You are on page 1of 1

Ang kursong ito ngayong 2nd Quarter ay nakatutok sa mga mas teknikal na aspekto ng wika at

komunikasyon. Marami akong natutunan ngayon, lalo na sa parte ng komunikasyon at pananaliksik.


Nakakainteresado na maaring makagawa ng mga pananaliksik sa ating wika dahil mas sanay ako sa mga
pananaliksik sa agham. Marami din akong natutuhan na mga kakayahan na tutulong sa aking para mas
maging epektibo ang aking pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa aspekto ng komunikasyon.

Sa wika, aking natutuhan ang ortograpiya na tunay ngang nakakakuha ng aking interes dahil
importanteng mapag-aralan kung paano at sino-sino ang mga nagbabago nito. Maari ring mapag-aralan
kung paano ito maaring magbago sa kinabukasan. Isa ito sa mga patunay na kontemporaryo ang wika at
patuloy itong magbabago kasabay ng ating ortograpiya. Importante rin ito sa ating bansa at lipunan dahil
ang ating ortograpiya ay palaging nakasentro sa ating wikang pambansa kahit na nagbabago ito.

Sa aspekto naman ng komunikasyon, aking nasanay ang aking kakayahang sosyolingguwistiko


na isang importanteng kakayahan sa ating panahon ng dibersidad ng kultura at wika. Kung masasanay
ang lahat na i-akma ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga sosyolingguwistikong katangian ng mga
kanilang kinakausap, maaring mas maging maayos ang ating lipunan dahil mas magiging epektibo ang
ating komunikasyon sa lipunan at bansa.

Tunay nga na importante ang asignaturang ito dahil kahit sanay na tayo na gamiting ang ating
wikang pambansa, marami pa tayong kailangan na matutuhan dahil palaging may pagbabago sa ating
wika. Dahil dito, lalabas ang suliranin na kailangan din natin baguhin ang ating ortograpiya at ang
pamamaraan ng komunikasyon. Marami rin salik na makakaapekto dito. Kaya’t importante na pag-
aralang at saliksikin ang ating wika nang mas makita pa natin kung laganap ba ang pagbabago sa ating
wika. Sigurado ako na magagamit ko ang aking mga aking natutuhan sa kinabukasan, hindi lamang sa
pag-aaral, kundi na rin sa aking buhay.

You might also like