You are on page 1of 6

Modyul 6

GAWAIN SA PAGKATUTO
Pag-unawa sa Paksa

1. Ipaliwanag sa iyong sariling pananalita ang mahigpit na kaugnayan ng


makata at ng tula.

Alam natin na ang mga tula ay may iba’t ibang mga paksa. Minsan
magugulat tayo na kahit na napakaliit na bagay o parang walang silbi para sa
atin ay maroon ding tula. Ang bawat paksa maliit man o malaki, may buhay
man o wala at may silbi man o wala ay nagiging makabuluhan o may silbi sa
atin sa pamamagitan ng mga makakata. Isa pa, ang makata ang siyang
nagbigay kulay at buhay sa isang sulatin nanggaling sa kanyang pagiging
malikhain. Hindi mabubuo ang tula kung wala ang may akda o makata.

2. Bilang tulang tradisyonal, anu-ano ang mga pinapaksa ng mga tanaga


batay sa mga naging halimbawa sa aralin?

Ang tanaga ay tinuturing na tradisyonal na tula sapagkat ito ay isang


uri ng tulang tagalog na umusbong noong unang panahon partikular nasa pre-
kolonyal na lipunan at naging parte ng kasaysayan at tumatak nasa kaisipan
ng mga sinaunang Pilipino at maging sa kasalukayan. Karaniwan nitong
pinapaksa ay mga bagay-bagay na maaaring magpamulat o magpagising sa
mambabasa upang magkaroon ng reyalisasyon sa buhay at mapaisip ng
malalim sa mga pangyayari naganap sa kanilang buhay na may koneksyon
sa kathang nabasa.

3. Ano ang dahilan kung bakit mahalagang maitala at matalakay ang mga
tulang laji at ambahan?

Ang ambahan ay isang tulang bayan na sumasalin sa pamumuhay,


pagkatao at kinagawian ng mga Mangyan. Ang awiting bayan na Laji ng mga
Ivatan sa Batanes naman ay tumatalakay sa iba’t ibang karanasan sa
kanilang pamumuhay. Ang Mangyan at Ivtan ay parte ng indigenous people
ng Pililinas. Malaki ang parte nila hindi lamang sa ating kasaysayan maging
sa larangan ng panitikan at kultura. Ang Laji at Ambahan ay napakahalagang
malaman at maintindihan ng bawat mamamayan sa ating bansa lalo na ang
kabataan upang higit natin ito mapahalagahan at patuloy na maibahagi sa
mga susunod na henereasyon dahil ito ay napakahalagang kayaman ng ating
bansa at bagay na dapat nating maipagmamalaki kahit kanino man.

4. Paano naiiba sa paksa at anyo ang tulang tradisyonal sa tulang moderno?


Anu-ano ang mga pinapaksa sa mga tulang tradisyonal? Sa tulang moderno?

Ang mga tulang tradisyunal ay tungkol sa kultura, tradisyon at kaisipan


ng mga sinaunang tao. Ito rin ay may sukat at tugma. Samantala, ang tulang
moderno naman ay hango sa matinding emosyon ng mga makata sa
modernong panahon. Ang anyo ng modernong tula ay kakaiba sa tulang
tradisyonal dahil hindi nakatuon ang makata sa tugma at sukat kundi sa
pagpapahayag ng may kalayaan sa salita, porma at anyo mismo ng tula na
iba sa nakasanayan. Ang mga modernong tula ay nagiging hugis ng taludtod
ng tula ang pinapaksa.

5. Ano ang silbi ng tula sa yugto ng mga kasaysayan sa lipunang Pilipino?

Hindi natin maitatanggi na malaki ang ambag at silbi sa bawat yugto ng


kasaysayan sa lipunang Pilipino ng tula sapagkat ang mga ito ay karaniwang
sumasalamin sa kultura, tradisyon at mga kinagisnang gawain ng mga
sinaunang Pilipino na napakahalagang malaman sa kasalukuyan. Kagaya na
lamang ng mga awiting bayan o tualng bayan ng mga katutubong Pilipino na
ginawa nilang kasangkapan upang maipakita o maipahayag sa atin ang
kanilang ang tradisyon at kultura noon.

