. Chapter 25: 3/8 Makalipas ng isang linggo ay tuluyan nang gumaling si Grae ngunit hindi pa naibabalik ang kaniyang memorya. "Daddy," masayang bati ng anak na si Grace habang pababa sila ng hagdan. Naroroon si Grae upang sunduin ang kanilang anak upang ipasyal ito sa bahay ng mga magulang nito. "Be careful baby," babala sa anak. Patakbong yumakap ito sa lalaki na matamang nakaupo sa sala nila. "Hi," bati rito. "Hi. Kumusta," nakangiting wika naman nito. "Dapat ako ang natanong niyan. Ikaw kumusta na? Have you remember anything?" Ngiting wika. Niyakap nito ang anak saka binuhat. "No. Wala pa." Nanlulumong tugon ni Grae. "Its okay. Nothing to hurry. Maaalala mo rin lahat," tipid na ngiti. Sana nga hindi na lang bumalik ang memorya nito. Kasi ngayon kahit papaano ay civil silang nag-uusap. Napansin niya ang matiim na pagtitig sa kaniya ng dating asawa. Bigla tuloy ay naasiwa siya. Napansin naman ni Grae ang biglaang pag-iwas ng tingin ng babae. "Hmmmmm...May dumi ba ako sa mukha?" Bawi ni Mia upang maibsan ang nabubuhay na tensyon sa pagitan nila. "Wala naman. Until now kasi ay hindi ako makapaniwalang. Ex-wife kita? You know...iyong pinakawalan ko ang babaeng tulad mo," deretsahang wika ni Grae. Napaawang ng bibig si Mia sa patutsada ng lalaki. 'Kapag naaalala mo na ang lahat Grae. Masasabi mo pa kaya ang mga salitang iyan,' aniya sa isipan. "Ibalik mo na lang si Grace before 6pm kasi may pasok na siya bukas," turan na lamang. Ayaw niyang magtagal pa doon ang lalaki dahil baka tuluyang bumigay ang puso niya para dito. Hindi alam ni Grae kung bakit ganoon ang nakikitang lungkot sa mga mata ng dating asawa. Hindi alam kung may mabigat ba siyang nagawa rito upang tuluyang matuldukan ang kanilang kasal. Chapter 25: 4/8 Sabagay, siguro nga ay kasalanan niya dahil may asawa na siya at anak na kasing edad lang din ng anak nila. Ibig sabihin lamang iyon na siya ang nagloko sa kanilang dalawa. Kailangan nang dumistansya si Mia bago pa siya ipagkanulo ang puso niya. Papalayo na siya sa lalaki ng maagap siya nitong pigilan. "Mia.." usal nito sa kaniyang pangalan. Hindi siya tumingin rito. "Lam sorry," tinig ni Grae. Mas lalong hindi nakaimik si Mia at nag-iinit na ang kaniyang mga mga. "I'm sorry at thank you na rin dahil sa kabila ng lahat ng nagawa ko kung anuman iyon ay pinayagan mo pa rin akong makapasok sa buhay ng anak ko," madamdaming wika ng dating asawa. "Hmmmm." Tikhim muna niya upang matanggal ang bumara sa lalamunan dahil sa kaniyang nagbabadyang pag-iyak. "Okay lang iyon Grae. Karapatan mo iyan bilang ama ni Grace." Hindi maitago ang paggaralgal ng kaniyang boses. Hindi man nakatingin sa kaniya ang dating asawa ay alam niyang umiiyak ito dahil sa timbre ng boses nito. Binaba na muna ang anak na tila naiintindihan naman ang sitwasyon at kusang umupo na muna sa sofa at nanood ng tv. Mabilis na hinarap ni Grae si Mia at nakita ang pagluha nito. Hindi inaasahan ni Mia ang ginawang iyon ng lalaki kaya mabilis na pinahid ang mga luha at umiwas rito ngunit bago pa siya makalayo ay nahila siya nito at hinalikan. Hindi na rin napigilan pa ni Grae ang sarili dahil sa dikta ng puso. Nasasaktan siya sa pag-iwas ng babae sa kaniya. Bakit ganoon, bakit mahal na