You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy kung paano nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano


b. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Digmaang Pilipino-
Amerikano
c. Natatalakay kung ano ang naging bunga ng Digmaang Pilipino-Amerikano
d. Aktibong nakakalahok sa mga Gawain

II. Pagsang-Aralin

A. Paksa: Ang Digmaang Pilipino - Amerikano


B. Sanggunian: Teaching Guide A.P.K-12 Curriculum
C. Kagamitan: Graphic organizer, strips, pentel pen

III. Pamaraan: Pabuod

A. Panimulang Gawain
Gawaing Guro Gawaing mag-aaral
1. Balik-aral

Klas, Sa nakaraang miting ay tinalakay natin ang


tungkol sa saligang batas ng Malolos.

Ano ba ang mga nakapaloob sa Saligang


Batas ng Malolos? Ma’am! Pagkilala sa mga karapatan ng
bawat tao.

Ano pa? Ma’am! Ang paghihiwalay ng tungkulin


ng simbahan at estado.

Tama! Isa lamang iyan sa mga batas na


nakapaloob sa saligang batas ng Malolos

2. Pagganyak

Klas may mga graphic organizer ako dito. Bibigyan


ko kayo ng mga strips, ang inyong gagawin ay idikit
ang mga strips sa tapat ng graphic organizer.
Maliwanag ba klas? Opo ma’am!

Ngayon klas ano-anung pangyayari ang naganap


na nakasulat sa graphic organizer? Ma’am! Ang mga pangyayaring iyan na
naganap ay mga dahilan ng pagsiklab ng
Digmaang Pilipino-Americano.

Tama! Ano pa? Ma’am! Mga mahahalagang pangyayari


po na naganap sa Digmaang Pilipino-
Americano.
Magaling! At yan ating tatalakayin ngayon.
B. Paglalahad

Klas noong sinakop tayo ng mga Amerikano may


mga mahahalagang pangyayari na naganap ito ay
ang mga sumu-sunod.
1. Disyembrte 10, 1898 – Naganap sa pagitan
ng United States at Spain ang kasunduan
sa Paris (Treaty of Paris)
2. Agosto 14, 1898 – Hudyat ng simula ng dig-
maang Pilipino-Amerikano
3. Pebrero 4, 1899 – Hudyat ng simula ng digma-
ang Pilipino-Amerikano.
4. Pepbero 5, 1899 – Ipinag-utos ni Heneral Mac-
Arthur na umatake at ipagtabuyan ang mga Pilipino.
5. Marso 31, 1899 – Bumagsak sa kamay ni Heneral
MacArthur ang Malolos, ang capital ng Republika
6. Agosto 20, 1899 – Itinakda ang kasunduang
tinawag na Batas Treaty.
7. Hunyo 5, 1899 – Pinaslang si Heneral Antonio Luna
ng kanyang kapwa Pilipino
8. Marso 23, 1901 – Nabihag si Pangulong Aguinaldo na
naging daan upang magwakas ang unang Republika
ng Pilipinas

C. Paglinang ng Aralin

Klas ngayon naman ay magkakaroon kayo ng pang-


katang gawain. Papangkatin ko kayo sa tatlo. Ang
unang hanay ang magiging unang grupo na mag-uulat
sa mga sanhi at bunga ng digmaang Pilipino-Amerikano.
Ang pangalawang hanay ang magiging pangalawang
grupo na mag-uulat ng kahulugan ng Digmaan at ang
pangatlong hanay naman ang magiging pangatlong
grupo na mag-uulat sa mga dahilan ng pananakop ng
Amerika sa Pilipinas. Naintindihan ba klas? Opo Ma’am
Unang Grupo

Sanhi at bunga n g digmaang Pilipino-


Amerikano

Sanhi Bunga
1. Pagbaril at Lumaganap ang
pagpatay ng labanan sa iba’t
isang ibang panig ng
Amerikanong bansa.
sundalo sa isang
kawal na Pilipino.

2. Pinagtabuyan at Pagkatalo ng
sinanlakay ng puwersang Pilipino
mga Amerikano at pagkahuli kay
ang mga Pilipino. Emilio Aguinaldo.

