You are on page 1of 10

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

BATSILYER NG PANG-SEKUNDARYANG EDUKASYON


(FILIPINO III)

SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Modyul 6

Kabanata 6

KALALABASAN NG PAGKATUTO

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:

1 Natutukoy ang kalikasan ng tanong-sagot bilang ebalwasyong tradisyunal

b. Nalilinang ang mga kasanayan sa paghahanda ng halimbawa ng pagtataya

c. Nakikilala ang mga uri ng pagtataya

PANIMULANG PAGSUSULIT

Tukuyin amg mga sumusunod na pahayag.


__________1. ito’y nagsasabi kung kakayaning matutuhan ng isang mag-aaral ang isang wika. Sinusukat
nito ang kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang lawak.
__________2 ito’y pagsusulit na naglalyong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang wika na hindi
isinasaalang-alang ang anumang kasanayan na taglay niya sa wikang ito
__________3 Ito’y ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan.
__________4 .ito ay batay sa mga kakayahang itinuro na napapaloob sa ating silabus
__________5. Ang pokus ng mga pagsusulit sa panahong ito ay pangkalahatang kasanayan sa wika dahil
ang binibigyang-diin sa pagtuturo ng wika ay ang paggamit at hindi ang sangkap nito.
__________6. ito ay pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang para sa mga kinaltas
na salita
__________7. sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, sa talasalaitaan, sa kayarian at maaari ring sa
pagbabaybay at wastong paggamit ng malaking titik at ng bantas.
__________8. sa pagsusulit na ito, inihahambing ang bawat mag-aaral. Ang resulta ng ganitong pagsusulit
ang ginagamit na batayan ng mga marka sa isang kurso..
__________9. ang pagsusulit na ito ay may itinakdang pamanatayan na dapat mapagtagumpayan ng
eksamini.
__________10. ay isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang paglalapat ng mga pagkatuto
pagkatapos ng isang pagtuturuan

NILALAMAN

Ang Ebalwasyong Tradisyunal o Pormal na Pagtataya

Ano Ang Pagsusulit?


 Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang paglalapat ng mga
pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan.
 Ito ay maaaring pormal kung itinatakda at may proctor na namamahala sa pagsusulit.
 Nagbibigay ang guro ng pagsusulit upang makakuha ng mga impormasyong magagamit niya sa
ebalwasyon ng mga mag-aaral pagkatapos ng isang yugto ng pagtuturo.

Ang Pagsusulit vs. Pagtuturo


 Ang pagsusulit ay nakapokus sa pagtataya ng produkto ng pagkatuto, samantalang ang pagtuturo ay
nakatuon sa epektibong pagbibigay ng patnubay sa mga mag-aaral upang mapagtagumpayan ang
mga proseso sa pagkatuto.
 Nagagawa ng pagsusulit na sukatin ang dating natutuhan ng mga mag-aaral. Sa pagtuturo, ang
pangunahing target ng mga guro ay matiyak na may magaganap na pagkatuto at ginagamit niya ang
pagsusulit upang mapag-ibayo ang kanyang pagtuturo.

Ano ang Kahalagahan ng Pagsusulit sa isang Mag-aaral ng Wika?


1. Una, ang pagsusulit na mahusay ang pagkakagawa ay malaki ang naitutulong upang magkaroon ng
interes sa pag-aaral ang isang bata.
2. Ikalawa, nagiging daan din ang pagsusulit sa lubusang pagkatuto ng wika.

Ang Pagsusulit at ang Guro

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Ano ang kahalagahan ng pagsusulit sa guro?
 Naging mabisa ba ang aking pagtuturo?
 Angkop ba ang aking aralin sa aking mga estudyante?
 Aling mga kasanayan ang dapat bigyang-diin sa pagtuturo?
 Alin ang kailangang ituro muli?

Ano ang kahalagahan ng pagsusulit sa guro bilang test constructor?


 Maliwanag ba ang mga panuto?
 Simple ba at maliwanag ang bawat aytem?
 Natapos ba ito ng buong klase sa panahong itinakda sa pagsusulit?

Ang Tatlong Panahon ng Pagsusulit Wika

1. Pre-scientific o Intuitive Stage

a) Pagsusulit ng kaalaman tungkol sa wika.


b) Pagsasalin
c) Sulatin o Komposisyon
d) Pagsusulit na padikta
e) Pagsulat ng buod
f) Mga tanong na walang tiyak na sagot (open-ended questions)

2. Scientific Stage

 Sa panahong ito nagsimulang maging popular ang mga objective test.


