You are on page 1of 9

SAINT JOSEPH ACADEMY

OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

MODULE NUMBER: 2-3 FIRST QUARTER


S.Y. 2022 - 2023

CLASS NUMBER: _____________________ SUBJECT:


Araling Panlipunan IX
NAME: _______________________________________________ TEACHER:
Gng. Myrna H. Alday

GRADE AND SECTION IX GOLD IRON


SJA Vision Statement SJA Mission Statement

The SJA Administrators, faculty and staff join The SJA, a recognized institution of learning
hands with the parents, alumni and its allies in commits itself for the upliftment, development, and
creating an educational environment that will develop integral growth of its learners. SJA provides learners a
in its learners the 21st century skills necessary to well-rounded education that will maximize their 21st
improve literacy, scientific and technical potentials that century skills and develop their total personality to
embodies love, loyalty and hope for the family, school, prepare them for higher educational pursuits and global
community and country.
competitiveness.

SJA Philosophy Statement

Saint Joseph Academy is a highly respected non-sectarian secondary institution dedicated to impart to the
students the respect in the individual needs of themselves and others. Thus, SJA believes that every student has
the right to learn and get a quality education.

SJA Goals and Objectives

Accepting its role as the second home of its students, SJA endeavors to:

 mold its students to be God-loving and God-fearing, in imitation of the virtues of St. Joseph while respecting all
religious beliefs existing in the community.
 direct the minds of students to become productive citizen with positive Filipino values, developing in them love
of family, community and country.
 strengthen the school-community relations through extension programs
 stimulate in each student a desire to maximize his own talent

SJA Core Values

S – Simplicity and Self Discipline (Kasimplehan at Disiplinang Pansarili)


J – Justice (Hustisya)
A – Acceptance and Asssertiveness (Pagtanggap at Pagtitiwala)
E – Excellence and Enthusiasm (Kahusayan at Kasipagan)
R – Rapport and Respect (Pagkakaisa at Paggalang)

- - - - - A STUDENT’S PRAYER - - - - -
Lord Jesus, I dedicate myself to you as a student
Thank you for all your blessings and graces, thank you for my parents, teachers, classmates and my school.
Enlighten me to realize the importance of education.
Always be there to guide me to overcome my faults, failures and frustrations that I may become more pleasing to you.
Cast out all evil spirits from me and all my educational materials and other elements that I may encounter during my
student life.
Help me to learn the right values and be able to achieve my goals in life.
Mold me in my growing years to develop my god –given skills and talents.
Empower me with the “gifts of the holy spirit” especially the gift of wisdom, knowledge and love.
I ask these in the mighty name of Jesus through the powerful intercession of Mama Mary.
Yes, Lord Jesus, teach me for you are the greatest teacher.
Amen.
Page 1
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Mga Pangunahing Konsepto


ng Ekonomiks

ARALI PAMAGAT PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG BILANG NG MODYUL


N BLG. PAMPAGKATUTO (MELCs) ARAW NG BLG.
PAGTUTURO
Kahalagahan ng  Natataya ang kahalagahan ng
2 Ekonomiks ekonomiks sa pang-araw-araw na Anim (6) 2-3
pamumuhay ng bawat pamilya at ng
lipunan

Sa araling ito, matututunan mo ang mga sumusunod:


PAMAGAT KASANAYANG PAMPAGKATUTO (LEARNING COMPETENCIES)
 Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay.
Kahalagahan ng  Nakabubuo ng konklusyon na ang kakapusan ay isang
Ekonomiks pangunahing suliraning panlipunan

ARALIN 2
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

INAASAHANG KASANAYAN
Upang mahusay na masagutan ang modyul at malinang nang lubos ang iyong pag-unawa, kinakailangang
tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:

TARGET SA PAGKATUTO
Sa pagtatapos ng modyul na ito, magagawa kong…
1. Mataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at
lipunan
2. Maipakita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay
3. Matukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay
4. Makabuo ng kongklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan
5. Makapagmungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan

Mahalagang Tanong: Paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa ekonomiks sa pagpapaunlad ng


iyong pamumuhay at ng iyong pamilya at lipunan?

