You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

Grade 8 – FILIPINO

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga katutubo, Espanyol at Hapon.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nabubuo ang isang makatotohanang proyekto


panturismo.

I. Layunin

Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pang-ugnay sa pagbuo ng


editorial na nanghihikayat; F7WG-lle-I-9
b. Nakakasulat ng isang editorial na nanghihikayat gamit ang wastong angkop
ng pang-ungnay;
c. Nabibigyang halaga ang paggamit ng watong angkop ng pang-ugnay upang
makabuo ng isang editorial na nanghihikayat.

II. Paksang-Aralin

a. Paksa

a. Pang-ugnay

b. Sanggunian: Aklat ng Balarila ni: Marisol Tamor, pahina 25.

c. Kagamitan: Kartolina, Marker, Pandikit, Gunting.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Paghahanda

 Panalangin
 Pampasiglang Gawain (Maikling sayaw)
 Pagtala ng Liban
 Pagwawasto ng Takdang-Aralin

2. Balik-Aral

1. Ano ang pang-uri?


2. Magbigay ng isang pangungusap gamit ang pang-uri.
3. Pagganyak

Panuto: “Puntusan mo ako”.

 May babasahin ang guro sa harapan tungkol sa isang isyung


panlipunan na kinakaharap ng bansa.
 Pagkatapos pupuntusan ng mga mag-aaral ang isyu batay sa kung
paano sila nahihikayat.

B. Paglalahad ng Aralin

1. Presentasyon ng Layunin

C. Talakayan

1. Gawain (Activity)

Panuto: “Idikit sa Puno!”

 Bawat pangkat ng mag-aaral pipili ng bunga na naglalaman ng mga


salitang pang-ugnay.
 Pagkatapos ay ididikit sa puno ng karunungan ang bunga, at gamitin
ito sa pangugnusap na nanghihikayat.

2. Pagsusuri (Analysis)

1. Paano niyo natutukoy ang mga salitang pang-ugnay sa pangungusap?


2. Nakatutulong ba ang paggamit ng wastong angkop ng pag-ugnay upang
makabuo ng isang editorial na nanghihikayat?

3. Paglalahat (Abstraction)

1. Ano ang pang-ugnay?


2. Paano natutukoy ang pang-ugnay sa pangungusap?
3. Ano ang gamit ng pang-ugnay sa pangungusap?
4. Bilang isang mag-aaral paano nakakatulong ang wastong paggamit ng
angkop na pang-ugnay sa pang araw-araw na komunikasyon?

D. Paglalapat (Application)

Panuto:

 Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat.


 Bawat pangkat ay bubuo ng editorial na nanghihikayat gamit ang mga
larawan ng ipapakita sa ibaba.
 Bibigyan lamang kayo ng sapung(10) minuto sa paghahanda at limang(5)
minuto sa presentation.
PAMANTAYAN
Kaangkupan sa paggawa 20 PUNTOS
Kooperasyon 5 PUNTOS
Presentasyon 5 PUNTOS
KABUUAN 30
PUNTOS
IV. Pagtataya

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pahayag na nanghihikayat


upang mabuo ang pangungusap.

Ito na Totoo
Talagang
Naniniwala akong Tunay
Sigudaradong

1. __________ ang simula ng pagbati ng kanilang kalagayan.


2. __________ edukasyon ay makakatulong sa lahat.
3. __________ ang hangarin ng pamahalaang maipaabot ang edukasyon
maging sa pinakamalayo na lugar.
4. __________ Malaki ang epekto ng korapsyon sa ating bansa.
5. __________ maghihirap ang isang bansa kapag ito ay salat sa
edukasyon.

V. Takdang – Aralin

Panuto:

Gumawa ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-ugnay.

1. Palibhasa
2. Hinggil sa
3. Ayon kay
4. Na
5. Datapwa’t

Inihanda ni
Lynie Vic Sarael

You might also like