You are on page 1of 1

Karangalan ang mapasali sa ganitong patimpalak kaya’t ako’y nagagalak sapagkat ako ang na piling

kumatawan sa aming di man kalakihan ngunit aktibo at maasahang paaralan ng VNHSW, divisyon ng
vigan. ako si binibining Edralyn Alican nasa ika labing dalawang baitan, na naglalayong gamitin ang
oportunidad na ito upang ibahagi sa inyo ang ating kaalaman, opinion, at kuro kuro patungkol sa temang
likas na talento at kasanayan tungo sa katatagan sa pagharap sa hamon ng bagong normal. At bago ang
lahat sa mga mapanuring at magigiting na huradot’ tagapakining isang makasaysayang araw sa ating
lahat.

Ginoo’t binibini kayo ba ay napapaisip at tila napapatanong sa mga nangyayari sa ating kapaligiran kung
ating babalikan ang bawat pagsarado ng pahina ng nagdaang taon di natin maikakaila na tila maraming
nagbago. Mula sa ating mga nakasanayan o nakagisnan, di lamang sa gawain kundi pati narin sa
kabuhayan, regulasyon, ekonomiya, at lalong lalo na sa larangan ng edukasyon. Talaga nga namang
makakabuo ka ng kaisipan kung bakit sadyang napakabilis ng mga bagay bagay Ano? O paano? Ano nga
ba ang nangyayari sa ating mundo? Kinakailangan nga ba nating sumabay upang di mapagiwanan o
kaya’y kinakailangan ba nating sumunod upang di maparusahan. Mga kaibigan aking napatunayan na
ang pag ikot ng buhay ay parang puno pag pinatagal, nagbubunga kaya’t sa bawat pagbabago may
kalakip na sanhi at bunga.

Sa pag usbong ng pandemya lahat tayo ay nagulantang, hindi alam kung saan ito nagsimula sapagkat
noong una palang akala ng nakadadami itoy biro at panandalian lamang. Pandemyang nag bigay hirap,
lungkot, poot, at pangungulila. Subalit kalakip nito ang pagtutulongan at buong pusong pagtanggap sa
mga pagbabago sa takbo ng buhay dulot ng pandemya o tinatawag nating new normal.

Mga kaibigan kinakailangan nating magsama-samang bumangon sa mga hamon ng buhay. Binibini
ipakita ang natatangi mong galing sa pagsayaw, ginoo iparinig mo sa aming mga tenga nga ang
nakakagana mong tono ng inyong musikang nakakahaplos sa aming mga puso, kaibigan ipakita ang
taglay mong galing sa pagbasa at pagbabaybay mga makata na nagkakagalingan sa pagbuo ng sulating
nakakapag bigay ng kaalaman at ipahayag ang kahulugan ng buhay, edukasyon, pagkakapantay pantay
ng mga kasarian at lalong lalo na sa kalusugan. Katulad ng aking pyesa na sanay matuonan ng pansin ang
maoakinggan. Wala sa edad o kasariaan ang mga sukatan ng mga kakayahan, kaibigan wag nating
isarado ang ating mga isipan, wag nating hayaan na ang madilim na nakaraan ang babakod sa ating
nasimulang laman. Ating tandaan na di ka lang bata, matanda, babae, lalaki, o parte pa ng LGBTQ sa
ating lipunan. Malaki ang parte ko, mo, at tayo sa bawat buhayb ng tao. Kaya tayo ay magsilbing lakas ng
bawat isa.

You might also like