6. Ano ang kahalagahan ng paglinang ng mga tulang nasa ating wika ngunit
nasa anyong banyaga?

Mahalaga ang paglinang ng mga tula nasa ating wika ngunit nasa
anyong banyaga dahil ito naman ay ginagamitan din ng ating wika. Ito lamang
ay nasa ibang anyo, ngunit ang kwento, kaisipan, ideya at damdamin na
nakapaloob dito ay hango parin sa karunungan at pagiging malikhain ng isang
Pilipino. Hindi naman masamang mag-explore tayo ng mga bagong istilo at
anyong mag-uudyok sa ating kaisipan na mag-isip ng bago at matututo ng
husto. Ang paraang ito ay pakikibagay, pakikiayon at masasabi kong
pakikiugnayan din sa ibang bansa gamit ang ilan sa kanilang estilo.

7. Bakit tinawag na tulang kongkreto ang tula ni Gigantoca na "Sayang"?

Ang hugis ng taludtod ng tulang konkreto ay may koneksyon at naayon


sa paksang tinalakay sa tula. Ginawa o ginagawa ito ng makata dahil nais
niyang malaman ng mga mambabasa ang malalim na ideyang nakapaloob sa
kanyang ginawa at para malaman kung ano ang kaniyang paksa o tinutukoy.
Ang tula ni Gigantoca na "Sayang" ay isang ulang konkreto dahil ang taludtod
nito ay bumuo ng gripo. At base sa aking opinyon, ang nais iparating ng tula
na ito na wag tayong magsayang ng tubig o ang kaonting tulo ng bukas na
gripo ay sayang lalo na kung di naman ginagamit.

PAGTATASA
Paglinang sa Pagkamalikhain

1. Bumuo ng dalawang bugtong na ang isa ay nakasulat sa iyong bernakular


na wika at ang isa naman ay sa wikang Filipino. Sundin ang mga inilarawang
katangian ng bugtong mula sa binasang talakayan. Gawing paksa ang mga
bagay na may kinalaman sa kasalukuyang pandemic. Isaad sa tapat nito ang
sagot.

A.

Simpling likido, mabango at hindi delikado,


Sangkap ay panlaban sa bakterya't mikrobyo.
Sagot: Alcohol

B.

Delikado’t hindi nakikita,


Nararamdaman pero di nahahawakan
Sagot: COVID 19 virus

2. Gumawa ng isang tanagang moderno na taliwas sa paksang tinalakay sa


tanagang tradisyonal.

Pagsubok
Ikaw ma’y nagkagalos
Tumindig ng maayos
Kailangang matapos
Sarili’y makaraos

3. Magbasa ng tig-iisang halimbawa ng Epiko, Awit at Kurido at gawan ng


pinakamaikling buod ng mga ito. Isulat sa separadong papel.

Biag ni Lam-Ang (Epiko)


Isinulat ni: Pedro Bucaneg

Buod

Ang epikong Biag ni Lam-Ang ay tungkol sa buhay ng pangunahing


tauhan na si Lam-Ang. Ipinanganak siya ni Namongan na wala ang kanyang
ama sapagkat nakipaglaban ito sa mga Igorot ngunit napaslang din. Si Lam-
Ang ay batang kakaiba sapagkat kaya na niyang magsalita pagkapanganak at
may taglay na kakaibang lakas. Tinanong ni Lam-Ang sa kanyang ina kung
nasaan ang ama niya at dito niya nalaman na ito ay napatay ng mga Igorot
kayat kahit ayaw ng kaniyang ina ay nilabanan nya ang mga Igorot at pinatay
ang mga ito. Nang bumalik siya sa bayan, ay naligo siya sa Ilog Amburayan
at ang mga isda doon ay namatay sa baho ng kaniyang libag. Hinanap niya
ang dalagang anak ng pinakamayamang tao sa Kalanutian na
nagngangalang Ines Kannoyan. Hiningi niya ang kamay ng dalaga ng pormal
sa tulong ng kaniyang kasamang aso at tandang. Hindi naman na tumanggi
ang mga magulang ng babae dahil naibigay ni Lam-Ang ang hinihingi ng mga
ito at ikinasal nga ang dalawa. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa
kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-Ang ng
isdang rarang at nakikita nyang makakain sya ng isdang berkakan kaya
pinagbilin niya kay Ines ang dapat gawin kapag nangyari nga ito. Isang
maninisid ang nakakuha ng labi ni Lam-ang at tinakpan ito ni Ines. Sa tulong
ng tandang at aso ay muling nabuhay si Lam-ang at namuhay sila ng
matiwasay.