mahal niya ang dating asawa samantalang wala siyang makapang damdamin para sa asawang si Angelique. Pananabik ang umahon sa puso ni Mia nang muling malasap ang halik ni Grae. Kahit anong pilit at isiksik sa isipan na hindi pwede ay ninanamnam parin ang sarap ng ligayang dulot noon sa kaniya. Ngunit alam niyang hindi iyon tama dahil may pamilya na ito at sila ay parte na lamang ng nakalipas nito. Chapter 25: 5/8 Nang makaipon ng lakas ay itinulak ang lalaki. "Hindi ito tama," agad na wika ng makawala ang labi sa labi ng lalaki. "Alam ko pero bakit ganito. Bakit....bakit...." gulong-gulong wika ni Grae. "Bakit ano Grae? Grae, pinagdaanan ko na ito noon. Ayaw kong mangyari kay Angelique ito kahit alam kong siya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay. Hindi ko kayang gumanti," babang tinig niya. Gustuhin man niyang maging kaniya na lamang ito pero gagawin niya ang tama. "Hindi ko alam. Bakit ganito ang nararamdaman ko," turan pa rin ni Grae. Napalunok si Mia. "Mahal na mahal kita Mia,” dinig na wika nito. Sa unang pagkakataon ay sinabi nitong mahal siya ng lalaking matagal na pinangarap. Gusto niyang matuwa ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. May asawa na ito at hindi siya iyon. "Mahal na mahal kita at kahit alam kong hindi tama ay tila gusto kong gawin kahit mali." Dagdag nito. "Anong ibig mong sabihin?" Turan ni Mia habang titig na titig na sa mga mata ni Grae. "Handa kong iwan ang pamilya ko bumalik ka lamang sa akin." Deretshang wika. Mabilis na tumalikod si Mia sa lalaki. "Ayaw kong makasira ng pamilya Grae," aniya. Naalala niya rin naman si Julio. Napakabait nito ngunit nang malaman na si Grae ang ex- husband niya at batid nitong mahal pa rin niya ito ay malugod nitong tinanggap na hindi sila pwede. Tutal ay alangan din daw ang edad nila. Hindi tuloy niya maiwasang mapabuntong hininga. Julio is a good caught at kung pwede lang turuan ang puso ay ginawa na hiya. "Mia..." anito sabay hawak sa braso ni Mia. "Hindi ko kayang paglabanan ang damdamin ko Mia. Alam kong wala akong memorya pero iba ang puso. Alam kong hinding hindi ito nagkakamali. Mawala man ang lahat ngunit ang puso ay kayang kumilala kung sino ang taong minamahal nito." Mahabang wika ni Grae. Doon ay muling tumulo ang luha ni Mia. Hindi na kayang Chapter 25: 6/8 paglabanan ang damdaming matagal na itinago sa puso niya. Nayakap ang lalaki saka tuluyang umiyak. Niyakap na rin siya nito. "Mahal na mahal kita." Bulong pa ni Grae sa kaniya. "Mahal na mahal pa rin kita," pag-aamin naman rito. Matapos kumalas sa pagkakayakap kay Grae ay nakangiti siyang tumingin sa mukha nito. "Sige na at baka hinihintay na kayo ng parents mo." Aniya saka tumingin sa anak na abalang nanood at sumasayaw sayaw pa. Naramdaman niya ang pagkabig nito sa kaniya habang hawak na nito ang kaniyang beywang. Nagkatinginan sila hanggang sa magkangitian. Saka muling pinagsaluhan ang matamis na halik. Alam niyang mali pero lulubusin na niya habang hindi pa bumabalik ang memorya nito. Hahayaan niya muna ang pusong sumaya kahit alam niyang panandalian lamang iyon. "| love you," muling bulong ni Grae sa kaniya na kinangiti naman. "Wala pa ba ang Grae manang Lara?" Nakakatatlong tanong na ito ngunit