You are on page 1of 20

Ikalawang Bahagi

SOSYOLINGGWISTIK
NA PAG-AARAL SA
WIKANG FILIPINO

19
Aralin 3
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA
SA PILPINAS

Talakayin Natin
Ang wika ay nagkakaiba-iba dahil sa mga taong gumagamit nito.
Sinasabing nagkaroon ng baryasyon o pagkakaiba-iba ang wika dahil sa lokasyong
kinalalagyan ng tao o grupo ng mga taong gumagamit nito. Ang mga taong
nabibilang sa isang komunidad at gumagamit ng iisang wika ay maaaring
magkaroon pa rin ng pagkakaiba sa paraan ng kanilang pagsasalita-estilo, tono,
punto atbp. Halimbawa dito sa Iloilo; ang mga tagasiyudad ay gumagamit ng
Hiligaynon samantala ang tagaprobinsya ay gumagamit ng Kinaray-a. Ang
Kinaray-a na ginagamit ng mga tagaprobinsya ay nagkakaiba-iba ayon sa mga
tagapagsalita nito. Iba ang Karay-a sa Alimodian, Leon kaysa Kinaray-a ng mga
taga-Pavia, Maasin, Passi at iba pang lugar sa probinsya.

2
0
Ang tao kahit nabibilang sa isang lipunan ay iba-iba ang paraan ng
pagsasalita.

May Tatlong Dimensyon ang Pagkakaiba-iba ng Wika

1. Dimensyong Heyograpikal

Ang terminong heograpiya ay tumutukoy sa mga katangiang pisikal ng


isang lugar na kinatitigilan ng isang pangkat ng mga tao. (Rubin, 2002) May limang
importanteng bagay tungkol dito: kinaroroonan, lawak, hugis, topograpiya at
klima. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga dagat at karagatan dadil nasa gitna
ito ng rehyong Timog-Silangang Asya. Dahil dito naging daungan ito ng mga
sasakyang- dagat at panghimpapawid. Para sa mga manlalakbay o biyahero,
negosyante o mangangalakal ay kombinyenteng makakarating rito.

Sa dimensyong heyograpikal o pagkakahiwa-hiwalay ng lugar,


nagkakaroon ng baryasyon ng wikang ginagamit ng mga tao. Katulad ng Pilipinas
na napaghihiwalay ng katubigan o kabundukan kung kaya nakapagdulot ito ng
maraming wikain sa bansa. Ang paglilipat-lipat ng tirahan ng tao sa ibang lugar
dahil sa kalamidad o di kaya giyera ay isa pang dahilan. Ang mga pangyayaring ito
ay naging dahilan upang magsama-sama ang magkaibang grupo ng tao.

Ang pagkahiwa-hiwalay ng mga kapuluan sa Pilipinas ang sinasabing


pinakamatinding sagabal sa pagkakaroon ng iisang wika sa Pilipinas. Idagdag pa
ang ibang salik gaya ng: Paghiwa-hiwalay ng mga lugar dahil sa ilog, bundok, lawa,
kagubatan at burol. Nagkaroon din ng sari-saring kultura ang bawat tribu.

Ang Pagkabuo ng mga Dayalek

Isa sa mga madalas na dahilan sa pagkakaroon ng mga subgrupo ng isang


wika ay sosyo-heograpiko. Rehiyunal na dayalek ang tawag sa pag-uuring batay sa
wikang sinasalita ng isang grupo ng tao sa isang lipunan (Rubin, 2002).

Ang pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika sa punto ng aksent,


leksikograpiya, punto, pagbigkas, pagbibigay-kahulugan sa ilang salita ay
tinatawag na Dayalek. Dahil sa pagiging kapuluan ng Pilipinas nagkaroon tayo ng
isang daang wika at humigit kumulang sa 400 dayalek.

Ang Karay-a halimbawa ay isang uri ng dayalek ngunit pansinin na iba ang
tono at aksent ng mga taga-Passi sa tono at aksent ng mga taga-Alimodian, Leon,
at Antique at iba pang probinsya ng Iloilo kahit pareho silang gumagamit ng
Kinaray-a.
1
Ang dayalek na ito na tinuturing na unang wika ng isang tao ay naka
impluwensya din sa tono, aksent at paraan ng kanyang pagsasalita.

