Professional Documents
Culture Documents
Panitikan Module (Week 9 - 10)
Panitikan Module (Week 9 - 10)
PANITIKAN
(WEEK 9 - 10)
✓ INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga pangunahing akdang pampanitikan sa Pilipinas. Sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ng iba’t ibang rehiyon malalaman ang nakatagong
kultura ng sinaunang panahon na maiuugnay sa kasalukuyan
Kognitibo Natutukoy ang Panitikang Filipino noon at hanggang sa kasalukuyan at naihahambing ang paglago at
paglinang ng mga akda ayon sa pagtalakay ng mga manunulat sa bawat panahon.
Naipapakita sa pamamagitan ng mga akdang Filipino ang magagandang kaugalian ng mga Pilipino
Apektibo
noon na maaaring makabuluhan pa sa kasalukuyan.
Psychomotor Nakapaglalahad ng iba’t ibang anyo ng akdang pampanitikan na sasalamin sa ating pagiging Pilipino.
✓ PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Ibahagi ang sariling kaalaman tungkol sa paksa.
✓ KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang panahon ng aktibismo ay uminit noong 1970-1972. Maraming kabataan ang mga naging aktibista upang
humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan sa mga kabataang ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad Ng Pilipinas.
Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan, marami sa kabataan ang naniniwalang di na
“demokratiko” kundi isa nang “gobyernong Kapitalista” ang umiiral sa ating bayan sapagkat damang-dama raw nila ang lalong
paghihirap ng mga mahihirap at lalong pagyaman ng mga mayayaman. Ang iba naman ay patuloy na nanalig na matatag ang
pamahalaang demokratiko at mga tao lamang na nagpapatakbo ng pamahalaan ang mga kakulangan. At ang iba naman may
paniniwalang dapat nang palitan ng “sosyalismo” o “kumunismo” ang bulok na pamahalaan. Iba’t ibang samahan ang naitatag
at nasapian ng ating mga kabataan ng panahong ito. May mga kabataang napabilang sa bagong hukbo ng bayan (New
People’s Army), may mga naging “Burgis” radikal o rebelde at mayroon ding mga nananatiling parang mga walang pakialam
sa takbo ng pamahalaan.
Sa kalahatan, maraming mga kabataan ang naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan.
Subalit sa kanilang pamamahayag hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng matinding damdaming Makabayan
upang mabigyang diin na rin ang kahalagahan ng kanilang kahiligan ay naging matalim at mabalasik ang panunulat ang ilan
nating kabataan. At dahil dito, kasama ng ilang rebeldeng manunulat, marami sa kanila ang nangapiit sa mga kampong
militar ng bansa.
Marami ring akda ang naisulat sa panahong ito ngunit dahil sa ang mga akda’y mahigpit na ipinagbawal sa una
palang na paglalathala at karamihan sa mga umakda’y kailangang lapitan pa’t makapanayam, ang pangangalapa at
pagpapahalaga ng mga akdang ito ay ipinauubaya na ng mga naghanda ng aklat na ito sa mga mananaliksik at palaaral.
Sa kabuuan, maraming kabataan ang nagbuwis ng buhay, nagpamalas ng buong giting sa pagtatanggol ng
Karapatan ng masang Pilipino, walang takot na suungin ang kamatayan basta maipaglaban lamang ang mga prinsipyo at
tunay na Karapatan.
3 salita na isinisigaw ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas tuwing nag-ra-rally.
1. Imperyalismo
- ang pagpapalawak ng lakas o impluwensya
2. feudalism
- mga suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan
3. facismo
- ang pagiging diktador o paggamit ng kamay na bakal at hindi paggalang sa karapatan ng kapwa
“Marahil madahop ang diwa ko upang isaulo’t ipaliwanag. Ang panaginip at kamatayan ng sanlaksang anak-pawis”
“Saksi ako sa palahaw ng mga dalagitang tila kinakatay na babaoy habang ginagahasa ng mga hayok na pulitiko’t negosyante”
“Sa sabuyan ng putik ng mga kongresistang pagkuwan, kapiling ang kani-kanyang alipures at tagapayong Puti ay nag-uunahang ibenta
ang bayan.”