Kay Selya (Awit)


Isinulat ni: Francisco Balagtas
Buod

Ang Kay Selya na nanggaling sa panitikang Florante at laura ay


punong-puno ng emosyon at damdamin na ipinahayag hango sa damdamin ni
Balagtas dahil sa pangungulila kay Selya. Sa bawat saknong ng tula ay
madarama ang matinding kalungkutan. Itinatanong ni Balagtas kung nasaan
na ang kanyang dating sinisinta at kung ang bawat sandali na ginugol niya sa
pagmamahalan nila ni Selya ay naglaho na ng tuluyan. Inaalala niya si Selya
na hindi mawala sa kanyang isipan at puso kahit hindi niya alam kung siya ba
ay naaalala o nakalimutan na ng tuluyan ni Selya. Ang isipin na siya ay
nakalimutan na ni Selya ay nagdudulot ng matinding kalungkutan sa puso ni
Balagtas. Upang maibasan ang kalugkutan ay inaalala niya ang bawat sandali
na sila ay magkasama ni Selya at ang larawan na ginuhit ang kanyang
sandigan at nagpapawi sa kanyang kalungkutan. Ayon sa kanya, ang tanging
larawang na iyon na lamang ang natitirang bagay na iniwan sa kanya ni
Selya.

Ibong Adarna (Kurido)


Isinulat ni: Jose dela Cruz
Buod

Nagkaroon ng malubhang sakit si Haring Fernando at ayon sa


manggagamot ay ang awit lamang ng ibong Adarna nag makakapagpagaling
sa kaniya. Dahil dito, inutusan ni Haring Fernando ang kaniyang mga anak
na hulihin ito ngunit nabigo lamang ang panganay at pangalawang anak dahil
parehas silang naging bato. Inutusan naman ng hari si Don Juan, ang
kaniyang paboritong anak. Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna at nabalik sa
dati ang kaniyang dalawang kapatid sa tulong ng matandang ermitanyo.
Nang pabalik na sa Berbanya ay pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego
si Don Juan. Binugbog nila ito at iniwang nakahandusay sa daan habang sila
ay umuwi sa kaharian dala ang ibong Adarna. Muling tinulungan ng ermitanyo
si Don Juan kaya ito nakabalik sa Berbanya. Nagalit si Don Fernando nang
malaman ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego. Napatawad naman
ito ng hari dahil inihingi ito ng tawad ni Don Juan. Dahil sa angking ganda ay
nawili ang hari sa ibon. Sa takot na mawala ang ibon ay inutusan niya ang
tatlong anak na magbantay. Nakatulog si Don Juan habang nagbabantay sa
ibon at pinakawalan ng dalawang magkapatid ang Ibong Adarna.Dahil sa
takot na baka maparusahan ng ama ay tumakas ito at naglakbay hanggang
sa makarating sa Armenya upang doon manirahan. Doon ay sinundan naman
siya ng kaniyang mga kapatid.
May natuklasan sila doon na mahiwagang balon. Lahat sila ay nagtangkang
bumaba ngunit si Don Juan lang ang nakapagpatuloy hanggang sa
pinakailalaim na bahagi. Nang maabot ang kailalimang bahagi ay natuklasan
niya ang isang lugar na malaparaiso sa ganda. Nakilala niya doon sina Donya
Juana at Prinsesa Leonora. Natalo niya ang mga tagapag-bantay ng mga
prinsesa katulad ng higante at serpyente na may pitong ulo. Inilabas niya ang
mga ito sa balon ngunit biglang naalala ni Prinsesa Leonora ang naiwang
singsing. Muling bumalik si Don Juan sa balon upang kuhanin ang singsing.
Nang makarating sa baba ng balon ay pinutol ni Don Pedro ang lubid.
Inutusan ni Prinsesa Leonora ang kaniyang alagang lobo upang iligtas si Don
Juan. Nang makaligtas at gumaling ang kanyang mga sugat ay muling
nagkita si Don Juan at ang Ibong Adarna. Inutusan ng ibon na pumunta ang
prinsipe sa Reyno delos Cristales.Ginabayan siya ng mga ermitanyo at
inihatid siya ng isang olikornyo papunta sa reyno. Inabot siya ng isang buwan
sa paglalakbay bago tuluyang makarating sa banyo na paliguan ni Maria
Blanca, isa sa mga prinsesa ng Reyno delos Cristales na anak ng tusong hari
na si Salermo. Doon ay humarap siya sa iba’t-ibang pagsubok ni Haring
Salermo upang payagan na mapasakanya ang anak na si Maria Blanca. Sa
huling pagkakataon ay naisahan ng hari si Don Juan. Nalaman ni Maria
Blanca ang plano ng ama kaya tumakas siya kasama si Don Juan. Dahil sa
galit ay isinumpa ni Haring Salermo na makakalimot si Don Juan at
pagtataksilan si Maria Blanca.Nang makabalik sa kaharian ng Berbanya ay
nakalimot nga si Don Juan at inibig si Prinsesa Leonora. Hindi ito matanggap
ni Maria Blanca kung kaya’t nagpanggap siya bilang emperatris na panauhin
sa kasal nina Don Juan at Prinsesa Leonora.Gumawa ito ng paraan upang
ipaalala sa prinsipe ang mga pagsubok na napagdaan at ang pag-iibigan
nilang dalawa ngunit nanatiling tapat si Don Juan kay Prinsesa Leonora.
Paglaon ay muling bumalik ang alaala ni Don Juan at humingi ng tawad.
Nangako ito na hindi na muli magtataksil.
Ipinamana kay Don Diego at Prinsesa Leonora ang kaharian ng
Berbanya samantalang si Don Juan at Maria Blanca naman ang namuno sa
Reyno delos Cristales.

