You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION XII
KIDAPAWAN CITY DIVISION
J.P LAUREL CORNER QUIRINO STREET,
KIDAPAWAN CITY

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9

Pangalan: ____________________________ LRN: _____________ Iskor: _____________

Baitang/Pangkat: _________________ Guro: _________________________________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahing mabuti ang bawat bilang. Pillin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Piliin ang tamang kahulugan ng nasalungguhitang salita o pahayag.

____1. Pasigaw ang sabing magbalik ka agad, ang sagot ko’y oo, hindi magluluwat.
A. magtatagal B. matago C. malayo D. malihis
____ 2. Ang ama nina Mui-Mui ni minsan ay hindi nakitaan ng kaluwagang –palad .
A. maaruga B. maalalahanin C. mapagmahal D. mapagbigay
____ 3. “Ang ngiti ng ama ay patak ng ulan kung tag-araw, ang batang puso ni Mui-Mui ay tigang na
lupang uhaw na uhaw…”
A. naghahanap ng kaligayahan C. nananabik sa pagmamahal
B. naninimdim ng kalutasan D. nag-aapuhap ng kasagutan
____ 4. Bumulwak ang wagas na pagmamahal ng anak noong makita niyang binabali-bali ng ama ang
maliliit na sanga .
A. Lumabas ang tunay na pagmamahal C. Nag-umapaw at nag-aalab na
pagmamahal
B. Sumilay ang wagas na pagmamahal D. Nakilala ang wagas na pagmamahal
____ 5. Sadyang itinadhana ng Maykapal na mawala sa murang edad si Rebo.
A. nakaukit B. kapalaran C. nakasalalay D. kayamanan
____ 6. Ang mga kinnaree ay masayang nagtatampisaw sa ilog tuwing panarasi.
A. kaliitan ng buwan C. kalahati ng buwan
B. kalakihan ng buwan D. kawalan ng buwan
____ 7. Nagulat ang asawa ng mangigisda ng makitang nagdala ito ng mia noi.
A. bata B. kalungkutan C. kulasisi D. matanda
____ 8. Kamal-kamal niyang nakuha ang kanyang mana sa kaniyang mga magulang nang may ngiting
namumutawi sa kaniyang labi.
A. Baul-baul B. Kahon-kahon C. Limpak-limpak D. Sagad-sagad
____ 9. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa pagpapahalaga o pagkakaligtas sa
pagkaalipin na inasam.
A. Tagapagpalaya - tagapagligtas C. Paglaya mula sa kulungan
B. Pagpapalaya sa pagkaalipin D. Kaligayahang hinihintay
____ 10. Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton.
A. paglakbay B. pagsunod C. paghakbang D. pagtalikod
___ _11. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdatal ng bagong panahon.
A. pagbukas B. pag-alis C. pagdating D.paglipas
____ 12. Balang araw, maaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa pagkakaalipin.
A. mabali B. maputol C. magbago D. makawala
____ 13. “Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama.”
A. biskwit B. pagkain C. pansit D. tsokolate
PARA SA BILANG 14-16 Tukuyin kung nasa anong aspekto ng pandiwa ang salitang may
salungguhit.
_____14. Ang mga OFW ay nagtatrabaho nang mabuti kahit malayo sa pamilya.
A imperpektibo B. kontemplatibo C. katatapos D. perpektibo
____ 15. Maghihirap na si Daniela dahil nalugi na ang kanilang kumpanya.
FIL 9 1 of 6
A imperpektibo B. kontemplatibo C. katatapos D. perpektibo
____ 16. Makikita sa trailer na maghihiganti na si Romina kay Daniela sa tulong ni Leon.
A imperpektibo B. kontemplatibo C. katatapos D. perpektibo

Para sa bilang na 17 – 20. Piliin ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin sa pahayag.
Pillin ang sagot sa loob ng kahon.