“Ano ang silbi ng kabayanihan? Ng limos na laurel at ginto? Ipangalan sa iyo’y isang kalyeng baku-bako o kaya’y lumuting monumentong
ihian ng mga lasenggo.”
✓ KALIGIRANG KASAYSAYAN
Nagsimula ang Panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Nagpatuloy pa rin ang Gawad
Carlos Palanca sa pagbibigay ng patimpalak.
Halos tungkol sa ikauunlad ng bayan ang naging karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon
(Green Revolution), pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain (nutrition), “drug addiction,” polusyon, at iba pa. Pinagsikapan
ng Bagong Lipunan na maputol ang mga malalaswang babasahin, gayundin ang mga akdang nagbibigay ng masamang
impluwensiya sa moral ng mga mamamayan. Ang lahat ng pahayagang pampaaralan ay pansamantalang pinahinto, at
maging ang mga samahang pampaaralan.
Nagtatag ang Pamahalaang Militar ng bagong kagawaran na tinawag na “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” upang
siyang mamahala at sumubaybay sa mga pahayagan, aklat, at mga iba pang babasahing panlipunan.
Muling ibinalik ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa pagpapanibagong-buhay ang ating mga sinaunang
dula tulad ng Senakulo, Sarsuela, Embayoka ng mga Muslim at iba pa. Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines,
Folk Arts Theatre, at maging ang Metropolitan Theater ay muli rin niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng mga dulang
Pilipino.
Naging laganap din ang pag-aawit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga ipinadadala sa ibang bansa ay awiting
Pilipino rin ang inaawit. Ang mga lingguhang babasahin tulad ng Kislap, Liwayway, at iba pa ay malaki ang naitulong sa
pagpapaunlad ng panitikan. Naging lagusan ito ng manunulat upang mailathala ang kanilang mga akda. Tahasang masasabi
na naging maningning ang Panitikang Filipino sa panahong ito.
Naging paksa rin ng tula ang pagkakaisa, tiyaga, pagpapahalaga sa pamnasang kultura, ugali, kagandahan ng
kapaligiran, at iba pa. Kabilang sa mga nagsisulat ng tula nang panahong ito sina Ponciano Pineda, ang kasalukuyang
direktor ng SWP, Aniceto Silvestre, Jose Garcia Relevo, Bienvenido ramos, Vicente Dimasalang, Cir Lopez Francisico,
Pelagio Sulit Cruz, at iba pa.
MGA PELIKULA:
1. “Maynila…Sa mga Kuko ng Liwanag”
- sinulat ni Edgardo Reyes. Isinapelikula sa direksyon ni Lino Brocka sa pangunguna ni Bembol Roco.
2. “Minsa’y Isang Gamu-gamo”
- ang pangunahing bituin dito ay si Nora Aunor.
3. “Ganito Kami Noon…Paano Kayo Ngayon”
- pinangunahan nina Christopher de Leon at Gloria Diaz.
4. “Insiang”
- pinangunahan ni Hilda Coronel
5. “Aguila”
- pinangunahan ni Fernando Poe Jr., Jay Ilagan, at Christopher de Leon.
Ngunit hindi pa rin napahindian nang panahong ito ang mga pelikulang nahihinggil sa seks na kinagiliwan ng mga
tao. Mula sa mga inangkat na pelikula sa ibang bansa na natutungkol dito at maging ang mga pelikulang Pilipino ay ito ang
naging kasangkapan ng mga prodyuser sa pagkita ng salapi mula sa takilya.
MGA PAHAYAGAN:
1. Bulletin Today
2. Pilipino Express
3. Times Journal
4. Phil Daily Express
5. Peolple’s Journal
6. Evening Express
7. Balita
8. Evening Post
Sadyang nakahiligan nang basahin ng mga mamamayang Pilipino ang magasing Liwayway simula noong 1922.