Halimbawa:
“Siguro nga ammm…dapat tayong magkaisa ok…Ito ay ammm….susi sa
pagkakaroon ng katahimikan sa bansa, ok? Kung hindi ngayon, ammm…kailan pa
kaya? Dapat ay ngayon na, ok?

B. Dimensyong Sosyo-Ekonomiko

Ang dimensyong sosyo-ekonomiko ay dulot ng pagkakaiba-iba ng


kalagayan at katayuan ng isang tao sa lipunan. Dahil dito nabubuo ang mga
sosyolek. Ang mga taong may iba't ibang interes, gawain, hanapbuhay, estado sa
buhay ay may malaking kaugnayan sa baryasyon ng wika. May barayti ng wika ang
mga nakatataas, masa, tambay, babae, lalaki at iba pa.

May mga taong bantog sa kanilang idyolek:


● Kabayan Noli de Castro
● Mike Enriquez
● Mareng Winnie
● Kris Aquino
● Ruffa Mae Quinto
● Vice Ganda
● Boy Abunda

C. Dimensyon ng Kontekstuwal

Ang dimensyong kontekstuwal ay baryasyong nagaganap sa loob ng isang


indibidwal. Nagkaroon ng pagkakaiba sa pananalita ng tao batay sa sitwasyon o
kontekstong kinasasangkutan niya. Halimbawa: sino ang ating kausap, ano ang
paksang pinag-uusapan, at saan nagaganap ang usapan.

Barayti at Baryasyon ng Wika

Ang speech variety o barayti ng wika ay tumutukoy sa anumang


kapansinpansin na anyo ng wika o uri ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong
gumagamit nito. Kadalasan ay nakikita ito sa pagbigkas, intonasyon, estilo, pagbuo
ng mga pangungusap, at bokabularyo.

A. Idyolek- ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon
na wika. May mga taong kilometriko at mabulaklak kung magpahayag. May
mga ilan ding
nakagawiang magsalita nang malakas o di kaya ay mahina. Mayroon ding mga
tao na may isang salitang nakasanayan nang banggitin nang paulit-ulit sa bawat
linya ng kanilang pangungusap.

B. Dayalekto- ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan


sa buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na
komunidad. Tinatawag din itong panrehiyunal o wikain.

C. Sosyolek- sinasabi naman itong pansamantalang barayti. Tinatawag itong


pansamantala dahil nadedebelop ito sa pamamagitan ng malayang
interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga tao.

Halimbawa:
-Allergy (Galis para sa mahihirap)
-Gravy (Sarsa para sa ordinaryong tao)
-Slim (tawag sa mga payat na tao)

D. Ekolek- tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita


sa loob ng bahay.

Halimbawa:
Inihaw/Sugba, Tinola/ Sinabawan/ Sinigang

E. Sosyolek- wika ng mga beki o gay lingo


(Indiana Jones- nag-indian, Churchill- sosyal, bigalou- Malaki,
Givenchypahingi, Juli Andrews- nahuli)
- cono o conotic o conyospeak (isang barayti ng Taglish)

Halimbawa:
You make basa kasi para you know naman, ok? It's
so haba na naman ang linya for sure.

F. Pidgin- ito ay tumutukoy sa wikang walang pormal na estruktura.


Nadedebelop ito dahil na rin sa pangangailangan na makabuo ng isang
pahayag. Kadalasan, napaghahalu-halo ng nagsasalita ang kanyang unang
wika sa wikang sinasalita ng isang komunidad ng bagong kinabibilangan
niya.

G.Etnolek- barayti ito ng wika na nadedebelop mula sa mga salita ng mga


etnolinggwistikong grupo.
Halimbawa:
Waray, Bukidnon, B'laan, T'boli
H. Pidgin- nobody's native language
- makeshift language

Halimbawa:
- Ang mga Intsik sa kanilang pakikipagkalakalan sa Maynila

I. Creole- ito ay produkto ng pidgin na wika, kung saan,


nadedebelop naman ang pormal na estruktura ng wika sa
puntong ito.

Halimbawa:
Chavacano ng Zamboanga, Chamoro ng Guam

J. Rejister- ito ay tumutukoy sa mga salita na espesyalisadong


nagagamit sa isang partikular na domeyn.