Gawain SUBUKIN NATIN


1

PAGSUSURI NG LARAWAN

Page 2
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Suriin ang larawan upang masagutan ang mga pamprosesong tanong:

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong nahihinuha sa larawan?

2. Naranasan mo na rin ba itong gawin sa iyong buhay? Patunayan ang iyong kasagutan.

Unawain Natin

Kahalagahan ng Ekonomiks

 Ito ay gamit ng lahat upang makabuo ng tamang desisyon sa buhay ng isang indibidwal, pamilya o
pamahalaan.
 Nagbibigay ng kaalaman sa wastong paggamit ng likas na yaman.
 Hinahasa ang kakayahang magdesisyon sa wastong pagkonsumo at pagprodyus upang maiwasan
ang kakapusan.
 Nililinaw sa mamamayan ang kaugnayan ng mga patakaran ng bansa at ng ekonomiya.
 Sa paglutas ng mga suliraning pangkabuhayan ay nabibigyan ng pagkakataon o tyansa na
maunawaan ito at makabahagi ang mga mamamayan.

Page 3
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

 Ang mga prinsipyo nito ay magagamit upang timbanginn nang tama ang mga pamilihan bago
magpasya.

 Ito ay gamit sa pagpapanatili ng tamang badyet habang nakakamit ang pangangailangan. Ganito
ang ginagawa ng isang pamilya at nararapat lamang na ganito rin ang ginagawa ng pamahalaan.

 Mahalaga ang ekonomiks dahil ito ang nagbibigay kasagutan sa mga katanungang ating iniisip. Sa
pag-aayos at pagpaplano ng gawain sa ating tahanan ay gumaganap ng malaking parte ang
ekonomiks tulad na lamang sa aspeto ng pagtipid o pag-budget ng pera para matustusan ang mga
pangangailangan ng pamilya at makapagtabi nang sapat para sa mga hindi inaasahang pangyayari.

 Kung ang buong bansa naman ang pinag-uusapan, ang ekonomiks ang nagpapaalam sa atin ng
tunay na estado ng ating bansa base sa iba’t ibang solusyon o modelo na nadiskubre ng ilang
ekonomista.

 Dahil sa ekonomiks ay ating nalalaman kung paano susolusyunan ang kung ano mang trahedya at
hindi mabuting dinadanas ng ating ekonomiya. Ang estado ng ating ekonomiya ay siya ring
nagsasalamin nang sasapitin ng mga mamamayan sa kani-kanilang pamumuhay.

 Ang ekonomiks ang nagsisilbing gabay sa atin sa pang araw-araw upang ating malaman kung
anong susunod na yapak ang ating gagawin.

PAMPROSESONG TANONG
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks?
2. Ano ang kaugnayan nito sa pang-araw- araw na pamumuhay mo?
3. Paano makakatutulong sa iyong buhay ang kaalaman mo sa ekonomiks?

Unawain Natin

Kaisipang Nalilinang sa Pag-aaral ng Ekonomiks


 Nalilinang sa kaisipan ng mga kabataan na maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa kaganapan
sa ating lipunan upang higit na maunawaan kung paano ang mga pangyayari sa ekonomiya
 Ang mga kaisipang pampolitika, pangkabuhayan at pangmoralidad
 Nagkakaroon ng lubos na pang-unawa sa kaganapan sa lipunan.
 Magiging matalino sa pagsasagawa ng mga desisyon sa buhay

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Siyentipikong Pamamaraan

Pagtukoy sa Pagbibigay ng Pangangalap ng mga Pagsusuri ng mga Pagbibigay ng


Hypothesis Datos at Datos at Konklusyon at
Suliranin Impormasyon
Impormasyon Rekomendasyon