A. Labag sa B. Palibhasa C. Para sa D. Anupa’t E. Kaya F. Kung


gayon
Marami pang dapat baguhin sa kanyang ugali. 17.______________ ay pinamihasa nila iyan.
18.______________ kanyang kaloobang saktan ang anak. Ngunit ito lamang ang paraan upang tumino
siya. Matapang na bata ang kanyang anak. Mabuting magulang naman ang kanyang napuntahan. 19.
____________ naman halos wala itong kaibigan. Isang taong may malawak na pang-unawa ang
makatutulong diyan. Ang ginagawa ko ay 20. ______________ kanyang kabutihan. 21. __________
maiintindihan niya rin ito balang araw.

Para sa bilang na 22 – 25. Basahin ang mga pangyayari sa loob ng kahon at sagutin ang mga
kasunod na tanong.
I. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras na
makahanap
ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa baling-araw kapag nawala na ang
kaniyang ama.
II. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko.
Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.”
III. “Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?,” tanong ni
Adrian.
IV. Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking
ospital.
V. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor.
VI. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang kanyang ama
___ 22. Alin ang unang pangyayari?
A. II B. III C. IV D. V
___ 23. Alin ang bahaging tunggalian?
A. I B. II C. III D. IV

A. II B. III C. IV D. VI
___ 25. Alin ang wakas ng kuwento?
A. III B. IV C. V D. VI
Para sa bilang 25 – 29. Piliin ang angkop na pang-abay na ipupuno sa patlang upang mabuo
ang pahayag.
___ 26. _____ ako sa sinabi ni Cardo na dapat managot sa batas ang pumatay sa kanilang kasamahang
pulis.
A. talaga B. tunay C. sa totoo D. sumasang-ayon
___ 27. __________ ay di pa rin nagkakasundo sina Marga at Cassy sa teleserye “Kadenang Ginto.”
A. Hanggang ngayon B. Mula noon C. Simula’t sapul D. Umpisa ngayon
___ 28. ______ magpatigil ni Bongo sa panggugulo sa buhay ni Cardo.
A. Ayaw B. Hindi C. Huwag D. Sumasalungat
___ 29. _______ nagbibigay nang kasiyahan sa madlang pipol ang programang “Minute to Win it.”
A. Araw-araw B. Linggo-linggo C. Buwan-buwan D. Taon-taon
Panuto: Para sa bilang na 30- 33. Punan ng angkop na transitional devices ang mga nakalaang
patlang upang mabuo ang pahayag.
A. kaya B. kung gayon C. dahil sa D. sa tahasang sabi E. samantala
Jessa: Nasimulan mo na ba ang proyekto natin sa Filipino, Yhpar? Ang pagkaaalam ko sa Miyerkoles na ito ipapasa.
Yhpar: Hindi pa nga eh! Paano kasi napabagal at napakahina ng signal ng internet sa aming bahay kagabi __________ ‘di ako
nakapagsaliksik. Ikaw?
Jessa:Pareho pala tayo.Gaya mo di rin ako nakapagsaliksik kagabi ___ mahinang internet connection.Akala ko nga sa amin lang.
Yhpar: __________, panahon na para aprubahan ni pangulong Duterte ang ikatlong Telco para magkaroon tayo nang mabilis na
internet connection sa bansa.
Jessa:Sa pagkaaalam ko,parang nilagdaan na ng pangulo ang Mislatel Consortium bilang ikatlong telco na mag-operate dito sa
bansa. FIL 9 2 of 6
Yhpar: __________ magandang balita iyan. Hindi na tayo mahihirapan at magtitis sa usad-pagong na internet connection.
Jessa: Tama ka riyan, Yhpar!
PARA SA BILANG 34-38. Piliin ang angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon.
___ 34. _______ tama ang naging aksiyon ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Kidapawan sa pagpapa-
suspindi ng klase para sa kaligtasan ng mga mag-aaral dahil sa lindol na naganap.
A. akala ko B. pahayag C. pinaniniwalaan D. sa tingin ko
___ 35._______makabubuti ang drug testing na isasagawa ng pamahalaan para sa mga guro na nagtuturo
sa mga pampublikong paaralan.
A. akala ko B. pahayag C. pinaniniwalaan D. para sa akin
___ 36.______ng mga magulang na magiging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak kung
aayusin nila ang kanilang pag-aaral.
A. akala ko B. pahayag C. pinaniniwalaan D. sa tingin ko
___ 37.______na ang pag-aaral ay susi upang magkaroon ng magandang buhay.
A. hindi ako naniniwala C. Labis kong pinaninindigan
B. kombinsido ako D. pahayag ko
___ 38._____ na dapat ipatupad ang National Drug Testing para sa mga guro at kabataan.
A. hindi ako naniniwala C. Labis kong pinaninindigan
B. kombinsido ako D. pahayag ko
Para sa bilang 39 – 42. Suriin ang maaaring maging ipakahulugan ng sumusunod na mga taludtod
ng tula sa buhay ng tao.
___ 39. “Pagkat ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan sa nayo’t kaharian
Ang isang tao’y katulad kabagay
ng alinmang likha noong kalayaan"
A. Ang kalayaan ay likha ng mga bayang may sariling wika
B. Ang bayan ay natutulad sa isang kaharian kapag may wika
C. Nakikilala na ang bansa ay tunay na malaya dahil sa kanyang wika
D. Naging maganda ang hatol ng bayan dahil sa kanyang akda
___ 40. May malaking kahoy ay sukal sa gubat,
may mumunting damo, ang ugat ay lunas
A. ang halaga ng tao ay hindi nasusukat sa itsura kundi sa kanyang nagagawang kabutihan
B. ang malaking puno sa gubat minsan ay nagiging hadlang sa halip na makatulong
C. kahit ang mumunting damo ay may pakinabang din kaya’t dapat alagaan
D. huwag mangmaliit ng mga taong may kapansanan
___ 41. Mapurol mong kampit at gulok na bingaw,
Napatatalas din ng batong hasaan.
A. ang mapurol na gulok ay tumatalim kapag hinasa
B. ang mabuting pakikipagkapwa ay mahalaga sa lahat
C. ang tao kapag kumilos ay may makakamtan sa buhay
D. ang tao magtiyaga lamang ay matututo rin ng anumang bagay na kanyang naisin
___ 42. Sa maalong dagat ng buhay sa mundo’y nag-isang lumayag
Iniwan sa pampang ang timbulang baon ng aking tinanggap
A. pagiging masunurin ng anak sa kanyang mga magulang
B. pagsasawalang bahala ng anak sa mga bilin ng magulang
C. pagpapahalaga sa mga aral na natanggap
D. pagiging ulila ng anak sa mga magulang

