You are on page 1of 6

MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 11 (AKADEMIK)

UNANG KWARTER
TAONG PANURUAN 2022-2023

Pangalan: ____________________ Petsa: ________________


Pangkat: _____________________

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Suriin ang mga pamimilian at
bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang akademikong sulatin ay walang kinikilingan o kinatatakutan dahil ang


hangarin ay magpahayag ng katotohanan. Alin sa mga katangian ng
akademikong sulatin ang tinutukoy ng pahayag?
a. makatao c. makabayan
b. maka-Diyos d. demokratiko
2. Ang akademikong pagsulat ay may layunin rin. Alin sa mga pamimilian ang
HINDI layunin ng akademikong pagsulat?
a. pataasin ang antas ng kahusayan c. magbigay impormasyon
b. mailahad ng maayos ang mga ideya d. kailangan sa kurso sa kolehiyo
3. Bakit itinuturing ang akademikong pagsulat bilang pinamakataas na antas ng
pagsulat?
a. Ipinapasa ito sa guro c. marami kang nasusulat
b. Pinatataas ang antas ng kahusayan d. ikaw ay nagiging popular
4. Alin sa mga nasa ibaba ang halimbawa ng akademikong sulatin?
a. bionote c. manwal
b. flyers d. recipe ng paagkain
5. Kayamanang maituturing ang naisulat ni Arthur na isang libro bilang isang
inhinyero. Anong anyo ng akademikong pagsulat mahusay si Arthur?
a. teknikal na pagsulat
b. akademikong pagsulat
c. propesyunal na pagsulat
d. reperensyal na pagsulat
6. Kayamanang maituturing ang naisulat ni Arthur na isang libro bilang isang
inhinyero. Anong anyo ng akademikong pagsulat mahusay si Arthur?
a. teknikal na pagsulat
b. akademikong pagsulat
c. propesyunal na pagsulat
d. reperensyal na pagsulat
7. Ito ay pinaikling pagkukuwento ng mga naganap mula sa isang binasang teksto
o napanood na palabas, pelikula o dula.
a. sinopsis b. dula c. buod d. repleksyon
8. Anyo ng akademikong sulatin na maaaring likha ng malikot na pag-iisip at
maaari ring mula sa tunay na pangyayari ng isang manunulat.
a. teknikal na pagsulat
b. malikhaing pagsulat
c. propesyunal na pagsulat
d. reperensyal na pagsulat
9. Si De Lima ay magsasagawa ng pananaliksik, pinilit niyang makahanap ng mga
literatura at pag-aaral kahit siya ay maraming trabaho at ginagawa. Anong
katangian ng mananaliksik ang taglay niya?
a. masipag b. maingat c. sistematik d. marangal
10. Ito ay isyu na maykaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan
at katapatan sa mga datos, mga ideya, mgapangungusap, buod at balangkas ng
isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala angpinagmulan
bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya.
a. property act b. illegal rights c. disclaimer d. plagiarism

11. Sa pagsulat ng talumpati, sinisikap ng bahaging ito na mapukaw ang interes o


matawag ang pansin ng mga tagapakinig. Inilalahad din sa bahaging ito ang
layunin ng talumpati. Anong bahagi ng talumpati ang tinutukoy?
a. panimula c. katapusan
b. katawan d. kaalaman
12. Nililinaw ng mananalumpati ang kaniyang mga paninindigan, tinitiyak na nag-
iiwan ng kakintalan o impresyon sa pamamgitan ng mga patunay at halimbawa.
Anong bahagi ng talumpati ang tinutukoy?
a. panimula c. katapusan
b. katawan d. kaalaman
13. Ang larawang sanaysay ay naglaaman ng dalawang sangkap. Ito ay larawan at
__________.
a. teksto b. sitwasyon c. senaryo d. sining
14. Ito ay anyo ng akademikong sulatin na may kaugnayan sa isang tiyak na
propesyon o larangan.
a. teknikal na pagsulat
b. akademikong pagsulat
c. propesyunal na pagsulat
d. reperensyal na pagsulat
15. May apat na uri ng talumpati. Isa na rito ang ibinibigay nang biglaan o
walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. Ano
ito?
a. manuskrito b. maluwag c. biglaan d. topikal
16. Koleksiyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang
partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga
damdamin, at mga konsepto.
a. talumpati b. synopsis c. larawang sanaysay d. bionote
17. Sa pagsusuri ng binasang kuwento upang makabuo ng sinopsis, inalam ni
Liana kung ano ang naging dahilan sa pagkamatay ng ama ng kanyang kaibigan.
Anong tanong sa paraaan ng pagkuha ng detalye sa akda ang kanyang isinaalang-
alang?
a. ano b. sino c. kailan d. bakit
18. Ito ay ang pagsasatitik ng mga ideya, kaalaman at opinyon ng isnag tao.
a. pagbasa b. pagsulat c. pakikinig d. panonood
19. Sa pagsulat ng synopsis, mahalagang gamitin ang _______________panauhan.
a. una b. ikalawa c. ikatlo d. ikaapat
20. Dito nakasaad ang pinaka kongklusyon ng talumpati.
a. katapusan b. simula c. gitna d. kakalasan