 Sa panahong ito lumaganap din ang aural-oral approach sa pagtuturo ng wika.
 Dito rin nagsimula ang pagtataya ng pagsusulit upang matiyak kung ito ay mapanghahawakan at
balido.
 Naging malawakan ang paggamit ng pagsusulit na maramihang pagpipiliang sagot (multiple choice)
sa panahong ito.
3. Communicative Stage

 Ang pokus ng mga pagsusulit sa panahong ito ay pangkalahatang kasanayan sa wika dahil ang
binibigyang-diin sa pagtuturo ng wika ay ang paggamit at hindi ang sangkap nito.
Kailan Ibinibigay ang Pagsusulit?
1) Bago simulant ang pagtuturo ng isang kasanayan, maaaring magbigay ng pagsusulit. (pre-requisite
skills)
2) Sa katapusan ng pagtuturo ng isang kasanayan, nagbibigay tayo ng post test.
3) Maaari ring magbigay ng maikling pagsusulit o quiz sa katapusan ng aralin bawat araw.
4) Sa katapusan ng isang yunit o quarter nagbibigay tayo ng pagsusulit na pangwakas. (summative test)

Mga Uri ng Pagsusulit


A. Ayon sa layon, ang pagsusulit ay mauuri gaya ng sumusunod:
1. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran o Achievement Test
- ito ay batay sa mga kakayahang itinuro na napapaloob sa ating silabus. Layunin ng ganitong
pagsusulit na malaman ang hangganan ng pagkatutong natamo ng mga mag-aaral, sa mga layuning tinakda
para sa isang tiyak na panahon.
2. Panuring Pagsusulit o Diagnostic Test
- Ito’y ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan.
3. Pagsusulit sa Kahusayan o Proficiency Test
- ito’y pagsusulit na naglalyong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang wika na hindi
isinasaalang-alang ang anumang kasanayan na taglay niya sa wikang ito.
4. Pagsusulit sa Aptityud o Aptitude Test
- ito’y nagsasabi kung kakayaning matutuhan ng isang mag-aaral ang isang wika. Sinusukat nito ang
kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang lawak.

B. Ayon sa dami ng kakayahang sinusubok ng bawat aytem.

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
1. Pagsusulit na Discrete Point
- sinusubok nito ang isa lamang kakayahan sa bawat aytem
Halimbawa:
“Karen, bakit para kang lumuluha?”
“Paano’y napuwing ang aking kanang___________
a. mata b. paa c. kamay d. tainga

2. Pagsusulit na Integrative
- sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika.
 Ilang halimbawa ng integrative test
a. Cloze- ito ay pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang para sa mga kinaltas na
salita
b. Pagsusulit na Idinikta o Dictation Test
- sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, sa talasalaitaan, sa kayarian at maaari ring sa
pagbabaybay at wastong paggamit ng malaking titik at ng bantas.

C. Ayon sa kakayahang sinusubok


1. Pakikinig
a. Pagkilala ng mga tunog
b. Pag-unawa sa pinakinggang teksto
2. Pagsasalita
a. Pagbigkas ng mga tunog
b. Pakikipag-usap
3. Pagbasa
a. Pagkilala at pag-unawa ng salita
b. Pag-unawa sa seleksyon
c. Kasanaya sa pag-aaral
4. Pagsulat
a. Pagsulat ng komposisyon
b. Paggamit ng wastong bantas, wastong baybay, malaking titik

D. Ayon sa Gamit ng Kinalabasan ng Pagsusulit


1. Pagsusulit na Norm Referenced.
- sa pagsusulit na ito, inihahambing ang bawat mag-aaral. Ang resulta ng ganitong pagsusulit ang
ginagamit na batayan ng mga marka sa isang kurso.
2. Pagsusulit na Criterion Referenced.
- ang pagsusulit na ito ay may itinakdang pamanatayan na dapat mapagtagumpayan ng eksamini.
E. Ayon sa Pamamaraan ng Pagmamarka at Pagwawasto
1. Pagsusulit na Obhektibo (Objective Type)
a. maraming pagpipilian (multiple choice)
b. pagtatapat (matching type)
c. pagpupuno sa puwang/patlang (completion test)
2. Pagsusulit na Subhektibo (Subjective test)
a. pagsulat ng sanaysay (essay type)
b. pagsasalin (translation)
c. tanong na walang limitasyon ang sagot (open minded question)
Ang Paghahanda ng Pagsusulit

1. Pagpaplano ng Pagsusulit

a. Tiyakin ang layunin ng pagsusulit.


b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.
c. Itala ang mga layuning pangkagawian batay sa mga kasanayan at kakayahang susukatin.
d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa talahanayan ang kabuuang saklaw n
pagsusulit.

