You are on page 1of 3

‘UGA ANG BATANG ULAGA”

Sa panulat ni
G. Chandi T. Santos
Sa isang Baryo na may pangalang Kakutud ay may isang batang ubod ng tamad mag-aral…
kinaiinisan niya ang pagbabasa… Siya ay nagngangalang Inigo…ngunit mas kilala siya sa
kanilang lugar bilang Intoy Ulaga…Tinagurian siyang batang ulaga sapagkat halos lahat ng
kaniyang nagagawa ay sumasablay o mali-mali…kaya madalas siyang pinagtatawanan ng
kaniyang mga kalaro….
Si intoy Ulaga ay madalas na nagkakamot ng ulo…na sumasagisag sa kanya na wala
siyang alam o mapurol ang ulo…madalas siyang nasisigawan ng kaniyang ina na si Aling
Charing sapagkat kapag si Intoy ay pinahawak na niya ng aklat ito ay nakakatulog ng
mahimbing… “ Intoy imulat mo ang iyong mga mata at tapusin mo ang iyong binabasa, bakit ba
tuwing pinapabasa kita ng aklat ikaw ay nakakatulog…gising Intoy kung ayaw mong lumaking
mangmang…pahalagahan mo ang pagbabasa” Ngunit kahit anong lakas ng pagsigaw ni Aling
Charing ay di pa rin nagigising si Intoy sa mahimbing na pagkakatulog…Kaya lumipas ang
maghapon at magdamag na walang natutunan si intoy sa nilalaman ng aklat.
Isang umaga sa kaniyang pagpasok sa paaralan, siya ay nasita ng kaniyang guro…”
Intoy halos dalawang oras ka ng huli sa iyong klase “ sita ng kaniyang guro na si Bb. Marikit…”
Nagkamali po kasi ako ng nasakyang dyip papunta dito sa paaralan…”,…” Siguro di ka na
naman nagbasa ng nakasulat sa dyip kung saan ito patungo kaya ka na naman nahuli sa
klase…Napayuko na lamang si Intoy at sabay kamot sa kaniyang ulo bilang tanda na tama ang
tinuran na dahilan ni Bb. Marikit …”Sige Intoy maupo ka na sa upuan mo at magsisimula na
tayo para sa pagsusulit sa araw na ito…” Wika ni Bb. Marikit.
Ngunit pagkalipas ng limang minuto ay unang nagpasa ng sagutan papel si Intoy, na sa
kaniyang pagpasa ng sagutang papel ay napatingin ang lahat ng kaniyang mga kamag-aral…
tingin ng pagdududa at may halong ngisi ng panlilibak.. Nagulat si Bb. Marikit dahil
nakapagpasa agad ng sagutang papel si Intoy…” Intoy sigurado ka bang tapos ka na sa
pagsagot sa pagsusulit” …pero tanging tangong may pag-aalinlangan lamang ang tugon ni
Intoy kay Bb. Marikit. Tapos na ang klase at oras na rin ng uwian ng mga mag-aaral sa
kanilang bahay.
Umuwi si Intoy sa kanilang bahay ngunit dumating siyang wala ang kaniyang nanay,
naalala niyang umalis ang kaniyang ina upang magtungo sa kabilang bayan para dalawin ang
kaniyang mga kamag-anak na nagdiriwang ng kapistahan ng San Agustin… gutom na si Intoy,
Tanging kaning lamig lamang ang mayron sa kusina at walang ulam na naihanda sa kaniya
ang kaniyang Ina kaya napilitan siyang magpirito ng itlog na lamang. Ngunit ng kumakain na
siya, ito ay kaniyang nailuwa ng dahil sa pait at kakaibang lasa. “ Bakit kay pait ng pinirito kong
itlog.” at patakbo siyang nagtungo sa lababo…sabay luwa sa naisubong pagkain pwe…pwe…
pwe…” at nagmumog siya agad ng tubig sa gripo…” Bakit bumubula ang niluluwa kong tubig
na pinangmumog…” napatingin siya sa botelya…binasa niyang pautal ang nakasulat na paskin
na isinulat ng kaniyang ina “ Sa-sa-bo-bong Pa-pan-la----ba …kaya naman pala mapait ang
pinirito kong itlog…dahil sa di muna ako nagbasa, sabong panlaba ang nailagay ko sa aking
ipiniritong itlog “ Nasambit na may halong pagkakamot sa kaniyang ulo…
Kinabukasan sa kaniyang pagpasok muli sa paaralan ay di nahuli si Intoy sapagkat
isinabay na siya ng kaniyang ina sa bayan at inihatid pa siya sa paaralan.
Naunahan pa ni Intoy ang kaniyang guro na si Bb. Marikit sa klase. Tumunog ang
kalembang sa paaralan na hudyat na magsisimula na ang klase sa araw na iyon at siya naman
pagdating ni Bb. Marikit. “ Magandang Umaga sa inyong lahat “ wika ni Bb. Marikit sa klase “
Magandang Umaga rin po sa inyo Bb. Marikit “ tugon ng buong klase sa guro.
