You are on page 1of 21

Pangngalan

Ano ang Pangngalan?

Ang pangngalan ay tawag sa mga


salitang tumutukoy sa tao, hayop,
lugar, o bagay.
Halimbawa:
•Ngalan ng tao – tatay, Andres Bonifacio,
Confucius
•Ngalan ng hayop – aso, manok, agila
•Ngalan ng bagay – libro, lapis, papel
•Ngalan ng pook/lugar – bansa, lungsod,
Thailand, Makati
Ano ang dalawang uri ng Pangngalan?

Ang pangngalan ay merong 2 uri:


•Pangngalan Pambalana
•Pangngalan Pantangi
•Pangngalan Pambalana – ito ay
pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao,
hayop, at pangyayari. Ang mga pangngalang
ito ay di- tiyak, walang tinutukoy na tiyak o
tangi. Maliit na titik ang simula ng mga
salitang ito.
•Pangngalan Pantangi – ito ay mga
pangngalang tumutukoy sa mga tiyak o
tanging pangngalan ng tao, bagay, lugar,
hayop, gawain, at pangyayari. Nagsisimula
ito sa malaking titik.
Halimbawa ng Pangngalang Pantangi
Narito ang mga halimbawa ng pangngalang
pantangi:
a.Si Agnes ay may dalawang tuta na binili nya
sa Pawrent Pet Store.
b.Kumuha si Robert ng apat na garapon
ng Strawberry Jam mula sa kanilang palamigan.
c.Kinain ni Bantay, na aso ni Maria, ang kanilang
ulam sa lamesa..
Halimbawa ng Pangngalang Pantangi
Narito ang mga halimbawa ng pangngalang pantangi:
d. Ang World War II ay isa sa mga makasaysayang
pangyayari, di lamang sa Pilipinas, kundi sa buong
mundo.
e. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay ilan
lamang sa mga sikat na libro na isinulat ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizalf
f. Si Juan Luna, na isang tanyag na pintor, ang
gumawa ng Spoliarium.
Pambalana
Ang pangngalang pambalana o common noun sa
Ingles ay ang pangngalan na ginagamit sa
pagtukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao,
hayop, bagay, pook o lugar, pangyayari, at iba pa.
Hindi gaya ng pangngalang pantangi, ang
pangngalang pambalana ay nagsisimula laman
sa maliit na titik.
Kasarian ng Pangngalan
Ang kasarian ng pangngalana ay nagbibigay ng
kasarian sa pangngalan na tinutukoy sa
pangungusap. Mayroong apat (4) kasarian ang
pangngalan. Patuloy na magbasa at sabay-sabay
nating alamin ang mga ito.
1.Panlalaki 
2.Pambabae 
3.Di Tiyak
4.Walang Kasarian
Kasarian ng Pangngalan

1.Panlalaki – ito ang pangngalan na


tumutukoy o ginagamit sa mga lalaking tao o
hayop.
2.Pambabae – ito naman ang pangngalan
na tumutukoy o ginagamit sa mga babaeng
tao o hayop.
Kasarian ng Pangngalan

3. Di Tiyak – ito naman ang pangngalan na


tumutukoy o ginagamit sa mga pangngalan na hindi
tiyak ang kasarian.
4. Walang Kasarian – ito naman ang pangngalan
na tumutukoy o ginagamit sa mga pangngalan na
walang kasarian tulad ng bagay, pook o lugar, at
pangyayari.
Basahin ang mga sumusunod na halimbawa
upang mas lalo ninyong maintindihan ang kasarian
ng pangngalan.
a.Ang hari sa Thailand ang isa sa mga mayaman
at makapangyarihan na tao sa buong mundo.
b.Si Mang Tomas ang tatay ni Maria.
c.Ang binibini na yun ang isa sa mga
pinakamaganda sa barangay nila..
Basahin ang mga sumusunod na halimbawa upang mas
lalo ninyong maintindihan ang kasarian ng pangngalan

d. Nakita niya ang mga litrato ng kanyang lola noon ito’y


dalaga pa lang.
e. Matalik na kaibigan ni Jose si Pedro kaya lagi silang
magkasama.
f. Isang mag-aaral ng New Life Christian School of Cavite
ang nakakuha sa pinakamataas na marka sa kakatapos
lang na Nursing Board Exam.
Kaukulan ng Pangngalan
Mayroong tatlong kaukulan ang pangngalan. Ito ay
ang palagyo, palayon at paari.

Palagyo
Sa kaukulang ito masasabi ng isang mambabasa
kung ang pangngalan ay ginagamit bilang simuno ng
pangungusap, pantawag, kaganapang pansimuno, o
pangngalang simuno.
Simuno ng Pangungusap
Ang pangngalan na pinag-uusapan ay
makikita sa simula o bandang unahan ng
pangungusap.

Halimbawa:
•Ang Pilipinas ay mayaman sa kalikasan.
Pantawag
Ang pangngalan sa pangungusap ay
ginagamit bilang pantawag sa taong
tinutukoy.

Halimbawa:
•Angel, ilang pirasong mansanas ang kinuha
mo mula sa lamesa?
Kaganapang Pansimuno
Ito naman ang salitang nasa bahagi ng
panag-uri at may kaugnayan sa simuno
ng pangungusap.

Halimbawa:
•Si Lexi ay isang mabait at matalinong bata.
Pangngalang Simuno
Ito ay ang pangngalan na nakaugnay sa
simuno ng pangungusap.

Halimbawa:
•Si Lexi, na isang mabait at matalinong bata,
ay nakatanggap ng medalya sa kanilang
paaralan.

You might also like