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.

2. Paghahanda ng Pagsusulit
a. Isulat ang mga aytem.
b. Suriin at ayusin ang bawat aytem.
 Mga Tanong sa Pagsusuri ng Aytem
1. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak na kasanayang kasama sa talahanayan ng
ispisipekasyon?

2. Akma ba sa sinusubok na kasanyan ang bawat uri ng aytem sa pagsusulit?


3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?
4. Wala bang mga di-kailangang salita o pahiwatig ang aytem?
5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa mga kukuha ng pagsusulit?
6. Ang mga distraktor o joker ba ay sadyang mabuti at maayos ang pagkakabalanse at hindi
magtutunton sa wastong sagot.
7. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin o kasanayan sa talahanayan ng
ispisipikasyon?
8. Hindi ba kakikitaan ng regular na padron ang paghahanay ng mga wastong sagot?
C. Ayusin ang aytem sa Pagsusulit

1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.


2. Isaayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahas muna ang madadaling aytem bago
ang mahihirap na aytem.
D. Ihanda ang mga Panuto

1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli. Ito ay dapat magbigay ng sumusunod na
impormasyon:

a. Ang layunin ng pagsusulit.


b. Ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit.
c. Paano ang pagsagot ng mga aytem?
2. Kung higit sa isang uri ng pagsuslit ang kabuuan ng pagsusulit, kailangang magkaroon ng isang
pangkalahatang panuto at may mga tiyak na panuto para sa bawat particular na uri ng pagsusulit.

3. Pagbibigay ng Pagsusulit at Pagwawasto ng mga Papel


4. Pagpapahalaga ng Pagsusulit
a. kahirapan ng aytem (index of difficulty)
b. kakayahang magtangi (discriminatory power)
c. pagkamabisa ng bawat distractor
5. Pagbibigay ng Interpretasyon sa Kinalabasan ng Pagsusulit

Mga Uri ng Aytem ng Pagsusulit

1. Pagsusulit na Tama o Mali

 Isang uri ng aytem kung saan tinutukoy ang mga salita, parirala, pangungusap o talasalitaan na tama
o mali ang kahulugan.
Mga Tuntunin sa Paghahanda ng Pagsusulit na Tama o Mali

a. Sikaping isa lamang ang binabanggit na pangungusap.


b. Ipahayag nang maliwanag at tiyak ang tanong upang hindi mapag-alinlangan ang sagot.
c. Gawing payak at maikli ang pangungusap.
d. Iwasan ang paggamit ng pananggi o negatibong salita sa aytem.
e. Kung gagamitin ang opinion, ilagay ang ngalan ng nagsabi nito.
f. Iwasan ang paggamit ng mga pahiwatig tulad ng mga salitang kadalasan, lahat kung minsan, maaari,
lamang at iba pa.

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
2. Pagtukoy ng Mali o Error Recognition
 Ito ay isang uri ng pagsusulit na integratibo sapagkat sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan
sa wika.
Iba’t ibang uri ng Anyo ng Pagsusulit na Ito:
A. Hinahati ang pangungusap sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi ay may salungguhit at may nakasulat
na titik sa ibaba.
B. Nilalagyan ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng pinaghating pangungusap.
C. Mga piling salita o parirala lamang ang sinasalungguhitan.
E. Maaari ring magsama ng mga pangungusap na walang mali.
3. Pagsusulit na may Pagpipilian o Multiple Choice
1. Ang pagsusulit na ito na may pinagpipiliang sagot ay binubuo ng dalawang Stem- o bahagi ng
aytem na nagpapahayag ng suliranin
2. Opsyon- mga pamimiliang sagot
 Distraktor- mga maling sagot
Ang Stem ay maaaring:
A. Pangungusap na hindi tapos
B. Pangungusap na may Puwang
C. Pangungusap na Buo
D. Pangungusap na Patanong
4. Pagsusulit na Pagpuno sa Patlang o Completion Test
 Pagsusulit na sa halip na pinamimili ang mag-aaral sa wastong sagot ay ipinapabigay ang tamang
sagot
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Pagsusulit na May Pagpipiliang Sagot (Multiple Choice)
A. Ang Stem
1. Ang pangunahing layunin ng stem ay mailhad sa kumukuha ng pagsusulit ang suliranin ng aytem.
2. Iwasan ang pag-uulit sa mga opsyon ng mga salitang maaaring ilagay sa stem.
3. Isulat ang stem sa anyong positibo. Kung hnid maiiwasan ang anyong negatibo o di kaya’y isulat ito sa
malalaking titik.
B. Ang mga Opsyon

