You are on page 1of 1

Alamat ng Batangas

Kung saan nagmula ang pangalan ng mayamang lalawigan ng Batangan na ngayo’y lalong kilala sa
tawag na Batangas,
ay siyang inihayag ng maikling alamat na ito.
Matagal nang panahon ang nakalipas nan gang isang pangkat ng mga Kastila ay maglibot sa isa sa
mga lalawigan sa may timog sa Gitnang Luzon.Nang mga panahong iyon ay wala pang mga sasakyan kagaya ng
awto,trak o dyip na tulad ngayon kaya ang nagsisipaglibot na pangkat ng mga Kastilang iyon ay nagsisipaglakad
lamang.
Nakarating sila sa mga pook na naggugubat sa sari saring halaman at sa kapatagang tinutubuan ng
iba’t ibang punong kahoy.doon sila nakakita ng kape,kakaw,abokado,suba,dalandan,dayap at kalamansi.Tangi
sa isang kagandahan ng kalikasan iyan ang mga Kastilang iyon ay nakarating pa rin sa isang malinaw na batis na
may kaaya-ayng agos ng tubig.Kaya’t libang na libang sila sa magagandang tanawin na kanilang namamasdan
hanggang sa makarating sila sa isang pook na napakadlang ang bahay.
Sa kahabaan ng paglalakbay ang pulutong ng mga Kastila ay inabot ng matinding gutom.Sa gayon ay
nagpatuloy pa sila sa paglalakad sapagkat hangad nilang makasumpong ng mg ataong mahihingan ng kaunting
pagkain.
Hindi naman natagalan at sa kalalakad nila ay nakarating sila sas isang pook na may ilang taong
gumagawa ng batalan ng isang bahay.Hindi nalalaman ng mga Kastila na ang nagsigawa ng nasabing batalanay
pawing bataris lamang na ang ibig sabihin ay walang upa ang nagsisigawng anluwage.Iyan ay isang kaugalian
ng mga Pilipino sa diwa ng kusang pagtutulungan na maipagmamalaki sa dulong silangan.
Ang mga Kastila ay lumapit sa mga taong yaon,na sa palagay nila ay mababait at mapitagan.Hindi
naman nagkabula ang kanilang palagay sapagkat ng mapansin ng mga iyon na sila ay pagod at gutom ay
binigyan sila ng pagkain. Gayon na lamang ang kanilang pasasalamat at habang sila’y nagkakainan ay sila-sila
na rin ang naguusap tungkol sa kagandahang loob ng mga Pilipino.
Nang ang mga Kastila ay makakain,bago umalis at nagpaalam ay magalang na nagtanong ang
pinakapinuno nila sa
Mga tao.”Como sellama este provincial?”Bagamat ang itinatanong ng punong Kastila ay kung ano ang
pangalanng lalawigang iyon sa dahilang ang tanong ay binigkas sa wikang Kastila,hindi sila naunawaan ng mga
tao.Ang akala ng mga tao ay kung ano ang kanilang ginagawa kaya siya ay nangahas na sumagot”batalan
Senyor”Batalan?ulit na tanong ng mga Kastila.Sabay-sabay na tumango ang kaharap ng mga tao kaya tang
akala ng pinuno ay iyon na ang ngalan ng lalawigan.Hanggang sa umalis ay inusal usal ang salitang Batalan.
Nang dumating sila sa kanilang kwartel,dahil sa kalituhan sa kauusal sa salitang batalan ang naibigay tuloy
sa kanilang pinakamataas na pinuno ay ang katagang batangan.At mula nga noon iyon na ang nagging
pangalan ng nasabing lalawigan,na kaya lamang napalitan ng BANTANGGAS ay sa dahilang ang salitang
Batangan ay hindi mabigkas na mabuti ng mga Kastila.

You might also like