You are on page 1of 1

Panalangin sa Pagkain

Panginoon, maraming salamat sa mga biyayang nakahanda sa aming hapag-kainan. Ang mga
biyayang ito ay aming pinahahalagahan sapagkat sa iyong kabutihan at kapangyarihan
nagbuhat ang lahat ng mga ito.

Maraming salamat, Panginoon sa patuloy ninyong pagbibigay sa amin ng mga pagkaing aming
kailangan upang maging malakas at malusog sa aming araw-araw na buhay. Maraming salamat
din sa aming pagsasama-sama ngayong oras ng pagkain at nawa’y magkaroon kami ng
pagkakataong muli sa susunod pang mga araw na muling magkasama-sama upang
pagsaluhan ang iyong mga magagandang biyaya. Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus.
Amen.
_____

Maraming salamat po, Amang Banal, sa mga biyayang iyong ipinagkaloob sa amin sa araw na
ito. Sinasamba ka namin sa patuloy mong pagkalinga sa aming sangbahayan at sa aming
buong komunidad na aming ginagalawan. Nawa’y maging maayos ang aming pagsasalu-salo
ngayong oras na ito at sa mga susunod pang araw. Amen
_____

Ama, basbasan mo po ang mga biyayang ipinagkaloob mo sa amin upang aming


pagsalu-saluhan. Ibinabalik po namin sa iyong harapan ang lahat ng kapurihan at nawa’y
maging karapat-dapat kami sa lahat ng biyayang patuloy ninyong ipinagkakaloob sa aming
pamilya at sambahayan. Maraming salamat po, Panginoon sa aming masaganang pamumuhay.
Ang iyong kabutihan at kaluwalhatian ay hindi magkukulang kailanpaman. Amen.

You might also like