1. Hangga’t maaari, gawing halos magkakasinghaba ang mga opsyon. Huwag gawing pinakamahaba o
pinakamaikli ang wastong sagot. Kung hindi ito maiiwasan, may mga padron na maaaring sundin gaya
ng inilahad sa ibaba.
 bahagi:
1.. A. _________ 2. A. ___________
B. _________ B. ____________
C. ____________ C. _________
D. ____________ D. _________
3. A. _________ 4. A. ____________
B. ____________ B. ________
C. _________ C. ____________
D. ____________ D. ________
5. A. _____ 6. A. _____________
B. ______ B. ____________
C. _______ C. ___________
D. ________ D. __________

C. Ang Mga Distraktor

1. Ang bawat distraktor ay dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ng pagsusulit. Dapat tanawin ng
mga eksameni na halos tamang lahat ang mga sagot.
2. Hindi dapat maging mas mahirap ang mga distractor kaysa tamang sagot.

D. Ang Tamang Sagot

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
1. Tiyaking isa lamang ang tamang sagot.
2. Pag-isa-isahin ang posisyon ng wastong sagot.
3. Iwasang gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot.

E. Ang Buong Aytem

1. Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning kinakatawan nito.


2. Iangkop ang bokabularyo at kayarian ng aytem sa mga sasagot nito.
Ang Pangkasanayang Pagsusulit Wika (Skill Testing)
3 Sangkap ng Pagsusulit Upang Maituring na isang Pagsusulit Wika
1. TAPIK o PAKSA- tumutukoy sa mga sitwasyon o kaganapan na aktwal na makikitang ginagamit ang
wika.
2. TUNGKULIN o GAMIT NG WIKA- tumutukoy sa mga angkop na anyo ng wikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan upang mapanatili ang magandang pakikipag-ugnayang sosyal.
3. KAWASTUHAN- tumutukoy sa tamang paggamit ng balangkas ng wika sa pagpapahayag o pag-
unawa ng kahulugan ng isang mensahe.

Mga Halimbawang Aytem Sa Apat na Makrong Kasanayan Sa Wika para sa Isang Kasanayang
Pagsusulit Wika
1. Pakikinig

A .Iba’t Ibang Anyo ng Pagsusulit sa Pakikinig

1. Paglalahad o Pahayag
2. Mga Tanong
3. Maikling Usapan
B. Pagtukoy sa Kayariang Pambalarila o Leksikal

 pariringgan ang buong klase ng isang seleksyon at ipatukoy ang mga kayariang pamabalarila o
leksikal na nakapaloob dito.
C. Pagtatala ng mga Detalyeng Semantiko

Makikinig ang buong klase sa isang seleksyon at ipagawa ang alinman sa sumusunod:
 itatala ang ilang particular na detalye;
 bubuo ng isang talahanayan, grap, tsart at iba pa;
 bubuo ng isang dayagram o mapa ayon sa panutong ibinigay.
D. Mga Tanong na Pag-unawa

