You are on page 1of 3

Magandang umaga sainyong lahat, narito ako upang iulat sainyo ang ikalimang kabanata, ang noche

buena ng isang kutsero

Sa kabanatang ito ay malalaman natin ang mga pangyayari nang umuwi si Basilio sa kanyang bayan. Ang
San Diego.

Tulad ng nakagiwian, magsimula muna tayo sa talasalitaan. Narito ang sedula, kutsero, at prusisyon.

Ang Sedula na sa ingles ay "Community Tax Certificate", ay ang dokumento ng pagkakakilanlan ng isang
tao. kinakailangang magbayad ng buwis ang isang mamamayan upang mapasakanila ito.

Ang Kutsero naman ang nagmamaneho ng mga karwahe Ito ay galing sa salitang kastila na ang ibig
sabihin sa ingles ay "carriage driver".

Prusisyon - Ito ay kadalasang ginagawa para sa mga libing o mga pista kung saan ang mga tao o kotse ay
nagpaparada sa isang maayos na direksyon.

Ngayon at naunawaan niyo na ang mga salitang ito ay dumako na tayo sa tauhan. Narito sina Basilio, ang
kutserong si Sinong, si Simoun, kapitan basilio pati narin ang kura at alperes.

basilio - Siya ang bidang karakter sa kabanatang ito na nagbalik sa bayan ng San Diego sang - ayon sa
utos ng kanyang ama - amahang si Kapitan Tiyago.

sinong - Ang kutsero ng sinasakyang karitela ni Basilio, madami siyang nakwento habang pinapanood
nila ang prusisyon. Nakararanas siya ng pagmamalupit mula sa mga guwardia sibil.

simoun - Ang panauhin ni Kapitan Basilio na tutungo sa Tiani kasama ng kapitan upang bentahan ito ng
mga alahas.

kapitan basilio - Ang may - ari ng tahanan na napuna ni Basilio na tanging masaya sa araw ng Noche
Buena

kura at alperes - Mga kasamang panauhin ni Simoun sa tahanan ni Kapitan Basilio na nais magpabili ng
relo at isang pares ng hikaw.

Dumako na tayo sa buod

Pagabi na nang dumating si Basilio sa San Diego ngunit sa kabutihang palad ay naabutan niya ang
prusisyon para sa kapaskuhan. Nalimutan kasi ng kaniyang kutsero ang sedula nito kaya nagtagal sila sa
mga pagkukwesyon at pagpaparusa ng mga guwardia sibil na nakahuli sakanila.

- Dito pa lamang ay mauunawaan natin kung gaano ka higpit at kalupit ang mga guwardia sibil sa
kanilang kapwa pilipino noong unang panahon.
Nang madaanan nila ang inilalakad na prusisyon, madaliang nagtanggal ng sombrero at nagdasal ng
"Ama Namin" ang kawawang kutsero nang dumaan ang imahen ni Metusalem, ang sinasabing pinaka-
matandang taong nabuhay sa mundo.

Sumunod namang idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago na sina Haring Melchor, Gaspar at
Baltazar.

Naalala ni Sinong kay haring melchor ang hari ng mga indio at bigla na lamang napaisip, tinanong niya si
Basilio kung nakawala na ba si Bernardo Carpio mula sa naka kadenang kanang paa nito sa kweba ng San
Mateo, hindi naunawaan ni Basilio ang tanong.

- Maya maya ay malalaman natin kung sino nga ba si Bernardo Carpio na buong pusong pinaniniwalaan
ni Sinong

Sumunod naman ang dalawang pila ng mga lalaki, kitang kita ang kalungunkutan sa kanilang mukha na
para bang napilitan lamang sumama. Mayroon silang mga dalang parol at ilaw, pasigaw nilang dinadasal
ang rosaryo.

Sunod sa pila ay ang karosca ni San jose, sinuotan, magara't mabango ito ngunit makikita sa kanyang
mukha ang paglumbay. Nakapagitan siya sa dalawang guwardiya sibil na para bang siya ay hinuhuli.

- Mapapansin natin na hindi masigla ang nagiging daloy ng prusisyon, kung dati ay punong puno ng
kasiyahan ay ngayon ay parang napilitan nga lamang sila.