wala pa rin ang asawa. Naiinis na si Angelique. Ang sabi ng asawa ay kukunin lamang ang anak nito ngunit magdadalawang oras na ay wala parin ang lalaki. Kung hindi lang talaga inutos ng magulang ni Grae na kunin ito ay nunca na payagan si Grae na puntahan ang anak nito kay Mia. Mas lalong kinaiinis niya ay nakukuha nito ang lahat ng atensyon ng mga ito na dapat ay sa anak lamang. "Huwag na huwag mo akong gagaguhin Grae," aniyasa sarili. Maya-maya ay dumating na ang sasakyan ng asawa. Hindi pa man nakababa ang mga ito ay sumugod na siya at hinintay ang pagbaba ng mga ito. Nakita ni Grae ang masamang timplada ng mukha ng asawa. Pagkababa pa lang ay binanatan agad ito. "Huwag ngayon Angelique!" Agad dito ngunit hindi nagpapigil ito. Chapter 25: 7/8 "What take you so long. Kukunin mo lang ang anak mo aabutin ka pa ng dalawang oras. Ano iyon Grae. Naglaplapan muna kayo ng dati mong asawa. Ganoon!" Sikmat nito. "Watch your word!" Singhal dito. "Defensive ka. Tama ako di ba?" Giit nito sa kaniya. Hindi niya ito pinansin saka mabilis na pumunta sa kabila upang kunin ang anak sa upuan nito. Mabilis na kinalong at dumeretso papaloob sa bahay ngunit mabilis ding sumunod si Angelique. "Ano tama ba ako. Ano? Inaakit ka ba ulit ng ahas na babaeng iyon. Ano? Gusto ka uling pikutin ganoon?" Sunod-sunod na saad nito. Hinamig niya ang sarili dahil ayaw niyang sumigaw lalo na at kalong ang anak na si Grace na ngayon ay tila takot na napayakap sa kaniya. "Thats enough Angelique. Huwag mo akong sagarin." Banta rito saka binilisan na ang pagpasok sa kabahayan. Sa sala ay nabulwagan ang kanyang mga magulang maging ang tiyahing si Melba at asawa nitong alkalde. "Kumusta ka na lho." Agad na bati ng tiyahin. "Mabuti naman po," tugon niya saka binaba ang anak na si Grace. "Naku. Siya na ba ang anak ninyo ni Mia. Grabe, ang laki na niya... hi..." masayang wika sa anak. "Si hi baby," aniya kay Grace. "Hi po. I'm Grace.” Bibong pakilala ng anak sa mga ito. "I'm mamita Melba. You're grandpa's sister. Hows your mom?" Magiliw na wika naman ng tiyahin sa anak. "Okay naman po siya. Sabi ko nga po sumama pero sabi niya ay busy siya," inosenteng saad nito. Kinuha naman ni Grae ang anak nasi Andrei ng muling magtama ang mata nila ng asawang si Angelique. Nakamata lamang ito sa kaniya at tila nagbabanta ang mga tingin ngunit masyado siyang masaya para pansinin pa ito. Masaya ang buong mag-anak sa pagsasalo-salo nilang iyon. Kahit papaano ay nakikita ni Grae na maayos ang tanggap ng pamilya kay Grace. Lalo na ang mama niya na talaga namang kamukhang kamukha ng anak. Chapter 25: 8/8 Gabi na ng makaalis sila sa bahay ng mga magulang. Nagtext na rin siya kay Mia na medyo mali-late siya ng balik kay Mia at um-okay naman ito. Mabilis na hinatid ang mag-ina niya kasama sina manang Lara at sa nanny ng anak nila sa kanilang bahay bago ihahatid si Grace. Tahimik silang lahat habang nasa loob ng sasakyan. Kita niya ang palagiang pagtingin ng asawa sa kaniya. "What is it?" Tanong rito. "Bakit hindi na lang natin idaan ang anak mo bago mo kami ihatid." Anito na may laman na naman ang nais. "Mas malapit ang bahay. Actually madadaanan nga natin. Para makapagpahinga na si Andrei. Look tulog na," aniya aa asawa. Tahimik lang din ang dalawa nilang kasama at tila nakikiramdam lamang sa kanila. Batid niyang nagpipigil lang si Angelique dahil naroroon ang dalawa at tumigil na lamang ito. Alas siyete y medya na ngunit wala pa rin ang anak ni Mia. Pasilip silip siya sa labas ngunit wala pa rin. Maya-maya ay may bumusina at mabilis sivang tumayo. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang na-conscious sa sarili. Pasimpleng tinignan kung ayos ba ang hitsura niya bago niya buksan ang pintuhan. Nakitang pinagbuksan ng katulong niya ng gate ang mga ito. Tulog na rin ang anak at kalong ito ng lalaki. Napangiti si Grae nang masilayan ang kagandahan ng dating asawa. Kahit simple ang suot nito ay banaag ang kagandahan nito. Chapter 26: 1/8 Chapter 26: "Hi. Sorry ha, ginabi kami. Dumating kasi sina tita Melba." Aniya. "Okay lang.." "laakyat ko na siya sa kuwarto nito at sa kama ko na siya ilalapag." Ani ni Grae na tinanguhan naman niya. Ginaya niya ito papasok sa silid ng anak. Nang mailapag nito ang anak ay saka siya nito hinarap. Napalunok si Mia ng muli ay magkalapat sila ng lalaki. Hindi alam ni Grae kung bakit pero gustong gusto niyang halikan ang babae. "Grae.." usal ni Mia bago pa sakupin ng labi ng lalaki ang kaniyang mga labi. Muli ay yumakap siya rito. Medyo may kaimpisan pa rin ang katawan ng asawa at hindi pa tuluyang nakakabawi sa anim na buwang pagkakaratay. "Mia. Mahal na mahal kita," usal ni Grae. "Mahal na mahal din kita," tugon niya saka muling ninamnam ang halik ng dating asawa. "Miaaa...." "Ummmmm..." "| want you..." Saka tuluyang napigtal ang mga damdaming kaytagal natinago. Nagpupuyos na ng galit si Angelique lalo na at wala pa rin ang asawa. Naiinis na siya habang nasa terasa ng silid nila. Hawak ang kopita at nakatanaw sa gate nila upang makita kung darating ang asawa. "Nagawa ko nang pumatay Grae dahil sa'yo at hindi ako mangingiming pumatay ulit kung may hahadlang sa atin." Matiim na turan ni Angelique sabay tungga ng iniinom ng maya-maya ay may bumato sa kinaroroonan. "Putcha!" Sigaw niya kasunod ng paghahanap kung sino ang may gawa noon. Sa kadiliman ay nakita ang anino. Chapter 26: 2/8 Mabilis na kinuha ang binato sa kaniya. Manika iyon na lalaki na nakagapos ang kamay at paa. Nakapiring ang mga bata at tila may busal pa ang animo ay bibig nito. Nanginig siya lalo na ng makita ang nakataling papel sa nakapulupot sa leeg nito. Walang lihim ang hindi nabubunyag!" Basa sa papel na naroroon na halos magpasindak sa kaniya. Nanginig si Angelique nang mabasa ang nakasulat doon. Dahil sa takot ay nabitiwan pa ang manika at nang nasa lapag na ito ay may napagtanto siya. Unti-unting naningkit ang mga mata niya saka umahon ang kaba sa kaniyang dibdib. Hindi siya maaaring magkami. Ganoon na ganoon ang hitsura ni James nang araw na pinaligpit niya ito. May ideya na naglalaro sa isip niya ngunit ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano lalo na at wala pa ang asawa. Mag-iisang oras na ito mula nang ihatid ang anak sa dating asawa nito. "Hindi maaari ito," wika habang pabalik-balik sa paglalakad. "Hindi maaari!" Maigting na saad. Tila mababaliw na siya. Ayaw niyang isipin na buhay si James. hawak. Mabilis na dinayal ang