Pagpili at Pagdedesisyon
Individual Choice – Ang pagpapasiya ng isang indibidwal upang matugunan ang kaniyang
pangangailangan dahil sa limitadong pinagkukunang yaman
Page 4
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Social Choice - Ang pinagsama-samang pagpapasiya ng mga indibidwal, pangkat, organisasyon, at


pamahalaan ukol sa hakbangin upang matugunan ang mga pangangailangan ng buong lipunan
Economic Choice – May kinalaman sa desisyon ukol sa iba’t ibang gamit ng limitidong pinagkukunang-
yaman. Ang economic choice at economic decision ay halos magkatulad sapagkat ito ay isinsagawa ng
tao at pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan sa buhay at ekonomiya.
Opportunity Cost – Tumutukoy sa isinakripisyong halagang isang bagay upang bigyang- daan ang higit na
mas makabuluhang paggagamitan nito.
Trade - Off – Kapag isinakripisyo ang pagbili ng isang bagay upang makabili ng ibang produkto; ito ay
pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay.
Benefit-May kinalaman sa pakinabang na nakukuha mula sa ginagawang pagpili at pagdedesisyon ng tao.

PAMPROSESONG TANONG
1. Ano- ano kaisipan ang nakaimpluwensiya sa paglawak ng ideya ng ekonomiks?
2. Bakit kailangang magkaroon ng wastong desisyon ang tao at ang pamahalaan?
3. Lahat ba na opportunity cost ay may benepisyo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain ISAGAWA AT IBAHAGI


2

PLANO

Gumawa ng isang plano kung paano magagamit ang iyong kaalamang sa ekonomiks sa
pagpapaunalad ng iyong pamumuhay at ng iyong pamilya at lipunan.

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG PLANO


Pamantayan Deskripsiyon Punto
s
Kaangkupan sa Akma ang plano sa paksa ng gawain 5
tema
Paglalahad ng Mahusay na nailahad ang mga kaalaman sa ekonomiks 10
pananaw/kaisipa
n
Presentasyon Masining at malinaw na naipakita ang mga kaisipan 5
Kabuuan 20

Gawain SUBUKIN NATIN


3

Sariling Pagsagot:

Basahin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin ang ipinahihiwatig ng bawat isa.

Page 5
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

1. Balak ng isang magsasaka na doblehin ang dami ng kanyang itatanim na palay nang hindi
babawasan ang dami nang itatanim niyang gulay ngunit wala siyang karagdagang lupang
mapagtataniman.
2. Bibili ka sana ng notebook ngunit wala kang mabili dahil naubusan ng stock ang bookstore.
3. Nais mong makipaglaro sa iyong mga kapatid ngunit kailangan mo ding gumawa ng proyekto
kasama ng iyong mga kaklase.
4. Nais ng may-ari ng isang pabrika na dagdagan ang produksiyon subalit wala siyang mahanap na
pagkukunan ng karagdagang hilaw na sangkap.
5. May kailangang tapusing trabaho sa opisina si Ginoong Cruz ngunit kailangan din niyang
dumalo sa isang pagpupulong ng kanyang anak.

PAMPROSESONG TANONG
1. Anong kalagayan ang mahihinuha sa mga sitwasyon.
2. Alin sa mga sitwasyon ang naranasan mo na o may kahawig na naranasan mo na?
3. Paano mo tinugunan o hinarap ang ganong sitwasyon?

LINANGIN

Ang Bahaging Ginagampanan ng Kakapusan (Scarcity) sa Buhay ng Tao

Kakapusan – naglilimita sa pagtugon sa ating pangangailangan sa buhay. Ito ang nagtutulak sa tao na
gumawa ng matalinong pagpili at pagdedesisyon ukol sa mga bagay-bagay na nais makamit. Ang
kakapusan ang puso ng pag-aaral ng ekonomiks.

Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga pinagkukunang-yaman ay limitado upang matugunan
ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito ang pangunahing suliranin sa
ekonomiks, sapagkat likas sa tao na magkaroon nang napakarami at tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa buhay.

Ito ay tumutukoy din sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman na ginagamit sa


paglikha ng produkto. Ito ay kalagayan na kaakibat ng buhay ng tao na naglalarawan ng pagtutunggalian sa
paggamit ng yaman ng bansa upang matugunan ang mga pangangailangan. Ito ay laging umiiral sa isang
ekonomiya.