21. Taglay nito ang mga personal na realisasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi


ng aral na mapakikinabangan ng sarili sa hinaharap at posible ring maging gabay
sa iba. Anong halimbawa ng akademikong sulatin ang tinutukoy?
a. pictorial essay c. travel brochures
b. lakbay sanaysay d. replektibong sanaysay
22. Tumutukoy ito sa detalyeng pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa
lugar na pinuntahan. Anong halimbawa ng akademikong sulatin ang tinutukoy?
a. pictorial essay c. travel brochures
b. lakbay sanaysay d. replektibong sanaysay
23. Naglalaman ang larawan ng iba’t ibang pagpapakahulugan kung lalapatan ito
ng iba’t ibang lente ng pagdiskurso. Anong halimbawa ng akademikong sulatin ang
tinutukoy?
a. pictorial essay c. travel brochures
b. lakbay sanaysay d. replektibong sanaysay
24. Si Jem na tubong Bicol ay bumisita sa Lungsod Lucena. Matapos nito siya ay
nagbahagi ng kanyang mabubuting karanasan ukol sa kanyang mga napasyalang
lugar sa lungsod. Kalakip dito ang mga kanyang mga larawan. Anong sulatin ang
kanyang isinagawa?
a. artikulo sa agham c. travel brochures
b. lakbay sanaysay d. replektibong sanaysay
25. Ang Student Council ng Senior High ay nagkaroon ng pulong. Ang kalihim ay
naatasang magsagawa ng ___________ na ipamamahagi sa mga miyembro upang
matukoy ang mga napag-usapan. Ano ang gawaing kanyang isinagawa ang
tinutukoy ng pahayag?
a. katitikan c. agenda
b. panukalang proyekto d. natatanging proyekto
26. Nagsusulat si Jose ng mga immpormasyon patungkol sa may-akda ng
kanilang aklat sa literature. Anong akademikong sulatin ang kanyang ginagawa?
a. talaarawan c. talambuhay
b. bionote d. talumpati
27. Inatasan ni Gng. Anastacia ang Baitang 11 na sumulat ng isang talumpati na
magpapahayag ng problema at bibigyan ng solusyon. Anong hulwaran ang
ipinapagawa niya sa mga mag-aaral?
a. topikal b. kronolohikal c. problema-sousyon d. payak
28. Inilahad ni Charles sa kanyang paksang pag-ibig ang pagmamaha niya sa
bayan. Iniugnay niya rito ang pagiging makabansa ni Rizal batay sa kanyang mga
naisulat na akda. Anong hulwaran ng talumpati ang kanyang ginamit?
a. topikal b. kronolohikal c. problema-solusyon d. payak
29. Nagtataglay ng mataas na gamit ng isip upang maipahayag ang ideya bilang
batayan ng karunungan. Anong uri ng pagsulat ang tinutukoy?
a. pagsulat ng kuwento c. feasibility study
b. liham pangnegosyo d. akademikong sulatin
30. Si Ginoong Pat Villafuerte ay sumulat ng sariling ____________ na maglalahad
ng mga mahahalagang detalye tungkol sa kanya para magbigay ng impormasyon
sa mga mambabasa nang makilala nila siya bilang may-akda ng aklat. Anong
sulatin ang kanyang isinagawa?
a. talambuhay c. bionote
b. lakbay sanaysay d. pictorial essay

31. Maaari itong gawin ng kalihim, typist/encoder, o ng reporter sa korte.


Nagsisimula sa pangalan ng samahang magsasagawa ng pulong, lugar, petsa,
talaan ng mga dumalo, at ang oras ng pagsisimula. Ano ang tinutukoy ng
pahayag?
a. Katitikan ng pulong c. agenda
b. balangkas d. panukalang proyekto
32. Ito ay pagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa
harap ng madla. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
a. katitikan c. agenda
b. talumpati d. madulang pakukuwento

