You are on page 1of 31

FILIPINO 10

I. LAYUNIN:

• Nailalahad ang katangian ng isang taong


may taglay na kasipagan.

• Nauunawaan ang kahalagahan ng pagiging


masipag.

• Naiuugnay ang nabasang salaysay sa ibang


tekstong nabasa, napanood, napakinggan o
naranasan.
Pagiging Masipag
Panuto: Suriin ang mga salita sa loob ng kahon. Bumuo ng isang salita na
may pitong titik mula sa mga salitang ugat sa loob ng kahon. Gamitin sa
pangungusap ang nabuong salita.

sipa     ipa       masa    sipag   gapi     asa       mapa   apa      ipa       mais    siga            gasa     gisa
Nabuong salita:

_____
__
Tanong:

Paano nakikilala ang pagkakakilanlan ng


isang tao o ng pamayanan batay sa
kanilang kasipagan?
Alam Mo Ba?

Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang


mapaunlad niya ang kanyang pagkatao. Ilan sa
mga palatandaan ng taong nagtataglay ng
kasipagan ay ang sumusunod:
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
• Naipamamalas ang kasipagan ng tao kapag siya
ay nakatatapos ng isang gawain na may kalidad.

• Sa pagiging masipag ng isang tao, siya rin ay


nagkakaroon ng iba pang mabuting katangian
tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya,
katapatan, integridad, disiplina at kahusayan.

• Sa pamamagitan ng kasipagan na iyong taglay


ay makatutulong ito upang mapaunlad mo ang
iyong pagkatao, relasyon sa iyong kapwa at sa
lipunang iyong kinabibilangan.
Samantala ang katamaran ang pumapatay sa
isang gawain, Ito ang pumipigil sa tao upang
siya ay magtagumpay. Ito ang hindi dapat
taglayin ng kahit na sino.
Taong may taglay na
katamaran:
• laging umaayaw sa mga gawain.

• Mabilis din siyang makaramdam ng pagod


tuwing siya ay may ginagawa.

• Madalas na hindi niya natatapos ang kanyang


mga gawain. Kung matapos man niya ito, ang
produkto o gawain niya ay walang kalidad.
PAG-UNAWA SA BINASA

1. ANO ANG KAHULUGAN NG KASIPAGAN?

2. BAKIT MAHALAGANG TAGLAYIN NG


LAHAT NG TAO ANG KASIPAGAN?
IPALIWANAG.

3. PAANO NAKASASAGABAL ANG


KATAMARAN SA PAKIKITUNGO NG ISANG
TAO SA KANYANG KAPWA?
Sa Siyudad ng San Fernando kung saan matatagpuan ang
Barangay San Pedro, isa sa pangunahing pinagkakakitaan ng
mga tao roon ay ang produksyon ng Suman sa Ebus. Bata,
matanda, lalake o babae ay mahusay sa pagluluto ng nasabing
kakanin.

Si Tecla at ang kanyang pamilya ay umaasa sa paggawa ng


Suman sa Ebus. Ito na ang trabahong kinagisnan ng kanyang
mga magulang. Dahil hindi naman mataas ang kita sa
pagsusuman, hindi nakatapos ng pag-aaral ang dalawang
nakatatandang kapatid na lalake. Ayaw ni Tecla na mangyari sa
kanya ang nangyari sa kanyang dalawang kuya. Tinamad na
silang mag-aaral at ibinuhos na lamang ang kanilang oras sa
paggawa ng suman.
Sa nakalipas na dalawang taon, nagkaroon
ng mabuting dulot ang pandemya sa
kanya. Natutuhan niya ang paggawa ng
suman. Kasabay ng kanyang paggawa ng
suman, patuloy ang kanyang pag-aaral.
Tinatapos muna niya ang pagsagot sa mga
gawaing pampaaralan sa bawat araw bago
kumuha ng mga sangkap sa paggawa ng
suman.
Ngayong napipinto ang pagbubukas ng
klase sa bagong taong panuruan,
pinaplano ni Tecla na balansehin ang
kanyang oras. Ayaw niyang magpabaya sa
kanyang pag-aaral lalo na’t siya ay nasa
Baitang 12. Hindi rin siya nais na bitiwan
ang paggawa ng suman dahil kahit paano
ay nakaiipon siya. Mahalaga ang
pagbalanse ng kanyang oras.
Panuto: Iugnay ang tauhan/ pangyayari/ tema sa
napanood na serye o pelikula, napakinggan mula sa
ibang tao, nabasang kuwento/nobela at sa sariling
karanasan. Gawin ito sa grapikong representasyon.
  Iugnay Iugnay Iugnay Iugnay
sa napanood sa sa nabasang sa sariling karanasan
na serye o napakinggan kuwento/nobela
pelikula mula sa ibang
tao

tauhan        
 

pangyayari        
 

tema        
 
Pangkatang Gawain
May kakayahan sa pagbuo ng tula/
spoken poetry/ sabayang pagbigkas
May kakayahan sa pagbuo ng
editoryal kartun
May kakayahan sa pagbuo ng dagli
Panuto: Paano maipakikita ng
sumusunod ang pagiging masipag sa
tungkuling iniatang sa kanila. Ipakita
ito batay sa inyong interes.
1. pangulo ng Pilipinas

