You are on page 1of 2

Mga Dapat Malaman ng mga Magulang at Mag-aaral sa Pagbubukas ng Taong Panuruan 2020-2021.

Pagkatapos ng masusing pagaaral ng Kagawaran ng Edukasyon at pagsangguni nito sa


Kagawaran ng Kalusugan at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang taong
panunuran 2020-2021 ay maguumpisa sa hangaring magpatuloy parin ang pagaaral ng ating mga anak
sa pamamagitan ng alternatibong paraan.

Ukol dito hinihingi po naming ang inyong pakikipagtulungan upang maisakatuparan natin ng
maayos at mapanatili natin ang kaligtasan ng bawat isa lalong lalo na ng ating mga anak.

Anu-ano ang mga dapat gawin at alamin?

1. Ano ang pamamaraan ng pagkatuto o Learning Modality ng mga mag-aaral?

Ang ating paaralan ay gagamit ng Modular Distance Learning Modality. Sa pamamaraang ito ang
mga guro ay maghahanda ng modules o printed learning packets. Ang mga learning packets na ito ay
pagaaralan at sasagutan ng mga mag-aaral sa kani-kanilang bahay kaagapay ang kanilang mga magulang,
mga kapatid o sinumang miyembro ng pamilya na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Sikaping tapusin
at isakatuparan ang bawat bahagi nito upang matiyak ang pagkatuto.

Maari ring magbibigay ang mga guro ng mga digital learning materials para sa mga may digital
na kasangkapan tulad ng laptop, smartphone o smart tv ibang supplemental sa aralin.

Ang learning modality na napili ay base sa majority ng kasagutan ng mga magulang sa LESF o
Learner’s Enrolment and Survey Form.

2. Paano ang paraan ng distribution at retrieval ng modules o printed learning packets?

2.1 Ang mga magulang ang maari lamang kumuha at magbalik ng mga modules na ito sa
paaralan. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta ng mga mag-aaral.

2.2 Sa pagpunta ng mga magulang sa paaralan, mangyari po sanang isaalang alang ntin ang mga
sumusunod na Health Standards:

a. Siguraduhing nasa maayos na kalusugan-walang lagnat, ubo at sipon.

b. Siguraduhing may suot na face mask at face shield.

c. Sumunod sa hakbangin ng paaralan ukol sa physical distancing. Sundin ang mga foot marks na
nilagay upang mapanatili ang isang metrong distansya.

d. Gamitin ang mga nilaang alcohol o disinfectant at foot bath mat bago pumasok sa silid-aralan
o sa itinalagang lugar kung saan kukunin ang mga modules.

2.3 Ang mga modyul at printed o digital learning packets ay maaring makuha lamang tuwing
LUNES. Isaalang-alang ang skedyul ng pagpunta sa paaralan upang maiwasan ang pagsasabay sabay.

SKEDYUL NG PAGKUHA AT PAGBALIK NG MODULES

Tuwing Lunes Lamang


Barangay Oras
 Bocacliw 8:00-10:00
 Niñoy
 San Jose 10:00 – 12:00
 Mga Brangay sa
Labas ng Aguilar
 Buer 1:00-3:00
 Bayaoas 3:00-5:00

3. Anu-ano ang mga kagamitang kailangang ihanda ng mga mag-aaral?

Tulad ng dati ay kailangan magkaroon ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na kagamitan

1. Notebook (Hindi kinakailangang bumili bagkus hinihikayat ang pagrerecycle ng mga


luma ta maari pang gamiting mga notebooks)
2. Ballpen/Lapis
3. Crayons (kung kinakailangan lamang)
4. Gunting
5. Paste/Glue

4.Anu-ano ang mga subjects at schedule ng bawat subjects?

Hinihikayat ang mga magaaral na sundin ang itinakdang class program kahit na sila ay nasa
School from Home. Nakalakip dito class program.

Makikita sa class program na ito ang mga subjects ngayong taon, schedule ng subjects gayundin
ang mga subject teachers.

Gagamit din ang mga guro sa Senior High School ng tinatawag na Online Asynchronous
Learning. Sa paraang ito’y maaring magkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na sumangguni sa
kanilang mga guro sa mga bahagi ng aralin na ngangailangan ng mas malalim na pagpapaliwanag sa
pamamagitan ng

a. video conferencing
b. messenger
c. call/text
Muli nais naming ipaalala na gamitin ang oras na nilaan para sa bawat asignatura.

You might also like