You are on page 1of 3

Bidasari (epiko)

Epiko - ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na maaring lapatan ng himig o tono.
Nagpasalin-salin lamang ito sa mga bibig ng tao kung kaya walang tiyak na may akda nito.
Nagsasalaysay ito ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan  pagkat nauukol sa mga
kababalaghan. Ito din ay nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay
laban sa mga panganib a kagipitan.

Ang epiko ay nagpapahalaga sa mga paniniwala, kaugalian, at layunin sa buhay ng mga tao.
Pinapaksa dito ang mga kabayanihan at kabutihan ng isang tao, at maging ang kalagayan ng
mga tribo o katutubo.

Ang Bidasari ay maromansang epiko ng mga Malay na tungkol sa matadang paniniwalang ang
buhay ay napatatagal kung ang kaluluwa ng isang tao ay ipaloloob o paiingatan sa isang hayop,
isda, punong-kahoy o bato. Ang Bidasari ay laganap sa pook ng mga Muslim subalit ito ay hindi
kathang Muslim kundi hiram lamang dahil ang original na katha nito ay nasusulat sa Malay.
Itinuturing itong kawili-wiling tula sa buong panitikang Malay. 

Buod ng Bidasari:
Awit I. Bago pa lamang nalaman ng Sultan ng Kembayat na ang Sultana ay nagdadalang-tao at
siya'y maligaya. Ngunit ang salot na Ibong Garuda ay lumusob sa kanyang kaharian at
namuksa ng mga tao. Ang buong kaharian ay napilitang umalis at nagtago sa namumuksang
ibon. Napahiwalay sa mga kasama ang Sultana at ang Sultan at sa kanilang paglalakad ay
inabot ng panganganak ang Sultana sa tabi ng ilog. Sa malaking takot sa Ibong Garuda, iniwan
nila ang sanggol sa isang bangkang nakita sa tabing-ilog at nagpatuloy ang dalawa sa pagtatago.
Bagama't halos madurog ang puso ng Sultana, napilitan nilang iwan ang sanggol.

Awit II. Nang ang pinakamayaman na mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura na si


Diyuhara ay nagpapasyal sa tabing ilog na kasama niya ang kanyang asawa, nakarinig siya ng
iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na babaing pagkaganda-ganda, dinala nila agad ito sa
bahay at binigyan ng apat na tagapag-alaga at higaang may kalupkop ng tunay na ginto.
Bidasari ang kanilang ibinigay na pangalan. Habang lumalaki, si Bidasari ay lalong gumaganda.

Basahin ang isang awit na hango sa Bidasari:


Pakinggan ang isang awit ko para sa isang hari.
Na nagkaanak ng isang babae, tulad ng isang bulaklak,
Higit ang ganda sa isang istatwang ginto.
Kamukha siya ni Mindondari at pinangalanang Bidasari.
Habang ang magandang Bidasari ay lumalaki, 
ang maganda niyang mukha'y lalong gumaganda. 
Ang kanyang malasutlang kutis ay maputi at
madilaw at siya ang pinakamaganda.
Ang kanyang hikaw at pulseras ay nagbigay
sa kanya ng pambihirang yamang nakatago sa isang salamin.
Walang katulad ang kanyang ganda, at ang
kanyang mukha'y tulad ng isang nimpang makalangit.
Ang kanyang damit ay lubhang marami, kasindami
ng prinsesa ng Java. Walang pangalawang Bidasari
sa ibabaw ng lupa.
Prinsesa siyang higit na maputi kaysa araw,
Tulad ng anghel kaysa sa isang makasalanan,
Walang babaing nasa lupa ang makatutulad niya.
Ang buhok niya'y kulot, tulad ng bukang bulaklak,
Ang kilay niya'y tulad ng buwang isang araw ang gulang,
Siya ay anaki isang singsing na gawa sa Peylon.
Wika ng mga lalaki: ang mga mata ni Bidasari ay malamlam.
Matamis ang ngiti, ang kutis ay tila luntiang Tjempaka
at ang magandang anyo'y tulad ng isang ginawang mahal na estatwa.
Ang mga pisngi niya'y tulad ng mga tuka ng isang ibon.
Nais naming malasin ang kanyang leeg. Ang ilong niya'y 
tulad ng bukong Jasmine. Ang maganda niyang mukha
ay tulad ng pula ng itlog. Ang diwa niya'y kasimputi ng kristal.
Ang buhok niya'y nakalugay.
Ang kanyang labi'y tulad ng isang kininis na kahon.
Ang suot niyang bulaklak ay nagpapaaliwalas sa kanyang anyo.
Ah, ang puso niya'y tulad ng kanyang mukha...