Kasunod ay ang mga batang babae, mga nagdadasal rin ng rosaryo ngunit hindi kasinlakas ng mga lalaki
na parang bang nakikipag away na. Narito rin ang mga batang may dalang kunehong papel pati narin ang
mga batang may hilang laruan para mapasaya ang prusisyon.

Huli sa prusisyon ay ang buntis na mahal na birhen, ito ang pinaka-magandang imaheng nakita nila
ngunit mukha itong malungkot

Hindi nagpakita ang kura dahil masama ang kaniyang loob, kinakailangan kasi ng diplomasya at dulas ng
dila para mabayaran siya ng tatlumpung piso sa bawat misa de aguinaldo.

Hindi napansin nina sinong at basilio na wala na palang ilaw ang kanilang karwahe. Napuna ito ng mga
guwardia sibil at hindi nila ito pinalagpas kaya pinarusahan muli ang kutsero si Sinong. Naglakad na
lamang si Basilio at naaawa.

- Nakakalungkot isipin na kahit gabi na ng kapaskuhan ay kinakailangang magtrabo ni sinong imblis na


dapat kasama niya ngayon ang kanyang pamilya, ang nakakasakit pa ay minamalas siya at putuloy na
nabubugbog at napaparusahan.

Habang naglalakad sa bayan ng San Diego ay hindi niya naramdaman ang simoy ng kapaskuhan, tanging
bahay na lamang ni Kapitan Basilio ang nakita niyang may kasiyahan. kung dati ay makikita ni basilio ang
mga taong nagkakaguluhan sa handaan, mga makukulay na decorasyons, maririnig niya ang mga
malalakas na tugtugin ay ngayon, malungkot na lamang

Nang makarating si basilio sa bahay ng kapitan ay Nagulat si Basilio na ang Kapitan, kura, at alperes ay
nakikipag-usap kay Simoun na isang mang-aalahas.
Napag-usapan nila na pupunta sila sa Tiani kaya nagbilin ng relo ang Alperes at isang pares na hikaw
naman para sa kura. Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang
lahat ay ginagawang negosyo mapa san man

Sa wakas, nakauwi na si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago doon niya nalaman ang pagkakabihag kay
Kabesang Tales, nawalan ng gana kumain ang binata.

Para sa siping banggit:

"Kapag nakawala na ang kanyang kanang paa, ibibigay ko sa kanya ang aking kabayo, magpapaalipin, at
magpapakamatay dahil sa kanya; siya ang magtatanggol sa atin laban sa mga guardia civil."

kung matatandaan niyo pa ang binanggit ni sinong na si Bernardo Carpio, siya ay isang alamat na kalat
sa mga pilipino noon na sinasabing hari ng mga mangmang na pinaniniwalaang siya raw ang tanging
makapagliligtas sakanila mula sa mga mananakop pagnatanggal na ang kadena mula sa kanang paa nito,
ayun ang rason kung bakit nagtanong si sinong kanina kung nakawala na ba daw si Bernanrdo Carpio.
Sinasabi dito ni sinong na handa siyang isakripsyo ang buhay niya pag nakawala na si bernardo carpio. Sa
katotohanan, ang bernando carpio ay isang alamat na pinakalat ng mga kastilla sa mga pilipino upang
maipunla sa kanilang isipan na ang pagtitiis ay may natatamong kaluwalhatian sa langit. Ito ang dahilan
kung bakit maraming mga pilipino nagpapakasakit na lamang dahil nananiwala sila na magkakaroon
silang hayahay na buhay sa langit pag silay maghihirap. Sa halip na hanapan ng mga pilipino ng lunas ang
kanilang problema, nabawasan lamang ang kanilang pag-asa dahil mas pinipili nilang mag-api dahil nga
naniniwala sila na balang araw ay may darating sakanila at magliligtas. Bago tayo magwakas, nais ko
lamang sabihin na patuloy na dumarami ang canser ng lipunan tulad lamang ng kurapsion, kahirapan at
kawalan ng hustisya. Tulad ni sinong ay naghahanap din tayo ng bernando carpio natin na inaakala
nating tanging magliligtas sa ating bansa, ngayong election ay mapapansin nating nagsusulputan na ang
mga bernardo carpio. ilang beses na tayong umaasa at patuloy lamang tayong umaasa. ngunit hanggang
ngayon, ang pilipinas ay nananatili paring pilipinas.

You might also like