You are on page 1of 1

Pangalan:________________________________ Grado at Seksyon:________

ARALING PANLIPUNAN 4
WEEK 5
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan dulot ng lakas ng hanging
dala ng bagyo?
A. Tidal wave B. Tsunami C. Storm surge D. Hurricane
2. Ito ay epekto ng naganap na paglindol. Ito ay ang higit sa normal na lebel ng pagtaas ng tubig sa dagat o
karagatan. Ano ito?
A. Tsunami B. Tidal wave C. Bagyo D. Storm surge
3. Bakit mahalagang malaman ang tsunami alert level at ang mga babala ng bagyo?
I. Upang mapaghandaan ang paglikas.
II. Upang makapagplano ng aksiyon na dapat gawin.
III. Upang maging alerto sa mga posibleng hindi magandang mangyayari.
IV. Upang walang mangyaring masama sa sinuman.
A. I at II lamang C. I at III lamang
B. I, II, at III lamang D. I, II, III at IV
4. Ang mga lugar na madalas daanan ng bagyo at may posibilidad sa storm surge ay karaniwang mga lugar
sa ________.
A. baybayin B. kagubatan C. kapatagan D. disyerto
5. Ang DRRMC ang ahensiya na nangangasiwa sa mga pagsasanay para sa kaligtasan ng bawat
mamamayan. Ano ang ibig sabihin ng DRRMC?
A. Disaster Risk Reduction and Management Coordination
B. Disaster Reduction and Risk Management Council
C. Disaster Risk and Reduction Maintenance Council
D. Disaster Risk Reduction and Management Council
6. Ang ________________ ay isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming aktibong bulkan at
nagaganap ang madalas na mga paglindol.
A. Arctic Circle C. Antartic Circle
B. Pacific Ring of Fire D. Pacific Ring of Water
7. Sa ibaba ay mga positibong implikasyon sa pagiging bahagi ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire, maliban
sa isa?
A. Pagiging resilient o matatag
B. Banta sa buhay at ari-arian
C. Nagtataglay ng likas o natural na harang
D. Naghahatid ng mayamang lupa na mainam sa agrikultura
8. Anong ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa pagkilos ng mga bulkan sa bansa?
A. DOLE B. PAGASA C. PHIVOLCS D. DRRMC
9. Anong bilang ang babala ng bagyo na may bilis ng hangin na hindi lalampas sa 60 kph at inaasahan sa
loob ng 36 na oras?
A. Babala bilang 1 C. Babala bilang 2
B. Babala bilang 3 D. Babala bilang 4
10. Sa anong eksaktong lokasyon matatagpuan ang Pilipinas?
A. Timog Asya C. Hilagang Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

You might also like