Para sa bilang 43-46. Suriin ang sanaysay.

“Nais kong maulit ang dati kong araw, nang munti pang bata sa piling ni nanay.”

Tila gustong lumabas ng aking mga luha sa tuwing naririnig ko ang awiting iyan. Nais kong
mamulat muli sa daigdig ng aking kamusmusan kung saan malaya kong nakakasama ang aking
mahal na ama at masayang pamilya. Namuhay kami sa tahanang puno ng kasiyahan at
pagmamahalan. Walang naririnig na bulyawan. Puro ngiti sa kanilang mukha ang aking nasilayan.
Sama-sama kaming kumakain sa aming munting hapag-kainan. Magkakatabing natutulog sa maliit
na higaan. Kahit mahirap ang naging buhay namin, naging kuntento kami dahil alam namin sa puso’t
isip namin ay mananatili kaming masaya sa kabila ng mga problema.
FIL 9 3 of 6
Halaw mula sa Sanaysay na Magnegosyo Tayo ni Lolita K Abueg
___ 43. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang sanaysay?
A. Pangungulila sa ama C. Pag-aasam ng masayang pamilya
B. Pagkakaroon ng tahanan D. Pagkainis sa buhay
___ 44. Ano ang maituturing na paksa ng lathalain?
A. Kabataan B. Masayang alaala C. Pagmamahalan D. Pamilya
___ 45. Alin ang gustong maibalik ng sumulat ng sulating ito?
A. Ang alaala ng kanyang kabataan C. Ang pagkakaroon ng masayang pamilya
B. Ang kanyang ama D. Ang katahimikan sa buhay
___ 46. Ano kaya ang nangyari sa kanyang ama at pamilya ayon sa pagkakalahad sa inyong binasang
akda?
A. Nag-away ang kanyang ama’t ina dahil sa kanya
B. Nagbago ang kanyang ama at pinabayaan sila
C. Nagkahiwalay ang kanyang ama at ina at iniwan sila
D. Pumanaw ang kanyang ama at nagkagulo sila
Para sa bilang 47- 48.