4. Magsaliksik ng kahulugan ng Fliptop at Spoken Poetry at ilahad ang iyong


sariling reaksyon ukol sa mga ito bilang mga makabagong anyo ng panulaan.
Isaad ang iyong pinagkunan ng impormasyon.

Fliptop ay ang makabagong balagtasan. Ito ay tinatawag rin na rap battle. Ito
ang tagisan ng mga taong mahuhusay makipagpalitan ng pahayag sa
pamamagitan ng rap. Kadalasang ang layunin nito ay makapang-asar. Ang
puhunan ng mga kalahok ay mga orihinal na bars o pambanat na pahayag.
Kailangan na mabilis ang isip at dila. Bawal din ang pikon dito.
Spoken Word Poetry ay ang pagsasaad ng kwento sa pamamagitan ng
isang tula. Ito ay isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad
ng tula sa madlang tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay o “narration" sa
Wikang Ingles. Kumpara sa isang normal na tula, mas malikhain at
mapaghamong gawin ang spoken word poetry. Mas nakaaaliw rin itong
pakinggan.

Ang Fliptop at Spoken Word Poetry ay mga bagong anyo na


nagbibigay daan sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin at kaisipan ng
isang makata. Ang makabagong anyo ng panulaan na ito ay nagbibigay sigla
at nagbibigay ng panibagong hugis at anyo sa literatura at nagpapatunay ng
pagiging malikhaing natural ng mga Filipino. Sa pagdating at pagkadiskubre
sa bagong anyo ng panulaan ito nabigyan ng bagong kulay ang pagiging
makata ng bawat Filipino. Nagkaroon tayo ng iba pang daan upang higit na
maibahagi, maipahayag at maipadama sa tagapakinig ang sinisigaw ng ating
mga puso at damdamin sa partikular na paksa o topic na ating binigyang
pansin. Nakikita ko na sa pagiging malikhaing natural ng mga Filipino ay
marami pa ang malilikhang bago ang darating na henerasyon na magbibigay
kulay sa literatura ng Filipino.

Sources:
https://web.facebook.com/370655179702563/posts/pag-aaral-ano-ang-fliptop-
ang-fliptop-ay-isang-paligsahan-ng-mga-rapper-o-mga-ta/
405314089570005/?_rdc=1&_rdr
https://www.scribd.com/document/432985871/Ang-Spoken-Word-Poetry

You might also like