33. Naatasan si Klay na isalaysay ang kwentong “Ang kwintas” sa pinakamabilis at


maikling pamamaraan. Anong akademikong sulatin ang maaari niyang gawin?
a. talumpati b. bionote c. synopsis d. sanaysay
34. Ikaw ay inanyayahan na magsalita sa isang kumperensya o palihan patungkol
sa Mental Health, anong uri ng talumpati ang gagamitin mo?
a. topikal b. manuskrito c. biglaan d. maluwag
35. Sa pagsulat ng larawang sanaysay, bukod sa paghahanay ng mga larawan, ang
mga teksto na gagamitin ay mayroong tinatawag na _____________.
a. Instagram worthy
b. journalistic feel
c. best in writing
d. writing approach
36. Isang hulwaran sa talumpati na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
a. topikal b. problema-solusyon c. kronolohikal d. maluwag
37. Si Jemmy ay hiningan ng kanyang guro ng kanyang opinyon patungkol sa isyu
ng global warming nang wala man lang kahit anong paghahanda, Anong uri ito ng
talumpati?
a. topikal b. manuskrito c. biglaan d. maluwag
38. Nagsaliksik si Lianne ng mga paksa upang makabuo ng isang pananaliksik.
Inihanda rin ang mga materyales na kinakailangan gayundin ang paglilista ng mga
sunod-sunod na kailangang gawin sa pangangalap ng datos. Anong katangian ng
mananaliksik mayroon si Lianne?
a. maingat b. kritikal c. sistematik d. masipag
39. Isa itong katangian ng sinopsis na dapat tandaan ng mga susulat nito.
a. mahaba b. malligoy c. maikli d. maraming salita
40. Sa pagbuo ng larawang sanaysay, ginagamit ang ____________ sa pagkukwento.
a. imahe b. buod c. talata d. disenyo
41. Maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan na madalas
ay inilalakip sa kanilang mga naisulat. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
a. bionote c. argumento
b. sanaysay d. maikling kuwento
42. Ang sumusunod ay ang mga mahahalagang impormasyon na dapat Ikalamanin
ng kasagutan sa bilang 41, alin ang HINDI nabibilang?
a. personal na impomasyon
b. kaligirang pang-edukasyon
c. ambag sa larangang kinabibilangan
d. paboritong isports

43. Binigyan ni Gng. Romero ang kanyang mga mag-aaral ng takdang-aralin na


sumulat ng isang sinopsis. Alin sa mga nabanggit ang una niyang dapat gawin?
a. Bumuo ng draft
b. Sumulat ng sinopsis
c. Tumambay sa bahay ng kaklase
d. Basahin at unawain ang akda
44. Ano ang pinakaangkop na pagkakaiba ng buod sa sinopsis?
a. Ang buod ay isinasalaysay ng wasto ngunit sa sinopsis ay maikli lamang.
b. Ang buod ay naglalaman ng payak na detalye ngunit ang sinopsis ay mga
modipikadong pahayag.
c. Ang buod ay maikli ngunit mas maikli ang sinopsis.
d. Ang buod at sinopsis ay iisa.

45. Ito ang madalas na nagiging batayan sa talumoati na problema – solusyon.


a. isyung panlipunan
b. paboritong paksa
c. dating alam
d. mga usong salita
46. Ito ay anyo ng akademikong sulating kung saan binibigyang pansin ang
pagkukuwento sa paraang naratibo ng mga pangyayaring naganap batay sa
obserbasyon at mga naitalang kaganapan.
a. bionote b. sinopsis c. larawang sanaysay d. naratibong ulat
47. Sa pagbuo ng talumpati, sa pagwawakas nito, importante na magbigay ng
isang wakas na mag-iiwan sa mga mag-aaral ng kakintalan. Alin sa mga nabanggit
ang HINDI maaaring gawin na pang-wakas sa talumpati?
a. magbigay ng hamon
b. magbigay ng solusyon
c. magbigay ng kasabihan
d. magbigay ng problema
48. Niyaya si King na kopyahin nalang ang mga impormasyon sa lumang
pananaliksik. Tumanggi siya at iniwan ang mga kaibigan. Anong katangian ng
mananaliksik ang taglay niya?
a. matiyaga b. maingat c. sistematik d. masipag
49. Si Leo ay sumulat ng isang tula para kay Benedicta. Anong anyo ng
akademikong pagsulat ang kanyang ginawa?
a. Propesyunal b. Reperensyal c. Malikhain d. Dyornalistik
50. Anong halimbawa sa ibaba ang nagpapakita ng Dyornalistiik na pagsulat?
a. teleserye b. dyaryo c. maikling kwento d. police report

MARKKAHANG PAGSUSULIT SA AKADEMIK-BAITANG 12


TAONG PANURUAN 2022-2023
SUSI SA PAGWAWASTO:

You might also like