Palala nang palala ang problema sa polusyon ngunit marami ang hindi nababahala sa kalagayang
ito. Binabalikan ngayon ng daigdig ang pinakamabigat na suliraning ito na maaaring dulot na rin ng
makabagong kabihasnan at siyensya. Mapapansing dahil sa malubhang pag-init ng mundo, pagbago- bago
ng klima sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ito’y bunga ng labis na paggamit ng kahoy bilang panggatong. Ang
mabilis na pagkaubos ng mga puno sa kagubatan ay nagbibigay rin ng suliranin sa polusyon, hindi lamang
sa ating bansa ngunit pati na rin sa iba pang bansa.
Sa nabanggit na mga problema, pinakamalubha ang suliranin sa basura sapagkat ito ang
nagpapalala ng polusyon sa lahat ng mga bansa. Kaya naman hindi tumigil ang pamahalaan ng bawat
bansa at mga dalubhasa sa buong mundo sa paglutas ng mga problemang ibinibigay nito sa daigdig.
Gayon pa man, hindi dapat iasa sa lahat ng mga grupo ng mamamayang may malasakit ang
paglutas sa suliranin sa bansa. Dapat magsimula ang pagkilos sa mga tahanan upang mapadali ang
pagbibigay ng kalutasan sa problemang idinudulot nito sa sangkatauhan.
Hango sa Hiyas ng Lahi IV, Vibal Publishing House, Inc.

___ 47. Ano ang naging bunga sa patuloy na pag-init ng mundo?


A. masusunog ang tao
B. matutunaw ang yelo na nagpapalala sa mundo
C. mamamatay ang lahat ng may buhay sa mundo
D. magkakaroon ng tag-gutom dahil sa kakulangan ng suplay sa pagkain

___ 48. Ano ang pinakamalubhang suliranin ng lahat ng bansa ngayon ayon sa teksto?
A. Pag-init ng mundo C. suliranin sa basura
B. pagkaubos ng mga tao D. problema sa polusyon

Panuto: Para sa bilang 49- 53. Suriin ang maikling kuwento.