Bukod sa Liwayway, ang ilan pang magasing mababasa nang panahong ito ay ang:
1. Kislap
2. Bulaklak
3. Extra Hot
4. Jingle Sensation
Bukod sa mga magasin, para namang mga kabuteng nagsisulpot ang mga komiks na siyang kinagigiliwang basahin
ng marami. Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Pilipino
2. Klasik
3. Hiwaga
4. Espesyal
5. Love Life
Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay ng Panitikang Pilipino na nanaluktok sa Bagong Lipunan ay ang mga
sanaysay, mga talumpati at tula.
✓ GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa paksang
tinalakay.
Pagnilayan at Unawain
Gawain 1: ANO SA PALAGAY MO?
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:
(40 puntos)
Panahon ng Aktibismo
1. Anu-ano ang mga dahilan ng pagiging aktibismo ng mga kabataan noon? Ano ang kinasapitan ng
pagkakaroon natin dito ng aktibismo?
______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
2. Tama nga ba ang sinabi ni Rizal na nasa mga kabataan ang pag-asa ng bayan? Patunayan.
______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
3. Anu-ano ang halos tatlong katangiang taglay ng mga tulang naisulat nang panahon ng aktibismo?
______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
4. Ano ang taglay ng mga komiks at iba pang babasahin nang panahong ito?
______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
6. Magbigay ng dalawang halimbawa ng mga “Slogan” na maririnig nang panahong ito. Ipaaliwanag ang bawat
isa.
______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
8. Magbigay ng ilang pahayag tungkol sa naging kalagayan ng radio at telebisyon nang panahon ng Bagong
Lipunan.
______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
✓ PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
PANITIKAN SA PANAHON NG AKTIBISMO
o 1970-1972 (Aktibismo)
o Maraming kabataan ang mga naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan.
o Marami sa kabataan ang naniniwalang di na “demokratiko” kundi isa nang “gobyernong Kapitalista”
ang umiiral sa ating bayan sapagkat damang-dama raw nila ang lalong paghihirap ng mga mahihirap
at lalong pagyaman ng mga mayayaman.
o Patuloy na nanalig na matatag ang pamahalaang demokratiko at mga tao lamang na nagpapatakbo ng
pamahalaan ang mga kakulangan.
o May paniniwalang dapat nang palitan ng “sosyalismo” o “kumunismo” ang bulok na pamahalaan.
o May mga kabataang napabilang sa bagong hukbo ng bayan (New People’s Army)
o May mga naging “Burgis” radikal o rebelde
o Mayroon ding mga nananatiling parang mga walang pakialam sa takbo ng pamahalaan.
o Pagkaka”deklara” ng Batas Militar (Martial Law) noong 1972
✓ PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Turan ang mga sumusunod:
(8 puntos)
HANAY A HANAY B
____ 1. Dalawang Tula a. Lamberto Antonio
____ 2. Anak b. Cinderella
____ 3. Minsa’y Isang Gamu-gamo c. Fernando Poe Jr.
____ 4. The Way We Were d. Segundo Esguerra
____ 5. Tatlong Awit ng Pagpuksa e. Bembol Roco
____ 6. Aguila f. Bienvenido Lumpera
____ 7. UP Repertory g. Edgardo Reyes
____ 8. Kalikasan h. Rolando Tinio
____ 9. Tales of Manuvu i. Hilda Coronel
____ 10. Sitsit sa Kuliglig j. Rico J. Puno
____ 11. Maynila…Sa mga Kuko ng Liwanag k. Nora Aunor
____ 12. Teatro Filipino l. Cirilo F. Bautista
____ 13. Mga gintong Kaisipan m. Freddie Aguilar
____ 14. Insiang n. Behn Cervantes
____ 15. TL Ako Sa Iyo o. Aniceto Silvestre
SANGGUNIAN:
❖ Espina, L.et.al. 2014. Literatura ng Iba’t ibang Rehiyon ng Pilipinas Ikalawang Edisyon. Maynila:Minshapers Co., Inc.
❖ Aguilar, R., 2014. Panitikan ng Pilipinas. Makati City:Grandwater Publication
❖ https://www.slideshare.net/daisypasobillo/pa-nahon-ng-aktibismo
❖ https://prezi.com/p/rx4d3anw-asc/panahon-ng-aktibismo/?fallback=1
❖ https://www.slideshare.net/marygraceconmigo/panahon-ng-bagong-lipunan