2. pangalawang pangulo ng Pilipinas

3. mga mambabatas

4. alcalde at bise alcalde

5. kapitan ng barangay

6. guro

7. mag-aaral

8. kawani

9. anak

10. magulang
Rubrik 5 4 3
sa tula

tula/ Taglay Taglay Hindi


spoken nito ang tatlo o apat na nito ang dalawang ito nagtataglay ng anumang
poetry elemento ng tula. elemento ng tula. elemento ng tula.

nilalaman Tumpak Makatotohanan Kulang at hindi sapat ang


na tumpak at ang inilahad na paglalahad sa kasipagang
makatotohanan ang inilahad pagpapakita ng dapat taglayin ng taong napili.
na pagpapakita ng kasipagan kasipagan ng napiling
ng tao.
napiling tao.

Buong Kakikitaan Hindi


presentasyo kompyansang naitanghal sa ng pag-aalinlangan sa naitanghal nang maayos ang
n klase ang nabuong gawain. pagtatanghal sa klase. gawain dahil walang kompyansa.
 
Rubrik 5 4 3
sa dagli

dagli Binubuo Angkop Maikli


lamang ito ng 100 – 300 na salita ang tagpo at subalit hindi sapat na
at isinasaalang-alang ang diyalogo. Bagaman maunawaan ang
mensahe, tagpo at may damdamin, hindi mensahe, tagpo’t
diyalogo at damdamin. naman angkop ang diyalogo.
mensahe.

nilalaman Tumpak Makatotohanan Kulang at hindi sapat


na tumpak at makatotohanan ang ang inilahad na ang paglalahad sa
inilahad na pagpapakita ng pagpapakita ng kasipagang
kasipagan ng kasipagan ng napiling dapat taglayin ng
napiling tao sa pamamagitan ng tao sa pamamagitan taong napili.
mga simbolo. ng
mga simbolo.

presentasyon Buong Kakikitaan Hindi


kompyansang naitanghal sa klase ng pag-aalinlangan naitanghal nang
ang nabuong gawain. sa pagtatanghal sa maayos ang gawain
klase. dahil walang
kompyansa.
 
Rubrik 5 4 3
sa editoryal kartun

editoryal kartun Malinaw Makikita Hindi


na malinaw ang pananaw sa ang pananaw ngunit masasalamin ang
iginuhit na kartun at angkop kulang o labis ang mga pananaw at walang
ang mga simbolong simbolong ginamit. simbolismong ginamit.
ginamit.

nilalaman Tumpak Makatotohanan Kulang at hindi sapat


na tumpak at makatotohanan ang inilahad na ang paglalahad sa
ang inilahad na pagpapakita ng pagpapakita ng kasipagan kasipagang
kasipagan ng ng napiling tao sa dapat taglayin ng
napiling tao sa pamamagitan pamamagitan ng taong napili.
ng mga simbolo. mga simbolo.

presentasyon Buong Kakikitaan Hindi


kompyansang naitanghal sa ng pag-aalinlangan sa naitanghal nang
klase ang nabuong gawain. pagtatanghal sa klase. maayos ang gawain
dahil walang
kompyansa.
 
Paano mo maipakikita ang pagiging
masipag sa pag-aaral at sa mga
gawaing bahay kung nangingibabaw
ang iyong pagnanais na manood ng
mga vidyo sa FB, IG, YT?
Tandaan:
Ang bawat tao ay may mithiin.
Lahat tayo ay nagsusumikap na
maging magaling sa lahat ng aspeto
ng ating pagkatao upang mapaunlad
ang ating mga sarili. Ang pagiging
masipag sa lahat ng gawain ay
magiging daan upang makamit
natin ang ating mga mithiin. Ito ang
gawin nating sandigan upang
kalabanin ang katunggali ng
kasipagan, ang katamaran.
Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang mga pahayag
na wasto at malungkot na mukha sa mga pahayag na
mali.
_____1. Nagpapakita ng pagiging disiplina ang
taong masipag.
_____2. Maraming oras ang nasasayang ng
isang taong may katamaran.
_____3. Makikita sa taong masipag na
ibinibigay niya ang kanyang buong lakas at
husay sa lahat ng kanyang ginagawa.
_____4. Malaki ang maitutulong ng kasipagan
sa pag-unlad ng isang tao.
_____5. Laging umaayaw ang taong may
katamaran.
Gumawa ka ng isang linggong tala ng
iyong mga ginagawa na madali mong
nagagawa dahil sa iyong kasipan at ang
mga gawaing ipinagpapaliban mo dahil
sa iyong katamaran.

You might also like