You are on page 1of 3

B.

1. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa iyo bilang mag-aaral?


Mga kahalagahan ng wika sa sarili bilang mag-aaral
1. Mahalaga ito upang makasali sa talakayan sa klase.
2. Natutulungan din ako nitong maintindahan ang mga tinuturo ng guro.
3. Maibabahagi ko ang aking kaalaman sa naturang paksa tuwing nagrereport.

2. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa lipunan?


Mga kahalagahan ng wika sa lipunan
1. Nagkakaroon ng magandang samahan ang mga tao sa lipunan.
2. Magiging payapa ang lipunan kung nagkakaintindihan ang bawat isa.
3. Naipapahayag ang mga saloobin o opinyon ng mga mamamayan.

3. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa inyong magkaka-ibigan?


Mga kahalagahan ng wika sa pagkakaibigan
1. Tumatatag ang samahan ng magkakaibigan dahil sa komunikasyon.
2. Hindi boring ang samahan dahil sa pagbibiruan.
3. Nagkakaunawaan sa mga kabutihan at kalokohang ginagawa.

C.

1. Panitikan
Nagagamit ang mga wastong salita sa paglikha ng iba’t ibang uri ng panitikan tulad ng tula,
maikling kwento, nobela, atbp.

2. Negosyo
Lumalago ang negosyo dahil maaaring gumamit ng patalastas upang maipakilalala ito sa masa.

3. Edukasyon
Nagkakaroon ng pagkatuto ang mga mag-aaral mula sa tinuturo ng guro.

4. Medisina
Nakapagbibigay ng nararapat na gamot ang mga doktor para mapagaling ang mga pasyente
nito. `

5. Batas
Kung pambansang wika ang gagamitin sa paggawa ng batas, mas madaling maiintindihan ng
mga mamamayan ng bansa ang mga patakarang dapat sundin.

This study source was downloaded by 100000842192792 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:22:20 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/15141396/filipino/
6. Siyensya
Maaaring makatuklas pa ng iba’t ibang bagay tungkol sa siyensya na malaking tulong upang
mapadali ang trabaho ng tao.

7. Media
Nakakapagbahagi ng mga importanteng balita sa taong-bayan.

8. Teknolohiya
Mas maiintindihan ng tao kung paano gamitin ang mga makabagong teknolohiya sa tulong ng
wika o komunikasyon.

9. Musika
Nakalilikha ng musika na may magandang mensahe at masarap pakinggan.

10. Sining
May sining na hindi agad-agad maiintindihan sa isang tinginan lamang kung kaya’t maaari
itong ipaliwanag ng lumikha.

A. Sanaysay

Sa marami nang pagkakataon napatunayan ko na mahusay tayong mga Pinoy pagdating sa


Inglesan. Ang mga Arabo, mga Europeo, maging sa mga karatig-bansa natin sa Asya ay ‘di
mapigilan ang paghanga sa ating talino. Lubos ang aking paghanga sa ating kakayahan na
makipagtalastasan sa mga dayuhan gamit ang Ingles na para bang naging natural at walang
kahirap-hirap na sa atin ang pagsambit ng mga katagang ‘di likas sa atin.

Hindi ako tutol sa pagsasalita ng Ingles maging sa paghayag dito bilang medium of instruction
(kaalinsabay ng Filipino). Dapat nga namang linangin ang kakayahan natin sa pagsulat at
pagsasalita ng Ingles dahil sa globalisasyon. Kung iisipin, nang dahil sa kaalaman natin sa
Ingles, naglipana ang mga foreign companies at call centers. Dinadayo pa nga tayo ng mga
banyaga katulad ng mga Koreano para lamang magpaturo sa atin ng Ingles. Ingles ang
kadalasang wika ng ating mass media, ng pakikipagkalakalan at maging sa pampulitikal na
interaksyon. Ang lingua franca ng mga asignatura, lalung-lalo na ng sa Agham at Matematika ay
English.

Sa aking konklusiyon, hindi naman dapat alisin ang wikang Ingles bilang isa sa mga opisyal na
wika sa Pilipinas dahil hindi naman isang krimen na maituturing ang paggamit ng wikang Ingles
sa pagsasalita bagkus, nakakatulong pa nga ito upang makipag-usap o magkaroon ng
interaksyon sa pagitan ng mga Pilipino at mga taong nasa kabilang bahagi ng mundo na may
sariling wika.

This study source was downloaded by 100000842192792 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:22:20 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/15141396/filipino/
Sa totoo lang, napatunayan kong importanteng matutunan ang Ingles dahil sa isang Koreanovela
na aking pinapanood. Ito ay pinamagatang Descendants of the Sun. Nagkaroon ng malakas na
lindol sa bansang Urk na kung saan hindi marunong magsalita ng Ingles ang mga tao roon at ang
mga boluntaryong doktor na nandoon para tumulong ay mga Koreano. Gustong gamutin ng
isang doktor ang babaeng sugatan ngunit ayaw ng babae na turukan siya ng anesthesia, hindi
maintindihan ng doktor kung bakit ngunit kinalaunan, nang hinawakan ng babae ang kanyang
tiyan naintidihan din sa wakas ng doktor na buntis ang babae at maaring makasama ang
anesthesia sa bata sa kanyang sinapupunan. Sa sitwasyong iyon, pinapakita na mahalaga ang
wikang Ingles bilang medyum ng komunikasyon sa iba't ibang bahagi ng mundo.

This study source was downloaded by 100000842192792 from CourseHero.com on 10-04-2022 07:22:20 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/15141396/filipino/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like