Kakulangan – Ito ay pansamantala lamang, maaaring sa maikli o mahabang panahon. Ito ay nagaganap
kapag ang mga prodyuser ay hindi makapag-supply ng mga produkto ayon sa kasalukuyang
pangangailangan ng pamilihan.Ang kakulangan ay isang kalagayan na panandalian lamang. Ito ay
maaaring gawa o likha ng tao. Ito ay nagaganap kung may pansamantalang pagkawala ng produkto sa
pamilihan at madalas na nangyayari sa ekonomiya.

Hoarding- pagtatago ng mga supply ng produkto na ginagawa na nagiging dahilan ng pagkukulang ng


supply ng produkto.

Mga Paraan Upang Malabanan ang Kakapusan

 Gamitin nang maayos ang mga pinagkukunang – yaman

 Bawasan ang sobrang paggastos ng mga tao.


Page 6
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

 Palaguin ang ekonomiya.

PAMPROSESONG TANONG
1.Bakit sentro ng pag-aaral ng ekonomiks ang kakapusan?
2. Bakit ang kakapusan ay nararanasan ng lahat ng bansa?

LINANGIN

Mga Pangunahing Katanungang Pang-ekonomiya

1. Ano ang gagawin?

Ang pagpili ng produktong gagawin ay naiiugnay sa konsepto ng production sa possibilities


curve (PPC) o production possibilities frontier (PPF)

Ito ay ang paglikha ng iba’t ibang produkto mula sa tiyak na dami ng pinagkukunang – yaman
sa isang takdang panahon.

Mga Posibilidad Palayan/Bigas Subdibisyon/Pabahay

A 100 0
B 75 25
C 50 50
D 25 75
E 0 100

SUBDIBISYON/PABAHAY

Page 7
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

2. Paano ito gagawin?

Anong paraan ang gagamitin sa paglikha: capital intensive technique o labor intensive
technique? Kapag capital intensive ang ginamit, maraming makinarya ang kakailanganin para
malikha ang mga produkto samantalang sa labor intensive , mas kailangan ang maraming
manggagawa para sa paglikha ng mga produkto.

3. Gaano Karami ang Gagawin?

4. Para Kanino ang Gagawin?

5. Paano Maipamamahagi ang Produkto?

PAMPROSESONG TANONG
1. Bakit pangunahing konsepto ng kakapusan ang production possibilities
frontier?
2. Ano ang kahalagahan ng PPF sa kakapusan?

Gawain Posibili-Graph.
4

Posibili-Graph. Bumuo ng graph batay sa datos na nakapaloob sa talahanayan. Isulat ang sagot
sa isang malinis na bondpapaer.

Ano ang inilalarawan ng talahanayan?

GAWIN NATIN

Serye ng Laarawan

Gumuhit ng serye ng larawan na nagpapakita kung paano mo malulutas ang suliranin sa kakapusan
sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Gawing pamantayan sa pagmamarka ang sumusunod na rubric.


RUBRIC SA PAGMAMARKA NG PANAYAM
Page 8
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang


Puntos
Nilalaman Malikhain,tiyak at detalyado ang lahat ng 7
impormasyon.
Detalye Maliwanag at nalinang nang mabuti ang mga 7
detalye.

Pagkamalikhain Malikhain at masining ang paglalahad. 6

Kabuoan
20

MGA SANGGUNIAN
 RBS Serye sa Araling Panlipunan, Kayamanan:Ekonomiks, Cosuelo M. Imperial, Arthur S. Abulencia,PhD,
Eleonor D. Antonio, Roel G. Lodronio, Celia D. Soriano
 Ekonomiks sa Makabagong Panahon; Charo B. Bon at Rosa Belle R. Bon
 Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad; Bernard R. Balitao, Godfrey T. Dancel, Joel B. Mangulabhan, Romina
Lou B. Martin, Mariam Soraya P. Tuvera at Jackson L. Ubias
 PIVOT 4A Budget of Work (BOW), 2020
 www.google.com

Page 9

You might also like