You are on page 1of 5

May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat.

Para sa iba,ito ay nagsisilbing libangan


sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at
kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ng
pagsusulat , ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat,sa mga taong nakabasa
nito,at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga sinulat ay
magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa
kabatiran ng susunod na henerasyon. Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang
pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at
babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.Maaaring mawala
ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman.

Kaya naman,sa limang makrong kasanayang pangwika , ang pagsusulat ay isa rin sa mga
dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito
masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga
makrong kasanayang tulad ng pakikinig ,pagbabasa, panonood,madalas ang isang
indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang
isipan. Subalit sa pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsagawa nito ay nagbabahagi ng
kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng
kanyang sinabi at isinulat.
TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT
1. Impormatib na Pagsulat

Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay


impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa
teksto.
Halimbawa:
Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at
ensayklopidya, balita, at teknikal o business report.
2. Mapanghikayat na Pagsulat

Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor.
Halimbawa:
Pagsulat ng editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat ng proposal at konseptong papel
3. Malikhaing Pagsulat

Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling


katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang
pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathang-
isip,imahinasyon,ideya,damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

AKTIBITI 1
Basahing mabuti ang mga sumusunod na salaysay. Alamin kung ito ba ay may layuning
impormatibo, mapanghikayat, o malikhain.
1. Halina, ating tuklasin ang natatagong ganda at yaman ng Bayan ng Aguilar.
2. Naku, kung ganyan ang height ng anak mo, switch ka na sa Growee.
3. Ang ngiti ng isang pinipintuhong dilag ay nagdulot ng di-masukat na tuwa sa
namimintuhong binata.
4. Hindi ba dapat siya ang piliin natin? Dahil sa kanilang lahat, siya lang ang mabuti.
5. Naniniwala ang Pilipinas na ang pagsasama-sama ay bumubuo ng lakas at ang
kolektibong lakas na ito ay nagbibigay ng seguridad.
6. Ikaw ba’y nakakaranas ng dry cough, lagnat, hirap sa paghinga, at pagkahapo? Kung oo,
magpakonsulta ka na sa pinakamalapit na center o ospital.
7. Ang COVID 19 ay pinaniniwalaang gawa ng tao.
8. Kay dami ng mga bibig na puro bula lamang ang inilalahad, matang mga itim lang
ang nakikita, at tengang kathimikan lang ang naririnig.
9. Sa bawat hamon ng buhay, hindi tayo dapat sumuko.
10. Bili na, ngayon na. Tunay na malinaw, GMA Affordabox!
May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba,ito ay nagsisilbing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at
kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ng
pagsusulat , ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat,sa mga taong nakabasa
nito,at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga sinulat ay
magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa
kabatiran ng susunod na henerasyon. Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang
pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at
babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.Maaaring mawala
ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman.

Kaya naman,sa limang makrong kasanayang pangwika , ang pagsusulat ay isa rin sa mga
dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito
masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga
makrong kasanayang tulad ng pakikinig ,pagbabasa, panonood,madalas ang isang
indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang
isipan. Subalit sa pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsagawa nito ay nagbabahagi ng
kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng
kanyang sinabi at isinulat.
TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT
4. Impormatib na Pagsulat

Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay


impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa
teksto.
Halimbawa:
Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at
ensayklopidya, balita, at teknikal o business report.
5. Mapanghikayat na Pagsulat

Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor.
Halimbawa:
Pagsulat ng editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat ng proposal at konseptong papel
6. Malikhaing Pagsulat

Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling


katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang
pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathang-
isip,imahinasyon,ideya,damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

AKTIBITI 1
Basahing mabuti ang mga sumusunod na salaysay. Alamin kung ito ba ay may layuning
impormatibo, mapanghikayat, o malikhain.
11. Halina, ating tuklasin ang natatagong ganda at yaman ng Bayan ng Aguilar.
12. Naku, kung ganyan ang height ng anak mo, switch ka na sa Growee.
13. Ang ngiti ng isang pinipintuhong dilag ay nagdulot ng di-masukat na tuwa
sa namimintuhong binata.
14. Hindi ba dapat siya ang piliin natin? Dahil sa kanilang lahat, siya lang ang mabuti.
15. Naniniwala ang Pilipinas na ang pagsasama-sama ay bumubuo ng lakas at
ang kolektibong lakas na ito ay nagbibigay ng seguridad.
16. Ikaw ba’y nakakaranas ng dry cough, lagnat, hirap sa paghinga, at pagkahapo? Kung
oo,
magpakonsulta ka na sa pinakamalapit na center o ospital.
17. Ang COVID 19 ay pinaniniwalaang gawa ng tao.
18. Kay dami ng mga bibig na puro bula lamang ang inilalahad, matang mga itim lang
ang nakikita, at tengang kathimikan lang ang naririnig.
19. Sa bawat hamon ng buhay, hindi tayo dapat sumuko.
20. Bili na, ngayon na. Tunay na malinaw, GMA Affordabox!

You might also like