numero ng inutusang iligpit si James ngunit hindi ito simasagot. Ilang ulit pa niyang sinubukan ngunit ayaw sumagot. Puro ring lang iyon hanggang sa tuluyang namatay. Muli ay sumubok siya. Ngunit out of coverage na. "Punyetaaaaa..." aniya sabay sapo sa mukha niya. Nang maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone niya. "Hello!" Inis na boses. "Hmmmmm...Angelique si Vince ito." Agad na pakilala ng nasa kabilang linya. "Sorry. Nagising ba kita? Hindi ko kasi makontak si Grae kaya ikaw na tinawagan ko," anang ni Vince na nasa kabilang linya na halata ang pagkabahala sa boses nito. "Wala pa ang asawa ko. Hinatid lang ang anak nito kay Mia at doon na yata balak magpalipas ng gabi. Anong kailangan mo sa kaniya," naiinis na tanong sa lalaki. Chapter 26: 3/8 "James is missing magdadalawang linggo na raw sabi ng tita niya at sa work din ay AWOL siya. May alam ka ba kung nasaan siya?" Tanong nito na kinabahala niya. "Wala at bakit naman magsasabi sa akin kung nasaan iyon. Baka naman nakipagtanan o anu pa man?" Inis pa rin tugon. Ngunit sa puntong iyon ay kinakabahan na siya dahil sa nangyari kani-kanina lang. Natahimik ang nasa kabilang linya na tila nag-isip pa. llang saglit ay muli itong nagsalitaz "Siguro nga nakipagtanan o nagbakasyon kasi nagreport na ang tiyahin niya na nawawala ito noon pang nakaraang linggo at sa huling datos ay nakapagwithdraw pa siya ng one hundred fifty thousand bago ito tuluyang naglaho." Saad ng kausap. "Whaaaaat??" Bulalas sa kabiglaan. "Yes. Ayon ang nilabas ng bank account niya. At nakita sa kuha sa CCTV ng bangko na pinag-withdraw-han niya." Segunda pani Vince. "Mas lalong umusbong ang hinala ni Angelique. Trinaydor siya ng mga inutusan niyang pumatay rito. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi pa siya ang gumawa noon. Tuloy ay mas lalong gumulo ang sitwasyon. Ang akala niyang naayos na pero mas lalong lumala. "Hello...Angelique naririyan ka pa ba?" Untag ng lalaki. "Ah...oh..o—oo.." utal-utal na wika. Mukhang naramdaman ng kausap na wala siya sa mode makipag-usap kaya nagpaalam na ito. "Pakisabi kay Grae. Call me tomorrow," sabad na lang nito bago nawala sa linya. Tumingin muna si Mia sa anak na mahimbing na natutulog bago tuluyang matangay sa mga nag-aapoy na halik ni Grae. Sa totoo lang ay ibang-iba ang Grae na kasama sa Grae na asawa noon. Noon kailangan pang lasing ito o kailangan siya nito upang sipingan. Iba rin ang bawat haplos nito ngayon dahil dumadarang at nananabik. Kung noon ay siya ang nagbibigay motibo. Ngayon ay ang lalaki naman. Napapikit na lamang si Mia nang tuluyang sakupin ni Grae ang kanyang dibdib habang sapo ng palad ang kabilang dibdib. Nilalaro ng dila nito ang dunggot noon na tila Chapter 26: 4/8 nagpapahibang sa kaniyang katinuhan. Nang muling magtama ang mukha nila at banaag sa mata ng lalaki ang pananabik at pagnanasa sa kaniya. Ang pagmamahal na kay tagal inasam. "lL love you.." sambit nito saka muling hinuli ang labi niya. Matagal at marubdob. Napalingon silang dalawa nang gumalaw ang anak nila. Mabilis na inayos ni Mia ang damit na naibaba ni Grae. Ngunit mabilis na pinigilan siya nito. Baka magising siya.." alanganing wika niya rito. Napangiti si Grae. "Hindi iyan," anito