Gawin Natin
A. Talakayin ang tatlong dimensyong naka ipluwensya sa pagkakaiba-iba ng mga
wika sa Pilipinas ayon sa sariling pagkaunawa.
1. Dimensyong Heyograpikal
2. Dimensyong Heyograpikal

3. Dimensyong Kontekstuwal
B. Ano ang naging epekto ng pagkakahiwa-hiwalay ng kapuluan sa ating wika?

C. Bigyan ng mga halimbawa ang mga sumusunod na Barayti ng Wika:

Dayalekto Idyolek
Sosyolek
Etnolek
Ekolek
Pidgin
Creole

D. Manood ng TV shows o sitcom. Magtala ng sampung salita na ginamit ng


tauhan at tukuyin kung anong barayti ng wika ang ginamit.

E. Maghanap ng kapareha. Mag-isip ng mga kilalang tao na bantog sa kanilang


Idyolek. Gumawa ng dayalogo at gayahin ang paraan ng kanilang pagsasalita.
Aralin 4

Talakayin Natin
Sinasabing makikilala ang edukasyon, talino, kultura, at edukasyon ng isang
tao batay sa wika na kanyang ginagamit. Maaaring ang pagkakaiba ng wika ng
isang tao ay batay sa kulturang taglay nito. Ano nga ba ang kultura at paano ito
naka- impluwensya sa ating wika?
Kulturang Pilipino

Ano ang Kulturang Pilipino? Walang isang tiyak na kasagutan na


makapaglilinaw sa katanungang ito. May mga nagsasabi na mula ito sa paghahalo
ng mga elementong kanluranin at silanganin at lubhang maka-kanluranin nga ito.
Maaaring totoo ang pagpapakahulugang ito para sa mga Pilipino na nasa urban
centers o mga Kristiyano sa kapatagan. Ngunit para sa mga tribu o pangkulturang
komunidad sa mga kabundukan at mga Muslim, hindi maaring basta gamitin ang
huling pagtingin (Rubin, 2002). Ang grupong ito ay lumaban at tumanggi sa simula
pa lamang sa sistema at kultura ng mga mananakop.

May mga dahilan na dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng depinisyon sa


kahulugan ng kultura. May pagpapakahulugan na akma lamang sa isang grupo
ngunit hindi para sa lahat.

Kahulugan ng Kultura
Ang kultura ay tinatawag din itong kalinangan, ang kalinangan ay may
kabuuang kaisipan, kaugalian, o tradisyon ng isang bayan o bansa. Binubuo ng mga
katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala, at mga batas ng isang bansa.
Nahuhubog ang pagkakakilanlan, kaisahan, at kamalayan ng isang bayan o bansa
dahil sa kultura. Dito nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan.
Isang mabisang kasangkapan sa pagkakaisa ng isang bansa dahil naipapahayag ang
tunay na diwa ng pakikipagkapwa mabubuting gawi, kaugalian na kinagawian ng
isang bansa. Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan sa paraan ng
pamumuhay ng isang lipunan. Naglalarawan ng isang lipunan ang kultura.Ayon kay
Foronda (1975) na makikita sa aklat ni Rubin (2002), parang mosaic ang kulturang
Pilipino. Kumakatawan sa mga katutubong istratum at mga impluwensya ang mga
maliliit na batong nasa loob ng isang mosaic na bumubuo sa isang multi-
dimensyonal at kompleksikong larawang katulad ng larawang Pilipino.

Ang kulturang Pilipino ay maibabatay natin sa pangkalahatang pagtingin


ayon sa mga sumusunod na pananaw:

▪ Bunga ng patuloy na pagdaloy ng mga impluwensyang iniluwal ng panahon


hanggang sa kasalukuyan na nagmula sa labas ng heograpikal na hangganan
ng bansa.
▪ Ang mga impluwensya ng nakaraan at kasalukuyan na patuloy na naging
bahagi ng buhay ng mga Pilipino kayat mahirap nang ihiwalay at naging
natatanging karakter at ugaling Plipino.
▪ Bagamat matagumpay na naasimileyt sa kabuuan ang impluwensya ng
nakaraan at kasalukuyan, at may iba't ibang antas ng pagpasok na ito ng mga
impluwensya sa mga rehiyon at mga uri sa lipunan na higit na nakaapekto sa
mga sentro ng mga rehiyon habang lumiliit para sa mga liblib na lugar,
nagbigay pahintulot naman sa mga may edukasyon at yaman sa buhay.