 Makikinig ang mga mag-aaral sa isang artikulo o seleksyon at sasagutin ang mga tanong (tama o mali,
pagbubuo, o tanong na may pagpipiliang sagot) tungkol sa nilalaman ng artikulo o seleksyon batay sa
hinuhang mabubuo nila.
E. Pagtukoy sa mga Salik na Sosyolinggwistik
 makikinig ang mga mag-aaral ng isang pangungusap at sasagutin ang mga tanong na magpapatunay
kung naunawaan nila ang kontekstong linggwistik.
2. Pagsasalita
A. Monolog
 bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng dalaw o tatlong paksang nakasulat sa mga kard. Ang bawat
kard ay may mga pamatnubay na tanong upang matulungan ang mga mag-aaral sa pagbabalangkas
ng sasabihin.
B. Pagsasatao (Role Playing)
 Dalawang tao ang maaaring lumahok dito. Bibigyan sila ng sitwasyon at bahala silang magtanungan o
mag-usap ayon sa sitwasyon.
C. Interbyu
 Katulad din ito ng pagsasatao. Ang guro lamang ang lumalabas na palaging nagtatanong.
D. Pagtatalo o Debate

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
 Magandang paraan ito para sa pagpapahayag ng mga sariling opinion. Bagay ito sa mga mag-aaral
na may lubos ng kasanayan sa wika. Maaari silang pumili ng kanilang paksa at sariling posisyon sa
isyung tatalakayin.
Mga Halimbawang Pagsusulit
. 1. Pagsasalita
A. Pagbasa nang Malakas
 Isang mabisang paraan ng pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita partikular na
ang wastong pagbigkas.
B. Pagkukwentong Muli
 Tinataya sa ganitong pagsusulit ang kaatasan sa pagbigkas bukod pa sa kasanayan sa
pagsasalaysay.
C. Paggamit ng mga Larawan
 Ang mga larawan ay maaaring gamiting istimulo sa paglalarawan ng isang tao, lugar o pangyayari.
D. Pagbibigay ng mga angkop na Tungkuling Pangwika
2. Pagbasa
A. Pag-unawa at pagpapakahulugan ng salita
 Ang pagkilala ng salita ay isang panimulang kasanayan sa pagbasa.
 Paglalahad ng salita sa iba’t ibang konteksto o kalagayan
1. Pagkilala ng mga salitang magkakaugnay
2. Pagkilala sa mga salitang magkasingkahulugan
3. Pagsulat
1. Pinatnubayang Pagsulat (Guided Writing)
2. Pagsulat na ginagamitan ng pantulong na mga salita o parirala upang makabuo ng isang talata
Ang Pagsusulit sa Panitikan

A. Literal

 Nakatuon sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa babasahin. Ang mga kasanyang
kaugnay rito’y maaaring payak (1-3) o di kaya’y masalimuot (4-6).
1. Pagtiyak sa detalye
2. Pagtukoy sa paksang-diwa
3. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari
4. Alusyon sa mga salita, tao, lugar o pangyayari
5. Pagbabalangkas
6. Paglalagom o pagbubuod

B. Pagpapakahulugan

1. Natutukoy ang mga kaisipan ng akda na di tuwirang inilahad.


2. Nahuhulaan ang susunod na pangyayari; nakapagbibigay ng haypotesis.
3. Nabibigyang-kahulugan ang kilos,gawi at salita ng mga tauhan.
4. Nahuhulaan ang kalalabasan ng pangyayari.
5. Nabibigyang-kahulugan ang mga tayutay at mga simbolo.
6. Natutukoy ang mga impresyon kaugnay ng pandamdam, tono o himig ng akda.
7. Natutukoy ang sanhi at bunga ng pangyayari.
C. Mapanuri/ Kritikal na Pagpapahalaga

1. Nasusuri ang pinakamakatotohanan o di-makatotohanan ng mga pangyayari sa akda.


2. Nasusuri kung katotohanan o opinion ang inilahad sa akda.
3. Nasusuri ang kaangkupan ng mga kaisipan o pangyayari.
4. Napahahalagahan ang natas ng pagtanggap ng mga ideya, kaisipang inilahad sa akda.
D. Integratib/Paglalangkap

Klasipikasyon ng mga Kasanayan sa Pagbasa/Panitikan

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
 Kasangkot dito ang personal na pananaw, saloobon at pagpapahlaga (valuing) sa liwanag ng sariling
karanasan sa pagbasa.
II. Talasalitaan
A. Ayon sa pagkakagamit ng Akda
B. Ayon sa iba’t ibang Antas ng pagpapakahulugan
C. Kasigkahulugan at kabaligtaran
D. Konotasyon
E. Denotasyon

III. Pagpapahalagang Estetiko (Aesthetic Approach)


A. Pagtugong emosyonal sa nilalaman- paglalahad ng damdamin hinggil sa kawilihan, pagiging
masigla, pagkabagot, pagkainis at iba pa.
B. Paglalagay ng sarili sa mga tauhan at mga pangyayari sa akda.
C. Imahen- naipapahayag ng mag-aaral ang kanyang damdamin kaugnay ng mga masining na
kaparaanang ginagamit ng may-akda upang makita, maamoy, marinig at malasahan ng mga pahayag/
kaisipang inilahad sa akda.