Magaling! Bigyan natin ang unang grupo ng Yes Clap!


Pangalawang grupo

Kahulugan ng Digmaan ayon sa inyong


sariling pagpapakahulugan

kaguluhan
Pagkakamatay
Bagsak ng maraming
kabuhayan sundalo

Digmaan

Labanan sa
pagitan ng Pakikipaglaba
dalawang nan sa mga
bansa Pakikipag- karapatan
away

Mahusay! Bigyan naman natin ang pangalawang


grupo ng magaling clap!

Pangatlong grupo

Dahilan ng Pananakop ng Amerika sa Pilipinas

Mapagdadalhan Magsisilbing base


Mapagkukunan
ng mga hilaw na ng sobrang sa pagpapalawak
produkto at ng kanyang
materyales
kapital kapangyarihan sa
Asia Pacific

Mahusay! Bigyan naman natin ang pangatlong


grupo ng wow clap!

D. Pagbubuod

Batay sa paksang ating tinalakay magbigay


nga kayo ng buod ukol sa ating paksa. Maam! Ang Estados Unidos ay
nakipagkasundo sa Espanya na ibibigay
ng Espanya ang Pilipinas sa Estados
Unidos sa halagang $20,000,000.
Pinaniwala ng mga Amerikano ang mga
Pilipino na puspusan ang
pakikipaglaban sa mga Espanyol para
mapalaya ang mga Pilipino sa
pamamahala ng Espanyol. Ngunit
nalaman ng mga Pilipino ang tunay na
dahilan at layunin ng mga Amerikano sa
Pilipinas na hudyat at simula ng
digmaang Pilipino-Amerikano. Natalo
ang puwersa ng mga Pilipino na dahilan
ng pagkakahuli kay Emilio Aguinaldo na
daan upang magwakas ang unang
Republika ng Pilipinas.
E. Pagpapahalaga

Klas! Mahalaga ba ang ginawang pakikidigma ng


mga Pilipino sa mga Amerikano? Bakit? Opo Ma’am!
Upang magkaroon tayo ng sariling
pamahalaan na Pilipino ang namumuno
sa atin.
Tama! Bilang mag-aaral anong mga aral ang
matatamo ninyo sa pakikidigma? Ma’am! Pagtutulungan at pagkakaisa.

Magaling! Meron pa ba klas? Katapatan sa bawat isa

Tama!

Kung ganon, maglabas ng kalahating papel at


maghanda para sa maikling pagsusulit.

IV. Ebalwasyon

Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap. X kung mali.


1. Kailan man ay walang mabuting digmaan.
2. Sinang-ayunan ng mga Pilipino ang pananako png Amerikano sa bansa.
3. Nagtagumpay ang mga Pilipino sa kanilang pagkikipaglaban sa mga Amerikano.
4. Nadakip si Aguinaldo ng mga Amerikano.
5. Ang mga Amerikano ay nagtatag ng pamahalaang military sa Pilipinas.
6. Sa loob ng pamahalaang military itinatag ang katas-taasang hukuman.
7. Ang pagdadala ng sobrang produkto at capital ay dahilan ng pagsakop ng mga Amerikano sa
Pilipinas.
8. Ang pagpapaputok ni Grayson sa mga Pilipino ang nagpasiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
9. Pagtatag ng Asemblea ng Pilipinas.
10. Pagsang-ayon sa mga mungkahi ng mga Pilipino.

V. Takdang Aralin
1. Sa loob ng 3-5 pangungusap, ilahad ang naging reaksyon sa pagpapatupad ng Amerika ng
tinatawag na Benevolent Assimilation.
2. Saliksikin ang papel na ginampanan ni Apolinario Mabini noong panahon ng himagsikan. Bakit
siya tinanggal bilang Pangulo ng Gabinete?

Sanggunian: Teaching Guide A.P. K-12 Curriculum


Pana-panahon, Kasaysayan ng Daigdig
ni Teofista L. Vivar

INIHANDA NI: ANALIZA A. CAY-AYN

You might also like