Kay Ama niya inihabilin ang paglibing sa kanya. Dito sa Maynila, sinabi na naman niya. Mag-iisa akong malilibing dito,
Tiyo Julio, ngunit gusto kong dito malibing.
“Magdasal ka,” payo ni Ama, “iyang hinanakit mo’y kalimutan mo na. Masama iyang babaunin mo pa ang mga iyan.”
“Mahirap makalimutan, Tiyo Julio. Natatandaan ba ninyo noon, noong maliit ako? Noong hindi ko matagpuan ang
libing ni Ama’t Ina? Wala akong mauuwian doon, Tiyo Julio. Mag-iisa rin ako.
Tumango ang maputing ulo ni Ama; pati siya’y ibig na ring maluha sa sinasabi ni Layo. “Walang hindi umuuwi sa
kanyang bayan. Mayroon nga riyan, namamatay sa Amerika, pagkatapos manirahan doon nang matagal, ngunit ang huling
kahilingan ay ang malibing dito sa atin.”
“Maganda ang sinabi ninyo, Tiyo Julio. Wala ngang hindi umuuwi sa atin, sa kanyang bayan. Ikaw man ay uuwi rin.”
Lahat ay umuuwi sa kanyang bayan, ibig ko ring sabihin kay Layo. Maaring narito ka, ngunit ang iyong kaluluwa ay naglalakbay
na pabalik doon. Maaring nagging mapait ang kabataan mo roon, ngunit huwag mong sabihing ikaw ay di babalik.
Ngayo’y hindi siya nakatingin sa akin, ni kay Ama, ni kay Ising. Nakatingin siya sa kisame. Nakaangat ang kanyang
baba at tila mga mata ng isang bulag ang kanyang mga mata. Alam kong naglalakbay ang kanyang diwa; marahil, nalalaman
ko kung saan naglalakbay iyon.
Gusto kong isipin ng ngayo’y naglalakbay ang kaluluwa ni Layo patungo sa aming bayan; gusto kong isipin na ngayo’y
tila mga tuyong dahon nang malalaglag ang kanyang hinanakit; gusto kong isipin na sa paglalakbay ng kanyang kaluluwa, sa
paglalakbay na iyong pabalik, ay nakatatagpo siya ng kapayapaan.
Nalagay sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Layo. Ang sabi sa pahayagan ay ilalagak daw ang kanyang bangkay
sa San Roque. Ang kabaong ni Layo ay isinakay sa isang itim na kotse. Mula sa Maynila, naglakbay iyon sa mga bayan-bayan.
Tumigil iyon sa mga bahay-pamahalaan. Nanaog ang nakaunipormeng tsuper at ipinagbigay-alam ang pagdaraan.
Hapon na nang dumating iyon sa mga San Roque. FIL 9Sa 4 San
of 6Roque, marami ang naghihintay na makikipaglibing kay
Layo. Naghihintay rin sa kanya ang lupa ng sariling bayan.
Halaw mula sa “Sa Lupa ng Sariling Bayan” ni Rogelio R. Sikat
___ 49. Alin ang maituturing na kasukdulan sa kwentong binasa?
A. Pagsasabi ni Tiyo Julio na ang lahat umuuwi sa sariling bayan.
B. Pag-uuwi ng bangkay ni Layo sa San Roque
C. Paghahabilin ni Layo na ilibing siya sa Maynila
D. Pakikipaglibing ng mga taga-San Roque kay Layo
___ 50. Ang suliranin ng kwento ay binigyang-solusyon sa pamamagitan ng ________.
A. pagpanaw ni Layo dahil sa kanyang karamdaman
B. pangangaral ni Tiyo Julio
C. pag-uuwi ng bangkay ni Layo sa San Roque
D. paglalathala sa pahayagan ng ukol sa pagpanaw ni Layo
___ 51. Ano ang ibig ipakahulugan ng wakas na ito: Naghihintay rin sa kanya ang lupa ng sariling bayan?
A. Lahat ay uuwi sa kanyang bayan.
B. Tanggap pa rin siya ng mga taga-San Roque.
C. Pagkakaroon nang lubos na kapayapaan.
D. Pagkawala ng hinanakit ni Layo sa San Roque.
___ 52. Mahirap makalimutan, Tiyo Julio. Natatandaan ba ninyo noon, noong maliit ako? Noong hindi ko
matagpuan ang libing ni Ama’t Ina? Wala akong mauwian doon, Tiyo Julio. Mag-iisa rin ako. Ano
ang
mababakas kay Layo sa mga pahayag niyang ito?
A. Hinanakit C. Kalungkutan
B. Pangungulila sa mga magulang D. Pagtatampo
___ 53. Anong katotohanan ng buhay ang mababakas sa binasang kwento?
A. Ang mga sugat ay napaghihilom ng panahon
B. Ang pakikiramay ay bahagi ng pakikipagkapwa
C. Lahat ay naghahangad nang isang maayos na libing.
D. Walang hindi umuuwi sa sariling bayan.
___ 54. “Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa nais niyo.” Ang tunggaliang namamayani sa
pahayag ay ______.
A. tao vs. sarili B. tao vs. tao C. tao vs. kalikasan D. tao vs. lipunan
___ 55. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay, ayaw ko pong mag-isa balang araw
kapag kayo’y nawala.” Ang ipinahihwatig na tunggalian sa pahayag ay _________.
A. tao vs sarili B. tao vs. kalikasan C. tao vs. tao D. tao vs. lipunan
___ 56. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “ Kultura: pamana ng nakaraan, regalo
ng kasalukuyan, at buhay ng kinabukasan” ay nagpapahiwatig na ang kultura ay ____.
A. di itinuturo B. naaalis C. di nagpapalit D. nagbabago

