Professional Documents
Culture Documents
Pinal Na Pagsusulit Wika at Panitikan
Pinal Na Pagsusulit Wika at Panitikan
Major Examination
1
50=100 45=95 40=90 35=85 30=80
49=99 44=94 39=89 34=84 29=79
48=98 43=93 38=88 33=83 28=78
47=97 42=92 37=87 32=82 27=77
46=96 41=91 36=86 31=81 26=76
Pangkalahatang Instruksyon:
Ang eksaminasyong ito ay binubuo ng nabuong tugon na kinakailangan ng isang malaya subalit obhektibong sagot. Maaaring gumamit
ng mga teorya, ebidensya at iba pang literature na magiging patunay upang maging suporta sa ideyang nais ilahad.
I. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG MGA WIKAIN SA BANSA AT MGA AKDANG PAMPANITIKAN (28 pts)
A. Ilahad ang kaligirang pangkasaysayan ng mga wikang hinihiling.
B. Magbigay ng 5 akdang pampanitikan sa bawat isa at ibigay ang lagom ng bawat akda.
C. Magbigay ng pagsusuri sa awtor ng bawat akda. Siyasatin ang kaniyang persepsyon at bigyan ito ng
interpretasyon.
D. Sa bawat akdang pampanitikan, ilahad ang naging simbolismo nito sa iyong pagka-Pilipino.
E. Sagutin ang tanong na, “Ano ang magiging ambag ng panitikang ito sa kontemporaryong mga mag-aaral?”
1. Filipino
2. Cebuano
3. Hiligaynon
4. Pangasinense
5. Bikol
6. Iloko
7. Waray
“A, mga kabataan, lagi kayong nangangarap! Humihingi kayo ng patay na mga karapatan, ng pamumuhay na tulad
ng sa mga kastila, sa katotohanan, ang hinihingi Ninyo ay kamatayan, ang pagkawasak ng inyong pambansang
pagkakakilanlan. Ano ang mangyayari sa inyo—isang lahing walang kaluluwa, isang bansang walang kalayaan.
Lahat ng katangian ninyo ay hiram, at maging ang inyong mga kapintasan. Humihiling kayong maturuan ng kastila
upang madagdagan ang mahigit apatnapung wikang sinasalita sa buong kapuluan, nang sa gayon ay lalo kayong
hindi magkaintindihan. […]
“Isang pagkakamali. […] Kikitilin lamang ninyo ang inyong mga katangian at ipaiilalim sa iba ang inyong mga iniisip.
Sa halip na maging malaya, lalo lamang kayong magiging alipin. […] Habang may sariling wika ang isang bansa,
nananatili itong malaya habang siya’y nakapag-iisip nang malaya”.
Gamit ang iyong sariling pang-unawa sa panitikan, sumulat ng tugon sa mga sumusunod:
1. Ilarawan ang argumentong binuo ng may-akda.
2. Suriin at talakayin kung paano pinanindigan ng may-akda ang kaniyang argumento.
3. Talakayin ang historikal at panlipunang sitwasyon na nakaimpluwensya kay Jose Rizal sa pagsulat ng akda.
Ilahad ang iyong karanasan sa pag-aaral ng Wika at Panitikan sa Pagpapatibay ng Pilipinong Identidad.