You are on page 1of 1

GERALDINE A.

ESMAS
MAEd- FILIPINO

FIL 208
DAGLI

REHAS NG PANGARAP
Si Lia ay madalas na makikita sa isang malaking bahay. Suot nito ang magagarang damit
mula pa sa ibang bansa. Pabalik-balik na naglalakad at iginegewang ang kanyang mga balakang
na tila isang modelo. Ang kanang kamay naman ay nakataas at iwinawagayway.
“Lia, ang ganda mo naman.” “Bagay na bagay talaga sayo maging isang modelo” sambit ng
kaniyang mga kaibigan.
Sa kabila ng init at alinsangang dala ng kapaligiran, batid sa mga bata ang kasiyahan ng mga
sandalling iyon. Nagpatuloy siya sa pagpapakitang gilas sa kaniyang mga kaibigan hanggang sa
nakarinig sila ng isang malakas na tinig na nagmumula sa isang tila babaeng naghihingalo.
“Lia! Lia!”
“O, sige, bukas na lang ulit tayo maglaro andiyan na kasi si mommy eh!” wika ni Lia.
“Ano ka ba naman! Ikaw talagang babae ka, andiyan ka na naman. Ilang beses ko ng sinabi sayo
na huwag mo ng uuliting kumuha ng mga sinampay sa bahay na ito. Ibalik mo na iyan at baka
dumating na ang may-ari ng bahay na ito. Nakakahiya!” Pagalit na sinabi ng kanyang ina.
“Hiram lang naman po. E, nay pangarap ko po kasing maging isang modelo.” sagot naman ni
Lia.
“Tigilan mo na iyang pangarap na yan. Heto nga, kaya kita hinahanap, mangangalakal pa tayo sa
kabilang barangay upang may makain ang anim mo pang kapatid.” sabi ng ina habang
nagmamadali sa paglakad.

You might also like