Para sa bilang 57 - 58
“Habang iniisip ko ito, naaalala ko ang sinabi ng isang matalinong lalaki”.
“Huwag mong iukit ang iyong alaala sa kahoy o pader, iukit mo sa puso ng bata”.
Ang pagmamarka sa materyal na bagay ay pag-aaksaya ng oras. Ito’y lilipas pagdating ng panahon. Ngunit ang
tatak na iiwan sa puso ng mga anak ay mananatili hanggang wakas. Kaya kung nais ng isang ama na mag-iwan ng
anumang magtatagal na alaala sa kabataan ang ipinagkaloob sa kaniya ng Panginoon, umukit siya ng ispiritual na
alaala.
___ 57. Ano ang pahiwatig ng pahayag na may salungguhit?
A. mahirap umukit ng tanda o marka sa pader o puno.
B. hindi basta-basta nabubura sa puso ang isang alaala.
C. kukupas ang isang tanda o markang inukit sa puno o pader
D. mag-iwan ka ng isang alaalang mananatili hanggang wakas.
___ 58. Makapag-iiwan ng pangmatagalang alaala ang isang tao sa pamamagitan ng ______.
A. Pag-uukit ng isipiritual na alaala C. Pag-iiwan ng alaalang larawan sa isang tao.
B. Paggugol ng panahon sa mga bata D. Pag-iiwan ng marka o tanda sa isang puno.
Para sa bilang 59 – 60
Tiyo Simon: Oo boy. Sa akin ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama
sa iyo ng iyong mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi. Ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin
iyon at hindi ako naging maligaya. Dahil sa kapansanang ito ng aking paa , Boy, natutuhan ko ang tumalikod , hindi
lamang sa simbahan, kundi maging sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa
pilosopiyang pinananaligan.
FIL 9 5
Boy:Tayo na mama,kanina pa nga po tugtog ng tugtog angof kampana,e,Tayo
6 na,Tiyo Simon,baka tayo mahuli,Tayo
na!
(Muling maririnig ang tugtog ng kampana. Nagmamadaling lumabas ng bahay si Boy, kasama si Tiyo Simon, at ang
kanyang mama)
Halaw mula sa dulang Tiyo Simon ni NPS Toribio
___ 59. Ano ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa dulang binasa?
A. Ang mga karamdaman ay salamin ng mga kaparusahan ng Diyos.
B. Ang maayos na kalusugan ay salamin ng palagiang pagpasok sa simbahan.
C. Hindi nasusukat sa dalas ng pagpasok sa simbahan ang pananampalataya.
D. Nasusukat sa dalas ng pagpasok at pagsamba ang tunay na pananampalataya.

___ 60. Kung ikaw ang nasa katayuan ng nagsasalita, iisipin mo rin bang iniisahan ka ng iyong Diyos?
A. Hindi, dahil ibig ng Diyos na ako’y magtagumpay.
B. Oo, dahil nararansan ko ang mga sakit at pait sa buhay
C. Marahil, dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako nagtatagumpay sa buhay.
D. Tunay na iisipin ko na ako’y iniisahan niya kung lahat ng plano ko ay pumapalpak.

FIL 9 6 of 6

You might also like