Ipinamahagi na ni Bb. Marikit ang sagutan papel ng kaniyang mag-aaral sa nakaraang
araw ng kanilang pagsusulit at lumapit si Bb. Marikit kay Intoy at may sinabi ang guro kay Intoy
sa mahinang tinig na para lamang kay Intoy “Intoy mamayang uwian ay maiwan ka at
kakausapin kita” sambit ni Bb. Marikit “ Napatingin si Intoy sa kaniyang guro na tila may
pangangamba…dahil sa pangambang kaniyang naramdaman ay nabitawan niya sa sahig ang
sagutang papel niya na pinamahagi ng guro, at nakita ni Buloy na kaniyang kasiping sa upuan
ang resulta ng pagsusulit. “ Mamaya alam ko na ang uulamin ni Intoy Ulaga…nilagang itlog…
ilalaga niya ang itlog na nakuha niya sa pagsusulit kahapon” wika ni Buloy sa buong klase kaya
ang buong klase ay nagtawanan…hiyang-hiya si Intoy sa panunukso sa kaniya ni Buloy at lalo
pang nagpamula sa mukha ni Intoy ang malakas na tawanan ng kaniyang mga kamag-aral..
“Tatandaan nyo lagi na walang higit na tutulong sa inyong sarili kundi ang sarili nyo,
gamitin ang kahinaan upang palakasin ang inyong mga sarili upang di maging mangmang, kaya
pakilabas ang inyong mga aklat at basahin at unawain ang kwento ni “Uga ang Batang
Ulaga“ .“ Pagkatapos nyong mabasa ang kwento ay tatalakayin natin ito…susuriin kung anong
aral ang maaari nating matutunan.” Makalipas ang ilang minuto natapos ng basahin ng buong
klase ang Kwento ni “Uga ang Batang Ulaga”. “Ano ang natuklasan at natutunan nyo sa
nilalaman ng kwento” tanong ng guro sa buong klase at isa-isang nagtaas ng kamay ang mag-
aaral.
Camille Tayao: Ang pagbabasa ay wala pong halaga kung wala ang pag-unawa. Kung hindi
naunawaan ang binasa ay walang naganap na pagbasa dahil sa impormasyong nito
napapaunlad natin ang ating mga sarili at mas nalalaman natin ang mga bagay- bagay sa mund
Jairo Fabico: Ang pagbabasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga tao at
mag-aaral upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa araw-
araw na nagaganap sa ating buhay.
Bb. Marikit: Mahusay ang lahat ng inyong naging kasagutan, Isa pang katanungan…bilang
mag-aaral sa paanong paraan mo magagamit ang mga aral na nabasa sa kwento. Intoy o
Inigo…
Sa akin po..mahahalintulad ko ang aking sarili kay Uga na may katamarang magbasa…kaya
madalas na sumablay ang kaniyang mga gawain…ngunit ang pagbabago na kaniyang ginawa
ang mahilig magbasa ay aking tutularan…mula ngayon ay uugaliin ko na po ang mahilig sa
pagbabasa para maiwasan na ang pagkakamali at madagdagan ang aking kaalaman…dahil sa
pagwawalang bahala ko po sa kahalagahan ng pagbabasa madalas po akong sumablay gaya
ni Uga…katulad na lamang po kung bakit ako nahuhuli sa pagpasok sa klase…dahil di ako
nagbabasa bago sumakay ng dyip kaya nakasasakay po ako ng dyip na may maling ruta…at
dahil sa mga kaalaman at aral sa kwento ni “Uga ang Batang Ulaga” ako ay magbabago na at
lagi na ako magbabasa upang di maging mangmang…
Mahusay na kasagutan Intoy..aasahan namin ang pagbabagong ipinangako mo sa
amin at gagawin mo ito hindi para sa amin kundi para sa iyong sarili…” wika ni Bb. Marikit…
Simula sa araw na iyon ay nagbago nga si Intoy pinahalagahan na niya ang pag-aaral
lalo na ang pagbabasa at sa tulong ng kaniyang ina ay gumaling ng magbasa si Intoy at
nakakapasa na siya sa mga pagsusulit at lumipas ang ilang taon at siya ay nakatapos
ng kaniyang pag-aaral at naging guro siya sa pampublikong paralan at tuwing Sabado
at Linggo nagtuturo naman siya sa mga batang lansangan sumulat at magbasa…isang
gawain na walang hinihintay na kapalit at kahit lumipas na ang maraming taon ay
sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang kwento ni “Uga ang Batang Ulaga” na isang
kwentong babasahin na nagpamulat ng kaniyang isipan upang pahalagahan ang
pagbabasa na nagpabago ng kaniyang pananaw.., sa isang marangal at makabuluhang
buhay…

WAKAS…

You might also like