saka muli siyang hinalikan. Maagap namang umiwas si Mia ngunit hinuli pa rin ni Grae ang mga labi nito. "Hmmm...huwag dito...sa room," nahihiyang wika ni Mia nang bigla siyang pangkuin ni Grae. "Ayyyyyh," tilisa kabiglaan pero mabilis na tinikom ang bibig dahil baka magising ang anak. "Asaan ang silid mo?" Tanong ni Grae. "Diyan sa katapat," aniya. Nang maipasok siya nito sa silid ay agad na sinara iyon saka mabilis na nilapag siya sa kama. Saka pumaibabaw sa kaniya. Hinawi pa nito ang buhok niyang tumabig sa kaniyang mukhaa. Titig na titig ito sa kaniyang mukha hanggang sa unti-unting bumaba iyon at naramdaman na lang ang pagsayad ng mga labi nito. Muling pinagsaluhan ang maaalab na halik hanggang sa hindi na napigilan pa ni Mia. ‘Alam kong bawal pero hindi ko kayang suwayin ang puso ko. Kung kasalanan man handa kong harapin kung anuman ang kaparusahan.’ Kapwa na sila hubo't hubad sa ibabaw ng kama. Ang marahang paghalik ni Grae sa buong katawan ay kumikiliti sa kaibuturan. "Graeee," daing sa sobrang sensasyong lumulukob sa Chapter 26: 5/8 kaniya. "| love you Mia. Akin ka lang. Please akin ka lang," sumamo nito. "Oo Grae. lyong-iyo lamang ako," tugon saka sinagot ng maalab na halik ang halik nito. Hindi na napigilan pa ang mga damdamin at tuluyang tinawid ang apoy ng pagkakasala. Muling naulit ang pagsasanib ng kanilang mga katawan. Damang-dama ni Mia ang kaligayahan sa piling ng lalaki. Dahil sa pagkakataong ito ay alam niyang bukal sa loob nito ang nangyari sa kanila. Halos ayaw na siyang pakawalan nito. Tila sabik na sabik sa kaniya at walang tigil kung gaano siya nito kamahal. Doon ay tumulo ang luha niya. Mabilis siya nitong niyakap. "I'm sorry. Did | do something wrong?" Nag-aalalang tanong nito. Mabilis na pinahid ang luha niya. "No. Nothing. May naaalala lang ako." Aniya saka pinilit ngumiti. "Sige na. Baka hinihintay ka na ng asawa mo," mahinang wika ni Mia. Nakatalikod siya kay Grae dahil tinatago rito ang kaniyang pagluha. Niyakap siya nito buhat sa kaniyang likuran. "I'm so sorry," anas nito sa kaniyang punong tainga. "Its okay. | understand. Sige na, umuwi ka na." Maya-maya ay naramdaman niya ang paggalaw ng kama at pagtayo ng lalaki buhat doon. Ramdam niyang nakatitig pa rin ito sa kaniya habang isa-isang sinusuot ang mga tinanggal nitong saplot. Muli ay napaluha siya ngunit hindi niya inaasahan ang pag-ikot ng lalaki at lumakad papalapit sa bahagi ng kama na kinaroroonan. Umupo ito roon. Patalikod rin sa kaniya. Nakuta niyang sinapo nito ang mukha ganit ang magkabilaang palad. "Patawarin mo ako. Ayaw kong makita kang umiiyak." Anito na bakas ang paggaralgal ng boses. "Aayusin ko ang lahat...aayusin ko ang lahat." Dinig na Chapter 26: 6/8 wika nito. "Sana maintindihan mo ako ngayon Mia. Hindi ko man maalala ang lahat pero batid ng puso ko na ikaw ang tinitibok nito. Bigyan mo lang ako ng panahon at itatama ko ang lahat." Dagdag pa ni Grae saka humarap sa kaniya at saka pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi. "Huwag ka nang umiyak ha. Please," sumamo pa nito. "Sige ka kpag hindi ka pa tumigil. Dito na ako matutulo," anito. Nabahala siya. Alam niyang sa oras na iyon ay hinahanap naito ng asawa nito. "Hindi na ako iiyak. Sige na. Alas diyes na. Hinahanap ka nani Angelique." Aniya rito na pilit ngumiti. "Ngiti ka muna," paglalambing pa nito. Kahit pilit ay ngumiti siya kasabay nang pagtataboy rito. Nang makaalis si Grae ay muling nabalot ng lungkot si Mia. "Sayang Grae. Kung noon lang sana nangyari ito. Mas nanaisin ko nang habang buhay kang my amnesia.’ Saad ni Mia sa kaniyang isipan. Nabigla si Grae nang biglang bumukas ang ilaw sa sana nila nang makapasok siya sa bahay nila. Doon ay nakita ang lulugo-lugong asawa. Sa hitsura nito ay alam na niyang lasing ito. "Magaling. Magaling. Magaling...buti naman at nakauwi ka pa. Akala ko ay uumagahin ka na doon sa dati mong asawa 0 mas tama bang sabihin kong kabit mo. Hanep di ba? Dating asawa ngayon ay kabit at ang dating kabit ngayon ay asawa." "Lasing ka lang Angelique. Matulog ka na at mahimasmasan." Mahinahong tinig ni Grae. "Hindi ako lasing Grae. Alam na alam ko pa ang mga pinagsasabi ko. Sabihin mo. Inakit ka bang ulit ng babaeng iyon!" Mataas at pasigaw ng wika. "Lower your voice. Baka magising si Manang Lara at si Digna. Tukoy sa nanny ng anak nila. "| don't care. Pamamahay ko ito at sisigaw ako kung gusto ko. Ano, inakit ka ba ng babaeng iyon.!" Ulit nito. "lam telling you. Matulog ka na at mausawan ka." Aniya saka niyabtatalikuran ito nang mabilis siya nitong hinablot. "Ano ba Angelique. Pwede ba? Lasing ka. Matulog ka na at bukas na tayo mag-usap." Giit sa babaeng nagpupumilit makipag-away sa kaniya. Chapter 26: 7/8 "Hindi ako matutulog hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko. Inakit ka ba ng babaeng iyon?" Bumuntong hininga muna si Grae bago humarap sa asawa. "Hindi niya ako inakit. Hindi! Ano tapos na ba?" Ngumisi ito at nagpabaling-baling ng ulo na halatang hindi naniniwala. "Maniwala ka o hindi. Wala akong magagawa. For now ay gusto kong magpahinga. Goodnight!" Aniya saka tuluyang iniwan. Naririnig niya pang nagdadabog ito ngunit wala na siyang pakialam. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silid at nag-imis para makatulog na. Tulala at lutang ang isipan ni Mia. Hindi niya alam kung tama pa bao hindi ang kaniyang ginagawa. Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil pinagkakanulo siya ng kaniyang puso. Hindi kayang tanggihan ang mga halik at haplos ni Grae kahit alam na niyang bawal. Tawag sa cellphone niya ang bumasag sa pananahimik ni Mia habang nagkakape sa malapit sa kanilang pool area. Habang abala naman ang anak at ang nanny nito sa kalalangoy sa swimming pool. Napakunot noo siya nang mapagsino ang tumatawag. "Hello," mahinang wika. "Good morning," malambing na tinig iyon ni Grae. Napatigil si Mia. Mukhang nahalata naman agad iyon ng lalaking nasa kabilang linya. "Is there something wrong? | just miss you," dugtong nito. "Grae. Napakaaga para mambola. Baka mahuli ka ng asawa mol!" Giit niya sa mahinang boses. Narinig pa niya ang pagtawa ng lalaki sa kabilang linya. "Bakit ka natatawa diyan," angal niya dahil tinawanan lang siya nito. "Wala lang. No worries, tulog pa siya. Ikaw, hows your day. Na miss mo ba ako?" Malambing na tanong nito. Muli ay natigilan si Mia. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. "Grae...bawal ito!"

You might also like