Si Horacio de la Costa (1961) ay may nabuong heneralisasyon tungkol sa


kulturang Pilipino.
Ang kulturang Pilipino ay binubuo ng mga elementong iba iba ang
pinagmulan.
Hindi nananatili sa orihinal nitong anyo ang pangkulturang panghihiram sa
labas.

Ang lahat ng aspektong ito (ang proseso ng pagkakaroon ng mamamayan,


iba't ibang patern ng pakikipagkalakalan sa mga karatig bansa ang liit o laki ng
penetrasyon ng sistema ng pananakop ng mga Kastila at Amerikano) ng ating
kasaysayan

Ang maaaring magtukoy ng isang pambansang kultura na magkakatulad sa


buong Pilipinas kaya dapat asahan ang horizontal at materyal na baryasyon.
Sa kabila ng pananakop ng mga dayuhan sa bansa ayon kay Alegre, hindi
nasakop ang kultura ng mga katutubo. Ang pananatili ng wika ng mga katutubo
sa loob ng napakaraming taon ng pagiging kolonya ay patunay na nanatiling
buhay ang katutubong kultura ng mga katutubong Pilipino. Kahit naging
dominante ang wikang dayuhan ni hindi nasira ang kultura ng mga katutubo.
Nanatiling buhay ang wika ng kanilang lokalidad. Patuloy na naging buhay, buo,
matatag ang wikang Filipino at nanatiling may integridad ang kulturang Pilipino.
Makabagong paraan sa pagsusulong at pagdiriwang

Makabagong paraan sa pagsusulong ng Kulturang Pilipino

MAY iba’t iba tayong paraan kung paano ipagdiriwang at isusulong ang
kultura ng ating bansa. At ngayong buwan ng Agosto na National History Month,
ngayon pa lang ay mayroon nang ginagawa ang bawat indibidwal upang mabalikan
at maalaala ang mga nagdaang pangyayari gamit ang social media.

Kilala ang bawat Filipino sa pagiging mapagpahayag ng damdamin lalo na


pagdating sa kultura at pamana ng bansa. At isa nga ang social media, gaya na lang
ng Twitter at Facebook sa ginagamit ng marami upang mabalikan ang mga
pangyayari sa nagdaan at ipagmalaki ang kulturang kinalakihan.

Sa nasabing mga platform nga naman ay malalaman ng marami ang mga


impormasyon o pangyayaring konektado sa kanilang hilig at gusto.

Hindi mabilang ang mga gumagamit ng Twitter at Facebook upang maipagmama


laki, maipapakita ang suporta at pagiging proud nilang sila ay isang Pinoy.

CELEBRATING THE COLORFUL FILIPINO LANGUAGES

Sinabi ng ating National Hero na si Dr. Jose Rizal na “Ang hindi magmahal sa sariling
wika, daig pa ang hayop at malansang isda”.

Tahanan ng mahigit na 185 na wika ang Filipinas. Ngunit ang madalas na ginagamit
ay ang English at Filipino. Sa kabila nito, ipinakita pa rin ng mga Filipino sa Twitter
kung gaano nila kamahal at ipinagmamalaki ang kanilang lengguwahe sa
pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang diskurso o usapan sa wika.

Ngayong taon, ang naging popular na pinag-usapan ay ang revival ng Baybayin.


Daang taon na ang nakalilipas nang huling ginamit ang indigenous script. Ngunit
nagkaroon ng effort ngayong taon na mapanatili o mai-preserve ang mga
endangered languages o nanganganib na wika, gayundin ang iba’t ibang bahagi ng
Filipino heritage.
Sa Twitter, maraming Filipino millennials ang makikitang ina-adopt ang nasabing
language sa pamamagitan ng paggamit nito sa kanilang art, gayundin ang paghimok
sa maraming matutunan ang Baybayin.

RECREATING FILIPINO LITERATURE IN THE AGE OF SOCIAL MEDIA

Nagkaroon na rin ng modern twist ang Filipino


Literature. Ilan sa mga kinahiligang topic ng mga “Tweeps” ay ang Manila
Encounters at RP612Fic.

Sa pamamagitan ng Manila Encounters, nagsusulat ang marami ng mini-fiction na


kompleto ang plot at nagpapakita ng mga elemento ng Philippine mythology gamit
ang 280 characters. Maikli lamang ang kuwento ngunit nagiging daan ito sa
pagsisimula ng isang usapan kaya’t naeengganyo ang maraming manatiling gising
sa gabi at makisali.