GAWAING PAGKATUTO
Gawan ng sariling rubric o pamantayan sa pagtataya ang mga sumusunod:
A. Monolog
B. Pagsasatao (Role Playing)
C. Interbyu
D. Pagtatalo o Debate

PAGTATASA
Magsaliksik tungkol sa Mga Teorya at Praktika ng Multiple Intelligence.
a. pundasyon
b. 9 na uri ng multiple intelligence
c. mga material at pamamaraan sa pagtuturo ng multiple intelligence

SANGGUNIAN:
Batayang Aklat / Sangguniang Elektroniko
Abad, Marietta A. et al. (2001). Filipino bilang tanging gamit sa pagtuturo. Mandaluyong City: National Book Store.
Arrogante, Jose A. 2004. Kakayahang Pilipino sa komunikasyong filipino. Mandaluyong City: National Bookstore.
Badayos, Paquito B. 2012. Metodolohiya sa pagtuturo ng wika: Mga teorya, simulain at istratehiya. Metro Manila:
Granbooks Publishing,Inc.
Belvez, Paz M. 2000. Ang sining at agham ng pagtuturo. Quezon City: Rex Bookstore.
Guamen, Pructuosa C. et al., 1998. Tanging gamit ng Filipino. Quezon City: Rex printing , Company, Inc.
Ruedas, Priscilla C. et al., 2001. Paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo. Quezon City: National Book
Store.
Salandan, Gloria G. 2006. Methods of teaching. Quezon City. Lorimar Publishing Company.
Pagtuturo At Pagkatuto Gamit Ang Technolohiya. (2017). Paggamit at pag-uugnay ng teknolohiya sa pagtuturo
at pagkatuto. Retrieved from http://josecaminotabafa.blogspot.com/2017/09/angpagtuturo-ay-isang-
kumplikado.html
Kat, H. (2017). Paggamit ng mga modernong teknolohiya sa pagtuturo. Retrieved from
http://harlynkat.blogspot.com/
Elkan, M. (2017). Ang teknolohiya bilang gamit sa prosesong pagtuturo at pagkatuto. Retrived from
http://reynaldboholtarpen.blogspot.com/2017/09/ang-teknolohiya-bilang-gamit.html
Abad, Marietta at Pricilla Castaneta-Ruedas. 1996. Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo. Manila
National Book Store.
BelBelvez, Paz M. 2000. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila: Rex Book Store, Inc.
Pagkalinawan, Leticia C. 2006. Isang Malikhaing Pagtuturo ng Wika sa Pagdevelop ng Kasanayang
Pangkomunikativo: Mga Tunguhin at Estratehiya. Papel na binasa sa 9h Philippine Linguistic
Congress (25-27, Enero 2006) ng Department of Linguistics, Unibersidad ng Pilipinas.
Villafuerte, Patricio V. at Rolando A. Bernales Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Valenzuela City:
Mutya Publishing House Inc.,2008
www.ehow.com
www.homeroomteacher.com
www.pacificnet.net/~mandel/#edresources
www.projectdennio.blogspot.com

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.sparklebox.co.uk
www.youtube.com
http://harlynkat.blogspot.com/
https://www.slideshare.net/emmasarah790/mga-napapanahong-teknolohiya-at-kagamitan-sa-pagtuturo-ng-
panitikan-at-wika
pdfcoffee.com_modyul-1-paghahanda-ng-mga-kagamitang-panturo-at-tanaw-dinig-pdf-free.pdf

RUBRIK

Pamantayan sa Pagmamarka
Husay ng pagsagot sa mga katanungan……………………40%
Linaw ng pagsasalita at pagpapaliwanag………………….25%
Wastong gamit ng mga salita…………………………………..20%
Katatasan sa paggamit ng wikang Filipino…………….…..10%
Linaw ng Video at Audio…………………………………………..5%
KABUUHAN……………………………….100%

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO

You might also like