Ang Sultan Mogindra ng Indrapura ay dalawang taon ng kasal kay Lila Sari ngunit natatakot
ang babae na baka ang sinabi sa kanya ng Sultan na siya ay mahal na mahal at hindi nya nais
na mapahiwalay ay hindi mangyayari. Natatakot si Lila Sari na ang kanyang asawa ay makakita
ng isang higit na maganda kaysa sa kanya at siya ay iwanan. ''Kung may makita kang lalong
maganda kaysa sa akin, malimutan mo kaya ako?'' At pabirong isinagot ng Sultan, ''kung may
lalong maganda kaysa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat!'' Kaya, kinabukasan,
ang Sultana ay nagdala sa lahat ng dako ng mga batyaw upang alamin kung may makikitang
higit na maganda kaysa sa kanya. At nakita ng mga batyaw si Bidasari.

Sa pagkukunwaring gagawing dama ng Sultana, si Bidasari ay nadala sa palasyo at ipinakulong


ni Lila Sari. Pinapasok ni Lila Sari si Bidasari sa kulungan nito sa tuwing aalis ang Sultan at
doon ay pinapalo, sinasampal at minumura hanggang sa hindi na nakatiis si Bidasari. Sinabi ni
Bidasari, ''kung ibig ninyo akong mamatay, kunin ninyo ang isdang ginto sa hardin ng aking
ama. Kapag araw, ito'y kwintasin ninyo at kapag gabi ay ibalik ninyo sa tubig, sa gayo'y hindi
maglalaon at ako ay mamamatay.'' Ipinakuha ni Lila Sari ang isda at pinahintulutang makabalik
si Bidasari sa kanyang mga magulang.

Nangyari ang mga sinabi ni Bidasari. Sa araw, kapag ikinukwintas ng Sultana ang isda, si
Bidasari ay nakaburol sa kanilang bahay at sa gabi lamang nabubuhay siyang muli. Sa takot ni
Diyuhara na baka tuluyang patayin ng Sultana si Bidasari, nagpatayo siya ng isang magandang
palasyo sa isang gubat na malayo sa Indrapura at doon itinirang mag-isa si Bidasari. Laging
sarado ang palasyo.

Awit III. Palagay ang kalooban ng Sultana sa paniniwalang si Bidasari ay namatay. Nguni't


isang araw, nang walang maraming ginagawa ang Sultan, naisipan nitong mangaso sa gubat. Sa
paghahanap niya ng usa, nakasapit ito sa palasyo ni Bidasari. Saradong-sarado ang palasyo.
Kaya lalong pinagnasaan niyang mapasok ito. Natagpuan niyang walang katau-tao. Pinasok nya
ang lahat ng silid at sa wakas ay nakita niya ang kwartong kinabuburulan ni Bidasari. Nagtaka
siya. Ngunit hindi niya ginising si Bidasari. Kinabukasan ay nagbalik siya't naghintay hanggang
sumapit ang gabi. Nabuhay na muli si Bidasari na lubhang hinangaan ng Sultan ang
kagandahan nito. Sinabi ni Bidasari ang katotohanan. Galit na galit ang Sultan. Pinakasalan
agad nito si Bidasari at siyang pinaupo sa trono na katabi niya samantalang si Lila Sari ay
natirang nag-iisa sa kanyang palasyo.

Awit IV. Pagkalipas ng maraming taon, ang mga tao sa Kembayat ay nagbalikan na. Ang mga
magulang ni Bidasari ay nagkaroon pa ng isang anak na pinangalanang Sinapati. Sa Kembayat
ay dumating ang isang anak na lalaki ni Diyuhara, na inaakala ni Bidasari na tunay na kapatid.
Nang makita niya si Sinapati ay nagulat siya sapagkat kamukhang-kamukha ito ni Bidasari.
Kinaibigan niya si Sinapati at ibinalita na siya'y may kapatid na kamukhang-kamukha ni
Sinapati. Dahil dito'y itinanong ni Sinapati sa mga magulang kung siya'y may nawawalang
kapatid. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura sa pagbabakasakaling si Bidasari ang
nawawalang anak. Gayon na lamang ang pagtataka ng lahat dahil sa pagiging magkamukha ng
dalawa. Nang sabihin ni Sinapati na siya'y naghahanap ng kapatid na naiwan sa bangka ay
nabatid na niyang si Bidasari ay tunay niyang kapatid dahil sa pagtatapat ni Diyuhara.

Si Sinapati'y iniharap kay Sultan Mogindra at naging maligaya ang lahat nang magkakilala ang
magkapatid sapagkat si Bidasari pala'y isang tunay na prinsesa.
STORY MAP

TAGPUAN
MGA PANGUNAHING TAUHAN

PANIMULA
MGA IKALAWANG TAUHAN

BIDASARI

KASUKDULAN NG KWENTO

LAYUNIN NG EPIKO

WAKAS

PANGUNAHING IDEYA

ARAL NG EPIKO

You might also like