Sa RP612Fic naman, ipinakikita rito ang sulyap kung ano ang ipo-post ng ating mga
bayani kung mayroong social media sa kanilang panahon. Ang ganitong paraan ng
pagkukuwento o pagsasabi ng history ng bansa ay nagpapakita ng pagiging
madiskarte at creative ng mga Filipino.

SHOWCASING PINOY-INSPIRED VISUAL ARTS


Traditional Filipino art ang isang salamin sa
pagiging diverse ng ating kultura at tradisyon. Maraming artworks ang mayroong
intricate patterns at detalyeng nagpapakita ng kakaibang talento at galing ng mga
kilalang Filipino artists.

Sa pamamagitan ng ArtPH, ipinakita ng mga Filipino na ang visual art ay “highly


celebrated” lalo na nang i-promote ng mga younger generation ang kanilang
equally-masterful renditions ng traditional Filipino art.

Haligi bilang Filipino ang ating kultura at pamana. Kaya’t ipagdiwang natin ang
Philippine History at ipakita ang matinding pagmamalaki at pagmamahal sa
pamamagitan ng pagsali sa mga usapan o diskurso at pagbabahagi ng iyong
Pinoyinspired art sa Twitter.

Epekto sa Wika ng Pandarayuhan ng mga Banyaga

Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila sa


Pilipinas, dumadayo na ang mga Intsik sa Kamaynilaan, Batangas, Mindoro at Sulu.
Ganoon din ang mga Orang Dampuan, Orang Banjar, India, Arabe, Hapones, Ban
Siam, Tongkin, Sumatra at Java.

Karamihan sa mga banyagang pumaparito noon ay mangangalakal at


nakikipagpalitan ng kanilang mga produkto sa paraang barter. Ang mga Orang
Dampuan ay kilalang mandaragat at dala nila ang impluwensya sa kanila ang
kabihasnang Hindu.

Ang mga Orang Banjar ang dumating sa Sulu at nakipagkalakalan doon.


Walang tuwirang ugnayan noon ang Pilipinas at India subalit sumapit sa Pilipinas
ang kulturang Indian dahil sa Indones. Malakas sa kanila ang impluwensya ng
Imperyong Shri-Visaya at Imperyong Madjapahit. Humigit kumulang sa 350
salita sa ating wika ang hango sa Sankrito. Ang Sanskrit ay sinaunang wika ng
mga Indian.

Ayon sa kasaysayan sa loob ng ika-10 siglo dumating ang relihiyong Islam


sa Pilipinas. Naunang dumating ang mga mangangalakal na Arabe at sinundan ng
mga misyonerong Muslim. Sa Timog-Kanlurang-Mindanao, napatibay nila ang
ugnayan lalo na sistema ng pagsulat, kaugalian, at tradisyon ng mga Arabe. Sa
panahong ito masigla na ang kalakalang namamagitan sa Pilipinas at China sa
paraang barter o palitan ng kalakal. Maraming kaugaliang Intsik ang napulot ng
mga ninuno.

Maraming mga salitang Intsik ang natutuhan ng ating mga ninuno at naging
bahagi mismo ng ating wika. Karamihan sa mga ito ay gamit sa pagkain gaya ng:
pansit, sotanghon, lumpia, ampaw, miswa, bihon, siomay, siyopaw, lugaw, bitso,
ukoy, tokwa, hopya, hototay, suam, atbp.

Naging bahagi din ng ating bokabularyo ang mga salitang: ate, bakya,
bantay, bimpo, bitsin, bulong, buwisit, kintsay, kutya, kuwago, kuya, ginto, hibi,
hikaw, ingkong, lawlaw, madyong, sabwat, sangla, ulikba atbp.
Dumating sa Pilipinas ang mga Kastila, Amerikano at Hapones at ang
kanilang wika ay nagkaroon ng impluwensya sa ating wikang pambansa.
Mga salitang Kastila: panyo, kamiseta, butones, sinturon, medyas, terno,
bestido, pantalon, sapatos, kaldero, plato, bandihado, tasa , baso, tuwalya, mesa,
kutsara, tinidor, kutsilyo, kama, katre, eskwela, kolehiyo, unibersidad, maestro,
maestra, propesor, klase, estudyante, libro, diksyunaryo, kuwaderno, pare, madre,
kumpare, kumadre, misa atbp.

