Professional Documents
Culture Documents
Morning Meeting Board November 2022
Morning Meeting Board November 2022
ANG LAYUNIN
Akoý naririto, sapagkat hindi ko na matakasan ang
aking sarili,
Hanggang hindi ako nagiging matapat sa pagpuna sa
aking sarili, sa mata at puso ng iba, akoý tumatakas
sa katotohanan.
Hanggang hindi ko ipinagtatapat ang tunay kong
pagkatao, akoý walang katahimikan.
Sa malaking takot na sariliý mabunyag, hindi ko
maunawaan ang aking sarili at pagkatao ng iba, sa
dilim akoý mag-iisa.
Saan pa kung hindi sa piling ng isang katulad ko,
makikita ang tunay kong salamin.
Sama-sama, dito sa wakas, matatanggap ko ang
tunay at sariling pagkatao hindi ang baliw ng aking
pangarap, o alipin ng aking takot;
Sa halip, bilang isang tao sakop ang sanlibutan, at
may bahagi sa layuning ito.
Sa lupang ito, akoý mag-uugat at susupling, hindi na
mag-iisa tulad sa kamatayan, bagkus, may alab ang
buhay sa sarili at kapwa.