Mga salitang hiram sa Ingles: basket, boksing, iskul, haiskul, titser, notbuk,
badigard, bolpen, report, kompyuter, asaynment, klasmeyt, klasrum,elebeytor,
atom, asid, mayor at marami pang iba.

Mga Salitang Hiram sa Malay, Arabe at Sanskrito:

Mga salitang Malay: abo, agiw, ama, anak, bahay, basa, bato, bayani,
dahoon, dalaga, dingding, gutom, hangin, hari, ilaw, ina, lamok, itim, langit, lasa,
layag, lugi, mata, panday, patay, payong, sulat, taas, tamis;

Mga salitang Arabe: akma, agimat, agnas, alam, alamat, ani, asal, bakas,
bikig, kalan, dalamhati, ginhawa, hamak, hasik, hirang, hukom, hudyat, ingat,
lagnat, panaw, salamat, salawal, silid;

Mga salitang Sanskrito: abala, alapaap, alibugha, aral, bagyo, balita,


bahala, bansa, bathala, biyaya, budhi, buhay, kasi, katha, kuta, dalita, digma,
dukha, ganda, gunita, guro, himala, hiya, isip, luksa, mahal, maharlika, mithi,
panata, paksa, puri, saksi, sigla, sinta, tadhana, timawa ulan, wasto
3
0
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 3

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor: Oras ng


Klase: Petsa

I. MARAMING PAGPIPILIAN: Direksyon: Piliin sa mga pagpipilian ang letra nang


tamang sagot. Isulat ito sa patlang na nakalaan bago ang bilang.

1. Barayti ito ng wika na tinatawag na pansamantala. Nabuo ito sa


pamamagitan ng malayang interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang
partikular na ga pansamantala. Nabuo ito sa pamamagitan ng malayang
interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga
tao.
A. Idyolek B. Dayalek C. Sosyolek
2. Tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita sa loob
ng bahay.
A. Dayalek B. Ekolek C. Dayalekto
3. Barayti ito ng wika na tumutukoy sa kapansin-pansin na anyo ng wika o uri
ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong gumagamit nito.
A. Idyolek B. Sosyolek C. Dayalek
4. Ito ay bersyong lokal ng wika o ng isang malaking lingua franca.
A. Dayalek B. Etnolek C. Pidgin
_____ 5. Barayti ito ng wika na nadebelop mula sa mga salita ng mga
etnolinggwistikong grupo.
A. Creole B. Etnolek C. Pidgin
6. Tumutukoy ito sa mga salita na espesyalisadong nagagamit sa isang partikular
na domeyn.
A. Pidgin B. Creole C. Rejister
7. Walang pormal na istruktura ang wikang ito. Nadibelop ito dahil sa
pangangailangan na makabuo ng isang pahayag.
A. Creole B. Pidgin C. Etnolek
8. Produkto ito ng pidgin na wika at nakapagdebelop ng pormal na estruktura.
A. Edyolek B. Ekolek C. Creole
9. Tumutukoy ito sa katangiang pisikal ng isang lugar na kinatitigilan ng isang
pangkat ng mga tao.
A. Heyograpikal B. Sosyo-Ekonomiko C. Kontekstuwal
10. Dulot ito ng pagkakaiba-iba ng kalagayan at katayuan ng isang tao sa
lipunan.
A. Kontekstuwal B. Sosyo-Ekonomiko C. Heyograpikal

1
II.PAG-IISA-ISA: Direksiyon: Ibigay ang mga limang ( 5 ) imortanteng bagay na
may kinalaman sa Dimensyong Heyograpikal

11.

12.

13.

14.

15.
III. PAG-UURI-URI: Direksyon: Uriin ang mga salitang nakalista at kilalanin
kung sa anong banyagang wika ito nagmula. Piliin lamang ang letra ng tamang
sagot at isulat sa patlang.

A. Intsik B. Kastila C. Ingles D. Malay E. Arabe F. Sanskrito

1. pansit 6. Alibugha

2. boksing 7. salamat

3. Alamat 8. Bayani

4. Pantalon 9. klasrum

5. Ate 10. sotanghon

You might also like